Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Parsyal na Kahingian sa Kursong Mga Sining sa Bansa

Para sa Titulong Pantas ng Sining sa Filipinolohiya


Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Isinumite ni:
Bb. Shaira Ann R. Columna
Nobyembre 12, 2023

Isinumite kay:
Dr. Erico M. Habijan
1. Bakit ito tanawag na ‘Obra Maestra’?

Ang “One Album” ay naglalaman ng mga klasikong musikang pilipino na may

tatlong orihinal na komposisyon at mga cover na kanta ni Maetro Ryan Cayabyab. Ang

acapella album ay nagtampok ang "16 na magkakaibang boses" ni Cayabyab. Gumamit

siya ng iba’t ibang vocal range mula sa baritone hanggang sa soprano. Ang mga boses

na ito rin ay ginamit niya upang maging background music ng mga kanta niya sa album.

Dahil sa maraming dahilan, ang album na "One" ay itinuturing na isang

masterpiece o obra ng musika. Una, dahil ito ay isang koleksyon ng mga kanta na

nagpapakita ng kanyang kalidad sa musikang pilipino. Ang album na ito ay nagpatunay

sa kanyang kahusayan sa paglikha ng musika. At isang malaking kontribusyon ito sa

larangan ng industriya ng musika.

Ikalawa, makikitang ang album ang naglalaman ng iba’t ibang genre ng mga

awitin. Bagama’t iba-iba ang genre ay maayos at mahusay niyang itong nakanta na

nagpapakita lamang kung gaano ka versatile si Ryan Cayabyab.

Panghuli, gumamit siya ng iba’t ibang estilo sa album, ang pagkakabalanse at

pagkakasalansan ng 16 na boses ni Ryan Cayabyan ay nakakahanga bilang tagapakinig

na tanging siya pa lamang ang nakalikha at nakagawa sa industriyang kanyang

kinabibilangan.
2. Naniniwala ka bang si G. Ryan Cayabyab ang makabagong HENYO para sa mga awitin

ng Pilipino o OPM? Bigyan ng patunay.

Si Ryan Cayabyab ay kilalang bilang isang maestro ng musika, isang

kompositor, at musikero na may malalim na kaalaman at karanasan sa paglikha ng mga

awitin na sumasalamin sa kultura at damdamin ng mga Pilipino. Batay sa kanya, “The

next generation should be better than us for our country to move forward. For this to

happen we must teach them everything we know at every possible instance. I like

teaching, I like sharing what I know, and I like playing music. When I’m doing all these,

I’m very happy.” Ito ay kanyang pahayag sa Ramon Magsaysay Award Foundation nang

parangalan siya bilang Alagad ng Sining, makikitang malaki ang kanyang puso na

magbahagi ng kanyang kaalaman at kasanayan sa mga bago o susunod na musikero ng

ating bansa. Patuloy siyang nakikilahok sa iba't ibang mga hakbangin sa pagtataguyod

ng musikang pilipino at nagbibigay-inspirasyon sa libu-libong mang-aawit at manunulat

ng kanta sa bansa.

Sa kasalukuyan, ibinahagi ni Maestro Cayabyab ang kanyang kaalaman sa

pamamagitan ng mga workshop tulad ng Elements Music Camp at Philpop Bootcamp—

na parehong nagpahusay sa kakayahan ng maraming kabataang Pilipinong musikero,

kabilang ang international hitmaker band na Ben & Ben at singer-songwriter na si Moira

dela Torre. Sa pakikipagtulungan sa iba pang malalaking pangalan sa industriya ng

musika, naglakbay siya sa malayo at malawak na pagtuturo sa mga batang musikero ng

mga kasangkapan at negosyo ng pagsulat ng kanta, pati na rin ang kanilang mga

karapatan bilang mga malikhaing artista.

Ang kanyang mga nagawang kontribusyon sa industriya sa musika lalo-lalo na sa

OPM, si G. Ryan Cayabyab ay tunay na isang henyo sa larangan ng musika at patuloy

na nagbibigay inspirasyon sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon ng mga

musikero at mang-aawit sa Pilipinas.


3. Alin sa mga awit na narinig ang nakapagbigay sa iyo ng kakaibang damdamin? Bakit?

Ipaliwanag.

Ang napili ay awiting “Maalaala Mo Kaya”. Ang kantang ito ay orihinal na isinulat

at inawit ni Constancio De Guzman. Maraming mang-aawit ang lumikha ng mga cover

song nito tulad na lamang nila Pilita Corales, Eva Eugenio, Leo Valdez, Diamedes

Maturan, at ni Maestro Ryan Cayabyab na kabilang sa kanyang One Album. Ang

kantang ito ay paglalarawan ng pag-ibig, pangungulila, at pangako. Ito ay naglalarawan

sa mga alaala na hindi malilimutan at nagsasaad ng damdamin at pag-ibig na nananatili

sa puso kahit ang oras at mga pangyayari ay nagbabago.

Ito ang nagbigay sa akin ng kakaibang damdamin at pumukaw sa aking puso’t

isipan dahil kapag tayo ay nagmamahal, ang sumpa at pangako ng isat’ isa ang ating

laging pinanghahawakan. Mananatili pa rin kaya ang pagmamahal kahit na lumipas na

ang panahon. Tumatak din sa aking isipan ang liriko ng kanta na:

O kay sarap mabuhay

Lalo na't may lambingan

Ligaya sa puso ko

Ay di na mapaparam

Minsan masalimuot ang buhay, hindi laging masaya madalas nakararanas ng

pagsubok o problema. Problema sa sarili, sa pamilya, sa karelasyon, sa trabaho, sa

kaibigan, at sa napakarami pang bagay na nagbibigay sa atin ng paghihirap. At tama ang

sinabi ng liriko, masarap mabuhay kung ang mga taong nasa paligid natin’y may

pagmamahal at lambingan, kahit anong pagsubok ay kakayanin. Ang lungkot at bigat ng

problema ay napapalitan ng saya o ligaya dahil alam mong may taong nandiyan para sa

iyo. Ang hatid nilang pagmamahal at lambing ay nagbibigay ng habambuhay na

kasayahan at kapayapaan sa ating puso’t isipan higit sa lahat kakayanin anuman ang

dagok sa buhay.
Mga Sanggunian:

Reyes, M. (2020, October 02). National Artist for Music Ryan Cayabyab On Hitting The

Right Notes Towards His Legacy. Tatler. https://www.tatlerasia.com/the-scene/people-

parties/whats-your-legacy-national-artist-for-music-ryan-cayabyab

Balibay, A. (2019, September 10). Ryan Cayabyab conferred prestigious Ramon

Magsaysay Award as an advocate of music. Good News Pilipinas.

https://www.goodnewspilipinas.com/ryan-cayabyab-conferred-prestigious-ramon-

magsaysay-award-as-an-advocate-of-music/

You might also like