Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mohammad

Paaralan Integrated Baitang 6


Pang-araw-araw na School
Tala sa Pagtuturo sa Marissa L.
Guro Asignatura EsP6
EsP Baitang 6 Montecillo
Petsa/ Unang
Markahan
Oras Markahan
HWPL Lesson No. and Title: 2- A Reason for All Creation Living in Harmony
Key Contents:
• My Value
All creation has their own meaning and value. Even for humans, their existence itself
has a value.
• My Influence
All creation has influence on each other. Humans also exert influence on others. They
can even choose what kind of influence they exert to others.
• My Role and Duty
A reason for all creation living in harmony is they perform their own duty. When
humans also know and perform their duty, then a peaceful world can be created.
‫قال تعالى‬

‫واعتصموا بحل هللا جميعا وال تفرقوا‬


Qur an:
And hold fast, all of you together, to rope of Allah, and be not divided among
yourselves.
Al Imran 103.
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa
A. Pamantayang
mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa
Pangnilalaman
ikabubuti ng lahat.
B. Pamantayan sa Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob
Pagganap para sa ikabubuti ng lahat.
C. Mga Kasanayan Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
sa Pagkatuto pangyayari. EsP6PKP-Ia-i-37
(Isulat ang Code
ng Bawat
Kasanayan)

1. Understand the reason why all creation lives in


 Layunin ng harmony.
HWPL 12 2. Understand my value, my influence, and my role.
Lessons

II. NILALAMAN
Pagsusuri nang Mabuti sa mga Bagay na may Kinalaman sa
A. Paksa
Pangyayari
Pamumuhay ng matiwasay sa pamamagitan ng pag-alam
at pagganap ng tungkulin. Isang dahilan para sa lahat ng
B.Pangunahing
nilikha na namumuhay nang magkakaisa ay ginagawa
Konsepto
nila ang kanilang sariling tungkulin.

C. Kinakailangang Pagmamahal sa kapayapaan


Kasanayan
III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro at mga Karagdagang Materyal sa Edukasyon sa
Gabay ng Pagpapakatao 6
Guro Unang Pilipino sa Makabagong Panahon pp. 3-4
2. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pp.10-17
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan
mula sa portal
ng Learning
Resource
B. Iba pang
Kagamitang Panturo
1. Websites
2. Aklat/Journal
C. Kagamitan Kopya ng kuwento, beta card o paper strip, pentel pen,
IV. PAMAMARAAN
 Panalangin
A. Pang-araw-araw  Pagbati
na Gawain  Pagkuha ng tala

 Balik-aral
Bigyan ng beta card o paper strip ang mga mag-aaral at
pasulatan ng halimbawa ng pangyayari at ipaskil ang
mga ito sa pisara.
B. Pangunahing  Pagganyak
Gawain 1.Naranasan na ba ninyong pumunta sa dagat?
2. Ano-ano ang mga ginagawa ninyo sa dagat?
3.Tumawag ng ilang mag-aaral upang ikuwento sa klase
ang kanilang karanasan sa pagpunta sa dagat?

C. Panlinang na  Activity
Gawain
1. Ipabasa nang tahimik ang kuwentong “Ang Pasiya ni
Isko”.
Tingnan kung ano ang naging dahilan ng suliraning
naranasan ng mga mag-aaral. Alamin din ang kahalagahan
ng
mapanuring pag-iisip sa paggawa ng pasiya.

Paalala: Bago ang gawain, ibigay ang mga pamantayan sa


pagbasa nang tahimik. Maglaan ng ilang minuto
para sa pagsasagawa ng naitalagang gawain.

Paghawi ng balakid
outing- a trip taken for pleasure, especially one lasting a day
or
less.
camping-the activity of spending a vacation living in a camp,
tent, or camper.
museo-a place where collections of things of artistic,
scientific
or historic interest are set out for display.
lifeguard-an expert swimmer employed to rescue people who
get into difficulty in a swimming pool or at the
beach.
resort-a place that is a popular destination for vacations or
recreation, or which is frequented for a particular
purpose.

