Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bagong Kalendaryo ng Edukasyon: pagsang-ayon at pag-kondena ng iba’t ibang sector.

Ipapatupad na
nga ba o idadaan sa slow transaction?

Ang pandemya ang naging pangunahing rason ng pagbukas ng mga bakas ng pagbabago noong taong
2020, ito’y nagresulta sa paglipat ng buwan ng pasukan at bakasyon. Marami ang nagsalita at nagbigay
ng kahilingan na ibalik ang dating sistema, lalo na sa mga reklamo ng mga estudyante na nanganganib sa
mainit na panahon ng tag-init sa mga silid-aralan. Sa pagsiklab ng Pebrero 2024 isang bagong kabanata
ang binuksan ng Department of Education (DepEd) sa larangan ng edukasyon sa bansa. Sa tala ng
Department Order no 3, na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, inanunsyo
ang mas maagang pagtatapos ng klase sa mga pampublikong paaralan sa darating na buwan ng Mayo
para sa school year 2023-2024. Ngunit ano nga ba ang hatid nito sa ating mag-aaral? Kaginhawaan o
Ikahihirap? Hindi maikakaila na magdudulot ito ng matinding pag-aatubili at pangangamba sa karamihan
na nasanay sa pandemic education calendar na nangyari sa mahigit dalawang taon.

Naniniwala ang iba sa atin na ang panunumbalik ng ganitong Sistema ay siyang makabubuti para
pagpapa-unlad ng edukasyon sa ating bansa dahil ayon sa Pulse Asia survey na isinagawa mula noong
Hunyo 19 hanggang 23, 2023, ay nagpapakita na 80% ng mga Pilipino ang pabor sa pagbabalik ng
summer break sa Abril at Mayo at muling pagbubukas ng klase sa buwan ng hulyo. Ang mataas na
porsyento ng suporta mula sa mamamayan ay sumasalamin sa kagustuhan ng karamihan na ibalik sa
dating school calendar. Isa pang magpapatunay dito ang paghahain ni Senator Gatchalian ng Proposed
Senate Resolution No. 672 noong nakaraang taon ay nagpapakita ng aktibong pagkilos upang suriin ang
mga batayan ng school opening. Ang pagbuo ng resolusyon na ito ay naglalayong makapagsagawa ng
masusing pagsusuri sa mga aspeto ng school calendar, na maaaring magsilbing basehan para sa
pagbabago. Ayon naman sa pagkokonsulta ng DepEd sa mga stakeholders na nakapaloob dito, sa mga
konsultasyon na ito ay kabilang ang mga guro, paaralan, magulang, at student-leaders, ay nagpapakita
ng kagustuhan sa ahensya na makakuha ng feedback mula sa mga direktang naaapektuhan ng
pagbabago sa school calendar kung saan ang pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor ng lipunan ay isa sa
itinuturing na ebidensya ng inclusivity at transparency sa pagbuo ng polisiya. Samantalang naniniwala
ang 20% sa ating mga kababayan na ang pagbabalik nito ay maaaring magdulot ng disrupsiyon sa
sistema na maaaring magdulot ng pagkalito para sa ating mga mag-aaral. Naniniwala ang mga ito na ang
tuloy-tuloy na pagbabago sa akademikong iskedyul ay maaaring makaapekto sa tinatawag na curriculum
planning na maaaring makaapekto sa pagtuturo ng mga guro. Bagama’t patuloy na tinututulan ito ni
Spokesperson Michael Poa, kung saan sinabi niya na dapat idaan ito sa “slow transaction” maaari itong
magdudulot ito ng serye ng mga isyu. Ang mabilis na pagpapatupad ng bagong sistema ay mahalaga
upang maiwasan ang pagkabahala ng mga mag-aaral, guro, at magulang. Ang kakulangan sa agarang
implementasyon ay maaaring magresulta sa pagkawala ng oras, kakulangan sa pasanin, at pag-aaksaya
ng mapagkukunan. Ang masusing pagpaplano at epektibong komunikasyon ay kritikal upang tiyakin ang
maayos at mabilis na transisyon sa bagong edukasyon calendar.
Sa kabuoan, malulutas ang kinahaharap na isyung ito, sa pamamagitan ng Pagpapatupad ng malawakang
public awareness campaign upang ipaliwanag ang layunin ng bagong education calendar at ang mga
potensyal na benepisyo nito. Ang pag-unawa ng mas maraming tao ay makakatulong sa pagbabawas ng
resistensya sa pagbabago. Isa rin sa mahalagang aspekto rito ay ang Pagpaplano at koordinasyon
kasama na ang paglalaan ng oras para sa konsultasyon sa iba't ibang sektor tulad ng mga guro,
magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders sa edukasyon. Ang pagpapahayag ng kanilang mga
opinyon at pangangailangan ay makakatulong sa pag-unawa ng mas malalim na aspeto ng nasabing isyu.
Ang pagtatalaga ng pondo para sa gagawing changes ay kinakailangan din upang masuportahan ang mga
pangangailangan ng guro at mag-aaral. Partisipasyon ng mga pribadong sector, lalo na ang mga
pribadong paaralan, upang masusing maunawaan ang kanilang pananaw at maaaring maging
kontribusyon sa pagresolba nito. Sa huli, maisasagawa at maibabalik sa tradisyonal education calendar
at petsa ng pagsisimula ng mga klase kung ito ay paglalaanan ng oras at pansin ng mga nakaupo sa
posisyon at pagkakaroon ng pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang suliraning ito.

You might also like