YML Zac and Sab ©SuperToyantz SPG (Fin)

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 370

______________________________________

Private Softcopy of :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

ZACK AND SAB


by SuperToyantz

PROLOGUE

"Attention to all passengers. We we're about


to land in a few minutes. Please fasten your
seatbelt. Kindly check all your belongings..
Welcome to Philippines.. Mabuhay !.." tinig
ng babaeng stewardess..
Tila nagising sa malalim na pagkakahimbing
si Zack..
Hinimas nya ang sentido gamit ang
hintuturo at hinlalaki..
Nagsisimula na namang kumirot ang ulo
nya..
Pasimple nyang binuksan ang handcarry bag
at kinapa ang maliit na bulsa sa gilid..
Agad nya namang nadampot ang pakay..
Nilabas nya ang isang maliit na botelya..
Binuksan at kumuha ng isang tabletas sabay
muling sinara..
Binalik nyang muli ito sa bag ...
May dumaang babaeng attendant..
"Ahm.. Miss.. Can I ask for a glass of water
.. Please?.." nakangiting utos ni Zack.
Ngumiti ang magandang attendant..
"Just a minute sir.." malambing na sabi
nito.
Ngumiti si Zack..
Nilagay sa dila ang tabletas at sumandal sa
headrest ng upuan..
Pinikit ang mga mata.
Ilang saglit lang ay dumating na ang
attendant..
"Your water sir.. Anything before we land?.."
tanong ng attendant..
Inabot ni Zack ang baso at umuling..
Inisang lagok lang ang lamang tubig sabay
abot sa attendant..
"Salamat.." sabi nya..
Di naitago ang gulat sa mukha ng
stewardess..
"Pinoy kayo sir?.." gulat nitong bigkas.
Natawa naman si Zack.
"Ofcourse..Di ba halata?.. Ito naman..
Anyway ang ganda mo ah.. Nasa Pilipinas
na nga ako.." pang uuto ni Zack sa babae..
Nagblush ang babae..
"Si sir bolero.. Enjoy na lang po sir..Anak
nyo po sya?.. She's so cute.." nakangiting
sabi ng babae..
Tumango si Zack..
"Salamat din.. Samantha..Sam for
short?..Yeah anak ko ito.. Her name is
Zabrina.." biro ni Zack..
Natawa ang babae sabay himas sa
nametag..
"Si sir malinaw ang mata.. Your right.. Nick
ko po ang Sam.. Pero sir taken na po ako.."
biro ni Sam..
Duon natawa ng malakas si Zack..
Napailing pa sya..
"Sa ganda mong yan.. Mukhang bata ka pa..
Natural lang.. Anyway.. Swerte ng boyfriend
mo.. Can I at least know the name of the
lucky guy?.." tanong ni Zack.
Parang napaisip pa ang babae..
"Eric sir !.." biglang banat nito..
Tumango tango si Zack.
"Swerte ni Eric.. Sige.. Salamat.." sabi ni
Zack..
Ngumiti ng matamis si Sam..
"Anytime sir.. Enjoy .. Welcome back to
Philippines." bati ni Sam..
Nagkangitian sila..
Ilang saglit pa ay ibang pasahero naman
ang inatupag ni Sam..
Muling napangiti si Zack..
Maganda si Sam.. Swerte ang Eric na yon..
Pero batid nyang maraming nag
gagandahang babae na ang nag daan sa
buhay nya..
Pero tanging iisang babae lamang ang
nagmay ari ng puso nya..
Ang tanging babaeng nagpapatibok at
pumapatay sa puso nya at the same time..
Pero lipas na yon..
Tapos na ang mga panahong naging tanga
sya..
Babawi sya..
Nagtagis ang mga bagang ni Zack ng
maalala ang pakay na paguwi sa Pilipinas..
Umungol ang nasa tabi nya..
May pumulupot na braso sa braso ni Zack..
Agad napalis ang galit sa mukha nya at
napalitan ng pagsuyo..
Tiningnan nya ang katabing bata..
"Papa?..Gising ka po?.." nakapikit na tanong
ni Zab..
Natawa si Zack sa anak..
"No baby.. Tulog si Papa.." bulong ni Zack..
Napahagikgik ang bata..
"Papa .. Talking while sleeping.. Ang init po
Papa.." dumilat si Zab..
Napangiti na lang ang ama..
"It is because where here in the Philippines
anak.. It's past 4PM na .. Wake up na..
Tataba ka lalo eh.." pananakot ni Zack..
Agad na nagdilat ang bata at sumimangot
sa ama..
"Di ako taba Papa.." nakasimangot na sabi
nito..
Ngumiti ang ama..
6 years old pa lang ang anak nya..
Pero matalas ang pag iisip nito..
Inalis ni Zack ang nakakumot na jacket kay
Zab..
Naupo ng maayos ang bata..
"Papa may chocoyey pa?.." ungot ni Zab..
Umiling si Zack..
"Wala na baby.. " tanggi nya kahit marami
syang dalang tsokolate..
Ayaw nyang masira ang ipin ng anak..
Sumimangot si Zab..
"Papa.. Half pa lang po eat ko eh." reklamo
nito..
Ngumisi si Zack at pinakita ang mga
ngipin..
"Eat na ni Papa.. " pang aasar nya..
Lalong sumimangot si Zab..
Humalukipkip pa ito at nagnguso..
"Galit ako Papa.." nakangusong sabi ni
Zab..
Nanggigil si Zack..
Niyapos ang anak..
"Baby.. Mamaya na lang please?.." lambing
ni Zack sa anak..
Nakanguso pa din si Zab pero nangingiti na
ito dahil nagsisimula ng halikan ng ama ang
parteng kilikili nya..
Di nakapagpigil ang bata kaya sumabog na
ito sa tawa..
"Aaaaaahhh... Wag Papa.. Aahahaa..."
hiyaw ni Zab..
Nangingiti na lang ang nasa kabilang side
na mga pasahero..
"She's so cute.." sabi ng matandang babae..
Napangiti si Zack..Proud sa anak..
"I bet pretty din ang Mom nya.." sabi ng
babae..
Natawa ng plastic si Zack..
"Thank you po..Baby sabi ng Lola pretty ka
daw.. Anung sasabihin?.." kulit ni Zack sa
anak..
Ngumisi ang bata..
"Salamat pow.. " hirap ang batang mag
tagalog..
Lalong na cute-an ang matandang babae..
Parang gustong iuwi ang anak nya..
"Attention to all passengers. We we're about
to land in a few minutes. Please fasten your
seatbelt. Kindly check all your belongings..
Welcome to Philippines.. Mabuhay !.."
muling tinig ng babaeng stewardess..
Nginitian ni Zack ang matandang babae..
Inayos nya na ang anak..
Konting gamit lang naman ang dala nya
para sa sarili..
Matagal nya ng pinaghandaan ang araw ng
pagbabalik nila ng anak dito sa Pilipinas..
Nakabili na sya ng bahay at lupa sa isang
sikat na subdivision ..
Sa tulong syempre ng mga kaibigan nya..
Ilang saglit lang ay lumapag na ang
eroplano..
Hawak ang isang kamay ni Zab..
Dinampot ni Zack ang mga dala nila.
Hinintay na bumaba ang mga pasahero
sabay sumunod dito..
"Zack pare !.." biglang may narinig si Zack
na tinig..
Pamilyar sa kanya ito .. Hinagilap ng mga
mata ang pinanggalingan ng pagtawag sa
pangalan nya..Sinuyod nya ang makapal na
bilang ng mga taong nag aabang din sa
kanilang mga mahal sa buhay..
Nahagip ng mata nya ang apat na binatilyo
na nakatuntong sa fence..Sinasaway ang
mga ito ng gwardya..
Natawa si Zack pero nanlaki ang mga mata
nya at napasigaw na din ng mahagip ng
mata ang kaibigan.
"Denzel pare !.. " kumaway si Zack..
Kinarga nya na ang anak..
Nakisingit sa ibang mga taong nag aabang
din..
Nakalapit na sya sa kaibigan at nagtapikan
sila ng balikat..
"Pare.. Putsa.. Long time no see.. Eto na ba
si Zab?.. Yung anak nyo ni.." biglang pinutol
ni Zack ang pagsasalita ni Denzel..
Napatango na lang ang kaibigan nya..
"Pare hiyang ka sa America.." segway ni
Denzel..
Nagtawanan silang dalawa.
Nakarinig sila ng pito..
Napalingon ang dalawang lalake at nakita
nila na may nahuling apat na binatilyo ang
dalawang gwardya..
Napatapik sa noo si Denzel.
"Putris na mga batang to.. Walang sawa sa
kalokohan !.." inis na sabi ng kaibigan nya..
Napakunot noo si Zack..
Sumitsit si Denzel..
"Psst.. Anak !.. Dito kamo !.." sigaw ni
Denzel..
Napatingin sa kanila ang isang binata na
hawak sa braso ng isang gwardya..
"Ayun sila Daddy.. Tangna nyo kasi sabing
sa gate 1.. Entrance yung tinuturo ni Romeo
eh.. Bopols amf.." sabi ng chubby na
binata..
Natawa ang mga tao..
Pati ang gwardya napailing..
"Tatay mo ba yon boy?.." tanong nito.
Nagiyakan ang apat na binata..
"Tito Denz.. Ikukulong nila kame .. Heeelpp."
sigaw nung isa..
Natawa ang iba..
"Gago anong kasalanan natin?.." tanong ng
isa..
"Possession of Handsome Face pare.. Tapos
alarming public.. Kasi baka isipin nila Teen
Star tayo.. Baka biglang magkagulo.. " sabi
ng isang binata..
NAgtawanan ang apat..
Pati mga taong nakakarinig ay di napigilan
ang matawa sa pinagsasabi ng apat na
binata..
Napailing na lang si Denzel.
Nakalapit na ang mga binata sa kanila..
"Mga sir.. Pasensya na kayo.. Anak ko itong
isa.. Tapos mga pamangkin ko yang tatlo.."
hinging paumanhin ni Denzel sa mga
gwardya..
Tumango ang isang gwardya..
"Sa susunod sir paki rendahan na lang po..
Ang gugulo.. " sabi ng isang gwardya..
Tumango naman ang pangalawa..
"Nahuli naming nakasunod itong anak nyo
kasama ang isang ito sa hapon na
foreigner.. Tapos tinanong nitong isa kung
nagaahit daw ba ng pubic hair ang mga
japanese.. Buti na lang kamo sir di sila
naiintindihan kungdi baka idemanda itong
pamangkin nyo.." inis na sabi ng
pangalawang gwardya..
Naghagikgikan ang mga tao sa narinig..
Nagkurutan bigla ang apat na binata..
"Ang landi mo kase.. Dapat binulong mo
lang Rom.." sabi nung isa..
Natawa sina Zack at Denzel.
"Pasensya na mga ser.. Nakawala kasi sa
kural itong mga ito.. First timers eh.. Sorry..
Sige po ako na bahala sa kanila.."
natatawang sabi ni Denzel.
Tumango ang dalawang gwardya..
Binitawan na nila ang apat na binata sabay
binantaan ng tingin bago umalis..
"Ang papanget nyo.." bulong nung anak ni
Denzel..
Binatukan naman ito ng ama..
"Sira ka talaga.. Anyway pare.. Anak ko.. Si
Darius.. Anak ninong mo.." pakilala ng
dalawa..
Nanlaki ang mga mata ni Darius..
"Yun mga pare.. Singilan time na.. Ano na
po Ninong?.. 17 years old na ako.. Bale 1
thousand per year tapos with interest na 5
percent per year.. Kano yon pareng
Aldrin?.." tanong ni Darius..
Nagkwenta naman ng pabiro ang sinabing
Aldrin.
"Basta pare singilin mo na lang ng
kalahating milyon.. Sarap naman maging
ninong nyan.. Pwede Tito, ninong nalang din
namin kayo?.." biro ni Aldrin..
Nagtawanan ang dalawang Tatay..
"Mga siraulo nito pare.." biglang banat ni
Zack.
Tumango tango si Denzel..
"Naku sinabi mo pa.. Puros virgins naman..
Hala at umuwi na nga muna tayo.. Pare
yung bahay mo fully furnished na nga pala..
" sabi ni Denzel..
Napangiti si Zack..
"Salamat talaga pare.. Grabe na ang utang
ko sa inyo ng tropa.." taos pusong
pasasalamat ni Zack sa kaibigan..
Napailing si Denzel.. Binuksan ang dalang
van..
"Wala yon pare.. Hoy mga kutong lupa..
Tulungan nyo nga Tito Zack nyo sa mga
dala..Anyway si Zab nga pala yang cute na
chikiting.. " pakilala ni Denzel..
Dinumog ng apat na binata ang bata..
Nagtaray naman si Zab..
"Panget.. Panget.. Panget.. Pangeeeettttt.."
biglang sigaw ni Zab..
Napakunot noo ang apat na alas..
"Ninong.. Baligtad ata naturo nyo dyan.. "
sabi ni Darius..
"Baka Tito malabo mata nyang anak nyo?.."
banat ni Romeo..
Binelatan lang sila ng bata..
Natawa si Zack.
"Anak .. Mga kuya sila.. Greet kuya Darius..
" utos ni Zack..
Sumimangot si Zab..
"Uya Dawyus?.." pilit na sabi ni Zab.
Nagtawanan ang apat na alas pati na si
Denzel..
"Cute talaga.. Parang ang sarap isabit sa
pader amf.." banat ni Rhoi..
Muli silang nagtawanan..
Nilagay nila sa likod ng van ang bagahe ng
Tito Zack nila..
Sabay nag unahan papasok sa loob..
Napapailing na lang si Zack sa kalikutan ng
apat na binata..
Masaya silang bumyahe..
Isang oras ang lumipas..
Pumasok na sa subdivision ang van..
Huminto sa magarang bahay ang
sinasakyan nila..
Bumusina si Denzel ng apat na beses.
May mga naglabasan na tao sa loob..
Isa isa na ring bumaba sina Denzel at
Zack..
Napasigaw bigla si Primo..
"Putsa !.. Pareeeeee... !!!.." hiyaw ni Primo.
Sumunod sina Vincent at Nestor..
"Ikaw na ba yan Zackarias?..Ang pogiii.." tili
ni Vincent at Nestor..
Nagtawanan ang mga nanay..
Pinagbabatukan ang mga asawa nila..
Isa isang humalik sa pisngi ang mga babae
kay Zack..
Kinuha nila si Zabrina sa ama at pinasok sa
bagong gawang bahay.
Sumunod naman ang kwadro alas sa mga
nanay nila..
Naiwan ang mga tatay..
Nagbatian sila sa isa't isa..
"Bukas ko na lang ibigay ang titulo pare.."
sabi ni Primo..
"Tulad ng hiniling mo.. Ginawa ko ayon sa
design na inimail mo saken." bigkas ni
Vincent..
Halos maiyak si Zack pero pinigilan nya..
"Salamat mga bro.. Grabe.. Ayaw ko pero
naiiyak talaga ako.." biro ni Zack..
Nagtawanan ang mga tatay..
"Welcome to the neighborhood pards.. Next
block lang kame if ever you need us.." sabi
ni Nestor..
Tumango tango si Zack..
"Tara na nga sa loob. Baka magulpi na sa
kurot si Zabrina.. Alam nyo naman sina
Misis.. Sabik sa baby.." aya ni Denzel..
Magkakaakbay silang pumasok sa loob..
Nagkaroon ng kaunting salu salo sa loob ng
bagong bahay ni Zack..
Masayang masaya ang pakiramdam nya sa
piling ng mga dating kaibigan..
Pati sa mga asawa nito ay welcome na
welcome ang trato sa kanya..
Wala na syang mahiling pa.
Malalim na ang gabi ng isa isang mag
paalam ang kanyang mga kaibigan..
Napangiti sya ng pagmasdan ang mga kalat
sa salas hanggang kusina..
Ang gugulo ng apat na binata..
Kwadro Alas daw sila..
At home na at home naman ang anak nya..
Mukhang di natakot sa mga bagong Tito at
Tita nito.. Pati sa mga bagong ate at kuya..
Pagod man ay nagsimulang magligpit si
Zack..
Medyo maselan sya pagdating sa kalinisan
dahil na rin nga sa propesyon nya bilang
doctor..
Ilang oras ang inabot nya ng matapos ang
lahat..
Ala una na ng madaling araw..
Tahimik na tahimik ang buong kabahayan..
Pinunasan ni Zack ang anak na mahimbing
na natutulog..
Dahan dahan nya din itong pinalitan ng
damit..
Pagtapos nito ay marahan nya ding
pinangko ang bata papunta sa kanyang
kwarto..
Baka mabigla si Zab kapag nagising ito sa
gitna ng gabi sa di pamilyar na kwarto..
At least pag magkatabi sila ng anak ay
panagat itong matutulog..
Matapos halikan sa noo ay kinumutan ni
Zack ang anak..
Nakangiti syang muling lumabas ng kwarto..
Bagamat tiniyak ng kaibigang si Primo ang
seguridad ng subdibisyon ay tiniyak nya
paring nakalock lahat ng pinto at binatana..
Mabilis nyang nakabisado ang tahanan..
Napansin nya ang cellphone na nalapag sa
bar counter..
Ito ang isa sa talagang pinasadya nya kay
Vincent..
Bar..
Para sa minsang paginom ng mag isa sa
gitna ng gabi..
Napangiti sya ng maalala ang ina..
Sinimulan nyang idial ang pribadong numero
nito..
NAg ring ng ilang ulit..
Napakunot noo si Zack.
Alam ng ina na ganitong araw sya uuwi..
Bagamat nais nitong isa sa mga sumundo
ay pinigilan nya dahil sa di nya masabing
dahilan..
Kinansel ni Zack ang tawag at inulit muli..
Naka tatlong ring ng may sumagot..
Napangiti si Zack..
"Nay. !.. Nakauwi na po ako.. Sunduin ko
kayo dyan sa mansyon bukas ng tanghali
siguro.. I miss you Nay.. Si Zab po tulog na
eh.. Sayang .. Grabeng pag welcome ang
hinanda nila Denzel dito Nay.. .." dire
diretsong wika ni Zack..
Pero walang sumagot..
Tila nakikinig lang ang nasa kabilang linya..
"Nay?.. Anung trip na naman po yan?.."
natatawang sabi ni Zack..
Muli..
Katahimikan lang ang sumalubong sa
kanya..
Nagtaka na si Zack..
Muling pinagmasdan ang tinawagang
numero..
Nakaregister naman na Nanay ang
nakapangalan pero bakit ayaw sumagot?..
"Nay?.. Di nyo po ba ako marinig?.. Baka
mahina po ang signal ?.. Sige po hintayin
nyo na lang ako dyan bukas.. Mag impake
na po kayo ha?.. " nakangiting paalam ni
Zack..
Wala na namang sumagot..
Napailing na lang sya at akmang papatayin
na ang cellphone ng biglang may narinig
syang hikbi.
"Hello Nay? .. Anu pong nangyayari sa
inyo?.." tarantang tanong ni Zack..
Limang segundo siguro bago lumipas ng
may pahikbing nagsalita sa kabilang linya..
"Z-zack?.." boses ng babaeng..
Nagulantang ang buong pagkatao ni Zack..
Matagal na panahon na ang lumipas bago
nya narinig ang boses na ito pero tandang
tanda nya pa..
Ito ang nag iisang boses na hinding hindi
nya inasahang marinig..
Napalunok sya..
Tulala..
Bumilis ang tibok ng puso..
"Z-zack.. I m-missed you.." untag ng babae
sa kabila..
Mahina lang ang pagkakasabi nito pero
dinig na dinig ni Zack ang lahat..
Kahit ang simpleng paghikbi ng babae sa
kabila na pilit siguro nitong itinatago..
Umahon ang pangungulila sa puso nya..
Pero agad nya itong winaksi..
Muli nyang inalala ang lahat ng
masasamang nagawa sa kanya ng babae ..
Pinangibabaw nya ang galit !..
"I hate you Sabrina.. Don't you dare to talk
to me again.. Never.." matigas na sabi ni
Zack..
Agad nyang pinatay ang cellphone..
Sa inis nya ay naibato nya ito sa ding ding..
Wasak..
Parang nag Manta ang cellphone nya at
nahati sa tatlo..
Sumalampak ng upo si Zack.
Litong lito ang kanyang isipan.
Kung kelang nais nya ng magbagong buhay
at pilit na kalimutan ang nakaraan..
Isang simpleng boses lamang galing sa
babaeng naging sanhi kaya sya naging
miserable sa mga nakaraang taon..Tiklop
agad ang kanyang hinahon..
Ilang minuto din sya sigurong nakalugmok
sa sahig bago nya narinig ang boses ng
anak..
"Papa.. Baket ka po cry?.." naiiyak na ding
sabi ng anak..
Biglang niyakap ni Zack ang anak at dito
binuhos ang lahat ng kanyang damdamin..
"I love you Zab.." gigil na sabi ni Zack..
Pero ang nasa isip ay imahe ng nag iisang
babae na nagpatibok at nagwasak sa puso
nya..
Malapit na silang magtuos..
Muli nyang niyakap ang anak at tahimik na
hinatid sa kwarto..

tbc..

CHAPTER 1
Kapanganakan
February 14, 1972
3:34 AM
Maririnig ang palahaw ng isang babae..
Halata kahit sa malayo ang boses nito na
dumaranas ng grabeng paghihirap..
"Aaaaahhhhhhhhhh..." sigaw ng babae..
Hirap na hirap na ang pakiramdam nya..
Parang napupunit ang bawat laman nya..
"Umire ka Ditas !.. Sige pa..!.. Nakikita ko
na ang ulo ng bata.." utos ng kumadrona..
Huminga ng malalim si Ditas.
Isang malakas na buhos ng pwersa..
Pinigilan nya ang paghinga at binuhos ang
lahat ng lakas sa isang huling ire..
"Hmmpppp....!!!!.." impit na ire ni Ditas..
Dumulas ang bata sa kamay ng
kumadrona..
Napasigaw ang mga tao sa loob ng kwarto..
Mga kapitbahay na nagmagandang loob sa
babae..
"Ay..Ang gwapong bata naman nire.." puri
ng isang babae sa tabi ng kumadrona..
Napangiti si Ditas..
Nagkaroon ng malakas na hatak ang antok
sa pakiramdam nya.. Pero pilit nya itong
pinaglabanan..
Sa natitirang lakas, inunat ni Ditas ang mga
braso para abutin ang anak..
Nakangiting binalot ng kumadrona sa
mumurahin ngunit malinis na dami ang
bata..
Inabot ito sa ina..
Di magpagsidlan ang tuwang bumalot sa
pagkatao ng babae..
Pumalahaw ng iyak ang sanggol..
Nagtawanan ang mga tao sa loob.
"Aba..Mukhang gutom ang baby.." sabi ng
isa.
Napangiti ng maluwang si Ditas.
Hinihila na sya ng antok ngunit pilit nya
itong pinaglalaban..
Hinalikan nya ang pisngi ng anak..
Napangiti ang kumadrona at inabot ang
sanggol.
"Akina muna Ditas..Ako na ang bahala..Mag
pahinga ka muna...Kailangan mong
makabawi ng lakas..Pasusuhin mo pa ang
anak mo mamaya..." utos ng kumadrona..
Tumango si Ditas..
"S-salamat sa inyo.." mahinang sabi nya.
Ngumiti ang tatlong babae sa loob..
Pinagkaguluhan nila ang bagong silang na
sanggol..
Bumaling sa kanya ang kumadrona..
"Anong pangalan nito?.." tanong nito..
Ngumiti ng mahinhin si Ditas.
"Zackarias.." mahina ngunit malinaw na
pagkakasabi nya..
Ngumiti ang mga babae at tumango..
"Maligayang bati sa iyo Zackarias !.." bati
ng isang babae..
Payapang pumikit ang ina..Di na nya
nilabanan ang antok at mahimbing na
natulog..
Tatlong taon ang matuling lumipas..
Magtatatlong taon na din si Zackarias sa
susunod na linggo..
Kasalukuyang nagtatahi ng bagong damit si
Ditas para sa anak..
Nasa crib na gawa sa pinagtagpi tagping
kahoy ang bata..
Tumatawang mag isa..
Napapangiti si Ditas ..
Ulila na sya sa mga magulang..
Parehong anak mahirap lamang ang
kanyang ama at ina...
Matatanda na ang mga ito ng isilang
sya..Pareho naring kinuha ng maykapal..
Pangalawa sya sa mga anak nito..
Ang kanyang Ate Digna ay nasa Maynila
kapiling ng napangasawa nitong ahente ng
Insurance..
Medyo nakakaalwan ang buhay ng Ate
nya..Dahil na din siguro sa kasipagan ng
bayaw nya kaya di kataka takang
makapundar ang mga ito ng sariling lupa sa
isang maliit ngunit tahimik na lugar..
Aminado syang minsan, nakakaramdam sya
ng inggit sa kapatid.. Hindi dahil sa aspeto
ng pera, kundi dahil natagpuan na nito ang
tunay na Pag-ibig..
Samantalang sya..
Minalas..
Biglang humagikgik si Zack..
Natawa din bigla si Ditas..
Binaba nya ang hawak na damit at nilapitan
ang anak..
Ito ang bunga ng sawing pag - ibig nya..
Di maipagkakaila ang lahing pinagmulan ng
ama ni Zack..Kulay tsokolate ang mga mata
nito..Mana sa amang sundalo mula sa
Estados Unidos..
Nakaramdam na naman ng di maipaliwanag
na lungkot si Ditas..
Pinilig nya ang ulo at tinitigan ang anak..
Ngumisi ito pagkakita sa kanya..Gigil na
binuhat ni Ditas ang sanggol at
pinaghahalikan sa pisngi.
Lalong humagikgik ang bata..
"Nakuu...At ano na naman ang
pinagtatawanan mong bata ka?.." tatawa
tawang kausap ni Ditas sa anak..
Hagikgik lang sinagot ng bata..
May tinuturo itong direksyon..
Napailing na lang si Ditas..
"Nanay !.." pilit nyang pinagsasalita ang
anak..
Kumunot ang noo ng sanggol..
Ngumisi ito.
Nanggigil lalo si Ditas at akmang hahalikan
ang anak sa tyan.
"Nay!.." biglang sabi ni Zack..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas..
"Weee??..Kaw ba yon anak?.. " pang uuto ni
Ditas sa bata..
Humagikgik lalo ang sanggol..
Excited na lumabas si Ditas dala ang anak
..Pupuntahan nya ang kapitbahay na naging
kaibigan na rin nya.. Para ibalita ang unang
salitang binigkas ng anak..
Pero bago pa sya makarating ay nasalubong
nya ang mga kapitbahay na nagkakagulo..
Kasama dito ang pupuntahan sana nya..
"Lagring..Anong kaguluhan yan?.." tanong ni
Ditas sa kaibigan..
Nanlalaki ang mga mata nito..
"M-may mga rebelde..Naku magtago ka
Ditas !.. Isara mong bahay nyo dali !.."
tarantang sabi ng kaibigan nya.
Halos mamutla sa takot si Ditas..
Walang sabi sabing tumakbo sya pabalik sa
kubo nya at marahas na sinara ang mga
pinto at bintana..
Kumuha sya ng pangtaklob na kumot at
sapin..
Binuksan ang silong at dali daling bumaba..
Nilatag nya ang sapin para sa anak..Sabay
nagtaklob silang dalawa ng kumot..
Abot abot ang panalangin ni Ditas na wag
naman sana ang kubol nila ang puntahan ng
mga rebelde..
Ito ang sumpa ng baryo nila..
Madalas sila ang nagiging sentro ng
bakbakan ng mga sundalo at mga rebelde.
Kadalasan, kapag tapos na ang
labanan..Umaatras ang mga rebelde.. Pero
saglit lang..
Hinihintay ng mga ito na umalis din ang
mga sundalo at muling bababa ang mga ito
buhat sa bundok..
Lilimasin ang lahat ng maaaring makuha sa
taong-bayan..
Kapag pumalag ka, di ito nangingiming
kumitil ng buhay..
Niyakap ni Ditas ang anak..
Nakiramdam sa paligid..
Umangal si Zack ..Mukhang naiinitan ang
bata...
Halos magmakaawa ang ina na wag umiyak
ang anak..
"Sssshhh.. anak..wag kang iiyak.. parang
awa mo na.." bulong ng ina sa anak..
Muntik na syang mapatili ng marinig ang
paglagabog ng pinto nila..
Impit nyang tinakpan ng bibig ..
Tila naramdaman ng sanggol ang
damdamin ng ina..
Nakaamba na itong pumalahaw ng iyak.
Mabilis ang naging pag kilos ni Ditas..
Binuhat nya ang anak at nakayukong
pinasuso ito..
Tinalukbong nya ang kumot sa sarili..
Sabik na sinuso ni Zack ang kanang suso ng
ina ..
Napakunot ang noo nito na tumitig kay
Ditas.
Naguumpisa ng tumulo ang luha sa mga
mata ng ina..Pilit nyang pinagkakasya ang
sarili sa maliit na espasyo..Ayaw na ayaw
nyang gumawa ng ingay..
Nakarinig sya ng mga yabag mula sa itaas..
Langitngit ng tablang sahig..
"Pare..Mukhang walang makukuha dito.."
maaskad na sabi ng isang boses..
Napahawak sa bibig si Ditas ..
Niyakap nya ang anak at pumikit..
Taimtim na nanalangin ..
"Putris na bahay to..Wala man lang
makain..!..." isa pang boses..
Patuloy na nagdasal si Ditas..
Umangat ang kamay ni Zack at inabot ang
pisngi ng ina..
Napangiti na lang si Ditas at hinagkan ang
maliit na kamay ng bata..
"Hala bilisan nyo..Baka abutan tayo ng mga
sundalo..Dun sa tokador..Nahalughog nyo
na ba?.." isa pang boses ang nagsalita..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas sa narinig.
"Dyos ko..Wag naman dyan.." impit na
hiling ng ina..
Nasa loob ng tokador ang matagal na nyang
ipon..
Halos di na sya kumain ng tama sa loob ng
tatlong taon..
Pilit nyang tinatabi kahit piso .
Para sana sa kinabukasan ni Zack..
Nakarinig sya ng tawanan..
"Ayos pala eh..Eto..May pera..Sige na..Hati
tayo pare..Wag mo ng sabihin sa iba.."
maaskad ang boses ng isa.
Luhaan na si Ditas..
Kahit anong pagsisintir ang gawin nya.. Di
na nya maaaring mabawi pa ang pinag
ipunan..
Ilang taon din syang nagpaalila sa kiskisan
ng bigas...
Sa gabi naglalabada..
Kayod kalabaw sya ng ilang taon .. At eto
lang ang pinatunguhan..
Mahigpit na niyakap ni Ditas ang anak..
Tila nakakaunawa ang bata..Imbes na
umiyak..Gumanti ito ng yakap sa kanya..
Malakas na mga yabag ang narinig pa nya..
Biglang nagkaroon ng putukan..
Napahiyaw si Ditas ng di sinasadya..
Tinakpan nya agad ang bibig.
Matagal na pagtitiis..
Palitan ng putok..
May mga pagsabog pa..
Luhaan ang ina..
Pero kataka takang di man lang natakot ang
anak nya..
Ito na ang nagsilbing lakas ni Ditas para
ihinto ang pagtangis..
Ilang saglit pa ang lumipas.
Akala ni Ditas tapos na ..
Biglang bumukas ang pinagtataguan nila.
Napatili si Ditas ..
"Misis..Wag na ho kayong matakot..Wala na
ho ang mga rebelde..Lumabas na po kayo
dyan.." nakangiting sabi ng isang nakasuot
ng uniporme ng sundalo.
Napahinga ng malalim si Ditas.
Inayos ang sarili at dali daling umalis sa
kinaroroonan.
Kipkip ang anak..Tinakbo nya ang tokador
kung saan nakatago ang matagal na pinag
ipunan..
Halos panawan ng ulirat si Ditas ng makita
ang panyolito na ginamit nyang pambalot sa
pera.
Wala na..
Natangay na ng mga rebeldeng pumasok sa
tahanan nya..
Muling tumulo ang luha sa kanyang mga
mata..
"Misis..Ano hong hinahanap nyo?.." tanong
ng sundalo..
Malungkot na ngumiti si Ditas.
"A-ang ipon ko..Natangay nila.. " naiiyak na
sabi ng ina.
Di na nya napigilan ang bugso ng
damdamin..Bumuhos ang luha sa kanyang
mga mata..
Nakakaunawang hinagod naman ng sundalo
ang likod ng babae..
"Tahan na misis..Magkano ho ba?.." tanong
nito..
Nahihiyang pinunasan ni Ditas ..Umiling
sya..Maliit na halaga lang naman ang
nawala.
Isang libo mahigit lang..Pero para sa
kanya.. Katumbas na ito ng buhay nya.
"S-salamat na lang ho.." nahihiyang sabi ni
Ditas..
Umiling at ngumiti ang sundalo.
"Ngapala..Ako ho si Capt.Reyes..Special
Squad ho kami..Kung gusto ho
ninyo..Pauutangin ko ho kayo ng pang
puhunan..Nasan ho ba ang ama ng bata at
sya na ang makausap ko.." nakangiting sabi
ng may edad ng sundalo.
Nahihiyang umiling si Ditas..
Parang nahulaan naman ito ng sundalo..
"Ah.. Di na ako magtatanong..." nakangiting
sabi nito.
Napangiti ng mahinhin ang babae..Bigla
syang may naalala..
Tarantang lumabas ng bahay si Ditas at
tinahak ang kubol ng kaibigang si Lagring..
Pero parang tinakasan sya ng lakas ng
makitang sunog na ito..
Lumapit sa kanya ang sundalo..
Hinawakan nito ang balikat nya at
malungkot na ngumiti.
"May kakilala ho ba kayo dyan?.." tanong
nito..
Tumango si Ditas..Luhaan..
"Ikinalulungkot ko ho.." sabi nito..
Nanghihinang napaupo sa kalye ang babae..
Kipkip ang anak..
Biglang tumunog ang radyo ng kapitan..
"Eagle 1 , eagle 1, this is
Headquarters..Come in.." sabi ng radyo..
Agad itong kinuha ng sundalo at sumagot..
"This is Eagle 1, Come in base.." sagot ng
kapitan.
"Namataan ang makapal na bilang ng mga
rebelde na pababa mula sa bundok..Papunta
dyan sa kinalalagyan nyo..Evacuate the
civilians immediately..I repeat..Evacuate the
civilians immediately." sabi ng radyo.
Nanlaki ang mga mata ni Ditas..
Tumigas ang anyo ng kapitan at inabot ang
kamay sa babae..
"Wag na ho kayong mag alsabalutan.." sabi
nito..
Tumango si Ditas..Muling nilingon ang
tahanan ng kaibigan..
Magkahawak kamay nilang nilisan ang
lugar..
Sumakay sya sa truck ng mga sundalo
..Kasama ang mga ka-nayon..
Ngumiti ang kapitan..Kinausap nito ang
isang kasamahan..
Tumango naman ang sundalo at sumaludo
sa pinuno..
Lumapit ang kapitan sa kanya..
"Misis..May iaabot ho ang kasamahan ko sa
inyo..Wag nyo na hong tanggihan..Maliit na
halaga lamang para sa bagong buhay...Wag
na ho dito..Sentro na ito ng
bakbakan...Isipin nyo ho ang anak ninyo.."
sabi ng kapitan..
Naluluhang tumango at nagpasalamat si
Ditas..
Kumaway pa ang kapitan sa kanya..
Ilang saglit lang..Umandar na ang truck..
Pumikit si Ditas..Yakap ang anak..
"Bahala na.." sabi ng ina.
Pagdating sa base ng mga
sundalo..Lumapit sa kanya ang kinausap ng
kapitan..
"Misis...Pinabibigay ho ni Kapitan.."
nakangiting sabi ng sundalo.
Nagpasalamat si Ditas at nahihiyang
tinanggap ang sobre..
Sumaludo pa ang sundalo sa kanya at
nakangiting nagpaalam..
Nakaramdam ng gutom si Ditas..
Lumingon sya sa paligid..
Tumabi sa isang sulok..
Hawak ang sanggol sa isang kamay..
Naupo sya sa sahig at dahan dahang
binulatlat ang sobre..
Halos panawan ng ulirat si Ditas ng makita
ang makapal na bilang ng pera..
Tarantang sinara nyang muli ang sobre at
nagpasalamat sa Diyos..Maging sa kapitan
ng mga sundalo.
Ngumiti sya sa anak nya..
Nag isip..Pilit inalala ang address ng Ate
nya sa Maynila..
Ng maalala, tumayo si Ditas...Hinagilap ang
sundalong nag abot ng pera..Para sana
pasalamatan..
Pero wala na ito.
Nagpasalamat na lamang sya sa Diyos at
humiling na sana'y walang mangyaring
masama sa mga ito..
Tinuping mabuti ni Ditas ang papel at
sinuksok sa bulsa..
Ito na ang pinakamahalagang kayamanan
nya bukod sa anak..
Bahala na..
February 14, 1975
3:34 AM
Pumalahaw ang matinis na boses ng isang
babae..
Maarte itong nagreklamo sa mga nurse na
umaagapay dito..
"Ohh..Damn !..It hurts honey.. It really
hurtss !.." sigaw ng babae..
Tarantang ginagap ng lalake ang kamay ng
kabiyak..
"Just wait honey..Tiisin mo
lang..Push..Push.." sabi ng lalake..
Natatawa ang mga doktor sa lalake..Parang
ito ang manganganak sa itsura ng mukha
nito..
Napailing ang babaeng doktor.
"Push Mam..One strong push and I can see
the baby.." sabi nito..
Pinunasan ng lalake ang noo ng asawa..
Napangiti ang mga nurse..
"Okay honey..Inhale, exhale..Whooo.." pero
ang lalake ang gumagawa sa sinasabi nito..
Huminga ng malalim ang babae..
Impit itong umire..
"Aaaaaaahhhhhh.." sigaw ng babae..
Ilang saglit pa..
Pumailanlang ang matinis na pag iyak ng
sanggol.
"It's a girl sir.." sabi ng doctor..
Hawak ang bata sa paa at pinapalo ito ng
mahina..
Nakaramdam ng panghihinayang ang
lalake...Pero kahit ano pa man..Lumatag na
din ang tuwa sa mukha nya..
Pinunasan nya ang mga kamay at nilapitan
ang anak..
"May I?.." excited na sabi nya..
Natatawang umiling ang doktor..
"Later sir..Titimbangin lang namin sya
..Then lilinisin..You can wait to your room
na lang po.." sabi nito..
Nanghinayang naman ang ama..Pero
nakangiti pa rin itong tinitigan ang anak..
"Honey.. She's so pretty.." nangingiting sabi
ng ama..
Ngumiti naman ang ina at pumikit..
"Ahm..What's her name sir?.." tanong ng
doktor..
Nagkatinginan ang mag asawa.
Tumango ang babae..
"Sabina.." maliksing sagot ng ama..
Ngumiti ang doktor at tumango..
"Welcome to the world, Sabina!.."
nakangiting bati ng mga nurses at doctors..
Lumabas na ito ng delivery room kasama ng
kanyang anak..
Mabilis naman inasikaso ng mga nurses
ang asawa nya..Nilinisan at pinalitan ng
damit.
Dahil sa may pera , mabilis ang naging
proseso ng panganganak ng kanyang
asawa..
Nagpauna na ang lalake sa magiging kwarto
nila..Sumunod ang natutulog na asawa..
Marahan itong nilipat sa bakanteng kama..
Nagpasalamat naman ang lalake..
"Sir..If ever magising si Mam tapos
magutom po sya.. Pwede na po syang
kumain.." sabi ng nurse.
Tumango ang lalake..
Aligaga sya..
Gusto na nyang makita ang anak.
Tinitigan nya ang kabiyak..
Nilabas ang cellphone..
"Moomm !..May apo na po kayoo!.." tili ng
lalake..

tbc..