Ang Pasiya ni Isko

Masaya ang mga mag-aaral ni Gng. Lazatin. Lahat ay


masiglang nagsasalita tungkol sa outing ng klase. Dahil hindi
pa sila nakapagpasiya kung saan pupunta, nagbigay sila ng
ilang mungkahi.
Limang pangkat ang bumubuo sa klase. Iminungkahi
ni Isko, isa sa mga lider ng pangkat, na mag-camping sa
tabing- dagat.
Nagmungkahi naman ang isang pangkat na pumunta
sa isang museo. Gayunpaman, bumoto at sumang-ayon sila na
sa tabing-dagat pumunta.
Nang sumunod na araw, maagang-maaga pa ay nasa
paaralan na ang mga mag-aaral. Maaga ring dumating si Gng.
Lazatin. Inihanda nila ang mga bagay na kakailanganin nila.
Isang pangkat ang naatasang maghanda ng mga palaro para sa
lahat. Nagdala sila ng mga bola, lubid, at sungka.
Nang dumating sa tabing-dagat ang klase, nagbilin si
Gng, Lazatin sa mga mag-aaral na huwag lumayo sa kanilang
kubo at walang hihiwalay sa kanilang pangkat.
Nagsimula na ang masasayang gawain. May
naglalaro ng sungka, patintero, volleyball, at hilahan (tug-of-
war). Masayang-masaya ang lahat nang biglang sumigaw ang
ilang mag-aaral. Napatingin si Isko sa gawi ng dagat kung
saan nagmula ang sigaw.
Nakita niya ang ilan sa kanilang mga kamag-aral na
nakasakay sa isang bangka na dahan-dahang tinatangay ng
alon palayo sa pampang. Ito ang mga mag-aaral na palihim na
kinalag sa pagkakatali ang bangka. Nagsisigaw ang mga bata
sa takot. Kaagad nag-utos si Gng. Lazatin sa ilang mag-aaral
na humingi ng tulong sa mga taong nakatira sa malapit.
Samantala, naisip ni Isko na maaaring biglang itaboy ng alon
ang bangka palayo sa dalampasigan. Maari ring itaob iyon ng
alon. Nasa panganib ang buhay ng kaniyang mga kamag-aral.
Kaagad tinawag ni Isko si Kuya Marvin, ang
lifeguard sa nasabing resort. Tinulungan niyang itali ang mga
lubid na ginamit nila sa larong hilahan, tumulong din ang iba
pa niyang kamag-aral. Itinali nila ang kabilang dulo ng lubid
sa puno ng niyog. Iyon ang ginamit ni Kuya Marvin sa
pagsagip sa mga bata. Hinanap ni Kuya Marvin ang dulo ng
tali na natanggal sa bangka, pinagdugtong ang itinali nilang
lubid at lumangoy pabalik sa pampang.
Kung hindi agad nakapagpasiya si Isko na gawin
iyon, baka naitaboy nang palayo ng alon sa gitna ng dagat ang
mga kamag-aral niya.
Kaagad ding gumawa ng paraan at humingi ng tulong
si Gng. Lazatin sa mga namumuno sa barangay.
Pinaalalahanan din niya ang iba pang mga bata na bantayan
ang isa’t isa at huwag pumunta sa dagat.
Dumating ang Kapitan ng Barangay kasama ang mga
magulang ng iba pang mag-aaral. Kinausap nila si Gng.
Lazatin tungkol sa nangyari.
Bago umalis, kinausap ni Gng. Lazatin ang kaniyang
mga mag-aaral. Binigyang-babala niya sila na hindi
magandang pasiya ang pagsakay nila sa bangka. Inilagay nila
sa panganib ang kanilang buhay at pinag-alala nila ang ibang
tao. “Sa katunayan, si Isko lamang ang Nakagawa ng tamang
pasiya nang araw na iyon,” sabi ng guro. Sumang-ayon
naman ang lahat ng mag-aaral at nagpalakpakan.
Pinagsabihan ang lahat na ayusin na ang kanilang mga gamit
at humanda na sa pag-uwi.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1.Ano ang kailangang pagpasiyahan ng klase ni Gng. Lazatin?
2.Ano ang pasiyang ginawa ng mga mag-aaral na
nangailangan
ng tulong?
3.Naging maingat ba si Isko sa kaniyang pagpapasiyang
tumulong?
4.Ikaw ba ay may kilalang batang gumawa ng katulad ng
ginawa ni Isko?
5.Gawin mo ba ang pagpapasya gaya ng ginawa ni Isko?
Bakit?
 Analysis (Pagsusuri)
Itanong ang mga sumusunod:
1. Nakasubok na ba kayong magpasya?
2.Sa mga pagkakataong kinakailangan mong magpasiya, ano-
ano ang dapat mong isaalang-alang?
3.Nagkaroon ka na rin ba ng katulad na karanasan kung saan
kinakailangan mong gumawa ng isang desisyon na
nangangailangan ng mapanuring pag-iisip upang makagawa
ng tamang pagpapasiya? Isalaysay sa klase.
4.Sinusuri ba ninyo ang mga pangyayari bago gumawa ng
pagpapasya? Bakit?
5.Dapat ba nating paniwalaan agad ang mga impormasyong
nabasa, napanood o narinig? Bakit?

