Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

AP REVIEWER

YUNIT 1:Ang Heograpiya ng Asya


Aralin 1: Heograpiya ng Asya bilang Isang Rehiyon

Ano ang Asya?

• Ang Asya ay kinikilalang pinakamalaking kontinente sa daigdig.


• Kontinente ang pinakamalaking dibisyon ng lupa batay sa pagkakahati sa mga
dambuhalang masa ng lupa(land mass)
• Tinatayang sinasakop ng Asya ang 8.6% ng kabuuang lawak at 30% ng kabuuang
lawak ng mundo
• Nasa humigit-kumulang 17,139,000 milya kuwadrado(mi.²) o 44,579,000 km
kuwadrado(km²) ang kabuuang sulat ng Asya.
• 9600km ang lapad ng buong kontinente mula sa silangan patungong kanluran
samantalang 8000km ang haba nito mula sa pinakahilaga hanggang sa pinakatimog
• Ang Asya ang tirahan ng pinakamaraming tao sa mundo
• Ayon sa datos ng World Almanac and Book of Facts ng 2021, tinatayang nasa humigit-
kumulang 4.68 na bilyon sa 7.9 bilyong populasyon ng buong mundo ang nasa Asya.
• China na may 1.466 na bilyon at India na may 1.401 bilyong katao.
• Mongolia naman ang kinikilalang pinakamaluwag na bansa o most sparsely populated
sa buong daigdig na mayroon lang naninirahang 4.9 milyong katao sa bawat Isang
milya kuwadrado.
• Nasa Asya ang 7 sa 10 mega cities sa mundo,tinatawag na megacities ang mga siyudad
na higit sa sampung milyong populasyon
• 10 megacities sa daigdig:
-Tokyo, Japan-37.39 million
-Delhi,India-30.29 million
-Shanghai,China-27.05 million
-Dhaka-22.6 million
-São Paulo-22.5 million
-Mexico City-22.1 million
• Pinakasiksikan o most densely populated:
-Mumbai at Culcutta sa India
-Karachi sa Pakistan
• Pinakamatandang kabihasnan o cradle civilization sa Mundo:
-Sumer sa Mesopotamia
-Mohenjo-Daro at Harrappa sa India at Pakistan
-Huang-ho sa China
• Heograpiya-Geograpiya-Geo: Daigdig-Grapiya:Graphein:pag aaral.
Ang Pinagmulan ng Konsepto ng Asya
- Ang terminong “Asya” o “Asia” unang lumitaw sa mga akdang Griyego o Greek.
- Unang tumukoy ito sa Anatolia o Asia Minor, isang bahagi ng kasalukuyang Turkey, at
hindi sa buong kontinente ng Asya.
- Sa epikong Iliad ni Homer, inilarawan niya ang Asya bilang lugar na humahadlang sa mga
Aegean sa kanilang paglalakbay patungo sa Silangan.
- Ang salitang “Asya” o “Asia” maaaring nagmula sa salitang Aegean na “Asu” na
nangangahulugang “bukang-liwayway” o sunrise.
-Ang salitang Europa ay nanggaling sa salitang “Ereb” nangangahulugang “kanluran” o
“paglubog ng araw”o “sunset.
- Kaya ito maaaring tukuyin bilang “lugar na sinisikatan ng araw,” o ang bahaging silangan
ng daigdig.
- Ang Aegean ang dating tawag sa rehiyon na binubuo ng Greece at iba pang malapit na
lugar sa Dagat Mediterranean.
- Mauugat ang pagtukoy sa Asya bilang “Silangan” at sa Europe bilang “Kanluran” sa mga
Aegean.

