Dlp-P.e Ika-Anim Na Linggo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Physical Education III

Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
 The learner demonstrates understanding of body shapes and body actions in preparation for
various movement activities
 The learner performs body shapes and actions properly.
 Demonstrates movement skills in response to sound and music
1. Walk in different directions with proper body mechanics
2. Move in different directions in response to sounds and music
PE2MS-Ia-h-1

II. Paksa
A. Aralin 7: Lumakad tayo at umawit
B. Sanggunian: Kagamitan ng guro pp. 23-26, Kagamitang ng mag-aaral pp. 246-
253
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation,
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nakakagawa ng mga wastong kilos at gawi
sa pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan.

III. Pamaraan
A. Panimula (Introduction)

 Balik-aralan ang mga ang mga hugis at Kilos ng katawan.


 Ang mga bata ay magkakaroon ng warm up exercise
 Ang mga bata ay kailangan mag stretching exercise.

B. Development
 Tingnan ang mga larawan sa ibaba masusundan mo ba ang mga ito?

Gawin ang sumusunod:


Figure A-B
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Ibaluktot ang katawan pakanan, ang kaliwang braso ay nasa itaas ng ulo (huminto)
(6 bilang)
3. Bumalik sa panimulang posisyon ...(bilang 7-8)
4. Ibaluktot ang katawan pakaliwa, ang kanang braso ay nasa itaas ng ulo (huminto) ..
(6 bilang)
5. Bumalik sa panimulang posisyon. Hinto…..(bilang 7-8)

Figure C
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Itaas ang sakong, itaas ang braso. Huminto …...(bilang 6)
3. Balik sa panimulang posisyon ....(bilang 7-8)

Figure D
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Ilagay ang kamay sa baywang. Huminto ………….(6 bilang)
3. Balik sa posisyon………..(bumilang ng 7-8)
4. Ulitin mula A-D
5. Inhale at exhale……… (8 bilang)

C. Pagpapalihan (Engagement)
Alam mo ba ang awit na “Tong tong tong tong pakitong kitong?” Pag-aralan natin ang mga
titik ng awit.

“Tong tong tong tong pakitong-kitong”


Tong tong tong tong pakitong-kitong
Alimango sa dagat,malaki, at masarap
Mahirap mahuli, sapagkat nangangagat (ulitin)

Ano kayang hayop ang inilalarawan sa awit?


Kaya mo bang gawan ng kilos ang awit?
Anong bahagi ng katawan ang iyong ginamit sa pagsasagawa ng kilos ng awit?

D. Paglalapat (Assimilation)
Ang mga kilos bang ito ay kilos-lokomotor o kilos di-lokomotor? Bakit?

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Sa A at B? Sa C at D?


• Paghambingin ang larawan sa A at B.
• Sino kaya sa palagay mo ang may wastong tikas sa paglakad?
• Sino kaya sa palagay mo ang may wastong paglakad, C o D?
• Kaya mo bang ipakita ang wastong paglakad?

Ang paglalakad nang wasto sa iba’t ibang direksiyon ay isang kasiya-siyang gawain
na makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng sistema ng ating katawan.

E. Pagtatasa
Panuto: Lagyan ng check ang kahon na naglalarawan sa tikas ng batang nasa larawan.

Good Posture Fair posture Poor Posture

F. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumuhit ng larawan na nagpapakina ng pamilyang nagkakaisa.

Inihanda ni:

Cherwin M. Rosa
Banghay Aralin sa Physical Education III
Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
 The learner demonstrates understanding of body shapes and body actions in
preparation for various movement activities
 The learner performs body shapes and actions properly.
 Demonstrates movement skills in response to sound and music
1. Describe flexibility and conditioning exercises in kneeling position
2. Perform kneeling exercise with proper body mechanics
PE2MS-Ia-h-1

II. Paksa
A. Aralin 8: Tayo ay gumalaw at ibalukto’t ang tuhod
B. Sanggunian: Kagamitan ng guro pp. 29-33, Kagamitang ng mag-aaral pp. 253-
259
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation,
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Maisagawa ang pagluhod na ehersisyo
na may wastong mekanika ng katawan
.

III. Pamaraan
A. Panimula (Introduction)

 Balik-aralan ang mga ang mga hugis at Kilos ng katawan.


 Ang mga bata ay magkakaroon ng warm up exercise
 Ang mga bata ay kailangan mag stretching exercise.
 Tingnan ang mga larawan sa ibaba masusundan mo ba ang mga ito?

