Ap7 Q3 M17

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Araling Panlipunan – Ika-Pito na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 17: Pagkilala sa mga Kontribusyon ng Kulturang


Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.Inilimbag


sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: LYSETTE G. CARUZ
Editor: ZENAIDA N. RAQUID
Tagasuri: RUBY L. MIRAVALLES
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Araling
Panlipunan 7
Ikatlong Markahan Markahan

Modyul Para sa Sariling Pagkatuto 17


Pagkilala sa mga
Kontribusyon ng Kulturang Asyano
MGA INAASAHAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
KanlurangAsya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (16-20 Siglo)

PAMANTAYANG PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang


kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong panahon (16-20 siglo)

MELC: Nahihinuha ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga


kontribusyon nito.

Tiyak na Layunin:
1. Nailarawan ang mga pagkakakilanlan ng mga kontribusyon ng Kulturang
Asyano
2. Naipaliwanag ang pagkakakilanlan ng bawat kontribusyon
3. Nasusuri ang kabuuang pagkakakilanlan ng kontribusyon ng kulturang
Asyano

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin nang Mabuti ang bawat bilang. Isulat ang salitang Tama kung

angkop ang ideya sa bawat bilang at Mali kung hindi.

_______________1. Ang Arabian Nights ay isang uri ng akdang pampanitikan

________________2. Ang Taj Mahal ay nilikha para sa pagmamahal sa sarili

_________________3. Ang Ang Rubaiyat ay akda ni Omar Khayyam

________________ 4. Naniniwala ang mga Asyano na ang sayaw ay libangan ng

kanilang Diyos
_________________5. Ang mga Asyano ay hindi nakilala sa larangan ng palakasan

BALIK-ARAL
Panuto: Alamin kung ano ang naiambag o kontribusyon ng mga
sumusunod na Asyano.
1. Ibn Sina
2. Al Buruni
3. Kalidasa

ARALIN

Pagkilala sa mga Kontribusyon ng Kulturang Asyano

Sa mga naging kaganapan o pangyayari na naranasan ng mga


bansa sa Asya ay nagbigay-daan upang makilala ang katalinuhan,
kakayahan at kakaibang galing batay sa mga kontribusyon na
naibahagi sa daigdig. Buhat dito ay ang pagsibol ng pagkakilanlan ng
Kulturang Asyano sa iba’t ibang larangan.

ARKITEKTURANG ASYANO

Ang arkitektura tulad ng Taj Mahal sa India na itinayo bilang


pagmamahal sa Shah Jahan sa kanyang kabiyak na si Mumtaz
Mahal.
Maging sa kanilang istruktura ay itinayo ay may kaugnayan din
sa kanilang relihiyon, mga moske o masjid na pinakamahalagang
pagpapahayag ng relihiyong Islamik. May detalyadong disensyo na
nagtuturo sa direksyon ng Mecca.
PANITIKANG ASYANO

Ang kuwentong Persyano na “ Arabian Nights” na hango din sa


kuwentong Indian. Ang “Rubaiyat” na tula na nilikha ni Omar
Khayyam.

MUSIKA AT SAYAW
Maging sa larangan ng sayaw ang mga Hindu ay nahihilig din
dito dahil na rinsa paniniwalang ang mga diyos ay libangan ito.

Sa mga lungsod ng Mecca, Medina at Ukash marami sa mga


mag-aaral ang dumadayo upang maging dalubhasa sa musika. Ang
paggamit ng instrumenting pang-musika ay ginagamit, maging ang
ang sistemang melodia ng mga Arabe ay bakas sa Ragas ng mga
Hindu.

PAMPALAKASAN
May mga atletang Asyano na nakilala din sa mga palakasan
gaya ni Gwada Showaa ng Syria na nakilala sa hurdles at high jump.
Si Naim Suleymanoghi, isang weight lifter na taga-Turkey. Mahilig ang
mga Asyano sa palakasan hindi lamang para manalo at makilala
kundi taglay din ang katangian na dapat makita sa isang tunay na
atleta.
MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1: Punan ng datos ang talahanayan. Ibigay ang pinakamaikli
ngunit malinaw na paglalarawan sa kontribusyon ng
kulturang Asyano.
Kontribusyon Paglalarawan
Arkitektura

Musika at Sayaw

Panitikan

Pampalakasan

PAGLALAHAT
Dugtungan:
Naunawaan ko na ang ______________________________________

PAGPAPAHALAGA
Lumikha ng isang Emoticon na nagpapahiwatig sa iyong

naramdaman sa tinalakay na paksa. Bukod dito, ipaliwanag kung

bakit ito ang naramdaman


PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Tama o Mali

Panuto: Basahin nang Mabuti ang bawat bilang. Isulat ang salitang

Tama kung angkop ang ideya sa bawat bilang at Mali kung

hindi.

______________1. Ang konsepto ng Taj Mahal ay nilikha bilang

pagmamahal sa kabiyak

______________2. Ang mga Asyano ay nakilala sa larangan ng palakasan

______________3. Kadalasan sa arkitekturang Asyano may kinalaman

sa kanilang relihiyon

______________4. Ang mga kontribusyon ng mga Asyano ay hindi

nagpapakita ng kanilang kahusayan sa iba’t ibang

larangan.

______________5. Sa mga kontribusyong Asyano ipinakita nito ang

kanilang pagkabuklod-buklod

B. Paglikha ng Panig; Maikling Sanaysay

Batay sa mga kontribusyon ng mga Asyano, anong larangan ang labis

mo na hinangaan. Ipaliwanag ang panig.


SUSI SA PAGWAWASTO
B. Answers may vary (5 pts.)
Tama 5.
Mali 4.
Tama 3.
Tama 2.
Tama 1.
Panapos na Pagsusulit

Tama 5.
Mali 4.
Tama 3.
Mali 2.
Tama 1.
PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Aklat:
• Blando, R. ,et.al (2014), ASYA: pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, modyul para
sa mag-aaral, DepEd

Mga imahe:

https://commons.wikimedia.org/wiki/Main_Page.

https://prezi.com/zzzh0gsh8tp_/mga-kontribusyon-ng-timog-at-kanlurang-
asya/?frame

=6da67568da44f65c971d5f54fcdcc8afcc7c8c9e

You might also like