Ang Asya bilang isang Rehiyon


• Nakabatay ang mga rehiyong pisikal (physical regions) s likas na katangian ng daigdig
tulad ng kontinente, anyong-lupa, anyong-tubig, sistema n ng mga ilog (river systems),
klima, at mga tumutubong halaman (vegetation) sa lugar. Batay sa mga dibisyong
politikal tulad ng bansa at sa mga subrehiyon (subregion) nito kabilang ang estado,
probinsiya, siyudad, at bayan ang mga rehiyong politikal (political regions) Ang mga
rehiyong ekonomik (economic regions) ay nakabatay sa uri ng kabuhayan tulad ng
agrikultura, industriya, at kalakal. Samantala, nakabatay naman ang rehiyong kultural
(cultural regions) sa mga katangiang tulad ng wika, relihiyon, at etnisidad (ethnicity).
Ang mga rehiyon ay magkakaiba ang laki. Ang mga bansa, disyerto, at kabundukan ay
halimbawa ng malalawak na rehiyon. Maituturing namang maliit na rehiyon ang mga
bayan, suburbs, at kapitbahayan. Ang mga rehiyon ay maaari ding mahati sa mas
maliliit pang rehiyon na tinatawag na subregions.
• Mga Subrehiyon ng Asya:
-Hilagang Asya
-Timog Asya
-Gitnang Asya o Asya Sentral
-Silangang Asya
-Kanlurang Asya
-Timog-Silangang Asya
• Walang duda na ang Asya ay isang rehiyon. Hindi man ito maituturing na isang pormal
na rehiyon (formal region) dahil sa kawalan ng isa o higit pang magkatulad na
katangian na magbibigkis sa rehiyon, ito ay isa pa ring natatangi at naiibang lugar. Ang
Asya ay nananatiling isang rehiyon sa pamamagitan ng pagtingin o persepsiyon
(perception). Ang Asya ay mabibilang sa uri ng rehiyon na tinatawag na perceptual
region. Ito ay rehiyong nabuo sa pananaw at paniniwala ng mga tao sa isang rehiyon
na sila ay may mga katangiang naiiba at natatangi kaysa sa ibang mga lugar na
nakapaligid dito. Hanggang sa ngayon, hindi lang ang mga Asyano kundi maging ang
mga nakatira sa ibang bahagi ng mundo, ay naniniwala at may pananaw na ang Asya
ay natatangi at kakaiba kaysa sa Europe at iba pang kontinente sa mundo.

Ang Lokasyon ng Asya bilang isang Rehiyon sa Daigdig

Sa heograpiya, natatangi ang isang lugar sa pamamagitan ng lokasyon nito. Ang


Jokasyon ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng absolute location at relative
location Ang absolute location ay ang eksaktong puwang o espasyo kung saan
matatagpuan ang isang lugar o bagay sa mundo. Natutukoy ito sa pamamagitan ng
longitude at latitude Matatagpuan ang lokasyon ng Asya sa hilagang-silangang bahagi
ng silangang hemisphere Ang malaking bahagi ng kontinente ay nasa hilaga at
silangang hemisphere. Ang absolute location nito ay nasa humigit-kumulang 10" south
hanggang 95" north latitude at 11 hanggang 175' east longitude. Sa kabuoan, umaabot
ang lawak ng buong kontinenteng Asya ng mula 164" longitude at hanggang 85°
latitude.
Ang relative location ay ang posisyon ng isang lugar ayon sa pagkakaugnay o relasyon
nito sa ibang mga lugar na nakapaligid dito. Maaaring matukoy ang relative location ng
isang lugar batay sa pagkakaugnay nito sa mga anyong pisikal o mga estrukturang
gawa ng tao na nakapaligid dito. Halimbawa sa mga ito ang mga karagatan, dagat, ilog,
disyerto bundok, at iba pa.

Sa kabuoan, ang hanggahan ng Asya ayon sa relative location o batay sa mga lugar na
nakapaligid dito ay ang sumusunod:

1. Sa hilaga-mula sa paanan ng Kabundukang Ural patungo sa baybayin ng Dagat


Kara sa Karagatang Artiko, hanggang sa Dagat Bering.

2. Sa silangan-mula sa Dagat Bering hanggang sa Karagatang Pasipiko hanggang sa


may bahagi ng Japan at Taiwan

3. Sa timog-silangan-mula sa kapuluang Pilipinas patungo sa Dagat Timor hanggang sa


Indonesia

4. Sa timog-mula sa Dagat Timog (Southern Sea) patungo sa Karagatang Dagat Arabian

5. Sa kanluran-mula sa Dagat Arabian patungo sa Suez Canal paakyat sa Dagat


Mediterranean, hanggang sa Dagat Aegean, Kipot Dardenelles, at Bosporus, Black Sea,
at Bundok Caucasus sa Kabundukang Ural.
Kabilang sa mga rehiyon sa Asya ang Kanlurang Asya, Asya Sentral o Gitnan Asya,
Hilagang Asya, Timog Asya, Silangang Asya, at Timog-Silangang Asya. Sa kasalukuya
ang Asya ay binubuo ng 48 bansa. Tingnan ang sumusunod na talaan para sa mga
bansa bumubuo sa bawat rehiyon sa Asya.

