Modyul 6 3rd Quarter

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 7
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Mga Angkop na mga Pahayag sa
Panimula, Gitna at Wakas

MELC: Nagagamit nang wasto ang angkop na mga

pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda.
(F7WG-IIId-e-14)

Inihanda ni:

ATHENA SHIELA A. VEA

Guro I
Bagbag Solsona National High School
Filipino – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna
at Wakas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Athea Shiela A. Vea
Editor: Diana Rose A. Pancho
Kimberly Dela Cuesta
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagasuri ng Wika: Leonida D. Castillo
Tagalapat: Dexter A. Calzada
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Marvin M. Marugay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Mga Angkop na mga Pahayag sa
Panimula, Gitna at Wakas
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na

naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang

nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito

upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang

guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga

tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang ating
pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay tiyak
na kasiya-siya para sa iyo.
Ang kabuoan ng modyul na pag-aaralan mo ay tungkol sa MGA ANGKOP NA
MGA PAHAYAG SA PANIMULA, GITNA AT WAKAS.
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at waks
ng isang akda (F7WG-IIId-e-14)

Nasasabik ka na ba? Tara na’t maglakbay na tayo sa panibagong aralin.

Subukin

Panahon na upang tayahin ang iyong kaalaman hinggil sa modyul na ito sa

pamamagitan ng pagsagot mo sa mga sumusunod na katanungan.
Bago mo tahakin ang landas patungo sa hiwaga ng Alamat, na isa sa
ipinagmamalaking akda ng Luzon, na iyong pag-aaralan ngayon maging ang
konsepto ng mga angkop na pahayag bilang panimula, gitna at wakas, magkakaroon
muna tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga ito nang mataya
kung ano man ang mga dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-aaal.

PAUNANG PAGTATAYA
A. PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Ito ay mga kawili-wiling kuwento na kadalasang tungkol sa pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa paligid at sa daigdig.
A. Tula C. Maikling kuwento
B. Kuwentong-bayan D. Alamat
____ 2. Sa paraang ito sinimulang ipalaganap ang mga kuwento noong unang
panahon.
A. Paraang pasulat C. Paraang pakanta
B. Paraang pasalindila D. Paraang patula
____ 3. Sa Rehiyong ito matatagpuan ang Bulkang Mayon.
A. II B. III C. IV D. V

1
____ 4. Siya ang nag-iisang anak na dalaga nina Rajah Makusog ng Rawis at
Darawi.
A. Daragang Magayon C. Daragang Almayon
B. Daragang Mayon D. Daragang Bukayon
____ 5. Ito ang pinakatanyag na tanawin sa Bikolandia.
A. Lawa ng Buhi at Bato C. Bulkang Mayon
B. Bulkang Taal D. Bukal ng Tiwi

B. PANUTO: Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig at

may diin sa sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon
at isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

A. dalangin D. mayabang
B. kaakit-akit E. nais
C. magkasintahan F. napag-isip-isp

____6. Ang dalagang nakatira sa dampang malapit sa kagubatan ay sadyang

kabigha-bighani.
_____7. Isang palalong binata ang nagpahayag ng maalab na pagsinta sa
magandang dalaga.
_____8. Napagtanto ng dalagang sa pagpili ng mapapangasawa higit na
mahalagang tumingin sa kalooban ng isang tao kaysa sa panlabas na
anyo nito.
_____9. Binigyan ng basbas ng mga magulang ang magsing-irog na tunay na
nagmamahalan.
_____10. Walang ibang hangad ang kanyang mga magulang kundi ang siya ay
magkaroon ng maayos na buhay.

C. PANUTO: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat sa

sagutang papel kung ito’y sa simula, gitna, o wakas.
_____11. Dito pinapanatili ang kawing-kawing na pangyayari.
_____12. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa.
_____13. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang
makinig o magbasa.
_____14. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
_____15. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-
abay pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man

ang iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito.
Ipagpatuloy mo lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.

