Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Living in the Dreamland

Characters:

Aimilia Thalia- Lia


Yuna Eliane- Yuna
Wiletta Xiayide - Xia
Harumuegz - Haru

Mas gugustuhin ko pang matulog nalang buong araw kesa pumasok at magtrabaho.
Isasapanaginip ko nalang kaya ang mga dapat kong gawin, buti pa sa panaginip
makukuha mo
lahat ng gusto mo plus ikaw pa ang bida. Paano kung makakapasok ako sa mga
panaginip ko? Paano kung nasa loob ako ng mga panaginip ko? Pero paano?

Umuwi akong pagod at wala ng ibang gustong gawin sa bahay kundi dumiritso nang
matulog, hindi ko pa napapalitan yung suot kong damit nang binagsak ko na ang
sarili
sa 'di gaanong malambot na kama.

Namulat ako sa sinag ng araw na dumapo sa aking mukha kaya napagising ako ng wala
sa oras.

"Good morning iha, bumangon ka na at maligo dahil ngayon ang unang araw mo sa
skwela." napatulala ako sa maamong mukha ng nasa qorentang edad na lalaki, nakasuot
siya ng
magarang tuxedo at maayos na porma pang ibaba, may magara siyang suot na relo at
isang itim na bag na hugis rectangle. Ngumiti siya at iniwan akong mag-isa, tumayo
ako at
dumiritso sa isang napakalaking banyo. Hinubad ko na ang aking damit mapataas pati
pambaba. Inopen ko ang isang button nalito pa ako kung para saan ito ginagamit kaya
pagka-on
ko ay napaso ako, mainit pala iyon kaya inopen ko ulit yung isa at ito naman ay
napakalamig.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako, namangha ako sa laki ng bahay.


Dumiritso ako sa kusina at nakita ko naman ang lalaki na gumising sa akin kanina.

"Oh, halika na Yuna sabayan mo na ang daddy mo sa pagkain. Tamang-tama niluto ko


ang paborito mong tapa." sabi sa akin ng nakasuot pang yaya na matandang babae,
hinatid niya
niya pa ako sa upuan katapat ng kuno daddy ko.

"Bakit wala ka sa sarili mo anak? hangover ka ba? huwag mong sabihin na naglasing
ka na naman kagabi?" napalaki ang mata ko, anong sinasabi nito na hindi nga ako
mahilig sa alak,
baliw ba 'to.

"Ah-eh hindi naman po, naninibago lang." opo naninibago ako, talagang hindi ko
lang po kayo kilala. hihi.
"Oo nga Alfredo, nanibago lang si Yuna hindi kasi siya sanay na nandito ka puro ka
kasi business ayan tuloy." sabi ng matandang yaya.
"Ay ganun ba? Pasensya ka na sa daddy mo anak palagi akong wala hayaan mo ako
maghahatid sa'yo ngayon sa paaralan." ngumiti siya sa akin at uminom ng kape.
Ngumiti nalang din
ako at agad nang kumain.
[SCHOOL]

Pagkababa ko palang ng kotse ay agad akong nagbow at nagpaalam sa daddy ko, may mga
studyante ding tumitingin sa gawi ko at nagbubulong-bulungan. Lumakad ako kahit
hindi
ko alam kung saan ako pupunta.

"Yuna! Yuna! Yunaya!"


"Yuna!"
"Yuna!"
gulat kong tingin sa tatlong paparating na isang lalaki at dalawang babae, ngumiti
ako ng malapad sakanila na hindi ko alam kung bakit ni hindi ko naman sila kilala.

Niyakap nila ako pagkalapit..

"I miss you Yuna, kumusta ka na?"


"Anong department ka nag-enroll, classmate ba tayo?"
" Anong section mo Yuna?"

"Sandali lang, I can't breathe.." sino ba naman makakahinga na nileeg ka nila.


"Ay char sorry na.. oh kumusta ka na ba?"
"I'm alive so I'm okay." hindi ko alam na englishera pala ako.
"We've heard about the operation? Okay ka na?" hindi ko alam pinagsasabi nila kaya
sige push ko na.
"Namiss ka namin girl, tara tignan natin anong department ka."
" Eh kayo ba, anong department kayo nag-enroll?"
"Teh, pangarap ko maging social worker kaya social worker kinuha ko."
"Ako din Yuna."
"Ako? tao charot. social worker din kinuha ko." sabi nilang tatlo, ewan ko kung
anong kurso ang kinuha ko baka si daddy ang nag fill-up sa akin nung enrollment.