Mga Bansang bumubuo sa Rehiyon ng Asya at mga Kapital nito:

• Kanlurang Asya(14):
Turkey- Ankara
Jordan- Amman
Lebanon- Beirut
Syria- Damascus
Israel- Jerusalem
Iraq- Baghdad
Iran- Tehran or Teheran
Saudi Arabia - Riyadh
Kuwait- Kuwait City
Bahrain- Manama
Qatar- Doha
United Arab Emirates- Abu Dhabi
Oman- Muscat
Yemen- Sanaa
• Asya-Sentral(8):
Georgia- Atlanta
Armenia- Yerevan
Azerbaijan- Baku
Kazakhstan- Astana
Kyrgyzstan- Bishkek
Tajikistan- Dushanbe
Turkmenistan- Ashgabat
Uzbekistan- Tashkent
• Timog Asya(8):
Afghanistan- Kabul
Pakistan- Islamabad
India- New Delhi
Bangladesh- Dhaka
Bhutan- Thimpu
Nepal- Kathmandu
Sri Lanka- Sri Jayawardenepura Kotte
Maldives- Malé
• Hilagang Asya(1):
Russian Federation(Siberia)- Moscow
• Silangang Asya(6):
China- Beijing
Mongolia- Ulaanbaatar
North Korea- Pyongyang
South Korea-Seoul
Japan-Tokyo
Taiwan- Taipei City
• Timog-Silangang Asya(11):
Myanmar- Naypyidaw
Thailand- Bangkok
Laos- Vientiane
Cambodia- Phnom Phen
Vietnam- Hanoi
Malaysia- Kuala Lumpur
Singapore- Singapore
Brunei- Bandar Seri Begawan
Indonesia- Jakarta
Philippines-Manila
Timor-Leste- Dili

Aralin 2: Klima at Vegetation Cover ng Asya

Mga Klimang Pansona at Uri ng Klima sa Asya at Daigdig

Ang isang area o bahagi ng Daigdig na may magkaparehong klima ay bumubuo ng


isang sonang pangklima (climate zone) o rehiyong pangklima (climate region). Ang
bawat climate region ay may natatanging weather pattern na binubuo naman ng lebel
ng temperatura, presipitasyon, at kakaibang panahon (distinct season). Maliban dito,
pagkakakilanlan din ng bawat sonang pangklima ang natatanging halaman at hayop na
nagawang mabuhay, magparami, at makiangkop sa natatanging pisikal na kapaligiran.

Dahil sa lawak nito na sumasakop nang lampas pa sa hilagang-silangang hemisphere-


mula ekwador hanggang Arctic Circle-matatagpuan sa Asya ang lahat ng sonang
pangklima sa daigdig.

• Limang pangunahing sonang pangklima:


-Tropical (low latitude)
-Temperate (mid-latitude)
-Polar (high latitude)
-Dry
-Highland

Sa ilalim ng mga pangunahing sonang pangklima ang iba’t ibang subkategorya


(subcategories) o uri na nagpapakita sa pagkakaiba-iba (variations) pa rin ng mga
klima sa bawat sonang pangklima.
Ang tatlong naunang sonang pangklima ay nakaugnay ayon sa latitude o distansiya
nito mula sa ekwador.

