Professional Documents
Culture Documents
2nd PT - ESP9
2nd PT - ESP9
2nd PT - ESP9
Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
PALAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Palapas, Ligao City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Ikalawang Pamanahunang Pagsusulit
I. MARAMING PAGPIPILIAN. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at pangungusap. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit
3. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket
upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng
iba pang mamamayan
4. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo C. Pagpatay sa sanggol
B. Pagbabayad ng utang D. Diskriminasyong pangkasarian
5. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi
pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang
kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan
C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na
6. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
A. Sa paggawa ng moral na kilos C. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos
B. Dahil tao lang ang may isip D. Dahil tao lang ang marunong kumilos
8. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan sa _______.
A. pribadong ari-arian C. bumili ng mga ari-arian
B. mag-impok sa bangko D. umangkin ng ari-arian
9. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.
A. pag-iisip ng pagsisisi B. pananagutan C. damdamin ng pagsisisi D. pagmumuni
10. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang
gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may
kapansanan
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya
nakakahanap ng lugar sa kainan
11. Ang _____ ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa
kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
12. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang ________________.
A. magtrabaho o maghanap buhay C. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay
B. pumunta sa ibang lugar D. mag-abroad
13. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang pagsasama.
Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila. Pinagsikapang
magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang kanilang karapatang
____________________.
A. Mag-asawa C. Magkapagtrabaho
B. Magkaroon ng pribadong ari-arian D. Makapumunta sa ibang lugar o bansa
14. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay _________________.
A. bagay na pansarili lamang C. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao
B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang D. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang tao
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?
A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw
B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman
D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan
16. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan C. Mataas na tiwala sa sarili
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
17. Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, pamilya, at lipunan na kaniyang
kinabibilangan?
A. Kapag iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapuwa.
C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapuwa
D. Lahat ng nabanggit
18. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay _____________.
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili
19. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
28. Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
29. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral
B. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan
C. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang kaniyang
pagkatao
30. Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?
A. Softdrinks para malaki ang kita
B. Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
C. Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
D. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa
II. PAGTATAMBAL. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na karapatan ng tao. Isulat sa patlang ang
letra ng tungkulin na kaakibat nito.
IV. PAGSULAT
Gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap, magbigay ng sariling pananaw tungkol sa pahayag na ito. “Masaya
ang isang tao kapag siya ay nakapaglilingkod at nakapagbabahagi ng kontribusyon sa kaniyang kapuwa at sa lipunan.
Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa kapuwa o lipunan.” Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon. (5 puntos)
_______________________________ _______________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang