Pagbasa at Pagsusuri Photo Essay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

“Hagdan Patungo sa Karunungan”

Ang hagdan na ating nilalakad at inaakyat ay dinadala tayo sa Karunungan, sa ating


mga destinasyon lalo na sa paaralan kung saan ginagamit nating daan ang mga
hagdan upang tayo'y makaakyat at makarating sa ating mga silid aralan. Kung saan
sa ating mga silid aralan ay may bago tayong matututunan, mga bagay na hindi pa
natin maaaring natuklasan noon, at natuklasan na natin ngayon. Ang hagdan ang
nagsisilbi nating tulay upang magkaroon ng kaibigan, ikalawang ina-inahan,
kasiyahan, at marami pang kaalaman na matututunan. Ito ang ating susi at pag-asa
upang maabot ang ating hinahangad na karunungan at mga bagong kaalaman sa
bawat araw nating pag punta sa ating paparuonan.

Kung ang hagdan naman ay ginagamit natin sa pag akyat, ang pasilyo naman ay
ang isa pang daanan katulad ng hagdan, dito naman ay tinutulungan tayong
mahanap ang ating mga paruruonan, kung saan dito ikaw ay maglalakbay upang
makarating sa iyong silid aralan na hinihintay ka upang ibahagi ang mga bagay na
puno ng kaalaman at karunungan, kumbaga ito ang ikalawang parte o isang tulay
patungo sa karunungan bukod sa hagdan. Sa pasilyo ng paaralan may mga tao ka
ring makakasalubong o ang mas maganda ay sila pa ay iyong nagiging kaibigan, na
dinadala karin patungo sa karunungan, karunungan mag-mahal, mag alaga, makig
kapwa tao, at karunungan mag hanap ng kasiyahan. Sa iyong paglalakbay, dito mo
matutunghayan ang mga bagay bagay.
Sa bawat pag pasok sa ating mga silid aralan tayo ay sinasalubong ng mga kaklase
nating puno ang mukha ng kasiyahan at katuwaan. binubuo ng mga kabataan na
puno ng kaalaman at kaisipan, isang silid na katamtaman lang ang laki ngunit
punong puno ng alaala, isang silid na nag-uukit ng masasayang alala, mga
kaklaseng nag tatawanan at nagsasamahan sa bawat pagsubok na nararanasan
ay ito parin ay nalalagpasan tungo sa magandang pagsasamahan. Ang silid na
puno at kapupulutan ng maraming aral, kung saan sa bawat pag pasok ay may mga
bagong kaalaman na matutuklasan, kung saan walang ginagawa kasama ang mga
kaklase kung hindi mag tawanan at mag tulungan, dahil ang turingan namin dito ay
parang pamilya at magkakapatid. Ang mga tao rito’y minsan ay nag babangayan
at nag aangatan, dahil ganyan ang ginagawa ng katulad naming mga kabataan.
Dito sa silid aralan ay pamilya kung ilarawan, nag dadamayan, nag aasaran, nag
tatawanan, nag iiyakan, at nag kakaisa. Ito ang nagsisilbi naming ikalawang
tahanan, punong puno ng paghihirap at tiwala, pagmamahal sa isa’t isa ang
pananggala.

Sa bawat paglalakbay gamit ang hagdan at pasilyo, sa pag dala ng mga ito sayo
sa karunungan, ikaw ay matututong magbasa at magsulat, ngunit hindi lamang ang
mga ito kung hindi ay iba pa. Dinadala ka ng mga hagdan at pasilyo sa iyong
ikalawang bahay na kung saan dito ay matutuklasan mo ang karunungang
magbasa at magsulat na kung saan ito ang madalas inaaral sa paaralan. Hindi ba’t
parang ikaw ay nakakatanggap ng gantimpala kapag ikaw ay may natututuhang
mga bagay? Gantimpala na alay mo saiyong sarili at gantimpalang lubos na
nararapat sa iyo. Upang magkaroon ng karunungan kailangan mong maglakbay,
dahil hindi madaling makamit ang mga ito, ito ay may mahabang proseso na
kailangan mong pag tyagaan at sundin ang mga kailangan. Ang mga ito ay parang
bundok, mararating mo lamang kung ito’y inaakyat, pinapangarap, at hinahangad.

Ngayon, sa lahat ng narating mo saiyong paglalakbay patungo sa hinahangad na


karunungan, sa mga bagong bagay na iyong natunghayan at natuklasan,
matatagpuan mo ang liwanag matapos mong akyatin ang Hagdan ng Karunungan,
liwanag na nagsisilbing gabay sa tagumpay, liwanag na iyong hinahangad na
mahanap at marating, at liwanag na sukli sa lahat na ginawang bagay, at
matatagpuan mo lamang iyan kung ikaw ay may determinasyon na mag sikap at
matuto. Lahat ng bagay ay may liwanag, ngunit isa lamang sa bawat atin ang
hinahangad at yun ang Liwanag ng Tagumpay, kahit may mga pagkakamali, ayos
lang dahil dito ka matututo, dito mo matatagpuan ang kinang at liwanag, huwag
kang matakot na magkamali dahil hindi lahat ng tao ay perpekto. Alam nating lahat
na hindi madali ang mga bagay ngunit pag pinaghihirapan ito’y makakamit. At sa
lahat ng paghihirap, lahat ng madilim na karanasan ay maliliwanagan sa muling
paghakbang sa patutunguhan at katotohanan.

You might also like