Tropical Climate
• Ito rin ay tinatawag na low latitude dahil ito ay matatagpuan sa area ng mismong
ekwador (0⁰ latitude) mababang latitude.
• Nagsisilbing hanggahan nito ang 23.5°N latitude na tinatawag na Tropic of Cancer at
ang 23.5⁰S latitude na tinatawag namang Tropic of Capricorn.
• Dito higit na direktang tumatama ang sinag ng araw kung kaya ang klima rito sa buong
taon ay mainit maliban na lamang sa ilang lugar na mataas ang elebasyon at sa
panahon ng pagdaan ng monsoons.
Tropical Rainforest
• Ang klimang tropical rainforest ay nakatatanggap ng mula 70 hanggang 450 pulgadang
(180 hanggang 1,140 sentimetro) ulan sa bawat taon.
• Bunga nito, palaging basa ang karamihan sa mga buwan nito. Dahil dito, tinatawag din
ang klimang ito bilang tropical wet.
• Kadalasang nasa 80°F (26°C) ang temperatura dito.
• Kabilang sa mga bansang may ganitong klima ay ang katimugang Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, timog-silangang Vietnam, timog-kanlurang Thailand, at kanlurang Myanmar.

Tropical Wet
• Ang bagsak ng ulan dito ay mas mababa. Ang temperatura sa panahon ng tag-init ay
kadalasang umaabot sa 90°F (32°C).
• Ang panahon ng taglamig ay higit na mas malamig at kaiga-igaya ang klima subalit
madalang lang na nangyayari ito.

Dry Climate
• tumutukoy sa mga lugar na tuyo o bahaging tuyo na nakatatanggap ng kakaunting ulan
o walang anumang pag-ulan. Ang temperatura ay maaaring maging sobrang init sa
araw at napakalamig sa gabi. Ang tuyong klima ay maaari ding magkaroon ng sobrang
lamig na winter.
• Matatagpuan ang klimang tuyo sa kahit saang latitude.
• Mauuri sa dalawa ang klimang tuyo:
-Desert o Arid Climate
-Steppe o Semi-Arid Climate

Desert o Arid Climate


• Mainit sa buong taon at nakatatanggap lang ng mas mababa sa 10 pulgadang (25
sentimetro) patak ng ulan sa isang taon. Ang mainit na hangin at maaliwalas na
kalangitan ang lumilikha ng napakataas na temperatura sa araw at mabilis na paglamig
sa gabi. Sa ilang disyerto, karaniwang umaabot ang temperatura sa 130°F (54°C). Ang
rehiyong may ganitong klima ay tinatawag na disyerto o desert.
Steppe o Semi-Arid Climate
• Nakatatanggap ito ng mas maraming patak ng ulan kaysa sa disyerto na karaniwang
umaabot sa hindi hihigit sa 10 hanggang 20 pulgada (25-50 sentimetro) bawat taon.

Temperate o Mid Latitude


• Ang klimang mid-latitude ay ang may pinakamaraming uri o subcategory. Ito ay dahil
sa halo-halong air masses na nagmumula sa tropiko at rehiyong polar. Dito nagtatagpo
ang mainit na air masses ng tropiko at malamig na air masses ng rehiyong polar.
• Pangunahing katangian ng klima ng rehiyong ito ang pagkakaroon ng nagpapalit-palit
na four seasons sa isang buong taon.
• Mga Klimang Mid Latitude
-Marine West Coast
-Mediterranean o Chaparral
-Humid Subtropical
-Humid Continental

Klimang Marine West Coast


• Ang klimang marine west coast ay resulta ng pag-ihip ng hangin mula sa karagatan at
dagat sa mga lugar na malapit sa dalampasigan. Sa klimang ito, ang winter ay maulan,
maulap, at foggy subalit katamtaman (mild) lang naman

Klimang Mediterranean o Chaparral


• Ang klimang chaparral o Mediterranean ay tinawag sa ganitong pangalan dahil ang
klimang ito ay katulad ng matatagpuan sa paligid ng Dagat Mediterranean. Karaniwang
maaraw, kaaya-aya, at kadalasang matatagpuan sa mga sikat na bakasyunan ang
klimang ito. Mainit, tuyo, at maaraw ang summer at katamtaman na may pagkabasa
ang winter

Klimang Humid Continental


• Itinuturing na hindi kagandahang klima ang humid continental. Ang winter dito ay
maaaring mahaba, malamig, at ma-niyebe (snowy). Ang summer ay maigsi ngunit
maaaring maging napakainit.

• Ang halos lahat ng mga klimang polar ay matatagpuan sa high latitudes ng Northern at
Southern Hemispheres. Ang lokasyon nito ay mula 60°N hanggang North Pole at 60°S
hanggang South Pole.