2
Aralin
Mga Angkop na Pahayag sa
6 Panimula, Gitna at Wakas

Balikan

Isang mapagpalang araw sa iyo giliw kong mag-aaral!

Sa iyong pagpapatuloy, natitiyak kong ika’y magkakaroon ng ideya at
kaalaman hinggil sa araling iyong mababasa. Inaasahan sa pagtatapos ng araling ito
na ikaw ay makagagamit nang wasto at angkop na mga pahayag sa panimula, gitna
at wakas sa isang akda.
Handa ka na ba? Halina’t magsimula.

GAWAIN 1: SHARE KO, KUWENTO KO!

PANUTO: Sumulat ng isang alamat tungkol sa iyong pangalan. Lagyan ng pamagat
ang susulating akda. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong:
1. Anong mahahalagang salita ang naghudyat na ito ang simulang bahagi
ng akda?
2. Alin naman ang gitnang bahagi?
3. Ano naman ang huling bahagi?

3
Tuklasin

Narito ang isang alamat na mula pa sa Albay. Ang alamat ay mga kawili-wiling
kuwento na kadalasang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at sa
daigdig. Ito rin ay isa sa mga kuwentong-bayan ng bansa na inilahad sa paraang
pasalindila ng ating mga ninuno.
Basahin at unawain mo ito nang mabuti upang matuklasan ang mensaheng
nais nitong ipahatid. Pansinin at itala rin ang mga pahayag na ginamit sa pagsasaad
ng simula, gitna at wakas ng akda.

Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Rene O. Villanueva

Noong unang panahon, sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha-

bighaning dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah
Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang
isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming
manliligaw mula sa iba’t ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong
si Pagtuga, isang magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, na
nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga mamahaling regalo sa am ani
Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag-
aari na ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan.
Iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa Ilog
Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya’y napadulas at nahulog sa
ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya’t tinangay siya ng agos. Tiyempo namang
nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw,
tumalon sa ilog at sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang
dinala ang takot na dalaga sa pampang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag-ibig sa
dalaga. Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya
sa binata. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang
makatuntong sa bahay ni Rajah Makusog.
Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at
hangad din niya ang kaligayahan ng kanyang anak. Sa gayon ay binigyan niya ng
basbas ang magsing-irog. Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa
kanila upang paghandaan ang nalalapit nilang kasal.
Ang balitang ikakasal ang dalaga ay nakaabot sa pandinig ni Pagtuga. Lubos
siyang nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal
nina Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah

4
Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang
gawing bihag.
“Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko,”
sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog.
“Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo
malalaman ang sagot,” sabi ni Rajah Majusog.
At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na
papatayin ang ama ng dalaga kung hindi papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak
siyang sumang-ayon sa gusto ng binata.
“Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw,” sabi ni Pagtuga. Dali-
dali niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na
kasalan.
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa
kasal nila ni Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga
mandirigma. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si
Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan. Natuwa si Magayon sa pagkakita kay
Panganoron. Dali-dali itong tumakbo palapit sa kasintahan, subalit isang ligaw na
sibat ang tumarak sa likod ng dalaga na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nang
sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang
tumama sa binata galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni
Rajah Makusog, dali-dali siyang lumapit kay Linog at pinatay niya ito sa kanyang
“Minasbad.” Ang dapat na kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na
pangyayari habang inililibing ang magsing-irog. Naghukay si Rajah Makusog upang
doon ilibing ang dalawa.
Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay
tumataas. At nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang tatsulok na
naglalabas ng nagbabagang mga bato sa bunganga. Kahit hanggang ngayon ay
nangyayari pa rin ito. Naniniwala ang mga ninuno na ito raw ay mga palatandaan
na kinukuha ni Pagtuga ang mga regaling ibinigay nito kay Magayon katulong si
Linog.
Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan
daw ng mga hamog at ulap, sinasabi na hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon.
At kapag naman daw umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan
daw na umiiyak si Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon,
tinawag itong “Mayon.” Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan
ng Albay na matatagpuan sa Rehiyon V o Bikolandia.