"Tara icheck nalang natin sa bulletin board." at dinala nga nila ako sa kung saan
ang bulletin board, nakita ko namang naka enroll ako sa social work? bali apat
kaming nasa social work?
balita ko high standard itong paaralan namin incomes to social work dahil top 7
ito sa top performer sa board exam. Patay!

"Hoy gagi nasa section 1 tayo, HAHHAHA yehey!"


"Gaga, yehey ka diyan? mahirap kaya ang social work."

Dahil first day ngayon wala muna masyadong pasok dahil chismiss pa ang una ng mga
professor namin, chismiss nila sa buhay at yung iba namang professor ay bukas pa
papasok kaya
niyaya ako ng tatlo kong kaibigan na pumuntang cafe dahil tanghalian na din naman.

Nagulat ako sa wallet na nasa loob ng bag puno ito ng tig-iisang libo na hindi ko
mabilang sa sobrang dami plus may mga atm pa. Sa sobrang gulat ko ay natiklop ko
ito at ibinalik sa loob ng bag ko.

"Oh? anong nangyare sa'yo? Don't you worry libre na ni acckla ito, mayaman 'yan
nakailang customer yan kagabi."
"Baliw! baka binigyan lang ako ng mommy ko?"
"Same pa din ba oorderin Yuna?"
"Huh?" anong same?"
"Yung paborito mo pa din ba? sige-sige, hanap na kayo ng bakanteng upuan kami na
bahala dito ni Lia."

Kaya iniwan namin sila, doon kami umupo malapit sa may bintana na sabi ay paborito
naming upuan. kilala na pala kami dito dahil dito raw kami palagi tuwing tanghali
at sa uwian.

"Kumusta na pakiramdam mo Yuna? Bakit hindi kana productive? namiss ko tuloy yung
dating Yuna." pout na sabi niya, bakit ano bang nangyari sa akin?
"Huh? bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Balita ko inoperahan na iyang heart mo, kaya kinakamusta kita? okay ka na ba?
hindi na ba sumasakit iyan?"
"hmmmm..." niraramdaman ko ang aking puso, normal naman siya.
okay naman siya"
"hayss buti naman, pero bakit hindi mo kami naalala?" pout niyang tanong ulit.
"Ewan nga eh, sorry."
"Ah basta ako si Xia, yung dalawa ay si Haru at Lia hihi, kaya huwag mo kaming
kakalimutan ha? 4 years na tayong bestfriends, tayong apat." sabi niya.ngiti nalang
ang tugon ko

Nang dumating na ang mga pagkain na inorder nila ay agad naman namin inubos.
Hapon nang nakauwi ako ng bahay, maaliwalas pa din ang buong bahay kahit na
nakapatay lahat ng ilaw dahil din ito sa napakalaking bintana. Wala akong
nakikitang tao sa ngayon
baka ay nagpapahinga ang mga yaya's at hindi ko din nakikita si daddy siguro ay
nasa trabaho. Gusto kong alamin ang pagkatao ko kung sino ako yung totoong ako.

Dahil wala akong masyadong trabaho ay inikot ko nalang ang napakalaking bahay, at
nagsimula nga ako sa labas.
Malapit sa gate ay merong halllway papasok sa garahean ng mga sasakyan namin,
pagkalingon mo sa kanan ay makikita ang namumukadkarang mga bulaklak na alam ko ang
tawag nito
ay tulips, paborito kong bulaklak, sa kaliwa naman ay ang mga tanim na nasa lima na
ang alam kong tawag ay bonsai. Pumunta naman ako sa likuran at napahanga ako dahil
may
katamtamang laki na swimming pool hindi ko akalain na meron pala kami nito, may
isang bahay-bahayan na kulay puti pareho ang desinyo nung kay Athena na nababasa ko
sa
Greek Mythology ito ay may isang upuan sa gitna, ito yung makikita ko lang sa tv.
Sa kabuuan, mansion ang bahay kinulayan ito ng buong puti at sa loob naman ay kulay
itim.
Kahit itim ang kulay sa loob ay makikita mo padin ang lahat, maaliwalas at hindi
madilim. Sa sobrang pagod ko ay tinapon ko nalang ang sarili sa isang malaking sofa
at hindi ko alam
kung ano ang sunod na kaganapan.

You might also like