Angel - Lesson Plan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ATENEO DE NAGA UNIVERSITY

College of Education

Mala-masusing Banghay-aralin

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga
sumusunod na layunin:
a. natutukoy ang tema ng tula,
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aalaga at pagpoprotekta sa
mga puno; at
c. nakalilikha ng mga wastong pamamaraan ng pag-aalaga sa mga puno.

II. Paksang Aralin: Ang Puno

III. Pamamaraan
a. Balik-aral
● Bago magsimula ang klase, magsasagawa ang guro ng pagbabalik-aral
sa pamamagitan ng pagkakamustahan at pagtatanong sa mga
mag-aaral kung ano ang paksang napag-usapan noong nakaraang
talakayan.
b. Motibasyon
● Ngayon na alam na nila ang paksang tinalakay noong nakaraan,
magbibigay ang guro ng isang katanungan bilang pagganyak sa mga
mag-aaral bago mag simula sa bagong aralin:
a. Ano kaya ang mangyayari sa mundo kung mas marami pang tao
ang magtatanim ng mga puno?

c. Pag-alis ng Sagabal
● Bago basahin ang isang maikling tula, magsasagawa ang guro ng isang
gawain kung saan bibigyan ng kahulugan ang mga talasalitaan sa tula
upang mas maintindihan ito ng mga mag-aaral.
● Gagamit ang guro ng isang flashcard para ilarawan ang salitang
‘matikas.’ Pagkatapos ay bibigyan ito ng kahulugan ng guro upang
maunawaan ng mga mag-aaral ang ritratong ipinakita.

Kahulugan Kahulugan ayon sa Halimbawa


Teksto ng Tula

Matikas - ito ay tumutukoy Ang salitang matikas Kahit maliit si Roger,


sa pagkakaroon ng ay maaaring tumukoy matikas naman ang
magandang tindig at porma sa magarang anyo ng kanyang tindig.
ng pangangatawan. Ang mga puno at sa
matikas na katawan ay may kanilang kahalagahan
maganda ring hugis. sa pagbibigay ng
kagandahan at
Kasingkahulugan: proteksyon sa
elegante, makisig, magara, kapaligiran.
matipuno, magilas
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

● Sa kabilang banda, context clue naman ang gagamitin ng guro para sa


salitang ‘naaagnas’ sapagkat ang salitang ito ay sensitibo, at hindi
nararapat na gamitan ng larawan dahil hindi ito kaaya-ayang tingnan
lalo na sa mga bata.

Kahulugan Kahulugan ayon sa Halimbawa


Teksto ng Tula

Naaagnas - ang salitang Ang naaagnas ay Ang pangangalaga sa


"naaagnas" ay tumutukoy tumutukoy sa proseso mga puno ay mahalaga
sa proseso ng pagkakaroon ng pagkasira o upang maiwasan ang
ng kalawang o pagkasira pagbabawas ng kalidad pagkakaroon ng lupang
dahil sa kakulangan ng ng lupa o ng kalikasan. naaagnas.
pag-aalaga o pangangalaga. Ito ay maaaring dahil sa
Ito rin ay maaaring hindi tamang
tumukoy sa unti unting pangangalaga o sa
pagbulok ng isang bagay pagkakaroon ng mga
problema tulad ng
pagkasira ng mga puno
o pagputol sa mga ito.

d. Motib Question
● Upang gabayan ang mga mag-aaral sa bagong paksa na tatalakayin sa
klase, magbibigay ang guro ng isang katanungan:
a. Bakit maituturing na mahalagang kayamanan ng mamamayan
ang mga puno?

e. Paglalahad ng Tula
● Ngayon, babasahin na ng guro ang isang maikling tula sa klase. Ito ay
may pamagat na, “Ang mga Puno”
● Ang mga mag-aaral ay maatasan na makinig ng mabuti habang
inilalahad o binabasa ito ng guro.

