hanggang 1930 ay nag-ugat na nang mga bandang 1800, nang ang malalawak na lupain ay kamkamin ng mga dating principalia at ang negosyanteng mestizong Tsino. Ang mga lupaing ito ay pinagtatamnan ng mga produktong kumikita nang napakalaki sa larangan ng pag-aangkat tulad ng asukal, kopra at abaka. Pinauutang ng mga principalia ang mga magsasaka upang magsipag nang magsipag sa pagtatanim subali’t naming sinasara ang usapan kapag ang mga magsasaka ay di makabayad ng kanilang utang.
Noong ika-19 na siglo, sunod-sunod na ang mga
pagbili o pag-aari ng mga lupain na may kakayanan lamang ay ang mayayaman kaya’t ang mga dating magsasaka ay nawalan ng kabuhayan. Nang maging moderno na ang pagtatanim at pag-aani ng asukal dahil sa mga makabagong makinarya, nag-alisan na ang mga manggagawa sa mga probinsya at ANG MGA SAKDALISTA nagtungo na lamang sa kamaynilaan upang makapaghanapbuhay sa gobyerno. Samantala, ang mga lupaing binili ng mga Amerikano mula sa pondo ng pamahalaang ipamimigay sana sa maliliit na magsasaka, ay napunta rin sa mga nagmamay-ari na ng malalaking lupa. Lumaki ang suliranin ng Pilipinas sa mga panahong ito dahil dumami na ang mga tao, karamiha’y walang sariling lupa at walang hanapbuhay. Dahil dito, ang mahihirap ay bumuong kanilang unyon at organisasyon. Ang malaking kilusang nabuo ng mga panahong ito ay ang Sakdalista (mula sa salitang sakdal na ang ibig sabihin ay akusado) na itinatag ni Benigno Ramos noong 1930, isang dating manunulat na di rin nakuntento sa kanyang pagiging empleyado na gobyerno. Ang sakdal ay nagsimula lamang sa isang pahayagan na ang mga artikulo ay pumapalapit sa interes ng masa, mga korapsyon, pagpapatakbo ng mga Amerikano sa kanilang binuong partid ang Nacionalista, ang dagliang kalayaan para sa Pilipinas ANG MGA SAKDALISTA at ang repormang pansakahan at pagkakaroon ng sariling lupa sa sariling bayan. Nang mabuo ang partidong sakdal, pinagdiinan kaagad nila sa mga mamamayan ang mga suliranin sa bansa. Ang mga ito ay ang pagbabawas na uwis, reporma sa lupa, paghahati-hati ng mga hacienda at ang pakikipag-alyansa sa mga Amerikano. Sa hindi inaasahan ang mga Sakdalista ay bumuo ng kanilang sariling pamahalaang probisyonal at republika sa San Ildefonso, Bulacan. Noong ika-1 ng Mayo, sa ganap na hatinggabi, nilusob ng mga armadong Sakdalista na may mga hawak na pulang bandila, ang 14 na gusali ng munisipyo sa lalawigan ng Bulacan at Laguna. Ang pag-aaklas ay agad nasupil kinabukasan at umabot sa 100 tao ang namatay. Dahil dito agad na nasugpo ang mga pagrerebelde at tumakas naman patungong Tokyo ai Benigno Ramos. Ang mga tao sa rural na pook sa mga lalawigan ay dismayadosa mga nangyari kaya’t nagkaroon na rin ng paunti-unting pag-aaklas ang mga mahihirap simula nito. Si Benigno Ramos ay nakabalik sa Pilipinas noong panahon ng Hapon at ANG MGA SAKDALISTA nakipagkolaborasyon sa mga ito, habang nabuo naman ang partido Ganap na siya rin ang pinuno.