Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

9

9
FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 7
Rama at Sita (Epiko) at Uri ng Pang-
abay

PAG-AARI NG DepEd LAPU-LAPU

HINDI IPINAGBIBIL
PAG-AARI NG DepEd LAPU-LAPU CIT

HINDI IPINAGBIBILI
PAG-AARI NG DepEd LAPU-LAPU CITY

HINDI IPINAGBIBILI
RAMA AT SITA (EPIKO)
at URI NG PANG-ABAY

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan


sa pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-55)
2. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayari
(F9PN-IIIg-h-54)
3. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa Epiko
(F9PB-IIIg-h-54)

Mga Talang Konsepto

Kulturang Asyano – Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya.


Tinatampok nito ang iba’t ibang uri ng pamanang pangkultura
ng maraming mga kabihasnan, mga lipunan, at mga pangkat
etniko ng rehiyon.

Ilang Halimbawa ng kultura sa Asya


Pilipinas – Bayanihan/Pagtutulungan, pagiging malapit o pagpapahalaga sa
pamilya, relihiyoso, pagiging magiliw sa bisita, at marami pang iba.
India - Ang paniniwalang Karma at Reincarnation ay lubusang tumino sa isipan
ng mga Hindu. Namaste ang tawag sa tanyag na pagbati sa India.
China - Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng
daigdig at kaganapan.

RAMA AT SITA (Isang kabanata)


Epiko – Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
Sa gubat nanirahan sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula
sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila
alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni
Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito
kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita ang
dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Dahil sa
selos at galit ni Surpanaka ay nagbago ang kaniyang anyo at naging isang higante.
Bigla siyang lumundag at aktong papatayin si Sita. Pero niyakap agad ni Rama si
Sita kaya nakalayo sila kay Surpanaka. Nang dumating si Lakshamanan tinulungan
niya sina Rama kung kaya nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng
higante. “Sino ang may gawa nito?” Pasigaw na tinanong ni Ravana ang kapatid
dahil sa ayos nito. Para makahiganti kay Rama ay nagsinungaling siya at sinabing
nakakita siya ng isang magandang babae sa gubat at inalok niyang mapangasawa
ni Ravana pero tumanggi ang babae na siyang dahilan kung bakit tinagpas ng isang
prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. Humingi siya ng tulong kay Ravana at nag-utos
na bihagin si Sita para maging asawa nito. Naniwala si Ravana kaya ipinatawag niya
si Maritsa na may kakayahang magbago ng anyo. Tumanggi si Maritsa nang
malaman na sina Rama at Lakshamanan ang kakalabanin. “Kakampi nila ang mga
Diyos,” sabi ni Maritsa. Umisip ng paraan sina Maritsa para hindi masaktan si Rama
at makuha si Sita. Isang patibong ang kanilang naisip kaya nakumbinsi si Ravana.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa
na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalala ni
lakshamanan. Sa sobrang pagmamahal ni Rama kay Sita ay kumuha ito ng pana at
busog para mahuli ang usa. Narining ng usa ang sinabi ni Rama kaya tumakbo ito
nang mabilis. Dahil dito, napasigaw si Sita na habulin ang gintong usa kayan dali-
daling umalis si Rama. Naghintay nang matagal ang dalawa ngunit hindi pa rin
nakauwi si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sundan ang kapatid nito nang
makarinig ng malakas na sigaw. Hindi umalis si Lakshamanan dahil nangako itong
babantayan si Sita ayon na rin sa utos ni Rama. Nasaktan si Lakshamanan ng
sabihin ni Sita na kaya ayaw nitong umalis ay para siya ang maging hari at dahil dito
sumunod siya sa gubat para sundan ang kapatid. Lingid sa kanilang kaalaman na si
Ravana ay naghihintay lamang sa labas. Pinatay ni Ravana ang usa at ito ay naging
si Maritsa pagkatapos, siya naman ang nagpanggap bilang isang Brahmin na
nakasuot ng kulay kahel na roba at humingi ng tubig kay Sita. Inalok niya si Sita ng
limang libong alipin at gagawing reyna ng Lanka. Dahil sa takot nabitiwan ni Sita ang
banga na may tubig. Itinulak ni Sita si Ravana kaya lumabas ang tunay na anyo nito
na isang higante. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at pilit isinakay sa
karuwaheng hila ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nanlaban at sumigaw
si Sita pero wala siyang magawa dahil dito lihim siyang nagsisi sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.
Ipinagdasal niya na sana’y makita iyon ni Rama para masundan at maligtas siya.
Narinig ng agila ang sigaw ni Sita at hinabol ang karuwahe ngunit pinagtataga ni
Ravana ang agila at duguang bumagsak sa lupa. Pabalik na sana sina Rama nang
makita nila ang naghihingalong agila. Bago mamatay ang ibon ay nasabi nito na
dinala ni Ravana ang asawa nito sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at
demonyo. Inalok ni Ravana si Sita na siya’y mahalin at nangakong ibibigay ang lahat
ng kayamanan ngunit tumanggi si Sita. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga
unggoy para salakayin ang Lanka. Maraming namatay na unggoy sa labanan pero
mas maraming pugot na ulo ng higante ang bumagsak. Naglaban sina Rama at
Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Nakita ng iba pang
higante ang pagkamatay ng kanilang pinuno kaya tumakas nalang sila. Nagkitang
muli sina Sita at Rama at tuluyan ng nagsama nang maligaya.

