Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

2

Mother
Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagpapahayag ng Simpleng
Karanasan at Pagbibigay ng
Gamit ng Pandiwa
Mother Tongue – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagpapahayag ng Simpleng Karanasan at Pagbibigay
ng Gamit ng Pandiwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ghia C. Ureta
Editor: Essel E. Reyes, Emelita G. Paguio
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Mary Grace G. Jandoc
Tagalapat: Honey Bert G. Dayanan
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Phd, CESO V Librada
M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor Nuesca, EdD Milagros
M. Peñaflor, PhD Edgar E.
Garcia, MITE
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Mother
Tongue
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagpapahayag ng Simpleng
Karanasan at Pagbibigay ng
Gamit ng Pandiwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang


batayang kasanayan sa paggamit ng mga salitang-
kilos o pandiwa sa pagpapahayag ng iyong mga
karanasan. Ituturo din sa iyo ang paggamit ng hudyat
na mga salita sa pagbuo ng pangungusap.

Narito ang mga inaasahan na iyong maipamalas


pagkatapos ng aralin na ito:

1. nakapagpapahayag ng sariling karanasan


gamit ang pandiwa (MT2GA-IIId-i1.4.1);
2. nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagbibigay
ng 3-5 simpleng panuto o hakbang;
3. nakapagbibigay ng 3-5 simpleng panuto o
hakbang gamit ang mga hudyat na salita; at
4. naipakikita ang pagmamahal sa pamilya at
mga turo ng magulang sa pangangalaga sa
sarili.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.


Ayusin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng letra sa
sagutang papel na aakma sa pagkakasunod-sunod ng
mga larawan.

Mga Tagubilin Ni Ina


A.Pangatlo, kumain ng masustansyang
pagkain. upang maging malusog at matalas
ang isipan.
B.Panlima, magmano kay nanay at tatay bago
umalis ng bahay.
C.Una, maligo upang katawan ay luminis at
maging mabango.
D. Pang-apat, magsepilyo upang ngipin ay luminis.
E. Pangalawa, magbihis ng malinis na uniporme.

1. 2. 3.

4. 5.

2
Aralin
Masayang Karanasan
1
Ang kaalaman mo sa pandiwa sa modyul 2 ay
palalawakin pa natin sa araling ito. Ang iyong mga
natutuhan tungkol sa pandiwa ay tutulong sa iyo sa
paglalahad mo ng iyong karanasan. Ito ay hakbang
upang mapagyaman ang iyong kaalaman sa gramatika.

Balikan

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang aspekto


ng salitang-kilos ayon sa larawang ipinakita. Piliin ang
tamang sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat sa
sagutang papel.

kumakanta kumanta kakanta

1. Si Ana ay
kanina sa bahay.

2. Si Ana ay
ngayon sa plasa.

3. Si Ana ay
mamayang gabi sa
patimpalak.

3
Mga Tala para sa Guro
Ang aralin sa pandiwa na tinalakay sa Modyul 2 ay
magiging gabay ng mag-aaral upang makabuo ng mga
pangungusap na layong magbigay panuto sa isang gawain. Ang
mga pangungusap na mabubuo ng mag-aaral ay gagamitan ng
mga hudyat na salita bilang tanda ng pagkakasunod-sunod ng
gawain.

Tuklasin

Ano ang iyong napansin sa larawan?


Sa iyong palagay, tungkol saan kaya ang larawan?
Anong karanasan kaya ang nabuo ng bata sa larawan
mula sa gawaing pinagkakaabalahan nila?

4
Narito ang isang maikling salaysay tungkol sa batang
si Pedro at ang kanyang tanim na kasoy.

“Ang Kasoy”
Ni: Ghia C. Ureta

Buwan ng Mayo nang maisipan ni Pedrong maglibot


sa bakuran. Nakakita siya nang buto ng kasoy, itinanim
niya ito sa tabi ng bakod. Araw-araw niya itong
dinidiligan at inaalagaan hanggang sa lumaki at naging
puno.
Limang taon ang nakalipas, ang butong itinanim
ni Pedro ay lumago at nagbunga. Sa tuwa ng pamilya,
sama-sama nilang pinitas ang mga bunga at inihain
sa hapag-kainan. Masayang pinagsaluhan ng pamilya
ang mga bunga ng kasoy.
“Anak, ang mga buto ng kasoy ay maaring ibilad
at isangag upang makain”, wika ni Nanay.
“Sige po Nanay, bukas na bukas din ay ibibilad ko po
ang mga buto ng kasoy na aking naipon” sagot ni Pedro.
Ibinilad ni Pedro ang mga buto ng kasoy.
Pagkatuyo ng buto binuksan at isinangag ito ng
kaniyang Nanay.
Ihahain ito ni Pedro at magsalo-salo ang buong
pamilya. Ibabahagi ng pamilya ang mga bunga at buto
ng kasoy sa mga kapitbahay.