Mahusay!
Upang lubusan pang maunawaan ang akdang binasa, mangyaring sagutin ang
mga mahahalagang katanungan. Batid kong lubos mo na itong naintidihan kung
kaya’t wari ko’y kayang-kaya mo itong sagutan.

5
GAWAIN 2: PAG-UNAWA SA AKDA
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Sino si Daragang Magayon? Bakit maraming kalalakihan mula sa iba’t ibang

tribo ang naaakit na manligaw sa kanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa mga manliligaw ni Daragang Magayon, sino sa kanila ang nakapukaw sa

puso ng dalaga? Bakit naging madali sa kanyang mahalin ang binatang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit hindi nagdalawang-isip si Rajah Makusog na ipakasal

ang kanyang anak kay Panganoron?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Sino ang hadlang sa pag-iisang dibdib nina Daragang Magayon at

Panganoron? Anong hakbang ang ginawa niya upang mapigilan niya ang
kasal ng dalawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Anong magandang pag-uugali ang ipinamalas ni Daragang Magayon sa

kanyang ginawang pagsang-ayong magpakasal kay Pagtuga sa kabila ng
matinding pagtutol ng kanyang puso’t isipan hinggil sa pasiyang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Daragang Magayon, papayag ka rin bang
magpakasal sa isang taong hindi mo naman tunay na minamahal alang-alang
sa kapakanan ng iyong magulang? Bakit Oo at bakit Hindi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
7. Paano naman ipinamalas ni Panganoron ang kanyang dalisay at wags na
pagmamahal sa kanyang kasintahan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8. Ano-anong mga kababalaghan o misteryo ang naganap sa lugar na

pinaglibingan nina Daragang Magayon at Panganoron matapos silang
paslangin ng mga tauhan ni Pagtuga?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9. Kapani-paniwala ba para sa iyo ang mga pangyayaring nakapaloob sa alamat

ng Bulkang Mayon? Bakit? Anong bahagi ng alamat ang lubos mong
naibigan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 3: KUWENTONG MAGULO, ISASAAYOS KO!

PANUTO: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod nito.

Lagyan ang linya ng bilang 1 hanggang 10.
_________1. Sumang-ayon si Daragang Magayon na magpakasal kay Pagtuga alang-
alang sa kanyang ama.
_________2. Binigyan ni Rajah Makusog ang magsing-irog ng pahintulot sa plano
nilang pagpapakasal.
_________3. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan.
_________4. Nagtapat ng pag-ibig si Panganoron kay Daragang Magayon.
_________5. Tinamaan ng sibat ang magsing-irog na naging dahilan ng kanilang
pagkasawi.
_________6. Iniligtas ni Panganoron si Daragang Magayon sa bingit ng kamatayan
nang siya’y mahulog sa ilog at muntik nang malunod.
_________7. Nakita ng mga tao na ang puntod ng magsing-irog ay tumataas at nang
kalaunan ay naging isang bulkan.
_________8. Nabighani ang kalalakihan mula sa iba’t ibang tribo sa kagandahan ni
Daragang Magayon.
_________9. Tinawag na Mayon mula sa pangalang Magayon ang bulking nabuo
mula sa puntod ng magsing-irog.
________10. Binihag ni Pagtuga si Daragang Magayon.

7
GAWAIN 4: “SAY” MO SA PAHAYAG KO?

Panuto: Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag ̶ A at B. Suriin kung tama o
mali ang isinasaad ng mga ito ayon sa binasang seleksiyon. Gawing batayan ang
mga sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

A. Ang A ay tama. C. Parehong tama ang A at B.

B. Ang B ay tama. D. Parehong mali ang A at B.

1. A. Ang tao, gaanuman siya kasama, ay mayroon pa ring kabutihang nakatago sa

kanyang puso.
B. Sa binasang alamat, ipinakitang higit na pinahalagahan ng dalagang si
Magayon ang mabuting kalooban kaysa sa kapangyarihan at kayamanan.

