Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO: PAGLIKHA NG ANGKOP NA PAHAYAG SA TIYAK NA

SITWASYON

Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro, at iba pang nakakatanda? Katulad


lamang ba ito ng pakikipag-usap mo sa iyong mga kaibigan at kaklase?

Sa lahat ban g lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang magsalita ng anumang
inyong nais sabihin o may mga sitwasyong nangangailangan ng pagtitimpi?

Ang mga tanong na ito, at marami pang iba, ang siyang isasaalang-alang natin sa paglilinang
ng kakayang sosyolingguwistiko.

Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?

Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may
naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika(halimbawa: “Magandang araw po!
Kamusta po kayo!”) sa pakikipag-ugnayan sa mga nakakatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit
natin ng impormal na wika (halimbawa: “Uy! kamusta ka naman?”) sa ating mga kaibigan at
kapareho ng estado.

Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalitang isang wika. (halimbawa, ang mga tao na
Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural lamang o
hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit ng naangkopna pahayag ayon sa sitwasyon..Gayunman,
para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan kung paano “lumikha at umunawa ng
wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang – alang sa mga salik gaya
ng estado na kausap, layunin ng interaksiyon, at itinatakdang kumbensyon ng intearaksiyon”
(Freeman at Freeman 2004).

Nilinaw ng Sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing mahahalagang salik ng


lingguwistikong interaksiyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:

S- Setting Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?

P- Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?

E-Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?

A-Act Sequence: Paano ang daloy o takbo ng pag-uusap?

K-Keys: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o Pabiro?

I-Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na


pagsunod sa pamantayang panggramatikal?

N-Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon ditto ng mga kalahok?
Malaya bang nakakapagsalita ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon dahil sa uri, lahi,
kasarian, edad, at iba pang salik?

G- Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit( halimbawa: interbyu, panitikan o
liham)
MODELO NG PAGSASALITA NI DELL HYMES

Ang setting ay tumutukoy sa lugar at oras ng usapan. Samantala, ang


S (Setting and Scene) scene naman ay naglalarawan sa kalikasan ng sitwasyon ng pag-
uusap.
Halimbawa: Ang maingay na sitwasyon sa palengke.
Tumutukoy ito sa mga taong kasapi sa usapan; ang nagsasalita at ang
P (Participants) kinakausap.
Halimbawa: Magulang na pinapangaralan ang kanyang anak
Ang ends ay ang layunin at mithiin ng usapan, gayon din ang maaaring
E(Ends) bunga ng pag-uusap ng mga interlokyutor.
Halimbawa: Pulitikong nangangampanya at naglalahad ng kanyang
mga plataporma sa bayan.
Ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagaganap ang
A (Acts Sequence) pag-uusap.
Halimbawa: Isang negosyanteng nagkukuwento kaugnay ng kanyang
mga paghihirap bago siya naging matagumpay.
K(Key) Tumutukoy ito sa pangkalahatang tono o paraan ng pananalita.
Halimbawa: Ang isang mahinahong tono ng pananalita ay
nangangahulugang sinsero ang isang tao sa kaniyang sinasabi.
Samantala, ang malakas na tono naman ay nangangahulugang
pagkagalit o mataas na bugso ng emosyon.
I (Instrumentalities) Ito ang anyo at estilo na ginagamit sap ag-uusap.
Halimbawa: Sa isang business meeting, formal ang estilo ng pananalita
gayundin ang anyo ng salitang mga ginagamit. Samantala, ang usapan
ng magkakaibigan ay kadalasang informal ang estilo at anyo ng
pakikipagsalitaan.
N (Norms) Inilalarawan ditto ang kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang
sitwasyon.
Halimbawa: Ang angkop at akma ang usapan sa isang dyip kung
sasabihin ng pasahero na para sa tabi sa halip na please stop the
jeepney.
G (Genre) Ang genre ay ang uri ng panalita na nakalahad mula sa isang
sitwasyon.
Halimbawa: Bawat pag-uusap ay nakabatay sa kung anong anyo ng
paglalahad ang kanyang gagamitin: paglalahad,
pagtatalo,panghihikayat at iba pa.

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at
kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang
natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay
nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang
wika sa tunay na sitwasyon.(Farah 1998) Isang kahingian kung gayon, na pahalagahan ang mga salik
na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo nga mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak
na konteksto.
PAGKILALA SA MGA BARAYTI NG WIKA

Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika at pag-


aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay natalakay na natin ang
mgabarayti ng wika. Ang mga barayti na ito ay nagpapahiwatig ng:

o Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon- maaaring maging pormal o impormal


ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap.
o Ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ng
mga magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang biruan at pahiwatigan na hindi
naunanawaan ng hindi kabilang sa kanilan grupo.
o Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloo sa isang pangkat- gumagmit ng local na
wika at/ o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita, at
o Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan- tinitiyak ang pormalidad at
kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang nakatatanda at may
awtoridad.

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din ng


pamamalagay nito bilang panlipunang phenomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng kabuluhan
ang anumang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob ng lipunan at
itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng iba’t
ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t ibang
konteksto ng paggamit sa wika dulot ng paglahok ng mga tao na may iba’t ibang gawain,
interes, papel, at saloobin sa proseso ng komunikasyon.

You might also like