Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

Name of Teacher: PAULINA A. PAQUIBOT Grade Level/Sec: 11


Subject Area: FILIPINO Quarter: 3
Learning Competency (MELC)
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa tekstong
impormatibong tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo. (F11-PS-IIIb-91)

Date: February 28 -29,2024 Class Period/Sections: Stem, Abm, Humss A-


D

Strategies: Inductive Method Deductive Method


Cooperative Learning

Objectives:
Knowledge: Matutukoy ang kahulugan ng tekstong impormatibo.
Skill: Mauunawan ang tekstong impormatibo batay sa halimbawang binigay.
Attitude: Mauunawaan ang epekto ng tekstong impormatibo sa mga mambabasa
Values: Mapapahalagahan ang mga aral na makukuha sa tekstong impormatibo
Subject Matter: Tekstong Impormatibo
Resources: Module 2

Materials: Laptop, PPT Presentations.

PROCEDURE/METHODOLOGY
Preparations:
 Panalangin
 Atendayns tsek
 Pagbabalik-tanaw

Panimulang Gawain
Ipapabasa ang teskto: Ang Pag-update sa Timog Nevada Health District COVID-19

Simula bukas, Marso 2, ang pagiging karapat-dapat sa bakuna sa Clark Country ay


mapalawak sa lahat ng mga pangkat sa loob ng Suporta ng Komunidad ng Frontline at Frontline
Supply Chain & Logistics. Bilang karagdagan sa mga tao sa mga kategoryang ito sa trabaho, ang
mga pangkat na kasalukuyang karapat-dapat na makakatanggap ng bakuna ay kasama ang mga
taong 65 taong gulang pataas, mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan, at ang mga
nasa pangkat ng frontline ng kaligtasan at seguridad.
https://www.southernnevadahealthdistrict.org/tl/news.information/page/3/

Activity: Base sa tekstong binasa, ipapasagot ang mga katanungan.

1. Ano ang paksa ng balita?


2. Sino ang mga sangkot?
3. Saaan nangyari ang pagbabakuna?
4. Kailan ito mangyayari?

Analysis: Pagbibigay kahulugan at Elemento ng Tekstong Impormatibo.

Abstraction: Tekstong Impormatibo


 Ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpapaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing ideya
3. Pantulong na kaisipan
Application: PANGKATANG GAWAIN: Basahin ang halimbawa ng tekstong impormatibo

CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit
ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa
social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa
ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba
upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng
harassment sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa


nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng
depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa
pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa
sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Google Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying ay isang makatotohanang
pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang
Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-
aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang
12 na nakaranas ng cyberbullying.

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska ng harapan?


2. Paano nakaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong
binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

Assessment: Sa isang buong papel, sagutan ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang tekstong impormatibo?


2. Ibigay ang 3 elemento ng tekstong impormatibo?
3. Ano ang epekto ng tekstong impormatibo sa mga mambabasa?
4. Bakit mahalagang matutunan ang tekstong impormatibo?
Assignment: Magsaliksik.

- Iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo.


Remarks:

Checked by: Date:

NANCY A. TAMPUS
Asst. Principal

You might also like