5
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng salaysay?


a. Ang Puno b. Ang Buto
c. Ang Tanim d. Ang Kasoy
2. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa salaysay?
a. sina Pedro, Nanay, Kuya at Perla
b. sina Pedro, Nanay, Tatay, Ate at Kuya
c. sina Kuya, Ate at Ana
d. sina Nida, Pedro, Ben, at Karla
3. Ano ang nakita ni Pedro sa bakuran?
a. buto ng papaya b. buto ng kalabasa
c. buto ng kasoy d. buto ng manga
4. Ano ang araw-araw na ginawa ni Pedro sa
kaniyang tanim?
a. dinidiligan at inaalagaan
b. kinakausap at dinidiligan
c. binubungkal at inaalagaan
d. dinidiligan at nilalagyan ng pataba
5. Ano ang ginawa nila sa mga pinitas na bunga?
a. ipinamigay sa mga kapitbahay
b. inihain sa hapag kainan
c. pinabulok sa tabing daan
d. ipinakain sa mga alagang aso
6. Ano ang balak nilang gawin sa mga inani
nilang buto ng kasoy?
a. iihawin b. ibibilad at isasangag
c. papakuluan d. ibebenta

6
Suriin

Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng


mga kilos o galaw. Ito ay mayroong tatlong aspekto,
ang naganap, nagaganap at magaganap.
Ang pangnagdaan o naganap ay mga salitang kilos
na ginawa na, tapos na o nakalipas na. Ang
pangkasalukuyan o nagaganap ay tumutukoy sa mga
kilos na ginagawa, nangyayari o ginaganap sa
kasalukuyan. Ang panghinaharap o magaganap ay mga
salitang kilos na hindi pa nagaganap at gagawin pa
lamang.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng
pandiwa o salitang kilos na nagpapakita ng tatlong
aspekto: naganap, nagaganap at magaganap.
Salitang Ugat Naganap Nagaganap Magaganap
dilig nagdilig nagdidilig magdidilig
alaga inalagaan inaalagaan aalagaan
salo nagsalo nagsasalo magsasalo
bilad ibinilad ibinibilad ibibilad
bukas binukas binubukas bubukas
Ang mga karanasan ay tumutukoy sa mga
kaalaman na nakuha mula sa paggawa ng isang bagay
o gawain. Ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa ay
maaring gamitin sa paglalahad ng iyong karanasan.
Ang

7
karanasan ay maaring maipahayag sa salaysay,
kuwento, o tula.

Pagyamanin
Gawain: Pagbabahagi ng Karanasan
Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay nasa ating
tahanan lamang, nagkaroon tayo ng iba’t ibang
karanasan na nagpatibay ng relasyon sa pamilya.

Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na salita


mula sa kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

niluto kinain nagtanim inani nag-alaga

Ang Aking Pamilya


ni Ghia C. Ureta

Ngayong pandemya magkakasama ang aming


pamilya. Gumawa kami nina Ate at Kuya ng iba’t-
ibang gawain sa bahay. (1) si Tatay ng
maraming gulay. Tinulungan ko sya na alagaan ang
mga ito.
Masaya naming (2) ang mga gulay. May
talong, okra, talbos, sitaw at iba pa. (3) iyon
ni Nanay at naging ulam namin sa tanghalian. Si ate at
kuya naman ay (4) ng manok. (5) ko
naman ang mga itlog. Kahit may pandemya pamilya
ko’y malusog dahil sa mga tanim namin na gulay sa
bakuran.

8
Isaisip

1. Ang mga pandiwa ay maaaring gamitin


sa pagpapahayag ng sariling karanasan.
2. Sa pagpapahayag ng sariling karanasan,
pandiwang naganap na ang dapat gamitin.
3. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na
naipakikita sa pagbibigay halaga sa mga
karanasan at kaugaliang nakasanayan na.

Isagawa

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pandiwang


naganap na upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Sabado na naman, araw ng gawaing bahay. Araw ni


Ana upang tumulong kay Nanay.