Chapter 2
Zackarias
6 Years Later
"Nay!.. Nay!.." sigaw ni Zack..
Natawa bigla si Ditas sa anak.
"Oh ano na naman yon?.. " tanong ng ina.
Humihingal na naupo sa tabi ng ina si
Zack..
"Whew..Nandun na yung bagong TV nila
Berto..Padala ng Tatay nya..Grabe ang laki
nun Nay..Tapos ang nipis pa..Mas maganda
dun sa TV nila Aling Tikya..Ay nako..Kapag
makita nyo talaga.." pasikat ni Zack..
Hinaplos ng awa ang pusong ina ni Ditas
para sa anak..
"Inggit ka anak?.." biro nya..
Umiling ang bata..
"Eh di po ba masama ang mainggit..Sabi
naman po ni Berto, pwede akong
makinood..Yung sineskwela lang Nay..Bago
ako pumasok.." nakangiting sabi ni Zack..
Ngumiti din ang ina..
"Yan ang gusto ko sa anak ko..Oh kamusta
ang eskwela nga pala ?.. " tanong ni Ditas..
Nanlaki ang butas ng ilong ni Zack..
"Hah!..Nanay talaga..Parang bago ng
bago..Eh ako pa rin po ang top 1
no..Nagsasawa na nga ako Nay eh.."
pagyayabang ni Zack..
Bumungisngis si Ditas..
May biglang lumapit na customer..
"Ale...Magkakano ho itong bibingka?.."
tanong ng babae..
Ngumiti si Ditas..
Pero sumabat si Zack..
"Sampung piso ho...Naku masarap ho
yan..Naku..Pag natikman nyo ho
..Siguradong babalik balikan nyo...Luto ho
ng Nanay ko yan eh.." pagmamalaki ng
bata..
Nakaramdam ng di maipaliwanag na saya
ang puso ni Ditas sa narinig na
pagmamalaki ng anak..
Ngumiti sya at tumango sa ale.
"Ah ganun ba..Sige nga iho..Ipagbalot mo
nga ako ng halagang isandaan.."
nakangiting sabi ng babae..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas at dali
daling naglabas ng plastik..
Mabilis din ang naging pagkilos ni Zack..
Isa isa nyang sinilid sa plastik ang order ng
babae sabay abot dito..
"Eto po .." abot ni Zack..
Ngumiti ang babae at nagabot ng pera sa
bata.
Inabot naman agad ni Zack ang benta sa
nanay nya..
Nakangiting sinilid ni Ditas sa suot na apron
ang benta nya..
Niyakap ang anak..
Araw ng linggo..
Kagagaling lang nilang magsimbang mag
ina bago sila naupo sa pwesto nila sa tabi
ng simbahan..
Ilegal ang pagkakapwesto nila..Madalas
silang pinaaalis ng mamang pulis pero sige
pa rin sila sa kababalik..
Nangungupahan silang mag ina sa Ate nya..
Nuong una syang dumating sa bahay nito ay
halos mahimatay ito pagkakita sa kanya..
Di nya masisisi ang kapatid..
Nuong kabataan nya..Itinuturing syang isa
sa pinakamaganda sa nayon nila..Nalosyang
lang sya pagkapanganak kay Zack at sa
pagtatrabaho nga..Pero di sya nagsisisi..
Luhaang kinwento nya sa ate nya at sa
bayaw ang mga nangyari sa kanila sa
probinsya..
Malugod naman silang tinanggap ng mga
ito..
Pinatira sa likod bahay..Libre..Pero
tumanggi si Ditas..
Ayaw nyang maging pabigat sya sa Ate
nya..Pilit nya itong binayaran..
Nagtalo pa sila nuong una..
Hanggang sa mapapayag nya ito..Pero dahil
nga sa kapatid nya..Maliit lamang ang
naging upa nila..
Kasama na ang kuryente at tubig..
Pero ok na din..
Di nya masasabing libre..Kahit paano..May
pride sya..At nahihiya sya sa bayaw
nya..Syempre, ito ang nagpundar.. Tapos
biglang bigla na lamang silang pipisan sa
mga ito ng libre.
Bagamat mabait ito, ayaw nyang
samantalahin..
Baka magsawa ..
Ang pagtawa ni Zack ang nagpabalik sa
ulirat ni Ditas..
Nagtaka sya kung ano ang tinatawanan ng
anak..
"Para kang baliw.." sabi ng ina.
Tumawang muli si Zack..
"Baket ba?.." tanong ni Ditas..
Umiling si Zack.
"Wala po Nay..Naalala ko lang po si
Denzel.." natatawang sabi ng bata..
Ngumiti ang ina..
"Si Denzel yung nakatira dun sa subdivision
di ba?.." tanong nya..
Tumango si Zack..
"Opo nay..Siraulo eh..Pumasok sya dun sa
eskwela nila ng magkaiba pala yung sapatos
nya..Dami kasing sapatos kaya nalilito eh.."
napapailing pa ang bata..
Di man direkta..Pero parang punyal na
tumarak sa puso ni Ditas ang salita ng
anak..
Walang matinong sapatos si Zack..Isang
pares lamang ang sapatos nito..Lumang
rubber shoes na regalo ng ate nya..
Ito ang ginagawang pampasok ni
Zack..Panlakad kapag nagsisimba
sila..Lahat lahat ng maaring pag gamitan sa
sapatos nito..
Awang awa ang ina para sa anak..
Gustuhin man nya..Di nya maibigay sa anak
ang kapirasong kapritso...Nag iipon sya para
sa darating nitong pagpasok sa hayskul..
Namuo ang luha ni Ditas..
Pero agad nya itong pinahid..
Ayaw na ayaw ni Zack na nakikitang syang
umiiyak..Pagagalitan sya nito..Napangiti si
Ditas.
"Anak..Eh matanong ko lang..Wala ka bang
nagugustuhan sa mga kaklase mo?.." tukso
ng ina..
Namula ang natural na maputing pisngi ni
Zack..Mana sa ama..
Umiling iling ito..TInitigan ang ina na parang
nakakita ng alien..
"Nay?..Ayos ka lang?.." asar na sabi ni
Zack..
Napahagikgik ang ina..
"At baket?..Ayos lang naman eh..Anu nga
ulit yung pangalan nung nagsulat sayo ng
love letter?.." muling tukso ni Ditas..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Nakita nyo?.." tulalang sabi nito..
Lalong nagbungisngis si Ditas..
Tumango..
Hiyang hiya naman si Zack.
"Nay naman eh!.." reklamo ng bata..
Niyakap ng ina ang anak..
"Ayos lang yon..Ano ka ba?..Aysos..Binata
na ang anak ko.." nangingiting tukso ng
ina..
Lalong umangal si Zack..
"Nanay..Wala pa po sa isip ko ang ligaw
ligaw na yan...Tsk..Alis na nga po muna
ako..Pabarya po.." asar na sabi ni
Zack..Inabot nito ang buong bente pesos sa
kanya..
Natatawang binaryahan naman ng ina ang
pera..
Humalik si Zack sa noo ng ina at
nagpaalam na..
Hawak nya ang ilang piraso ng
kakanin..May kendi pa..
Lumayo sya ng konti sa ina..
"Suman !..Karyoka !..Mainit init pa !..Bili na
ho kayo !.." sigaw ni Zack..
Di sya nahihiya kahit makita sya ng mga
kaklase..Katwiran nya lagi.. Marangal ang
ginagawa nila..Wala silang inaagrabyadong
tao..Wala silang tinatapakan..
Lalo pang lumayo si Zack..
Tumawid sya ..
Nadagit ng mga mata niya ang isang
lalake..
Ngumisi si Zack..
Mayaman ..Base sa suot nitong damit..
Lumapit ang bata ..
Napatingin sa kanya ang lalake..
"Manong..Suman ho..Karyoka.." nakangiting
alok ni Zack..
Ngumiti din ito.
Pinasok sa kotse ang mga pinamili at
hinarap ang bata..
"Magkakano iho?.." tanong ng lalake..
Natuwa si Zack..
"Sampu ho ang isa..Masarap ho ito...Luto
ng nanay ko.." pagmamalaki ng bata..
Tumawa lang ang lalake...
Naglabas si Zack ng plastic pero walang
arteng dinampot ng lalake ang isang tinda
nya..
Sumandal ito sa kotse at kinain..
Ninamnam ang lasa..
Napangiti si Zack...Di sya nangangamba na
baka di matuwa ang lalake sa lasa ng
tinda..
Expert sa pagluluto ang nanay nya..
Kumunot ang noo ng lalake..
"Ang sarap ah.." puri nito..
Ngumisi si Zack.
"Sabi ko ho sa inyo..Nanay ko ho ang
nagluto nya.." pagmamalaki nya..
Natawa ang lalake..
"Sige..Pabili.." sabi nito..
Ngumiti si Zack at inayos ang plastik..
"Ilan ho?.." tanong nya..
"Lahat.." sabi ng lalake..
Nanlaki ang mga mata ni Zack.
"H-ho?.." ulit nya..
Natawa naman ang lalake at ginulo ang
buhok ng bata.
"Oh..Ang bata bata mo pa..Ang hina na ng
pandinig mo..Lahat nga eh..Masarap kase.."
puri pa nito..
Parang namalikmata si Zack..Tulalang
binalot nya ang lahat ng tinda..
"Magkano.." tanong nito..
Kinwenta ni Zack ang lahat..
"240 po.." mahinang sabi ni Zack..
Ngumiti ang lalake at naglabas ng wallet..
Inabot nito ang buong limandaan sa bata..
"Oh.." abot nito..
Nanlaki lalo ang mga mata ni Zack..Sa
tanang buhay nya..Nuon lamang sya
nakahawak ng ganung kalaking halaga..
Napalunok pa sya..
"M-manong...Wala po akong barya.."
mahinang sabi ni Zack..
Ngumiti ang lalake at kinain ang isa pang
suman..
"Ah...Eh di sayo na yung sukli.." sabi nito..
Lalong natulala si Zack..Napalunok syang
muli..
"S-seryoso po?.." tanong nya.
Natawa ang lalake at inabot sa kanya ang
isang plastik ng kakanin na binenta nya
dito..
"Oh magmiryenda ka muna..Nasan ba nanay
mo?.." tanong ng lalake..
Kumunot ang noo ni Zack..
"B-baket nyo ho hinahanap ang nanay ko?.."
tanong nya..
Ngumiti ang lalake..
"Wala..Tatanong ko lang kung paano nya
naluluto ang ganito..Ang sarap eh.." sagot
nito..
Ngumiti din si Zack..Tinuro ang lugar ng
simbahan..
"Dun ho..Nasa tabi lang ho kami ng
simbahan nakapwesto..Salamat po talaga.."
naiiyak na sabi ni Zack..
Ngumiti lang ang lalake.
"Teka..Ano naman ang gagawin mo sa
sobra?..Kukupitin mo?.." paghamon ng
lalake sa kanya..
Umiling si Zack..Pero napanguso ito..
"Kung may barya ho sana..Kukupit ako kahit
singkwenta lang.. " sabi ng bata..
Ang lalake naman ang tila napakunot ang
noo..Parang mali sya ng pinagkatiwalaan.
"Ah ganun..Anu naman ang gagawin mo
dun sa makukupit mo?..Ipangsusugal mo?.."
muling tanong ng lalake..
Nagkandailing si Zack..
"Di po ako nagsusugal..Nagagalit ang Nanay
ko..Kahit kelan... Di ako nagsugal at wala
po akong balak magsugal..May bibilhin lang
po ako.." nakangusong sabi ng bata..
Nacurious ang lalake.
"At ano naman ang bibilhin mo?.." tanong
nito..
Nakaramdam ng hiya si Zack..
"N-notebooks po sana..Kasi kulang ako ng
apat na notebooks ..Tapos konting papel at
isang ballpen..." nahihiyang sabi nya..
Napangiti ang lalake..Tinantya kung tama
ba ang narinig nya..
Sa murang edad ng kaharap nya..Imbes na
laruan at kung anu anong luho ng bata
..Mas pinili nito ang gamit pang
eskwela..Duon lalong humanga ang lalake
sa magulang ng bata..Napakaganda ng
pagpapalaki ng mga ito ..
"Ipasok mo ang mga nabili ko dito sa loob
ng kotse..Sumama ka saken.." sabi ng
lalake..
Natakot si Zack..Tila napansin naman ito ng
lalake..Natawa sya at umiling..
"Oy..Wala akong balak kidnappin ka..Bilisan
mo at kanina pa ako hinihintay ng mag ina
ko.." natatawang sabi ng lalake..
Nahihiyang binuksan ni Zack ang kotse ng
lalake at marahang nilapag ang mga
nabenta nya..
Dahan dahan nya din itong sinara..
Ngumiti ang lalake..
Binuksan ang pinto ng kotse at nilock..Muli
itong sinara..
"Halika..Sumunod ka.." sabi nito..
Kunot ang noo na tinantya ni Zack ang
kausap..
Ngumiti ang lalake.
"Wag ka ng maarte..Halika na.." sabi nito..
Tahimik na sumunod si Zack sa lalake..Pero
bigla syang napatigil ng pumasok ito sa
isang kilalang department store..
Lumingon ang lalake sa kanya at ngumiti..
"Hoy..Ano pa ang hinihintay mo?.." tawag
nito..
Binistahan ni Zack ang suot nya..
Gulagulanit na T-shirt..Kupas na
shorts..Maruming tsinelas..
Yagit na yagit sya..
Nahihiyang ngumiti si Zack..
Parang naunawaan naman ng lalake ang
nararamdaman ng bata kaya muli itong
bumalik at inakbayan..
"Sus na batang ito..Halika..Ako bahala
sayo.." sabi ng lalake.
Tahimik na sumunod si Zack..
Mabilis silang nakapasok sa loob.
Nakataas ang kilay ng mga nakakasalubong
nilang mga tao.
Hiyang hiya si Zack..
Pero tahimik lang syang nakasunod.
Lumiko sila ng lalake.
"Oh ..Kunin mo na ang kulang sa mga gamit
mo..Lahatin mo
na..Bags..Notebooks..Ballpens..Lahat..
Kapag konti lang kinuha mo..Kokotongan
kita.." untag nito..
Tumingala si Zack..Nanlaki ang mga mata.
Nasa harap nya ang napakaraming gamit
pang eskwela..
Tulala lang sya..
Natawa ang lalake..
Tinapik ang balikat ng bata.
"Bilis bilisan mo naman iho..Para kang
binabae eh.." pang aasar nito.
Dumampot ng basket si Zack..
Pero nailing ang lalake..
"Teka..Kukulangin yan...Yun ang kunin
mo.." tinuro ng lalake ang stroller.
Di na napigilan ni Zack ang
mapasinghot..Namuo ang luha sa kanyang
mga mata.
Napailing ang lalake at ito na ang humila ng
stroller papunta sa bata..
Tahimik na dumapot si Zack ng mga gamit
pang eskwela..Ayaw nyang sumobra ang
madadampot nya..
Bawat gamit na mapili..Hinahagilap nya ang
presyo..Kapag medyo mahal, binabalik nya
ito at pumipili ng pinakamura..
Nakangiti lang ang lalake na naupo sa isang
bench..Dumampot ng magazine at binuklat..
Napatigil si Zack sa harap ng isang bag.
Nilingon nya ang mabait na lalake..Abala ito
sa pagbabasa ng magazine.
Nagtatalo ang isip ni Zack kung dadamputin
ba ito o hindi..
Sa huli..Nagpasya sya na lampasan ang
bag..
Muli syang bumalik sa lalake..
Napakunot ang noo nito ng mapansin ang
stroller..
Inisa isa ang mga pinili ni Zack..
"Ano bang mga ito..Sigurado kang ito lang
ang kailangan mo iho?..Hay nako.." naiiling
ang lalake.
Tahimik na tumango si Zack..
Huminga ng malalim ang lalake..
"Sumunod ka.." sabi nito..
Tulak ni Zack ang stroller..Sumunod sya sa
mabait na lalake..
Nakayuko lang sya.
Huminto ang lalake..
"Miss..Pakisukatan nga ho ito.." sabi nito..
Napaangat ang tingin ni Zack at nagulat sya
dahil nasa harap nya ang mga damit
panlalake..
Lumapit sa kanya ang isang babae na may
dalang tape measure..Mabilis nitong
sinukatan ang bata.
Luhaan si Zack..
Wala syang masabi..
Parang umatras ang dila nya..
Mabilis ang naging mga pangyayari..Puno
na ang stroller ng gamit nya..
Palabas na sila ng mapansin ang isang
manequin..
Naalala nya ang ina..
Napansin naman ito ng lalake.
"Oh..Baket?..." tanong nito.
Nahihiyang dinampot ni Zack ang bag na
kaninang tinitigan nya..Binili din ito ng
lalake para sa kanya.
Nagtaka ang lalake..
"Baket?.." muling tanong nito.
Nahihiyang ngumiti si Zack.
"A-ah..K-kuya...P-pwede pong ipagpalit ko
na lang ito?..." tanong ng bata.
Kunot noo ang lalake..
"Saan?.. Baket?.." takang tanong nito..
Nginuso ni Zack ang bestida..
Natawa ang lalake..
"Wag mong sabihing magsusuot ka nyan?.."
tanong nito.
Nahihiyang umiling si Zack..
"P-para po sana sa N-nanay ko.." mahinang
sabi nya..
Napangiti ng maluwang ang lalake at
tumango...Pumasok ito sa store..
Ilang saglit lang..May hawak na itong mga
bags..
Hiyang hiya si Zack na inabot ang bag at
sapatos nya bilang kapalit..Pero tumanggi
ang lalake.
"Wag na..Sayo yan...Eto para sa nanay
mo.." nakangiting sabi nito..
Luhaan si Zack..Pero pilit nya itong
pinunasan..
Inakbayan ng lalake ang bata..
Di nya maintindihan ang sarili..
Nakikita nya ang busilak nitong puso..
Pagmamahal para sa ina..
Pero di lang yon ang dahilan...
Sabik sya sa anak na lalake..
Babae kasi ang panganay nya at sa
malas..Di na pwedeng manganak pa ang
asawa nya..
Masaya silang lumabas ng department
store..
Kung di sya nagmamadali..Malamang na
bisitahin nya pa ang pwesto ng mag ina..
Hinatid sya nito sa kotse..
"Oh..Dito na lang..Sige na..Mag aral kang
mabuti.." nakangiting paalam ng lalake.
Luhaang kumaway si Zack..
Pilit nyang pinaglalabanan ang emosyon..
Hinamig ng bata ang sarili..
Ayaw nyang makita ng ina ang pag iyak
nya..
Ilang saglit lang..Muling tumawid ang bata..
Nag aalangan sya kung paano ipapaliwanag
ang mga dala nya..
Sa huli, nagpasya syang lapitan na ang ina.
Napakunot ang noo ni Ditas ng makita ang
dala ng anak..
"Anak..Ano yan?.." tanong nya.
Nahihiyang nilapag ni Zack ang mga
pinamili sa harap ng ina..
Naupo sya sa tabi nito..
"Nay..May mabait na lalaking bumili ng
tinda ko..Pinakyaw nya po..Tapos wala
akong panukli sa pera nya kaya yung buo na
lang ang binigay nyang lahat...Tinanong nya
po kung ano daw ang gagawin ko sa
sobra..." mahinang paliwanag ni Zack..
Nakinig lang si Ditas sa paliwanag nito..
"Oh bakit di mo pinabaryahan anak?.."
masuyong tanong ng ina.
Nag alangan si Zack kung sasabihin ba ang
dahilan nya.
"E-eh kasi po.. Tinanong nya po kung
kukupitin ko daw yung sobra Nay..Sabi ko
po Oo..Pero konti lang..May pag gagamitan
lang ako.." mahinang sabi ni Zack..
Napakunot lalo ang noo ni Ditas..
Di sya makapaniwalang magagawa ng anak
na kupitan sya..
"A-anak..kukupitan mo ang nanay?.."
naiiyak nitong tanong..
Nagkandailing si Zack..
"S-sorry Nay..May kailangan lang po akong
bilihin.." sabi ng bata..
Pinahid ni Ditas ang luha..
"Ano naman yon?.. Sana sinabi mo na
lang..Wag kang mangupit anak..Bibigyan
naman kita eh.." sabi ng ina..
Nahiya si Zack.
"S-sorry Nay..Di ko na po uulitin..Di ko
naman po talaga ginawa eh.." sabi nya..
Ngumiti ng mahinhin ang ina..
"Ano ba kasi yon?.. " tanong nya.
Napakamot sa batok si Zack..
"Anak..Naglilihim ka na sa nanay mo?.."
nagtatampong tanong ni Ditas..
Umiling si Zack..Nagdadalawang isip..Ayaw
nyang malaman ng ina na kapos ang mga
gamit pang eskwela nya..Sa murang isip,
batid nya ang paghihirap na dinaranas ng
ina sa pagtawid ng pang araw araw na
gastusin nila..Ayaw nyang makadagdag sa
alalahanin nito..
"K-kasi po..Kulang po yung N-notebooks ko
ng dalawa.." nahihiyang paliwanag ni
Zack...Sabi nya..Pero ang totoo..Di lang ang
notebook nya ang problema nya..
Nagulat si Ditas..Ang alam nya ay sapat ang
nabili niyang gamit..Hinaplos sya ng awa
para sa anak..
"P-paanong naging kulang ..Di ba sabi mo
anim lang ang notebooks na kailangan
mo?.." tanong nya..
Umiling si Zack.
"S-sorry Nay kung di ako nagsabi ng
totoo..Akala ko kasi kakayanin kong tipirin
eh..Pero masyadong maraming ginagawa sa
school..Kaya napuno na yung dalawang
notebooks ko.." paliwanag nya.
Pinigilan ni Ditas ang umiyak..
Pinaglabanan nya ang damdamin.
"Paano ang ginawa mo?..Halos kalagitnaan
na ng klase ah.." mahinang tanong ni Ditas..
Napayuko si Zack.
"Yung SIBIKA ko po na subject..Konti lang
naman yung sinusulat don..Kaya kalahati ng
notebook ko sa SIBIKA, ginawa kong
MATH..Tapos yung isa ko pong
notebook..Kalating English at Kalahating
Filipino..Akala ko po kasya..Pero marami
kasing pinapasulat yung teacher ng Math at
English..Naubos ko na po yung dalawang
notebooks..Wala na din po akong
papel..yung ballpen ko po..Kay Berto
yon..Sorry talaga Nay.." mahinang sabi ng
bata..
Di na naiwasan ni Ditas ang pagluha..
Umagos na ang mga ito pababa sa pisngi
nya..Awang awa sya para sa anak..Ang
akala nya..Sapat ang mga gamit nito... Ni
hindi nya naringgan ng pagrereklamo ang
anak..Ni hindi nga ito nanghihingi ng
baon..Limampiso lamang ang baon ng anak
nya..Kung may kailangan sa
eskwela..Nagtatabi ito mula sa tininda
nila..Ang mga gamit nito ay kung hindi mula
sa pinsang si Berto..Galing sa ibang kakilala
nyang nagsilakihan na ang mga anak..
Tahimik na lumuha ang puso ni
Ditas..Napabaling ang tingin nya sa
paninda..
"P-patawarin mo ang Nanay anak ha?..Wala
akong magawa para sayo.." pumiyok ang
tinig ng ina..
Marahas na napalingon si Zack at galit na
pinunasan ang luha ng nanay nya.
"Nay !.. Walang nakakaawa !.." galit na
saway ni Zack.
Natawa ng mahina si Ditas..Pero di ito sapat
para paglabanan ang emosyon na unti unti
ng sumisira sa katatagan nya..
Ang anak ang nagsisilbing lakas nya..Pero
ito din ang nagsisilbing kahinaan nya..
Kapag nakikita nyang nahihirapan ang anak,
kusang bumibigay ang puso nya..
Pinigilan nyang umiyak dahil sa nakikitang
pag amba din ng luha sa mga mata ni
Zack..
Ayaw nyang makita ng anak na di sya
matatag..Kaya kahit nahihirapan..Ngumiti
ang ina..
"Magkano naman ang nabenta mo anak?.. "
tanong ni Ditas..
Ngumiti si Zack..
Nilabas nya ang buong limandaan..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas..
"Di aabot ng ganyan ang benta mo..San
galing yan?.." tanong nya..
Ngumiti muli si Zack..
"Sa mabait na lalaki po..Nay konti na lang
yung tinda nyo..Uwi na tayo.." aya ni Zack..
Ngumiti si Ditas at tumango..
Binalot nya ang mga natirang tinda..Ibibigay
nya ito sa Ate nya para pasalubong.
Mabilis silang nagligpit..
Gabi..
Tapos ng maghapunan ang mag ina..Dahil
sa sobrang benta ni Zack..Nagawa nilang
makapag ulam ng konting manok..Kahit na
pilit na itanggi ni Zack..Batid nyang sarap
na sarap ito sa niluto nyang pritong
manok..Katunayan ang nakatatlong balik
ito..Tig isang hita sila..May tinira pa sya
para bukas..Pinatago nya na lang sa
Refrigerator ng Ate nya..
Si Zack ang nag pupunas ng mesa habang
naghuhugas ng plato si Ditas..
Mabilis ang mga naging pagkilos ni
Zack..Ayaw nyang magtrabaho pa ang ina..
Pagtapos ni Ditas na maghugas..Dinampot
nya ang walis pero mabilis itong inagaw ni
Zack.
Tinuro ng anak ang kama ..
Natawa si Ditas..
"Oo na .. Oo na..Magpapahinga na nga eh.."
natatawang sabi nya..
Ngumiti si Zack at sya na ang nagwalis.
Mabilis ang pagkilos nya..
Aabot pa sya ..
Alam ni Ditas ang dahilan kung bakit
nagmamadali ang anak..
Hinahabol nito ang paboritong programa sa
telebisyon..Nakikinood lamang ang anak..
Napapangiti ang ina na nagsesepilyo..
Bagamat matanda ang pag iisip ni
Zack..May mga pagkakataon na
humuhulagpos pa rin ang totoong edad
nito..
Bata pa ang anak nya..
Pero napipilitang mag isip matanda dahil sa
sitwasyon nila..
Pinilig ni Ditas ang ulo..Ayaw nyang makita
ng anak na naiiyak na naman sya..
Parang ninja kung kumilos si Zack sa mga
gawaing bahay..
Humalik ito sa pisngi ng ina at mabilis na
lumabas ng bahay.
Natawa si Ditas.
Ilang saglit lang ang lumipas..Nakapalit na
sya ng damit pantulog..
Bumukas ang pinto..
Malungkot na pumasok si Zack..
Nagtaka naman si Ditas..
"Oh..Tapos na agad?.." tanong nya..
Umiling si Zack at ngumiti ..
"May gagawin pa pala po ako.." palusot ni
Zack..
Pero matunog si Ditas.
"Baket nga?.." tanong nya..
Ngumiti ng malungkot si Zack.
"U-umalis sina Berto Nay..Namasyal
daw...Sarado po bahay nila eh.." malungkot
na na sagot ng bata.
Muling hinaplos ng awa ang pusong ina ni
Ditas..
Inisip nya kung kelang huling nakapamasyal
ang anak..
Ah..Matagal na...Dalawang taon na ata ang
lumipas..
"S-sorry anak...Yaan mo..Pasyal tayo sa
pasko..Pramis ko yan.." pangako ni Ditas sa
anak..
Tumango lamang si Zack..
Malungkot na naupo ang bata sa mesa at
kinuha ang mga gamit pang eskwela..
Napangiti ito ng lihim..
Napangiti din si Ditas..
"Naks...Bago oh.." biro nya..
Di na naitago ni Zack ang ngiti..Sabik nyang
pinaglalabas ang mga bagong biling gamit..
Pinigilan nya ang sarili..
Pilit nyang pinakita sa ina na di sya
nasasabik porke bago..
Ngumiti si Ditas.
"Anak..Matutulog na ako...Maaga pa akong
magluluto bukas eh..Ikaw..Pagtapos nyan
matulog ka na din..Maaga pa pasok mo.."
sabi ng ina..
Tumango si Zack..
Pinalipas nya muna ang ilang sandali..
Ng makatiyak na tulog na ang ina..
Dinampot ni Zack ang isang bagong
kwaderno.
Napapikit pa sya na hinaplos ang cover
nito..
Nilapit sa ilong at inamoy.
Bago..
Sarap gamitin..
Pero di sya nagpadala sa kasabikan..
Nilabas lamang nya ang tatlong bagong
kwaderno at sinilid muli ang pito pa..
Magagamit nya pa ang mga luma nyang
gamit..Saka na ang iba..
Dinampot ni Zack ang lumang bag..
May butas ito..
Ito ang dahilan kung bakit nawala ang
ballpen nya..Nahulog siguro sa butas..
Pinaglalabas ni Zack ang mga lumang gamit
at binuksan ang bagong bag..
Lumabas ang aroma ng bagong biling
gamit.
Napangiti si Zack..
Bago..
Sarap gamitin..
Nilipat nya ang mga lumang gamit..
Dahan dahan..Ayaw nyang magalusan ang
bagong bag..
Pati simpleng pag zipper dito..Di maiwasan
ni Zack ang ngumiti..Sarap ibukas sara ang
bagong bag nya..
Yung luma, nahihirapan syang isara
ito..Pero itong bagong bag
nya..Swabe..Yeah..
Binuksan ni Zack ang kahon ng sapatos..
Ngumiti na parang tanga.
Inamoy amoy ang bagong sapatos.
Sarap..
Pero muli, binalik nya ang sapatos ay sinilid
sa lumang bag.
Magagamit nya pa ang lumang rubber shoes
bilang pamasok..
Mabilis na niligpit ni Zack ang mga kinalat
nya.
Nilabas nyang muli ang isang lumang
kwaderno para mag review..
Di dapat sya magpabaya sa pag aaral..
Ayaw nyang maungusan..
Ito na lamang ang tanging maisusukli nya
sa ulirang ina.
Nakangiting nag aral si Zack ng mga aralin..
Di mapigilan ni Ditas ang lumuha ng
tahimik.. Nakatakip ang isang unan sa ulo
nya para itago ang paninilip sa mga
ginagawa ng anak..
Nangingiti sya nung una.. Dahil siguro sa
kasabikan kaya di maiwasan ng anak na
amuy amuyin ang mga bagong gamit
nito..Pero ng makita nyang hinati ni Zack
ang mga bago at ginamit pa rin ang mga
lumang binili nya..
Duon na dumaloy ang luha sa mga mata
nya..
Mabait, responsable ang anak nya..
Di ito tulad ng iba na maluho..
Nagpapasalamat sya sa Maykapal..
Ito ang nagsisilbing lakas nya..
Marahang pinahid ni Ditas ang mga luha at
tumalikod sa anak.
Natulog syang may ngiti sa mga labi.
Nagkaroon sya ng bagong determinasyon
para ibangon ang anak.
Walang puwang ang pagiging mahina..
Walang puwang ang pagiging iyakin.
Kailangan nyang maging matatag..
Para sa kanya.
Para sa anak.

Chapter 3
Sabina
“Sabina..Gising na..Aba talaga namang bata
ito..” naiiling na sabi ng Yaya..
Dahan dahang dumilat ng mga mata si
Sabina..
Una nyang nahagip ang yaya nyang
nagliligpit ng mga manika nya na nilaro nya
kagabi lang..
Nagtatatalak ito dahil sa dami daw ng
kalat..
Pero tila manhid na ang bata..
Dahan dahan syang tumayo...
Sumandal sa kama at pinanuod ang yaya..
Napatingin naman ito sa kanya..
“Oh?..Uupo ka na lang ba dyan?.. Mag
almusal ka na at paliliguan pa kita..Mamaya
dadating na naman yung school bus mo na
di ka pa ayos...” nakasimangot na bilin ng
yaya..
Binelatan ito ni Sab..
Napailing na lang ang matanda.
Kung di lang dahil sa nawiwiwi na sya.. Di
talaga tatayo sa kama ang bata..
Patingkayad nyang tinakbo ang banyo..
Di na nag abalang suotin ang pambahay na
tsinelas..
Napailing na naman ang yaya..
Ilang saglit pa..Lumabas na si Sab na
bagong hilamos..
“Yaya..Where’s Daddy?..” tanong nya.
Sumagot ang yaya ng di lumilingon sa
kanya..
“Kanina pa nakaalis..Alam mo naman ang
tatay mo..Alas sais pa lang wala na dito sa
bahay..Masyadong masipag yang Daddy mo
eh.. Parang di ka pa nasanay..” dire
diretsong paliwanag ng matanda..
Parang nawalan ng ganang ipagpatuloy pa
ni Sab ang maghapon nya..
“So he forgot..As always..” bulong ng bata..
Napalingon ang yaya nya..
“Ay oo nga pala..May award ka nga pala
ngayon sa school..Di mo ba nasabi sa
Daddy mo?..” tanong ng yaya..
Malungkot na tumingin ang bata sa yaya
nya..
“I told him already..After naming mag
dinner..He said na titingnan daw nya..Pero
look..Wala na sya..” sabi ng bata..
Nakaramdam ng awa ang matandang
katiwala..
Ito ang isa sa sumpa ng pamilya ni Sab..
Masyadong mayaman..
Parang di nila alam na may anak sila..
Nilapag ng butihing yaya ang barbie ng bata
at nilapitan ang alaga..
Lumuhod sya sa harapan nito.
“Alam mo.. Busy lang siguro ang Daddy
mo..Matalino ka namang bata Sab..Alam
kong naiintindihan mo na kailangan nyang
mag hanapbuhay para may makain
kayo..Ikaw na lang ang mag pasensya..”
naawa ang yaya ..
Umamba ang luha sa mga mata ng
bata..Pero agad syang tumingala para
pigilan ito sa pagbagsak..
“Where’s Mom?..” tanong nya.
Bumaling ang tingin ng yaya sa mga
tambak ng laruan..
“T-tulog pa..Ginising ko nga kanina para
sabihin na may Awarding ka ngayon dun sa
essay writing nyo sa school..Pero nagalit
eh..” mahinang sabi ng yaya..
Nagkibit balikat si Sab..
Wala syang pake..
Manhid na sya sa ugali ng ina..
Para pa rin itong dalaga kung kumilos..
Tumayo ang matandang yaya at inabot ang
kamay sa bata..
Nakangiti naman itong inabot ni Sab..
“Dating gawi..Ako ang Lola mo..” landi ng
yaya..
Bungisngis lang ang bata..
Magkahawak kamay nilang tinahak ang
daan papuntang kusina..
Matamlay si Sab sa eskwela..
Bagamat nalalapit na ang Awarding
nya..Parang walang silbi sa kanya ang
nalalapit na paggawad ng parangal..
May school program sila ngayon sa
eskwela..Isa sa highlights ng program ay
ang Awarding na magaganap..Isa nga sya
sa bida ng programa..
Pero wala syang pakealam..
Napabuntong hininga ang bata..
Nakalumbaba sya at nakatanaw sa labas ng
bintana..
Paroo’t parito ang mga tao..
Abala ang mga guro nila sa pag aasikaso
ng program..
May darating atang kilalang personalidad..
Pero wala pa rin syang pakealam..
Naramdaman ni Sab na may humila ng
buhok nya..
Napangiwi ang bata sa sakit na
naramdaman..
Galit nyang nilingon ang kaklase..
Iisa ang dahilan..
Si Bryan, ang bully ng klase..
Inirapan ni Sab ang kaklase..
Pero muli nitong hinila ang buhok nya..
Galit na tumayo ang bata..
“Ano ba?..” singhal nya..
Nagtawanan ang mga batang lalake at isa
isang umalis.
Gigil na muling naupo si Sab..
Binuksan ang bag at nilabas ang suklay..
Pinasadahan nya ng brush ang makintab at
malambot na buhok..
Naramdaman nyang may umagaw dito..
Napalingon ang bata at pagtingin nya..Ang
matandang yaya nya..
Agad napangiti si Sab..Sinalubong ng yakap
ang bata..
“Oh..Ang aga aga nakasambakol yang
mukha mo?..Sinasayang mo lang ang ganda
mo eh..” natatawang sabi ni Sab..
Napasimangot ang bata at nginuso ang mga
kaklaseng lalake na nagtatawanan sa isang
tabi...
Natawa naman ang matanda.
“Ganyan talaga ang mga bata kapag may
gusto sila..Gusto ka siguro nung isa kaya ka
inaasar..Hayaan mo na..Harap ka nga sa
yaya..” pang uuto ng yaya..
Natawa si Sab ng mahina..
“Lola kita ngayon..” biro nya..
Napangiti din ang matanda..
“Ay oo nga pala..Sige..Harap nga sa
Lola?..Aysus na batang ire...Ang ganda mo
talaga ..Para kang yung laruan mong
manika..” puri nito..
Bungisngis si Sab..Muli nyang niyakap ang
yaya..
“Salamat sa pagdating Lola..” mahinang
sabi ni Sab..
Naawa naman ang matanda..Niyakap nya
din ang alaga at hinagod ang likod.
“Sus..Syempre..Dadating talaga ako..Ito
talaga..” nakangiting sabi ng yaya..
Ilang saglit lang ay tinawag na si Sab ng
guro..
“Sab iha..Time to go na.. Magsisimula na
ang program..Ay kayo pala Ma’am..” bati ng
guro sa yaya..
Napangiti lang ang matanda..Kailangan
nyang mag panggap na Lola ng bata kundi
di sya papayagang umakyat sa entablado..
Dapat kamag anak ng estudyante ang
kasama ng bata..
Di sya nagsalita...Para di na magtanong pa
ang guro..
Nakangiting tumango si Sab..
Umalis na rin saglit ang guro..
Sumunod ang mag yaya..
Marami ng tao sa covered court kung saan
nandun ang stage.. Pagdating nila..Agad
syang sinalubong ng isa pa nyang guro para
sabitan ng bulaklak na ginawang kwintas..
Inabutan din nito ang yaya nya..
Tahimik at kimi silang naupo sa isang tabi..
Nagkwentuhan lang ng kung ano ano..
Pinilit ni Sab na isipin na talagang Lola nga
nya ang Yaya nya..Di naman mahirap na
mapalapit ang loob sa matanda..Sadyang
mabait ito..
Wala din naman kasi syang choice..Nasa
ibang bansa ang mga kamag anak na kilala
nya..
At isa pa wala syang close sa mga relatives
nya..
Ang Daddy naman nya ay laging busy sa
trabaho..Di nya naman masisi ang ama
dahil sadyang maunlad ang kompanya nila
ng mga damit..
Ang Mommy naman nya, well, heaven know
kung saang party na naman ito galing
kagabi .. Kasama ng mga sosyal na amiga.
Minsan sumasagi sa isip nya na kung bakit
tila walang pakialam sa kanya ang mga
magulang..
Well, ang alam nya.. Base sa kwento ng
yaya..Twing umuuwi daw ang Daddy nya sa
gabi, di daw ito nakakalimot na bumisita sa
kwarto nya at bigyan sya ng goodnight kiss..
Alam nyang di ito nagsisinungaling dahil
madalas syang maalimpungatan na parang
may malamig at malambot na bagay ang
dumadampi sa noo nya..
Kulang na kulang sa pagmamahal mula sa
magulang si Sab.
Tanging ang yaya nya ang nagsisilbing
kapalit ng mga ito..
Kahit nga sa simpleng okasyon tulad ng
mga programs sa school ay wala ang mga
ito..
Tanging ang yaya nya ang kasama nya..
Iniwasan ni Sab ang maging malungkot..
Alam nyang kasunod na naman nito ay luha
sa mga mata nya.
Natahimik naman ang
yaya..Pinakikiramdaman ang alaga..
Tahimik lang itong nakaupo sa tabi ng mga
kapwa estudyanteng may award din..
Nakangiti ang mukha ni Sab..Pero batid
nyang di ito ngiti ng kasiyahan..
Alam nyang napipilitan lamang itong ngumiti
gawa nga ng nagaganap na program..
Napapatingin ito sa kanya..
At sa tuwing magtatama ang mga mata
nila..Agad syang kakaway at magbibigay ng
flying kiss..
Batid nya ang kahungkagan ng kalooban ng
bata.
Awang awa sya dito..
Nandito ang lahat ng materyal na
bagay..Pero wala ang pinakaimportante..
Ang pamilya..
Matagal na syang naninilbihan sa pamilya
ng mga Delgado..
Dalaga pa lamang sya..Ngayon ay matanda
na sya at nalalapit ng magretiro..
Ng maalala ang nalalapit na pagreretiro ay
muling napabuntong hininga ang matandang
yaya..
Di nya alam kung paano ipaliliwanag sa
bata ang kanyang paglisan..
Nakatanggap sya ng petisyon mula sa anak
na nasa Canada..
Di nya hilig ang maalwang buhay..
Sanay sya sa paninilbihan..
Pero batid nyang di na sya bumabata..
Naiintindihan nya din ang pag aalala at
pangungulila ng mga anak.
Gusto na din naman nyang makapiling ang
mga ito..
Pero paano si Sab?..
Nasa kalagitnaan ng pagmumuni muni ang
yaya ng maramdaman nya na may tumabi
sa kanya..
Paglingon nya ay nag liwanag ang kanyang
mukha ng makita si Saimon..
Sumenyas ito ng huwag maingay..
Bungisngis naman ang yaya..
Si Sab na ang susunod na tatanggap..
Nagsalita ang guro..
“And for the winner for the Best Essay
Writing Contest..No other than.. Sabina
Delgado !..” banggit ng emcee..
Nagpalakpakan ang mga tao..
Ngumiti ng mahinhin si Sab..
Walang silbi ang award nya..
Di nya kasama ang pamilya..
Hinintay nya ang yaya nya na pumanhik
pero nagtaka sya dahil nakangiti pa rin ito
sa upuan..
Sinenyasan nya ang yaya na umakyat..Pero
umiling ito at nginuso ang bandang likuran
nya.
Napalingon ang bata at halos mapanganga
sya ng makita ang gwapong ama..
“D-dad?..” mahinang sabi ni Sab..
Ngumiti ng matamis ang Daddy nya..
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang
kanyang isang kamay.
Magkahawak kamay silang lumapit sa
gurong nakatokang mag bigay ng medalya..
Parang nuon lang napagtanto ni Sab ang
nagaganap na paggawad ng parangal..
Shocked sya sa biglaang pagdating ng
ama..
Nakangiting tinanggap ni Saimon ang
medalya at certificate ng anak..
Isinuot ang medalya sa leeg ni Sab at
hinalikan ito sa pisngi..
“Congratulations anak..Im so proud of you..”
mahinang sabi nito.
Nanigas si Sab sa sinabi ng ama..Kahit
ayaw nya..Bumalong ang masaganang luha
sa kanyang mga mata..
Mahigpit nyang niyakap ang leeg ng ama at
humagulgol sa balikat nito..
Napangiti naman ng mahinhin si Saimon at
inakay sa ibaba ng stage ang anak..
Iyak ng iyak si Sab..
Nauunawaan naman ito ng ama..
Batid nya ang pagkukulang nya..
Naluluhang lumapit ang matandang katiwala
sa mag ama..
“Buti nakarating ka Saimon..” Saimon lang
ang tawag ng yaya dahil sa dati nya ding
alaga ito..
Napakamot sa batok si Saimon..
“Pasensya na kayo ah..Na trapik eh..Hala
..Tama na yan iha at masisira yung image
mo..Ang ganda ganda ng anak ko tapos
iyakin pala..” biro ng ama..
Natatawang sinuntok ng bata ang tyan ng
ama at muling yumakap dito.
Natawa na din ang dalawa.
“Oh..It’s almost lunch time na..Where do
you want to eat.?.. Syempre celebration kasi
nga may award na naman ang baby ko..”
pagmamalaki ni Saimon..
Napangiti ang dalawa.
Nagkatinginan ang mag yaya..
“McDO !..” sabay nilang sigaw..
Nagtawanan ang tatlo at tinahak na nila ang
kotse ng ama..
Habang nasa loob ng sikat na fastfood
resto..Di mapigilan ni Sab ang magkwento
sa ama.
Lahat lahat ng nasa loob nya..
Lahat ng pangarap nya.. Pati yung mga
kinatatakutan nya..
Mga adventures sa school at sa mga field
trips nila.
Lahat ng ito ay pilit nyang pinagkakasya
dahil batid nyang isinisingit lang sya ng ama
sa masikip na schedule nito.
Natatawa si Saimon sa anak..
“Oy..Kumain ka muna kaya?.. “ biro nya.
Napangiti lang ang bata..
Ngumuya at humigop ng coke..
Pero muli itong nagbida sa ama..
Napangiti ang yaya..
Pinagmasdan nya ang alaga..
Ito na ang hinihintay nyang pagkakataon..
Tinitigan nya si Saimon..
Napatingin naman din sa kanya ang lalake.
“May gusto akong sabihin sa inyo..” bungad
ng yaya.
Nahinto sa pagbibida si Sab at nakinig sa
mabait nyang yaya..
Nagpunas naman ng bibig si Saimon..
“Ano yon Nanay?..” tanong nya.
Ngumiti ng malungkot ang yaya at hinaplos
ang buhok ni Sab..
“A-alam nyong matagal na ako sa pamilya
ninyo Saimon..Maliit ka pa lamang..” sabi
ng yaya..
Napakunot noo ang mag ama.
“Alam ko Nanay..At nagpapasalamat po ako
sa inyo..Pati na sa pagtingin tingin ninyo
kay Sab..Di na kayang tumbasan ng pera
ang mga nagawa nyo para sa pamilya.. “
nakangiting sabi ni Saimon..
Ngumiti ng malungkot ang yaya..
“Di ko naman kailangan ng sobrang pera
Saimon...ALam mo yan...Minahal kita na
parang tunay kong anak..” sabi ng matanda.
Sumingit si Sab..
“Eh paano po ako?..” nakasimangot na
tanong ng bata..
Nagtawanan ang dalawa..
“Syempre ikaw ang apo ko di ba?..” sabi ng
yaya..
Tumango si Sab at muling pinagpatuloy ang
pagkain..Nakinig na lamang sya sa dalawa.
“Mahal ko na ang pamilyang ito..Ayaw ko
sanang gawin ito pero kailangan din ako ng
mga anak ko Saimon..” malungkot na
paliwanag ng yaya..
Natigil ang pagsubo ni Sab..Napatingin sa
yaya ..
Di nya magets ang gusto nitong sabihin..
Pero ramdam nya na di ito maganda..
“So..Gets ko na Nanay..Si Ben nga pala
nasa Canada na po ano?..” malungkot na
din ang boses ni Saimon..
Tumango tango ang yaya.
“Gusto kong pormal na magpaalam sa
inyo..Nakuha ko na ang sulat ni
Ben..Approve na daw yung petition ko..Isang
linggo na lamang ako dito..” malungkot na
sabi ng matanda.
Nahindik si Sab...Nabitawan ang kinakaing
burger at tinitigan ang yaya..
“Y-yaya?..” mahinang tawag ni Sab.
Pero di sya nililingon ng yaya nya.
Nagsimula ng bumalong ang luha sa mga
mata ni Sab..
Ayaw nya..
Di sya papayag na umalis ang yaya
nya..Kinalabit nya ang ama..
“Dad..Di naman aalis ng matagal si yaya di
ba po?.. “ tanong ni Sab..
Pero malungkot na tumingin lang ang ama
nya..
Lalong naiyak si Sab..
“Yaya..Sama po ako..” sabi ng bata..
Napailing ang matanda..
Nagdabog si Sab..
“Bakit ayaw mo?..Yaya sasama po ako !..”
sigaw nya..
Pero muling umiling ang yaya nya..
Nagdabog si Sab..
Pinagsisipa nya ang paa ng mesa nila..
Nagalit si Saimon sa anak..
“Sabina !..” saway ng ama..
Natameme si Sab.. Pero di sya tumigil sa
pag iyak..
“Apo..Maiintindihan mo din ang yaya..” sabi
ng matanda.
Naging malungkot ang atmosphere nila..
Tahimik silang kumain lamang.
Ilang saglit..
Binasag ni Saimon ang katahimikan.
“Mahirap na pong maghanap ng
mapagkakatiwalaan sa panahon
ngayon..Alam nyo yan..” malungkot na sabi
ng ama..
Tumango tango ang matanda..
“Alam ko..Kaya bago ako umalis..Ipapakilala
ko sa inyo ang papalit sa akin..Mas
kumbenyente sya dahil magaling syang
magluto..Dagdag pa na magaling din syang
mag alaga..Pero may isang problema..” sabi
ng yaya..
Napating si Saimon..
“Ano yon Nanay?..” tanong nya..
“May anak sya..Kailangan nyang isama ang
anak nya dahil dadalawa na lamang silang
namumuhay..” sabi ng yaya..
Nagkatinginan ang mag ama..
“Yan ho bang taong yan eh rekomendado
nyo?.. Baka ho?.. “ pinutol ni Saimon ang
sasabihin nya.
Tumango ang matanda..
“Alam kong tinutukoy mo..At oo ..
Mapagkakatiwalaan ito..Kaibigan sya ng
anak kong si Lagring ..Yung kinwento ko
dati sayo..” sabi ng yaya..
Napatango si Saimon..
“So kelan po sya dadating?..” tanong nya.
Ngumiti ang matanda..
“Tanggap na ba sya?..” sabi nya..
Napatingin si Saimon sa anak na umiiyak..
“Sige po..Kailangang may tumingin sa anak
ko...Pero baka ho mahati ang atensyon nya
sa anak nya at dito kay Sab..” sabi ng ama..
Umiling ang matanda.
“Marunong ng magsarili itong anak
nya..Matalinong bata ..Makakatulong mo pa
sya sa bahay..Magkakaroon na ng lalaki
habang wala ka..Mabait yon..Sinisigurado
ko sa inyo..” nakangiting sabi nito..
Umiling si Sab..
“Ayaw ko..!..” sigaw nito..
Pero hinawakan ng ama ang kamay ng
anak.
“Baby..You have to accept it now..May
family din si Yaya at kailangan sya
nito..Wag kang maging makasarili
anak..Matagal ng nagtiis si Yaya na malayo
sa pamilya nya..Matanda na sya para
magtrabaho pa..Wag kang ganyan anak..”
paliwanag ng ama..
Humikbi si Sab..
Ngumiti ang yaya nya..
“Susulatan kita apo..” sabi ng matanda.
Hikbi pa rin ang bata.
Napatingin ang ama sa yaya..
“Kelan ho sila pwedeng makausap?..” sabi
ni Saimon..
Ngumiti ang matanda at tumango..
“Sa lalong madaling panahon..” sabi nito.
Dalawang araw ang lumipas..Araw ng
sabado..
May nagdoorbell sa gate ng mga Delgado..
Agad na tinakbo ng yaya ang gate dahil ito
ang araw na napagusapan nila ni Ditas..
Ang magiging kapalit nya..
Agad syang napangiti ng makita ang ulo ng
babae..
Kinawayan sya nito.
“Ditas !..” sigaw ng yaya..
Napangiti din ang babae..
“Aling Salud..!..” sigaw nito.
Lumapit ang yaya at agad na pinagbuksan
ang gate na bakal..
Lumabas sya at nakita nya ang mag ina..
Nakaupo ang anak nitong binatilyo sa gutter
at nagpapahinga..
“Oh Zack..Pumopogi ka ah..” biro ng yaya..
Ngumiti si Zack at lumapit sa dalawa.
“Kayo din po Lola Salud..Ang laki po ng
bahay na to..” puri ni Zack..
Natawa ang yaya..
“Dito na kayo titira mula ngayon..Hala at
ipasok mo ng lahat yan Zack..Bakit konti
lang dinala nyo?..” tanong ng matanda..
Nahihiyang ngumiti si Ditas..
“Yan lang po ang lahat ng gamit namin
Aling Salud..” sabi nya..
Napangiti lang ang matanda at pinapasok
ang mga bagong dating..
Wala pa ang among lalake nya..
Namasyal ito kasama ang mag ina.
Bilang regalo sa pagkakapanalo ni Sab..
Ilang saglit pa..Tinuro ng matanda ang
magiging silid ng mga ito na nasa kusina
din..
Dati nyang silid ito na iiwan na nya..
“Oh ayan..May TV kayo dito at sariling
electric fan..Maalwan ang buhay dito
Ditas..Kung ano ang kinakain ng amo
natin..Yun din ang kakainin nyo..” sabi ni
Aling Salud..
Napatango tango si Ditas ..
“Isilid mo na sa drawer ang mga gamit
mo..” utos nito.
Napangiti si Ditas..
Kung dati rati sa karton ng gatas sya
naglagay ng mga damit nila ni Zack..
Ngayon may drawer na silang sarili..
Ayaw man nya, pero talagang namumuo ang
luha sa kanyang mga mata..
Pilit nya itong tinago sa anak..
“At yung mga gagawin mo dito..Bukas ko
na ituturo sayong lahat..Kabisaduhin mo ha
Ditas?..Ayaw kong mapahiya..” sabi ng
matanda.
Napatango tango lang ang babae..
“M-maraming salamat Aling
Salud..Tatanawin kong malaking utang na
loob ang ginawa nyong ito..” naiiyak na sabi
ni Ditas..
Kumumpas lang ng kamay ang matanda.
“Sige na ..Ilagay nyo ng lahat yung mga
damit nyo..” sabi nya.
Tahimik nilang sinilid ang mga gamit nilang
mag ina.
Kokonti lang naman ito.
Masayang pinanuod ng matanda ang mag
ina ..
Ng matapos ang mga ito..
Inaya nya sa kusina sa kusina si Ditas at
Zack..
Naupo ang mga ito sa upuan at
pinagpatuloy ang pag mimiryenda..
“Basta sa umaga..Alas sais pa lang umaalis
na si Saimon..Yung among lalaki..Ganun
talaga kaaga..Dapat handa na ang almusal
nya..Ayaw nya sa light breakfast
Ditas..Dapat may sinangag sa
mesa..Naiintindihan mo ba?.. Kaya mo bang
gumising ng mas maaga pa sa alas
singko?..” tanong ng matanda.
Tumango si Ditas..
Sisiw sa kanya ang pag gising ng maaga
dahil sanay sya dito..
“At ikaw Zack..Kung kaya mo... Halinhinan
mong linising yung tatlong kotse..Depende
sa araw ang pag gamit nyan..Yung Van
twing sabado..Tapos yung itim na kotse sa
among lalake yon..Yung pula sa
babae..Kaya mo ba iho?..”tanong pa nito.
Tumango si Zack..
“Pati yung halaman..Sayo na yon..Kaya mo
ba ?.. “ muli nitong tanong..
Muling tumango ang bata..
“Ayos na pala eh..Yung normal na gawaing
bahay..Kayang kaya nyo na yan...AKo ngang
mag isa nakaya ko..Kayo pa kaya..Wag
maglilikot ha Zack..Kung makakita ka ng
nakakakalat na pera..Wag na wag mong
pupulutin..O kaya pulutin mo tapos ibigay
mo agad kay Sir Saimon mo..Okay ba?..”
tanong ng matanda.
Nagkandailing si Zack..
“Di ko po kayang magnakaw “ sabi nito..
Napangiti ang matanda at ginulo ang buhok
ng bata..
“Good good..Ditas ..Yung paglalaba twing
Sabado..Plantsa sa Linggo tapos pwede ka
ng magpahinga ng buong araw matapos
mong magplantsa..Day Off nyo yon..”
nakangiting sabi ng matanda..
Napangiti ang mag ina at sabay na
tumango.
Ilang saglit pa ay nagdilim na..
Nagluto sila ng hapunan..
May narinig silang busina..
Tinapunan ng tingin ni Aling Salud si Zack
na nagpupunas ng mga muwebles..
“Ikaw na iho..Kapag tinanong ka..Sabihin
mo na ikaw yung anak nung bagong
katiwala..” nakangiting utos ng yaya..
Mabilis ang naging pagkilos ni Zack.
Agad nyang tinungo ang malaking gate na
bakal at binuksan ito..
Pumasok ang itim na kotse..
Pumarada..
Isa isang bumaba ang mag anak at
napatingin sila sa bagong dating..
Nilapitan ni Saimon ang binatilyo..
“Sino ka iho?..” tanong nya..
Nahihiyang sumagot si Zack..
“A-ako po yung anak ng bagong katiwala S-
sir.” sabi nya..
Inangat ni Zack ng ulo nya at nanlaki ang
mga mata nya..
“Ikaw ?.. “ sabi ni Saimon..
Napanganga naman si Zack.
“K-kayo po pala ang may ari nito..”
mahinang sabi nya.
Natawa si Saimon at inakbayan ang bata..
“Sus..Kayo palang mag nanay
yon..Ahaha..Okay na...Sige..Tanggap na
kayo..Isara mo na yan..Kumain na ba
kayo?..” tanong nya..
Umiling si Zack..
“Ah ganun ba... Sige mag hapunan na
kayo..Bukas na tayo mag usap usap
lahat...Pagod kami eh..Kumain na kami sa
labas..Ito ngang si Sab nakatulog na oh..”
sabi ni Saimon..
Tumango lang si Zack at yumuko..
Napangiti si Saimon sa kakimian ng
binatilyo..
Hinayaan na lamang nya ito..
Sa isip isip ay masasanay din ito sa bahay
nila.
Binuhat nya ang anak at inakyat sa kwarto
nito..
Kampante syang nagpalit ng damit at
tinabihan ang kabiyak na himbing ng
natutulog..
Di na sya nag alala sa bahay nya dahil batid
nya na malinis ang kalooban ng mga
bagong katiwala.