• Ang klimang subarctic at tundra ay karaniwang nangyayari sa Northern Hemisphere


katimugan ng Karagatang Artic
Klimang Tundra

• Ang klimang tundra ay nararanasan sa mga lugar sa dalampasigan ng Karagatang


Arctic. Katulad sa klimang subarctic, ang winter ay mahaba at nakapangingilabot ang
sobrang lamig. Ang temperatura ay umaakyat lang ng mas mataas sa freezing level sa
panahon ng maikling summer at kaunting-kaunti lang ang bagsak ng ulan.

• Tanging ang North Pole at South Pole na bahagi ng Asya ang nakararanas ng ice cap
climate.

Klimang Highland

• Ang klimang highland ay ang klima sa mga rehiyong nasa matataas na kabundukan.
Malawak ang hanggahan at pagkakaiba ng temperatura at presipitasyon sa klimang ito.
Ito ay dahil nakadepende ang klima ng bawat lugar sa elebasyon (elevation) at
lokasyon nito. Habang tumataas ang elebasyon, bumababa naman ang temperatura sa
lugar. Sa pangkalahatan, ang klimang ito ay kaaya-aya at malamig sa buong taon. Sa
mga pinakamatataas na kabundukan, ang klima rito ay sobrang lamig at nagyeyelo ang
tuktok.
• Ang timberline ay ang elebasyon sa itaas ng bundok na walang punongkahoy na
maaaring mabuhay. Tanging maliliit na palumpong (shrubs) at ligaw na bulaklak ang
nabubuhay rito. Matatagpuan ang klimang highland sa Asya sa mga hanay ng
kabundukan ng Himalayas at Karakoram at sa iba pang matatayog na kabundukan sa
Hilagang India, Afghanistan, Pakistan, Nepal, Bhutan, China, at Mongolia.

Mga Uri ng Biome o Vegetation Cover sa Asya

• Ecosystem- pamayanan ng mga halaman at hayop sa isang lugar

• Nahahati ang daigdig sa 10 biomes o natural regions.

• Vegetation Cover-Ang vegetation cover ay ang mga halaman at punongkahoy na


pangkaraniwang tumutubo at tumatakip sa halos buong kalupaan ng isang lugar.

• Uri ng biomes o vegetation cover ay ang:

-tropical rainforest -tundra


-savanna -barren
-desert
-steppe
-grassland
-temperate forest o deciduous forest
-chaparral
-taiga
• Matatagpuan ang biome o vegetation cover na tropical rainforest sa mga bansa sa Asya
na may klimang tropical wet o tropical rainforest. Ang masaganang tubig-ulan ay ang
sanhi sa pagkakaroon nito ng mayabong at makapal na kagubatan na tinatawag na
tropical rainforest. Nabubuhay rito ang matatayog at matitigas na punongkahoy tulad
ng mahogany, teak, at ebony. Ang mga kagubatang ito ay tirahan ng milyon-milyong uri
ng iba’t ibang hayop at halaman. Sa Indonesia matatagpuan ang pinakamalalawak na
mga rainforest sa Asya.

Savanna
• Samantala, sa mga lugar na may uring pangklima na tropical wet and dry, ang
vegetation cover nito ay tinawag na savanna. Dahil hindi nakatatanggap ng sapat na
bagsak ng ulan para suportahan ang pagkakaroon ng makakapal na kagubatan, tanging
malawak na damuhan (grasslands) ng matataas na damo at mangilan-ngilang
punongkahoy at palumpong (shrubs) ang makikita sa mga savanna.
• Matatagpuan ang malalawak na savanna sa Asya sa Katimugang India, Myanmar,
Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, at Hilagang Pilipinas.

Uri ng Klimang Tuyo o Dry


• Sa mga uri ng klimang dry, ang klimang arid ay humuhubog ng vegetation cover o
biome na tinatawag ding disyerto o desert samantalang ang klimang semiarid ay may
vegetation cover naman na tinatawag na steppes. Karaniwang nakasentro ang mga
disyerto.
• Matatagpuan ang karamihan sa mga disyerto sa Kanlurang Asya kabilang ang sa
Arabian Peninsula, Syria, Iran, at Israel; Uzbekistan at Turkmenistan sa Asya Sentral;
China at Mongolia sa Silangang Asya; at India sa Timog Asya. Sa mga rehiyong desert,
tanging ilang matitibay na halaman tulad ng cacti at ilang hayop ang maaaring
mabuhay. Sa ilang mga bansa sa Asya, may ilang maliliit na lugar ng makakapal na
halaman ang tumutubo at nagkalat sa mga disyerto.