1. Pagkagising sa umaga,
ang higaan.

(nag-ayos, ayos
nag-aayos, mag-aayos)

9
2. ng
mga dahon sa
bakuran.

(magwawalis, walis
nagwawalis,
nagwalis)

3. (hugas)
ng pinagkainan.

(naghugas, hugas,
huhugasan, naghuhugas)

Magaling! Lubos mo nang nauunawaan ang iyong aralin.

10
Tayahin

Kapag natapos ang pandemya ang lahat ay


magsasaya. Gagawin ang mga nakasanayan na gawain
kasama ang pamilya.
Panuto: Buuin ang tula sa pamamagitan ng pagsulat ng
pandiwang naganap na sa patlang. Piliin ang angkop na
salita mula sa kahon at isulat sa sagutang papel.

kumain naglakad naglaro

Bago magpandemya
Puso ko’y puno ng galak
Sa bawat araw na namamasyal
(1) sa parke
(2) sa palaruan
(3) sa restoran
Kasama ang kaibigan at
pamilya.

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa iyong natutuhan, sumulat ng isang


linggong talaarawan tungkol sa iyong karanasan sa
panahon ng pandemya. Maaari mong isulat sa papel
ang iyong araw-araw na gawain habang ikaw ay nasa
inyong bahay.

Gamitin ang tala sa ibaba bilang gabay.


Araw sa isang Mga Ginawa
Linggo
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Binabati kita sa pagtatapos mo sa unang aralin!

12
Aralin

2 Matuto sa Panuto

Ang panuto ay isang epektibong paraan upang


mailahad ang pagkasunod-sunod na gagawin. Ito ay
kadalasang ginagamitan ng mga hudyat na salita gaya
ng una, ikalawa, pangatlo. Ginagamitan ito ng salitang
pandiwa sa pagbuo ng pangungusap.

Balikan

Panuto: Pansinin ang mga larawan at gawin itong


gabay sa pagsulat ng pandiwang naganap na bubuo sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ako ay ng kamay bago
kumain ng tanghalian.
(naghugas, maghuhugas,
naghuhugas, hugas)

2. ako ng masarap ng
gulay at isda noong hapunan.
(kumakain, kumain, kakain,
kain)

3.
Bago matulog, ako ay
upang magpasalamat sa Diyos sa
paggabay nya sa amin.
(nagdadasal, magdadasal,
nagdasal, dasal)

13
14
Tuklasin

Mula sa larawan at hakbangin, alamin natin


ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay.

Gabay sa Paghuhugas ng Kamay

Una, basain ang mga kamay at lagyan


ito ng sabon.

Pangalawa, sabunin ang palad at likod


ng mga kamay.

Pangatlo, kuskusin ang mga pagitan ng


mga daliri, mga kuko at pagitan ng mga
hinlalaki.

Pang-apat, kuskusin nang paikot ang mga


dulo ng mga daliri sa magkabilang palad.

Panlima, banlawang mabuti ng malinis na


tubig at patuyuin ang mga kamay gamit
ang malinis na bimpo.

15
Suriin

Ang Panuto ang nagsisilbing gabay sa paglalahad


ng pangungusap upang maipakita ang tamang
pamamaraan.
Ang mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pang-
apat at panlima ay mga halimbawa ng hudyat na salita.
Maaari ring gumamit ng mga salitang pagkatapos,
kasunod, at huli bilang pamalit sa mga halimbawang
nabanggit.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang nawawalang


salitang hudyat sa bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.

pangalawa panlima pangatlo


una pang-apat

1. , maghubad ng damit bago maligo.


2. , magbuhos ng malinis na tubig upang
mabasa ang katawan.

16
3. , magsabon ng buong katawan upang
matanggal ang dumi.
4. , mag-shampoo ng buhok upang alikabok
ay matanggal.
5. , magbanlaw nang mabuti upang maalis
ang sabon sa katawan.

Isaisip

1. Panuto ang nagsisilbing gabay sa paglalahad


ng pangungusap upang maipakita ang tamang
pamamaraan.

2. Ang mga salitang una, pangalawa, pangatlo,


pang- apat at panlima ay halimbawa ng salitang
pananda.

3. Ang pangangalaga mo sa sarili ay magpapakita


ng pagbibigay halaga mo sa aral na itinuturo ng
iyong magulang.

