Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isang Pahina ng Pag-ibig: Kuwento ng Pag-amin

Isinulat nina Winter Solstice, Summer Scent, Autumn Leaf, at Spring Flower

Mga Tauhan:
Daniel – bida ng kuwento
Cassandra – babaeng iniibig ni Daniel
Lolo Roberto – matalinong lolo
Aling Linda – marites na kapitbahay
Pari – bahagi ng seremonya ng kasal

Scene 1: Sa Bahay ni Daniel

SFX: Mga tunog na maririnig sa isang nayon, mga huni ng ibon, at banayad na simoy ng hangin

Daniel: (nasasabik) Kumusta ka na, Cassandra?


Cassandra: (bumubungisngis) Mabuti naman, Daniel. Ikaw, kumusta ka na?
Daniel: (kinakabahan) Ahh, ayos lang naman!

Tumugtog ang background music. Nagsimula ito nang mahina hanggang sa ito ay lumakas.

Scene 2: Sa Ilalim ng Puno ng Manggang Hinog

SFX: Mga ibon na humuhuni, mga dahon na tinatangay ng hangin

Daniel: (nagtatanong) Lolo, pwede po ba akong humingi ng payo sa inyo?


Lolo Roberto: Tungkol saan ba? (patanong)
Daniel: (nahihiya) Tungkol po sa pag-ibig…
Lolo Roberto:(maalam) Daniel, alam mo ba na ang pag-ibig ay parang puno ng manga? Kailangan ng oras para
ito ay magbunga.
Daniel:(nag-iisip) Salamat po sa payo, Lolo Roberto!

Nagpatuloy ang background music.


Scene 3: Sa Kanto ng Bayan

SFX: Mga ingay sa kalye, yapak ng mga tao

Cassandra: Aling Freda, kumusta na po kayo? (patanong)


Aling Freda: Ay, ayos lang ako! Eh kayo, ‘nak? Kumusta kayo? (nang-uusisa)
Daniel at Cassandra: (masaya) Okey lang din po!
Aling Freda:(nananabik) Pero alam n’yo na ba ang tsismis na kumakalat?
Cassandra:(biglang nataranta) Huh? Hindi po!
Daniel: ‘Wag mo na siyang pansinin, Cassandra. Tsismis lang naman ‘yan! (nag-aalala na naiinis)

Unti-unting humihina ang background music hanggang sa ito ay hindi na marinig.

Scene 4: Gabi ng Pag-amin

SFX: Maririnig ang ingay ng mga kuliglig habang banayad na umiihip ang hangin.

Daniel: (nagtatapat ng damdamin) Cassandra, may gusto akong sabihin sa ‘yo. Gusto kitang ligawan!
Cassandra: (nagulat) Totoo ba, Daniel?
Daniel: (taos-puso) Oo, at sana ay maging tayo.
Cassandra: Pasensya na, gusto ko lang maging tapat sa ‘yo. Hindi ko kayang maging tayo! (nalulungkot)
Daniel: (naguguluhan) Bakit, Cassandra? May nagawa ba akong mali sa ‘yo?
Cassandra: (biglang ngumisi at tumawa nang malakas) Hahaha… Biro lang! Salamat sa pag-amin mo. Bigla
akong kinilig!
Daniel: (napalitan ang kalituhan ng galak) Hindi ko inaasahan ‘to pero natutuwa ako!
Cassandra: Naku, medyo naguguluhan pa ako pero na-appreciate ko ang tapang mo. Sige, tayo na! (masaya)
Daniel: (hindi maibsan ang kasiyahan) Napakabilis mo naman! ‘Di pa pala ako handang makipagrelasyon. Biro
lang din!

Unti-unting tumugtog nang mahina at papalakas ang background music.


Epilogue: Sa Simbahan (At the Church)

SFX: Maririnig ang yapak ng mga tao habang ang kampana ng simbahan ay kumakalembang.

Pari: (patanong) Daniel, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso si Cassandra?
Daniel:(masaya) Opo, Father!
Pari: (mahinahong tanong) Cassandra, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso si Daniel?
Cassandra: Opo, Father! (halos paiyak)
Pari: You may now kiss the bride! (malakas na sabi)

Narrator: (pagsasara ng kuwento) Sa paglipas ng panahon, nagsilbing inspirasyon ang pag-iibigan nina Daniel
at Cassandra sa buong bayan.

Tumugtog nang mahina ang background music hanggang sa ito ay lumakas at naging makabagbag-damdamin.

You might also like