• Ang mga ito ay karaniwang nabubuhay sa mga ilog o sa mga bukal sa ilalim ng lupa na
umaabot sa ibabaw Ang mga bukal na ito ng tubig sa gitna ng disyerto ay tinatawag na
oasis.

Steppe
• Ang vegetation cover o biome na steppes ay binubuo ng mga medyo tuyong damuhan
(semi dry grasslands) o prairies na karaniwang nagsisilbing hanggahan ng mga
disyerto. Nagmula ang terminong steppe sa salitang Russian na ang kahulugan ay
“treeless plain.” Tanging mga kasukalan (bushes), maliliit o pandak na damo,
palumpong at punongkahoy sa mga pampang ng batis at ilog ang nabubuhay rito.
Karaniwang matatagpuan ang mga steppe sa Asya Sentral sa pangunguna ng
Kazakhstan at Mongolia sa Silangang Asya; Pakistan, Afghanistan, at India sa Timog
Asya; at halos ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya sa pangunguna ng Iran, Saudi
Arabia, at Turkey.
Temperate Forest o Deciduous Forest
• Ang biome o vegetation cover na temperate forest at deciduous forest ay karaniwang
umuusbong sa mga lugar na may klimang marine west coast. Tumutubo at tumatakip
sa malaking bahagi ng kalupaan nito ang mga punongkahoy na deciduous o ang mga
punongkahoy na nawawala ang mga dahon kapag panahon ng taglagas. Sa mga lugar
na nakatatanggap ng malakas na bagsak ng ulan, maaari ding mabuo rito ang mga
temperate rain forests, kung saan ang mga punong evergreen tulad ng cedar, fir, at
redwood ay tumutubo at dumarami.

Mediterranean o Chaparral
• Ang biome o vegetation cover na chaparral o Mediterranean scrub forest ay
matatagpuan sa ilang lugar na nakapaligid sa Dagat Mediterranean na may klimang
may katulad ding pangalan. Dahil sa karaniwang maaraw, mainit, at tuyong summer at
katamtamang pagkabasa sa winter, tumutubo at tumatakip sa malawak na kalupaan
nito ang ilang mga palumpong (shrubs) at maliliit na punongkahoy. May mangilan-
ngilan ding malalaking punongkahoy at evergreen subalit nawawala ang kanilang mga
dahon sa panahon ng tag-init. Matatagpuan ang ganitong kapaligiran sa malaki-laking
bahagi ng mga bansa sa Kanlurang Asya na nasa paligid ng Dagat Mediterranean gaya
ng Israel,Lebanon, Syria, at Turkey.

Mixed Forest
• Ang biome o vegetation cover na mixed forest ay matatagpuan sa mga lugar sa Asya na
sa ibaba may klimang humid continental at humid subtropical. Dahil sa palagiang
hindi kagandahang klima na binubuo ng mahaba, malamig, at ma-niyebe (snowy) na
winter, at summer maigsi ngunit maaaring maging napakainit sa klimang humid
continental, tumutubo at tumatakip sa malaking bahagi ng kalupaan ng mixed forest
ang mga punongkahoy na deciduous, at mga damuhan (grasslands) sa ilang mga lugar.
Matatagpuan ang mga mixed forest sa Asya sa hilagang Japan, dulong hilagang-
silangang China, Hilagang Korea, at ilang bansa sa Asya Sentral kabilang ang Tajikistan
at Kyrgyzstan.

