Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT MGA WIKA SA PILIPINAS (Tagapagtalakay: Rosemarie Vero-Marteja)

 Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daang (100) katutubong wika,
sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga
 Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin
ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika
na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga
bansang napapaloob sa Polynesia.
 Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika
sa kapuluan. Ngunit marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng
Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng Kulturang Ang paglikas ng
mga tao ay nahati. Isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indiya, Indo-Tsina, at
Indonesya.
 Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas at sa iba pang kapuluan sa
Pasipiko.
 Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika
sa kapuluan. Dahil dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t ibang sistema
ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan. Katibayang lisa lamang ang pinagmulan nito.
 Ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng arabia, na
nakaabot sa Pilipinas, daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya.
 Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa
Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang impluwensiya ng Malay sa pulu-pulo mula Java
hanggang sa Pilipinas.
 Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang BAHASA MELAYU (Malay) na
pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa Timog- silangang Asya sa
pagitan ng A.D.700 at A.D. 1500.
 Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko na sumasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang bansa
ayon sa wika, kultura, at etnisidad.
 Sina David Thomas at Alan Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa ng
pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang ating
nakikilala sa ngayon. Sila ay naniniwala na nahahati sa tatlong panahon ang malakihang
paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Pitong pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas (ayon kina Thomas at
Healey ng Summer Institute of Linguistics, Anthropological Linguistics, Vol. 4, No. 9)

1. Southern Philippine Family


2. Northern Philippine Family
3. Southern Mindanao Family
4. Philippine Stock
5. Malay Stock
6. Philippine Superstock
7. Chamic Family

 Ang Southern Philippine Family, noong 110 B.C. ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat ng
wika: Sambal, Tagalog. Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka,
Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo,
Southern Bukidnon Manobo, at Subabon.
 Ang Northern Philippine Family, noong 200 B.C., ito ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat
ng wika: Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, Kalinga, Ilokano, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta,
Gaddang, at Agta.
 Noong 1100 B.C., ang Philippine Superstock ay nahati sa Philippine Stock at iba pang wika sa
Timog Luzon, tulad ng Ivatan, llongot, at Baler Dumagat.
 Noong 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto- Indonesian ay
nahati sa “Philippine Superstock,” Southern Mindanao Family/Bilaa, Tagabili, at maaaring
kasama rito ang Tiruray/, at isang angkan na kasama ang Malay at ang “Chamic Family” ng
Vietnam,

KLASIPIKASYON NG MGA WIKA SA PILIPINAS

 Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: lloko-
type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panlinggwiPILIPINA
 Ang Ilokano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng loko-type, samantalang ang Tagalog,
Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkal ng Tagalog-type. Ang
Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
 Ang isa pang pagtatangka sa pagklas pika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng
lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953. Gumawa sila ng panimulang
GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon.
 Ang Glottochronology_ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang
mga anak na wika sa kanilang inang wika, at gayundin, kung anu- anong petsa nakahiwa-hiwalay
o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika.
 Sang-ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa llongot, ay
mapapangkat lamang sa isa.
 Ang Northem Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod:Northern Division,
Central Division, Southern Division, Southeastern Division.
 Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing lingwistika ng wikang
Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito. Lexicostatistical din
ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas.
 Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag-aral ni
Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog
at Kapampangan. Sinabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa
Kapampangan.

Wika at dalubwika

WIKA - Sumasalamin sa mga mithiin at pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman,
karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.

- Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay
“dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga
kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw, lohika
o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.

ANG DALUBWIKA – Dalubwika o Linggwista ang fawag sa dalubhasa sa wika o maraming alam sa wika.

- Dalubwika o linggwista ang taong dalubhasa sa wika. Tinatawag siyang dalubwika


sapagkat nag- aangkin siya ng nga di – karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa
pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.
- Ang taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman
at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.

POLYGLOT - Ang Polyglot ang tawag sa taong maraming nalalaman na wika o maraming alam na wika.

ANAWNSER - Anawnser ang tao mahusay sa paggamit ng wika.

WIKA AT KULTURA

Ang wika ay laging maiuugnay sa kultura. Pinaniniwalaan na masasalamin ang kultura ng mga tao sa
wikang ginagamit ng mga ito. Isang kongkretong halimbawa ay ang baki ng mga Ifugao. Ito ay isang
ritwal na isinasagawa kung nag-aalay ng mga hayop tulad ng baboy o manok para mapagaling ang
maysakit na kapamilya o kaanak. Ang baki ay mula sa wikang Ifugao na sumisimbolo sa kanilang kultura
at pag-aalay.

Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa ating kapuwa para maiparating ang impormasyon at
damdamin. Ngunit ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ay naaapektuhan ng kultura ng kausap. Kaya
napakahalaga na magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga komponent at konteksto ng komunikasyon
para maitaguyod ang mabisa at epektibong pakikipag-ugnayan sa kapwa.

You might also like