Chapter 4
Maagang nagising si Sabina kinabukasan
Masayang masaya ang pakiramdam nya
dahil naalala nya pa ang pamamasyal nila
ng parents nya kahapon..Bihirang bihira
itong mangyari..
Takbo agad sya sa kwarto ng ama at ina..
Napangiti ang bata ng makitang tulog pa
ang mga ito..
Tinakbo nya ang distansya at agad na
tumalon sa kama.
"Wake up !.." tili ng bata...
Naalimpungatan ang mag asawa.
Asar na muling nagtalukbong ang ina ni
Sabina..
"What are you doing Sabina..Can't you see
were still sleeping?.." paos ang boses ng
ina.
Napasimangot ang bata. Pero bigla din
syang napahiyaw ng maramdaman ang
pagkiliti ng ama..
"You woke up too early huh.." lambing ni
Saimon..
Napangiti ang bata..Niyakap nya ang ama..
"Dad..I'm hungry.." suyo ni Sab..
Hinalikan ni Saimon ang buhok ng
anak..Binuhat nya ito at dinala sa banyo
para linisan..
Ilang saglit lang matapos mag linis ang
mag-ama .. Sabay silang lumabas ng
banyo..Saglit na sinulyapan ni Saimon ang
natutulog na kabiyak..Napailing na lang
sya..
Hawak ang kamay ng anak..Lumabas ng
kwarto ang mag-ama sabay baba sa
hagdan..
Nasalubong nila si Aling Salud..
"Oh..Ang aga nyong mag ama ah.." bati
nito.
"Good Morning yaya." bati ni Sab..
Ngumiti ang matanda..
"Aba..Good mood ang alaga ko ah.." puri
nya..
Napangiti na lang si Saimon..
"What's for breakfast yaya?..".. tanong ng
bata..
Ngumiti ang matanda at nagkibit balikat..
"Ewan ko..Di naman ako nagluto eh.." sabi
nya..
Nagtaka ang mag ama..
Inakay ng matandang katiwala ang dalawa
patungong kusina..
Pagbungad pa lamang ay amoy na nila ang
masarap na amoy ng ginisang bawang..
Agad silang natakam..Di na nagpigil pa si
Saimon..Pumasok na sya sa kusina..
Nabungaran nya ang mag ina na
nagluluto..Abala ang mga ito..
"Zack anak..Patapos na itong niluluto
ko..Tawagin mo na si Lola Salud mo para
sya na ang tumawag sa mga amo
natin..Nakakahiya kasi kung ikaw ang
tatawag eh.." nakatalikod si Ditas..
Pati si Zack na naghuhugas ng mga pinag
gamitan ay nakatalikod sa pinto ng kusina..
Napangiti ang lahat maliban kay Sab..
Kunot ang noo ng bata dahil di nya kilala
ang mga ito..
Kinalabit ng bata ang yaya at tatay nya..
"Who are they?.. tanong ng bata..
Pero imbes na sagutin..
Tumikhim si Saimon para iparamdam ang
presensya nila..
Gulat na napalingon ang mag ina ..
"Ay..K-kayo po pala..M-magandang umaga
po.." bati ni Ditas..
Ngumiti sina Aling Salud at Saimon..
Pumasok na sila sa loob para maupo..
Agad namang inayos ni Zack ang mesa..
Napatingin ang bata kay Zack..Kunot ang
noo..
Napasimangot na tiningnan si Aling Salud..
"Yaya..Sino po sila?.. " tanong ng bata..
Agad namang pinakilala ng matandang
katiwala ang mga bagong kasambahay..
"Ah..Ito nga pala si Ditas..Sya yung sinasabi
ko sayo Saimon na kaibigan ng anak ko..At
ito naman ang anak nyang si
Zack..Mapagkakatiwalaan yang mga yan
iho.." pakilala ni Aling Salud..
Tumango tango si Saimon ..Tinapunan nya
ng tingin ang ina ni Zack ..
Maganda ang ina ng bata..Di kataka taka na
gwapo si Zack bagama't payat..
"Magandang umaga naman sa inyo..Ako si
Saimon..At ito naman ang anak kong si
Sabina..Sab, say Hi to our new family
members.." mabait na bati ni Saimon..
Napasimangot si Sab..Tinapunan nya ng
tingin si Ditas..Pagkatapos ay kay Zack..
Lalong napasimangot ang bata..
Napayuko sa hiya si Zack.
"Anak, say Hi sabi eh.." utos ng ama..
Napilitan ang bata na sumunod..
"Hi po.." bati nya..
Ngumiti ng kimi si Ditas..Nanatiling
nakayuko si Zack..
"Oh tapos na ata kayong mag luto..Halika
na para magsabay sabay na tayo.." utos ni
Saimon..
Napailing ang mag ina..
"P-pagkatapos na lamang ho ninyo s-sir.."
nahihiyang sabi ni Ditas..
Napatingin si Saimon kay Zack..
"Zack..Di mo pa ata nasasabi sa nanay mo
eh.." bungad nya..
Tumingin si Ditas sa anak..Nagtatanong ang
mga mata..
Umangat naman ang tingin ni Zack sa ina..
"Nay..Sya po yung bumili ng mga gamit ko
sa eskwela..Yung sinasabi kong mabait na
lalaki.." pakilala ni Zack..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas..
Napayuko sya at nahihiyang nagpasalamat
sa lalake..
"Naku..Maraming maraming salamat po
talaga sa kabutihang loob ninyo na tulungan
ang anak ko..Maraming salamat po
talaga..Napakalaki po ng pagkakautang
namin sa inyo..Kahit ibawas na lamang po
ninyo sa sweldo namin ni Zack.." hiyang
hiya si Ditas..
Natawa si Saimon at kinumpas ang
kamay..Inabot nya ng ulo ni Zack para
guluhin ang buhok..
"Sus naman itong dalawang to..Ano ba ito
Nanay Salud?.. Tsk tsk.." natatawang sabi
ni Saimon sabay baling ng tingin kay Aling
Salud na nangingiti na din..
Kunot noo na naman si Sab na nakatitig
lang kay Zack..
Natawa lang ang matandang katiwala..
"Wala yon no..At hindi ko ibabawas sa
sweldo nyo yon.." sabi ni Saimon..
Namuo ang luha sa mga mata ng mag ina..
Pero agad itong inawat ng lalake..
"Hep hep..Sige..Pag umiyak kayo..Babawiin
ko yon..Ahaha..Di no, biro lang..Kumain na
nga tayo..Hmm..Mukhang masarap itong
hinain nyo ah.." napahimas pa sa tyan si
Saimon..
Napangiti ng kimi ang mag ina.
Naupo na si Aling Salud..Tinuro nya ang
mga kalapit na silya medyo malayo sa mag
ama..
Napailing na lang si Saimon ..Batid nyang
nahihiya ang mag ina pero pasasaan ba at
masasanay din ang mga ito..
Sabay sabay silang kumain..
"Kain ng kain..Naku ang sarap talaga..Kaw
ha Ditas..May talent ka sa pagluluto.." puri
ni Saimon..
Namula ang mga pisngi ni Ditas ..Kimi
syang ngumiti sa among lalake..
Di talaga tinatantanan ng tingin ni Sab si
Zack na nakayukong kumakain..
Pero infairness..Masarap talaga ang
pagkain..
Napansin nyang ubos na pala ang kanin nya
kaya umabot pa sya ..Pero maliit lamang
ang mga braso nya..
Agad namang sinandukan ni Zack ng kanin
ang bata..
Napasimangot lang si Sab imbes na
magpasalamat..
Napangiti si Saimon kay Zack..
Mukhang mabait talaga ito..
Natapos ang masaganang almusal..
Busog na busog ang mag ama sa sarap ng
inihanda ng mag ina..
Naalala ni Saimon ang tinda ni Zack na
kakanin..Paborito nila itong mag
ama..Napatingin sya sa babaeng
naghuhugas ng plato..
"Ah Zack..Sino nga ulit yung nagluto nung
kakanin na binili ko sayo?.." tanong nya.
Napatingin si Zack sa ina..
Kiming napangiti lang si Ditas..
"Ah ...Masarap talaga yon sobra..Pwede
bang igawa mo kami non every sunday?..
Kung okay lang sayo.." utos ni Saimon..
Tumango ang babae..
"Oho naman sir.." sabi nya..
Kinumpas ni Saimon ang kamay..Umiling
iling..
"Saimon..O kaya Mon nalang..Wag ng
sir..Di naman ata nalalayo ang edad natin
eh..At ikaw Zack...Tito Saimon or Tito
Mon..Kapag tumanggi ka..May palo ka sa
pwet.." biro pa nya..
Nagkatinginan ang mag ina..Mahinhin silang
napangiti sa isa't isa..
"S-sige ho..S-saimon.." mahinang pagtango
ni Ditas..
Muling umiling si Saimon..
"Wala ng ho at po ..Si Zack na
lang..Ahahaha..Anyway, if ever na may
kailangan kayong mag ina..Just tell me na
lang okay?... At pagtapos nyo dyan .. Follow
me sa garden.. May pag uusapan tayo in
terms of sweldo and benefits okay?.."
nakangiting bilin nya..
Napatango ang mag ina..
Nakangiti namang umalis si Saimon
..Pinuntahan nya ang anak na nanunuod ng
TV..
Nilampasan nya na lamang ito, dumiretso na
sya sa garden..
Di nagtagal, may tumikhim sa likod nya..
Agad syang napalingon at napangiti sa mag
ina.
Minwestra nya ang kaharap na bakal na
upuan..Tahimik na umupo sina Ditas at
Zack..
Natawa bigla si Saimon..
"Hoy!..Wag nga kayong mahiya..Ituring nyo
na kaming parang pamilya nyo dito..Ganito
talaga kami nina Aling Salud dito sa
bahay..Parang Lola na sya ni Sab ..Parang
nanay ko na din sya since sya ang dati kong
yaya.." bungad ng lalake..
Ngumiti ang mag ina..Tumingin sila sa
among lalake..
"Anyway..Tulad ng nasabi ko na..Since na
wala kaming kasama dito..Teka.. Stay-in ba
kayo o uwian?.." tanong nya..
Sumagot si Ditas..
"P-pwede po bang Stay-in?.." sabi nya..
Ito ang matagal na pinag-isipan ni
Ditas..Kapag umuwi pa sila sa inuupahang
bahay..Mapapagastos lang sila sa pagbayad
ng upa, kuryente at tubig..Kapag dito sila
maninirahan..Maayos na tirahan, masasarap
na pagkain at may TV pa ang magiging
kwarto nila..Para sa anak nyang si Zack..
Tumango si Saimon..
"Yun naman talaga ang gusto ko..Pero
syempre..Kayo ang mag dedecide..Since na
stay-in na nga kayo..Ituring nyong parang
bahay nyo na din itong bahay namin..Okay
ba yon?.." wika nya..
Napangiti ng mahinhin ang mag ina.
Lumapit si Sab sa ama ..Niyugyog ang
braso nito..
"Daddy..I want milk.." ungot ng bata..
Agad na tumayo si Zack..
"Ako na po sir.." sabi nya..
Kunot noo si Saimon..
Nahiya si Zack..
"Ako na po T-tito.." mahinang ulit nya..
Ngumiti ng matamis si Saimon..
"Oh baby..Si kuya Zack na daw ang mag
pe-prepare ng milk mo..Come, sunod ka sa
kuya.." utos ng ama.
Napasimangot ang bata..Tinitigan nito si
Zack na nakayuko..
Nagdabog si Sab..Pumasok sa loob ..
Nahiya naman si Saimon sa inasal ng anak..
"Pagpasensyahan nyo na si Sab..Mahiyain
lang kasi yan sa ibang tao..Masasanay din
sya sa inyo.." sabi nya.
Tumango ang mag ina..
Sumunod na si Zack sa bata..
Naiwan sina Ditas at Saimon sa garden..
"So yun nga..Ituring nyong parang bahay
nyo na ito..If ever na may kailangan kayong
gamit..Wag kayong mahihiyang sabihin sa
akin o kaya kay Bridgette..Yung asawa
ko..Tulog pa kasi eh.." sabi ng lalake..
Tumango si Ditas..
"Tapos..Kain lang kayo kung gusto
nyo..Walang problema kahit ano galawin
nyo dyan sa ref .." nakangiting sabi ni
Saimon.
Muling tumango si Ditas..
Natawa ang lalake..
"Para kang pabo..Tango ka lang ng tango
ah.." natatawang sabi nya.
Natawa na din si Ditas..
"Eh wala akong ibang masabi eh...Kesa
naman puro salamat.." nakangiting sabi
nya..
Unti unting napapalagay ang loob nila sa
isa't isa..
"Sabagay nga naman..Anyway, yung sahod
nyo...Katulad na lang din kay Nanay
Salud..Five Thousand Monthly sayo tapos
Three Thousand kay Zack plus benefits and
bonus..Like yung sa pasko..Pero okay lang
ba kung wala kayong day off?.. Lumalaki na
kasi si Sab eh.." sabi ni Saimon..
Nanlalaki ang mga mata ni Ditas..Walong
libo kada buwan...Dagdag pa ang mga
benepisyo..
Ni sa hinagap ay di nya maisip ang sarili na
humahawak ng ganoong kalaking
pera..Naluha si Ditas..Makapagaaral na din
si Zack ng maayos..
"Oh oh..Wag kang umiyak no..Anong
nakakaiyak don?.." saway ni Saimon..
Agad pinahid ni Ditas ang mga luha sa
kanyang mga mata..
Natawa sya ng bahagya..
"Pasensya na..Ang iniisip ko kasi Dalawang
Libo lang ang sasahurin namin ng anak ko
kasi nga libre na lahat..Salamat talaga S-
saimon.." naiiyak na sabi ni Ditas..
Natawa si Saimon ng mahina..
"Ikaw naman...Tulad nga ng sinabi ko sa
inyo...Pamilya na tayo..Tsaka all around
naman gagawin nyo dito..Kaya dapat lang
na malaki ang sahod nyo..At hiwalay kayo
ni Zack..Teka..May kamag anak ba kayo?.."
tanong nya..
Tumango si Ditas..
"May nakatatandang kapatid pa ako..Duon
kami dati nangungupahan sa likod ng bahay
nila.." imporma nya..
Tumango naman ang lalake..
"So yun nga..Starting now yung start nyo
dito..Feel free..Hanggang 8PM lang ang
work nyo sa may time kayo para manuod ng
TV or kahit anong gusto nyo.." dagdag pa
nya..
Tumango tango si Ditas..
"Okay na ha..Welcome to the family na
lang..Wait mo ko dito para pirmahan yung
contract nyo..Pagsamahin ko na lang yung
sa inyo ni Zack.." sabi ni Saimon..
Nagkamay silang dalawa..
Akmang aalis na ang lalake ng humabol pa
si Ditas..
Tumingin sa kanya si Saimon ng nakangiti..
"Ano yon?.." tanong nya..
Ngumiti ng kimi si Ditas..
"Eh si Zack kasi..Nag aaral sya ..May pasok
sya sa umaga..Ayos lang ba na pumasok
sya?.." nahihiyang tanong nya.
Naupong muli si Saimon..Napaisip..
Kinabahan si Ditas..
"Oo nga pala..Teka saan ba sya nag
aaral?.." tanong ng lalake..
Sinabi naman ni Ditas ang pangalan at lugar
ng eskwelahan ni Zack sa dati nilang
tinitirhan..
Natahimik si Saimon..
"K-kahit bawasan mo na lang yung sweldo
ni Zack..Kasi half day lang sya eh.." sabi ni
Ditas..
Pero umiling ang lalake..
"Oy, no need for that..I was thinking that
maybe, I-trasfer ko na lang si Zack sa
school ni Sab since na medyo malayo yung
school nya from here..Gagastos pa kayo ng
pamasahe..Where kung magkaschool silang
dalawa..May service na sila pareho, tapos
may titingin pa sa anak ko..Ayos yun di ba?.
" nakangiting paliwanag ni Saimon..
Napangiwi si Ditas..Napansin ito ng lalake..
"Oh baket?.. Ayaw mo ba don?.. " tanong
nya..
Yumuko ang babae at pinaglaruan ng
kamay ang mesang salamin..
"S-sabi ni Aling Salud..Sa private school
daw nag aaral si Sab..Di ko kayang pag
aralin si Zack duon..P-pasensya na..Pero
kung gusto mo...Ihahatid sundo na lang sya
ni Zack.." mahinang sabi ni Ditas..
Natawa si Saimon ng bahagya..
"May sinabi ba akong ikaw ang gagastos?..
Syempre ako na magpapaaral kay Zack mula
ngayon no.." natatawang sabi nya..
Umangat ang tingin ni Ditas sa lalake..Muli,
namuo ang luha sa kanyang mga
mata..Napapikit sya at muling dumilat..
"H-ha?.." tanging nasabi nya.
"You heard it right..Ako na magpapaaral kay
Zack from now on..Hanggang sa makatapos
sya.." paliwanag ni Saimon..
Humikbi si Ditas..Pinunasan nya ang mga
luha pero talagang umagos na ito pababa..
"S-salamat ng marami sayo...Napakalaking
tulong itong ginagawa mo..Asahan mong
pagsisilbihan namin kayo hanggat gusto
nyo.." madamdaming sabi ni Ditas..
Umiling si Saimon..
"Wala yon no..Sus naman..Gusto ko lang
makatulong..Tsk..Sige na nga..Dyan ka lang
at kukunin ko muna yung kontrata..Para
naman may panghawakan tayo sa isa't
isa..Wag mong mamasamain yon ah..?.. "
paliwanag nya.
Tumango tango si Ditas sa lalake..
Nakangiting pumasok ng bahay si Saimon..
Lumiko sya muna sa kusina para
kamustahin ang anak..
Pagbungad pa lamang nya ay rinig nya na
ang pag uusap nina Sab at Zack..
"Anong name mo?.." tanong ng batang
babae..
"Zackarias Hidalgo..Ikaw?.." tanong ni
Zack..
"Sabina..Ilang taon ka na?.." boses ni Sab..
"Mag 10 na ako sa February..Ikaw?.." boses
ni Zack..
Rinig pa ni Saimon ang tunog ng pagpingki
ng kutsara sa babasaging baso..
"Ay!..Ako din eh!.. February din Birthday
ko !..7 na ako .." sabi ng batang babae..
Lalong napangiti si Saimon..
"Ahaha..Ang galing no..Magkaparehas tayo
ng Month.." nangingiting sabi ni Zack..
Sinilip ni Saimon ang mga bata..Nakita
nyang nakaupo si Sab sa high chair nito
habang hinahalo ni Zack ang isang basong
gatas..Inabot ng batang lalake ang gatas sa
batang babae..Tinikman naman ito ni
Sab..Nilasahan..Saglit lang ay napangiti ito..
"Ang sarap ah..Gawa mo ulit ako bukas
ha.." sabi ni Sab..
Tumango naman si Zack..
"Ayos lang..Kung gusto mo, araw araw na
kitang titimplahan..Basta okay lang sa
Daddy mo.." sabi nya..
"Mabait si Daddy ko.. Okay lang don no.."
sabi ng bata..Muli itong uminom..
Napangiti si Saimon sa pagmamalaki ng
anak..
"Ah mukha nga..Ang swerte mo..May mabait
kang magulang.." malungkot na sabi ni
Zack..
"Bakit?..Nasaan Daddy mo?.." inosenteng
tanong ni Sab..
Lalong nalungkot si Zack..
"W-wala na..Patay na daw sabi ni Nanay.."
sabi nito..
Nahabag naman ang puso ni Saimon sa
sinabi ng batang lalake..
Napaisip si Sab..
"Sige..Gusto mo hiram mo Daddy ko?..
Basta wag mo kunin ha..Bait yon .."
suhestyon ng bata..
Natawa si Saimon sa sinabi ng anak..
Natawa din si Zack..Ginulo nya ang buhok
ng batang babae..
"Ngek..Di pwede no..Pero ayos lang..Andyan
naman si Nanay eh..Masaya na ako sa
kanya..Kaya dapat ikaw, wag kang
magpapasaway..Kasi maswerte ka, buo ang
pamilya mo eh.." pumiyok ang tinig ni
Zack..
Kunot noo ang batang babae..
Mabilis nitong naubos ang gatas ..
Humingi pa ito kay Zack pero tumanggi na
ang batang lalake..
Napasimangot si Sab at nagdabog..
"Di na pwede..Kasi nakarami ka na
eh..Mamaya naman pagtulog mo..Wag ka
na magalit.." saway ni Zack.
Napangiti si Saimon..Nagpasya syang iwan
na ang mga bata ..Baka naiinip na si Ditas
sa garden..
Pumanhik sya sa kwarto nilang mag
asawa...Agad nahagip ng mga mata nya
ang asawa na himbing pa ring
natutulog..Napailing na lang si Saimon..
Tinungo nya ang drawer ..Kinuha ang Flash
Drive at muling lumabas ng kwarto..Tinungo
naman nya ang library kung saan naruon
ang computer..
Saglit nyang hinintay na sumindi ito..Nang
ayos na, sinaksak nya ang Flash Drive at
hinanap ang kopya ng kontrata na ginagawa
nya para sa mga ganitong bagay..
Inedit nya ang mga pangalan at kung
magkano ang sweldo nito..
Ng matapos ang lahat..Saglit nya itong
pinasadahan para ma double
check..Binuksan nya ang printer..Hinintay na
ma print ang kontrata..
Sya na ang unang pumirma..Hawak ang
mga dokumento..Muli syang lumabas ng
library at pinuntahan si Ditas sa garden.
Paglabas nya, wala na ang babae sa upuan
nito..
Nagtaka naman sya pero saglit lang itong
nawala..
Hawak pala nito ang hose at dinidiligan ang
mga halaman na matagal ng walang nag
aasikaso..
Napangiti na lang si Saimon..
Nilapag nya ang kontrata at muling naupo..
Pinagmasdan nya ang pagdidilig na
ginagawa ng babae..Mukhang napansin na
nito ang presensya nya kaya napatingin ito
sa gawi nya..Nahihiyang ngumiti ang
babae..Pinatay nito ang hose sabay
nagpunas ng kamay..Muli itong naupo sa
tapat nya..
"Sorry..Tagal mo eh.." mahinang sabi ni
Ditas..
Ngumiti lang si Saimon..
"Eh chineck ko lang yung mga
bata..Mukhang mag kasundo na
sila..Anyway, eto na ..Dito ka pumirma.."
tinuro ni Saimon ang dapat na pirmahan ni
Ditas.
Mabilis naman itong nagawa ng babae..
Nagkamay silang dalawa..
"Teka, marunong ka sa gardening?.. "
tanong ni Saimon..
Umiling si Ditas..
"Si Zack ang mahilig dyan..Kasi may
alagang orchids yung kapatid ko..Sya yung
nag aalaga nun dati..Diniligan ko lang
naman eh.." nakangiting paliwanag ng
babae..
Napaisip si Saimon..
"Okay lang ba na sya na ang mag alaga ng
mga yan?..Wala na kasing nag aasikaso
eh..Di naman maharap ni misis..Kasi di nya
hilig yan eh..Ako lang ang nagpalagay nyan
kasi nga maganda ang aura ng maraming
bulaklak.." sabi nya..
Ngumiti si Ditas..
"Oo naman no..Sige..Sabihin ko sa
kanya..Kanina pa nga nya gustong
pakialaman yan eh..Kating kati na sya
kahapon pa..Mukha daw di napuputulan ng
mga tuyong dahon.." sabi nito..
Ngumiti sila sa isa't isa..
Muli silang nagkamay at napaalam na si
Saimon sa babae.
Pumasok ito..
Nadatnan nya ang anak at si Zack na
nanunuod ng telebisyon..
Agad na tumayo ang batang lalake..Pero
pinigilan ito ni Saimon..
"Sige lang ..Wala namang gagawin eh..Nuod
muna tayo..Ano na nangyari anak kay
Dora?.." tanong ng lalake sa anak nito..
Tumabi sya sa bata..
Ngumiti si Sab sa ama..
"She's going to help the baby bird to find
her way home..Swiper no swiping !.. Swiper
no swiping !.. Swiper no Swiping !!!!.." tili ni
Sab..
Napangiti sina Saimon at Zack sa bata..
Nagpapadyak pa si Sab..
Di naman maintindihan ni Zack ang
pinapanuod ng bata..
Pero enjoy naman sya kaya nanuod na lang
sya..
Mabilis na lumipas ang maghapon sa
pamilya..
Nakilala na din ng mag ina ang asawa ni
Saimon na si Bridgette..Pormal lang ang
pakikitungo ng babae..Di tulad asawa nito
na magiliw at mabait..
Gabi na, magkatabing nakahiga sina Zack at
nanay nya..
Binuksan ni Zack ang paksa na kanina pa
sya nahihiyang sabihin..
"Nay..Pano bukas?..Papasok po ako..M-
may pera po ba tayo na ipang papamasahe
ko?..Okay lang po saken kahit walang
baon.." mahinang sabi ni Zack..
Napangiti ang nanay nya..
"Baka tumigil ka na sa pagpasok don anak..
" bungad ni Ditas..
Di naitago ni Zack ang pagkabigla..
Napaupo sya at tumitig sa ina..
"N-nay..Kahit po lakarin ko na lang..A-yaw
ko pong tumigil...Makikiusap po ako kay Sir
Saimon na kahit wag na akong
swelduhan..Ayaw ko po talagang tumigil sa
pagpasok nay.." naiiyak na sabi ni Zack..
Natawa naman si Ditas..
"Sino ba nagsabi sayo na titigil ka?.."
nakangiting sabi nya..
Nagtaka si Zack..
"Sabi nyo baka di na ako pumasok dun sa
school?.." tanong nya.
Tumango ang nanay nya..
"Tama..Sabi ko nga na baka di ka na
pumasok don..Pero di ko sinabing titigil ka
na.." natawa si Ditas sa itsura ng anak.
Nakanganga si Zack..
Di malaman kung iiyak o maiinis sa ina..
"Nay naman eh.." reklamo ni Zack.
"Haha..Kasi napagpasyahan ko na ilipat ka
na ng school..Dun sa private..Para mas
mapagbutihan mo ang pag aaral mo.." biro
ni Ditas..
Natawa si Zack..
"Nanay oh..Nagiging joker na.." sabi nya..
Pero nagseryoso si Ditas..
"Di ako nagbibiro anak..Pero joke lang yung
ako ang magpapaaral sayo..Si Saimon.."
sabi nya..
Nagulat si Zack... DI sya makapaniwala sa
sinabi ng ina..
"T-talaga po nay?.." tuwang sabi ni Zack.
Tumango si Ditas sa anak..
"Ang bait talaga ni Tito Saimon.." sabi nya..
Naluha na si Ditas pero di nya ito pinakita
sa anak..
"Oo anak, kaya wag mong sirain ang
pagtitiwala at kabaitan nila..Magsipag ka sa
mga gawaing bahay dito..Wag mong
hintayin na utusan ka pa nila..Magkusa na
lang tayo.." bilin nya kay Zack.
Tumango tango ang bata..
"Opo nay..Mag aaral din po akong mabuti
para di ako mapahiya sa kanila..Matutupad
na yung pangarap ko nay.." nakangiting sabi
ni Zack..
Naluha si Ditas sa anak..
Alam na alam nya ang pangarap ni Zack
..Pero di nya ito kayang ibigay..Nuon,
ngayon posible na ang pangarap ng anak
nya..
Hinaplos ni Ditas ang pisngi ng anak..
"Ano nga ulit ang pangarap mo anak?.. "
tanong nya.
Ngumiti si Zack sa ina..
"Ang maging isang magaling Doktor balang
araw inay .. " sabi nya..
Ngumiti ng maluwang si Ditas.

