Silay Fil8 FS Q2 Lesson Exemplar 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Integrated Lesson Exemplar in Filipino 8, Kwarter 2 , Linggo 1

Pagpili ng mga Pangunahin at Pantulong na Kaisipang


Nakasaad sa Binasa

Tanggapang Pansangay : Baitang 8


Guro : Asignatura FILIPINO

Petsa at Oras ng Kwarter 2(1 oras)


Pagtuturo :

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikanng lumaganap sa panahon ng
Pangnilalalman Amerikano, Komonwelt, at sa Kasalukuyan

B. Pamantayan sa Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
Pagganap
C. Layunin Napipili ang mga pagunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa. (F8PB-IIa-b-24)

D. Enhanced Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasang tula tungkol sa pagtatanim.
Competency

II.Paksa Nilalaman Pagpili ng mga Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa

III. Learning
Resources
A. Mga Sanggunian Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 230
Mga Sariling Katha
Obsiana, Gemma B. (2020). Binago ng Pandemya. Hindi nailathang tula.
Obsiana, Gemma B. (2020). Bulong ng Pag-asa. Hindi nailathalang tula.
Dao-ang, Gypsy B. (2021). Matutong Magtanim. Hindi nailathang tula.

1. Learner’s LAS 1 sa Fillipino 8


Materials pages Kwarter 2, Linggo 1 Melc 1

IV. Mga Pamaraan Gawain ng Guro


Panimulang Gawain  Panalangin
 Pagkuha ng Attendance
 Pagbalik – Aral
A. Pagtuklas Sa araling ito ay pag-aaralan natin kung ano ang pangunahin at pantulong na mga kaisipan at kung paano ito
mapipili/matutukoy sa akdang binasa lalo na sa isang tula. Mahalagang matukoy mo ang pangunahin at
pantulong na mga kaisipan ng isang akda sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang diwa ng isang
babasahin.
Makatutulong dito ang kaalaman sa pamaksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/diwa
ng bawat talata at ang mga suportang detalye na nagpapalawak at nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap.

B. Paghahabi sa Sa tula, ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa pinakamahalagang kaalaman, mensahe pananaw at
Layunin ng saloobing nais iparating ng akda. Samantalang ang mga pantulong na kaisipan naman ay mga detalyeng
Aralin makatutulong upang higit na maging malinaw ang mensahe ng isang akda. Ang mga kaisipang ito ay
sumusuporta sa pangunahing kaisipan upang mahimay ang kabuuan ng akdang binasa.
Pagganyak
Basahin at pag-aralan ang kasunod na halimbawa ng sariling kathang tula.

C. Paglalahad ng Bulong ng Pag-asa


Layunin ni: Gemma B. Obsiana
Marami akong iniisip ngayon,
Mga alalahaning dulot ng panahon;
tumutulak sa akin upang mas lalong tumawag sa Diyos,
Kumuha ng lakas sa Kaniya at sa mga minamahal kong lubos.
Ano ang naghihintay bukas?
Kung ngayo’y malabo ang aking namamalas;
Ngunit unti-unti naririnig ko ang Kaniyang bulong,
May bukas na naghihintay, tayo ay aahon.
Ano nga ba ang magagawa ng isang kabataang tulad ko?
Nangangarap lamang ngunit mahina ang mga buto;
At ang munting tinig ay narinig ko na naman,
Ako raw ang lakas at pag-asa ng aking bayan!

Ngayon ay himay-himayin natin ang bawat saknong ng tulang iyong binasa.


Ano ang ipinahihiwatig o nais sabihin ng unang saknong?
Sagot: Maraming iniisip at mga alalahanin ang persona sa tula ngunit kumukuha siya ng lakas sa Diyos at sa
kaniyang pamilya.
Sa ikalawang saknong, ano ang nais sabihin ng persona sa tula?
Sagot: Sa kabila ng kaniyang mga alalahanin, may tinig na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa.
Sa huling saknong ng tula, ano ang nais sabihin ng persona?
Sagot: Sa kabila ng kaniyang pagdududa, natuklasan niyang siya ang pag-asa ng kaniyang bayan.
Ngayong tapos na nating himayin ang bawat saknong, buoin natin ang pangunahing kaisipan ng tula. Sa
kabuoan, ano ang pangunahing kaisipan ng akdang binasa?
Pangunahing Kaisipan ng tula: Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang kabataan sapagkat siya mismo ang pag-
asa ng bayan.

D. Paglinang ng Ngayon naman ay alamin natin ang mga pantulong na kaisipan o mga detalye ng tula. Anong mga kaisipan
Aralin ang sumusuporta sa ating pangunahing kaisipan batay sa tula?
Pantulong na mga kaisipan:
1. Maraming takot at mga alalahanin ang kabataan dahil sa mga nangyayari ngayon.
2. Pagdarasal sa Diyos at pagmamahal ng kaniyang pamilya ang kaniyang sandalan.
3. Nawawalan na ng pag-asa ang kabataan ngunit may nagpapalakas ng kaniyang kalooban.
4. Alam niya ang kaniyang mga kahinaan ngunit natuklasan niya ang kaniyang kalakasan.

