Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Low Pressure Area,

maaring mabuong
bagyo? Southern Luzon,
VisMin, uulanin —
PAGASA
Inaasahang makararanas ng pag-ulan ang
Southern Luzon, Visayas at Mindanao
bunsod na rin ng nararanasang low
pressure area (LPA), ayon sa Philippine
Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration
(PAGASA).

Sa pahayag ng PAGASA, huling namataan


ang Low Pressure Area sa layong 180
kilometro sa timog-timog silangan ng
Zamboanga City nitong Miyerkules ng
hapon.

Inaasahang makararanas naman ng kalat-


kalat na pag-ulan at thunderstorms
sa Visayas, Mindanao, Bicol Region,
Romblon, at Palawan.

Binalaan din ng PAGASA ang mga


residente sa mga tinukoy na lugar dahil sa
posibilidad na magkaroon ng flashfloods
at landslides.

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang Low


Pressure Area (LPA) dahil sa posible
umanong maging bagyo ito sa mga
susunod araw.

Suplay ng bakuna para


sa 2nd booster shots sa
bansa, sapat — NTF
Sapat ang suplay ng coronavirus disease
2019 (Covid-19) sa bansa kasunod na rin
ng pagsisimula ng pamahalaan para sa
ikalawang booster shots.
Ito ang tiniyak ng National Task Force
Against Covid-19 sa publiko nitong
Miyerkules.

Sa isang public briefing, mayroon na


aniyang 254 milyong doses ng bakunang
donasyon at nabili ang gobyerno at
nakapagpaturok na rin ng aabot sa 145
milyon.

Sa datos ng National Vaccinations


Operations Center nitong Abril 26, umabot
na sa 51,476,898 ang bakunado na sa
bansa at nakatakda rin silang tumanggap
ng unang booster shots.

You might also like