2. A. Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming lalaki

mula sa iba’t ibang tribo.
B. Si Pagtuga ay masugid na manliligaw ni Daragang Magayon na nagkaloob ng
mamahaling regalo sa ama ng dalaga.

3. A. Napatunayan ni Daragang Magayon ang kadalisayan ng puso ni Pagtuga kung

kaya ito ang pinili niyang pakasalan.
B. Sumang-ayon ang ama sa planong pagpapakasal nina Magayon at Pagtuga.

4. A. Masakit man sa kalooban ni Daragang Magayon, tinanggap niya ang alok ni

Pagtuga na magpakasal sa kanya alang-alang sa kanyang ama.
B. Dahil sa matinding takot, hindi na nagawa ni Panganoron na iligtas ang
kanyang iniirog sa kamay ni Pagtuga.

5. A. Ang magsing-irog na sina Daragang Magayon at Panganoron ay kapwa nasawi

dahil sa kanilang paglaban kay Pagtuga.
B. Ang puntod ng magkasintahan ay pinaniniwalaang pinagmulan ng Bulkang
Mayon.

Mahusay, binabati kita! Ngayon, basahin at unawain mo ang konsepto ng mga

angkop na pahayag sa panimula, gitna at wakas nang sa gayon ay madagdagan pa
ang iyong kaalaman sa wika at gramatika.

8
Suriin

Alam mo bang…
MGA ANGKOP NA PAHAYAG SA PANIMULA, GITNA, AT WAKAS
Sa pagpapahayag, partikular sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat
ng nagsasalita ang kanyang tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang
layunin nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na
patuloy na alamin ang kawing-kawing na pangyayari sa papataas at kasukdulan sa
gitna ng kuwento. Hihintayin din nila ang wakas kung nakamit ang layuning
inilahad sa panimula.
Ang isang talata ay dapat nahahati sa mga bahaging panimula, gitna, at
wakas. Ito ay kailangang nagtataglay ng mga kaisipan at saloobin tungkol sa isang
paksa. Sa paraan ng pagpapahayag, nararapat na ito ay kapalolooban ng mga
angkop na salita na magbibigay linaw sa mensahe na nais iparating.
Ang panimulang talata ay dapat na maging malinaw, madaling maunawaan,
at mabisa dahil nagsisilbi itong daan patungo sa isang mahusay na paglalahad ng
mga pahayag tungkol sa partikular na paksa. Ang mahusay na simula ay mabuti
para makuha agad ang interes ng tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo ang
larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay. Maaaring simulan
ito sa: Noong unang panahon, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa
pagsisimula. Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang:
 Pang-uri gaya ng halimbawa:
- Napakadilim at napakalamig ng paligid…
- Nananabik sa mangyayari…
 Pandiwa gaya ng:
- Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang…
- Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang…
 Pang-abay
- Maagang gumising ang tribo…
- Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang…
Ang gitna naman ay ang pinakakatawan ng talata. Sa bahaging ito
matatagpuan ang mga nilalaman, kaalaman, at karagdagang kaalaman tungkol sa
mga pahayag na nabanggit sa panimulang talata. Ito ay binubuo ng mga talatang
kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pamunong
detalye na maayos ang pagkakahanay-hanay o pagkakasunod-sunod. Aabangan
kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing tauhan, maiwawasto
ang mali at matututo ang katunggaling tauhan habang tumataas ang pangyayari.
Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, walang ano-ano’y, isang araw,
pagkaraan ng isang taon, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.

9
Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng
mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.
Samantala, ang wakas ay ang pasiya o ang kahihinatnan sa pagtalakay ng
partikular na paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa gitnang
bahagi. Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig
o ng mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa
kalooban at isipan ng lahat ̶ na ang kabutihan ang nagwawagi at may kaparusahan
ang gumagawa nang masama. Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas, mula noon,
simula noon, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Halimbawa:

Panimula
Noong unang panahon, may isang makisig na prinsipe na nagpasiyang
maglakbay upang humanap ng lunas sa sakit ng kaniyang ama. Sa kaniyang
paglalakbay ay dala niya ang pag-asa na magtatagumpay sa misyon.