Chapter 5
Maagang nagising si Zack kinabukasan
Kailangan nya pang maghanda para sa
eskwela..
"Anak..Ang aga mong nagising ah."
nakasalubong ni Ditas ang anak sa kusina..
Ngumiti ng kimi si Zack ..Lumapit sya sa
lababo para maghilamos..
"Nanay talaga, may pasok po ako di ba?.."
natatawang sabi nya..
Sinalang ni Ditas ang sinaing..Sinet nya ito
sa rice cooker pagkuwa'y binalingan ang
anak..
"Di ba napag-usapan na natin yan
kagabi?.." kunot noo si Ditas..
Lumingon si Zack sa ina...
"Oo nga po..Pero ano pong gagawin
ko?..Hihinto na lang basta?.." tanong nya..
Bago pa masagot ni Ditas ang anak, may
boses ng sumingit..
"Di mo kailangang huminto Zack, kakasapin
ko na lang yung teacher at principal mo
para ma-transfer ka na agad..Para sa
martes dun ka na sa school ni Sab
papasok.." singit ni Saimon..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..Akala nya,
sa mas malapit na eskwelahan lang sya
ililipat..At ang akala nya sa susunod na
pasukan pa..
Naupo si Saimon sa bakanteng silya.
"Kape naman Ditas.." lambing nya..
Agad na sumunod ang babae sa inutos ng
amo..
"Ang aga mo naman atang nagising?.."
bungad ni Ditas ..
Ngumiti lang ang lalake..
"Ganito talaga ako..Di pa ba nasabi sa inyo
ni Nanay Salud?.." sabi ni Saimon..
Umiling ang mag-ina..
Bumaling ang tingin ni Saimon sa batang si
Zack..
"Sasamahan kita ..Hintayin mo ko dito ng
mga tanghali, tapos pupunta tayo sa
eskwelahan mo para maayos na ang
transfer mo..Para sa martes duon ka na sa
eskwelahan ni Sab.." humigop sya ng kape..
Napayuko si Sab..
Wala sa hinagap nya ang makapag ara sa
paaralan ng mayayaman..Ang nais nya
lamang ay makapagtapos..Kahit saang
eskwelahan..Pero syempre, di din sya
ipokrito para tanggihan ang alok ng mabait
na among lalake..
Marahang tumango ang bata..
"Matataas ba ang grado mo iho.." tanong ni
Saimon.
Nahihiyang ngumiti si Zack..
"S-sakto lang po T-tito.." sabi nya..
Ngumiti lang si Saimon..Mahiyain talaga
ang bata..Humble pa..
"Mag aaral kang mabuti .. Di lang naman
kita pag aaralin duon para mag pasarap
lamang ... Gusto ko din syempre makita ang
magiging bunga ng pag aaral mo..Pero wag
mo namang isipin na kailangan mong
maging pinaka mataas..Basta mag aral ka
lamang mabuti..Yun lang ang hihingin kong
kapalit sayo iho.." nakangiting pangaral ni
Saimon..
Tumalikod si Ditas para itago ang
emosyon..Sa isip isip nya, mukhang
nagbubunga na ang matagal na nilang
paghihirap..Mukhang ginagamit ng
PANGINOON ang among lalake para
gantihan ang matagal na nilang
pagtitiis..Inasikaso na lamang ni Ditas ang
niluluto..
"O-opo..Makakaasa po kayong mag-aaral
po akong mabuti.." sabi ni Zack..
Tumango si Saimon..
"At isa pa..Kung di naman masyadong abala
sayo, pwede bang bantay bantayan mo si
Sab?..Medyo mataray kasi yang batang yan,
ang kwento sa akin ni Nanay Salud..Marami
daw nagiging kaaway yan sa
eskwela..Pagsabi-sabihan mo na rin ha?.."
pakiusap nya.
Napatango si Zack..
"Yun lang po pala.." sabi nya..
"Gusto kong ituring mong nakababatang
kapatid si Sab..Alagaan mo sya.." bilin pa ni
Saimon..
Nahihiyang napatango si Zack..
"O-opo.." sabi nya..
Ilang saglit pa..Masaya na silang nagsalo
sa almusal..
Ilang oras ang lumipas..
Nagising si Sab sa mahihinang pagkatok
mula sa pinto ng kwarto nya..
Pupungas pungas syang lumapit
dito..Marahang binuksan..Tumambad sa
kanya ang bagong ligong si Zack..
Ngumiti ang binatilyo sa bata..
"Sab..Gising na..May pasok ka pa .."
bungad ni Zack..
Sumimangot ang bata.
Di na natinag si Zack..Batid nyang mahilig
talaga itong sumimangot..
Muling sinara ng bata ang pinto pero
hinarang ni Zack ang kamay nya..
Napangiwi sya sa naramdamang sakit..Pero
tiniis nya ito..Muling binuksan ni Sab ang
pinto..
"Ano ba?.." singhal ng bata..
Ngumiti ng matamis si Zack..
"Papasok ka pa nga..Wag ka na matulog
no.." sabi nya..
Sumimangot si Sab..
"Di na ako sleep..Mag wiwi ako e.." sabi
nya..
Nahiya naman ang binatilyo..
Ngumiti sya ng kimi ..
"Ah sige..Liligpitin ko lang yung higaan
mo.." sabi nya..
Umirap ang bata..
Umalis na sya sa pinto at nagtungo sa
banyo..
Marahang pumasok si Zack..
Ginala nya ang mata sa buong kwarto..Di
nya maitago ang paghanga, at inggit..
Napakaswerte ni Sab pagdating sa aspeto
ng pera..
Umiling na lang si Zack..Masama ang
makaramdam ng INGGIT sa kapwa..
Sinimulan nya ang pagliligpit sa kama ng
bata..Medyo magulo ito at napakaraming
nakapalibot na laruan..
Narinig ni Zack ang paglagaslas ng tubig
mula sa banyo..Naisip nyang dumiretso na
si Sab sa paliligo..
Ilang minuto ang lumipas..
Lumabas ang bata.. nakapalibot sa katawan
nito ang isang malaking twalya..
Ngumiti si Zack..
"San ba ang damitan mo?.." tanong nya..
Nginuso ng bata ang isang pinto..
Nagtatakang lumapit si Zack..Pinihit ang
seradura ..Nanlaki ang mga mata nya ng
tumambad sa paningin ang napakaraming
damit..
Muli, naramdaman ni Zack ang di
maitatangging INGGIT na umahon sa
pagkatao nya..Pinilig nya ang
ulo..Binalingan ang bata na nagpupunas ng
ulo..
Lumapit si Zack sa batang babae..Kinuha
nya ang malaking twalya at sya na ang
nagpunas sa buong katawan nito..
Tahimik lang si Sab..Sanay na syang
pinagsisilbihan..
"Mukhang sanay ka ng naliligong mag-isa
ah.." puri ni Zack..
Tumango ang bata..
"Turo ako yaya.." sabi ng nya..
Ngumiti lang si Zack..
Ng matapos matuyo ang katawan ng
bata..Muli nyang itong binalot ng twalya,
hawak ang isang kamay..Pumasok sila sa
nakabukas na closet ni Sab..
Walang mapili si Zack sa dami ng damit..
Nagpasya syang si Sab na ang mamili sa
susuotin nito.
"Ikaw na nga ang pumili..Teka..Papasok ka
nga pala..San uniform mo?.." tanong ni
Zack.
Tinuro ng bata ang isang parte..Malaking
tokador...
Nilapitan ito ni Zack at dahang dahang
binuksan..
Akala nya di na sya magugulat..Pero halos
maglaway sya sa tumambad sa kanyang
paningin..
Limang pares ng school uniform, madaming
pares ng itim na sapatos..Pati
bag..Napakarami..
Pinilig ni Zack ang ulo..Napakaswerte ni
Sab..Mayaman itong pinanganak..
Kumurap ang binatilyo para iwaksi ang
naiisip..Wala syang karapatang
magreklamo..Batid nyang kahit na lumaki
sya sa hirap, pinilit ng nanay nyang
palakihin sya ng normal..Nagtiis ito sa lahat
ng klaseng trabaho na maaari nitong
gawin..Napakawalang kwenta nya namang
anak kung di nya ito maiisip..
Napansin nyang nagbukas ng isang drawer
si Sab..Nakita nyang maraming salansan ng
puting pambatang underwear ang laman
nyon..
Lumapit si Zack..Dumampot sya ng isa at
sinuot ito sa bata..Humawak sa balikat niya
si Sab habang sinusuot ang nasabing
salawal..
Ng matapos..Muling lumapit si Zack sa
salansan ng mga nakahanger na uniform
..Kumuha sya ng isa at nilapitan si Sab..
Pero nagtaka sya ng lumabas ang bata sa
closet..
Takang sinundan ito ni Zack..
Lumapit si Sab sa tabi ng malaking salamin
ay may binuksan na drawer..
Halos malaglag ang panga ni Zack sa
nakita..Napakaraming botelya ng
pampaganda ang nakahilera sa tabi ng
malaking salamin..
Dahan dahan nyang nilapag ang uniform ni
Sab sa kama..
Lumapit sya sa bata para maki-usyoso sa
mga lotions na pinagpipilian nito..
Nakakunot ang noo ni Sab..
"Eto na nga lang.." sabi nito..
Dumampot ito ng isa sa maraming lotions ..
Inabot nito sa kanya ang napili nito..Na gets
naman agad ni Zack ang nais nitong
ipagawa sa kanya..
Pero di nya mabuksan ang
botelya..Natatawang hinablot ni Sab ang
lotion at ito ang nagbukas..
Napangiti naman ng kimi ang
binatilyo..Naglagay sya sa kamay nya para
sya na ang magpahid sa bata..
Pati singit nito ay pinahiran nya..
Ng matapos ito..Binalik ni Zack sa lalagyan
ang hawak na lotion at muling sinara ang
drawer..
Naglakad muli si Sab pabalik sa closet
nya..May binuksan itong maliit na drawer..
Muli, nagulat si Zack sa nakita..
Maraming ibat ibang uri ng alahas..
Lumingon sa kanya ang bata..
"Anong maganda Kuya?.." tanong nito..
Ngumiti si Zack..Tinawag syang kuya ni
Sab..Para sa kanya..Accomplishment na
ito...
Lumapit sya sa bata para usisain ang mga
hikaw ..
Napailing sya..
"Wala akong alam dyan eh..Kahit ano
na..Maganda ka naman kahit walang suot
eh.." sabi ni Zack..
Ngumiti si Sab..For the first time, nakita ni
Zack ang mala anghel na mukha ng bata...
Bumaling sya ng tingin sa ibang
direksyon..Di nya maintindihan ang parang
biglang pagsipa ng kung ano sa dibdib nya..
Muling sinara ni Sab ang drawer..Napatingin
si Zack..
"Oh..Bakit wala kang kinuha?.." tanong nya..
Nagkibit balikat lamang ito..
Lumabas na ito sa closet at naupo sa
kama..
Gets na ni Zack..Dumampot sya ng isang
pares ng itim na sapatos..
Dumampot din sya ng isang pares ng
malinis na medyas at lumabas na din sa
closet..Pinatay nya ang ilaw at sinara na
ito..
Nilapitan nya ang bata para bihisan..
Matapos ang lahat, inalalayan ni Zack na
bumaba sa hagdan ang bata..Nasalubong
nila ang Mommy ni Sab na si
Bridgette..Nakaroba ito at halatang bagong
gising..
"Morning Mom.." bati ng bata..
Ngumiti ang babae..
"Magandang umaga po M-mam.." bati ni
Zack..
"Tita na lang din iho..By the way..Himala
anak, ang aga mo atang nakabihis
ngayon?.." tukso ng ina..
"Eh help po ako ni Kuya eh." sabi ng bata..
Ngumiti ang babae..
"Good girl..Oh pano..Sa room ulit
ako..Puntahan ko Dad mo sa office
nya..Galingan mo sa school anak.." sabi ng
Mommy ni Sab..
Ngumiti lang ang bata sa ina nito..Humalik
ang among babae ni Zack sa pisngi ng bata
at ginulo naman nito ang buhok nya..
Mababait talaga ang mga amo nya..Sa isip
isip ni Zack..
Pupunta sana sa salas si Sab pero pinigilan
sya ng binatilyo..
Nagtatakang napatingin sa kanya ang bata..
"Almusal ka muna..Di pwedeng wala kang
kakainin pagdating mo sa eskwela.."
nakangiting bilin ni Zack..
Napanguso ang bata..Pero sumunod din
naman..
Nadatnan nilang kumakain na si Ditas sa
kusina..
"Oh..Halika na kayo..Zack asikasuhin mo
muna si Sab.." bilin ng ina.
Tumango si Zack..Kumuha sya ng isang
plato at sinalinan ito ng kanin..
"Kuya share tayo sa isang plate.." ungot ng
bata..
Nagkatinginan ang mag ina..Tumango lang
si Ditas sa anak..
"Ngek.." sabi ni Zack..
Ngumuso ang bata..
"Sige na nga..Oh kain ka na.." wika ng
binatilyo..
"Subo mo ko.." sabi ng bata..
"Eh malaki ka na eh.." angal ni Zack..
Ngumusong muli si Sab..
"Anak wag ka ng umangal..Sige na.." saway
ng ina..
Napakamot si Zack sa tenga nya..Sinunod
nya ang gusto ng bata..
Matapos ang masaganang almusal..
Eksaktong dumating na ang school bus.
Inayos ni Zack ang mga gamit ni Sab at
nagpaunang lumabas..
May nakaabang na lalake sa gate para
abutin ang gamit ng bata..
Pero umangal si Sab sa likod..
"Kuya hatid mo ko.." ungot nito..
Napangiwi si Zack..
"Di pwede eh..May lakad kami ng Daddy mo
mamaya.." tanggi nya..
"San kayo punta?.." tanong ng bata..
"Sa school ko..Kasi lilipat na daw ako ng
school eh.." paliwanag ni Zack..
"Daya..Sama ako.." sabi nito..
Natawa ng mahina si Zack..
"Oy akyat na..Lika hatid kita sa upuan
mo..Dali na.." wika nya..
Ngumiti si Sab..Kumapit sa kamay ng kuya
Zack nya at magkasama silang umakyat sa
bus..
Marami rami na ding lamang bata ang
school bus..Batid ni Zack na lahat ng ito ay
galing sa mayayamang pamilya..
"San yung pwesto mo?.." tanong nya..
Nginuso ni Sab ang pwesto ..Pero
nagsalubong ang kilay nito ng makita ang
kinaiinisang kaklase..
Nakangisi din ang bata sa kanya na parang
may naiisip na kung ano..
Lumapit si Zack sa tinurong silya ng
bata..Pero may biglang lumipat na bata
dito..
"Ahm boy..May nakaupo dyan.." sabi nya..
Ngumisi ang bata..Binelatan lang sya nito..
Kinalabit ni Sab ang kuya Zack nya..
"Dito na lang ako kuya..Okay lang.." sabi ng
bata..
Pero nagmatigas si Zack..
"Boy..May nakaupo dyan.." muling sabi
nya..
Di sya pinansin ng bata...
"Di ka aalis?.." hamon ni Zack..
Tumingin ito sa kanya..
"Baket anong gagawin mo?.. " mayabang
nitong tanong..
Ngumisi si Zack..
"Gusto mong kotongan kita?.. Yung isang
malakas na kotong..Yung tipong mabubutas
yang ulo mo..Para kahit magsumbong ka sa
mga magulang mo o kahit sinong
pagsumbungan mo..Okay lang..Basta
makotongan kita ng malakas na malakas.."
pananakot nya..
Nanlaki ang mga mata ng bata..Mabilis
itong lumipat sa dating pwesto nito..
Napahagikgik si Sab..
"Thanks kuya.." sabi nya..
Nilapag ni Zack ang mga gamit ng
bata..Nilapitan nya ang batang mapang
asar..
"Kapag ginulo mo itong baby ko.. Hahanapin
kita..Bubutasin ko yang ulo mo sa kotong.."
sabi nya..
Napailing iling ang bata ..Nagsumiksik ito
sa tabi ng bintana..
Ngumisi si Zack..
"Galingan mo sa school ha?.." bilin nya..
Tumango si Sab..
Bumaba na si Zack sa bus at kumaway sa
bata..
Gumanti din ng kaway si Sab sa kanya..Nag
flying kiss pa..
Napanganga si Zack..Bumilis na naman ang
tibok ng puso nya..
Muli, di nya kayang ipaliwanag ang
nararamdaman para sa batang si Sab..
Lumipas ang ilang oras..Tanghalian na
bago dumating ang mag asawa..
Nadatnan nila si Zack na nagdidilig ng mga
halaman..
Napangiti agad si Saimon sa
bata..Bumusina sya para iparamdam ang
presensya nila..
Nagulat si Zack..
Nagtawanan ang mag asawa ng mabitawan
ng binatilyo ang hose..
Napakamot si Zack sa batok sabay takbo
para patayin ang hose..
Tinakbo nyang muli ang malaking gate para
papasukin ang mga amo..Ng
makapasok..Muli nya itong sinara..
Tumatawang bumaba ng kotse si Saimon at
ginulo ang buhok ng bata..
"Magugulatin ka pala eh.." biro nito..
Napangiti na din si Zack.
"Oh mag bihis ka na..Pagtapos nating
magtanghalian, lalakad na tayo agad.." bilin
ni Saimon..
Nangislap ang mga mata ni Zack..Tumango
tango pa sya bilang pag sang ayon..
Mabilis na lumipas ang mga oras..Matapos
ang tanghalian, agad na naligo si Zack..
Lumapit sya sa lumang drawer na ginagamit
nilang mag ina para mamili ng mga damit..
Naalala nya ang napakalaking closet ni
Sab..Pilit man nyang iwasan..Naramdaman
ni Zack ang malakas na hatak ng INGGIT..
Sa batang edad, batid nyang masama ang
mainggit sa kapwa..Pero talagang naiingit
sya..
Winaksi ni Zack ang nasa isip..Dinampot
nya ang pinakamagandang T-Shirt nya..
Regalo ito sa kanya ng ina nuong nakaraang
kaarawan nya..Ayaw nya sanang gamitin ito
dahil alam nyang halos di natulog ang ina
para lamang mabili ito..Pero kahiya hiya
naman sa among lalake kung yung mga
lumang kasuotan nya ang gagamitin nya..
Sa huli, napagpasyahan ni Zack na suotin
na ang pinaka best shirt nya..Wala din
syang pantalon..Yung pamasok lamang nya
ang nag iisang pantalon nya..
Gustong manlumo ni Zack pero pilit nya
itong pinagpalabanan..Nasa ganuon syang
estado ng pag iisip ng pumasok ang ina sa
kwarto..
"Oy ang bagal mo naman magbihis bata
ka !.." sita nito sa kanya..
Ngumiti ng malungkot si Zack sa ina..
"N-nay..Wala po akong damit.." bulong nya..
Nanigas si Ditas..Parang sampal sa
pagkatao nya ang sinabi ng anak...Alam
nyang sa mga batang kaedaran ni
Zack..Maluho ang mga ito pagdating sa
mga kung ano anong bagay..Pero alam din
nyang di ganuon ang ugali ng anak..
Miminsang pagkakataon na kailangan nilang
pumorma..Syempre mas uunahin nya ang
pag aaral ng anak bago ang mga luho
nilang dalawa. Ni hindi nya naringgan ng
pagrereklamo si Zack kahit na butas butas
ang isuot nito..
Kinurap ni Ditas ang kanyang mga
mata..Ayaw nyang maramdaman ang sakit
na dulot ng sinabi ng anak..Pinilit nyang
ngumiti...
"P-pasensya na anak.." mahinang sabi nya..
Naupo sa maliit at lumang kama ang
babae..Pinagmasdan nya ang hawak na
damit ng anak..
"Oh maganda pa naman yan ah.." sabi nya..
Ngumiti si Zack sa ina..Tumango..
"O-opo nay..Pero magshoshorts lang po ba
ako?.." tanong ni Zack..
Oo nga pala..Pagtapos nga palang pumunta
sa eskwelahan ni Zack, mag eenroll na din
pala sila sa eskwelahan ni Sab..Itatransfer
na nga pala ni Saimon ang anak sa private
school na pinapasukan ni Sab..Natural na
kahiya hiya ang itsura ni Zack kung
magkataon..
Pero walang magawa si Ditas para sa
sitwasyon ng anak..
"H-hayaan mo anak..Kapag sumweldo
tayo..Ibibili kita ng damit mo..Pangako .."
sabi na lang nya..
Tinabihan ni Zack ang ina at niyakap..
"Nay..Di nyo naman ako kailangang bilhan
ng mga ganito...Okay na po ako dito sa mga
luma..Sige na po..Kayo na pumili ng short
ko.." sabi nya..
Naiiyak na si Ditas..Nilapitan nya ang maliit
na drawer para humalukay ng damit ng
anak..
Pilit syang naghahanap ng matinong short
na maipapartner sa T-Shirt ni Zack..
Sa malas..Halos maubos na ni Ditas ang
mga damit..Wala talagang matino..
Kung hindi butas...Masyado namang yagit
ang itsura..
Sumusukong napabuntong hininga si Ditas..
Napailing na lang si Zack at dinampot ang
isa..
Agad nya itong sinuot..
Sinuot na din nya ang T-Shirt na regalo ng
ina..
Nilingon ng ina ang anak..Gusto nyang
umiyak..
Ang napiling short ng anak ay may punit pa
sa bantang laylayan nito..
Awang awa si Ditas..
Batid naman nilang mahirap sila pero sa
sitwasyong ganito..Lalo lamang nilang
nararamdaman ang kahirapan..
Natawa si Zack sa punit..
Hinablot ni Ditas ang pantalong pamasok ng
anak..
"Eto na lang anak..Mas maayos ayos pang
tingnan..Sige na..Baka naiinip na sila
duon.." sabi nya..
Tumango si Zack...Muling hinubad ang short
at sinuot ang pantalong pamasok nya..
Kahit saang anggulo tingnan..Mukha talaga
syang magsasaka..Pero wala syang
pakealam..Hinalikan nya sa pisngi ang ina..
"Teka anak.." awat ni Ditas..
Hinalukay nya ang sariling damitan ..
Napangiti si Zack..
Nilabas ni Ditas ang maliit na botelya ng
pabango para iwisik sa anak..
Mumurahin lamang ito..Para sa mga
ganitong okasyon..
Nagthumbs up si Zack sa ina at lumabas na
ng kwarto..
Huminga ng malalim si Ditas bago sumunod
sa anak..
Napangiti si Saimon ng makitang papalapit
na ang binatilyo..Agad syang nagpauna sa
paglabas ng bahay..Sumakay sya ng kotse.
"Buksan mo na yung Gate iho.." utos nya..
Tumalima si Zack pero tinawag sya ng ina..
"Ako na anak.." sabi ni Ditas..
Ngumiti si Zack..Binuksan nya ang pinto ng
kotse ..
Pinagpag ang tsinelas saka hinubad..
Natawa si Saimon sa binatilyo.
"Bakit ka pag maghuhubad ng tsinelas?.. "
tanong nya.
Napangiti ng kimi si Zack..
"E-eh baka po madumihan.." sabi nya..
"Eh ikaw din naman naglilinis nito eh.."
natatawang banat ni Saimon..
Napangiti na din si Zack..
Muli nyang sinuot ang lumang tsinelas at
dahan dahang naupo sa malambot na
upuan..
Pinigilan nya ang mapapikit ng isara na nya
ang pinto..
Ambango sa loob ng kotse ng amo
nya..Ganito pala ang feeling ng maupo sa
kotse..
Binuhay ni Saimon ang makina..
Pagtapos ay lumingon ito sa likod para
iatras ang kotse..
Muling napapikit si Zack..
Nakalabas na ng bahay ang
kotse..Bumusina si Saimon kay Ditas para
magsilbing paalam..
Pinasibad na nya ang kotse palabas ng
subdivision..
Sinara ni Ditas ang malaking gate..
Kanina nya pa pinipigilan ang pag
iyak..Kahiya hiya sa among lalake nya kung
mag iinarte sya sa harap nito ..Kaya kahit
hirap, pilit nyang pinigilan ang pagbagsak
ng luha..
Mabilis ang paghakbang ni Ditas na tinungo
ang maliit na kwarto..
Pagsara pa lamang nito ay agad na
humagulgol si Ditas..
Awang awa sya hindi para sa sarili kundi
para sa anak..
Para sa inang tulad nya, sampal sa kanya
ang makitang nahihiyang makisalamuha ang
anak nya dahil sa wala itong maisuot na
matinong damit..O kaya wala itong gamit na
tulad ng sa mga kalaro..O kaya di nito alam
ang lasa ng ganitong pagkain..Impit na
lumuha si Ditas..
Wala syang magawa kundi iiyak na lamang
ang sitwasyon nila..
Tahimik si Zack habang nasa byahe..Ganito
pala ang pakiramdam ng makasakay sa
kotse...Parang ang sarap ng byahe..Parang
panatag at tahimik..Rinig nya pa ang
swabeng tunog ng makina..
"Oy..Nanigas ka na dyan.." biro ni Saimon..
Napangiti si Zack.
"F-first time ko po kasing makasakay ng
kotse.." nahihiyang sabi nya..
Napangiti si Saimon..
"Ituro mo na lang yung eskwelahan nyo
ha?.." sabi na lang nya..
Tumango si Zack..
Hinaplos nya ang braso...Tumataas ang
balahibo nya dahil sa malamig na hangin na
dumadampi dito..Hinanap nya ang
pinanggalingan..Nasa harap pala nya..
Di sya sanay sa malamig na hangin na
ito..Pero tiniis nya..Pasimple nyang niyakap
ang sarili..
Natawa si Saimon..
"Oy..Malamig ba?..Wag mo kasing itutok
sayo yan.." sabi nya..
Nginuso ni Saimon ang aircon na nasa
harap ni Zack.
Kunot noong tumingin sa kanya ang
binatilyo..
"S-saan po ba papatayin ?.." inosenteng
tanong ni Zack..
Napangiti na lamang si Saimon..Sya na ang
nag iwas ng aircon sa bata...
Humanga si Zack..Pwede palang ipaling iyon
na parang electric fan..
"Ang galing.." sa isip isip ni Zack..
Pinagmamasdan ng binatilyo ang mga
nadadaanan nila..
Parang sumasayad sya sa lupa..Kahit
mapadaan sila sa baku bakong kalsada..Di
sya nasasaktak, malambot kasi ang
inuupuan nya..
Ilang saglit pa ay narating na nila ang
pinapasukang eskwelahan..Bumusina si
Saimon para pagbuksan ng Gate..
Ng magbukas ito, pinasok na ni Saimon ang
kotse..
Nagtitinginan ang mga estudyanteng
nagpaparoo't parito..
Naghanap si Saimon ng parking space, pero
wala.. Kaya tinabi na lamang nya ang
sasakyan sa gilid ng isang malaking puno..
Sabay silang bumaba..
"Z-zack?.." pagtawag ng isang boses..
Lumingon si Zack sa pinanggalingan ng
boses..Nakita nya ang kaklaseng si
Jobert..Nanlalaki ang mga mata nitong
pinaglilipat ang tingin sa kanya at sa kotse..
Nagsilapitan ang mga iba nilang kaklase ..
"Uy..Kamusta?.." bati ni Zack..
Lumapit sya sa mga naging kaklase nya..
"Wow..De kotse ka na?.." tanong ng isang
classmate nya..
Ngumiti si Zack at umiling..
"Di sakin yan..Sa amo ko..Dun na kami
nakatira ni Inay eh.." pagtatapat ni Zack..
Napangiti si Saimon sa narinig..Nilapitan at
inakbayan nya ang binatilyo..
"Sus na batang ito..Mga bata...Ako nga pala
si Saimon..Uncle nitong si Zack.." pakilala
nya..
Nanlaki ang mga mata ni Zack at
napayuko..
"Tara na iho para di tayo gabihin..Dun tayo
sa principal nyo.." utos ni Saimon..
Tumango si Zack..
"Dito muna kame ha?.." paalam nya sa mga
kaklase..
Tulala lamang ang mga itong napatango...
Mabilis natapos ang proseso ng pagtransfer
ni Zack..Naayos na agad ang mga kailangan
nya para sa eskwelahang paglilipatan..
Humanga si Saimon ng makita ang mga
grado ng binatilyo..Di sya nagkamali ng
pagtulong..
Muli silang sumakay ng kotse..
Tinahak naman ang daan patungo sa
eskwelahan ni Sab..
Hinanda na ni Zack ang sarili dahil batid
nya na malamang maganda at malaki ang
eskwelahan ni Sab..Pero nagulat pa rin sya..
Bungad pa lamang ay batid na ni Zack ang
rangya ng mga taong nag aaral dito..
Sa Gate ng eskwelahan, hiningan ng ID si
Saimon..Agad naman nitong inabot ang ID
pagtapos ay pinasok na ang kotse sa school
grounds.
Nagtataasang buildings ang sumalubong kay
Zack..
Parang di sya bagay dito..
Nagpark si Saimon sa tabi ng mga
nakaparadang kotse..Mabilis syang bumaba
pagkatapos patayin ang makina..
Dahan dahang bumaba si Zack..
Halos ayaw nyang magasgasan ang kotse
ng amo..
Dumiretso sila sa principal ng nasabing
eskwelahan..
Mabilis din ang naging proseso..
Naibigay na kay Saimon ang authority para
kay Zack..
Sya na ang tumayong tatay ng bata..
Ng matapos ang pagtransfer..
Sinabi ng principal na pwede na syang
pumasok bukas..
Pinasamahan sila sa isang guro para ipakita
ang magiging silid ni Zack..
Tinuro lamang ito sa kanila..
Matapos nito..
Napagpasyahan ni Saimon na dalawin ang
anak..
Ibang building si Sab..Tinahak nila ang daan
at hagdan..
Dahan dahan nilang sinilip ang klase ng
bata..
Napangiti si Saimon ng maaninag ang anak
na tahimik na nakikinig sa isang tabi..
Ngumiti din si Zack..
"Wag na nating guluhin..Bukas..Sabay na
kayong papasok..Sige na..At may
pupuntahan pa tayo.." sabi ni Saimon..
Nagtaka si Zack..Pero sumunod na lamang
sya..
Ilang saglit lang..Lulan na naman sila ng
kotse..
Huminto si Saimon at nagpark sa tapat ng
isang mall...
Nahihiyang pumasok si Zack pero pinilit sya
ni Saimon..
Diretso sila sa department store...Men's
wear agad ang tinahak nila..
"Good afternoon sir.." bati ng saleslady..
Ngumiti si Saimon sa babae..
"Paki pilian itong batang ito ng mga gamit
pang eskwela..Uniforms..Sapatos..Kahit
anong gagamitin nya..Oy Zack..Halika nga
dito muna.." sabi nya..
Agad lumapit si Zack sa lalake..
"Gusto kong ituro mo yung mga pinalista ng
principal na gagamitin mo daw sa schools
ha..?.. Ayaw kong magkukulang yan..Wag
mo na ding tingnan yung presyo..Sige na
iho.." utos nya..
Nahihiyang tumango si Zack..Lumapit sa
kanila ang babae at inabot nya ang papel na
pinaglistahan ng mga school supplies na
gagamitin nya sa bagong eskwelahan..
Mabilis namang kumilos ang saleslady..
Umupo sa isang tabi si Saimon ..Nagbasa
basa na lamang sya ng magazine..
Matapos nito..
Kumain muna sila sa isang restaurant..
Sarap na sarap si Zack sa mga bagong
putaheng ngayon lamang nyang nakita..
Nasasarapan man, di magawang ubusin ni
Zack ang kinakain..Kinalahati lamang nya
ito..
Naalala nya ang ina..
Napansin ito ni Saimon kaya tinanong nya
ang bata..
"Oh..Bakit tahimik ka?..Ayaw mo ba ang
pagkain?.." tanong nya..
Ngumiti si Zack at umiling..
"Si N-nanay po kasi..Pwede po bang ibalot
ko itong tira ko ?.." bulong ni Zack..
Natawa si Saimon at umiling..
"Di pwede..Ubusin mo yan..Akong bahala sa
nanay mo.." sabi nya..
Natuwa si Zack..
Mabilis nyang inubos ang pagkain..
Matapos nito ay tinawag ni Saimon ang
waiter para umorder pa ng bago at ipabalot
ito..
Inabot nya kay Zack ang mga pagkaing
binalot..
Buhat ang mga bagong gamit...Masayang
lumabas sina Saimon at Zack sa mall..
Ginabi na sila sa pamimili..
Nakauwi na din si Sab buhat sa eskwela..
Pagdating sa bahay pumasok sina Saimon
at Zack..
Di na sila naghapunan dahil busog pa sila
sa kinain nila..
Matapos ang maraming
pasasalamat..Dumiretso na agad si Zack sa
kwarto para hanapin ang ina..
Nakita nya itong tahimik na nanunuod ng
TV..
Napatayo ang nanay nya ng pumasok sya sa
kwarto..
Kunot noo nitong pinagmasdan ang mga
nilapag na gamit ng anak..
"Nay..Kumain na po kayo?.." tanong nya..
Umiling si Ditas..
"Hinintay kita anak eh..Ano na naman yan?..
" tanong nya..
Napangiti si Zack at lumabas ng
kwarto..Pagbalik nya may dala na syang
kutsara at plato para sa mga uwing
pagkain..
Mabilis syang kumilos para paghandaan ang
butihing ina..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas sa mga di
kilalang pagkain na hinain ng anak..
"Masarap ito nay..Kain ka na po..Dali !.."
excited na sabi ng bata..
Natawa si Ditas..Sumubo sya..Masarap
nga..
"Masarap nga anak..Halika saluhan mo ko.."
sabi nya..
Umiling si Zack..PInagmasdan na lamang
ang ina..
Mabilis ang naging pag ubos ni Ditas sa
dalang pagkain ng anak..
Matapos nito ay niligpit ni Zack ang
pinagkainan ng ina at muling lumabas ng
kwarto..
Pagbalik nya may dala na syang isang baso
ng tubig para sa ina..
Ngumiti si Ditas..Tinanggap ang dalang
tubig ng anak..
Matapos nito..Muli lumabas si Zack..
Mabilis nyang hinugasan ang mga
pinagkainan ng ina..
Nilibot nya ang buong bahay para patayin
ang dapat patayin na switches..Isara ang
mga pintong dapat isara..
Matapos ang lahat ng routine check..
Pumasok na si Zack sa kwarto nilang mag
ina..
Nadatnan nya si Ditas na kinakalkal ang
mga binili nila..
Mabilis na pinunasan ni Ditas ang mga luha
sa mata..
"Ang gaganda naman nito anak..Magkano
ba ito?.. " tanong lang nya.
Ngumisi si Zack..
"Di ko po alam Nay..Si Tito Saimon ang
nagbayad eh..Ayaw ko ding tingnan yung
presyo kanina.." sabi nya..
Nagtawanan silang mag ina..
Isa isang niligpit ni Zack ang mga nagkalat
na bagong gamit bago nagpalit ng
pambahay na damit..
Tinabihan nya ang ina sa panunuod nito ng
telebisyon..
Inabangan nya ang paboritong palabas pero
hinila na sya ng antok..
Nagtaka si Ditas kung bakit tila tahimik ang
anak..
Paglingon nya..Di nya maiwasan ang
mapangiti..Tulog na tulog na si Zack sa tabi
nya..
Mukhang napagod ang anak nya sa dami ng
pinuntahan nito kasama ang among lalaki..
Hinaplos nya ang mukha ng anak..
Payat ang anak nya pero masasabi nyang
gwapo ito..
Di porke ina ay biased na sya..Nagsasabi
lamang sya ng totoo..
Masuyong dinampian ng halik ni Ditas sa
noo ang anak ..
Pinatay na nya ang TV sabay tinabihan si
Zack sa pagtulog..
Niyakap nya ang anak..
Bago nya pinikit ang mata..
Muli syang nagpasalamat sa butihing
MAYKAPAL sa tinatamong swerte.

Chapter 6
Ala singko pa lamang ay nakaligo na si Zack.
Ito ang unang araw nya sa pagpasok duon
sa private school kung saan nag-aaral din si
Sab..
Di nya maintindihan ang nararamdaman..
Kabado sya at excited..Pero mas
nangingibabaw ang kaba..
Kanina pa nakaplantsa ang susuotin nyang
uniporme..
Suot na nga nya ang pantalon..
Nakasuklay na din ang kanyang buhok..
"Hmm..Ano pa bang kulang?.." tanong ni
Zack sa sarili..
Biglang bumukas ang pinto..Niluwa nito ang
nanay nyang bagong ligo din tulad nya..
Ngumiti ito pagkakita sa anak..
"Oh, bakit parang problemado ka pa?.."
tanong ni Ditas.
"Tinitingnan ko lang po kung ano pa ba ang
dapat kong dalhin Inay.." sabi ni Zack..
Lumapit sa kanya ang ina..
Binistahan nito ang ayos nya..
"Naks..Ang pogi ng anak ko ah..Bagay pala
sayo ang mabihisan anak eh.." puri ni
Ditas..
Natawa si Zack..
"Syempre po, nanay ko kayo.." natatawang
sabi nya..
Pati si Ditas natawa..
Inagaw nya ang suklay sa anak at sya na
ang nagpatuloy ng pagsusuklay sa buhok
nito..
"Mag-aaral kang mabuti anak, wag mo
silang ipahiya..Ipakita mo sa kanila na kahit
mahirap tayo.. Di natin sinasamantala ang
binigay nilang tiwala sa atin.." pangaral ng
ina..
Tumango si Zack..Pinalupot nya ang
kanyang mga braso sa bewang ng ina ..
"Opo naman Nay..Pero di ko po masusunod
ang sinasabi nyong wag ko silang
samantalahin..Kasi po..Habang tinutulungan
pa nila tayo..Sasamantalahin ko na po ito
para mas marami akong magawa..Tulad po
ng pagbabasa..Mas maraming oras na po
para sa pagbabasa ko ng mga libro.." sagot
nya.
Napangiti si Ditas sa anak..
"Ah..Di naman iyon ang tinutukoy ko
anak..Ang sa akin lang .. Wag mo silang
bibiguin..Dapat laging matataas ang marka
mo sa eskwelahan..Kung kaya mong
manguna..Gawin mo..Para naman wag
silang magsawa sa pagtulong sa atin." sabi
ng ina..
Napatango tango si Zack..
Lagi syang sumusunod sa pangaral ng
ina..Batid nyang mas marami na itong
napagdaanang hirap kaysa sa kanya..
Inatras ni Ditas ang anak para mas lalong
mabistahan ang itsura ng anak..
"Okay na yan..Oh ayos na ba ang mga
gagamitin mo?..Ay nako teka yung sinaing
ko nga pala !.." sabi ni Ditas sabay bitaw sa
anak..
Dali dali syang lumabas ng kwarto nilang
mag ina..
Napapitik si Zack sa hangin..
"Oo nga pala..Yung mga notebooks
ko..Lilipat ko nga pala yung mga gamit ko
sa bago kong bag.." sabi nya sa sarili.
Dinampot nya sa gilid ng kama ang lumang
bag..Binuksan ito at isa isang nilabas ang
mga lumang notebooks at ballpens..
Napangiti sya ng makitang di nya naisoli
ang mga libro nya sa eskwelahan na dati
nyang pinapasukan..
"Okay na to..Bonus books .." nakangising
sabi ni Zack sa sarili..
Nilipat nya ang lahat ng mga lumang gamit
sa bagong bag..
Ng matapos nito...Muli syang lumabas ..
Nadatnan nya ang ina na nagsasalang ng
kawali sa kalan..
"Anak..Anong oras daw ba pasok mo?.. "
tanong ni Ditas..
Napaisip si Zack..
"Di ko nga po alam Nay eh.." sagot nya..
Nagpasya si Zack na muling magpalit ng
pambahay..Tutal maaga pa..Tutulong muna
sya sa ina..
Dinampot nya ang walis sabay tinahak ang
daan patungo sa front door...
Akmang magwawalis sya ng muling
magbago ang isip..
Sa itaas na lamang sya mag sisimula..
Tutal ayos lang sa mag asawa na mag
akyat panaog silang mag ina sa second
floor ng bahay..
Sinama na ni Zack ang isang piraso ng
basahan.. Binasa nya ito ng tubig at
umakyat sa itaas..
Sinimulan nya sa pinakadulong
pasilyo..Lahat ng madaanan ng walis,
pinapahiran nya ng basang
basahan..Hanggang sa matapat sya sa
kwarto ni Sab..
Nagkibit balikat na lamang si Zack,
malamang tulog na tulog pa ang bata ..Alas
diyes pa ang pasok nito sa eskwela..
Lalampas na sana sya ng may mahagip ang
kanyang pandinig..
Tinigil ni Zack ang ginagawa at
nakiramdam..
Nanlaki ang kanyang mga mata..May
umuungol..Di kaya may multo ang bahay na
ito?..
Dinampot ni Zack ang walis at basahan
sabay lakad palayo ng muling umungol ang
nasabing tinig..
This time mas malakas ang naging pag
ungol nito..
Nanayo ang mga balahibo ni Zack sa batok..
Bibirahan na sana nya ng alis ng parang
may kakaiba.
Dinikit nya ang tenga sa pinto ng kwarto ni
Sab..
Lalong narinig nya ang pag ungol.
Nanlaki ang mga mata ng binatilyo..Di kaya
nananaginip si Sab?..Baka binabangungot
ito?..
Atubili syang buksan ang pinto ng kwarto ng
bata..
Baka kapag nagkamali sya at mapagsabihan
pa sya na basta basta na lamang
pumapasok..
Pero mukhang lalong lumalakas ang pag
ungol..
Di na nagdalawang isip pa si Zack, pinihit
nya ang door knob..
Dahil sa maliwanag ang kwarto, agad
nahagip ng kanyang mga mata ang batang
si Sab na tila may dinadaing na sakit..
Tinakbo ni Zack ang distansya..
Inalog nya ang bata ..
"S-sab..Gising.." untag ni Zack..
Ayaw magising ni Sab..Ungol lamang ito ng
ungol..
Walang ibang maisip na paraan si Zack
kundi ang saktan ang bata..
Napapikit sya ng marinig ang malakas na
lagatok ng kanyang palad sa makinis na
pisngi ni Sab..
Masarap ang naging panaginip ni Sab..
Nasa paraiso daw sya kasama ang isang
walang mukhang lalake..Matangkad ito ng
di hamak sa kanya..
Hawak nito ang isang pirasong bulaklak at
sa nakikita nya ay papalapit ito sa
kanya..Napangiti ng maluwang si Sab..Di
nya maintindihan ang nararamdaman pero
masarap na masarap ito sa pakiramdam..
Papalapit na ang lalake, sa wakas ay
nakalapit na ito sa kanya at inabot ang
isang pirasong puting rosas..
Maraming regalo ang nasa likuran nya..Pero
kataka takang ang isang pirasong
bulakbalak na galing sa lalake ang
nakapagbigay sa kanya ng di masukat na
tuwa..
Inamoy nya ang bulaklak..Muling tiningnan
ang lalake ..Pero nanlaki ang kanyang mga
mata ng may makita syang isang halimaw
sa likod nito..Kinain ang lalake.
Sigaw sya ng sigaw..Pero walang lumalabas
na boses sa bibig nya..
Isang malakas na tunog ang
umalingawngaw ..
Gulat na dumilat si Sab..
Unang tumambad sa paningin nya ang
maamong mukha ng binatilyo..
Kahawig nito ang lalake.. Automatikong
napayakap si Sab kay Zack..
Nagtataka man, ginantihan ni Zack ng yakap
ang bata..
Bigla na lamang itong umiyak..
Hinagod nya ang likod nito..
"Hey !..What happened here?.." tanong ni
Saimon..
Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng
boses at nakita nya ang among lalakeng
palapit sa kanila..
Kunot ang noo nito ng makitang umiiyak
ang unica hija.
Agad kinalas ni Zack ang yakap pero ayaw
ni Sab..
Nahihiyang nagpaliwanag ang binatilyo ..
"Eh kanina po kasi nagwawalis ako dyan sa
labas..Narinig ko pong umuungol si Sab.."
mahinang paliwanag nya..
Napatango si Saimon..
Nahihiyang pilit kinakalas ni Zack ang
pagyakap ng bata pero ayaw talaga nitong
bumitaw..
"S-sab..Eto na Daddy mo.." sabi ng
binatilyo..
Parang nuon lamang napagtanto ni Sab
kung nasan sya..
Agad itong kumalas ng pagkakayakap kay
Zack sabay dinamba ang Daddy nito..
Napangiti naman ang ama..
Hinagod nya ang likod ng anak..
"L-labas na po ako.." paalam ni Zack..
"Salamat iho..Kung di dahil sayo..Baka kung
ano ng nangyari dito sa anak ko..Maraming
salamat talaga.." sabi ng lalake..
Ngumiti ng kimi si Zack..Dinampot nya ng
muli ang walis sabay labas ng kwarto..
Ilang oras ang lumipas..Himalang maagang
nagising ang ina ni Sab..Naibalita na dito
ang nangyaring insidente at ganun na
lamang din ang pasasalamat nito kay
Zack..Kiming tinanggap naman ng binatilyo
ang pasasalamat ng mga amo..
Para sa kanya..Balewala ang ginawa
nya..Nagkataon lang na sya ang nanduon ng
mga oras na iyon..
Tahimik silang sabay sabay na kumain..
Matapos kumain ni Saimon.. Binalingan nya
ang binatilyo..
"Oh iho..Handa ka na ba sa first day mo?.. "
nakangiting tanong ni Saimon..
Tumango si Zack..
"Sabay na kayo ni Sab papasok mula
ngayon..Kasi isang sched lang naman lahat
ng levels don..From Grade 1 to Grade 6...So
magsasabay na kayo.." sabi muli ng lalake..
Muling tumango si Zack..
Ilang saglit pa..Sabay ng umalis ang mga
magulang ni Sab..
Dahil maagang nagising..Nagawang
makapanuod ng bata ng mga cartoons na
pang umaga..
Nagdidilig ng halamang si Zack ng sitsitan
sya ng nanay nya.
"Mag aalas nuebe na anak...Maligo ka ulit.."
tawag ni Ditas..
Tumango si Zack at dali daling pinatay ang
hose...
Dinaanan nya ang batang tahimik na
nanunuod.
Mabilis syang naligo at nagbihis..
Isusuot na sana nya ang uniform ng
pumasok ang nanay nya..
"Anak..Wag ka muna mag polo..Asikasuhin
mo muna si Sab..Ayaw sa akin eh.." sabi ni
Ditas..
Napasimangot si Zack..
Natawa naman ang nanay nya.
"Sige na anak..Sayo gusto eh...Bilisan mo
ay mamaya andyan na yung school bus.."
sabi ni Ditas..
Tumango si Zack.
Mabilis nyang pinuntahan ang kwarto ni
Zack..Naabutan nya itong nakabalot ng
twalya habang nakaupo sa kama..
Sumimangot ang bata pagkakita sa kanya.
"Baket ngayon ka lang?.." tanong ni Sab..
Napakamot sa batok si Zack.
"Syempre magbibihis din ako..Dapat
nagpabihis ka na kay Nanay eh.." reklamo
nya..
Umiling si Sab..
"Ayaw.." sabi nito.
Gigil na lumapit si Zack sa closet ni Sab..
Mabilis nyang inipon ang lahat ng gagamitin
ng bata.
Habang binibihisan nya ito..Pangiti ngiti si
Sab..
"Di pwedeng laging ako ang magbibihis
sayo Sab..Syempre lalake ako at babae
ka..Darating yung time na di na pwede
talaga kahit anong pilit mo pa.." pangaral ni
Zack..
Hagikgik lang ang isinagot ng bata.
"Oh ayan na..Tara na..Malapit ng dumating
yung school bus eh.." sabi ni Zack.
Tumango si Sab..
Nginuso nya ang bag nya..Inis na dinaklot ni
Zack ang mga gamit ng bata at nagpauna
na sa labas..
Sumunod sa kanya ang bata..
Sinigurado muna ni Zack na walang
nakasinding electrical appliances bago
muling lumabas at isara ang pinto..
Pagbaba nila nasalubong nila ang nanay
nyang nagpapagpag ng sofa.
"Oh mag ingat kayo ha?.. " nakangiting sabi
ni Ditas..
Tumango si Zack.
"Opo Naynay.." biglang sabi ni Sab..
Nabigla ang mag ina.
Napangiti na lang si Ditas..
Eksaktong narinig nilang may bumusina..
"Oh..Maaga sila ngayon..Mag aaral kayong
mabuti ha?.." nakangiting paalam ni Ditas..
Hinatid nya ang mga bata sa gate
..Kumaway pa sya sa mga ito bago muling
pumasok sa bahay..
Naupo si Sab sa pwesto nya..
Tinapik nya ang katabing pwesto para dito
na maupo si Zack..
Naupo naman ang binatilyo.
Ilang saglit pa, nasa kalsada na ang
sinasakyan nilang school bus..
"Eto na.." sa isip isip ni Zack..
Lalong bumilis ang tibok ng puso nya ng
pumasok sa malaking gate ang school
bus..Dumiretso ito sa parking area kung
saan nakaassign ang mga school bus ng
eskwelahan..
Matapos mamatay ng makina..
Isa isang nag babaan ang mga
estudyanteng lulan nito..
Binuhat muli ni Zack ang bag ni Sab sabay
inalalayan itong makababa ng bus..
Hinatid nya sa kwarto nito ang bata..
Hanggang sa upuan..
Bago umalis ay binilinan nya muna ito..
"Sab, bago umuwi dito ka lang ha?.." bilin
nya sa bata..
Tumango lamang ito..
Lumapit si Zack sa teacher ni Sab..
"Ahm Ma'am..Ako po ang magsusundo kay
Sab mamaya.." sabi nya.
Ngumiti ang guro at tumango..
Matapos nito, kinawayan ni Zack si
Sab..Gumanti naman ng kaway ang bata sa
kanya.
Bumaba na sya ng building ng mga Grade 1
at Grade 2..
Lumipat sya sa katabing gusali kung saan
naka assign ang mga Grade 3 at Grade 4
students na tulad nya..
Nilabas nya ang kapirason papel mula sa
bula..
"Room 332, Third floor.. Left wing.." basa ni
Zack..
Nasa third floor na sya..Kumaliwa sya at isa
isang tinitigan ang mga nakalagay na
numero sa itaas na bahagi ng pinto ng
bawat kwarto..
Sa wakas narating na nya ang nasabing
kwarto.
Dahan dahang sumilip si Zack..
May mga estudyante na..
Lalong bumilis ang tibok ng puso nya ng
makitang nag kakasayahan ang mga ito..
Halatang mayayaman ang pinanggalingang
pamilya..
Sumandal si Zack sa pader at lumunok..
May dumaang guro sa harap nya ..
"What are you doing here?.." tanong nito.
Ngumiti si Zack..
"B-bago lang po ako..Ako po yung
transfer.." sabi nya.
Tumango ang babaeng guro..
"Oh ikaw pala yon..Sige na pasok ka na.. "
sabi nito..
Alumpihit na sumunod si Zack sa Teacher..
Pagpasok nito ay tahimik na pumasok din si
Zack sa kwarto..
Nagsibalikan ang mga estudyante sa mga
upuan nito..
"Good Morning Class.." bati ng guro..
Sabay sabay na bumati ang mga
estudyante.
"Goooood Mooorrnnniiingggg Ma'ammmm.."
sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Okay class..May bago tayong
classmates..Hey, come here..Introduce
yourself.." nakangiting utos ng guro..
Tahimik na lumapit si Zack at tumabi dito..
Nakayuko sya at kipkip ang bag..
"A-ahm..M-my N-name is Zack
Hidalgo..Magandang Umaga.." nahihiyang
sabi nya..
Nagtawanan ang mga estudyante sa
kanya..Lalong kinabahan si Zack..
"Oy wag nyo naman syang
tawanan..Nahihiya kasi ang bago nyong
classmates..So, hmm..Hidalgo..Dun ka sa
tabi ni Cherry, Gwen move to the next
chair..Ganun din kayo guys para maging
alphabetical pa rin.." utos ng guro..
Napaungol ang mga estudyante habang isa
isang nag si-usog ng silya..
Lumapit si Zack sa bakanteng upuan at
tahimik na umupo..
"Okay.. So since na bago ka palang dito
Zack, listen ka muna okay?.." sabi ng guro.
Tumango si Zack..
Nilabas nya ang isang notebook na
bago..Habang nakikinig, nag tatake down
notes sya para kahit di pa sya
kasali..Makakasabay na sya sa mga
susunod na araw..
Habang nagsusulat ang guro..Kinalabit si
Zack ng tao sa likod nya..
Napalingon naman agad sya..
Nakita nyang nakangisi ang lalakeng
kaklase nya sa likod..
"Yo..Ako nga pala si Garry..Nice meeting
you pare..Zack right?.." tanong nito..
Tumango si Zack..Muli syang umayos ng
upo..
Ayaw nyang mapagalitan ng guro at sabihan
ng maingay..
Pero muli syang kinalabit ng katabi naman
nya..
Pagtingin nya..Magandang mukha ng
kaklaseng babae ang nakangiti sa kanya.
"Ano ba yang notebook mo?.. Si batman?.."
mahinang tanong nito.
Nagtawanan ang mga kaklase nyang
nakarinig.
Hiyang hiyang tinakpan ni Zack ang
notebook gamit ang braso.
Ngumiti sya ng kimi ..
"Suplado pala nito..Teka yung sapatos mo
.Parang ang laki ata?.." tanong muli nung
Garry..
Lalong nahiya si Zack..
Medyo malaki talaga ang pinili nyang sukat
ng sapatos nuong namimili pa sila ng amo
nyang si Saimon..Ang katwiran nya..Kahit
pa lumaki na sya at lumaki na rin ang paa
nya..Magagamit nya pa ito..
Tahimik nyang pinagdikit ang mga paa..
Nagbungisngisan ang mga kaklase nya.
Napalingon ang guro..
"What are you laughing at?.." tanong nito.
Natahimik ang mga estudyante..
Nakataas ang isang kilay na pinagpatuloy
muli ng guro ang pagsusulat..
Ilang saglit ang lumipas..
Natapos na ang first subject nya..
Tahimik lang na hinintay ni Zack ang
susunod na guro..
Nilapitan sya ng kaklase nyang si Garry at
inagaw ang bag nya..
Kinalkal nito ang mga laman..
Nanlaki ang mga mata ni Zack ng ilabas
nito ang isang lumang kwaderno nya..
"Hey..Ano to?..Antique?.." tanong nito..
Inagaw ni Zack ang bag nya pero pinasa
nito sa isa pang kaklase ..
Nagtawanan ang mga estudyante sa loob.
Binuklat nung Garry ang notebook nyang
luma at napangisi ito..
Kinalkal din nung isang kaklase nya ang bag
nya..
Kunot noo nitong nilabas ang baunan ni
Zack..
Nanlaki ang mga mata nya..
Inabot nung kaklase nyang lalake ang baon
na pagkain ni Zack duon sa Garry..
"Uy ano to?.. Boyscout ka ah..Teka anong
ulam?.." sabi nito..
Hiyang hiya si Zack na binawi ang bag..Pero
di nya makuha ang baon nya..
"Naks..Teka anong tawag dito guys?.."
tanong ni Garry..
Hawak ng dalawang daliri..Tilang diring
diring tinaas ni Garry ang isang pirasong
galunggong na baong ni Zack..
Nagtawanan ang mga kaklase nya..
Napikon si Zack..
Ang pirasong galunggong na ito ay luto ng
kanyang ina.
Ayos lang na sya ang laitin .. Wag lang ang
luto ng nanay nya..
Galit na tumayo si Zack..
Nilapitan nya si Garry na napatingin din sa
kanya..
Nanliit ito ng lumapit sa kanya si Zack..
Mas matangkad syang di hamak dito.
"Ibalik mo na yan please.." pakiusap ni
Zack.
Akala nya nasindak na nya ang ungas..Pero
nagulat sya ng itapon nito ang ulam nyang
galunggong sa bintana..
Lalong nagtawanan ang mga kaklase nya..
Parang nakakalokong ngumisi lang si Garry..
"Gusto mo yong basurang yon?.. Eh di kunin
mo dun sa likod ng school.." sabi nito.
Pinigilan ni Zack ang mapikon..Ayaw nyang
ipatawag dito ang nanay nya..
Tahimik syang naupong muli sa upuan at
yumuko na lamang..
"Hey guys..Wag naman kayong mean sa
kanya..Ano bang ginawa nya sa inyo?.. "
boses ng isang babae..
Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng
boses..Pagtingin nya ay maamong mukha
ng kaklase nya ang nakita
nya..Nakasimangot ito kay Garry at nilahad
ang isang palad..
Napasimangot si Garry...
"Sus..KJ mo naman..Nagbibiro lang eh.."
sabi nito..
"Di ka nagbibiro Garry..Pinagkakatuwaan
nyo sya..Wala naman syang ginagawang
masama sa inyo.." sabi pa ng babae.
Inis na inabot ni Garry ang baong kanin ni
Zack..Nakangiti namang inabot ito ng babae
sa kanya..
"Oh..Sorry nga pala sa mga classmates
natin especially kay Garry ha?..Anak kasi ng
Teacher kaya mayabang.." malakas na sabi
nito..
Nahiya naman si Garry sa sinabi ng
babae..Muli itong naupo sa upuan nito at
sumimangot.
Nilahad ng babae ang palad nito kay Zack..
"Hi, I'm Gwen.." sabi nito..
Ngumiti si Zack..Tahimik nyang tinanggap
ang malambot na kamay ng
kaklase..Maganda ito at maputi...Kita nya
pa ang pantay pantay at mapuputing ipin
nito..
Nagblush si Zack ..Dahan dahan nyang
muling sinilid ang baong kanin at nanahimik
na lamang..
Ilang saglit pa..
Mabilis na lumipas ang oras..
Nag bell na..Senyales na lunch break na.
Isa isang nagtayuan ang mga kaklase ni
Zack
Sya na lamang ang natirang nakaupo..
Binuksan nya ang bag..
Napabuntong hininga sya ng makita ang
kanin na baon nya..
Gutom na sya...
Naalala nya si Sab..
Sinara nyang muli ang bag at sinukbit..
Baka kasi pagbalik nya ay makita na naman
nyang pinaglalaruan ito ng mga kaklase..
Tahimik na tinahak ni Zack ang building ni
Sab..
Pagdating sa second floor..Sinilip nya ang
kwarto ng bata..
Napangiti sya ng makita ang kinakain nito..
Maraming nakahatag na pagkain sa harap ni
Sab pero parang tamad na tamad itong
kumakain..
Nakaramdam ng inggit si Zack..
Kumalam ang sikmura nya...Nagpasya
syang bumaba na lamang sa school grounds
at duon palipasin ang lunch break.
Isang oras ang itatagal ng tanghalian..
Kumalam ang sikmura nya..
Muli nyang binuksan ang bag..
Nagdalawang isip sya kung kakainin ba ang
baong kanin o hinde..
Napansin nya ang isang bench..
Tahimik na tinungo ito ng binatilyo at
tahimik ding naupo..
Muli nyang kinapa ang kanin na baon nya..
Napabuntong hininga ang binatilyo..
Kinapa nya ang bulsa..
Nanlaki ang mga mata nya ng may
makapang pera..
Natawa si Zack ng mahina..
"Ayos.." sa isip isip nya..
Nilabas nya ang pera at binilang..
"Hmm..P7.50..Pwede na siguro itong
pambili ng ulam.." sa isip isip ni Zack.
Mabilis nyang sinara ang bag ..Sinundan
nya ang bungkos ng mga estudyanteng
papunta siguro sa canteen..
Napangiti sya ng makita ang malaking
kainan ng mga estudyante..
Nakisiksik si Zack..
May pila pala..
Bumalik sya at hinanap ang dulo ng pila..
Mabilis naman ang naging serbisyo ng mga
serbidora kaya ilang saglit lang ay malapit
na si Zack..Dalawang tao na lang bago sya..
Nakikita na nya ang mga katakam takam na
ulam..
Natapos ng pagsilbihan ng serbidora ang
isa ..Umusad ang pila.
Pangalawa na sya pero nanlumo si Zack ng
makita ng malapitan ang mga presyo..
Sinuyod nya ng tingin ang bawat ulam na
nakadisplay..
Walang bumababa ng sampung piso..
10 pesos ang pinakamurang ulam..
Yung tortang talong..
Lumong lumong umalis si Zack sa pila..
Matamlay syang naglakad muli pabalik sa
bench kung saan sya nakatambay kanina.
Gutom na talaga sya.
Tumingin tingin sya sa paligid..
Nagpasya syang magtago na lamang at
buksan ang bag.
Pasimple syang kumutsara ng kanin..
Mabilis nya itong sinubo at nginuya..
Pinigilan ni Zack ang maluha.
Kailangan nyang magtiis..
Mabilis nyang nilunok ang kanin at muling
kumutsara..
Kinalahati na lamang nya ang kanin
nya..Ayos sana kung may ulam
sya..Mauubos nya ang baon ..Pero malas
nga..
Tiniis nya ang walang lasang tanghalian..
Lumuha si Zack..
Nagpasya syang magpahinga na lamang at
wag ng ubusin ang baon..
Kailangan nya ng tubig..
Muli syang lumakad pabalik sa
canteen..Konti na lamang ang mga
estudyanteng nakapila at kumakain..
Naglakad lakad sya para mag hanap ng
murang inumin..
Pero malas talaga..
Wala talagang nagkakahalaga man lang ng
limampiso..
Bottled water na maliit ang pinakamura..
Sampung piso ito..
Bumuntong hininga si Zack..
Matamlay syang naglakad palabas ng
canteen..
Kahit di pa tapos ang lunch break ay
bumalik na sya sa classroom nila.
Nasa hagdan sya ng masalubong si Gwen..
Napangiti ito ng makita si Zack.
"Uy.. San ka nag lunch?.. "tanong nito..
Ngumiti lang si Zack..
Nakita nyang may hawak na mineral water
si Gwen..
"Uy pasuyo naman o..Pakitapon naman ito
sa trashcan dun sa baba..Nakakatamad na
kasing bumaba eh.." ungot nito..
Ngumiti ng kimi si Zack..Napansin nyang
halos wala pang bawas ang bottled water
nito..
Tinanggap nya ang tubig at muling bumaba
ng hagdan..
Malapit na sya sa basurahan ng sulyapan
nya ang paligid.. Pasimple syang nagtago at
binuksan ang tubig.
Uhaw na uhaw sya...
Mabilis nyang inubos ang tubig na
pinapatapon ni Gwen..
Ng makaraos...Napangiti si Zack at
nagpasalamat sa Panginoon sa pagraos ng
tanghalian nya..Imbes na itapon..Sinilid nya
sa bag ang plastic na bote at muling
tinahak ang hagdan paakyat sa classroom
nila..Pwede nyang gamitin ito para
paglagyan ng tubig sa susunod na mga
araw..
Pababa na sana si Gwen ng may maalala
syang itanong kay Zack..Hinabol nya ang
binatilyo ..Napangiti sya ng makita itong
papalapit sa basurahan pero nanlaki ang
mga mata nya ng bigla nitong inumin ang
pinapatapon nyang tubig..
Nakaramdam ng awa si Gwen sa
kaklase..Batid nya sa simula pa lamang na
mahirap lamang ito..Nagulat sya ng
makitang pabalik na ang binatilyo matapos
nitong isilid sa bag ang binigay nyang
plastic bottle..Mabilis syang umakyat ng
hagdan..
Umakyat muli si Zack sa classroom..Solve
na ang tanghalian nya..Kahit na papaano ay
nakaraos sya..
Tahimik syang nakinig sa guro..
Di nya alintana ang patingin tingin na
kaklase na si Gwen sa tabi nya..