E. Pagpapalalim 1. Panuto: Basahin at unawain ang mga tulang may pamagat na “Binago ng Pandemya” at ang “Matutong
Magtanim” gawin ang mga kasunod na gawain.
Ngayon ay basahin mo ang Tula na may pamagat na “Binago ng Pandemya” at “Matutong
Magtanim”.

Binago ng Pandemya
ni: Gemma B. Obsiana
Mabilis na pamumuhay, halos walang tulogan,
Bahay, trabaho, negosyo, gala na kabilaan;
Ngunit sa di inaasahan, nagbago ang tanan,
Mundo’y halos tumigil sa pagkilos, lahat nagulumihanan!

Nagsimula sa Wuhan China, mga bansa’y halos sinakop,


COVID-19 bukambibig, lahat ay natakot;
Nahinto ang trabaho, quarantine ay sinubok,
Pamilya’y nagsama-sama, hirap at gutom ay inabot.
Maraming nabago sa paglaganap ng pandemya,
Ang dating normal na pamumuhay , ngayo’y ibang-iba;
Maging mga simbahan at paaralan temporaryong isinara,
Nauso ang online na pamimili at birtwal na pagsisimba.
Milyong buhay ang inutas ng virus na walang habas,
Hindi nakikita ngunit nakamamatay ang lakas;
Maunlad man na Siyensiya nagdadalawang-isip, umaatras,
Maging mga manggagamot di nakaliligtas!
Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, halos lahat nagtutulungan,
Mga bansa’y nagpapaunahan din upang vaccine matuklasan;
Nagkukumahog ang lahat upang COVID-19 matuldokan,
Naninikluhod sa Diyos upang Kaniyang kaawaan.
Habang tayo’y patuloy na nakikibaka sa di-nakikitang kalaban,
Hindi dapat matigil ang pag-aaral ng kabataan;
Sa new normal, blended learning modality ang pagsusumikapan,
Upang karununga’y patuloy na isulong para sa edukalidad ng bayan!

Matutong Magtanim
ni: Gypsy B. Dao-ang

Sa pandemyang ating dinaranas sa ngayon,


Sipag at tiyaga ang kailangan upang maka- ahon;
Kailangan ang pagkain , panlaman-tiyan,
Kaya’t simpleng gulay itanim sa bakuran.

Ihanda ang mga kasangkapan sa pagtatanim,


Dulos, pala, piko’t bota ay ating dalhin;
Sa bakanteng lote ay magpunla, binhi ng mga gulay.
Hindi mag tatagal, ito’y yayabong at magaganda ang kulay.

Huwag kaigtaanng matutong magtanim,


Simplenggulay, masustansiyang kainin;
Katawan at isipan ay sisigla,
Sa bugso ng iba’t-ibang sakit tayo ay handa.

Matutong magtanim, ikaw man ay isang bata o mag-aaral pa,


Upang sa susunod na mhga herenasyon ikaw ay may maipapasa;
Magtanim man daw ay di biro, pero huwag sumuko,
Tulad ng mga pananim, sa tamang pag-aalaga buhay ay lalago.

F.Paglinang sa ( Mag-bibigay ang guro sa mga mag-aaral ng mga tanong kaugnay sa dalawang tulang kanilang binasa.
Kabihasaan ng Tatalakayin ang pagkakaiba ng tula.)
Aralin
G. Paglalapat Ibigay ang pangunahing kaisipan sa tula at magbigay ng anim na mga pantulong na kaisipan. Isulat ito sa
iyong sagutang papel. Magiging batayan ang rubrik sa ibaba sa iyong paggawa.

H.Paglalahat Upang maging madali para sa iyo ang pagtukoy ng pangunahin at pantulong na mga kaisipan sa binasang
tula, sagutin ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang isinasaad ng una hanggang huling saknong ng tula?
I. Pagtataya Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Bakit nagbago ang pamumuhay ng mga tao?
2. Ano ang nararanasan ng mga tao dahil sa COVID-19?
3. Paano mag-aaral ang kabataan kahit may pandemya?
4. Paanu mapapanatili ang magandang kalusugan ngayong may pandemya?
5. Bakit kailangang kahit bata pa matutong magtanim ng gulay?

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

A. Organisasyon ng mga ideya 5 puntos


B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUOAN 15 puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4- Mahusay 2- Di mahusay

J.Karagdagang
Gawain
Mga Tala
Pagnilay Ano ang iyong natutuhan sa araling ito? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Inihanda:
Gypsy B. Dao-ang
Angeles J. Montinola Farm School - Teacher – I

You might also like