Gitna
Pagkalipas ng sampung buwan ay nagbalik ang prinsipe dala ang pangakong
lunas para sa kaniyang ama.

Wakas
Nagtungo agad ang prinsipe sa silid ng ama at dali-daling ibinigay dito ang
dalang lunas. Matapos nito ay lubos na nagpahinga ang hari. Kinabukasan ay
nanumbalik na ang lakas nito. Mula noon ay naging masigla na ang hari at ang buong
kaharian ay muling nagsaya.

GAWAIN 5: SAGUTIN MO AKO!

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga bahagi ng talata?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano ginagamit ang mga angkop na pahayag bilang panimula, gitna, at wakas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano binibigyan ng wakas ang pagkukuwento?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

10
4. Sa iyong palagay, mabisa ba ang kinahantungan ng pagkukuwento kapag
ginagamitan ito ng mga angkop na pahayag bilang panimula, gitna, at wakas?
Patunayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga angkop na

pahayag bilang panimula, gitna, at wakas ng pagkukuwento o paglalahad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pagyamanin

GAWAIN 6: PUNAN MO AKO!

Panuto: Punan ng angkop na pahayag para sa simula, gitna, at wakas ang mga linya
upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(1) _______________________________ ay may isang magandang dalagang

nakatira sa bayan ng Ibalon. Siya ay walang iba kundi si Daragang Magayon. (2)
_______________________________ ang kagandahang taglay ng dalaga ay nakabighani
sa maraming mga binata mula sa iba’t ibang tribo. Bagama’t maraming binata ang
nagkagusto sa kanya ay nahulog ang kanyang loob sa matapang na binatang si
Panganoron. (3) _______________________________ sa basbas ng ama ni Daragang
Magayon ay nagpasiya ang magkasintahang magpakasal. (4)
_______________________________ hinahadlangan ni Pagtuga, ang masugid na
mangingibig ng dalaga, ang pag-iisang-dibdib ng magkasintahan. Binihag ni Pagtuga
ang ama ng dalaga kasabay ng pagbabantang palalayain niya ito kung ibibigay niya
ang kanyang anak para maging kanyang asawa. Dahil sa hindi magagandang
pangyayari ay nasawi ang magkasintahang Panganoron at Magayon. Ang dapat na
kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari ̶ ang paglilibing
sa magsing-irog (5) _______________________________ nakita ng mga tao na ang puntod
ng dalawa at tumataas hanggang sa mabuo ang walang kasinggandang tatsulok na
naglalabas ng nagbabagang bato sa bungaga. (6) _______________________________
ang bulkan ay tinawag na Mayon na hango mula sa pangalan ni Magayon.

11
Isaisip

Gawain 7: ANONG KUWENTO MO?

Panuto: Pumili sa ibaba ng paksa na gagawan ng kuwento. Lagyan ito ng pamagat.

Isaalang-alang din ang mga angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas.
Gumamit nang hindi bababa sa limang pangungusap para mabuo ang
pagpapahayag. Isulat ito sa sagutang papel.
A. Pag-ibig
B. Pamilya
C. Kaibigan
D. Pagpapakasakit

_____________________________________________

__________________________________________________________________________________

12
Isagawa

GAWAIN 8: ILAHAD MO!