Chapter 7
Umalingawngaw ang tunog ng bell...
Hudyat na tapos na ang klase para sa araw
na iyon..
Tahimik na inimis ng batang si Zack ang
kanyang kakarampot na gamit..
Ultimo mga scratch paper nya ay sinisilid
nya sa bag para magamit nya pa sa mga
susunod na pasok..
Ng matapos mag ligpit, hinintay ni Zack na
maubos ang mga kaklase nyang sabay
sabay na nagsisilabas..
Ayaw nyang makisabay sa mga ito..
Hindi pala sa ayaw.. Nahihiya sya..
Pinapanuod ni Zack na unti unting maubos
ang mga kaklase ng may biglang kumalabit
sa balikat nya..
Paglingon nya ay ang nakangiting mukha ni
Gwen ang tumambad sa kanya..
"Hey, Kamusta ka na?.." tanong ng
dalagita..
Ngumiti si Zack..
"Ayos lang naman.." mahina nyang sagot..
Tumayo na ang binatilyo..
Tarantang sumunod si Gwen..
"Oy pasabay .. " sabi nito..
Ngumiti ng kimi si Zack..
Tahimik silang naglakad patungo sa
hagdan..
"Hatid mo ko sa gate.." ungot ng dalagita..
Umiling si Zack..
"May susunduin pa kasi ako eh.." sabi nya..
Kunot noo naman si Gwen..
"Sino?.." tanong nito..
"Y-yung anak ng amo ko..Dito din sya nag
aaral.. Grade 1 sya.." sagot ni Zack..
Tumango tango ang dalagita..
"Ah ganun ba?.. Sige.. Sa susunod na lang
then.. Bye.. " paalam ni Gwen..
Kumaway si Zack sa dalagita..
Hinintay nya muna itong mawala sa
paningin nya bago sya naglakad patungo sa
building nina Sab..
Binagtas nya ang hagdan..
Lumiko sya pagdating sa second floor..
Sumilip sya sa pinto nito..
Kita nyang tahimik na nakaupo si Sab sa
isang dulo..
Pumasok sya at nilapitan ang bata..
Napasimangot si Sab ng makita sya..
"Bakit ngayon ka lang?.. " salubong na
tanong ni Sab..
Napakamot sa batok si Zack..
"Eh ang tagal umalis ng teacher namin eh.."
sagot nya..
Umismid ang bata..
"Tara na Sab..Baka maiwan tayo ng school
bus.." sabi ni Zack..
Dinampot nya ang bag ng bata..
Tahimik naman itong tumayo at nagpauna
pa ng paglabas sa kwarto..
Tinahak na nila ang daan patungo sa
parking area kung saan nakapark ang school
bus na sasakyan nila pauwi..
Tahimik ang dalawa .. Wala silang kibuan
habang magkatabing nakaupo..
Nagtataka si Zack..
Matabil na bata si Sab..Pero mukhang wala
itong ganang makipag usap sa kanya
ngayon..
Nakikiramdam lamang sya.
Nilingon nya ang bata..
Tahimik lamang itong nakatingin sa labas
ng bintana at nagmamasid masid sa mga
nadadaanan nilang tanawin..
Nagpasya si Zack na wag na lang istorbohin
si Sab..
Baka magalit pa ito sa kanya.
Ilang oras lang ay huminto na ang school
bus sa harap ng malaking bahay nina Sab..
Muling dinampot ni Zack ang bag ng bata at
walang ingay na sumunod dito sa pagbaba..
Ngumiti ng kimi si Zack sa driver na si
Mang Lito.
Pumasok sya sa loob..
Nadatnan nya ang nanay nya na kumakain
ng tinapay sa hardin..
Humalik si Zack at nagmano..
"Gandang hapon po Nay.." bati nya..
"Kaawaan ka ng Diyos anak..Oh hala at
iakyat mo na yang mga gamit ni Sab tapos
magpalit ka na din ng damit..Baka
matuyuan ka na dyan sa suot mong
uniporme.. Tapos kunin mo yung itinabi
kong miryenda dun sa mesa tapos ibigay
mo kay Sab..Meron akong tinabi para
sayo..Tinakpan ko lang ng plato..Unahin mo
munang bigyan si Sab anak tapos bantayan
mo na din.." bilin ng nanay ni Zack.
Tumango lang ang binatilyo..
Ano pa bang bago?..
Sa pagtuntong nya sa malaking bahay na
ito..
Ang naging pinakatrabaho nya ay ang
pagbabantay sa batang si Sab..
Pumasok sya sa malaking bajay, nilapag
nya sa pinakaunang baitang ng hagdan ang
sariling mga gamit at kipkip ang mga gamit
ni Sab, binagtas nya ang hagdan..
Kumatok muna sya sa kwarto ng bata..
Pero di ito sumagot kaya nagpasya na si
Zack na buksan na lamang ito..
Pinagmasdan ni Zack ang paligid..
"Sab?.. " tawag nya..
Wala ang bata sa kama nito..Pumasok si
Zack..Nilapag ang bag ni Sab sa kama at
pinuntahan ang banyo..
Kumatok syang muli at binuksan ang pinto.
Pero pa rin ito duon..
Biglang may narinig si Zack na hikbi..
Likas na matatakutin..Nanindig agad ang
kanyang balahibo.
"S-sab?.. Nasan ka?.. " tanong nya.
Pero walang sumagot..
Akmang aalis na si Zack sa kwarto ng muli
nyang marinig ang pamilyar na boses..
Parang nagsasalita..
"Sab?.. " tawag pa nya..
Lumapit sya sa closet ng bata..
Dahan dahan nya itong binuksan..
Madilim sa loob..
"Ang bad nila..ang bad nila !.. " bulong ni
Sab..
Pinindot ni Zack ang switch ng ilaw sa gilid
..
Bumaha ang liwanag sa loob ng closet...
Agad napansin ni Zack ang nakatalikod na
si Sab..
Nakaupo ang bata at nakasandal sa
dingding..Yakap nito ang mga tuhod nito..
Nag aalalang lumapit agad si Zack..
"S-sab?.." tanong nya.
Umangat ang mukha ng bata..
Hinaplos ng awa ang puso ni Zack ng
makita ang luhaang mukha ni Sab..
Agad nya itong niyakap..
Biglang humagulgol si Sab sa dibdib nya..
"Ssshhh...Sige lang ..Iyak mo lang " pang
aalo ni Zack..
Di nya malaman ang
nararamdaman..Parang may kung anong
makati sa mga mata nya.
Naiiyak na din sya..
Naiiyak sya sa di nya malamang dahilan..
Ah, marahil sa nakikitang sitwasyon ngayon
ng batang si Sab..
Hinagod nya ang likod ng bata..
Pilit nyang sinasabi sa pamamagitan ng
paghagod dito at pagyakap na nandito
lamang sya at handang makinig..
Halos ilang minuto ding umiyak si Sab sa
dibdib ni Zack..
Matapos nito..
Tahimik na inalalayan ni Zack ang bata
palabas ng closet..
Inakay nya ito patungong kama at pinaupo..
Tinabihan ni Zack si Sab..
Agad namang yumakap si Sab sa binatilyo..
Tahimik lamang sila..
Nakatingin sa harap..
Ilang minuto ang muling lumipas..
Nagtanong si Zack..
"A-ano bang nangyari?.. " tanong nya.
Humikbi ang bata..
Parang nakakita ito ng kakampi at
pagsusumbungan..
"S-sila kasi.. Ang bad.. Sila kasi." muling
nabasag ang tinig ni Sab..
Inangat ni Zack ang mukha ng bata at
masuyong pinunasan ang mga luha sa
pisngi nito..
"Sinong sila?.. Sinong nag away sayo?.. "
tanong nya..
"S-sila J-jane..Sabi nila..W-wala daw
akong D-daddy at Mommy.." naiiyak na
kwento ni Sab..
Natahimik si Zack..
"Bakit naman nila sasabihin yon?.. Eh
andyan sina Tito at Tita di ba?.. Buhay sila
eh.." pangangatwiran niya..
Hikbi lang ang sinagot ng bata..
"K-kasi..Kanina..May Assignment
kami..Sabi ni Teacher dapat daw punta kahit
one parent sa school para sabihin sa
classmates ang work ng Daddy .. Pero wala
nagpunta sa akin.." naiyak na naman si
Sab..
Nagbago ang paningin at pananaw ni Zack
bigla..
Akala nya..
Maswerte at napakapalad ng mga katulad ni
Sab na ipinanganak ng maraming pera..
Akala nya... Kapag mayaman ka, wala ng
problema..Puro sarap na lang at puro tawa
ang mararamdaman mo..
Pero mukhang nagkamali sya..
Sa nakikita nyang sitwasyon ni Sab ngayon..
Masasabi nyang kahit papaano.. Masuwerte
pa rin sya kahit na silang dalawa na lamang
ng kanyang ina ang nabubuhay ..
Di nagkukulang ang kanyang ina sa mga
ganitong programa sa eskwelahan..Lagi
nitong sinasabi na wag na wag mahihiyang
tawagin sya sa school na sya namang
ginagawa nya..
Kahit kailan ay di mangyayaring ikakahiya
nya ang kanyang ina..
Niyakap ni Zack ang bata..
Wala syang masabi o maisip na gawin para
payapain ang nararamdamang kalungkutan
ng bata..
"S-sabi nila.. Di daw ako love ng Daddy at
Mommy ko.." mahinang dugtong ni Sab..
Napailing si Zack..
"Di tutoo yan..Kung di ka nila mahal. .Sana
di na sila magtatrabaho ..Sana
nagpakasarap na lang sila sa buhay.."
katwiran nya..
Napatingin ang luhaang bata sa kanya..
"Kung Love nila ako..Dapat sila naghahatid
sa school sakin..Si Daisy hatid lagi ng Dad
at Mom nya.." muling nabasag ang tinig ni
Sab..
Walang masabing kahit ano si Zack..
Batid nyang di sya ang dapat na
kumakausap ngayon sa bata pero ayaw
naman nyang iwanan ito..
Di nya alam ang nararamdaman..Parang
nararamdaman din nya ang nararamdaman
na paghihirap ni Sab..
"Nagtatrabaho sila para sayo
Sab..Sinisigurado nila na di ka maghihirap
paglaki mo..Tingnan mo ako..Ako nga
walang baon.. Pero ikaw, madami kang
pera.. Madami kang nabibili..Kahit anong
gusto mo..Nakukuha mo..Pero
kami..Kailangan pa naming magtrabaho
para makabili ng mga gusto naming bilhin.."
paliwanag ni Zack..
"P-pero..sila ang gusto ko.." mahinang
sagot ni Sab..
Awang awa si Zack sa bata..
Wala talaga syang maisip na magawa kaya
niyakap na lamang nya ito..
Kung dati parang kaaway ang tingin sa
kanya ni Sab.. NGayon ay parang nakakita
ito ng kakampi sa katauhan nya..
Tahimik silang nagyakap..
Ilang sandali ang lumipas, nagsalita si Sab..
"Wag mo ko iwan ha?.. " tanong nito..
Natawa naman ang binatilyo..
"Bakit naman?.. " natatawang tanong nya.
Ngumuso si Sab..
"Basta.." sabi nito...
Tumango si Zack..
"Yun lang pala eh.." sabi nya..
Ngumiti ang bata..
"Kaw na lang Kuya ko.. Si Daisy may kuya
din e..Gusto ko din may Kuya.." sabi nito..
Lalong natawa si Zack sa nais na mangyari
ng bata..
"Ha?..Eh katulong nyo nga lang kami dito
eh.." sabi nya..
Pero nagsimangot ang bata..
"Basta..Kuya kita !.." giit nito.
Para matigil na ang bata..Tumango si
Zack..Nagtatalon sa tuwa si Sab..
"Yeeeheyy..May kuya na koooo..." sigaw
nito..
Napangiti na lang ang binatilyo..
Maya maya at bumaba ng kama ang bata..
"Kuya..Gutom na ko..Dali may mickey sa
TV !.. " tili ni Sab..
Tawa ng tawa ang bata na palabas na sana
ng kwarto pero muli syang tinawag ni Zack..
Kunot noo itong napatingin..
"Why?.. " tanong nito..
Nginuso ni Zack ang suot ni Sab..
"Bihis ka kaya muna?.. " sabi nya.
Natawa si Sab at muling tumakbo papasok
sa closet..Mabilis nyang hinubad lahat lahat
ng suot nya..
Lumabas sya ng kwarto ng hubo't hubad..
"Kuya bihis mo ko.." ungot nito..
Sumunod naman agad si Zack..
Agad syang naghanap ng pampalit sa suot
ni Sab..
Sinuklayan nya pa ito ..
Matapos ang lahat..Mabilis na hinawakan ni
Sab ang kamay ng Kuya Zack nya para
bumaba...
Hinatid ni Zack sa salas ang bata..
"Dyan ka lang..Kunin ko yung miryenda
mo.." sabi nya..
"Open TV.." utos ni Sab..
Kakamot kamot na lumapit si Zack sa
malaking telebisyon at binuksan ito..
"Lipat.." utos muli ng bata..
Dinampot naman ni Zack ang remote..Alam
na nya ang paboritong istasyon ni Sab kaya
mabilis nya itong nilipat ng channel..
"Oh ayan na.." sabi nya.
"Pillow.." utos pa ni Sab..
Gigil na binato ni Zack ng unan si Sab..
Tatawa tawa lang ang bata..
Mabilis syang umalis sa sala dahil baka
kung ano pa ang maisipang ipadampot ni
Sab..
Nakita nyang nagbabasa ng pocket book ang
ina sa kusina..
"Oh anak...Ang tagal nyo naman?.. "tanong
nito..
Uminom ng tubig si Zack bago sinagot ang
tanong ng ina..
"Eh si Sab nay... Nag inarte pa.." sabi nya..
Kunot noo ang nanay nya..
"At ano naman daw ang pinag inarte?..
"tanong ni Ditas..
Nagkibit balikat si Zack.. Kinuha nya ang
miryenda ni Sab sabay muling pinuntahan
ang bata..
Nilapag nya ang miryenda nito sa
mesa..Kasama na ng juice..
"Kuya subo mo ko.." utos ni Sab..
"Ngek..Magbibihis pa ako..Sige na Sab kaw
na lang.." angal ni Zack..
Di na nakapagsalita si Sab dahil mabilis na
umalis ang binatilyo..
"Oh bakit poarang nagmamadali ka ?.. "
tanong ng nanay nya..
Umupo si Zack sa katapat na upuan at
sumubo ng pansit..
"Ano nga ulit yung pinagiinarte ni Sab?.. "
tanong muli ni Ditas..
"Ayun nga ho..Mangyari ho pala na may
assignment pala sina Sab sa
school..Papapuntahin daw kahit isa sa mga
magulang para makwento ang trabaho ng
mga tatay nila..Ayon ho..Mukhang di ho
alam ni Tito at Tita yon.." sabi ni Zack..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas ..
"Ha?..Eh akala ko nabasa na nya?.. " gulat
na sabi ng nanay nya..
Nagtaka si Zack..
"Ano po yon Nay?.. " tanong nya..
Napailing si Ditas..
"Mukhang nakalimutan nga ni Saimon yun
anak...Ang alam ko may sulat na inabot si
Sab kagabi sa Daddy nya..Yun ata yung
assignment na sinasabi mo..Kawawang
bata..Masyadong abala ang mga magulang
nya para man lamang matingnan sya.."
naiiling na sabi ng nanay ni Zack..
Muling hinaplos ng awa ang puso ni Zack..
"Nakakaawa din si Sab inay .." sabi nya..
Tumango ang ina..
"Tama ka anak..Kahit na sandamakmak ang
pera nila..Kulang na kulang pa rin si Sab sa
atensyon ng mga magulang nya..Tama nga
yung kasabihang "Di Lahat kayang Bilhin ng
Pera".. " sabi ni Ditas..
Tahimik silang kumaing dalawa..
Matapos maubos ni Zack ang miryenda..
Nagpaalam na sya sa ina para magpalit ng
damit..
Pumasok sya sa kwarto at agad na
naghubad ng uniporme..
Nakatuwad pa sya habang naghahanap ng
shorts..
Biglang may pumalo sa pwet ni Zack..
Nagulat ang binatilyo kaya napahiyaw sya..
Paglingon nya ay nakita nyang
humahagikgik si Sab sa isang tabi..
"Oy anong ginagawa mo dito?.. " tanong ni
Zack..
Tatawa tawang naupo si Sab sa kama nilang
mag ina..
"Tagal mo kuya eh..Dun tayo.. Watch tayo
TV.. " ungot ni Sab..
Inis na nagtakip ng kumot si Zack..
"Dun ka muna..Susunod na ko..Magbibihis
lang ako.." sabi nya..
Nagtaka si Sab..
"Bakit ?..Di magbihis ka.." sabi nya..
Napailing si Zack..
"Sige na ..Dun ka na .." nag galit galitan na
sya..
Pero wa epek kay Sab..Ngumiti lang ito ng
matamis..
"Di..Bantay kita kasi baka mag sleep ka.."
sabi nito..
Gigil na nagbihis si Zack sa likod ng pinto..
Nagtataka si Sab kung bakit ganun magbihis
ang kuya Zack nya..
Pero di nya ito pinansin..
Mabilis namang natapos sa pagpapalit ng
pambahay si Zack..Mabilis din si Sab na
hinablot ang kamay ng kuya nya at inakay
patungo sa salas..
Nadatnan nila ang nanay nya na nagbabasa
pa rin ng pocketbook..
"Hello po Naynay.." bati ni Sab..
"Hello iha.." bati ni Ditas..
Nakasimangot si Zack na napatingin sa
nanay nya..
Ngumiti lang si DItas..
"Anak..Pagbigyan mo na sya.." utos ng ina
Tumango si Zack kahit na labag sa loob
nya..
Marami pa syang assignments na dapat
gawin..
Mabilis na naakay ni Sab ang kuya Zack
nya patunong salas..
Naupo silang magkatabi sa sofa..
Lumayo si Zack pero lumalapit si Sab sa
kanya.
"Bakit ka ba lumalayo kuya?.. " asar na
tanong ng bata..
Nagkibit balikat lang si Zack..
Inis na pinatong ni Sab ang mga paa nya sa
kandungan ng kuya nya..
Walang nagawa si Zack..Nanuod na lamang
sila.
Di man nya gusto ang palabas dahil
masyadong pambata at english pa..Wala
naman syang magawa..
Baka umiyak na naman si Sab..
Tahimik na lamang siyang nanuod..
Ilang saglit pa..
Naramdaman ni Zack na parang naging
tahimik na ang bata..
Pagtingin nya ay napangisi sya ng makitang
tulog na tulog na pala ito na nakaupo sa
sofa..
Dahan dahang inalis nya ang mga binti ni
Sab..
Tagumpay naman..
Dumaan ang nanay niya..
"Oh nakatulog na pala sya..Wag mo ng
gisingin anak.." sabi ng nanay ni Zack..
Ngumisi ang binatilyo..
"Talaga po Nay..Mangungulit na naman ito
eh.." sabi nya..
Natawa si Ditas at muling umalis ..
Nagpasya si Zack na dito na sa salas
gumawa ng takdang aralin..Pinatay nya
muna ang TV..
Matapos sulyapan si Sab, nagpunta si Zack
sa kwarto nya para kunin ang mga gamit
nya..
Pagbalik nya ay tulog pa rin si Sab..
Sumalampak sya ng upo sa harap nito at
nagsimulang gumawa ng assignments..
Ilang saglit lang ay umungol si Sab..
Nilingon ito ni Zack ..Kita nyang
nahihirapang matulog ang bata sa posisyon
nitong nakaupo..
Nagpasya syang kumuha ng kumot sa
kwarto nito..
Mabilis na tinakbo ni Zack ang kwarto ni
Sab..
Dinampot nya ang kumot nitong nakatupi sa
lalagyan at akmang aalis na sana ng
mahagip ng mga mata nya ang bag ng
bata..
"Baka may Assignments sya.." bulong ni
Zack sa sarili..
Mabilis na dinampot ni Zack ang bag ni Sab
at sinara ang pinto..
Agad syang bumaba patunong salas..
Nakanguyngoy na ang ulo ni Sab..
Dahan dahang inayos ni Zack ang isang
unan para duon pahigain ang bata..Matapos
nito ay tahimik nya itong kinumutan..
Hinaplos ni Zack ang maamong mukha ni
Sab..
"Bad kayo !.." sigaw bigla ni Sab.. Umagos
ang mga luha sa mata nito..
Mukhang nananaginip ang bata..
Niyakap agad ni Zack si Sab..
"Sssshh... Wala sila.. Di ka nila masasaktan
pa.." bulong nya sa tenga ng bata..
Humikbi hikbi si Sab..
Muli itong payapang nakatulog..
Masuyong pinunasan ni Zack ang mukha ng
bata..
Nakaramdam sya ng awa sa sitwasyon nito..
"Kuya.. Dito ka lang.." bulong ni Sab..
Napangiti si Zack sa sinabi ng bata..
Mula sa araw na iyon..
Tiimbagang syang nangako sa sarili..
"Lagi lang akong nasa tabi mo Sab..
Pangako.." ganting bulong nya..
Kinumutan nyang muli ang bata at
masuyong hinalikan sa noo..
Buo ang determinasyon sa dibdib na
aalagaan si Sab sa abot ng kanyang
makakaya.