• Ang tatlong nahuhuling vegetation o biome sa Asya na taiga, tundra, at barren ay


pawang matatagpuan sa rehiyong polar o high latitudes ng mundo na may katulad ding
katawagan sa umiiral na klima.
Taiga

• Matatagpuan ang vegetation na taiga sa mga lugar na may klimang subarctic sa may
bahagi ng Northern Hemisphere sa Katimugan ng Karagatang Arctic. Sa kabila ng
mahaba at nakapangingilabot sa sobrang lamig na winter, maigsi at malamig (cool) na
summer, at temperaturang nananatiling mas mababa sa freezing point sa halos
kalahating taon, ang katamtamang bagsak ng ulan na nararanasan sa ganitong klima
ay nagbigay-daan sa pagtubo ng malawak na evergreen forests na tinatawag na taiga.
Tanging sa Siberia matatagpuan ang mga taiga sa Asya.

Tundra
• Ang biome at vegetation cover na tundra sa Asya ay matatagpuan sa mga lugar sa
dalampasigan ng Karagatang Arctic. Dahil sa klimang tinatawag ding tundra na
binubuo ng mahaba at nakapangingilabot sa lamig na winter, temperatura na
umaakyat lang ng mas mataas sa freezing level sa panahon ng maikling summer, at
kaunting-kaunting bagsak ng ulan, walang ni kahit na isang punongkahoy ang makikita
sa napakalawak na taas-baba nitong kapatagan.

Barren
• Itinuturing na barren ang biome at vegetation cover sa bahagi ng Asya na nasa North
Pole at South Pole at ang tanging nakararanas ng klimang ice cap. Dahil karaniwang
bumabagsak ng hanggang sa -120°F (-84°C) ang temperatura at nababalutan ang buong
kapaligiran ng niyebe at yelo sa buong taon, wala man lang kahit na anong halamang
tumutubo rito. Sa kabila nito, maraming mammal tulad ng mga penguin at polar bear
ang nabubuhay rito.

Heograpiyang Pisikal at Yamang Likas ng Kanlurang Asya

Heograpiyang Pisikal
• Tinatayang may kabuoang sukat na 2.415 milya/kuwadrado at populasyong humigit
kumulang 286,601,602 milyong katao sa Kanlurang Asya.

• Tuyong klima (dry climate) na kapwa ang uring arid o desert at semiarid o steppes ang
namamayaning klima at vegetation cover.

• Tatlong pangunahing rehiyong pisikal

-Hilagang Hanay (Northern Tier)


-Arabian Peninsula
-Fertile Crescent
Arabian Peninsula

Rub’ al Khali
• Pinakamalawak na walang patid na buhanginan sa mundo. Tinatawag na Empty
Quarter
An Nafud
• Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Saudi Arabia.

• Matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent ang subrehiyong tinatawag na Levant.


• Ang Levant ay salitang Pranses na nangangahulugang “mga lupain sa silangan ng Dagat
Meditteranean”.
• Dumadaloy sa Fertile Crescent ang tatlong pinakamahalagang ilog sa Kanlurang Asya:
Tigris, Euphrates, at llog Jordan.

Iba pang anyong tubig sa Rehiyon:

1. Ilog Orontes sa Syria


2. Mga ilog ng Kizil
3. Sakarya
4. Gediz
5. Mendrez sa Turkey
6. Mga lawa ng Van sa Turkey
7. Urmia sa Iran

• Sa Israel at Jordan matatagpuan ang Dead Sea na itinuturing na pinakamababang lugar


sa daigdig na may lalim na 1, 286 talampakan (392) below sea level.

Fertile Crescent

• Subrehiyong tinatawag na Levant.

Yamang Likas ng Kanlurang Asya


• Tubig ang itinuturing na pinakasalat at pinakaiingatang yaman.
• Gumagamit ng desalinization.
• Langis ang pinakamahalagang yaman ng rehiyon.
• Sagana sa yamang-mineral tulad ng sulfur, mercury at copper.
• Phospate – ginagamit sa paglikha ng pataba at abono sa lupa.
• Pagluluwas ng aspalto (asphalt).
• Minahan ng uling o coal at nagluluwas ng ginto.
• Sa rehiyong ito, napakahirap ang tubig at ang lupa ay hindi maituturing na yaman.
• Sa mga lugar na higit na tuyo, ang pagsasaka ay para sa pangkain (subsistence farming)
at ang pagpapastol ay pangkaraniwan na ring hanapbuhay.
• Produktong nalilikha sa rehiyon – dates, trigo, bulak, barley, kape at olives.
• Bedouins – naninirahang palipat-lipat sa disyerto

You might also like