Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa panahon ngayon, kung saan patuloy na umuunlad ang teknolohiya, nagiging paraan na din ito

bilang paglilibang ng mga kabataan. Ang pagkakaroon ng access sa iba't ibang uri ng modernong
teknolohiya, tulad ng mga smartphone, tablet, at computer, ay nagbibigay daan sa kanila upang mas
madaling makipag-ugnayan sa iba, mapalawak ang kanilang kaalaman, at maging mas produktibo sa
kanilang mga gawain. Gayunpaman, mayroon ding mga banta sa kalusugan na kaakibat sa labis na
paggamit ng mga teknolohiyang ito, kabilang ang pisikal na kawalan ng ehersisyo, hindi maayos na
postura sa paggamit, at iba pang mga epekto sa pisikal na kalusugan.
Ayon sa pag-aaral nina R. Mustafaoğlu et.al., (2018) Ang pagtaas ng paggamit ng mga modernong
teknolohiya, tulad ng telebisyon, smartphone, tablet, at computer na umunlad nang husto sa nakalipas
na dekada na maaring maging kapaki-pakinabang ngunit mayroon ding panganib sa kalusugan ng
kabataan dahil sa paraan ng paggamit nila ng mga ito. Tila hindi angkop ang paggamit nila ng mga
teknolohiyang ito sa aspeto ng tagal, pagkadalas, at posisyon na kanilang paggamit ay maaring magdulot
ng panganib sa kalusugan, tulad ng problema sa paglaki, problema sa postura, kakulangan sa ehersisyo,
at kakulangan sa pagtulog. Ayon dito, may negatibong epekto ang paggamit ng mga modernong
teknolohiya sa pisikal na kalusugan ng mga kabataan. Isa sa mga dahilan ng paggamit ng mga
teknolohiyang ito ay ang paglilibang tulad ng panonood ng telebisyon at paglalaro ng mga video games.
Sa tagal ng paggamit ng mga teknolohiyang ito, hindi na pinagtuunan ng mga kabataan ang kanilang
kalusugan.
Ayon naman sa pag-aaral nina E. Domoff et.al., (2019) Marami na ang nagkakaroon ng access sa
mga modernong teknolohiya tulad ng mga mobile devices sa nakalipas na dekada. Sinuri nila ang mga
literatura hinggil sa mga negatibong epekto ng labis na paggamit ng mobile device sa kalusugan ng
kabataan. Natuklasan nila na maraming ebidensya ang nagpapatunay na may negatibong epekto ang
labis na paggamit ng mobile device sa kalusugan ng kabataan tulad ng paglabo ng mata, pananakit ng
ulo, at hindi magandang postura. Ayon sa pag-aaral na ito, mayroong negatibong epekto ang labis na
paggamit ng mga mobile device na isa sa mga modernong teknolohiya sa pisikal na kalusugan ng
kabataan tulad ng pananakit ng ulo, paglabo ng mata, at hindi magandang postura. Ang mobile device ay
isa sa mga ginagamit bilang libangan ng kabataan ngayon.

You might also like