 Abstraction (Paghahalaw)
Patnubay para sa mga guro:

1.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong.


2.Bigyang-diin ang mga konsepto ng HWPL (Peace
Integration) at Islamic Values.
3.Ang background information at Qur’anic verse o Hadith
ay
gabay lamang para sa integrasyon o pagsasama ng mga
mahahalagang konsepto. Hindi kailangang ipabasa sa
bata.

Mga tanong:
1.Alam ba ninyo na ang bawat bagay ay may halaga?
 Ang bawat bagay ay mahalaga.
2.Bakit kailangan nating suriin nang mabuti ang mga
bagay na may kinalaman sa pangyayari?
 Kailangan nating suriin nang mabuti ang mga bagay
na may kinalaman sa pangyayari upang maisagawa
nang maayos at mailigtas sa kapahamakan at higit
sa lahat upang makabuo ng isang pasiyang kaaya-
aya. Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan
ng pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin,
pagtitimbang ng mga maaaring gawin, at pagpili
nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasiya.
3.Bakit kailangan nating alamin ang ating mga tungkulin sa
mga pangyayari?
 Ang ating mga tungkulin sa mga pangyayari ay
kailangan nating alamin upang ang mga ito ay ating
magampanan ng kusang loob at buong katapatan.
4.Ano-ano ang mga maging bunga ng mabuting pagsusuri
sa
mga pangyayari?
 Ang mga pangyayaring naisuri nang mabuti ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng maging
matiwasay, mapayapa, ligtas, at masayang
kaganapan.
5.Paano ka makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na
may kinalaman sa pangyayari?
 Ang mga bagay na may kinalaman sa pangyayari ay
ating masusuri nang mabuti sa pamamagitan ng pag-
alam sa pangyayari, pagtitimbang ng mga maaaring
gawin, at pumili nang pinakamabuti bago bumuo ng
isang pasiya. Kailangan din natin ang impluwensya
sa isa’t isa na nakakatulong nang malaki sa
pagsusuri nang Mabuti sa pangyayari.
6.Lahat bang nilalang ay may impluwensiya sa isa’t isa?
Paano?
Ang lahat ng nilalang ay may impluwensiya sa isat
isa. Ang mga tao ay may kinalaman din sa mga
pangyayari at may impluwensya din sa ibang tao o sa
kapuwa niya tao.Maaari din silang pumili sa kung anong
uri ng impluwensya ang kanilang gagawin o kusang loob
na gawin sa pamamagitan ng pagsusuri nang mabuti sa
mga pangyayari.