Chapter 8
6 Years Later
Maagang nagising si Sab..
Enrollment na para sa second year high
schools..
Ayaw nyang magpaiwan sa mga kaibigan
nya..
Baka kung saan na naman sya mapuntang
section kapag nagkataon..
Bago magpunta sa banyo..
Hinanap ni Sab ang kanyang Pager..Isa ito
sa mga regalong natanggap nya mula sa
kanyang ama nuong grumaduate sya ng
elementary bilang valedictorian..
Matapos mag page.. Takbo agad si Sab sa
banyo..
Nasa loob na sya ng may maalala..
Mabilis syang muling lumabas ..
Dumungaw sa pinto..
Napangiti sya ng makita ang hinahanap ..
"Psst.." sitsit ni Sab.
Nasa dulo ng pasilyo ang kinse anyos na si
Zack..
Abala ito sa pagpupunas ng mga
nakadisplay na paintings sa dingding..
Napalingon sa kanya ang binatilyo..
Kunot noo itong lumapit..
"Oh?." tanong ni Zack..
"Nagmamadali ako Kuya.. Paki handa na
mga susuotin ko ha?.. Thanks thanks.." utos
ni Sab..
Mabilis syang muling bumalik sa banyo..
Napakamot si Zack sa batok nya..
Akmang tatalikod na sya ng muling
makarinig ng pagbukas ng pinto..
"Bakit di ka pa bihis?.." kunot noong tanong
ni Sab..
Nagkibit balikat lang si Zack..Napasimangot
ang dalagita..
"Kuya..Sasama ka..Nakalimutan mo na
ba?.." paalala pa ni Sab..
Napasimagot din si Zack.
"Ayaw ko...Puro babae kayo eh.." reklamo
nya..
Ngumisi si Sab..
"Ang sabihin mo.. Ayaw mo lang makita si
Heidi.." humagikgik pa ito..
Lalong napasimangot si Zack.
"Ihahatid na lang kita..Tapos susunduin ulit
kita pagtapos nyo..Dun lang naman ako sa
gym tatambay.." wika nya..
Nawala ang ngiti sa labi ni Sab.. Dinutdot
nya ang dibdib ng Kuya Zack nya..
"No, no, no.." maiksing sabi ni Sab..
Walang magawa si Zack..Bukod sa anak ito
ng amo nya.. Konting lambing lang ni Sab,
bumibigay na sya..
Napabuntong hininga na lang ang binata..
Marahan syang tumango dahilan para
biglang magtatalon si Sab sa tuwa..
"Yes!.. Lakas ko talaga sa kuya ko !..
Bilisan mo na .. " sigaw pa nya sabay pasok
sa loob ng kwarto..
Malungkot na napangiti si Zack..
Araw din ng pag eenroll nya.. Pero di naman
sya nagmamadali..
Hawak ang basahan at spray.. Pumasok ang
binatilyo sa kwarto ng dalagitang si Sab..
Napaungol sya ng makita ang kaguluhan sa
loob..
Parang dinaanan ng ipu-ipo ang kwarto ng
dalagita..
Inis na kinatok ni Zack ang banyo...
"Parang may nag away dito sa loob ng
kwarto mo Sabina.." reklamo nya..
Rinig nya ang pagtawa ni Sab sa loob..
Gigil na nilapag ng binata ang mga ginamit
na panlinis at sinimulang isa isahin ang
mga kalat..
Puro mga damit na malilinis ..Halatang
pinagpipilian..
Stuffed toys.
Mula ng tumuntong si Sabina sa high
school..Lalong gumaganda ito..
Patunay ang dagsa ng mga regalo at cards
para sa dalagita..
Dinampot ni Zack ang isang malaking teddy
bear at binalik sa dati nitong ayos..
May hinahanap ang mata nya..
Natapos na nyang ibalik sa dati nitong
lalagyan ang mga stuffed toys pero di nya
mahagilap ang bigay nya..
Maliit na kerubin na bigay nya nuong
grumaduate ang dalagita ng elementary..
Mula iyon sa sarili nyang pera..
Nagpart time sya sa labas ng eskwelahan
bilang waiter makabili lamang ng regalo
para sa dalagita..
Pero parang nanlumo sya ng di nya ito
makita sa mga hilera ng mga regalong
natatanggap ni Sab..
Napabuntong hininga si Zack..
Matapos maglinis..Sinimulan nyang ligpitin
ang kama..
Di na sya nag abalang ayusin ang mga
unan..Kumot lang ..
Si Nanay na nya ang bahala sa iba..
Kailangan na din nyang maligo dahil sabi
nga ni Sab, kasama na naman sya..
Muling napabuntong hininga si Zack..
"Ang lalim naman non kuya.." untag ni Sab.
Napabalikwas ng tingin si Zack..Tulala
syang napatingin sa mala diyosang lumabas
mula sa banyo..
Nakatapis lang ng twalya si Sab..Walang
malisyang nakakunot ang noo nito at
nakatingin sa kanya..
Tumutulo ang tubig mula sa buhok ng
dalagita papunta sa maamo nitong mukha..
Napalunok ng laway si Zack..
Parang biglang uminit sa silid ng dalagita..
Unti unting lumapit sa kanya ang babae
hanggang sa maging magkaharap na sila..
"Oy.." untag ni Sab..
Tila nabatubalani si Zack..Parang
nanggaling sya sa isang magandang
panaginip at biglang nagising sa boses ng
isang maladiwatang nilalang sa kanyang
harap..
Napatitig sya sa mamula mula at makipot
na labi ng dalagita..
Katakam takam..
Parang nang aakit na sakupin ang maliit na
labing iyon..
Muling napalunok si Zack..
Bumaba ang tingin nya sa nakasungaw na
hita nitong parang labanos ang kulay..
Katakam takam..
Pero mali..
Marahas na pinilig ni Zack ang kanyang
ulo..Parang gusto nya itong iumpog sa kung
saan para lamang mawala ang kanyang
nararamdaman..
Binaling nya ang ulo sa ibang direksyon..
"S-sige..Maliligo na rin ako.." mahinang
sabi nya..
Napanguso si Sab..
"Eh di maligo ka..Hinanda ko na yung
shower oh..Pasok ka na sa bathroom ko."
sabi nya..
Umiling ang binatilyo.
"Dun na lamang ako sa kusina..Sige
na..Magbihis ka na.." tanggi nya ..
Lumakad na sya palayo sa dalagita..
"Kuya naman eh..Andyan naman yung ibang
damit mo eh..Dito ka na maligo .." lambing
ni Sab..
Pero nagmatigas si Zack.
"M-may kukunin din ako sa kusina..Sige
na..Titingnan ko rin kung nakapag luto na si
Inay." palusot nya..
Mabilis na syang lumabas ng kwarto...
Sumimangot si Sab..
Inis nyang binalibag ang pinto...
"Bheeeee....Pangeeeettttttt.." sigaw ni Sab
sabay dila..
Gigil na inalis nya ang twalya na nakabalot
sa katawan..
Umahon ang ngitngit sa puso nya..
Di nya maintindihan..Parang nag iba na ang
kuya Zack nya..
Naalala nya ang sinabi ni Princess na
naging classmate at kaibigan na din nya..
Baka nga may girlfriend na ang kuya nya..
Nagpapadyak sa inis si Sab..Di nya
maintindihan ang inis at galit na
nagsisimulang bumalot sa pagkatao nya..
Kapag nagkanobya ang kuya nya,
mababawasan na ang atensyon na binibigay
nito sa kanya..
"Di pwede !.." sigaw nya..
Pero nawala ang inis nya ng makita ang
loob ng kwarto..
Malinis at nakaimis na ang mga gamit
nya...
Sinadya nyang guluhin ang kwarto para may
dahilan sya para papasukin ang kuya nya..
Tagumpay naman..
Pero parang nagmamadali itong makalabas
din..
Muli nyang sinuyod ang mga manikang
nakahilera sa isang tabi...
Umismid ang dalagita..
Wala dyan ang gusto nya..
Nilapitan nya ang magkapatong na unan sa
kama..
Inalis ang isa..
Napangiti sya ng makita ang hinahanap..
Isang maliit na stuffed toy ng anghel..
Binigay ng kuya nya..
Hinalikan ni Sab ang mukha ng kerubin.
"Good Morning Kuyaaaaaa..." bati nya sa
anghel..
Pero ang nasa isip nya ay kuya Zack nya
ito..
Ilang oras ang lumipas..
Sakay ng kotse sina Sab at Zack..
Si Saimon ang nagmamaneho.
Panay ang turo nito kay Zack tungkol sa
tamang pagmamaneho ng kotse na sya
namang masusi ding pinag aaralan ng
binata..
"Oh ganito yan Zackarias..Kapag kakambiyo
ka..Tapakan mo yung clutch tapos
kambyo..Madali lang yan iho.." paliwanag ni
Saimon.
"Sige po Tito.." magalang na sagot ni Zack..
Matamang nakikinig lang din si
Sab..Nangingiti sya habang nakikinig sa pag
uusap sa dalawang lalakeng pinaka
importante sa buhay nya..
Magkatabi ang mga ito sa harapan habang
mag isa syang naka upo sa likod..
Napatingin sya sa kuya nya..
Muli, di maipaliwanag ang nararamdang ito
ni Sab..
Parang lalong gumagwapo si Zack habang
tumatagal..
Sabagay, gwapo naman talaga ang kuya
nya..
"Dapat mong matutuhang mabuti ang
pagmamaneho ng kotse dahil di magtatagal
..Sayo ko na ipamamana ito..Ikaw na ang
maghahatid sundo dyan sa makulit na yan
sa likod.." tatawa tawang sabi ni Saimon..
Nanlaki ang mga mata nina Sab at Zack..
"T-tito..Di nyo naman po kailangang
ipamana pa..Ayos na ho ako..Di ko po
kailangan ng kotse.." tanggi ng binatilyo..
Tumawa lang si Saimon..
"Ngek..Pano na kapag nanligaw ka.. Tapos
mag date kayo..Syempre mas maganda
yung may sarili kang sasakyan para kahit
saan kayo magpunta..Oks lang.." tumawa ng
malakas ang lalake..
Nag ngitngit ang loob bigla ni Sab..
"Hephep..Di pwede.. ! " sigaw nya..
Napalingon ang dalawang lalake sa kanya..
Kunot noo ang mga ito..
"At baket naman anak?." tanong ni Saimon..
Napanguso si Sab..
"Wala ng maghahatid sa akin kapag
nanligaw si kuya..Ikaw talaga Daddy
eh..Drive ka na lang kase..Oy kuya nag
jojoke lang yan si Daddy.." reklamo nya..
Napangisi si Saimon sa anak..
"Wala ka pala pag asa Zack na
makapanligaw hanggat nandyan si Sab.."
asar nya sa binata..
Napangiti na lang din si Zack..
Ayaw naman nyang manligaw pa sa iba..
Umayos sya ng upo at tumingin sa harap..
Nasa likod ang gusto nya..
Mula pa noon..Iba na ang nararamdaman ni
Zack..
Batid nyang di na ito pagtinging kapatid
lamang..Alam nya..
Matanda na sya para sa mga ganoon..
Pero alam na alam din nyang di ito
magkakaroon ng katugon..
Malabo..
Imposible.
Langit at Lupa..
At isa pa..
Ano na lamang ang iisipin ng mabait nyang
amo?..
Na sinamantala nya ang pagpbabantay sa
anak nito?..
Tahimik na naupo na lamang si Zack sa
kanyang pwesto.
Panaka nakang sumasagot sa mga sinasabi
ng among lalake..
Malalim ang kanyang iniisip..
Kung paano mawawala ang nararamdaman
nya kay Sab.
"Bye Daddy." paalam ni Sab..
Humalik pa sya sa pisngi ng ama..
"Sige po Tito.." paalam din ni Zack..
Ngumiti si Saimon sa dalawa..
"Susunduin ko pa ba kayo?.." tanong nya..
Umiling si Sab..
"Mag jejeep na lang kame Dad.." sabi nya..
Tumango si Zack sa among lalake..
"Ako na hong bahala Tito.." sagot din nya.
Tumango si Saimon sa dalawa..
Malaki ang tiwala nya kay Zack kaya
kampante syang iwan ang anak sa
pangangalaga nito.
Inatras nya ang kotse at nakangiting
kumaway sa dalawa..
Tahimik na ngumiti lamang si Zack..
"Sab !!!.." tili ng isang babae..
Napaungol ng lihim ang binata..
"Heidi !.." tili din ni Sab..
Nagyakap silang magkaibigan..
Kinilig si Heidi sa pagsulyap sa gwapong
binata sa tabi ng kaibigan nya..
"H-hi Zack.." kiming bati nito..
Ngumiti ng matamis si Zack.
Parang mahihimatay naman si Heidi.
"Gosh..He smiled at me.." bulong nito sa
kaibigan..
Parang nainis naman si Sab..Di nya
maintindihan ang sarili..
Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng
kaibigan..
"Tara na..Baka maubusan tayo ng slot eh.."
sabi ng dalagita..
Tahimik na sumunod si Zack..
Kailangan nyang siguruhin na makakapag
enroll si Sab..
Mabilis naman ang naging proseso..
Matataas ang grado ng dalagita kaya di
kataka takang nasa highest section ito
napunta..
Isa isang natipon ang mayayamang kaibigan
ni Sab..
Si Zack ang nag iisang lalake sa grupo..
Pasimple nyang sinulyapan ang gym..
Kanina pa sya kating kating mag punta
duon..
Mahilig sya sa basketball..
Alam nyang magaling din sya..
Pero dahil sa pagbabantay kay Sab, di nya
magawa ang mga nais gawin..
"Hoy !.." piningot ni Sab ang tenga ng kuya
nya..
Nag bungisngisan ang mga kasama nitong
dalagita..
Kunot noong napatingin si Zack sa
kanya..Nagtatanong ang mga mata nito..
"Ano ?.. "tanong nya..
Napasimangot si Sab..
"Yan kase.. Ang sabi ko..San tayo
kakain?..Nagugutom na ko !.." singhal nya..
Nagkibit balikat lang si Zack..
"Wala naman saken yung pera eh..Nasa iyo
di ba?.. Binigay ko na sayo lahat
kanina..Pamasahe na lang itong nasa akin
tsaka yung pang enroll ko.." paliwanag nya..
Nanlaki ang mga mata ni Sab..
"Ay !.. Oo nga pala.. Di ka pa pala
nakakaenroll.. Tara.." sabi nya..
"Hay nako sis..Anong oras na..Baka di natin
maabutan sina Brix sa gym eh.." reklamo ni
Princess..
Napasimangot si Sab..
"Eh ano.?.. " tanong nya..
Umungol ang dalagitang kasama nila..
"Hellooo..May try out ang basketball
team..Syempre nandun ang star player ng
school na si Brix Asuncion... Yung super
gwapo..Saan ka ba galing na planeta?.."
tanong ng isa.
Umismid si Sab..
"Same question.. Eh ano?.." tanong ulit nya..
Napangisi si Zack .. Tinapik nya ang kamay
ni Sab..
"Sige na girls..Mauna na kayo..Susunod
ako..Saglit lang ako Sab.." paalam nya..
Wala ng nagawa si Sab dahil mabilis na
umalis si Zack..
Hawak ni Princess ang isang braso nya
kaya di sya agad nakasunod..
Mabilis syang hinatak ng mga ito patungong
gym kung saan may nagaganap na try-outs
para sa basketball team..
Mabilis na natapos ang proseso ng
enrollment ni Zack..May discount sya dahil
running for valedictorian sya..Kinamayan
nya ang principal at mabilis na nagpaalam
dito..
Nag aalala na sya kay Sab..
Habang nasa daan patungon gym, may
tumawag sa pangalan ni Zack.
"Zackarias Hidalgo..Boy Bibingka !.." sigaw
ng isang tinig.
Napangiti si Zack kahit di nya nakikita pa
ang tumawag..
Iisang tao lang ang may lakas ng loob na
tumawag ng ganuon sa kanya..
Agad syang lumingon at tama nga ang
hinala nya..
"Denzel?.." sigaw nya..
Nagtatakbo si Denzel patungo sa kanya..
"Putsa pare..Ang pogee mooo.." landi ni
Denzel.
Natawa si Zack ng malakas..
"Ikaw deeeenn.." ganti nya..
Masaya silang naupo sa isang bench..
"Oy..Musta na?.. "tanong ni Zack..
Nagkibit balikat si Denzel sabay sumandal
sa gilid ng bangko..
"Eto..Transfer na ako dito pare..Ikaw?.."
sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Weeee?.. Dito ak nag aaral !.. " sabi nya..
Napangiti lang si Denzel sa kanya.
"Alam ko..Tanga ka talaga eh..Kita mong
tiyahin ko yung isang teacher dito.." sabi
nito
Nagtawanan silang dalawa.
"Long time no see pare.." bati ni Zack..
Tumango si Denzel..
Pinagmasdan ang kaibigan..
"Langya ka pare..Gumagwapo ka
ah..Mukhang tama nga yung sinabi mo sa
huling sulat mo saken..Teka..Akala ko ba
may alaga ka?.." tanong nito..
Tumango si Zack..
"Oo pare..Tulad nga ng sinabi ko
sayo..Nakapasok kami ni Inay bilang
katiwala sa isang mabait at mayamang
pamilya pare..Grabe ang kabaitan
nila..Tinulungan nila kami ni Inay .. Sa lahat
ng aspeto..Paaral din nila ako pare.."
kwento pa nya..
Ngumiti si Denzel..
"Ayos yon..Eh yung sinabi mong alaga mo?..
"tanong nito..
Napangiti si Zack..
"Andun sa gym pre..Kakatapos lang din mag
enroll..Nanunuod ata sila ng try outs sa
basketball.." sabi nya..
Humawak si Denzel sa baba..
Napaisip..
"Hmm..Parang gusto ko mag try out..
Hanggang kelan kaya ?.. " tanong nito..
Binatukan ni Zack ang kaibigan..
"Marunong ka?.." tanong nya.
"Gago..Oo naman..Dun sa school na dati
kong pinapasukan..Varsity din
ako..Nakakalaban nga namin itong school
ninyo..Di ka kasi nagpupunta sa mga laro
eh..Lagi kayong olats samen.." pang aasar
ni Denzel.
Nagtawanan sila.
"Wala ako pare eh.. " pagyayabang ni Zack..
"Marunong ka din?.. " tanong ng kaibigan
nya.
Nagtawanan na naman sila..
"Tara try tayo?.. Kaso baka tanggihan ako
kapag mamukhaan ako eh.. " sabi ni
Denzel..
Napaisip din si Zack..
"Bakit naman..Ano yun bitter sila?..
Ahahaha..Sorry pare pero wala akong alam
sa mga players ng team..Bahay eskwela
lang kasi ako..Di ko nga alam kung papayag
si Sab eh.." paliwanag nya..
Kunot noong napatingin sa kanya ang
kaibigan..
"Bakit naman kung hindi sya pumayag?.. "
tanong nito..
Nagkibit balikat si Zack..
"Eh di hindi pwede..Ganun kasi
yon..Bossy.." sabi nya..
"Wawa ka pala..Anyway.. Para sasali ka
lang naman eh..Tsaka kailangan natin yan
bilang graduating students..Ay teka shet.."
biglang sabi ni Denzel..
Napatingin sa kanya si Zack..Nagtatanong
ang mga mata..
"Baket pre?.. " tanong ni Zack..
"Sina Primo pala baka makalaban natin
kung sakali.. Tsk tsk.." iiling iling na sabi
nito.
"Sinong Primo?.. " tanong ni Zack..
"Tropa pare..Mga ka brad ko sa dati kong
school..Mababait din yon..Tatlo kaming
barkada don..Si Vincent yung isa..Varsity
kami lahat..Kainis..Ayaw ko silang labanan
eh.." sagot ni Denzel..
Ngumiti si Zack..
"Eh di iwasan natin silang makalaban..Tsaka
di pa nga tayo sure kung tatanggapin nila
tayo.. " paliwanag nya..
Napangisi si Denzel.
"Ako sure ako..Ikaw?.. " tanong nito..
"Tara.. Para matanggal ko yang angas mo.."
pagyayabang ni Zack.
Nagtawanan silang dalawa na tinungo ang
gym...
Marami ng tao sa gym pagdating nila.
Agad sinuyod ni Zack ang buong gym para
hagilapin ang dalagita..
Agad nya naman itong nakita..
Biglang umahon ang ngitngit sa dibdib nya
ng makitang pinapalibutan sina Sab at ang
mga kaibigan nito ng mga varsity ng
school..
Di nya alam kung lalapit ba sya o hindi.
Pero mukhang di na nya kailangang lumapit
dahil nahagip sya ng paningin ni Sab..Agad
nagliwanag ang mukha nito ng makita sya..
Tumayo si Sab at agad na nilapitan ang
kuya nya..
Di nya maintindihan ang nararamdaman
..Bigla nyang niyakap si Zack..
Nagulat man..Gumanti na din ng yakap ang
binata..
Napangitin sa kanila si Denzel at napangisi.
"Kuyaaaa." lambing ni Sab..
Kamot ulo lang si Zack..
"Uwi na tayoo.." sabi pa nito..
Nagkatinginan ang mag kaibigan..
"T-teka lang Sab..M-may gagawin lang ako
saglit.." sabi ni Zack..
Kumalas ng yakap si Sab sa kanya at
nakasimangot na tumingin..
"Ano?.. " singhal nito.
Biglang napaubo si Denzel sa kakapigil na
tumawa..
Napatingin dito si Sab at nagtaas ng kilay..
"Ay.. Ngapala Sab..Si Denzel..Kababata
ko..Pare eto si Sab.." pakilala nya sa
dalawa..
Napataas ang isa pang kilay ni Sab..
"Mukhang kinwento mo na ako
kuya..Hello.." bati ng dalagita..
Nagkamay silang dalawa..
"Oo nga..Kinwento ka na nya saken eh.."
sabi ni Denzel..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"At ano naman daw ang sinabi nya?.. "
tanong ni Sab..
Ngumisi si Denzel..
"Sabi nya maganda ka daw..Pero
sinungaling ang kaibigan ko.." sabi nya.
Sumimangot si Sab..
"Panget ako?.. " taray nya..
Umiling si Denzel..
"Nope..Super maganda ka.." banat nya..
Kinilig si Sab pero di sya nagpahalata..
Binatukan ni Zack ang kaibigan..
"Tado ka pare.." nagselos agad si Zack..
Kilalang matinik sa chicks ang kaibigan
nya..Ayaw nyang masama si Sab sa listahan
nito ng mga pinaiyak na babae..
Pero sa kaibuturan ng kanyang puso..Gusto
nya sya ang maging nobyo ni Sab..
Natawa na lamang si Denzel at tinapik ang
kaibigan..
"Ito naman oh..Selos agad.. Joke lang
no..Nice meeting you Sab..Ano pare.?.. Bihis
na tayo..May extra uniforms kaya sila?.. "
tanong ni Denzel..
Lalong kinilig si Sab sa sinabi ng kaibigan
nito na malamang daw nagseselos si
Zack..Pero napakunot noo sya ng marinig
ang tanong nito..
"Ano yon kuya?.. " tanong ni Sab..
Napangiwi si Zack..
"Ah..Mag try out lang sana kame.." sabi
nya..
Nagsalubong ang kilay ni Sab..
"Marunong kang mag basketball?.. " tanong
nya..
Natawa si Denzel bigla.
"Oo naman.. Di mo lang kasi napapansin.."
tampong sagot ni Zack..
Nag isip si Sab..
Kapag natanggap ang kuya nya..Lalong
mawawalan ito ng oras sa kanya..
Pero ayaw naman nyang pigilan ang hilig
nito..
Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng may
lumapit sa kanila..
Pagtingin nya ay agad syang napasimangot
ng makita ang mayabang na si Brix..
"Hey Sab..Di ka na bumalik ah.." sabi nito..
Napatingin si Brix sa dalawang nagtaaasang
binata na kasama ni Sab..
Magkasing tangkad sina Denzel at Zack..
Parehong 5'9 ang height..Pareho pang
gwapo..
Parang nais nyang mainsecure sa dalawa..
"Wala naman akong sinabing babalik pa ako
dun ah.." taray ni Sab..
Natawa ng lihim ang dalawang binata sa
likod.
Nakaramdam ng asar si Brix at
pagkapahiya..
"Oh..Sorry.. I thought gusto nyo akong
makasama..?.. " pagyayabang nya..
Sa isip isp ay nagpapakipot lamang ito..
Sumimangot si Sab..
"Baket?..Artista ka ba?..Si Gabby
Concepcion ka?..Kapalmuks nito kuya oh.."
sumbong nya..
Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ni
Sab..
Hiyang hiya si Brix.
"Sus arte..If I know gusto mo ring mapansin
kita..Pakipot pa..Ikaw na nga itong
kinakausap ko eh.." pagyayabang nito..
Tiningnan ni Sab mula ulo hanggang paa si
Brix sabay inakbayan ang braso ni Zack..
"Look mo ito..Ni hindi ka umabot sa tenga
ng kuya ko.." pagyayabang nya..
Lalong lumakas ang tawanan..
Napalapit na din ang mga kaibigan ni Sab
sa kanila..
"Grabe ka naman sis.." bulong ni Princess.
Pero di sya pinansin ni Sab..
Naglapitan din ang ibang players ng
basketball team..
Kinabahan si Zack..
Pero easy lang si Denzel na nakatingin at
nagpipyesta ang mga mata sa mga kaibigan
ni Sab..
Sa isip isip ay namimili na sya ng magiging
flavor of the month nya..
Kailangan nyang talunin si Primo sa dami
ng naging girlfriends nito..
"Kuya mo ba yan?..Eh di kayo
magkamukha.." sigaw ni Brix..
"Pake mo?... Tsaka mo na ako kausapin
kapag nagpantay na kayo ni Kuya ng
height..Bansot !.." pang aasar ni Sab..
Umugong ang tawanan sa gym sa sinabi ng
dalagita.
Hiyang hiya si Brix..
Nais nyang buntalin ang binatang sinasabi
ni Sab na kuya nito..
Pero hanggang tenga lang sya ng binata..At
kilala nya ito bilang President ng student
council..
Sumuko si Brix at pasimpleng tumalikod..
Kinuha nya ang isang bola sa kasama at
nag dribble..
Lumay-up..
Pasok..
Ngumisi ang binata..
Pilit binabalik ang angas na nawasak..
Pero malas nya dahil wala palang
nakatingin sa kanya..
Ngitngit na ngitngit ang pakiramdam nya..
Sa inis, dinampot nya ulit ang bola at
pasimpleng hinagis sa kuya ni Sab..
Pinuntirya nya talaga ang mukha nito pero
nagulat sya ng biglang may kamay na
humarang..
"Pare..Pinapasahan ka oh.." sabi ni Denzel.
Sumimangot si Sab at tiningnan ng masama
si Brix..
Inabot ni Denzel ang bola kay Zack..
Tumingin naman ang binata kay Sab..
Naunawaan agad ni Sab ang nais mangyari
ng kuya nya kaya dahan dahan nyang inalis
ang mga brasong nakayakap sa isang braso
ni Zack..
Naghiyawan ang mga tao sa gym..
"Gawin mo din yung ginawa nya kuya.."
lambing ni Sab..
Ngumisi si Zack ..
Nagsi layuan ng konti ang mga tao..
Pati si Brix napaismid at lumayo ng konti..
Biglang tumakbo si Zack..
Di sya ng dribble..
Akmang tatawa si Brix dahil sa di man lang
nag dribble si Zack pero napanganga sya ng
biglang tumalon ito at idakdak ang bola sa
ring..
Umalog ang board..
Nakasabit si Zack sa ring at nakatitig kay
Brix..
Pagbaba nya..Agad nyang nilapian at
hinawakan sa kamay si Sab na tulala din..
Walang nakapagsalita..
Nakangisi lang si Denzel ..
"Pare una na kame.." paalam ni Zack..
"Sige pre..May pager ka ba?.. " tanong nya..
Umiling si Zack..
"Ah..Sige..Kita na lang tayo bukas.." sabi ni
Denzel..
Tumango si Zack..
Pasimple na silang umalis sa gym..
Walang nagsasalita sa kanila..
Hanggang sa makasakay sila sa jeep at
makarating sa bahay...
Nasa gate na sila ng pigilan ni Sab ang
kuya nya..
"Kuya..Marunong ka talaga.." sabi nya.
Ngumiti si Zack..
"Oo.. Twing hapon naglalaro ako sa court ng
clubhouse..Di mo siguro ako napapansin.."
sabi nya...
Ngumiti na din si Sab..
"Sige sali ka..Pero.." sabi nya..
Kunot noo si Zack..
"Pero?.. " tanong nya.
Ngumisi si Sab..
"Name ko ang ilalagay mo sa uniform mo.."
sabi nya..
Tumawa si Zack at umiling..
Sumimangot si Sab..
"Ayaw mo?.. " taray nya.
"Ayaw ko.." tanggi ni Zack..
Nagpuyos ang loob ni Sab..
"Bakit ayaw mo?.. " sigaw nya..
"ZABRINA.." maiksing sabi ni Zack..
Natahimik si Sab at kunot noong napatingin
sa kuya nya..
"Ha?.. Anong Zabrina?.." tanong nya..
"Zackarias and Sabina = Zabrina.." sagot ni
Zack.
Binuksan na ng binata ang gate at pumasok
sa loob..
Tulalang nakatayo lamang si Sab..
Pero unti unting nabubuo ang ngiti sa
kanyang mga labi..
"Zabrina..Nice name.." bulong nya..

Chapter 9
First day of Class...
Maaga pa lamang ay nakabihis na si Zack..
Kanina pa sya pa balik balik sa labas ng
kwarto ni Sab para hintayin itong matapos
sa pagbibihis..
Ilang saglit lang ay nagbukas ang pinto..
Humalimuyak ang mabangong amoy mula
sa dalagita.
Saglit natigilan si Zack..
Mabilis nyang pinasadahan ng tingin si Zab
na abala sa pagsusuklay ng mahabang
buhok.
"Tara na kuya.. Nasan si Dad?." tanong nito.
Napalunok si Zack..
Pinilig nya ang ulo.. Pilit ginigising ang
sarili sa isang tila bangungot na sitwasyon
nya.
"K-kanina pa naghihintay sa atin.."
mahinang sabi nya..
Nagpauna na sa paglalakad ang dalagita..
Sinara na lang ni Zack ang pinto ng kwarto
nito at sumunod..
"Oh.. Mag aaral mabuti ha?.." bilin ni
Saimon..
Tumango ang dalawa.
Nakangiting pinasibad ng lalake ang kotse
nito ..
Napatingin si Zack sa dalagita...
"Kuya.. Hatid mo muna ako.." utos ni Sab..
Tahimik na sumunod ang binata.
Habang nasa daan..
Walang kibo si Zack..
Kagabi pa sya di mapakali..
Alam nyang bawal..
Imposibleng mag karoon ng katuparan ang
pangarap nya..
Nasa kalagitnaan ng pag iisp si Zack ng
magsalita ang dalagita..
"Kuya.. Lampas ka na." natatawang sabi
nya..
Umangat ang ulo ni Zack at maging sya ay
natawa dahil dalawang kwarto na pala ang
lampas nya..
Kakamot kamot syang bumalik sa tapat ng
kwarto ni Sab.
"Lalim ng iniisip ah.." biro nito..
Ngumiti lang ng kimi si Zack at nag kibit
balikat..
"So paano.. Kitakits na lang mamaya.." nag
paalam na si Sab..
Pasimpleng pinagmasdan ni Zack ang
dalagita..
Matapos nito..
Marahan syang naglakad patungo naman sa
kanyang silid..
Maaga pa sila kung tutuusin..
Konti pa lang ang mga estudyanteng
nanduon kaya malayang nakakapag isip si
Zack..
Batid nyang malabong mangyari ang nais
ng puso nya..
Pero wala syang magawa..
Malakas talaga ang hatak ng nararamdaman
nyang ito para kay Sab..
Ano na lamang kaya ang iisipin ng dalagita
kapag nalaman nito ang kayang pagsinta..
Ah...
Malamang na gumulong ito sa kakatawa..
Oh di kaya ay magalit sa kanya..
Baka palayasin silang mag ina kung
magkataon..
Nahindik si Zack sa naisip.
Maaari nga..
Baka isipin pa ni Sab na kaya pala sya
mabait dito ay dahil mayroon syang lihim na
pagnanasa..
Lalong kinilabutan si Zack sa maaaring
mangyari kapag nabunyag ang lihim nyang
pag-ibig para sa anak na babae ng kanyang
mababait na amo.
Kailangan nyang maging lalong maingat sa
pagtatago nito..
Ayaw nyang masira ang pag titiwalang
ibinigay ng mag asawa sa kanilang mag
ina..
Napakalaki na ng naitulong ng mga ito..
Gusto nya pang makatapos ng pag aaral at
maging isang tanyag na doktor balang
araw..
Kailangan nyang sikilin ang nararamdaman..
Kung hindi man nya kakayanin.. Kailangan
nyang masusing itago ito.. Kahit sa kanyang
ina..
Napabuntong hininga na lamang si Zack sa
naisip.
Ibabaling na lamang nya ang atensyon sa
pag aaral at pag lilingkod ng tapat sa
pamilya nina Sab..
Mabilis lumipas ang mga araw..
Ang araw ay naging linggo..
Ang linggo ay naging buwan..
Natanggap sina Zack at Denzel sa pagiging
varsity ng school..
Bagama't paminsan minsan lamang siyang
nakakadalo sa mga pagsasanay nila..
Nauunawaan naman sya ng magaling nilang
coach.
Ayos lang dito kahit isang beses isang
linggo lamang siyang maka attend..
Batid kasi nito ang paninilbihan nya sa
pamilya nina Sab..
MAbait din ang nasabing coach..
Araw ng Sabado..
Maagang nagising si Zack..
Bagama't walang pasok sa eskwela..
Kailangan nyang pumunta dito upang
dumalo sa praktis nila..
Nakaligo na sya at nakabihis..
Kasalukuyan na lamang syang nag
aalmusal.. Para kahit paano ay mayroon
syang lakas..
Patapos na sa pagkain si Zack ng pumasok
si Sab sa kusina..
Nagulat pa ito ng makitang nakasuot ng
lumang sando na pang basketball ang
binata..
"San ka pupunta?.." tanong ni Sab..
Kibit balikat lamang si Zack at mabilis na
inubos ang kinakain.
Napasimangot si Sabina..
"Sabi ko saan ka pupunta?.." tanong muli
nito..
Tumingin si Zack sa dalagita..
"Sa school... Aattend ng praktice." maiksing
paliwanag nya..
Napaismid si Sab..
Lately napapansin nyang nagiging tahimik
na ang binata..
Di nya maintindihan pero parang
nalulungkot sya dahil di na ito malambing
sa kanya..
Sa twing magsasalubong sila sa bahay ay
laging ngiti at tango na lamang ang
sinasagot nito sa pagbati nya.
"Kuya... Iniiwasan mo ba ako?.." tanong ng
dalagita..
Natawa ng mahina si Zack..
Mabilis nyang hinugasan ang pinagkainan at
binalik ito sa lalagyan..
"Bakit naman kita iiwasan?.." maasim na
tanong nya...
Nakatalikod sya sa dalaga habang nag
pupunas ng mesa.
Nagdabog si Sab..
"Humrap ka nga !.." hiyaw nya..
Napakunot noo si Zack sa pagsigaw ng
dalagita..
Hinarap nya ito at pilit na tiningnan sa mga
mata .. Pero talagang di nya kaya.. Mabilis
syang nagbaling ng tingin sa ibang
direksyon..
Dinutdot ni Sab ang dibdib ng binata.
"Hoy !.. Ang yabang mo na ah.. Porke
varsity ka na .." sita ng dalagita..
Ngumiti ng kimi ang binata..Pagkuwa'y
umiling..
"Grabe ka naman.. Sige na .. Male-late na
ako sa practice eh..Mamaya na lang ulet.."
pag iwas ni Zack..
Pero humarang sa daan ang dalagita..
"Eh kung ayaw kong paalisin ka?.." pag
hamon nito..
Natulala si Zack..
Napatingin sya sa babaeng nasa harap nya..
Nakasimangot si Sab at nakatingala sa
binata..
"B-bakit naman?.. T-tapos na yung mga
gagawin ko..Nahugasan ko na din yung
kotse ng tatay mo.. Nakapagdilig na din
ako.." mahinang sabi ni Zack..
Ngumuso si Sab..
"Eh ano.. Eh sa ayaw kong paalisin ka eh..
Magagawa mo?.." taray nya..
Napalunok ng laway si Zack.. Tama si Sab..
Kung ano ang nais nito.. Magagawa nito..
Tahimik nyang binaba ang lumang bag na
naglalaman ng sapatos luma din at ngumiti
ng malungkot kay Sab..
"S-sige.. S-sabi mo eh.." mahinang sabi ni
Zack..
Naguilty naman si Sab..
"Sus.. Nakabihis ka na eh.. Sa susunod..
Bago ka magplano na aalis ka..
Magpapaalam ka muna saken.. Wag kay
Daddy dahil syempre mahihiya yon na
tanggihan ka.." pagtataray pa ng dalagita..
Di nya maintindihan ang sarili..
Naiinis sya sa sinabi ng classmate nyang si
Princess na baka daw may pinopormahan
na ang Kuya Zack nya kaya lately ay di na
sya nito masyadong pinapansin..
Malungkot na napangiti si Zack.. Dahan
dahan syang tumango sa among babae..
"Good. Sige na .. Basta bilisan mo lang.."
utos ng dalagita..
Mabilis itong lumabas ng kusina at tumakbo
paakyat sa kwarto..
Nagngitngit ang loob ni Zack..
Pero wala syang magawa..
Tahimik nyang sinukbit muli ang lumang
bag at dahan dahang lumabas ng bahay..
Sinigurado nyang nakasara ang gate at main
door bago sya naglakad palayo sa malaking
bahay nina Sab..
Malalim ang iniisip nya..
Nahihiya sya sa sarili..
Nuon lamang syang nakaramdam ng
pagkatalo..
Si Sab lamang pala ang makakapagbigay sa
kanya ng ganitong pakiramdam..
Parang maagang naubos ang lakas ni Zack
sa naging usapan nila ng dalagita.
Nakalabas na sya ng subdivision na tulala.
Ni hindi nya nagantihan ang kaway ng
security guard at ang pagbati ng tindero ng
yosi sa tabi nito na naging kaibigan na rin
nya..
Malungkot na pumara ng jeep si Zack.
Mabilis syang sumakay sa di gaanong puno
na jeep.
Agad syang dumukot ng pera sa bulsa..
Binilang nya ang barya sabay inabot sa
kalapit na pasahero.
"Manong bayad ho.. Dyan lang ho sa
kanto.." mahinang sabi ni Zack..
Inabot naman agad ng katabi nya ang bayad
nya..
Muling binilang ni Zack ang natirang barya..
Kailangan nyang magtipid.
May baon syang tubig at biskwit kung
sakaling magugutom sya sa kalagitnaan ng
practice..
Ayaw na nyang magpalibre pa kay Denzel.
NApakalaki na ng utang nya sa kaibigan..
Umusog si Zack sa pinakadulong pwesto..
Sa malapit sa pinto at malungkot na
pinagmasdan ang mga nadaraanan nila..
Mabilis ang naging byahe ni Zack..
Di masyadong matrapik dahil sa bukod sa
umaga, araw pa iyon ng sabado..
"Sa tabi na lang ho manong.." sigaw ni
Zack.
Mabilis syang bumaba..
Tiningala ang arko na nagsasabi ng
pangalan ng pangmayamang eskwelahan
kung saan sila nag aaral ni Sab..
Muli syang napabuntong hininga ng maalala
ang dalagita.
Tahimik syang pumasok sa loob..
Dumiretso na sya sa gym ..
Nanduon na ang kaibigan si Denzel
pagdating nya..
Nakasapatos na ito at kasalukuyang
kumakain ng kung ano..
Tumabi sya sa kaibigan..
Napangiti ito ng makita sya at agad inalok
ng kinakain..
"Pare oh.. Niluto ni Mommy eh..Sarap pre.."
nakangiting alok ni Denzel..
Tumanggi si Zack..
"Takaw mo pre.. Dapat di ka kumakain ng
marami kasi maglalaro tayo eh.. Baka
magkasakit ka ng apendicitis nyan eh.."
pangaral nya..
Natawa lang si Denzel..Pero tinigil na di nito
ang pagkain ..
"Sabi mo eh.. Oh bakit parang nalugi ka ata
sa sugal?.. " biro niya..
Natawa si Zack ng mahina..
"Wala pre.. Himala.. Andami natin ngayon.."
puna nya..
Pinagmasdan din ni Denzel ang mga
kasamang varsity .. Halos kumpleto sila..
Isa na lamang ata ang kulang..
"Syempre.. Sa susunod na linggo na umpisa
ng InterSchool eh..Nakausap ko nga pala
sina Primo.. Di daw sila sumali ni
Vincent..Ayos to pare.." nakangiting sabi
niya..
Napangiti din si Zack ..
"Ganon ba talaga sila kagaling?.. Bakit mo
iniiwasan?.." tanong nya sa kaibigan..
Nagkibit balikat si Denzel..
"Pare parehas lang tayo.. Si Gustavo kasali
din sana kaso yung magpinsan na yon ay
mas inuna pa ang pambababae..Si Vincent
ata may tigdas.. Ewan ko..Basta ang
mahalaga.. Di na natin sila makakalaban
kung sakali.. Di naman yung galing nila ang
iniiwasan ko.. Ayos nga yon eh.. Ayaw ko
lang talagang magkabanggaan tayong
magkakaibigan.. Basta.. Di naman natin
pwedeng sabihin na gawin na lang nating
friendly game.. Eh baka magreklamo yung
mga ibang members di ba?.. " paliwanag pa
ni Denzel..
Tumango tango si Zack..
"Sinong Gustavo?.." tanong nya..
Uminom muna saglit ng malamig na tubig si
Denzel bago sinagot ang tanong ng
kaibigan..
"Ah.. Pinsan ni Primo.. Tropa din pare..
Nakakatawa nga yon eh.. Sa dinadami dami
ng pwedeng gawing pangarap.. Yung
maging sikat na DETECTIVE pa ang
napili..Baliw yun eh.. Pero infairness..
Magaling talaga sya sa puzzles.." purin
nito..
Tumango tango muli si Zack..
Nag kwentuhan pa sila saglit bago dumating
ang mabait nilang coach..Pero may kasama
itong matangkad na lalake..
"Okay boys.. Assemble.." sigaw nito..
Agad silang lumapit sa gitna..
"Good Morning.." bati pa ng coach..
"Good Morning Sir.." sabay sabay nilang
bati..
"As you can see.. May kasama ako..
Pamangkin ko sya from states.. Di naman
siguro lingid sa kaalaman ninyo na malapitp
na din akong mag retire.. And since na wala
pang papalit.. Eto na munang si Derik ang
magiging substitute ko.. He's a former
varsity member..Last year lang sya
grumaduate from Miami Florida..And since
na vacation pa sa kanila.. Dito na muna
sya.. Nagcocoach din sya ng basketball sa
mga high school students dun sa
Miami..Okay lang ba?.." paliwanag ng
mabait na Coach..
Nagkatinginan ang mga players..
"Oks lang sir.." sabi ni Denzel.
Isa isa silang nag sitanguan..
"Okay Derik.. Pakilala ka muna.. Kayo na
bahala dito guys... Dito lang ako sa tabi.."
sabi ng coach..
Ngumiti si Derik sa tyuhin ..
"Okay boys.. Assemble.." ma-otoridad na
sabi nito..
Agad na sumunod at pumila ang mga
players..
Napangiti si Derik..
"Okay first of all.. I am Derik Spolstra.. I
graduated from Miami University last year..
I finished my course Engineering, Major in
Computer.. Blah blah blah..Wag nyo ng
alamin ang mga kalokohan ko." biro nito..
Nagtawanan ang mga players..
Unti unting napalagay ang loob nila sa
bagong Coach..
"Wala ng question and answer portion ah..
Mahina ako dyan eh..Treat each other as
brothers.. Tapos ako ang Kuya.. You can
call me Kuya Derik.. Wag na Coach.. Para di
nakakailang.. May isa lang akong request sa
inyo.." sabi pa nito..
"Ano po yon Kuya?." epal nung isa..
Napangiti si Derik..
"Gusto kong kung paano nyo tratuhin si
Uncle.. Ganuon din sana sa akin.."
nakangiting sabi nya..
Nagkatinginan ang mga players..
NApangisi sa isa't isa..
"Are you sure sir?.." tanong ni Denzel.
Tumango si Derik at ngumiti ng matamis..
Pero nagulat sya ng bigla syang
pagbabatuhin ng sapatos ng mga players..
Tawa ng tawa ang dati nilang Coach..
"Sabi mo yan sir eh.." tatawa tawang sabi ni
Denzel..
Natawa na din si Derik.. Pinalampas na
lamang nya ang kalokohan ng mga bago
nyang players..
"Okay nadale nyo ko don.. Get moving
guys.. So far balita ko your top 4 daw sa
overall rankings ng highschool
basketball..That's quite impressing.. Pero
sad to say.. Di ako kuntento sa top 4 lang ..
Alam kong kayo din.. So what are going to
do is change everything.. From practices
and drills.. Walang aangal sa hirap... Kung
gusto nating mag ambisyon ng mataas..
Tiisin natin ang magiging konsekwensya
nito.. We have to cooperate..Two weeks na
lang ang natitira sa atin.. So guys.. I am
challenging your guts..Are you in?.."
paghamon ni Coach Derik..
Nagkatinginan ang mga players..
Nagkangisian sina Denzel at Zack..
Sabay pa silang tumango at sumigaw..
"Let's get it on ! .." sigaw nila..
Pagod na pagod si Zack pagkauwi nya..
Naubos ang pamahase nya sa kabibili ng
tubig sa canteen..
Nahihiya naman syang mangutang kay
Denzel kaya tiniis na lamang nya ang
maglakad pauwi..
Malapit lamang naman..
Halos tatlumpung minuto nya ding nilakad
ang daan pabalik ng bahay..
Nanghihinang binuksan nya ang gate..
Matapos isara at siguhing nakalock..
Matamlay syang lumapit sa pinto..
Di na nya kailangang kumatok dahil may
sarili syang susi..
Sinuksok nya ang spare key sabay maingat
na binuksan ang pinto..
Madilim na sa paligid..
Mukhang nagpapahinga na ang lahat..
Muli nyang sinara ang pinto..
"Saan ka galing?.." mahina pero madiing
sita ni Sab..
Nabitawan ni Zack ang hawak na susi sa
gulat..
Natawa pa sya ng makita si Sab sa likod
nya at napakapamaywang..
Salubong ang kilay nito at halatang galit
ang nasa mukha..
Kinalma ni Zack ang sarili..
"Sa practice.." mahinahong sabi nya..
Napaismid si Sab..
"Liar.. " sita nito..
Napangiti ng malungkot si Zack..
Nilampasan nya si Sab at akmang didiretso
na sa kwarto nilang mag ina..
Pero hinagip ni Sab ang braso nya at
marahas na pinaharap..
"Sinungaling ka.. Dapat kanina pa ang tapos
ng practice nyo... It's past nine already !.."
mahina pero gigil na tanong ni Sab.
Ngumiti si Zack.
"Ikaw.. Daig mo pa ang asawa ko kung
makapagtanong ka.. Hindi ako
nagsisinungaling.. Kahit itanong mo kay
Denzel sa Monday.. Bago na kasi yung
Coach namin kaya maraming pinagawa sa
amin na bagong drills.." paliwanag nya..
Umirap si Sab... Di nya pinansin ang
paliwanag ng binata.
Akmang aalis na si Zack ng kurutin sya ng
madiin ni Sab sa braso..
Natawa lang si Zack.. Ininda nya ang sakit..
Gigil na pinagpapalo ni Sab ang likod ng
binata.
"Siguro nakipagdate ka lang no..Aminin mo
na kase.." bintang nya..
Nagbunyi ang loob ni Zack.. Pero ayaw
nyang umasa..
"Di ko alam ang sinasabi mo.. At kung
nakipag date man ako.. Di mo na siguro
dapat pakialaman.." sabi nya..
Natulala si Sab..
Tama ang kuya nya..
Wala syang pakialam..
Pero hindi..
"Aba.. Ang yabang mo na ah !.. Katulong ka
lang namin dito baka nakakalimutan mo !.."
sigaw nya.
Huli na para bawiin ang nasabi..
Ngumiti ng malungkot si Zack..
"Alam ko.. Di naman ako nakakalimot eh..
Pero nagsasabi talaga ako ng totoo.. NAg
practice kame.. Yun lang.. Kung may
ipaguutos ka pa.. Pwede bang hintayin mo
lang ako?.. Magbibihis lang ako.."
malungkot na sabi nya..
NApailing si Sab..
"K-kuya sorry.." hinging patawad nya..
Pero tumalikod na si Zack..
Nagsimulang lumakad palayo..
Lumong lumo ang pakiramdam ni Sab..
Napakasama ng nasabi nya sa kuya nya..
Pero talagang kinakain sya ng kung ano
mang nararamdaman nya kanina nuong
wala pa ito..
Di nya maintindihan ang sarili..
Kung ano ano ang pumapasok sa isip nya
na baka ginagawa ni Zack at ng nobya nito
kung mayroon man..
Matagal bago nakabawi si Sab..
Nagsimula na syang lumakad ng
masigurong di na babalik pa ang kuya nya..
Pero nagulat sya ng pagsinghot nya..
Luhaan na pala sya kanina pa....

