Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration,
pinaikli bilang (PAGASA) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nilikha
upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya, astronomikal at iba pang impormasyon at serbisyo na ang layunin ay ang maproteksiyonan ang buhay at ari-arian at para suportahan ang paglago at patuloy na pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) -
Namamahala sa pagsasagawa ng prevention at risk reduction para sa mga sakuna at kalamidad na maaarng tumama sa bansa. Tungkulin nito na magbigay ng ulat sa kahandaang isinagawa at epektong hatid ng mga kalamidad
Bureau of Fire Protection (BFP)- Ito ang nagpapatupad ng mga pambansang
patakaran na may kaugnayan sa pagsugpo at pag-iwas sa mga sunog
Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Namamahala sa
pagbibiay ng serbisyong panlipunan sa mga Pilipino. Nangunguna ito sa mga relief operation sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) - Tungkulin
nito na magsagawa ng mitigasyon sa mga sakuna na sanhi ng paputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang mga pangyayaring may kaugnayan sa heolohiya at plate tectonics