Application (Paglalapat)
 Gumawa at isulat sa inyong kuwaderno ang isang
sanaysay tungkol sa pangyayaring di mo
makakalimutan. Ano ang iyong ginawa upang ito ay
iyong malampasan? Isulat din ang iyong pangako na
nagpapahayag kung paano mo haharapin ang iba’t iba
pang mga pangyayari na dumating sa inyong buhay,

Pagtataya ng Aralin Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa


kuwaderno ang iyong sagot sa mga sitwasyon na maaaring
magpakita ng mapanuring pag-iisip na may kinalaman sa
mga pangyayari. Pumili lamang ng lima.

1.Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta


pagkatapos
ng inyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong
paaralan, ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang
maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo.
2.Sinabihan ka ng guro ninyo na magbantay sa klase dahil
kailangan niyang dumalo sa isang pagpupulong. Bigla,
nagkaroon ng kaguluhan sa klase dahil sa pagtatalo ng dalawa
mong kamag-aral.
3.Nagpunta sa isang party ang mga magulang mo. Binilinan
kang
bantayan ang bunso mong kapatid. Nagpasiya ka na hayaang
maglarong mag-isa ang kapatid mo dahil abala ka sa paglalaro
ng computer. Sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa at
nasugatan siya habang naglalaro.
4.Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng
Sangguniang Kabataan upang magkampanya para sa pag-
recycle ng mga plastik. Alam mong kapaki-pakinabang ang
gawaing ito at mayroon ka namang libreng oras.
5.Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay
tungkol sa paglilinis sa inyong lugar. Nagdadalawang-isip ka
dahil mas nais mong nasa bahay na lang at manood ng
telebisyon.
6.Sa susunod na pasukan ay mag-aaral ka na sa mataas na
paaralan. Inaya ka ng ilan mong kamag-aral na sa pribadong
paaralan kayo mag-aral dahil sigurado daw na maganda ang
turo
doon. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo
sa pagbabayad kung sa pribadong paaralan ka mag-aaral.
7.Napunit mo ng hindi sinasadya ang pahina ng kuwaderno ng
iyong kamag-aral. Natatakot kang lapitan siya at
magpaliwanag
dahil alam mong masungit at madaling magalit ang kamag-
aral
mong ito.
8.Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nang may mapansin
kang pitaka sa isang upuan malapait sa gate ng paaralan. Sa
palagay mo ay naiwan ito ng isa ring mag-aaral na kagaya mo.
Dinampot mo ang pitaka upang matukoy mo ang
pagkakakilanlan ng may-ari. Nang buksan mo ito, mayroon
itong Php 500. Nakita mo rin na ito pala ay pitaka ng isa
mong
kamag-aral na naunang umuwi kaysa sa iyo.
9.Nagkayayaan kayong magbabarkada na pumunta sa bahay ng
isa
ninyong kamag-aral na malapit lang sa paaralan. Ito ay upang
magdiwang dahil tapos na ang isang mahalagang pagsusulit
na
ibinibigay sa mga mag-aaral sa ikaanim na baiting. Pagdating
ninyo sa bahay, biglang naglabas ng alak ang inyong kamag-
aral. Hindi naman daw malalaman ng kaniyang ama na
kumuha
kayo ng alak sa kabinet niya. Alam mo na ayaw ng mga
magulang mo na uminom ka ng anumang klase ng
nakalalasing
na inumin.
10.May Fun Run ang Red Cross sa susunod na Linggo.
Iminungkahi ng iyong mga kaibigan na sa halip na manood ng
sine, sumama na lang kayo sa Fun Run at ibayad sa
registration
ang gagastusin sa panonood ninyo ng sine.

Ugaliin ang pagiging mabuting mamamayan na nagpapahalaga


D. Takdang- Aralin sa sarili at sa kapakanan ng iyong kapuwa lalong-lalo na sa
panahon ng may kaganapan o pangyayaring nagaganap.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nagangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
stratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

MARISSA L. MONTECILLO

Sinuri ni:

1. Content DR. RUBY S. BUHAT


Name and Signature OF Evaluator

2. Language NONITO B. SUERTE

Name of and Signature of Evaluator

You might also like