17
Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan ng hakbang sa


paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Isulat ang
nawawalang hudyat na salita at pandiwang nagdaan sa
pangungusap sa sagutang papel.
Halimbawa:

Una , si Marta ay
nagsulat .

1. , si Gino ay
.

(Pangatlo – nagsabon
Una – naligo
Pangalawa – nagbuhos
Pang-apat – nagbanlaw)

18
2. , si Gino ay
ng uniporme.

(Una – napalit
Pangalawa –
nagbihis Pangatlo –
naghubad Pang-apat
– nagsuot)

3. , si Gino ay
ng almusal.

(Pang-apat– naghimay
Pangatlo – kumain
Una – nagluto
Pangalawa – nalagay)

4. , si Gino ay
ng ngipin.

(Pangatlo – naglagay
Una – naglinis
Pangalawa – nabanlaw
Pang-apat –
nagsipilyo)

19
5. , si Gino ay
bilang
tanda ng paggalang
at pagpapaalam bago
pumasok sa paaralan.

(Pangatlo – paalam
Panlima – nagmano
Pangalawa –
humalik Una –
yumakap)

Tayahin

Panuto: Suriin ang mga larawan. Paghambingin ang


hanay A at hanay B. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
Si Nanay ay galing sa trabaho. Ano-ano ang
gagawin ni Nanay pag-uwi ng bahay?
A B

1. a. Pangalawa, tanggalin
ang ginamit na face mask
at damit.

20
2. b. Pang-apat, magbihis ng
malinis na damit.

3. c. Una, magtanggal ng
sapatos at iwanan ito sa
labas ng pinto.

4. d. Pangatlo, maligo gamit


ang anti-bacterial soap.

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga


gawain gamit ang mga salitang hudyat. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. kumain ng almusal a. Panlima


2. nag-ayos ng higaan b. Una
3. naligo at nagsipilyo c. Pangalawa
4. nag-aral ng mga aralin d. Pang-apat
5. gumising ng maaga e. Pangatlo

Binabati kita sa pagtatapos ng ikalawang

aralin!

22
Susi sa Pagwawasto

A 6.
B 5. B 5.
A 4. D 4.
C 3. 3. kakanta A 3.
B 2. 2. Kumakanta E 2.
D 1. Kumanta 1. C 1.
Aralin 1: Tuklasin Aralin 1: Balikan Subukin

5. kinain
nag-alaga 4.
3. kumain 3. naghugas niluto 3.
2. naglaro 2. nagwalis inani 2.
1. naglakad 1. nag-ayos 1. nagtanim
Aralin 1: Tayahin Aralin 1: Isagawa Aralin 1: Pagyamanin

5. b
4. a Panlima 5.
3. d 4. Pang-apat
2. c 3. Pangatlo 3. nagdasal
1. e 2. Pangalawa 2. kumain
gawain 1. Una naghugas 1.
Aralin 2: karagdagang Aralin 2: Pagyamanin Aralin 2: Balikan

5. Panlima - nagmano

B 4. 4. Pang-apat – nagsipilyo

D 3. 3. Panagtlo –
kumain
A 2. 2. Pangalawa – nagbihis

1. C 1. Una – naligo
Aralin 2: Tayahin Aralin 2: Isagawa

23
Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Mother Tongue (Grade 1 To Grade 3).
2016. 1st ed.

K to 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding


CG Codes. 2020. Deped Learning Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/search?filter=&search_param
=all&query=MELCS.

Pado, PhD, Felicitas. 2016. Basa Pilipinas Gabay Sa Pagtuturo Ng


Filipino Ikalawang Baitang. 2nd ed. Ground Floor,
Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue,
Pasig City: Department of Education Bureau of Learning
Resources.

Rolle, Agnes, Grace Urbien-Salvatus, Babylen Arit-Soner, Nida


Casao-Santos, and Rianne Pesigan-Tiňana. 2013.
Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education- Ikalawang
Baitan Kagamitan Ng Mag-Aaral: Ikalawang Bahagi. 1st
ed. 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco
Avenue. Pasig City, Pgilippines 1600: Department of
education- Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS).

Urbien-Salvatus, Grace, Babylen Arit-Soner, Nida Casao-Santos,


and Rianne Pesigan-Tiňana. 2013. Mother Tongue-
Based Multi-Lingual Education Ikalawang Baitang
Patnubay Ng Guro Sa Tagalog. 1st ed. 2nd Floor Dorm
G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines
1600: Department of Education-Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground

Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax:

(632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like