f. Pagtatanong
● Pagkatapos mailahad ng guro ang maikling tula sa klase, ibibigay ng
guro ang mga sumusunod na katanungan upang gabayan ang tulang
binasa:
a. Bakit maituturing na mahalagang kayamanan ng mamamayan
ang mga puno?
b. Ano ang tema o mensahe ng tula tungkol sa kahalagahan ng
pag-aalaga sa mga puno?
c. Paano inilarawan ng tula ang mga puno?
d. Bakit kailangan na alagaan at protektahan natin ang mga puno?
Ano ang mga naitutulong nito sa atin?
e. Paano maipapakita ng mga mamamayan ang kanilang
pagpapahalaga at pagmamalasakit sa mga puno, alinsunod sa
tula?
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

f. Ano kaya ang maaaring maging epekto sa atin kung puputulin


natin ang mga puno?
g. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang wastong pamamaraan ng
pangangalaga at pangangasiwa sa mga puno?

IV. Pagbasang muli ng Tula ng Guro


● Ngayon at nasagutan na ang mga gabay na tanong, muling babasahin ng guro
ang tula sa klase. Ang mga mag-aaral ay inaasahan na makinig ng mabuti
habang inilalahad o binabasa muli ito ng guro.

V. Pagbabasa ng mga bata


● Pagkatapos mabasang muli ng guro ang tula, ngayon naman ay magkakaroon
ng pabasa ng tula sa mga bata. Ito ay hahatiin sa dalawang pamamaraan:
a. Pangkatang pagbasa
- Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat at ang bawat
pangkat ay maaatasan na basahin ang tula na may pamagat na,
“Ang mga Puno”
b. Isahang pagbasa
- Pagkatapos ng pangkatang pagbasa, ang sunod naman na
gagawin ng guro para sa isahang pagbasa ay pipili siya ng ilang
estudyante upang basahin ang tula sa klase.

VI. Paglalapat ng Musika


● Ngayon at natapos na ang pagbabasa ng mga bata, ituturo na ng guro ang tula
sa pamamagitan ng isang musika.
● Ang tula ay inilapat sa kantang “The ant and the grosshopper.” Ang guro ay
papatugtugin ang instrumental ng kanta gamit ang Youtube at ito’y sasabayan
ng klase gamit ang tula.
The Ant and the Grasshopper + More Nursery Rhymes & Kids Songs - Co…

VII. Ebalwasyon
● Magbibigay ang guro ng 5-item quiz upang subukin ang lalim ng pag-unawa ng
mga mag-aaral sa maikling tulang binasa.

1. Ano ang binanggit ng tula na dapat nating huwag sirain at puputulin?


a. Bato
b. Ibon
c. Puno
d. Araw
2. Ano ang pangunahing mensahe ng tula patungkol sa pag-aalaga sa mga
puno?
a. Dapat nating gawin ito para sa kalikasan
b. Hindi mahalaga ang mga puno
c. Puwede nating putulin lahat ng puno
d. Alagaan ang puno para sa sariling interes
3. Bakit nararapat alagaan ang mga puno ayon sa tula?
a. Dahil sila'y puno ng prutas
ATENEO DE NAGA UNIVERSITY
College of Education

b. Ito ay nagliligtas sa atin at mayaman sa ating buhay


c. Dahil mas maganda ang lugar kapag puno ng mga halaman
d. Dahil iyan ang gusto ng bayan
4. Ano ang maaaring maging epekto kung hindi aalagaan ang mga puno,
ayon sa tulang ito?
a. Pagkakaroon ng sariwang hangin
b. Pagbaha at pagguho ng lupa
c. Pag-unlad ng kalikasan
d. Pagkakaroon ng magandang tanawin
5. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ng tulang ito sa mga puno?
a. Hindi mahalaga ang mga puno
b. Karapat-dapat silang putulin
c. Mahalaga sila sa ating buhay at kaligtasan
d. Puwedeng gamitin para sa anumang layunin

VIII. Takdang Aralin


● Gumuhit ng isang puno at tawagin itong ‘puno ng pagpapahalaga.’ Gamit ang
puno ng pagpapahalaga, gumuhit ng anim na bunga at sulatan ito ng
iba’t-ibang pamamaraan ng pangangalaga sa ating kalikasan partikular na sa
ating mga puno at halaman.

You might also like