Professional Documents
Culture Documents
Roullo Rodriguez Gayong ME2D K2G1
Roullo Rodriguez Gayong ME2D K2G1
PAMAGAT NG PELIKULA
Anak (2000)
III. TAGPUAN
Pilipinas – Pangunahing nagaganap ang kwento sa mga pamilya at komunidad
ng lower middle class sa Pilipinas. Dito nakatira si Josie (Vilma Santos) kasama
ang kanyang pamilya bago mag-abroad para magtrabaho. Inilalarawan ng
tagpuan ang mga hamon at katotohanan ng pang araw-araw na buhay para sa
maraming pamilyang Pilipino, kabilang ang kahirapan sa pananalapi.
Hong Kong – Pumunta si Josie sa Hong Kong para magtrabaho bilang
kasambahay para sa isang mayamang pamilya. Makikita sa pelikula ang
pagkakaiba ng buhay niya sa Pilipinas at ng buhay niya bilang Overseas Filipino
Worker (OFW) sa Hong Kong. Inilalarawan ng setting na ito ang mga hamon na
kinakaharap ng mga OFW, kabilang ang kalungkutan, malupit na amo, at
pagnanais na makasama muli ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
IV. BUOD NG PELIKULA
Si Josie, isang OFW sa Hong Kong, ay nagtrabaho para sa kinabukasan ng
kanyang mga anak. Bagamat malayo, tiniis ni Josie ang hirap ng trabaho at paghihirap
sa kamay ng kanyang amo. Pagkatapos ng ilang taon, nagdesisyon si Josie na umuwi at
magnegosyo na lamang. Ang pagbabalik niya ay sinalubong ng malamig ngunit
masalimuot na pagtanggap ng kanyang mga anak. Napagtanto ni Josie ang bisyo at mga
problema ng kanyang mga anak, tulad ng paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, at
paghithit ng rugby. Dumating ang mga pagsubok, tulad ng pagkawala ng iskolarship ni
Michael at ang pagsisisi ng kasosyo sa negosyo. Sa kabila ng kanyang pagmamahal,
natuklasan ni Josie ang kanyang mga pagkukulang bilang ina. Ang paglaki ni Carla
nang walang inang gabay ang naging sanhi ng pagrebelde nito. Sa gitna ng alitan,
naintindihan ni Carla ang pagmamahal ni Josie at nagbalik-loob sa kanyang ina. Bilang
panganay, nagpasya si Carla na maging gabay at magsilbing ilaw para sa kanyang mga
kapatid sa pag-absent muli ng kanilang ina.
V. DULOG NA GAGAMITIN
Sosyolohikal
Feminismo