Epiko
- Ang salitang epiko ay nagmula sa Griyego na epos na ang ibig sabihin ay
“awit” ngunit tinutukoy ngayon na pasalaysay na kabayanihan.

- Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na may taglay na kapangyarihan.

- Ang paksa ay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang


paglalakbay at pakikidigma.

Pag-uugnay sa Gramatika

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri,


at kapwa pang-abay.

Mga uri ng Pang-Abay:


1. Pamanahon – Nagsasaad kung kailan naganap o ginawa ang kilos ng
pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan.

Halimbawa: Noong taong 2001, umabot sa 60 milyong tao ang dumalo sa


Kumbh Mela na isang malaking pagdiriwang sa relihiyong
Hindu.

2. Panlunan – Nagsasaad sa pook o lugar kung saan naganap o nangyari


ang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.

Halimbawa: Ipinatapon sina Rama, Sita, at Lakshamanan kung kaya sa


gubat nalang sila tumira.

3. Pamaraan – Nagsasaad kung paano naganap o nangyari ang kilos. Ito ay


sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa: Napatay ni Rama ang hari ng mga higante na si Ravana nang


buong tapang.
4. Panggaano – Nagsasaad ng timbang o sukat. Ito ay sumasagot sa tanong na
magkano o gaano.

Halimbawa: Halos isang oras ang tinagal ng paghihintay nila kay Rama.
5. Pang-agam – Naghuhudyat ng walang katiyakan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa.

Halimbawa: Siguro hindi tutulungan ni Ravana si Surpanaka kung nagsabi


ito ng totoo sa kaniya.

6. Panang-ayon – Nagsasaad ng pagsang-ayon.

Halimbawa: Talagang hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang


tunay na pagmamahal kagaya nalang ng pagtanggi ni Sita
kay Ravana.

7. Pananggi – Nagsasaad ng pagtutol o pagtanggi.

Halimbawa: Hindi matanggap ni Surpanaka ang pag-iibigan nina Rama


at Sita.

8. Ingklitik – Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng


unang salita sa pangungusap gaya ng: kaya, man, ba, pa,
naman, na, daw/raw, nang, sana, pala, lamang/lang, atbp.
Halimbawa: Lingid sa kanilang kaalaman na si Ravana ay naghihintay
lamang sa labas.

Mga Gawaing Pampagkatuto

GAWAIN 1

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangyayari sa akda at maglahad ng


maaaring mangyari nito. Gawing gabay ang tanong at isulat sa
kahon ang iyong hinuha. (2 puntos bawat isa)

1. Lumundag si Surpanaka para patayin si Sita nang sabihin nitong hindi sila
maaaring magkatuluyan ni Rama dahil may asawa na ito. Tumulong si
Lakshaman at natagpas nito ang ilong at tenga ni Surpanaka.

Ano ang maaaring mangyari sa pagsasama nina Rama at Sita?


2. Pasigaw na tinanong ni Ravana ang kapatid dahil sa ayos nito. Para
makahiganti kay Rama ay nagsinungaling siya at sinabing nakakita siya
ng isang magandang babae sa gubat at inalok niyang mapangasawa ni
Ravana pero tumanggi ang babae na siyang dahilan kung bakit tinagpas
ng isang prinsipe ang kaniyang ilong at tenga
Ano ang maaaring maging reaksiyon ng higanteng si Ravana?