Chapter 10
Malungkot ang mga sumunod na araw parakay Zack...
Kada galaw nya ay lagi syang nasisita ni
Sab..
Ni hindi na sya makapunta sa practice ng
Team nila..
Mabuti na lamang ay maunawain ang bago
nilang Coach..
Mananatili pa daw sya sa Team kahit na di
sya laging nagpapakita sa practice..
Isang ordinaryong araw..
Abala si Zack sa pagsusulat ng kanyang
takdang aralin sa isang bench..
Paborito nya ang lugar na ito..
Presko ang dapyo ng hangin dahil sa tulong
ng isang mayabong na puno..
Nakalatag ang kanyang mga notebooks..
Galing sa kanyang sariling pera ang pagbili
ng mga ginamit nya ngayon sa eskwela..
Matipid sya..
Mula nuong unang sahod na natanggap nya
sa among si Saimon..Tinabi nya ito.. Sa
utos na din ng kanyang ina..
Dito na din sya kumukuha ng budget sa
eskwela.. Kapag may project o kung ano
ano pa na nangangailangan ng pera..
Ayaw nyang nanghihingi sa ina.. Lalo na sa
among si Saimon..
Malapit ng matapos sa ginagawa si Zack ng
biglang may tumamang maliit na bato sa
kanyang likod..
Galit syang lumingon sa pinanggalingan ng
bato..
Naghagikgikan ang mga estudyanteng babae
sa di kalayuan..
Napakunot ang noo ni Zack..
Kita nya sa grupo ng mga babae si Sab na
kunot noo ding nakatingin sa kanya..
Tahimik na muling pinagpatuloy ni Zack ang
ginagawa..
Pero maya maya ay muli syang
nakaramdam ng masakit na tama ng bato ..
Tumama ito sa likod ng kanyang ulo kaya
naman tuluyan na syang napikon..
Mabilis nyang nilapitan ang grupo nina Sab..
Para komprontahin.
"Bakit nyo ba ako binabato?.." tanong nya..
Ang mga mata ay nasa kaklase ni Sab na si
Princess..
Ayaw nyang tingnan ang dalagita..
Sapat na ang palitan nila ng salita nuong
ginabi sya ng uwi galing sa practice..
Umismid ang dalagita..
Tinuro si Sab..
"Eh sabi nya okay lang daw eh.." sagot nito.
Napikon si Zack.. Pero alam nyang
hanggang ngitngit na lamang ang
magagawa nya..
"Wag mo naman sundin ang lahat ng
sinasabi nya.. Kapag sinabihan ka nyang
magpakamat.. Malamang na susundin mo..
Wala ka kasing utak.." biglang sabat ng
boses sa likod ni Zack..
Nahindik ang dalagita..
Nilingon nila ang pinanggalingan ng boses..
Napangisi si Zack ng makita ang kaibigang
si Denzel na may mga kasamang
naggagwapuhang mga binata..
"Sino ba kayo?.." mataray na tanong ni
Princess..
Nagbungisngisan ang mga binata maliban
kay Zack..
"Kami ang Tagapag tanggol ng mga naaapi..
At ikaw malditang babae.. Ikaw ay dapat
parusahan sa ngalan ng hustisya
..Kinakasuhan kita.." sabi nung isang
gwapong binata sa tabi ni Denzel..
Lalong nag ngitngit si Princess..
"At anong kaso naman aber?.." tanong nito..
"Kinakasuhan kita sa pagdadala ng panget
na mukha.. Sa susunod magsuot ka ng
maskara.. Para kahit papaano.. Ligtas ka sa
kapahamakan.." biglang banat nito..
Natulala ang dalagitang kaklase ni Sab..
Pinigilan ni Zack ang matawa ... Nilingon
nya ang mga dalagita.. Kita nilang naiiyak
ang mga ito maliban kay Sab na mataman
ang pagkakatitig sa kanya..
Tama nga..
Biglang umiyak si Princess dahil sa
kahihiyan..
Mabilis syang tumakbo na agad din namang
sinundan ng mga kasama nya..
Akmang tatalikod na din si Sab pero
tinapunan nya muna ng tingin si Zack..
"Umuwi ka ng maaga..May iuutos ako.."
malumanay na sabi nito..
Napatango si Zack..
Di na sya nagsalita pa para di na humaba
ang diskusyon..
Muling tinitigan ni Sab ang binata bago
tumalikod at sinundan ang mga kaklase..
Tanging tanaw na lamang ang nagawa ni
Zack sa babaeng itinatangi ng puso..
"Ahem.." singit ni Denzel..
Agad napalingon si Zack sa kaibigan..
Ngumiti ng matamis ..
"Salamat pare.." sabi nya..
Tumango lang si Denzel..Tinuro ang mga
tatlong kasamang binata..
"Pare.. Tropa ko..Si Primo, Gustavo at
Vincent..Mga tol, si Zackarias.. Kababata
ko.. Ang pinakamabait na taong nakilala
ko.. Kaso sumobra na ata.." biro nya..
Natawa si Zack..
Isa isang kinamayan ang mga bagong
kaibigan..
"Tangna pare.. Nakita namin yung pagbato
sayo nung panget na yon.. Kung ako yon..
Kinotongan ko na yon eh.." sabi ni Primo..
Natawa na naman si Zack .. Napailing sya
sabay lapit sa mga gamit na nagkalat..
"Di ko kayang manakit ng tao pare.. Lalo na
babae.. At mas bata pa sa akin.. Pasensya
na.. " sabi nya..
Nagkatinginan ang mga kaibigan nya..
"Sabi ko sa inyo eh.. Nuong nagbotohan
para sa susunod na Santo Papa..
Nanominate yan eh.." banat ni Denzel..
Nagbungisngisan sila..
"Pero may tanong ako pare.. Wag ka sanang
magagalit.." sabat ni Primo..
Tumango si Zack.. Isa isang niligpit ang
mga kwaderno at sinilid sa bag..
"Yung huling umalis.. Kaano ano mo yon?..
" tanong nya..
Napatigil sa pagsisilid ng mga gamit si
Zack.. Napatingin sya kay Denzel pagkuwan
ay kay Primo..
"B-baket?.." tanong nya.
Ngumiti si Gustavo..
"Pasensya ka na pre.. Masyado lang
talagang pakialamero itong pinsan ko.."
banat nya..
Pero kinotongan lang sya ng pinsang si
Primo..
Napabuntong hininga si Zack..
Tinapos muna ang pagsisilid ng gamit bago
naupo at nagkwento..
"Anak sya ng amo ko mga pare.. Kaya
konting utos nya.. Kailangan kong sundin..
Di naman sya ganyan dati.. Ewan ko ba.."
nahihirapang sabi ni Zack..
Nagkatinginan ang mga kaibigan nya..
"Idaan mo na lang sa kanta yan pare..
Ganyan ako eh.. Kapag may problema..
Kumakanta.." sabi ni Vincent..
Natawa ang mag pinsan..
"Kaya pala lagi kang kumakanta lately pare..
" banat ng dalawa..
Nagtawanan sila ng biglang pag untugin ni
Vincent ang mag pinsan..
"Mga sira ulo talaga kayo eh.." sabi nya.
Napangiti si Zack..
Ngayon lamang sya nag karoon ng ganito
karaming kaibigan.. Tanging si Denzel
lamang ang itinuturing nyang kaibigan mula
pa nuon.. Kaya parang umaapaw ang puso
nya sa galak..
"Come on pare.. Tell us.. Walang
mangyayari kapag sinolo mo yan.. Matatae
ka lang .." sabi ni Primo.
Natawa ng bahagya si Zack..
Tiningnan nya si Denzel..
Parang nagtatanong kung
mapagkakatiwalaan ba ang mga bagong
dating..
Tumango ng marahan si Denzel.. Hudyat na
maari nyang sabihin ang nais nya..
Muling bumuntong hininga si Zack..
Nilingon nya ang building ni Sab..
"Di lang pagtinging amo ang nararamdaman
mo sa babaeng yon.." biglang banat ni
Gustavo..
Nag apir ang mag pinsan..
“Nadale mo insan..” sabi ni Primo..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..Nag kanda
iling iling sya pero hinawakan sya sa balikat
ni Denzel..
“Pare.. Wag mo ng ikaila.. Maski ako alam
ko.. Nuon pang ipakilala mo sya sa akin..”
sabi nito..
Napayuko si Zack sa hiya.. Tinabihan sya ni
Vincent at tinuro ang mag pinsang nag
haharutan di kalayuan ..
“Yang mag pinsan na yan.. Kapag nag
kasundo.. Nakakatakot.. “ sabi nya..
Napangiti si Zack...
“Tama.. Parehong baliw.. Pero infairness..
Talagang nakakatakot sila.. Pangarap ni
Primo ang maging isang batikang
abugado... Yung hindi natatalo.. Kalohan
mang isipin.. Pero suportado namin sya.. At
si Gustavo.. Ang maging isang sikat na
detective ang nag iisang mithiin sa buhay..
Well, nakuha nya lang siguro ang talento ng
tatay nya..” kwento ni Denzel..
Nagtaka si Zack..
“Baket?... Ano bang trabaho ng tatay ni
Gustavo?..” tanong nya..
Napangiti si Vincent..
“Narinig mo na siguro ang pangalang
Joaquin Di Caprio.. Di mo siguro
masyadong kilala.. Pero yung bansag sa
kanyang Mr. Valentine..Malamang narinig
mo na yon..” sabi nito..
Nanlaki ang mga mata ni Zack.. Oo.. Narinig
na nya ang pangalang iyon.. Pero di nya
akalaing detective pala ito..
At anak nito ang isa sa mga bagong
kaibigan nya..
Nakaramdam ng pagmamalaki si Zack..
“Kaya kung anong sinabi nila.. Kadalasan...
Tama.. KAya di ka makakapagtago sa
dalawang yan eh.. Sige na .. Ipagtapat mo
na pre.. Malay mo.. MAtulungan ka
namen?..” nakangiting sabi ni Denzel.
Natahimik si Zack.. Napaisip..
“Oy mga pre.. Magtatapat na daw si Zack..”
biglang sigaw ni Vincent..
Nanlaki ang mga mata ni Zack.. Pero wala
na syang magawa dahil napalibutan na sya
ng mga bagong kaibigan..
Natawa ng mahina ang binata..
“Okay okay.. Wag nyo nga akong palibutan..
PArang iniembestigahan nyo ako eh..” angal
nya..
Natawa naman sina Denzel..
Lumayo sila ng bahagya..
“Wala naman talagang kakaiba sa pagtingin
ko nuon sa kanya.. PArang nakababatang
kapatid lang ang tingin ko kay Sab..
Pinagbilin sya sa akin ng Tatay nya..
Napakabit ni Sir Saimon.. Kaya naman kahit
anong sabihin ni Sab.. Hanggat kaya ko ..
Ginagawa ko..” bungad ni Zack..
Tahimik ang mga kaibigan nya..
Matamang nakikinig na parang bawat
impormasyong lumampas sa tenga nila ay
magiging napakalaking problema..
“Di ko maintindihan ang nangyari sa kanya..
Mabait na bata si Sab.. Nuon, Kuya ang
turing nya sa akin.. Kahit kailan di nila kami
tinuring na katulong ni Inay.. Mabait ang
pamilya nina Sir Saimon.. Pero nagbago si
Sab.. Nitong mga nakaraang araw.. Halos
kulang na lamang ay pati pag tulog ko..
Utusan nya ako.. Di ko maintindihan ang
nangyayari.. Pero kapag wala lang namang
nakakakita nya ito ginagawa.. Kapag
nakaharap ang mga magulang nya o kaya si
Inay.. Di ako inuutusan ni Sab.. Ganun pa
rin ang turing nya.. Malambing sya pag may
nakakakitang iba.. Pero kapag kami kami na
lang.. Parang alipin ang tingin nya sa akin..”
patuloy na kwento ni Zack..
Tuloy tuloy na bumuhos ang lungkot sa loob
nya..
Ngayon lamang nya ito nailabas..
At masaya sya...
Sa wakas.. Nasabi nya na din ang matagal
ng kinikimkim ..
Natahimik ang mga kaibigan ni Zack..
“Kailan naman nagsimula yang pagbabago
ng trato nya sayo?.. “ tanong ni Gustavo..
Napaisip si Zack..
Tumingin sya sa kaibigan si Denzel...
“Nuong nagpraktis kami ni Denzel dito sa
Gym.. Ginabi ako ng uwi.. Pag uwi ko..
Pinagbintangan nya akong nagliwaliw lang o
kaya may kasamang iba..Ewan ko
ba..Nagbago na talaga sya..” naiiyak na
kwento ni Zack..
Nagkatinginan ang magpinsan..
“Sa tingin mo insan?..” tanong ni Gustavo..
Tumalikod si Primo..
Namulsa..
Ugali nya kapag nag iisip ng malalim..
Hinayaan lang nina Denzel ang kaibigan..
“Di ko naman sya kayang tanungin ng
diretso.. “ dugtong pa ni Zack..
“Okay na pre.. Tama na.. “ awat ni Vincent..
Huminga ng malalim si Zack at ngumiti sa
mga kaibigan nya..
“Salamat sa pakikinig mga pre.. Ngapala..
Ano bang ginagawa nyo dito?.. Di ba
magkakaparehas lang tayo ng year?.. Wala
kayong pasok?..” tanong nya..
Natawa sina Gustavo at Vincent..
“Eh sabi kasi nitong si Denzel.. Marami daw
chix dito sa inyo kaya eto kame.. Sumugod..
Nag cutting kame sabay sabay..” sabi ni
Gustavo..
“Gago !.. Wala akong pasok kasi wala yung
Teacher ko sa last subject..” reklamo ni
Vincent..
Napangiti si Gustavo..
“Ikaw ang nagsabi na last Teacher mo ang
di papasok.. PEro bakit buong maghapon
kang absent?..” malumanay na tanong nito..
Natahimik si Vincent..Sumimangot..
“Dinadamayan ko lang kayong mga tropa
ko.. “ palusot nya..
Nagtawanan sila..
Eksaktong bumalik si Primo..
Seryoso ang mukha..
“Oh pare.. Ano sa tingin mo?..” tanong ni
Denzel..
Tinitigan ni Primo si Zack..
Napayuko ang binata..
“Nothing.. Anyway, wala bang laro ngayon
ang varsity nyo Denz?..” tanong ni Primo..
Nagkibit balikat lang si Denzel..
“Ewan.. Ang alam ko may praktis kami
mamaya.. Pero di ko alam kung bakit wala
pa sila..” sabi nya..
May tinuro si Vincent..
“Ayun pare.. Kartada syete !..” sigaw nya..
Agad napatingin ang lahat maliban kay
Zack..
“Ay kilala ko yan.. Na scan ko na yan.. May
boyfriend yan from other school.. College
na..” sabi ni Denzel..
Nanlumo ang tropa..
Napangiti si Zack..
“Mga babaero..” sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ng mga ito..
“Come again?.. How dare you.. !.” landi ni
Gustavo..
Naghagikgikan sila..
Ilang saglit lang ay may lumapit na
matangkad na lalaki kay Denzel..
Binulungan nito ang kaibigan nya..
Napasimangot si Denzel bigla..
Tumawa ang matangkad na lalake at isa
isang pinukol ng tingin ang mga bagong
salta..
Maya maya ay umalis na ito..
“Ano daw yun pre?..” tanong ni Zack..
Nagseryoso si Denzel..
“Wala pare.. “ sabi nya at tiningnan isa isa
ang mga kaibigan nya maliban kay Zack..
Nakaramdam ng kakaiba ang binata.
“Ano nga yon?..” tanong nya..
Pero walang sumagot sa kanya..
“Pare naman eh.. Akala ko magkakaibigan
tayo dito?..” nagtatampong sabi nya..
NAtawa ang mga ito..
“Tangnang to.. Tampuhing bata..”
natatawang sabi ni Vincent..
“Sabihin nyo na kase..” pangungulit ni
Zack..
Napatingin si Denzel kay Primo.. Tumango
ng marahan ang binata at tumalikod..
Binalingan ni Denzel si Zack..
“Si Rigor yon eh..Hinahamon nya ng
suntukan sina Primo..” maasim na sabi ni
Denzel..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
“Oy grabe... Isumbong na natin sa Principal
habang maaga pa..” tarantang sabi nya..
Lumingon si Primo at ngumisi..
“Para saan?..” tanong nito..
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Zack..
Kinakabahang niligpit nya ang mga gamit at
inaya ang mga kaibigan sa principal’s office
..
Pero tumawa lang ang mga ito..
“Alas tres daw pare.. Sa likod ng school..
Maaga pa.. Kain muna tayo.. “ sabi ni
Denzel habang tumitingin sa relos..
Nahindik si Zack..
“Tutuloy kayo? .. “ tanong nya..
Tumango ang mga ito..
“Bakit pa?.. Pwede namang pakiusapan yon
ah..” sabi nya..
Pero tinapunan lang sya ng tingin ng mga
ito..
“Alam mo pare.. Bibihira ang naghahamon
sa amin ng ganyan.. KAya dapat di na
pinalalampas pa.. Kung gusto mong
sumama.. Okay lang.. Di mo kailangang
sumali.. Bantayan mo na lang mga gamit
namin.. PEro kung ayaw mo.. Umuwi ka na
at matulog..” sabi ni Primo..
Tumalikod si Primo at naglakad palayo..
Sinundan sya nina Vincent at Gustavo..
Tinapik ni Denzel ang balikat nya..
“So ano pare.. Kitakits na lang bukas.. “
sabi nito..
Sumunod na din ito sa mga kaibigan..
Tulalang nakatayo lang si Zack sa bench..
Di nya alam kung ano ang dapat gawin sa
mga oras na ito..
Pabalik balik si Zack sa tapat ng principal’s
office..
Di nya alam kung isusumbong ba ang
mangyayaring suntukan sa likod ng
eskwelahan..
Kinakabahan sya ng sobra para sa
kaligtasan ng mga kasamahan..
Sinilip nya ang relos na nakasabit sa
dingding ng opisina..
Alas dos y medya na.. Kalahating oras na
lamang ay mag sisimula na ang away nila..
Di pa sya nakakapag isip kung ano ba ang
dapat gawin..
Habang pabalik balik sa tapat ng opisina..
May narinig na tawag si Zack..
PAglingon nya ay nakita nya sina Sab
kasama ang mga kaibigan nito..
Atubiling lumapit ang binata..
Nakasimangot ang mukha ni Sab..
“Anong ginagawa mo dyan?.. “ tanong niya..
Umiling si Zack at bahagyang ngumiti..
“W-wala..” sabi nya..
Tiningnan lang sya ng masama ng dalagita..
May binulong si Princess sa tenga ni Sab..
Napatingin sa kanya ang dalagita at
kumunot ang noo..
“Samahan mo ko.. Buhatin mo bag ko..”
utos nya..
Nahindik si Zack..
Naalala nya ang mga kaibigan..
“A-ah.. M-may gagawin ako eh.. P-
pasensya na..” tanggi nya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sab..
Muling bumulong si Princess..
“Tumatanggi na sayo Sab.. Sabi sayo may
nobya na yan eh..” bulong nito..
Di maipaliwanag ni Sab ang galit na
nararamdaman sa ideyang sinabi ng kaklase
at kaibigan..
Tiningnan nya ng masama ang binata na
namimilipit sa harap nya..
“Di pwede.. Samahan mo ko..” matigas na
sabi ni Sab..
Napayuko si Zack..
“P-pero S-sab..” mahinang tanggi nya..
Nagalit si Sab..
“Samahan mo ko !..” mahina pero madiin na
sabi ng dalagita..
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Sab.
Nakaramdam ng pagkatalo ang binata..
“S-saan ba?..” tanong nya..
Nagbunyi ang loob ni Sab..
“Dyan lang.. Hintayin mo lang matapos ang
huling klase ko.. Dyan ka lang sa harap ng
room ko..” sabi nya..
Napatingin si Zack sa dalagita..Kunot ang
noo..
“B-bakit?..” tanong nya..
Pero nagsalubong ulit ang kilay ni Sab..
“Wala ng tanong tanong pwede?.. Basta
bantayan mo ako..” muling utos nito..
Natameme si Zack..
Muling nagbungisngisan ang mga kaibigan
ni Sab..
Dahan dahang tumango ang binata..
Nakaramdam ng pagkapanalo ang dalagita..
Mataray syang tumalikod at naglakad
pabalik sa silid..
Nagtawanan ang mga kaklase ni Sab.. Lalo
na si Princess .. Binelatan nya pa ang
binata na nakayuko at tahimik na sumunod
kay Sab..
Ilang minuto ang lumipas.
Napatingin si Zack sa dalagitang nakikinig
sa klase.. PAlingon lingon si Sab sa kanya
na waring sinisigurado na di sya aalis..
Alas tres na..
Kabadong kabado na si Zack..
Di nya maatim sa sarili nya pababayaan na
lamang ang mga kaibigan.. Kahit pa
sabihing kakakilala lamang nya sa mga ito
maliban kay Denzel..
Muli nyang nilingon ang dalagita..
Kunot noo din itong napatingin sa kanya..
Mabilis nagbawi ng tingin si Zack..
Nasa second floor sya..
Kita nya ang pabalik balik na mga
estudyante sa grounds..
Nahagip ng mga mata niya ang isang grupo
ng mga binata na patungo sa bakanteng lote
sa likod ng paaralan..
Nanlaki ang mga mata ni Zack ng mahagip
ng kanyang mga mata ang lalaking
bumulong kay Denzel.. Si Rigor..
Matangkad ang lalake.. PEro sa malas ay di
lang ito ang nag iisang matangkad.. Halos
lahat sila ay pare pareho ng height..
Mabilis na binilang ni Zack ang mga
makakalaban nina Denzel..
Gumapang ang takot sa katawan nya ng
lumampas ito sa sampu..
Onse ata.. Di nya sigurado..
Basta ang alam nya.. Nasa panganib ang
mga kaibigan nya..
Muling lumingon si Zack sa kwarto ng
dalagita..
Abala ang guro nito sa pagtuturo ng kung
ano..
Kailangan nyang magpasya..
Tinitigan ni Zack ang dalagita..
Napatingin din ito sa kanya..
NAgtatanong ang mga mata..
Umiling si Zack.. Yumuko.. Sinaboses ang
pasensya sa bibig..Pilit na pinarating kay
Sab na kailangan nyang umalis..
Nahindik ang dalagita ..
Umiling iling ito.. Inunday ang kamao ..
Binalaan sa pamamagitan ng tingin ang
binata.
Napatingin din kay Zack ang katabi ng
dalagita na si Princess..
Mabilis itong bumulong kay Sab..
Kumunot lalo ang noo ng dalagita ..
Kung pwede lang sumigaw ay sumigaw na
sya para lamang pagbawalan si Zack sa
nakaamba nitong pag alis..
Nais nyang patunayan sa mga kaklase na
sunud sunuran sa kanya ang binata..
Pinasingkit ni Sab ang mga mata.. PAra
takutin si Zack..
Mukhang epektibo naman dahil kita nyang
pinagpapawisan ang binata ..
Di ito mapakali na syang pinagtataka nya..
Wala ng klase si Zack sa mga oras na ito..
Bakit ito tila nagmamadali?.. Di kaya totoo
ang sinabi ng kaibigang si Princess na
talagang may kinakatagpo na itong ibang
babae bukod sa kanya?..
Sa naisip ay lalong nag puyos ang
damdamin ni Sab..
Di sya makapapayag na makuha ng iba ang
binata..
Di nya maintindihan ang nararamdaman..
Pero wala syang pakiaalam..Ang alam nya
ay ayaw nyang mabaling ang atensyon ni
Zack sa iba.. Partikular na sa ibang babae..
Kaya hanggat kaya nya.. Pipigilan nya ang
binata..
Muling binantaan ng tingin ni Sab si Zack..
PEro nanlaki ang mga mata nya ng yumuko
ito..
PArang nagsasabi na pasensya na..
Nais tumayo ni Sab..
Pero may guro pa sila sa mga oras na
iyon.. Mabagsik ang Teacher nila sa Math..
Nilingon nya ang binata sa pwesto nito..
Pero wala na si Zack..
Natulala si Sabina..
Mabilis na tinakbo ni Zack ang bakanteng
lote..
Kabadong kabado na sya..
Para sa kaligtasan ng mga kaibigan,
sinuway nya ang utos ni Sab..
Siguro naman ay mauunawaan sya ng ama
ng dalagita kung sakaling magsumbong ito..
Mas importante sa mga oras na ito ang
kaligtasan ng mga kaibigan..
Masukal pa ang likod ng eskwelahan..
Matataas ang mga talahib at talagang
mukhang bakanteng lote..
May narinig syang nag uusap..
Hinawi ni Zack ang mataas na damo ..
Nanlaki ang mga mata nya ng makarinig ng
sigawan..
NAgmamadaling tumakbo si Zack at
sinundan ang pinanggalingan ng tinig..
Sa wakas ay narating nya ang kaguluhan..
Kita nyang pinagtutulungan ng mga
kaeskwela ang mga bagong kaibigan
kabilang na si DEnzel..
Nakaluhod sa lupa ang kalaban ni Primo at
tinatadyakan nito..
Pero biglang may sumuntok sa likod ng
kaibigan..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
Napaupo si Primo .. Akmang sisipain ng
matangkad na lalaki pero mabilis itong
naitulak ni Gustavo..
Nagdikit sina Denzel..
Tinayo nila ang kaibigan..
Napalibutan ang mga kaibigan nya..
Walang maisip na gawin si Zack..
Napatingin sya sa mga batong maliliit sa
tabi nya..
Naalala nya ang ginawa ni Princess sa
kanya..
Mabilis ang naging reaksyon ng binata..
Dumampot sya ng maraming bato.. PEro di
hamak na mas malalaki sa ginamit ni
Princess sa kanya..
Hiniwalay ni Zack ang dalawa sabay pinukol
ang isang kalaban ng mga kaibigan nya..
Natamaan ito sa bandang batok at
ngumiwi..
Napaluhod sa sakit ang natamaan ni Zack..
Nagtaka ang mga kalaban ng kaibigan nya
at hinanahap ang pinanggalingan ng bato..
Kita nila ang binatang nasa likod ng mga
talahib..
Nagalit si Rigor..
Pero huli na.. Mabilis ang naging pagkilos
ng mga kaibigan ni Zack..
Sinugod ni Denzel ang tuhod ng matangkad
na lalake dahilan para makaupo ito sa lupa..
Magkatulong na hinawakan ni Gustavo at
Vincent ang magkabilang kamay ni Rigor.,.
Pumwesto sa harap si Primo.. Buong lakas
na pinitik sa ilong ang kalabang binata bago
tinuhod ang baba...
Duguan ang labi ni Rigor..
PEro di pa tapos .. Mabilis na sumunod ang
tig iisang suntok kina Denzel, Vincent at
Gustavo..
Hilong bumagsak sa lupa ang kapre..
Nagsisugod ang iba pa.. Pero natitigil sila
dahil lumilipad ang naglalakihang bato mula
kay Zack..
Nagpasya ang isa na sugurin ang binata
pero mabilis ang naging pagkilos ni
Vincent..
Dinamba nya ang susugod sna sa kaibigan
na bumabato sa di kalayuan..
Mabilis din sina Primo na inalalayan si
Zack..
Walang makalapit kay Zack na patuloy lang
sa paghagilap ng bato at paghagis nito..
Akala nya malaya syang makakagalaw..
Pero nagulat ang binata ng bigla na lamang
syang bumagsak sa maputik na damuhan..
Hilong nilingon ni Zack ang dahilan ng
kanyang pagbagsak..
Galit na dinamba ng isang lalake ang binata
at inundayan ng suntok sa mukha..
Putok ang ilalim ng kaliwang mata ni Zack.
Di sya sanay sa marahas na labanan kaya
mabilis syang nahilo ..
Napasigaw si DEnzel..
Akmang lalapitan si Zack pero napatid sya
ng hawakan ni Rigor ang kanyang mga
paa..
“Primo si Zack !..” sigaw ni Denzel..
Mabilis din ang naging reaksyon ni Primo
pero nagulat sya ng may pumalong kahoy
sa mukha nya..
Hilo man.. Pagapang na nilapitan ng binata
ang kaibigan na walang magawa kundi ang
sumalag sa nakapatong ditong kalaban..
Di makalapit sina Gustavo..
Lumabas na ang lamang sa kanila ng mga
kaaway.. Mas marami ang mga ito..
Mas matatas ng di hamak..
Pero di nila kailangang sumuko..
Nakalapit si Primo kahit pagapang kay
Rigor.. Dinakot nya ang buhok nito at
hinatak ng malakas.. Inundayan ng binata
ng malakas na suntok na tumama sa ilong
ni Rigor..
Dahilan para mabitawanan nito si Denzel..
Mabilis na kumilos at tumayo si Denzel..
Halos liparin nya ang pwesto ni Zack ..
Tinalon nya ang natitirang distansya at
dinamba ang nakapatong kay Zack.. Gigil na
pinagsusuntok ng binata ang kalaban..
Wala na itong magawa kundi ang sumalag..
Matapos gulpihin.. Nilapitan ni Denzel ang
kaibigang si Zack ..
“Pare.. Buhay ka pa ha..” biro nya..
Ngumiti si Zack kahit putok ang labi..
Iinot inot syang tumayo..
Napasigaw sya ng makita ang taltong
kaibigan..
Nakadapa ang lahat..
Inakay ni Denzel si Zack palapit kay Gustavo
na nakahiga sa kalaban nito..
Humihingal ang binata.. Duguan ang ilong..
Pero nakangiti..
“Yo !..” biro ni Primo..
Napatingin sila sa kaibigan na nakadapa at
hawak ang labi.. Pinupanasan nito ang
umaagos na dugo mula sa bibig.
“Si Vincent?..” tanong ni Zack..
“P-present !..” sigaw ng binata sa
dikalayuan..
Nagtawanan sila ng makita si Vincent na
umiihi sa isang puno..
Pagod ang lahat sa naganap na suntukan..
Walang nagsasalita..
Magkakasama sila sa likod ng bakanteng
lote kasama din ang mga naging kaaway
nila..
Tulog na hakahimlay si Rigor sa tabi ni
Primo..
“Napabilib mo ko pare ah.. Pumunta ka
talaga?..” mahinang tanong ng binata..
Di ito gaanong makapagsalita dahil sa
malaking hiwa sa gilid ng bibig..
Tumango si Zack..
May dugo sa ilong nya .. Kanina pa sya
punas ng punas pero ayaw talagang
umampat ng dugo..
Nagtawanan sila..
Lahat may bangas..
Nagpalipas muna ng ilang oras ang
magkakaibigan bago dahan dahang tumayo..
Madilim na..
“Hatid ka na namin pare..” suhestyon ni
Denzel..
Nilingon ni Zack ang silid ni Sab .. Wala ng
katao tao sa paligid.. Napagsarhan na nga
sila ng Gate..
“Sige tol.. PAsensya na kung huli akong
dumating ah?.. “ sabi nya..
Inakbayan ni Vincent ang binata at ginulo
ang buhok..
“Walang pase pasensya.. Napakalaki ng
tulong mo pare.. Asintado ka pala..” biro
nito..
Nagtawanan sila..
Pero huminto si Primo..
Sinenyasan ang mga kaibigan na
tumahimik..
“Pare teka.. Yung gwardya.. Siguradong yari
tayo kapag nakita tayong ganito ang itsura..”
bulong nito...
Nagtanguan silang lahat..
“Anong gagawin natin?..” tanong ni Vincent..
Nagisip si Primo..
Napatingin sya kay Zack..
“Sa lahat.. Pare .. Ikaw ang pinaka pogi sa
mga oras na ito.. Konti pa lang ang sugat
mo.. Mamaya pa yan mamamaga sigurado
ako..” sabi ni Primo..
Napakunot noo si Zack..
Tama ang kaibigan nya..
Masakit ang parteng pisngi nya at bibig..
Alam nyang di magtatagal ay magiging pasa
na ang natamong sugat..
“Hubarin mo muna uniform mo.. Denzel
pare palit kayo damit.. Malinis linis konti
sayo eh.. Baliktarin nyo.. Tapos lapit ka sa
guard sabihin mo na nanakawan ka.. Turo
mo yung principal’s office.. Sisimple kami
ng labas .. Magtatawag kami ng taxi tapos
pipito ako.. Kapag narinig mo yung pito
tumakbo ka agad ng mabilis.. Kami na
bahala..” paliwanag ni Primo..
Nagngitian sila pero kinabahan si Zack..
“T-teka.. Di ko ata kaya..” sabi nya..
Napaungol ang lahat..
“Pare.. Masakit na mga sugat ko.. Wag mo
ng patagalin parang awa mo na..” makaawa
ni Gustavo..
Napatingin lahat sila kay Zack..
Huminga ng malalim ang binata..
Mabilis nyang hinubad ang suot na
uniporme at inabot kay Vincent..
Naghubad din si Denzel at binaliktad ang
suot...
Ginawa nila ang sinabi ni Primo..
Tahimik na natago ang mga kaibigan nya sa
gilid ng halaman..
Umarte si Zack na nasasaktan.. PEro
talagang nasasaktan sya dahil sa sakit ng
katawan na natamo sa labanan..
“M-manong.. !.” impit nyang sigaw..
Napalingon ang gwardya na nakatoka sa
gate at nanlaki ang mga mata nito pagkakita
sa binata..
Agad nitong iniwan ang pwesto..Tinakbo ang
distansya nila ni Zack..
Napaluhod si Zack dahil sa naramdamang
kirot sa bandang tuhod..
“Wow pare.. Ang galing nyang umarte..” puri
ni Primo..
Namangha sila sa galing umarte ni Zack
pero ang totoo ay talagang masakit ang
tuhod nya.. Nangamba sya na baka di sya
makatakbo agad..
“Boy anong nangyari sayo?..” tanong ng
gwardya..
Iinot inot na nagpaalalay si Zack sa guard..
“May pumalo po sa akin.. Di ko nakita..
Tapos pag gising ko.. Wala na yung wallet
ko.. “ palusot nya..
Akmang mag raradyo ang gwardya pero
mabilis itong pinigilan ni Zack..
“M-manong.. Baka ho andun yung bago ko
sa hagdan.. P-pakikuha po.. Y-yung gamit
ko.. Pakitawagan ho M-mommy ko..” sabi
nya..
Agad namang sumunod ang matandang
gwardya...
“Saan kamo iho?..” tanong nito..
“Sa ilalim ho ng hagdan.. Aray nakuuu..”
pag arte nya..
Mabilis na kumilos ang gwardya..
NAglabasan ang mga kaibigan nya at
akmang aalis pero sinitsitan sila ni Zack.
Napalingon si Primo at Denzel..
“Pare.. Di ako makalakad !..” impit nyang
hiyaw..
Nanlaki ang mga mata nina Primo..
“Gustavo !.. Lekat na.. Ambibilis nyong
tumakbo.. Si Zack di daw makalakad..
Buhatin natin dali.. Babalik yung
gwardya.. !..” sigaw niya..
Mabilis na kumilos ang apat..
Hinawakan ni Primo at Denzel ang
magkabilang kamay ni Zack habang
magkabilang paa naman ang hawak ni
Gustavo at Vincent..
Imbes na masktan .. Natatawa si Zack sa
itsura nya.. PAra syang iihawin..
Halos madapa ang magkakaibigan sa
pagtakas..
Ng makalayo.. PAbagsak nilang binaba si
Zack..
“Aray naman !..” reklamo nya..
NAgtawanan sila at nagpahinga saglit..
Pabalik na ang gwardya dala ang flaslight..
Wala syang makitang bag..
Baka niloloko lamang sya ng binata..
Pero natulala sya ng wala na syang abutan..
Umihip ang malamig na simoy ng hangin..
Kinilabutan ang matandang gwardya..
Marahan syang naglakad pabalik sa pwesto
ng makarinig ng kaluskos..
“Ahahayyyyy !!!!.. “ tili nya..
May humintong taxi sa tapat ng bahay nina
Sab..
Mula sa kwarto, agad syang tumakbo
pababa ng hagdan para sermunan si Zack..
Gigil na gigil na sya..
Kanina ay pinagtawanan sya ng mga
kaklase dahil wala daw syang nagawa dahil
umalis pa rin ang binata..
Nakapamweywang sya habang hinihintay na
bumukas ang pinto..
Kunot ang noo..
Hinanda ang sarili..
Talagang makakatikim sa kanya ang
binata..
May kumatok..
Mabilis na binuksan ni Sab ang pinto..
“San ka galing !..” sigaw nya..
Pero nanlaki ang mga mata nya ng makita
ang dalawang binata..
“Pasensya na Sab.. Napaaway kame..
Tinulungan kami ni Zack kanina.. Di sya
makalakad ng maayos kaya sana wag mo
syang utusan ng mabibigat.. Salamat pare..
Una na kame at gabi na..” paalam ni
Denzel..
Tumango si Zack..
Si Denzel na din ang nagsara ng bakal na
gate at sumakay sa taxi na nag aabang..
Kumaway pa ang mga kaibigan nya sa loob
nito..
Gumanti ng kaway si Zack..
Matapos mawala sa pangingin ang taxi..
Iika ika syang umatras para isara ang
pinto..
Mabagal syang nagpunta ng kusina..
Pinuno ng tubig ang planggana at
naghilamos..
Binaba nya ang bakpak sa mesa..
Humatak ng upuan at naupo..
Sumandal ang binata sa upuan.. Pinikit ang
mga mata.
Masakit ang kanyang katawan ..
Pero nagulat sya ng may dumaping malamig
na bimpo sa mukha nya..
“S-salamat po Nay.. Pasensya na po kung
nakipag away ako..” agad na sabi ni Zack...
Pero walang sumagot..
Dahan dahan nyang dinilat ang mga mata ..
Napabalikwas sya ng pagkakaupo ng makita
ang maamong mukha ni Sab..
Hawak nito ang basang bimpo na ginamit na
pampunas sa mukha nya..
“S-sab.” tawag ng binata..
Ngumiti ng mahinhin si Sab..
“Sorry kuya..” sabi nya..
Dinampian ng bimbo ang mukha ng binata..
Di na umangal si Zack dahil talagang
maginhawa sa pakiramdam ang ginagawa
ng dalagita..
Magkahinang ang kanilang mga mata
habang tahimik na pinupunasan ni Sab ang
mukha ng binata..
Dahan dahan ang pagdampi ng kamay nya
sa mukha ng kuya Zack nya..
Mabilis ang naging tibok ng puso ni Sab..
Di maintindihan ni Zack ang
nararamdaman..
Mas matindi pa ang kaba nya ngayon kesa
kanina na nakikipag away sya..
PArang namamagnet ang tingin nya..
Di nya maalis ang paningin sa maamong
mukha ng dalagita..
Kumurap ang kanyang mga mata..
Itinago ang pagkagulat dahil halos wala na
palang pagitan ang mga mukha nila..
Mabilis din ang tibok ng puso ni Sab..
PArang ang sarap pag masdan ng gwapong
mukha ng Kuya Zack nya..
Nagulat sya ng malapit na pala ang mukha
nila..
Pumikit si Sab..
Lalong nagwala ang puso ni Zack..
Di nya alam ang gagawin..
Nakatitig sya sa mapupulang labi ni Sab na
bahagyang nakaawang ..
Naghihintay..
Kinain na ng pag-ibig si Zack..
Dahan dahan nyang nilapit pa ang mukha..
Dahilan para marahang dumampi ang
kanyang labi sa malambot na labi ni Sab..
Napadilat si Sab sa lakas ng intensidad na
mabilis na rumagasa sa katawan nya..
Napalayo sya sa binata..
Saglit silang nagkatitigan..
Walang sabi sabing tumakbo si Sab palabas
ng kusina....
Parang napako sa pwesto si Zack..
Tulala sya sa nagawa..
Pero unti unting napangiti..
Dinama ang sariling labi...
“Sab..” bulong nya..

Chapter 11
Di mapakali si Sab sa mga oras na iyon...
Hating gabi na pero ayaw pa rin syang
bisitahin ng antok..
Nakahiga lamang sya sa kama..
Pa ikot ikot na parang tanga..
Hanggang sa mainis, tumayo si Sab at
tinungo ang pinto.
Marahas nya itong binuksan para lamang
magulat..
Pero saglit lang..
Imbes na matulog..
Naglinis lamang ng katawan si Zack..
Iika ika syang lumabas ng kwarto para
maghapunan..
Hindi ang pakikipag away ang nasa isip
nya..
Kundi ang pagdampi ng mga labi nila ni
Sab..
Parang engot na pangiti ngiti ang binata..
Ang normal na pagkain na inaabot ng
sampung minuto ay umabot ng halos isang
oras.
Wala lang..
Nakangiti lamang sya..
Sa pagitan ng pagsubo ay pasalat salat pa
sya sa labi..
Matapos ligpitin ang kinainan..
Nagpahangin si Zack sa labas ng bahay..
Nakaupo sya sa harap ng malaking pinto at
tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin..
Napakaliwanag ng langit..
Muli nyang sinalat ang labi..
Muli din syang napangiti..
Di nakatiis si Zack..
Nais nyang masilayan ang magandang
mukha ng amo..
Mabilis syang kumilos upang pumasok sa
bahay..
Sinara nya din ang malaking pinto at
sinigurado muna itong nakalock bago dahan
dahang pumanhik sa hagdan..
Tumapat sya sa pinto ng kwarto ni Sab..
Wala lang..
Wala syang magawa..
Parang tinulos na sya sa kinatatayuan nya..
Nagpasya si Zack na huwag ng istorbohin
pa ang pagtulog ng dalagita..
Dahan dahan syang tumalikod ..
Nakakadalawang hakbang pa lamang sya ng
makarinig ng pagbukas ng pinto..
Agad nya itong nilingon..
Pareho silang natulala sa isa't isa..
Matagal na sandali muna ang lumipas bago
binasag ni Zack ang katahimikan..
"G-gising ka pa?.." mahinang tanong nya..
Ngumiti ang binata..
Medyo madilim ang paligid pero di ito
naging hadlang para makita ni Sab ang mga
pasa sa mukha ni Zack..
Pero kahit na tadtad ito ng bukol sa mukha..
Di maikakailang gwapo ang binata..
Napatingin din sya sa taas nito..
Dati..
Halos magkasinlaki lamang sila ng kuya
Zack nya..
Pero ngayon..
Hanggang balikat na lamang sya nito..
MAbilis tumangkad ang kuya nya..
Samantalang sya ay nanatiling bansot..
Ngumiti muli si Zack..
Napatingin si Sab sa maamong mukha ng
kuya nya..
Pilit nyang iniiwasan ang mga labi nitong
kani kanina lang ay dumampi din sa labi
nya..
Ang mga labing naging dahilan kung bakit di
sya makatulog sa mga oras na ito..
"H-hindi.. T-tulog na ako.." biro nya..
Natawa ng mahina ang binata..
Dahan dahan syang lumapit hanggang sa
magtapat na sila ni Sab.
Nakayuko ang dalagita.
Di nya maintindihan ang nararamdaman..
Kanina ay kampanteng namamahinga ang
puso nya sa marahan nitong pagtibok ngunit
ngayon..
Parang nagising ito bigla..
Masigla itong kumabog ng paulit ulit at
mabilis .. Papabilis pa..
"Bakit gising ka pa?.. Maaga pa pasok natin
bukas ah?.." tanong ni Zack.
Sinubukang tumingala ni Sab para
salubungin ang tingin ng kuya nya pero bigo
sya..
Hirap na hirap syang tumingala..
"Matulog ka na Sab..Baka tanghaliin ka pa
.." bulong ni Zack..
Tila naging musika sa pandinig ng dalagita
ang tinig na iyon ng kuya nya..
Di nya maintindihan ang sinasabi nito...
Tanging pagtibok na lamang ng puso nya
ang naririnig nya..
Pero meron pa..
Rinig nya din ang malakas na pagtibok ng
puso ni Zack..
Kahit hirap..
Dahan dahang inangat ni Sab ang kanyang
mukha..
Pero di na nya pala kailangan ng gaanong
pwersa dahil malambing na hinawakan ni
Zack ang baba nya..
Dahan dahang inangat ng binata ang mukha
ni Sab..
Nagtama ang kanilang mga mata..
Kabado ang parehong panig pero di
maikakailang may kung anong masarap din
na pakiramdam ang dumadaloy sa kanilang
mga katawan..
Saglit nagtama ang kanilang mga mata..
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Sab ng
makita ang matamis na ngiti sa gwapong
mukha ng kuya nya..
"Napakaganda mo Sab.." sa wakas
naisambulat na din ni Zack ang papuring
matagal na nyang nais sabihin..
Nagpipigil lamang sya dahil baka kung ano
ang isipin ng dalagita.
Nagiwas ng tingin si Sab.
Akala nya mabilis na ang tibok ng puso nya
pero nagulat sya dahil mukhang dumoble pa
ang bilis nito dahil sa sinabi ng binata..
Muling binaling ni Zack ang mukha ng
dalagita paharap sa kanya..
"Matulog ka na.." utos ni Zack..
Natawa ng bahagya si Sab..
Pero nawala din ito agad ng tumama ang
tingin nya sa mga nangungusap na mata ng
binata..
Pati si Zack ay tila nawalan ng boses..
Magkahinang ang kanilang mga mata..
Walang nagsasalita..
Pero kamangha manghang tila
nagkakaintindihan sila..
Dahan dahang bumaba ang mukha ni Zack..
Dahil sa antisipasyon.. NApapikit si Sab..
Hinintay ang pagdampi ng mga labing
kanina pa nya nais muling matikman..
Di naman sya matagal na naghitay..
Muling dumampi ang malambot na labi ng
binata...
Parang nabaliw sa sarap si Zack..
Kinakain na sya ng di masukat na pagibig
para sa dalagita..
Pilit nyang pinaglalabanan ang lohikal na
pag iisip..
Maaaring masamain ni Sab ang gagawin
nya at magsumbong ito sa kanyang ama..
Pero talagang di nya kayang pigilan ang
emosyon na nag uumapaw sa kanyang
pagkatao..
Mukha namang walang balak si Sab na
magsumbong dahil kusa na nitong pinalibog
sa leeg nya ang mga mumunting braso..
Lalong nabaliw at nagulo ang sistema ni
Sab..
Sa batang edad ay di nya kayang ipaliwanag
ang sarap at sayang nararamdaman sa mga
oras na iyon..
MAbilis na mabilis ang tibok ng kanyang
puso pero napakasarap..
Kung pwede lamang ihinto na ang oras ay
gagawin nya..
Sya na ang kusang sumakop sa labi ng
kuya nya dahil ramdam nya ang pag aatubili
pa nito..
Malayang inikot ni Sab ang kanyang
dalawang braso sa leeg ng kuya nya..
Dahil sa ginawa ay lalong dumiin ang halik
na pinagsasaluhan nilang dalawa.
Parehong di marunong.
Parehong first time..
Pero pareho nilang alam ang sarap na
nararamdaman..
Parang droga itong paulit ulit na tumatama
sa utak nila..
Nakababaliw na sensasyon ang binuhay ng
halik na iyon.
Ayaw ni Zack na huminto ang tila mahikang
nagaganap sa pagitan nila ni Sab..
Para syang nasa loob ng isang
napakagandang panaginip..
Pero tulad ng kasabihan..
Ang panaginip ay mananatiling panaginip
lamang..
Kailangan at kailangan nyang gumising sa
reyalidad..
Dumilat si Zack..
Kita nya ang nakapikit na mukha ng
dalagita.
Marahan syang umatras..
Humabol pa ang mukha ni Sab pero umiwas
na si Zack..
Binaling nya ang tingin sa ibang direksyon..
Tumama sa pisngi nya ang halik na iyon ni
Sab..
Nagtaka ang dalagita kung bakit naputol ang
masarap na pakiramdam..
Marahan nyang dinilat ang kanyang mga
mata..
"Z-zack.." sa unang pagkakataon .. Ayaw
tawaging Kuya ni Sab ang binata..
Pakiramdam nya ang magiging kasalanan
kung ituturing nya pa itong kapatid..
Kailangan nyang palayain ang
nararamdaman..
Napangiti ang binata sa narinig..
MAging sya ang natuwa sa tawag na iyon
ng dalagita..
Dahan dahan nyang nilingon ang mukha
nito...
Namangha si Zack sa biglang pagbangon ng
paghanga..
Napuno ng pagmamahal ang puso nya sa
pagsilay sa maamong mukha ni Sab..
Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha
nito na syang naging dahilan ng pag apaw
ng di maipaliwanag na emosyon sa puso
nya..
Umangat ang kamay ng binata para
haplusin ang pisngi ni Sab..
Napapikit pa ang dalagita ng tumama ang
matigas na palad ng binata sa maamo
nyang mukha.
Tahimik lamang silang ninanamnam ang
masarap na pakiramdam..
Lumipas ang ilang sandali..
Binasag na ni Zack ang katahimikan..
"Matulog na tayo Sab..Malalim na ang
gabi.." bulong ni Zack..
Halatang ayaw pang sumunod ng dalagita
pero muli nya itong dinampian ng halik sa
mga labi..
Napapikit ang dalagita.
NApangiti..
Muli syang dumilat sa binata..
"S-sige." sabi nya..
Ngumiti si Zack..
Sya na ang nagtanggal ng mga braso ni
SAb sa leeg nya..
Marahan nya itong dinampian ng halik na
lalong nag pabaliw kay Sab.
"Bukas.." sabi ng binata..
Ngumiti si Sab at marahang tumango..
Umatras sya ng konti para maisara ang
pinto.
Si Zack na ang humatak sa pihitan para
maisara ito..
Pero bago nya ito tuluyang maisara ay
nagtitigan muna sila ni Sab.
"Bukas aking mahal.." bulong ni Zack bago
tuluyang sinara ang pinto..
Masiglang bumangon si Sab..
Mabilis nyang nagawa ang morning rituals
nya..
Di maikakailang naging masarap ang
pagtulog nya kahit na medyo malalim na
ang gabi bago sya nakatulog..
Paikot ikot sya sa salamin ..
Sinisigurado na walang mintis ang kanyang
kagandahan..
Ayaw nyang may mapupuna ang iba sa
kanya ..
Lalo na ang kuya nya..
Napangiti ang dalagita sa naisip na
kaganapan kagabi ..
Dinama nya ang labi ..
Kinilig..
Pakiramdam nya ay nasa labi pa ang mga
labi ng binata..
Ramdam nya pa ang kaba at sarap na
magkasabay nyang naranasan kagabi..
Mabilis nyang binistahan ang sarili sa harap
ng malaking salamin..
Bago mabilis din ang kilos na lumabas ng
kwarto..
Para harapin ang itinatangi ng puso..
Halos walang nagsasalita sa harap ng
hapag kainan.
Tanging tunog ng kubyertos at paminsan
minsang pakiusap ang tanging maririnig..
NAgtataka ang mga nasa harap ng pagkain..
Kahit si Saimon ay nagugulat sa dalawa..
Napatingin sya sa kabiyak na nakatingin din
pala sa anak nilang mahinhin na kumakain..
"Ahem.." banat ni Saimon..
Napatingin sa kanya ang dalawang
nilalang..
Nagsalubong ang kilay ng lalake..
"May problema ba?.." tanong nya..
Sabay na umiling sina Zack at Sab..
Lalong nalito ang mag asawa pati na si
Ditas..
Mabilis na natapos ang pagkain nina Sab..
"Ahm Dad.. Di na po ako magpapahatid
sayo from now on.." paalam nya.
Kunot noong napatingin sa kanya sina Zack
at Saimon..
"Why?.." tanong ng ama..
Ngumiti ng matamis si Sab..
"Mag cocommute na lang po kame.." sabi
nya..
Napangiti ng lihim ang binata..
Niyuko nya ang ulo para itago ang ngiti..
Nagtaka si Saimon sa anak..
"And may I know why?.." tanong nya..
Nagkibit balikat lang si Sab..
"Wala lang po.. Wala namang masama dun
eh.. PAra di ka na naaabala Dad.." katwiran
nya.
Nagkatinginan ang mga tao na kasama nila
sa kusina..
"Sinong kasama mo?.." tanong ng ina..
Nginuso ni Sab ang binata..
"Syempre hahatid ako ni Za--.. Kuya Zack.."
muntik na syang madulas.
Nagkatinginan na naman sila ..
"Ah okay. Trip nyo yan eh.." sabi ng ina..
Napangiti ang binata ng lihim..
"MAg iingat lang kayo.. " sabi lang ng ama..
Tumango ang dalawa..
Matapos magpaalam..
Binuhat ni Zack ang mga gamit ni Sab..
Naglakad sila palabas ng subdivision..
Tahimik silang magkasabay..
"Ano naman naisipan mo ?.." tanong ng
binata..
Natawa si Sab ng mahina..
"Ayaw mo ba?.." ganting tanong nya.
Napangiti na lang si Zack..
Nakalabas na sila ng subdivision..
Pumara si Zack ng jeep.
Inalalayan nya ang dalagita na sumakay..
Malapit sila sa pinto naupo..
"Bayad ho manong .." sabi ni Zack.
Inabot naman ito ng driver..
"Ilan?.." tanong nito..
Akmang maglalabas na ng pera si Sab..
"Dalawa ho.." sagot ng binata..
Pinigilan ni Zack na maglabas ng pera ang
dalagita.
Napangiti na lang si Sab..
Kinilig sa simpleng gestures ng binata..
Tahimik sila habang bumabyahe..
For the first time naasar si Zack sa lapit ng
distansya ..
Gusto nya pang makatabi si SAb.
Pero kahit anong bagal ang gawin ng
driver.. Dadating at dadating pa rin sila sa
destinasyon..
Nagpauna si Zack na bumaba..
Inabot ang kamay ng dalagita.
Nakangiti naman at malugod na tinanggap
ito ni Sab..
Naglakad sila papasok ng school
Hanggang sa makarating sa harap ng
kwarto ni Sab.
Walang nagsasalita.
Lumabas si Princess..
Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang
dalawang bagong dating.
"Hala.. Anong meron?.." tanong nya.
Nagtaka si Sab..
"Problema mo?.." tanong nya.
Tulalang tinuro ni Princess ang mga kamay
nila..
Tarantang nagbitaw ng mga kamay sina Sab
at Zack..
Nuon lamang nila naalala na di pa pala sila
nagbibitaw ng kamay mula pagbaba ng jeep
hanggang sa makarating sila sa tapat ng
room ni Sab.
Napangiti ng lihim ang dalawa.
"S-sab.. Papasok na din ako.." paalam ni
Zack.
.
Tumingin si Sab sa kanya at ngumiti ng
matamis..
"Sige.. Sunduin mo ulit ako dito ng lunch
ha?.. Zack.." nakangiting sabi ni Sab..
Saglit natulala si Zack bago unti unting
sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi.
"Sige.. " sabi nya..
Atubiling umalis ang binata..
Parang nililipad sa hangin si Zack habang
patungo sa kwarto nya..
Kuyom ang kamao..
Dinadama ang paghoholding hands nila ni
Sab ng aksidente..
Napapangiti na parang baliw hanggang sa
makarating sa sariling silid..
Naupo si Zack..
Ayaw man nya..
Pero nagsimula ng dumaloy ang pangarap
sa utak nya..
Muling nabuhay ang isa pa nyang
pangarap..
Ang makatuluyan si Sab.

