FPL Script (Reporting)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Fpl Flow

Kyle: Magandang araw po sa inyong lahat, kami po ang ika anim na grupo na mag uulat sa inyo ng ika
pitong aralin: lakbay sanaysay

Kyle: ngunit bago natin simulan ang ating talakayan, nandito si kuya garette at kuya arvin upang
maghatid ng kasiyahan

Garette at Arvin: (ikaw na bahala kung ano sasabihin mo at ipapalaro mo, 2-3 games)

after games-
Kyle: bago pa tayo tuluyang malayo sa ating aralin, halina’t ito’y ating talakayin!|

Kyle: Likás sa mga Pilipino o sa bawat tao ang pumunta sa iba't ibang lugar upang maglibang o
magliwaliw. Kayá naman, sa araling ito ay matututuhan mo ang isa sa pinakapopular na anyong
panitikan-ang pagbuo ng lakbay-sanaysay at pictorial essay.

Kyle: Ang lakbay sanaysay

Ano nga ba ang lakbay sanaysay?


Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uring lathalaing na ang
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.

Kyle: Bago tayo pumunta sa mga dahilan sa pagsulat ng lakbay sanaysay, ako ay may isang katanungan,
kung sino ang man ang makaka sagot ay may munting premyo

Ang lakbay sanaysay ay kilala din sa ibang tawag sa kanila, ano ito?
answer: travel essay o travelogue

Kyle: Ngayon ay dumako na tayo sa mga dahilan ng pagsulat ng lakbay sanaysay

Axel: Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ayon kay Dr.Lilia Antonio(2013)


May apat na pangunahing dahilan ang pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

-Una, Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat, isang halimbawa na nito ay travel blog.

- Pangalawa, layunin nito na magbigay ng pag alalay sa mga manlalakbay upang magkaroon sila ng
kaalaman sa kanilang lugar na tatahakin

- Pangatlo, ay maaari din na itala ang sariling karanasan sa paglalakbay tulad ng espiritwal, pagpapahilom
o pagtuklas sa sarili, kadalasang nagagawa ito sa isang journal o diary

- Pang apat ay upang madukomento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa mas maikling
pamamaraan
Jerlyn: Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Lakbay - Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista


-Para makasulat ng isang masining na lakbay sanaysay, dapat isipin mo na ikaw ay isang manlalakbay sa
halip na turista.

2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista


-Dito dapat makikita ang iyong mga nakita, naunawaan, at naranasan.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay sanaysay


-Mahalaga matukoy kung ano ang magiging pokus batay sa human interest.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang


naglalakbay
-Pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o
dyornal, kamera.

5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay


-Mahalaga maisama ang iyong natutuhan sa lakbay sanaysay na iyong gagawin

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsuat ng sanaysay


-Mahalaga taglayin ng may akda ang sapat na kaalaman sa paggamit ng wika

Kyle: Muli, kung sino ang makakasagot nito ay may munting premyo

Magbigay ng dapat tandan sa pagsulat ng Lakbay - Sanaysay

Kyle: ngayong alam na natin kung ano ang lakbay sanaysay, dumako naman tayo sa kung ano ang
pictorial essay, narito si ate kc upang ipaalam sa atin kung ano ito

Cassandra: Ang pictorial essay ay isang sulatin kung san higit na madami ang larawan kaysa sa salita. May
pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay- sanaysay na karamihan ay may kasamang larawan. Sa
pictorial essay din ay nakalimbag ang mga imahe sa pagkakasunod-sunod upang maipahayag ang mga
pangyayari.

Kyle: Ngayong alam na natin ang pictorial essay, may isang katanungan uli ako
Ano ang Isang uring lathalaing na ang layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay?
answer: Lakbay- Sanaysay

Arvin: Sa pagsulat ng pictorial essay ay may dapat ding tandan, ito ay

Una, Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.

Pangalawa, Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaya't hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.

Pangatlo, May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga
larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.

Pang apat, Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga kabataan,
propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay ganun
ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

Kyle: at dito po nag tatapos ang aming pag uulat, sana’y mayroon kayong natutunan sa amin, muli, ako
nga po pala si kuya Kyle, at ito ang aralin 7: Lakbay Sanaysay

Bonus question (pag may natirang prize)

Ano ang ating tinalakay sa araling ito?


Answer: Lakbay sanaysay
Pictorial Essay

You might also like