Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pagtatalo o Debate

- ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na magkasalungat ng panig tungkol sa paksang


napagkaisahang pagtatalunan.

Maaaring nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.

Ano ang Proposisyon?

Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon.

Ito'y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga


argumento.

Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan .

Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:

Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.

Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang suliraning patutunayan.

Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.

Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon

Tatlong Uri ng Proposisyon

1.Pangyayari: Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na makatotohanan.

Hal :"Maraming namatay sa nasunog na Superferry".

Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sa pamamagitan ng pag-alam sa tunay na mga


pangyayari,

2. Kahalagahan: Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay

Hal: "Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag sa makaaliping diwa".

Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng


1.Patakaran: Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak na
solusyon sa isang suliranin.

Hal :"Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas". argumento na nagtatanggol sa kabulaanan ng isang
bagay, isang palakad o isang pagkilos.

Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon

Walang kinikilingan .Magkasinlakas ang magkabilang panig na na nagkakasalungatan ng palagay.

Ka wili-wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon.

• Napapanahon ang paksa .

Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.

Malinaw at tiyak ang proposisyon.

•Maaaring patunayang ng mga ebidensya

May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid.

Karapat-dapat na pagtalunan.

Paghahanda sa isang Pagtatalo

Tatlong hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo (1) Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o
balangkas (3) Pagpapatunay ng Katwiran.

Pangangalap ng datos- Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos ay kinakailangang gagamitin sa


pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa
paniniwalaan napapanahong aklat sanggunian o magasin.

Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng ng mga datos:

Ang ating pagmamasid at ang pagmamasasid ng iba na awtoridad sa paksang pagtatalunan.

- Awtoridad kapag dalubhasa ang nagpapahayag o pahayag ng isang tao o pangkat ng mga taong may
mataas na katangian o malaking kakayahan tungkol sa isang sangay ng karungingan o gawain at
ginagalang at kinikilala ang kanilang kuru-kuro at pahayag.

Ang dagli o balangkas- ay ang paghaahnay ng mga katuwiran. Sa makatuwid, ito'y pakikipagtalong
pinaikli. Ang mga bahagi ng dagli ay panimula, katawan at wakas.
Sa panimula, ipahayag ang paksa ng pagtatalo, ang kalahagahan sa kasalukuyan ng paksa, mga
kinakailngang pagbibigay - katuturan ng mga talakay at ang pagpapahag ng isyu,

Ang katawan ng dagli - ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili ng mga tatlo o apat na mga isyu
at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga
katuwirang siyang magpapatotoo sa patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.

Ang pangwakas - na mga pangungusap ay siyang buod ng mga isyung siyang binibigyan ng mga patunay.

Ang Tagapagsalita

1. Beneficiallity / Kapakinabangan ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga


benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.

2. Practicability/ Praktikalidad – ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal


na maisakatuparan ang hinihingi.

3.Necessity/ Pangangailangan-ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon


bilang kailangan at tunay na solusyon.

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-Oxford

Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa, tatlo o apat na kasapi. Ang tagapagsalita at ang isa rito ay
ang tagalata o scribe.

•Ang oras ng talumpati ay pito -walong minuto.

Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong pagtatanungan

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-Oxford

Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang tatlong sandali ng
pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi ngunit limang minuto naman ang pagtuligsa at pagbubukod ng
puno ng bawat koponan o ang nagbigay ng unang talumpati.

Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong.

1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na

masasagot ng oo at hindi.

2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.

3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa pagtatanong.

4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong niya.

5. Kung lumalabag sa laituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong ipaalam sa
Tagapangasiwa ng pagtatalo.

You might also like