Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

2

Mother Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Angkop na Ekspresyon
sa Pagpapahayag ng Obligasyon
Mother Tongue-Based Mutilingual Education – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Obligasyon, Kahilingan at Pag-asa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jay Ann Y. Lopez
Editor: Robina M. Danga, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Marlon Q. Diego
Tagalapat: Nathaniel C. Sebastian
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD CESO V Librada
M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor Nuesca, EdD Milagros
M. Peñaflor, PhD Mr. Edgar E.
Garcia
Mr. Romeo M. Layug
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Mother Tongue-
Based
Ikatlong Markahan – Modyul
4 Angkop na Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Obligasyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay magbibigay ng malinaw na
kahulugan sa paggamit ng mga wastong ekspresyon o
pahayag na ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Naglalaman din ito ng mga
kuwento, tula, at tugma na lilinang sa kakayahan sa
pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pang-
unawa.

Narito ang mga inaasahang layunin na makakamit


pagkatapos maisagawa ang mga gawain sa modyul na
ito:

1. natutukoy ang angkop na ekspresyon o pahayag na


angkop sa pagsasagawa ng obligasyon; (MELC
MT2OL- IIIg-h3.3)

2. naipahahayag ang wastong paraan ng pakikipag-


usap ayon sa layunin, tagapakinig, at paksa;
(MT2OL-IIIi-I-11.1): at

3. nagagamit sa pakikipagtalastasan ang angkop


na ekspresyon o pahayag sa pagsasagawa ng
obligasyon.

1
Aralin Angkop na Ekspresyon

1 sa Pagpapahayag ng
Obligasyon
Bilang isang batang kasapi ng tahanan, paaralan
at pamayanan, ikaw ay tungkuling dapat gawin. Sa
araling ito, matutuhan mong gamitin ang angkop na
ekspresyon sa pagpapahayag ng obligasyon o
tungkulin.

Subukin

Ang bawat bata ay may kanya-kanyang tungkuling


dapat gampanan. Ang mga tungkuling ito ay dapat na
matutuhan kahit sila ay nasa murang edad pa lamang.

Panuto: Basahin sa kasunod na pahina ang mga


pangungusap na katapat ng bawat larawan. Piliin ang
letra ng pangungusap na tumutukoy sa tungkulin ng
bata na nasa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

2
1.
a. Ako ay nagliligpit ng mga laruan.
b. Ako ay bumibili ng mga laruan.
c. Ako ay gumagawa ng laruan.
d. Ako ay namimigay ng mga
laruan.
2.
a. Ako ay nagbibilang ng aklat.
b. Ako ay nagsusulat sa aklat.
c. Ako ay nagkukulay ng aklat.
d. Ako ay nagbabasa ng aklat.

3.
a. Ako ay nagbibilang ng halaman.
b. Ako ay nagdidilig ng halaman.
c. Ako ay nagtatanim ng halaman.
d. Ako ay naggugupit ng halaman.

4.
a. Ako ay naghuhugas ng kamay.
b. Ako ay naghuhugas ng kaserola.
c. Ako ay naghuhugas ng plato.
d. Ako ay naghuhugas ng kaldero.

5.
a. Ako ay nagtatapon ng basura.
b. Ako ay nagwawalis ng basura.
c. Ako ay nagsusunog ng basura.
d. Ako ay nagbabaon ng basura.

3
Balikan

Pagkatapos ng klase, agad na umuwi si Rick


sa kanilang bahay. Ano kaya ang dapat niyang
unahing gawin?

Panuto: Ayusin ang mga larawan ng mga gawain ni


Rick ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang letra
ng wastong sagot sa sagutang papel.

4
A. B. C.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento. Sumangguni sa


nakatalang talasalitaan para sa kahulugan ng salitang
nakapaloob sa maikling kuwento.

Ang Aming Obligasyon

ni Jay Ann Y. Lopez

5
bilin - utos na dapat gawin
obligasyon - tungkuling dapat gampanan
Araw ng Sabado, maagang ginising ng nanay ang
kanyang mga anak na sina Ate Betty at Lenlen dahil
maaga siyang pupunta sa palengke. Bago siya umalis
ay

6
nagbigay siya ng bilin sa mga anak na gawin nang
maayos ang kanilang obligasyon sa bahay.
“Ako na po ang maglalaba ng ating mga damit,
Nanay,” ang sabi ni Ate Betty.
“Nanay, tutulungan ko po si Lola sa paglilinis ng
bahay,” ang sabi ni Lenlen.
Pag-uwi ni Nanay tuwang-tuwa siya nang
makitang natapos ng kanyang mga anak ang kanilang
mga obligasyon sa kanilang tahanan.
“Salamat naman at maaasahan pala kayo.”