Panuto: Kumuha ng isang natatanging kuwento mula sa internet. Ilahad ang
simula, gitna, at wakas nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAMAGAT
___________________________

SIMULA WAKAS

_________________________ _________________________

GITNA
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

13
Ang Pamantayan sa ibaba ay gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na ito.
PAMANTAYAN LAANG MARKA
PUNTOS
Kawili-wili ang simula ng paglalarawan. 5
Mahusay at malinaw na nailalahad ang mga 5
mahahalagang pangyayari sa bahaging simula,
gitna, at wakas ng kuwento.
Nakapagbibigay ng mga aral na nakuha sa 5
kuwento.
Nagagamit ang mga angkop na pahayag bilang 5
panimula, gitna, at wakas ng paglalahad.
Kabuoang Puntos 20

Tayahin

A. PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

____ 1. Ito ay mga kuwento na sumasalamin sa kultura at kadalasang tungkol sa

pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at sa daigdig.
A. Tula C. Maikling kuwento
B. Alamat D. Kuwentong-bayan
____ 2. Ipinalaganap ang mga kuwento noong unang panahon sa pamamagitan ng
________.
A. Paraang pasulat C. Paraang pakanta
B. Paraang pasalindila D. Paraang patula
____ 3. Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa Rehiyong ____.
A. II B. III C. IV D. V
____ 4. Ang nag-iisang anak na dalaga nina Rajah Makusog ng Rawis at Darawi.
A. Daragang Magayon C. Daragang Almayon
B. Daragang Mayon D. Daragang Bukayon
____ 5. Ang pinakatanyag na tanawin sa Bikolandia.
A. Lawa ng Buhi at Bato C. Bulkang Mayon
B. Bulkang Taal D. Bukal ng Tiwi

14
B. PANUTO: Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig
at may diin sa sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon at isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
A. dalangin D. mayabang
B. kaakit-akit E. nais
C. magkasintahan F. napag-isip-isp

_____6. Marami ang naghangad na mapangasawa ang dalagang nakatira sa

dampang dahil sadyang kabigha-bighani ang kanyang ganda.
_____7. Kinamumuhian ng dalaga ang palalong binata na nagpahayag ng
kanyang pagsinta sa kanya.
_____8. Binasbasan ng kanilang mga magulang ang magsing-irog na tunay na
nagmamahalan.
_____ 9. Napagtanto niya na sa pagpili ng mapapangasawa higit na mahalagang
tumingin sa kalooban ng isang tao kaysa sa panlabas na anyo nito.
_____10. Walang ibang hangad ng isang magulang kundi ang magkaroon ng
maayos na buhay ang kanyang mga anak.

C. PANUTO: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat sa

sagutang papel kung ito’y sa simula, gitna, o wakas.
_____11. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang
makinig o magbasa.
_____12. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa.
_____13. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-
abay pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.
_____14. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
_____15. Dito pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari.

Binabati kita! Natapos mo rin ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang
lahat ng mga napag-aralan natin sa mga angkop na mga pahayag sa panimula, gitna,
at wakas. Nawa’y magamit mo pa ito sa hinaharap. Bagaman tapos na tayo sa araling
ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin – Aralin 7: Ang
Pagtatalata.

15
16
PAUNANG PAGTATAYA
A. 1. D.
GAWAIN 6 2. B.
3. D.
- Ang sagot ng mga mag- 4. B.
aaral ay maaaring 5. C.
magkakaiba-iba.
Sanguniin ang bahaging B. 6. B.
SURIIN para maging gabay 7. D.
sa pagwawasto ng kanilang 8. F.
mga sagot. 9. C.
10. E.
C. 11. GITNA
12. WAKAS
13. SIMULA
14. GITNA
15. SIMULA
GAWAIN 4
1. C. PANGWAKAS NA PAGTATAYA
2. C. A. 1. D.
3. D. 2. B.
4. A. 3. D.
5. C. 4. B.
5. C.
GAWAIN 3 B. 6. B.
7. D.
1. 6 8. F.
2. 4 9. C.
3. 7 10. E.
4. 3
5. 8 C. 11. GITNA
6. 2 12. WAKAS
7. 9 13. SIMULA
8. 1 14. GITNA
9. 10 15. SIMULA
10. 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dayag A. M., et.al (2017). Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon. Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc.

Largo R. C., et.al (2019). Hinirang. Quezon City: The Inteligente Publishing, Inc.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division

Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like