Pakipansin… At kung mapapansin mo, natural na matatawa ka ☺
At kung hindi ka matatawa…
Naku, baka may mali. 1. Napakamot si Gretchen sa kaniyang ulo. 2. Nasabi ko sa sarili. 3. Baha ng tubig 4. Nalunod sa tubig 5. Buwan ng Mayo 6. Laging puyat sa gabi 7. Ibahagi sa harap ng klase 8. Tatlong bangkay natagpuang patay 9. Namatay matapos malunod 10. Nilutuan kita ng krisping pata 11. Maari bang ipatupad ang death penalty sa ating bansa? MAAARI 1. Corrected by WALIS a. Iniwasto ni Niwalis b. Iwinasto ni Winalis 2. Maliban sa/kay vs. Bukod sa/Kay _________ Pang. Duterte, paborito ko ring naging pangulo ng Pilipinas si dating Pang. Erap Estrada. Maliban sa/kay (except for)
Bukod sa/Kay (aside from)
Mga Gamit ng mga Kataga NG at NANG LIMANG GAMIT NG ‘NANG’ 1. Nang na ang kasingkahulugan ay ‘NOONG’ (when). Hal. Umaga nang barilin si Rizal. 2. Nang na ang kasingkahulugan ay ‘UPANG’ o ‘PARA’ (so that, in order to). Hal. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot. 3. Nang na ang katumbas ay pinagsamang ‘na’ at ‘ng.’ (already) na+ang= na at ng =nang Hal. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.
4. Nang na ginagamit sa pagsasabi ng paraan o
sukat (pang-abay na pamaraan at panggaano). Hal. Binaril nang nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakit. 5. Nang bilang pang-angkop ng inuulit na salita. Hal. Kain nang kain ang dalagang iyan.
*Ang iba pang pagkakataon, bukod sa nabanggit na
lima ay kailangang gamitan ng “NG.” Mga hal: Ipinabaril ng mga Español si Rizal. Pinainom ng gamot si Pedro. Pagkamartir ang katulad ng sinapit ni Rizal. DAW/DIN/DITO/DOON at RAW/RIN/RITO/ROON Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila: 1. RAW/RIN/RITO/ROON - ginagamit kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig ‘w’ at ‘y’ Hal. Masaya rin siya sa tagumpay ng kaniyang kapatid. Ikaw raw ang hinirang na bagong lakambini. 2. DAW/DIN/DITO/DOON - ginagamit kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa KATINIG. Hal. Aalis daw siya kung siya’y kakausapin mo. Akin din… Malungkot dito... Kumaripas doon… Excemptions: -ri, -ra, -raw, o –ray Ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw: Maaari din/daw Mali: Maaari rin Kapara daw/din Kapara raw Araw daw/din Araw raw Biray daw/din SUNDAN at SUNDIN 1. SUNDAN (to follow) - pagsunod sa kilos/galaw Hal. Sundan mo ang magnanakaw. 2. SUNDIN (to obey) - pagsunod sa mga tuntunin o batas Hal. Sundin mo ang batas trapiko. SUBUKAN at SUBUKIN 1. SUBUKAN (to spy) - paniniktik sa isang tao o pangyayari Hal. Subukan mo siya upang malaman mo ang nangyari. 2. SUBUKIN (to try or to test) - pagsubok sa kakayahan ng isang bagay Hal. Subukin mo kung aandar na ang kotse. MAY at MAYROON 1. MAY - sumusunod sa mga salitang: pangngalan, pang-uri, pang-abay, at pandiwa. Hal. May batang kumakatok. May magandang guro. May dahan-dahang umaalis. May kumakain. MAY at MAYROON 1. MAY - sumusunod sa mga salitang/katagang ‘sa’ at ‘mga.’ Hal. May sa-ahas ang taong iyan. May mga nabili akong sariwang gulay. MAY at MAYROON 2. MAYROON - sumasagot sa tanong na mayroon at nangangahulugan din ng pagka-mayroon. Hal. May pera ka ba? Sagot: Mayroon! Ang pamilya Cojuanco ay tunay na mayroon. PAHIRAN at PAHIRIN 1. PAHIRAN - paglalagay o pagdaragdag Hal. Pahiran mo ng mantika ang bilao. 2. PAHIRIN - pagtatanggal o pagbabawas Hal. Pahirin mo ang pawis sa aking likod. WALISAN at WALISIN 1. WALISAN - pag-aalis ng mga kalat sa malawak na lugar Hal. Walisan mo ang buong Lucinda Campus. 2. WALISIN - pag-aalis ng mga kalat sa bahagi ng isang lugar. Hal. Walisin mo ang L303 sa Lucinda Campus. DALHAN at DALHIN 1. DALHAN - pagdala ng isang bagay para sa ibang tao Hal. Dalhan mo siya ng makakain. 2. DALHIN - pagdala ng isang bagay na ikaw mismo ang gagawa. Hal. Dalhin mo ang iyong payong. NAGPAKASAL at NAPAKASAL 1. NAGPAKASAL - pinagplanuhan ng dalawang tunay nag-iibigan Hal. Nagpakasal na ang mag-isang irog pagkatapos ng dalawang taong pagiging magkasintahan. 2. NAPAKASAL - hindi napaglanuhan, hindi inaasahan Hal. Napakasal siya sa isang matandang lalaki. NAMATAY at NAPATAY 1. NAMATAY - Likas na pagkakamatay ng isang tao. Hal. Namatay siya dahil sa kantandaan. 2. Napatay - may dahilan, may gumawa ng pagkakamatay Hal. Napatay siya ng isang sindikato. KONG/KUNG 1. KONG - panghalip na nasa unang panauhan ‘ko’ at ‘ang’ Hal. Alam kong may mali rin ako. 2. KUNG - bilang pangatnig (if) Hal. Darating ako kung darating ka. SINA/SILA/KINA/NINA 1. SINA – Sinusundan ito ng mga pangalan Hal. Sina Petra, Pedro at Juan ay pupunta sa bayan. 2. SILA – pamalit sa pangalan/pangngalan Hal. Nakasama ko sila sa aking panaginip. 3. KINA – Pupunta ako kina Pedro. *Kila (Kapampangan) 4. NINA – Sa bahay nina Maria at Perla ako matutulog. MAY NAISIP PA BANG MGA KATAGA? 1. Kung ‘di = Kundi (kolokyal na salita) = KUNG HINDI 2. Pinto (binubuksan) at Pintuan (balangkas ng pinto) Bubuksan ko ang pinto o pintuan? MAY NAISIP PA BANG MGA KATAGA? Ganito, Ganiyan, Ganire Iyan, Iyon Kailan Pareha/s = magkapareha Pareho = magkapareho = magkatulad ALOMORP NG MORPEMA 1. Pang (Pan-, Pam) Pang-, Mang, Sing (mga patinig ang simula ng salitang ugat) Pang-akit, Pang-ukit Pan-, Man, Sin,(salitang ugat na nagsisimula sa d, l, r, s, t) Pandakot, panlaro, panregalo, pansaksak, pantaboy Pam-, Sim (salitang ugat na nagsisimula sa p at b) Pampanitikan, pambansa, simbait • HAGDAN = Baitang • HAGDANAN = kinalalagyan • Diyan/Riyan • Hayan
• tsaka = at saka • Saka • UWI = an • Pa rin at pa din =