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang


letra ng sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Ate Betty c. Lenlen
b. Nanay d. Lahat ng nabanggit

2. Kailan nangyari ang kuwento?


a. Sabado c. Lunes
b. Linggo d. Biyernes

3. Saan pupunta ang nanay?


a. simbahan c. paaralan
b. palengke d. tindahan

4. Ano ang obligasyon ni Ate Betty?


a. maglaba ng damit c. magdilig ng halaman
b. maglinis ng bahay d. magluto ng pagkain

7
5. Ano ang obligasyon ni Lenlen?
a. tumulong sa pagluluto ng agahan
b. tumulong sa pagdidilig ng halaman
c. tumulong sa paglilinis ng bahay
d. tumulong sa paglalaba ng damit

Suriin
Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Obligasyon
Ano ang obligasyon? Ang bawat bata ay may
obligasyon. Ang obligasyon ay mga tungkuling dapat na
isagawa at tuparin sa takdang panahon.
Ang bawat kasapi ng tahanan, paaralan at
pamayanan ay may mga obligasyong ginagampanan.
Ang pagwawalis, paglilinis ng bahay at paglalaba
ay mga halimbawa ng obligasyon sa tahanan.
Ang pagbabasa, pagsusulat at pakikinig sa guro ay
mga obligasyon sa paaralan.
Ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at
pagsunod sa batas trapiko ay mga obligasyon sa
pamayanan.
May mga wastong ekspresyon upang
maipahayag ang pagsasagawa ng obligasyon. Ang
magagalang na salita ay ginagamit sa pagpapahayag
ng obligasyon.
Narito ang ilang halimbawa:
 Ako na po ang maglilinis ng ating bahay.
 Ako na po ang magdidilig ng halaman.

8
 Ako na po ang bahala sa mga kalat na ito.

9
Ang batang tulad mo ay maaari nang bigyan ng
mga obligasyong naaangkop sa sariling kakayahan.

Pagyamanin
Panuto: Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
angkop na sabihin sa bawat larawan? Piliin ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1.

A. Ako na nga ang magdidilig ng halaman!


B. Ako na po ang magdidilig ng halaman.
C. Pagod na ako. Ikaw na ang magdilig ng
halaman.
D. Hindi ako marunong magdilig ng halaman.

2.

A. Nanay, ako na po ang magtatabi ng mga plato.


B. Ako na nga ang magtatabi ng mga plato.
C. Hindi ko alam kung saan iyan itatabi.
D. Mamaya ko na itatabi ang mga plato.

10
3.

A. Pagod na ako. Saka na lang ako gagawa ng


aralin.
B. Pwede ba, bukas na lang ako gagawa ng aralin!
C. Mamaya na lang ako gagawa ng aralin.
D. Gagawin ko na po ang aking aralin.

4.

A. Mamaya ko na lang ililigpit ito paggising ko.


B. Lola ikaw na ang magligpit nito.
C. Ililigpit ko na po ang aking mga laruan.
D. Ako na ang bahala sa mga laruan ko,
Tatay.

5.

A. Mano nga Nanay,


Tatay.
B. Mano po, Nanay, Tatay.

11
C. Mano, Tatay, Nanay.
D. Mano nga!

12
Isaisip

Panuto: Basahin nang paulit-ulit ang maikling tula upang


matandaan. Lapatan din ito ng kilos.

Obligasyon Natin

ni Jay Ann Y. Lopez

Ako, bilang bata ay may tungkulin


Sa tahanan, paaralan at sa bayan
natin
Ang lahat ng ito ay dapat isipin
Dahil obligasyon ay ating gagawin.

Sa pagpapahayag ng ating
obligasyon Magagalang na salita ang
dapat isulong Ang po at opo ay
kasama sa tugon

Kopyahin ang rubriks sa papel at sagutan. Iguhit


ang kung nasunod ang pamantayan at kung
hindi.

Mga Pamantayan
1. Nabigkas ang tula nang may wastong indayog
ng tinig.
2. Nabigkas ang mga salita nang wasto.
3. Nabigkas ang tula nang may damdamin.
4. Naunawaaan ang kahulugan ng tula.
13
Isagawa

Panuto: Hanapin ang ekspresyon o pahayag na angkop


sa bawat larawan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. 2.

3. 4. 5.