Gawin ang sumusunod:


Figure A-B
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Ibaluktot ang katawan pakanan, ang kaliwang braso ay nasa itaas ng ulo (huminto)
(6 bilang)
3. Bumalik sa panimulang posisyon ...(bilang 7-8)
4. Ibaluktot ang katawan pakaliwa, ang kanang braso ay nasa itaas ng ulo (huminto) ..
(6 bilang)
5. Bumalik sa panimulang posisyon. Hinto…..(bilang 7-8)

Figure C
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Itaas ang sakong, itaas ang braso. Huminto …...(bilang 6)
3. Balik sa panimulang posisyon ....(bilang 7-8)

Figure D
1. (SP) Tumayong naka-stride.
2. Ilagay ang kamay sa baywang. Huminto ………….(6 bilang)
3. Balik sa posisyon………..(bumilang ng 7-8)
4. Ulitin mula A-D
5. Inhale at exhale……… (8 bilang)

B. Development
Gusto mo bang subukin ang iba pang mga kilos na ginagamit ang ibang bahagi ng
ating katawan bilang pang-ibabang suporta katulad ng mga tuhod? Kaya mo bang gayahin
ang kilos na nakalarawan sa ibaba?

Madali bang gawin?

C. Pagpapalihan (Engagement)
Ngayon subukin mong gawin ito:

Dagdagan naman natin ngayon ang kilos gamit ang braso habang ginagawa ang
tatlong posisyon sa pagluhod. Ilan ang iyong nagawa? Kulayan ang katumbas ng iyong
puntos.
D. Paglalapat (Assimilation)
Ang mga tuhod ay maaaring gamitin bilang pangibabang suporta katulad ng mga paa.
Maaari kayong makagawa ng mga ehersisyo habang nakaluhod. Ang mga ehersisyong may
kilos na nakaluhod ay maaaring makatulong para madebelop ang kakayahang bumaluktot,
magbalanse, at lumakas ang katawan.

Gawin ang “Kneeling Challenge”. Gumawa ng mga ehersisyo gamit ang iba’t ibang
posisyon sa pagluhod. Sa loob ng dalawang minuto sanayin ang ehersisyo na may kasamang
kilos ng mga braso. Pagkatapos, gawin ang kilos habang inaawit ang “Bahay Kubo.”

E. Pagtatasa
Pagkatapos maisagawa ang mga gawain, lagyan ng tsek () ang patlang kung wasto ang kilos
at ekis () kung hindi.

F. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Magsanay sa bahay ng mga ginawang ehersisyo.

Inihanda ni:

Cherwin M. Rosa
Banghay Aralin sa Physical Education III
Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
(IkatlongAraw)

I. Mga layunin
 The learner demonstrates understanding of body shapes and body actions in
preparation for various movement activities
 The learner performs body shapes and actions properly.
 Demonstrates movement skills in response to sound and music
1. Perform different sitting positions with correct body
2. Form different shapes out with one’s body while sitting
PE2MS-Ia-h-1

II. Paksa
A. Aralin 9: Umupo tayo at lumikha ng hugis
B. Sanggunian: Kagamitan ng guro pp. 35-39, Kagamitang ng mag-aaral pp. 260-
266.
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation,
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Maisagawa ng tama ang ibat ibang
posisyon ng pag-upo.

III. Pamaraan
A. Panimula (Introduction)

 Ang mga bata ay magkakaroon ng warm up exercise


 Ang mga bata ay kinakailangang mag stretching exercise.
Gawin ang mga hugis ng katawan at mga kilos sa pag-upo na iyong natutuhan sa
nakaraang aralin habang umaawit ng “Lubi-lubi.” Ang bawat posisyon ay isasagawa nang
may apat na bilang

B. Development
Tayo’y umawit at lagyan ng kilos ang awit.
“Sit Down, You’re Rocking the Boat”
Sit down, sit down you’re rocking the boat.
Sit down, sit down you’re rocking the boat.
Sit down, sit down you’re rocking the boat.

Ano-anong kilos ang iyong isinagawa habang umaawit?


Nasiyahan ba kayo sa mga kilos o galaw?

C. Pagpapalihan (Engagement)

Tingnan ang mga larawan ng iba’t ibang posisyon sa pagupo.


Ano ang nakita mo sa larawan? Ano ang ginagawa ng bata sa larawan?
Kaya mo ba itong gawin?

Ano ang nakita mo sa larawan?


Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? Kaya mo ba itong gawin?
Ngayon naman ay isagawa nang wasto ang iba’t ibang posisyon sa pag-upo.

D. Paglalapat (Assimilation)

Sagutin ang sumusunod:


a. Ano ang iba’t ibang posisyon sa pag-upo ang iyong ginawa?
b. Naisagawa mo ba ang iba’t ibang posisyon na may wastong galaw ng katawan? Oo
o Hindi?
c. Anong posisyon sa pag-upo ang mahirap gawin? Bakit?

 Bakit mahalagang malaman natin ang wastong pangunahing posisyon sa pag-upo?


Ang kaalaman sa mga pangunahing posisyon sa pag-upo ay makatutulong upang
makagawa ng mga posibleng kilos at hugis.
Ang tamang pagsasagawa ng bawat posisyon ay makadedebelop ng tikas ng katawan o
maitatama ang depekto.