3. Tumanggi si Maritsa nang malaman na sina Rama at Lakshamanan ang


kakalabanin. “Kakampi nila ang mga Diyos,” sabi ni Maritsa.

Ano ang maaaring mangyari kay Ravana at Maritsa kung ipagpapatuloy


nila ang pakikipaglaban?

4. Inalok niya si Sita ng limang libong alipin at gagawing reyna ng Lanka.


Dahil sa takot nabitiwan ni Sita ang banga na may tubig. Itinulak ni Sita si
Ravana kaya lumabas ang tunay na anyo nito na isang higante.
Ano ang maaaring mangyari kung sakaling pumayag si Sita sa alok ni
Ravana?
5. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga unggoy para salakayin ang
Lanka. Maraming namatay na unggoy sa labanan pero mas maraming
pugot na ulo ng higante ang bumagsak.
Ano ang maaaring mangyari kung hindi pumayag ang hari ng mga unggoy
sa pakikipaglaban sa mga higante?

GAWAIN 2

Panuto: Ilarawan ang natatanging kulturang Asyano batay sa nabasang


epiko na pinamagatang “Rama at Sita”. (15 puntos)

Mga Kulturang
Asyano ng Epikong
Rama at Sita

(pamilya) (kapatid) (pananampalataya)


GAWAIN 3
Panuto: Sumulat ng sariling alamat gamit ang tiglilimang uri ng pang-abay na
pamanahon, panlunan, at pamaraan. Salungguhitan ang ginamit na
mga pang-abay sa akdang nilikha. Ang paksa ng alamat na isusulat
ay maaaring tungkol sa kalusugan o lipunan. (30 puntos)
RUBRIKS

Pamantayan 10 8 6 4 Marka

Pagkakabuo Napakahusay Mahusay ang May ibang Hindi nabuo


ng Konsepto ng konseptong konseptong konsepto na nang maayos
nagawa at naisip ngunit malayo sa ang konsepto
lahat ay akma hindi lahat ay paksa ng at di naaayon
sa paksa. akma sa alamat na sa paksa.
paksa. isinulat.

Paggamit ng Nagamit nang Nagamit Wasto ang Hindi wasto


Pang-abay wasto ang nang wasto pang-abay na ang pagkaka-
pang-abay at ang pang- ginamit at hindi gamit ng
hindi bababa abay ngunit lalagpas sa pang-abay at
sa lima ang tatlo dalawa ang uri tig-iisa lang
bilang ng uri hanggang ng pang-abay ang pang-
ng pang-abay apat lang ang na abay na
na pang-abay na pamanahon, pamanahon,
pamanahon, pamanahon, panlunan, at panlunan, at
panlunan, at panlunan, at pamaraan. pamaraan.
pamaraan. pamaraan.

Pagbabanghay Organisado May isang Iilang bahagi Walang


ang bahagi ng ng alamat ang organisasyon
pagkakasunod alamat ang hindi maayos ang kabuoan
-sunod ng mga hindi ang ng
pangyayari. magkaka- pagkakasunod pagkakasulat
ugnay. -sunod. ng alamat

Kabuoang puntos

Pagninilay

Panuto: Kompletuhin ang pahayag.


Natutunan ko ____________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Mula sa aklat
Julian, Ailene B. et al., Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2015
Mula sa Internet
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Asya
https://www.slideshare.net/irraljano/mga-paniniwala-at-kaugalian-ng-mga-sinaunang-
asyano-54164648
https://www.slideshare.net/carolenenicolas/pang-abay-26426663
https://www.tagaloglang.com/epiko/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay
https://www.facebook.com/804387872952408/posts/rama-at-sita-isang-
kabanataepiko-hindu-indiaisinalin-sa-filipino-ni-rene-o-villa/835303429860852/
https://www.scribd.com/document/437055864/Rubric-sa-pagsulat-ng-alamat

Gawain A at B
Ang guro na ang bahalang magpasiya para sa gagawing pagmamarka.
Gawain C
Gawing batayan ang rubriks na ibinigay.

Itinipon ni:
EDELYN L. PATIGDAS
(Pangalan)

You might also like