Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mekaniks ng aktibidad:

1. Tuwing unang sabado ng buwan sa oras na 4:00 ng hapon, mapapanood ang animation
video na ipapalabas sa pahina ng JesusTheNazarene Parish Youth Ministry-Dulag. (link)
(Like and Share).
2. Ito ay isang aktibidad upang patuloy pa rin ang pag reach-out sa mga kabataan, ito’y
bukas sa lahat ng kabataan ng Parokya ng Hesus Nazareno, na may apat na barangay
(Amancoro, Balogo, Basing, Dulag).
3. Ang aktibidad na ito ay binubuo lamang ng isang kalahok. (home-based)
4. Habang pinapanood ang animation video ay pag-aralan na rin ang mga steps nito.
5. Pagkatapos mapanood ang video, gayahin na ang mga steps nito at i-video ang sarili
(portrait), gamitin ang musikang ginamit sa napanood na animation.
6. Sa dulo ng animation video na iyong mapapanood, nakalakip na doon kung kalian,
kanino at paano ipapasa ang video na iyong nalikha.
7. May krayteryang susundin ang mga kalahok at ito rin ang pagbabasehan ng mga hurado
para maitanghal ang panalo sa buwan na ito.
8. Ang mananalo ay i-aanunsyo sa panghuling sabado ng buwan sa oras na 4:00 ng hapon at
ang premyo ay doon na rin malalaman kung ano ito.
9. Kung may katanungan sa gagawing aktibidad ay mag-iwan lamang ng mensahe sa
“Comment box” o sa numerong 09204126166.

Krayterya:

Masining na Pag-indayog 5%
Ekspresyon at damdamin 5%
Pagkabisado sa Sayaw 10%
Kabuoan 20%

Ano na kalakbays? Tara na! Sumayaw at humataw kasama an gating Diyos na mapagpala.

-Ang aktibidad na ito ay magsisimula na sa buwan ng Setyembre-

(September 05,2020 @ 4:00PM)

Tutok na!
Mekaniks:

1. Tuwing ikalawang sabado ng buwan sa oras na 4:00 ng hapon, may magaganap na Bible
Quiz Bee.
2. Magaganap/ Mapapanood ito ng “live” sa pahina ng JesusTheNazarene Parish Youth
Ministry-Dulag (link). (like and share)
3. Ang virtual Bible Quiz Bee ay pang-isahan lamang (Individual Contest) ngunit ito’y
bukas sa lahat ng kabataan mula sa apat na barangay (Amancoro, Balogo, Basing, Dulag)
4. Ang kalahok ay dapat may nakahandang panulat at pagsusulatan para sa kanyang
itatalang sagot. (Multiple Choice)
5. May labin-limang katanungan na inihanda nang Quiz Bee Master at ito ay uulitin
sasambitin lamang ng dalawang beses, ang bawat kalahok ay may sampung Segundo para
mag-isip at maitala ang kanilang sagot sa kanilang sulatan.
6. Pagkatapos ng labin-limang tanong ay kukuhanan ng larawan ang papel na pinaglagyan
ng sagot at ito’y ipapadala sa taong sasabihin ng Quiz Bee Master.
7. Ang basehan para maitakda ang panalo ay kung sino ang mabilis magpadala ng mensahe
at kung sino ang maraming tama ang sagot. (paunahang magpadala at paramihan ng
tamang sagot).
8. Kung sakaling may mag-tie, ibabase na lamang kung sa oras na nakatala sa messenger.
9. Ang itatakdang panalo ay i-aanunsyo sa panghuling sabado ng buwan sa oras na 4:00 ng
hapon at ang kanyang premyo ay doon na rin malalaman sa araw at oras na iyon.

Ano na kalakbays? Tara na! Sumayaw at humataw kasama an gating Diyos na mapagpala.

-Ang aktibidad na ito ay magsisimula na sa buwan ng Setyembre-

(September 12,2020 @ 4:00PM)

Tutok na!

You might also like