A. “Nanay, tulungan ko na po kayo sa pag-aalis ng


mga
alikabok.”
B. “Mano po Lolo. Mano po Lola.”
C.“Nanay ako na po ang magpapasok ng inyong mga
pinamili sa loob ng bahay.”
D. “Tatay tulungan ko na po kayo sa pag-aayos ng
sirang gripo.”
E. “Ate tulungan na kitang maglaba. Tulungan kita sa
pagbabanlaw.”

14
Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliin ang
angkop na ekspresyong nagpapahayag sa
pagsasagawa ng obligasyon o tungkulin. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Naglalaba ang Nanay mo at nakita mong maraming
maruruming plato sa lababo. Ano ang sasabihin
mo?
a. Ako na ang maghuhugas ng mga plato.
b. Nanay, ako na po ang maghuhugas ng mga plato.
c. Nanay bakit po maraming maruming plato?
d. Nanay, kailan ko po huhugasan ang plato?

2. Nakita mo si Tatay na nagbubunot ng mga damo


sa bakuran.
a. Tatay anong ginagawa mo?
b. Tatay, hahanap po ba ako ng tutulong sa inyo?
c. Tatay, bakit po nagbubunot kayo ng damo?
d. Tulungan ko na po kayo, Tatay.

3. Pagod na kayo sa paglalaro ng kapatid mong si


Luna. Nakakalat ang inyong mga laruan.
a. Iligpit na natin ang mga laruan, Luna.
b. Iligpit mo na ang mga laruan, Luna.
c. Ipaligpit natin ang mga laruan kay Nanay, Luna.
d. Bahala ka na diyan sa mga laruan, Luna.

15
4. Oras na para mag-aral ka ng iyong mga aralin.
a. Nanay, gagawin ko na po ang aking aralin.
b. Nanay, gawin ninyo nga po ang aking aralin.
c. Kuya gawin mo nga aking aralin.
d. Ate, ikaw na nga ang sumagot sa aking aralin.

5. Nakita mong maraming dala-dala sina Lolo at Lola.


a. Lolo saan po kayo galing?
b. Lola bakit marami po kayong dala?
c. Lolo, Lola tulungan ko na po kayo sa mga dala ninyo.
d. Lola, nasaan po ang aking pasalubong?

Karagdagang Gawain

Isaulo ang tugma. Lapatan ng kilos upang maging


mas kawili-wili.

Pagtupad sa Tungkulin

ni Jay Ann Y. Lopez

Ako ay isang batang masunurin


Masipag tumupad sa mga tungkulin
Handang tumulong sa tahanan
namin Upang mapadali ang mga
gawain.

Kopyahin ang rubriks sa papel at sagutan. Iguhit


ang kung nasunod ang pamantayan at kung
hindi.
16
Mga Pamantayan
1. Nabigkas ang tugma nang may wastong
indayog ng tinig.
2. Nabigkas ang mga salita nang wasto.
3. Nabigkas ang tugma nang may damdamin.
4. Naunawaaan ang kahulugan ng tugma.

Susi sa Pagwawasto

5. 5. c.
B.C.
4. 4. a.
A. 3. 3. a.
C. 2..A.
D 2. d.
B. 1. 1. b.
Balikan B.
Pagyamanin Tayahin

5. a. 5. c. 5.
4. c. 4. a. D4.. E.
3. b 3. b. 3. C.
2. d 2. a. 2. A.
1. a. 1. d. 1.
Subukin Tuklasin Isag B.
awa

17
Sanggunian

Bamba N. D., et al. “Kagamitan ng Mag-aaral:


Mother Tongue-Based Multilingual Education –
Ikatlong Baitang. Unang Edisyon. Inilimbag sa
Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng
Edukasyon, 2014

Bamba N. D., et al. “Teacher’s Guide: Mother


Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong
Baitang.
Unang Edisyon. Inilimbag sa Republika ng
Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon, 2015

K to 12 Curriculum Guide. Mother Tongue. Department of


Education. 2016.

K to 12 Most Essential Learning Competencies. Mother


Tongue-Based Multilingual Education-
Ikalawang Baitang

Salvatus G. U., Santos N. C., Soner B. A. , & Tiñana R.P.


Kagamitan ng Mag-aaral: Mother Tongue-Based
Multilingual Education – Ikalawang Baitang. Unang
Edisyon. Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon, 2013

Urbien-Salvatus, Grace et. al., 2013. Mother Tongue Based


Multilingual Education – Ikalawang Baitang.
(Patnubay ng Guro). Department of Education.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground

Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax:

(632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


16

You might also like