Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Bundok Pinatubo

Mula sa Zambales

Sa kahariang Masinlok, may isang matandang datu na hindi masaya kahit sariwa ang
hangin at luntian ang mga dahon ng mga batang halaman sa paligid. Ang kagandahan ng
umagang iyon ay walang epekto sa ugali ng datu. Malungkot ang matandang datu dahil nais
niyang mangaso ulit tulad ng dati sa isang malayong bundok. Ngunit, hindi niya ito kaya
dahil mahina ang kaniyang katawan.
Isang araw, may dumating na salamangkero sa kaharian. Nais ng salamangkero na
magpakasal kay Prinsesa Alindaya kaya nagbigay siya ng solusyon sa problema ng datu.
Magpapatubo ang salamangkero ng isang bundok para sa pangangaso ng datu. Kumuha siya
ng maliit na bato at itinanim niya ito sa lupa katulad ng pagtatanim ng isang halaman,
Biglang tumubo ang isang bundok sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan itinanim ang
maliit na bato.
Namangha ang hari sa ginawa ng salamangkero at nagpasiya na ipakasal niya si Prinsesa
Alindaya sa salamangkero. Nalungkot ang prinsesa sa ginawang pasya ng kaniyang ama
dahil parang ipinagpalit lang siya sa isang bundok. Nagkasakit ang prinsesa dahil sa walang
tigil na pag-iyak. Hindi na natuloy ang kasalan. Umuwi nang galit ang salamangkero dahil sa
kaniyang kabiguan. Dahil nagulo ang kaniyang loob, hindi niya napansin na lumalaki ang
bundok. Ito’y naging problema ng datu at inutusan niyang pugutan ang salamangkero. Hinuli
nga ang salamangkero at siya’y pinatay.
Ngunit, wala itong ginawa sa lumulubhang suliranin at nakaabot ang balita sa kaharian
ng Pangasinan. Narinig ni Prinsipe Malakas ang nangyaring suliranin sa kaharian ng
Masinlok at agad siyang pumunta roon.
Nang dumating ang prinsipe, binunot lang niya ang bundok nang walang kahirap-hirap at
inihagis niya ito sa lugar na kinaroroonan nito ngayon. Nagkaroon ng isang malaking
pagdiriwang para kay Prinsipe Malakas at nagpakasal siya kay Prinsesa Alindaya.
Ang guwang na nilikha ng pagkakabunot sa bundok ay unti-unting napuno ng tubig
hanggang itoy naging isang lawa. Tinawag nila ito na “Lawa ni Alindaya” dahil ang
kagandahan ng prinsesa at ang pag-ibig niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bundok
Pinatubo.

You might also like