E. Pagtatasa
Lagyan ng tsek () ang kolum na katapat ng OO o HINDI. Maging matapat sa pagsagot.
Gawin sa sagutang papel.
Gawain oo Hindi
1. Naisagawa nang wasto ang iba’t ibang posisyon sa pag-upo
2. Nakagawa ng tatlong hugis ng katawan
3. Naisagawa ang iba’t ibang posisyon ng katawan nang tama
at maliwanag

F. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Sanayin sa bahay ang ibat ibang posisyon ng pag-upo.

Inihanda ni:

Cherwin M. Rosa

Banghay Aralin sa Physical Education III


Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
(Ikaapat na Araw)

I. Mga layunin
 The learner demonstrates understanding of body shapes and body actions in
preparation for various movement activities
 The learner performs body shapes and actions properly.
 Demonstrates movement skills in response to sound and music
1. Describe correct body mechanics in doing simple static and dynamic
flexibility exercises.
2. Perform simple static and dynamic flexibility exercises while seated
PE2MS-Ia-h-1

II. Paksa
A. Aralin 10: Mga Pagsubok sa Pagbaluktot
B. Sanggunian: Kagamitan ng guro pp. 41-48, Kagamitang ng mag-aaral pp. 267-
277.
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation,
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Maisagawa ng tama ang ibat ibang
posisyon ng pag-upo.

III. Pamaraan
A. Panimula (Introduction)

 Balik-aralan ang mga tuntunin sa inyong pamilya.

Base sa panayam na inyong isinagawa, anu-ano ang maaaring dapat


gawin para sa panatili ng kalinisan at kaayusan ng tahanan?
-Alin sa mga nabanggit na Gawain ang iyong ginagawa upang
mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng tahanan?
- Sa iyong palagay, bakit kailangan natin na malinis at maayos ang
inyong tahanan?

B. Development
Isipin ninyo na nakasakay kayo sa bangka. Awitin at isakilos ang awit na “Row, Row,
Row Your Boat.”

Kaya mo bang sagutin ang sumusunod?


a. Ano ang nilalaman ng awit?
b. Paano ka sumasagwan ng bangka?
c. Ano-anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa pagsagwan?
d. Anong kilos ng braso ang ginamit sa pagsagwan?
e. Anong kilos ng katawan ang ginamit sa pagsagwan?

C. Pagpapalihan (Engagement)

Gusto mo pa ba ng isang gawain? Alam ba ninyo ang “Limbo Rock?” Sundin ang
mga panuto.

Ang garter ay ilalagay nang pahalang sa isang lugar. Maaaring hawak ng


dalawang nakatayong mag-aaral ang magkabilang dulo ng garter o nakatali sa
dalawang poste.
Gumawa ng hanay, at pagkatapos ay dumaan sa ilalim ng garter nang
nakatingala at ang katawan ay bahagyang nakaliyad. Matapos na makadaan ang lahat
sa ilalim ng garter, ibaba ang garter ng isa o dalawang pulgada hanggang bumaba
nang bumaba hanggang baywang ng guro. Ito ay upang makasiguro na hindi ka
magdadagdag ng lakas. Kung sino ang hindi nadikit ang alinmang bahagi ng katawan
sa garter ang panalo.

D. Paglalapat (Assimilation)
Sagutin ang sumusunod:
a. Anong kilos ng katawan ang ginamit sa paglalaro?
b. Sa palagay mo, bakit ka nakatawid nang maayos sa garter kahit ito ay
ibinababa nang ibinababa?
c. Anong bahagi ng katawan ang naiuunat?
d. Anong bahagi ng katawan ang naibabaluktot?
e. Ano ang iyong ginawa habang naghihintay ng iyong pagkakataon na
makatawid sa garter?
Ang gawain bang natapos ay may kaugnayan sa kalambutan ng katawan
(flexibility)? Ano ang kalambutan?
Ano ang dalawang uri ng kalambutan?

Ang kalambutan (flexibility) ay kakayahan ng isang tao na makabaluktot


(bend) at makapag-unat (stretch) nang hindi nasasaktan ang sarili.

May dalawang uri ng kalambutan:


Static Flexibility – pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot na hindi
gumagalaw sa isang lugar.
Dynamic Flexibility – pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot
habang gumagalaw.

E. Pagtatasa
Lagyan ng tsek () ang kahon na naaayon sa paraan ng inyong pagsasagawa.
Pagmamarka:
5 – Napakahusay 2 – Kailangan pang magsanay
4 – Lubhang kasiya-siya 1 – Mahina

Ehersisyong Pagbaluktot sa Posisyong Nakaupo 1 2 3 4 5


a. Static Flexibility Long Sitting Position
b. Thigh Stretch
c. Dynamic Flexibility Long Sitting Rest Position

F. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Ipasanay sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng mga iba’t ibang kilos

Inihanda ni:

Cherwin M. Rosa

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I


Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
(Ika-limang Araw)

Lingguhang Pagsusulit

You might also like