Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA KINDER (QUARTER 2: WEEK 3.

2)

Ika-8 ng Marso,2024

Layunin:

⮚ Natutukoy ang mga lugar na matatagpuan sa pamayanan (LLKV-OO-8)

Paksa: Mga lugar sa Pamayanan

Sanggunian: K to 12 Most Essential Learning Competencies

Kagamitan: laptop, cellphone, video presentation

Pamamaraan:

⮚ Panimulang Gawain

● Panalangin

● Pag-awit

● Pagbati

● Pagtatala ng Attendance

● Balik-Aral:Paanu ninyo maipapakita ang pagmamahal sa mga kasapi sa pamilya


at nakakatanda sa atin?

⮚ Pagganyak:

Ipakita ang larawan ng isang pamayanan:

Tanong:

Ano ang pamayanan?

Anu-ano ang mga lugar na makikita ninyo sa larawan ng isang pamayanan?

⮚ Pagtalakay

Talakayin ang mga lugar na makikita sa isang pamayanan.

Tanong:

1. Mahalaga ba para sa inyong mga bata ang pumasok sa paaralan? Bakit ito mahalaga?

2. Saan pupunta ang mga bata na katulad ninyo upang mag-aral?


3. Saan dinadala ang mga taong may sakit na ginagamot ng mga doktor at nars?
4. Nakakita na ba kayo ng gusali o bahay na nasusunog? Saan dapat tayo humingi ng tulong upang
mapuksa o mapatay ang apoy?
5. Saan nagtatrabaho ang mga pulis upang mapanatili ang
kapayapaan at kaayusan sa ating lugar?
6. Saan tayo namimili ng pagkain o mga pangangailangan natin sa ating bahay?
7. Saan tayo tumatanggap ng libreng gamut at kung saan tayo binabakunahan? Nakaranas na ba kayong
bakunahan?
8. Saan naman pwedeng magpunta ang mga tao upang makapag enjoy at relax?
9. Saan nagpupunta ang mga tao para makapag simba at lugar dalanginan?

paaralan simbahan ospital

Himpilan ng Pulisya Istasyon ng Bumbero munisipyo

Paglilinang na Gawain

Gamit ang krayola gumawa ng guhit mula sa larawan na nasa kaliwa at tulungan
ang mga tao na makarating sa pamayanan o himpilan na nasa kanan.

⮚ Gawain

Pangkat 1
Buuin ang mga hugis upang mabuo ang mga larawan na nasa pamayanan.

Pangkat 2

Gamit ang scrabble letters bumuo ng mga pangalan ng mga lugar sa pamayanan.

Pangkat 3

Gamit ang pamingwit kunin ang mga pangalan ng mga lugar sa pamayanan sa loob ng
timba.

Pagtataya

Kasunduan

Gumupit at idikit sa loob ng kahon ang mga larawan ng mga lugar na


matatagpuan sa pamayanan mula sa magasin at mga lumang babasahin.

You might also like