Familiarization Material Filipino Day 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City

FAMILIARIZATION MATERIAL-FILIPINO-IKAANIM NA ARAW

Target na Kompitensi:
Nabibigyang ngalan ang mga karaniwang bagay/bagay sa kapaligiran
Napaghahambing ang dalawa o higit pang tao, lugar, bagay batay sa katangian
(hal. laki, haba)
Nasasabi ang dating kaalaman batay sa mga kwentong babasahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga teksto o pahayag. Piliin ang letra ng
tamang sagot ayon sa hinihingi ng mga tanong.

Tuwing gabi, kasama ni Lola Basyang ang mga apo sa ____________ na


nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan sa pagsagot sa mga bugtong. Nakaupo sila
nang paikot kay Lola Basyang sa sofa. Kumakain din sila ng masarap na
___________ na binalot sa dahon ng saging at may sawsawang minatamis.
Nagpahula si Lola Basyang ng ganito, “Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Ano ang
sagot?” tanong niya sa mga mahal niyang apo. Una-unahan namang sumagot
ang masasayang apo. “Ako naman po lola,” sabi ni Bet Bet. “Buto’t balat,
lumilipad, may iba’t ibang kulay, sa langit kumakaway.” Nahulaan ito ni Mina.

1. Kung isa ka sa mga apo ni Lola Basyang, anong karaniwang bagay ang
isasagot mo sa bugtong niya?
A. kalesa C. kasoy
B. kamatis D. kuwintas

2. Tuwing gabi, kasama ni Lola Basyang ang mga apo sa _________ na


nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan sa pagsagot sa mga bugtong. Anong
karaniwang bagay ang angkop ipuno sa patlang upang mabuo ang pahayag?
A. sala C. kusina
B. banyo D. garahe

3. Kumakain din sila ng masarap na ___________ na binalot sa dahon ng saging


at may sawsawang minatamis. Anong karaniwang bagay ang inilalarawan sa
pahayag na dapat ipuno sa patlang?
A. puto C. taho
B. suman D. turon

4. “Buto’t balat, lumilipad, may iba’t ibang kulay, sa langit kumakaway.” Anong
bagay sa paligid ang hula ni Mina sa bugtong na ito ni Bet Bet?
A. agila C. lobo
B. eroplano D. saranggola

Sa baryo Maligaya ay may kinatutuwaang kambal na


sina Pot Pot at Mot Mot. Anak sila ng mag-asawang Mang Pilo
at Aling Moly. Si Pot Pot ay tuwid Gov. angNoble,
buhok samantalang
Guadalupe Nuevo, MakatisiCity
Mot Mot naman ay kulot ang buhok. Masayahing bata
(02) 8882-5861 ; (02)si Mot
8882-5862
Mot ngunit tila palagi na lang parang may problema itong si
makati.city@deped.gov.ph
Pot Pot. Minsang sila’y naglalakadwww.depedmakati.ph SDOMakati
sa kalye ay nasalubong nila
si Kapitan Isko. “O, kambal, saan ang lakad ninyo?”
“Magpapalipad po kami ng saranggola sa parke. Mas
5. Anong paghahambing tungkol sa mga buhok ng kambal ang binanggit sa
kuwento?
A. maputi at maitim C. makapal at manipis
B. makintab at madulas D. tuwid at kulot

6. Masayahing bata si Mot Mot ngunit tila palagi na lang parang may
problema itong si Pot Pot. Anong katangian ni Pot Pot ang nais ipahiwatig
ng pahayag?
A. masakitin C. masungit
B. malungkutin D. matiisin

7. “Magpapalipad po kami ng saranggola sa parke. Mas mahangin at


malawak po kasi roon kaysa rito sa aming bahay,” sagot ng isa.
Anong dalawang lugar ang pinaghahambing sa pahayag na ito?
A. bahay at parke C. barangay at parke
B. parke at paaralan D. bahay at palengke

8. Aling pagkain ang dapat kainin na mas mabuti sa katawan at mura pa ayon
kay Kapitan Isko?
A. sitsirya C. siomao
B. kakanin D. tinapay
Krrrrrring! Krrrrrring! Nagmamadaling bumangon sina Donna at Bong.
Inayos muna nila ang kanilang pinaghigaan. Isa-isa silang naligo at nagbihis ng
kanilang mga uniporme. Maya-maya ay tinawag na sila ng kanilang magulang
para mag-almusal. Ilang saglit pa ay bumusina na si Mang Choy hudyat na sila
ay susunduin na ng traysikel at malapit na ang Flag ceremony.

9. Batay sa binasang kuwento, anong dating kaalaman ang maiuugnay mo sa


mga inilahad na pangyayari?
A. Paghahanda para sa isang pista
B. Paghahanda para sa lakbay-aral
C. Paghahanda para sa pagpasok sa paaralan
D. Paghahanda para sa pamamalengke ng mga ulam

Maagang gumising si Nanay Bining. Kinuha niya ang basket sa pasimano.


Mamimili siya ng ulam sa tinadahan ng karne ni Mang Berto. “Mang Berto, isang
kilong laman at at atay nga po ng baboy,”

10. Batay sa binasang kuwento, anong dating kaalaman ang maiuugnay mo sa mga
inilahad na pangyayari?
A. Paghahanda para sa isang pista
B. Paghahanda para sa lakbay-aral
C. Paghahanda para sa pagpasok sa paaralan
D. Paghahanda para sa pamamalengke ng mga ulam
SUSI SA PAGWAWASTO AT PALIWANAG
1. C Kung ilalaarawan ang itsura ng kasoy ay hawig sa isang prinsesang
nakaupo sa tasa, ang ibang pagpipilian namanay di ganoon.
2. A Dahil sa pahiwatig na nakaupo sa sofa.Ang sofa ay bagay na nasa sala
3. B Dahil sa pahiwatig na binalot ng dahon ng sagit at may minatamis na
sawsawan
4. D Lahat ng pagpipilian maliban sa tamang sagot ay naglalarawan ng
sinasaad sa bugtong
5. D Hayagang binanggit sa teksto ang anyo ng mga buhok ng kambal
6. B Dahil sa pahiwatig na palagi na lang parang may problema,
nangangahulugang mkalungot ang tao
7. A Hayagang binanggit sa teksto ang dalawang lugar na pinaghambing
8. B Hayagang binanggit sa teksto ang salitang kakanin na mura, ito rin ay
masustansiya
9. C Ang inilahad na mga pangyayari ay ginagawa ng mga bata kapag
papasok sa paaralan
10.D Ang inilahad na mga pangyayari ay ginagawa ng mga nanay pag
namamalengke

You might also like