Chapter 12
Di na kailangan pang sabihing ang salita ng
masaya para sa dalawang kay Zack..
Pakiramdam nya ay nabigyan na ng
katuparan ang isa sa mga pangarap nya..
Halos araw araw silang magkasama ni Sab..
Sa umaga.. Sabay silang aalis ng bahay..
Sa hapon, sabay din silang uuwi..
Sumasakay lamang sila ng jeep..
Papasok at Pauwi mula sa eskwela..
Pinayagan na din ni Sab na
makapagpractice ng basketball ang binata
na lalong ikinatuwa ni Zack..
Kada ensayo ay laging nanduon ang
dalagita..
Wala syang pakealam kahit mag isa lamang
syang nanunuod..
Basta ang mahalaga ay masamahan nya
ang binata..
Lumaon ng lumaon ang ganitong mga
pangyayari..
Habang tumatagal ay lalong nalululong ang
dalawa sa kanilang nararamdaman..
Para kay Zack.. Wala ng mas hihigit pa sa
nararamdaman nyang kasiyahan..
Kasalukuyang nasa practice ang binata..
Kasama ang kaibigang si Denzel.
Pawisan na sya.
Pero di sya madaling napapagod..
Nasa 3 - points ang binata..
May practice game sila kontra kina Brix na
dati ng varsity..
Kampi nya ang kaibigan si Denzel..
Kasalukuyang ito ang may tangan ng bola..
Dinidribol..
Bantay ni Brix ang kaibigan nya..
Maya maya ay lumapit na rin ang bantay sa
kaibigan.
Double Team na..
Naging alerto lalo sa pagdribble si Denzel.
.
Naghahanap ng mapapasahan ..
Pasimpleng tinaas ni Zack ang kanang
braso para senyasan ang kaibigan..
Di naman nagpahalata si Denzel..
Sumalaksak sya..
Dalawa ang nakaharang..
Tumakbo sya patungo sa kaliwang bahagi
ng court..
Sumunod sa kanya ang dalawang bantay.
.
Corner na sya..
Pero nakangisi lang si Denzel at hinagis ang
bola..
Tumalon si Zack..
Agad nyang nasalo ang bola.
Tumili sa di kalayuan si Sab ng mahawakan
ni Zack ng bola..
Napangiti ng maluwang ang binata sa
narinig.
Ganado nyang dinribble ang bola palapit sa
ring..
Mabilis namang nakabawi ang mga kalaban
at agad dumepensa..
Pero huli na.. Biglang tumalon si Zack para
i-jump shot ang bola.
.
Swak.. Ringless.
Lalong dinabog ni Sab ang upuan ..
Nagpapalakpak pa sya para sa binata..
Sumipol ang coach..
"That was a nice execution between the
Team of Denzel... Good Job.. Okay okay..
We will take a rest.. Pahinga muna kayo ng
30 minutes then another set of match..
Same Team.. Okay?.. Ayusin nyo.. This will
decide kung sino ang gagawin nating first
five.. Sa monday Start na ng Competetion..
Go go go.. Dont eat.. Just drink..I will be
back in 30 minutes.." paliwanag ni Coach
Spolstra..
Agad tumakbo si Zack sa bench kung saan
nakaupo si Sab..
Nilabas agad ng dalagita ang dalang
tuwalya para ibalot kay Zack..
Ngiting ngiti naman ang binata..
Naupo sya habang inaasikaso ng dalagita..
"Ang galing non Zack..Shoot na shoot !.."
puri ni Sab..
Tumawa si Denzel sa di kalayuan..
Lumapit sya sa dalawa habang nagpupunas
din ng sariling pawis.
"Ang sarap ng may cheering squad
pare..Sana ako din.." biro nya..
Ngumiti lang ang dalawa.
Masaya silang nag kwentuhan habang break
ng biglang lumapit si Brix.
"Hi Sab.." bati nito.
Umismid ang dalagita..
Di pinansin ang binata ..
Asar agad si Brix pero di sya nagpahalata..
"Buti naman at nandito ka ulit.. Mukhang
nawiwili ka sa basketball ah.." bati muli ng
binata.
Tinitigan ni Sab si Brix..
"Syempre..Nandito si Za-.. I mean Kuya
Zack.." muntik ng madulas si Sab.. Ang
alam ng lahat kapatid ang turingan ng
dalawa..
Napangiti na lang si Zack..
Pati si Denzel ay natatawa..
"Ah.. So pupunta ka sa game?.." tanong
muli ni Brix..
Pinaikot ni Sab ang mata...
"Ngek.. Syempre.. Panunuorin ko sila.."
tinuro nya sina Denzel at Zack..
Lalong nagpuyos ang damdamin ni Brix.
"Sila lang?.." tanong nito.
“Of course.. Sila lang naman ang nakikita
kong marunong mag basketball sa inyo..”
pang aasar nito..
Asar na tumalikod ang binata..
Rinig nya pa ang tawanan nina Denzel..
Gigil syang lumapit sa mga ka teammates
na nagpapahinga.
Ilang saglit lang ay muling bumalik ang
coach.. Pero di ito nag iisa..
May kasama itong dalawang lalake na may
hawak na kahon..
Sumipol ang coach..
“Guys.. Come here muna.. “ tawag nito..
Agad na lumapit ang iba.
Sumama si Sab sa kuya Zack nya para
tingnan din ang lamang ng kahon.
Lahat napahiyaw ng buksan ng Coach ang
box .. Tumambad sa kanila ang mga bagong
tahing uniform..
Kulay asul ito na may black na stripes..
“Oh.. Kunin nyo na ang para sa inyo.. Tapos
na ang buhay ng lumang uniforms nyo..
Kadiri din ang kulay brown.. Kulay tae..
Eto.. Bilisan nyo.. Ingatan nyo yan dahil ako
ang gumastos dyan..” biro ng coach..
Nagtawanan sila..
Isa isang kumuha ang mga players..
Sina Denzel at Zack ang nagpahuli..
Napangiti si Zack ng makita ang nakasulat
sa likod ng kanya..
Tiningnan nya ang coach at kumindat din ito
..
“Thanks sir..” pasasalamat ni Zack..
Tinapik lang sya sa balikat ng mabait na
coach bago binalingan ang ibang players..
Nilahad ni Zack ang uniform para ipakita
kay Sab..
Nanggigil naman ang dalagita.
“Akin na lang..” lambing nya.
Nakasulat sa likod ang pinagsamang
pangalan nila..
Zabrina..
“Haha.. Anong susuotin nya?..” tanong ni
Denzel.
Napangiti si Zack..
“Sige.. Sayo to pagtapos ng competition..”
bulong nya.
Kinilig naman si Sab sa pagdampi ng hangin
mula sa mga labi ng kuya nya..
NAkangiti syang tumango.
Muling sumipol ang coach.
"Oh tapos na pahinga nyo..Move guys.. Last
game para sa araw na ito..Tulad ng sinabi
ko.. Same team..Brix.. Bilang isa sa
pinakamatagal na sa varsity.. Ikaw na ang
mag lead.. Denzel.. Ikaw pa rin dyan sa
kabila.. 2 quarters ulit... 10 minutes each..
Ang matatalo maglilinis ng buong gym..
Walang aangal.. You have to cooperate to
your team mates in order for you to win..
Walang bibigay.. Walang magkakalat..
Walang susuko... Laban ng isa ay laban ng
lahat.. Tandaan nyo.. Isa tayong fraternity
dito.. And were brothers.. Understand?.."
paliwanag ng Coach..
Nagsisang ayon ang lahat.
Naghati sa dalawa ang buong varsity..
Sampu sila lahat.. Sakto lang..
Lumapit kina Zack ang tatlo pa nilang
kasama..
Habang lumapit naman kay Brix ang mga
magiging kampi nya.
Masama ang tinging pinukol ng binata kay
Zack.
Galit sya sa binata.
Mula ng makita nya si Sab ay lagi nya ng
naiisip na magiging nobya nya ito balang
araw..
Gwapo sya at mayaman kaya di kataka taka
ang naisip nya.
Pero may hadlang..
Ang kuya kuyahan nitong si Zack na
teammate nya sa varsity..
Di sya papayag.. Lahat ng gusto nya ay
nakukuha nya.. At di makakaiwas si Sab..
Napangisi sya ng makaisip ng paraan para
kahit papaano ay makatabla kay Zack.
Pinulong nyang mabuti ang mga kakampi.
Jump ball.
Ang pinakamatangkad sa grupo nina Denzel
ang tatalon..
Laban sa pinakamatangkad sa team nila..
Di na sila aasa sa jump ball kaya mag
aabang na lamang sila sa pagtapik ng bola..
Sumipol ang coach.
Tumalon ang dalawang naglalakihang
manlalaro..
Tulad ng inaasahan.. Di man lang
nakahawak sa bola ang kampi nina Denzel...
Pero ayos lang dahil natapik ang bola
palapit kay Zack..
Humanda ang binata na saluhin ito pero
nagulat sya ng malapit na ang bola, bigla
syang natulak mula sa likod.
Napaluhod si Zack sa lakas ng pagtulak sa
kanya.
Paglingon nya ay nakangising mukha ni Brix
ang tumambad sa kanya.
Nahindik si Sab mula sa bench..
"Hoy !.. Bakit mo sya tinulak?.." sigaw nya.
Nagkibit balikat lang si Brix.
"Aksidente.. Nag aagawan kame .." dahilan
nito.
Pero halatang labas sa ilong..
Kunot noo lang si Denzel na inalalayan ang
kaibigan..
"Pare.. Mukhang mainit ka kay bansot.. sige
lang.." sabi nya..
Tumango si Zack.. Palalampasin nya na ang
pagtulak sa kanya..
Umayos na sila para sa depensa..
Kalahating oras ang lumipas.. Dikit ang
laban..
Lamang ng dalawang puntos ang kuponan
nina Brix.
Masakit na ang katawan ni Zack.
Di lang si Brix ang laging nakakabangga at
tumutulak sa kanya.. Kundi ang buong
kalabang team..
Kanina pa nag iinit si Denzel pero mabuti na
lamang ay malakas ang kontrol nito..
Halata na nila ang kanina pang pananadya
ng mga kalaban ..
Pero ayaw nyang umangal na masakit na
ang katawan dahil baka magalit lang lalo si
Sab.
Nasa ilalim ng basket si Zack.
Katabi ang gumaganap na sentro nila..
Pasimple syang binulungan nito.
"Pare.. Mukhang may galit sayo sina Brix
ah.." puna ng kakampi.
Napangiti na lang ng kimi si Zack..
"Ewan ko tol.. Wala naman akong
ginagawang masama e.." sabi nya.
Di nya inaalis ang tingin sa binabantayan..
Tumawa ang sentro nila..
"May gusto sya sa chicks mo.." sabi nito.
Nagkibit balikat lang si Zack.
Alam nya yon..
Hawak ni Brix ang bola.
Lamang ang kuponan nya ng dalawang
puntos..
Pero di sya masaya.. Hanggat nakatayo pa
ang karibal nya sa puso ni Sab..Di sya
makukuntento..
Pinasa nya sa kakampi ang bola.. Sabay
takbo sa malapit kay Zack.
Dalawang minuto na lang..
Hinabol ni Zack ang bantay..
Dinikitan ito para di makakuha ng bola.
Tumakbo ito papunta sa ilalim ng basket ..
Agad syang pumihit .. Pero nagkamali sya..
Screen pala..
NAipit si Zack sa nakaharang sa kanya ..
Walang iba kundi si Brix.
Nakalayo na ang binabantayan ni Zack.
Pagtingin nya ay nanlumo sya dahil dalawa
ang magiging kalaban ng sentro nila..
Ang binabantayan nito at ang binabatanyan
nya..
Pinasa ng may hawak ng bola sa sentro ng
kalaban..
Akmang titira .. Tumalon ang sentro nila.
Pero peke lang pala.
Nag bounce pass ito patungo sa
binabantayan ni Zack ..
Lay up..
Napapikit na lang ang binata dahil sa
kagagawan nya..
Pero nahagip ng mata nya ang kaibigang si
Denzel na mabilis na tumatakbo..
Naabutan nito ang lay up.. Dumaplis sa
daliri ni Denzel ang bola kaya sumablay ito..
Rebound ng sentro nila..
Di nag isip si Zack..
Mabilis syang tumakbo patungo sa kabilang
ring..
Nagulat si Brix..
Sinundan nya ang binata ..
Pero huli na..
Nakalay up na si Zack..
Aabot sana si Brix kung singtangkad sya ni
Zack.. Pero maliit nga sya..
Kahit tumalon sya ay kinulang ang height
nya.
.
Pumasok ang tira ni Zack.
Nag sisigaw na naman di kalayuan si Sab..
Tatakbo na sana si Zack pabalik sa kabilang
ring pero napangiwi sya ng kumirot ang
kanang talampakan..
Mabilis ang naging reaksyon nya.
Agad nya itong tinago kay Sab.
Siguradong mag aalala ang dalagita.
Imbes na tumakbo..
Naglakad na lamang si Zack pabalik..
Akala nya nagtagumpay na syang itago ang
nararamdaman pero tumabi sa kanya si
Denzel.
"Pare.." sabi nito..
Tumango si Zack.. Ngumiwi ..
"Wag mong sabihin kay Sab pare.." pakiusap
nya.
Tumango si DEnzel.
"Kaya mo pa?.." tanong nito.
Pinakiramdaman ni Zack ang paa..
"Oo pre.. Kaya pa.." sabi nya.
Tinitigan sya ng kaibigan..Bago muli itong
bumalik sa pwesto.
Inabangan nilang lima ang pagdating ng
mga kalaban.
Inis na nag dribble si Brix..
Kada tingin nya kay Sab ay nahuhuli nya
itong nakatitig lamang kay Zack..
Parang nangangarap ng gising ang
dalagita..
Lalo lamang syang nagpuyos sa binata.
Sa inis.. Sumalaksak sya..
Binangga nya ang bantay..
Tumira.
Tumalon ang sentro ng kalaban..
Supalpal ang bola..
Pero nakakuha sya ng foul..
Tahimik na nagdribble sa free throw si Brix.
Ang isip ay naglalaro kung paano makukuha
si Sab ..
Tinira nya ang bola..
Pero nagtawanan ang mga kapwa nya
players dahil kapos ito..
Ngitngit ang binata..
Muling binigay sa kanya ng coach ang bola.
Nag dribble syang muli..
Nag focus..
Tabla ang score kaya kailangan nilang
pumuntos..
Akmang titira na sya ng biglay sumigaw si
Sab.
"Go Zabrina !!!..." sigaw ng dalagita..
Alam nya ang ibig sabihin non.. Di sya
tanga para di maintindihan ang simpleng
lambingan ng dalawa..
Dala ng inggit at galit..
Muling sumablay ang tira nya.
Agad na nag abang sina Denzel at Zack
kasama ang sentro nila para sa rebound..
Nakapaikot sila sa ring..
Boxed out na ang mga kalaban at walang
makalapit..
Sure na sa kanila ang rebound..
Tumalbog ang bola sa ring at nag bounce
ito patungo sa pwesto ni Zack..
NApangiti sya..
Buong pwersang tumalon ang binata.
Nakuha nya ang bola..
Pero nagulat sya dahil pagbagsak nya..May
taong nakaabang sa babagsakan ni Zack..
Sinubukan nyang kontrolin ang sarili..
Nagtagumpay syang iiwas ang katawan sa
direktang pagtama sa taong nakaabang sa
baba nya..
Dahilan para lumagpak sa sahig si Zack..
Nagsigawan sina Denzel at ang iba pa.
"Tangna mo Brix !.. Papatayin mo si
Zack !.." sigaw ni Denzel..
Mabilis na nilapitan ng kaibigan nya si Zack.
.
"Pare.." tanong ni Denzel.
Ngumiti si Zack..
"Okay lang pre.. Pwet ko yung unang
tumama.." palusot nya..
Pero ang tutoo ay balakang nya ang unang
lumagpak sa sahig..
Galit na kinwelyuhan ni Denzel si Brix na
tulala din sa di kalayuan.
Akmang susuntukin nya ang binata ng
sumipol ang coach.
"Guys guys.. Denzel.. Tama na yan.. Di nya
siguro kasalanan.." saway nito.
.
Gigil na gigil si Denzel..
“Sinadya nya yon Coach.. May galit talaga
ito sa kaibigan ko..” sigaw nyang muli.
Agad pinagitnaan ng ibang manlalaro sina
Denzel at Brix.
Tulala lang ang binata na nakatingin kay
Zack ..
Di nya gustong mapahamak ang binata ..
Ang nais nya lang ay agawin ang bola
pagtapos ma rebound ni Zack.. Naisip din
nya na patirin ito pagtapos.. Pero sa di
inaasahang pangyayari.. Na sahod nya ang
binata.
Pero sa una lang sya nagsisi.. Sa nakikita
nyang paghihirap sa mukha ni Zack..
PArang naging gantimpala sa kanya ..
Ngumisi sya..
Kumunot ang noo ng Coach..
“Brix Palomar.. Magpaiwan ka .. Guys tapos
na ang laro... Walang nanalo... You can all
go home.. Tulad ng sinabi ko.. Maiwan ka
Brix..” ma-autoridad na utos ng Coach..
Galit na dinuro ni Denzel si Brix.. Pero di
sya pinansin nito..
Nakasingit si Sab sa naglalakihang players..
Nanlaki ang mga mata nya ng makita si
Zack na nakahiga sa sahig..
Dinamba nya ang binata.
“K-kuyaa !..” tili ni Sab..
Napangiti si Zack.
Agad nyang inayos ang mukha para
magmukhang di sya nasaktan..
"Oy !.." natatawang bati nya.
Di maintindihan ang nararamdaman..
Kaninang pagkakita nya sa pagbagsak ni
Zack ay parang nahulog ang puso nya..
Natulala sya ng ilang saglit..
Ngumiti si Zack..
Pinilit ang sarili na maupo..
Napangiwi ang binata.. Kailangan nyang
tumayo..
Mas masakit kapag nakaupo sya..
Inalalayan ni Denzel ang kaibigan.
“Ano pare?..Kaya pa?.. Baka gusto mong
magpahospital?..” biro nya.
Natawa si Zack..
“Sira.. Pahatid naman kami pare..” ungot
nya sa kaibigan.
Sinusundo si Denzel ng driver nito tuwing
hapon.
“Sure pare.. No prob..Teka tawagan ko na si
Manong ..” sabi nya.
Iika ika na lumapit sina Sab at Zack sa
pinto nila.
Kinawayan pa nila ang kaibigan si Denzel
bago ito umalis sakay ng kotse..
Matapos siguraduhing nakalock na ang Gate
pinilit maglakad ng dalawa..
Nakaakbay si ZAck sa dalagita.
Kahit hirap..Pinipilit ni Sab na wag ipakita
sa kuya nya ang hirap nya..
Baka tumanggi itong mag paalalay..
Sya na ang nag doobell..
Nagulat si Ditas pagkakita sa anak.
Nakaakbay ito sa dalagitang anak ng amo
nila.
“Zackarias !..” sigaw ni Ditas.
Natawa ang dalawa.
“Nay naman eh.. Parang nakakita ng
multo..” biro ni Zack..
Natawa si Sab ..
“Nay Ditas.. Patulong po..” ungot nya.
Saglit lang natulala si Ditas.. Mabilis syang
kumilos para alalayan ang dalawa..
Hinatid nila sa kwarto ang binata..
“Anong nangyari?..” tanong ng ina..
NAgkatinginan ang dalawa.
Nagpasya si Zack na wag ipagtapat ang
buong pangyayari para na rin di masyadong
mag alala ang ina..
“Aksidente lang Nay.. Di naman po grabe..”
sabi nya.
Nagsalubong ang kilay ni Ditas.
"Anong di grabe eh di ka na nga
makalakad?.." tanong nya.
Ngumiti si Zack.
"Ano pong gagawin dyan Nay?.." tanong ni
Sab.
Napatingin sila sa dalagita.
"Magbihis ka muna Sabina.." utos ni Ditas.
Pero tumanggi si Sab.
"Mamaya na po.." sabi nya.
"Ako na ang bahala dito anak.." sabi ni
Ditas.
Umiling lang ang dalagita.
"Ako na po please?." lambing nya.
Nagtataka si Ditas.
Pero di na sya kumontra pa.
"Hala.. Punasan mo ang parteng nasaktan
kay Zack.. Tapos dampi dampian mo ng
labakarang may yelo.." utos nya.
Agad na kumilos ang dalagita.
"Nay patulong po.." pa cute ni Sab.
Natawa na lang ang mag ina.
Kinagabihan..
Maginhawa na ang pakiramdam ni Zack..
Nakaupo sya sa harap ng mesang kainan at
pangiti ngiti ..
Naiisip nya ang malambing na pagpupunas
ni Sab sa katawan nya kani kanina lang.
Kinikilig sya sa nakikitang pag aalala ng
dalagita.
Nasa kalagitnaan ng pangangarap si Zack
ng makarinig ng kaluskos..
Paglingon nya ay agad na bumilis ang tibok
ng puso nya ng makita ang kaakit akit na
itsura ni Sab..
Nakapantulog lamang ang dalagita .
"Okay ka na?.." mahinang tanong nito.
Ngumiti si Zack at tumango..
"Salamat .." sabi nya.
Ngumiti din si Sab..
"Dun tayo sa room ko.." lambing ng
dalagita..
Napangiti si Zack..
Sinubukan nyang tumayo..
Nagtagumpay sya..
Di naman pala masama ang pagkakabagsak
nya.
Nagpauna na ang dalagita sa pag akyat sa
kwarto nya.
Sumunod si Zack.
Pumasok si Sab sa nakabukas na pinto ng
kwarto ..
Diretso sa tapat ng bintana kung saan kita
ang maliwanag na buwan..
Naupo ang dalagita..
Sumunod si Zack.
Pumwesto sya sa likod ni Sab..
"Sara mo yung Door.." ungot ng dalagita..
Sumunod ang binata..
Muli syang bumalik sa likod ng dalagita..
Tumayo si Sab.
"Sit.." utos nya..
"Ikaw?.." tanong ni Zack.
"Sit.." muling utos ni Sab..
Wala ng nagawa si Zack kundi ang sumunod
na lang.
Naupo sya sa silya paharap sa bintana..
Lilingunin nya sana ang dalagita ..
Pero nagulat sya ng biglang kumandong sa
kanya si Sab..
Walang nagsalita..
"S-sab.." bulong ni Zack.
Napapikit si Sab sa dapyo ng hangin mula
kay Zack patungo sa tenga nya.
Tila isa itong musika.
"Zack.." ganti nya.
Napangiti silang dalawa.
Sinandal ni Sab ang katawan sa malapad na
katawan ni Zack..
"Sab.." bulong muli ng binata.
Lumingon si Sab.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Di na naghintay ng sasabihin ang dalagita.
Mabilis nyang sinakop ang labi ng binata.
Automatikong napapikit si Zack ..
Kanina nya pa nais na hagkan ang dalagita
pero nagdadalawang isip sya.
Mabuti naman at si Sab na ang gumawa..
Akmang palalimin nya ang halik ng tumayo
si Sab..
Hinila nya ang kamay ni Zack..
Nagtatakang napatayo ang binata.
Dahan dahan nilang tinungo ang malaking
kama ng dalagita.
Nahiga si Sab..
Tinapik ang katabing pwesto.
"Higa ka.." sabi nya.
Nag alala si Zack na baka may makakita sa
kanya.
"Sige na.. Naka sara yung door.." utos ng
dalagita.
Atubiling humiga si Zack pero hinawakan ng
dalagita ang kamay nya at hinatak ng
malakas.
Natatawang napahiga na din si Zack sa tabi
ni Sab.
Inayos ng dalagita ang pwesto nila..
Ginawa nyang unan ang braso ng binata at
kampanteng pumikit.
"Sab.." bulong ni Zack..
"Yes?.." sagot ng dalagita.
Natahimik silang dalawa.
Hinagkan ni Zack ang buhok ni Sab..
Tahimik nilang pinalipas ang mga sandali..
Punong puno ng emosyon ng mga oras na
iyon si Zack.
Nais nyang ipagtapat ang nararamdaman sa
dalagita..
Siguro.. Iyon na ang tamang oras.
Kahit na mabigo.. Mas mabuti na iyon kesa
di nya nagawang magtapat.
Huminga ng malalim ang binata..
"Sab.. " untag ni Zack..
Walang sumagot..
Malamang na naghihintay si Sab ng
sasabihin nya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Zack..
Muli syang huminga ng malalim bago sinabi
ang nilalaman ng puso..
"Sab.. Alam ko.. Suntok sa buwan itong
nararamdaman ko sayo.. Wag mo sanang
isipin na bantay salakay ako.. Pero gusto
kong malaman mo na.. Na..." pa putol putol
si Zack.
Nahihiya sya sa kakornihan.. Pero batid
nyang kailangan nya itong gawin.
Ito na ang tamang oras..
Muli syang huminga ng malalim..
"M-mahal kita Sabina .." bulong ng binata.
Matagal na katahimikan ang pinalipas ni
Zack..
Nagtataka sya kung bakit parang walang
kasagutan ang dalagita.
Dahan dahan nyang hinawakan ang baba ni
Sab at pasimpleng tiningala sa kanya..
Nais sumabog sa tawa ni Zack ng makitang
himbing na natutulog si Sab sa tabi nya.
Natawa na lamang sya sa sarili..
Pero ng matitigan nya ang maamong mukha
ni Sab..
Muli syang binalot ng pag ibig.
Dinampian nya ng masuyong halik ang labi
ng dalagita.
Bago hinigit ito palapit sa kanya at dahan
dahang pumikit..
"Mahal kita Sab..Mahal na mahal.." bulong
nya.
Unti unti na din syang kinain ng antok...

Chapter 13
Sumapit ang bisperas ng unang laban nina Zack...
Araw ng Lunes..
Pinulong ng Coach ang lahat ng kanyang
players para sabihin ang masamang balita.
"Guys.. I just want to tell you na nabawasan
tayo ng isang kasama..Sad to say wala na
si Brix.. Nag transfer sya sa ibang school.. I
don't his purposes .. But we lose one good
brother.. " bungad ng Coach.
Nagkaroon ng bulung bulungan..
"I don't know what to say pare.. Ayaw ko
sanang lumabas na masama pero masaya
ako na wala na si Brix sa Team.." bulong ni
Denzel.
Nagkibit balikat lang si Zack..
Maging sya ay wala ring masabi..
"Okay.. There's no practice for today.. Take
a rest para sa laban natin tomorrow..That
will be tuesday.. If we will be lucky at
malampasan natin ang school na
makakalaban natin tomorrow.. Mag
aadvance tayo sa next game.. We need to
focus on this match.. Laglagan tayo guys..
They will have the crowd advantage because
this first match will be held at their
gym..Pero syempre.. Tulad ng sinabi ko sa
inyo.. Focus is the keyword..Team
Cooperation.." matigas na sabi ng Coach.
Lahat tumango.
"And one more thing.. Denzel Guzman will
be the new Team Captain.. I hope na okay
lang sa inyo.. " dugtong pa nito..
Muli silang tumango..
Napangiti na lang si Denzel ng batiin ng
mga kasama.
"Oh sige.. Matulog kayo ng maaga.. Para
maaga kayong magising.. See yah
Tomorrow dito at exactly 7Am.." paalala ng
coach.
Umalis na ito kasama ang Team Manager.
"Guys.. Sana Teamwork tayo.. " sigaw ni
Denzel.
"Oo naman pre.." sabi ng isa..
Lahat sila sumang ayon.
"Sige.. Tulog daw ng maaga. Wag na muna
mag lakwatsa.." biro pa ni Denzel..
Masaya silang nag siuwian..
Kinagabihan..
Maagang natapos ni Zack ang mga gawaing
bahay.
Nag rereview sya sa hardin ng makarinig
sya ng tikhim mula sa likuran..
Paglingon nya ay agad syang napangiti ng
makita ang among si Saimon.
"Pwede bang tumabi iho?.." tanong nito.
Napangiti si Zack.
"Syempre naman po.." sabi nya.
Naupo si Saimon sa katapat na upuang
bakal..
Saglit silang natahimik.
"Kamusta ang pag aaral?.." tanong ni
Saimon..
"Ayos lang naman po.. Medyo mahirap lang
ng konti pero kaya pa naman.." sabi nya.
Ngumiti si Saimon..
"Eh ang Team?.. Balita ko first game nyo na
bukas ah?..Di ba dapat natutulog ka na?.."
tanong nya.
Tiniklop ni Zack ang hawak na kwaderno..
"Eh.. Syempre po ayaw ko namang
pabayaan ang pag aaral ko.. Bale ang
basketball ay libangan ko na lang po.. "
paliwanag nya.
Napangiti ng maluwang ang lalake.
"Gusto sana kitang panuorin bukas.. Kaso
medyo marami akong ginagawa ngayon sa
opisina.. Alam mo naman na nag ka-aberya
sa isa sa mga planta natin sa Zambales di
ba?.." sabi nya.
"Naku ayos lang po yon.. Nahihiya na nga
po ako sa inyo.. Nitong mga nakaraang
araw lagi na lang akong wala dito sa bahay
tuwing hapon.. Dahil po kasi sa sunod
sunod na practice.. Pasensya na po ha?.."
hinging paumanhin ni Zack.
Umiling si Saimon.
“Sus na batang ito..Wala yon no..Gawin mo
ang gusto mo.. Di ako nagagalit ni hindi ako
nag iisip ng masama dyan.. Ang akin lang..
Wag mong pababayaan ang pag aaral mo..
Pero sa tingin ko naman, di ko na
kailangang sabihin pa sa iyo yan..”
natatawang sabi nya.
Napangiti din ng kimi si Zack.
“Di naman po..” sabi na lang nya.
“At ayon din sa mga teachers mo..
Matataas ang mga nakukuha mong marka..
Balita ko running for valedictorian ka iho..”
proud na pagbabalita ni Saimon.
Kunot noo si Zack.
“P-po?.. Di ko po alam yon..” sabi nya.
Tuluyang natawa si Saimon.
“Alam ko.. That was supposed to be a
secret.. Pero ewan ko ba.. Excited akong
ibalita sayo.. Sorry for ruining the suprise
iho.. “ sabi nya..
Napangiti na lang si Zack.
“Salamat ho sa pagtulong nyo sa amin ni
Inay .. Napakalaki po ng utang na loob
namin sa inyo.. Di ko po alam kung paano
ito pagbabayaran.. Kaya nga po hanggat
kaya ko.. Kahit ano pong gusto nyo..
Ibibigay ko..” taos pusong sabi niya..
Umilig iling si Saimon..
"You don't have to thank me that much iho..
Ikaw ang katuparan ng mga pangarap ko..
Alam mo ba yon?.." sabi nya.
Kumunot ang noo ni Zack.
"P-po?.. Ano pong ibig nyong sabihin?.."
tanong nya..
Tumayo si Saimon.
Sinulyapan nya ang mga nag gagandahang
mga bituin sa kalangitan..
Bumuntong hininga ang lalake..
Nagtatakang napatayo din si Zack at lumapit
sa amo..
"May problema po ba kayo?.." tanong ni
Zack..
Ngumiti si Saimon.. Ginulo nya ang buhok
ng binata sabay inakbayan ito.
Halos mas matangkad na sa kanya ang
binata..
At sigurado syang tatangkad pa ito..
Lalong naging proud ang pakiramdam ni
Saimon.
Matalino..
Gwapo..
Mabait at mapagmahal na anak.
Lahat ng katangian nanaisin ng isang ama
para sa isang anak na lalake..
Muli syang napabuntong hininga.
Ang tanging pangarap nya..
Isang magmamana sa apelyido nya.
"Alam mo ba na halos pare pareho ang mga
pangalan ng mga ninuno ko?.." bungad ni
Saimon..
Umiling si Zack.
"Tama ang narinig mo.. Mula sa Lolo ko..
Hanggang sa hmm.. Siguro syam na sunod
sunod na salin lahi ang may pangalang
Saimon sa angkan namin..Naputol lamang
ito ng mag kaanak ng nag iisang babae ang
Lolo ko.. Yun nga ang Mother ko. Halos
itakwil ng Lolo ko sa tuhod si Lolo.. Di ko
alam.. Pero napakabigat ng tradisyon na
hinahawakan ng angkan namin.. Sinasalin
ang pangalan namin.. Pero naputol ito ng
ipanganak nga si Mama.. Nag iisa lang sya
dahil naging komplikado ang naging
panganganak ni Lola.. Muntik na daw nya
itong ikamatay.. Pinapili ng doktor si Lolo..
Kung aling buhay ang dapat mawala.. Pinili
nya syempre pareho.. Malaking pera ang
kinailangan para maisalba ang buhay ng
magina.. Isinanla ni Lolo ang lahat ng ari
arian nya.. Di sya tinulungan ng tatay nya..
Dahil nga sa wala naman daw maasahan
kay Lola.. Di naman daw sya nito mabigyan
ng anak na lalake.. So bakit pa bubuhayin...
Nagalit si Lolo.. Di sya pumayag kaya di sya
humingi ng tulong sa Lolo ko sa
tuhod..Nagtagumpay ang operasyon.. Pero
naghirap sina Lolo.. Kayod kalabaw si Lolo
ng mga panahon iyon.. Lahat ng trabaho
ginawa nya mabuhay lamang ang mag ina..
Nagbunga naman.. Muling umangat ang
kabuhayan nila Lolo dahil sa kasipagan at
angking talino.. Nakapagtapos si Mama ng
Cum Laude sa kursong Business .. Nakilala
nya si Papa.. Nagbunga ang pagmamahalan
nila.. " salaysay ni Saimon..
Napangiti si Zack..
"Kayo po yon.." sabi nya.
Tumango si Saimon..
"Tama..Alam ni Mama ang tungkol sa
tradisyon ng angkan namin.. Kakatwa ..
Naiinis sya sa kalakarang ito pero sinunod
nya ang pangalan ko sa tradisyon.. Ang
katwiran ni Mama ay di sya sumusunod sa
paniniwala ng angkan.. Ito ay pagpupugay
daw sa pagmamahal na binigay ni Lolo sa
mag ina nya.. Kaya parehas kami ng
pangalan ni Lolo.. Bale nag skip lang kay
Mama ang tradition ng pamilya.. Kakatuwa
no?.." biro nya.
Napangiti lalo si Zack..
"Ayos naman po pala. Kamusta na po ang
mama at papa nyo?.. " tanong nya.
Malungkot na ngumiti si Saimon.
"Maaga silang kinuha ng Panginoon.. Sa
edad na Kwarenta.. Naaksidente sina Mama
nuong minsang mamasyal sila sa ibang
bansa.." sabi nya.
.
Nahiya naman si Zack..
"P-pasensya na po.." bulong nya.
Ginulo ni Saimon ang buhok ng binata.
“Matagal na yon.. Alam kong masaya na
silang magkakasama nila Lolo at Lola.. Im
proud of them.. So much..” napatingala pa
ang lalake..
Ngumiti si Zack.
“Wag mo sanang mamasamain itong
sasabihin ko.. Pero di ko alam.. Parang na
iintindihan ko din ang pakiramdam ng may
anak kang lalake .. May magdadala ang
apelyido mo sa hinaharap..” bunyag ni
Saimon.. Tinitigan nya ang binata.
Napatingin din si Zack sa among lalake..
“P-pero babae po ang anak nyo..” sabi nya.
Malungkot na ngumiti si Saimon..
“Alam ko.. And Im proud of Sabina.. Pero
syempre.. Di mo maiiwasan ang ganuong
isipin.. Gusto ko din syempre ng may
kalarong basketball twing weekend.. Yung
may maiiwanan ako sa mag ina ko ..
Kampante akong papasok sa trabaho dahil
alam kong may makisig at matapang akong
anak na lalaki na maiiwan sa bahay..Yun
bang makakasama ko sa pag
jojogging..Yung magmamana ng mga gamit
ko ..” wala sa loob na kwento nya.
Di alam ni Zack ang dapat sabihin.
Pero naisip nyang di naman siguro dapat
pang magkomento pa sya sa sinabi ng
among lalake..
Nakakabigla..
Totoo..
Parang sinasabi nito na gusto nitong maging
anak sya nito ng totoo..
Nakakatuwa..
Nakakataba ng puso..
Pero batid nya ang limitasyon.
Nandito sya sa bahay na ito para
manilbihan..
Pagbayaran ang dami ng utang na loob
nilang mag ina sa pamilya nina Sab.
Wala syang balak manulot.
Swerte sa kanilang mag ina ang pamilyang
ito..
Sapat na yon..
Oo nga at wala syang kinalakhang ama..
Naiisip nya din minsan na sana ay Tatay
nya si Saimon..
Nabuhay ang pag nanais ni Zack na mag
karoon ng totoong ama..
“Mula po pagkabata ko.. Wala akong
kinagisnang ama..Minsan naiinggit ako sa
mga kalaro kong bata nuon.. Sila kasi
sinusundo ng mga tatay nila pagsapit ng
hapon.. Ako.. Kusang umuuwi kasi di naman
ako maharap ni Inay.. Wala si Inay sa bahay
ng mga ganuong oras.. Nasa palengke sya
nagtitinda.. Ako taga bantay ng bahay..”
malungkot na pagbabahagi ni Zack..
Napangiti din si Saimon.
“Dati po.. May program sa school.. Ang
dapat naming gagawin ay papuntahin ang
mga Tatay namin .. Tatanungin kung anong
trabaho nito..Syempre.. Wala akong
mapapunta.. Nahihiya akong sabihin kay
Inay yung tungkol sa Program namin.. Ayaw
ko syang istorbohin sa pagtitinda.. Alam ko..
Kapag sinabi ko sa kanya yon.. Pupunta
sya.. Tapos wala kaming benta ng araw
nayon.. Mangungutang si Inay ng gagastusin
namin para sa susunod na araw..
Magdodoble kayod na naman sya.. Kaya di
ko na lang sinabi..Pinagtawanan nila ako sa
room.. Pero wala akong pakialam..” pumiyok
ang boses ni Zack.
.
Dumaloy sa alaala nya ang mga
malulungkot na pangyayari sa kabataan
nya..
Nuong minsang may nakaaway sya dahil sa
pagtatanggol sa Inay nya.
"M-minsan po.. Napaaway ako.. Kasi sabi
nila malandi daw si Inay.. Kasi wala daw
akong tatay.. Sinuntok ko po yung nagsabi
non.. Pinalo ako nung nanay nya.. Pero
wala pa rin po akong pakialam.. Kahit
siguro mabugbog ako.. Wag lang nilang
sasaktan ang nanay ko.." marahas na
pinahid ni Zack ang luha na tumakas sa
kanyang mga mata..
Namangha si Saimon sa pagmamahal na
inaalay ni Zack para sa kanyang ina.
Lalo syang nanggigil sa binata.
Lalo syang nanggigil sa ideyang sana ay
may ganito din syang anak.
Tahimik silang nakinig sa huni ng mga
insekto sa paligid.
"Malapit ka ng grumaduate iho.." iniba ni
Saimon ang usapan.
Napangiti si Zack.
Pinunasan nya ang mga mata.
"Opo.. Salamat po ulit sa inyo.. Sa inyong
lahat.." taos pusong sabi nya.
Natawa si Saimon.
"Sabing wala yon eh.." natatawang sabi nya.
Muli silang natahimik.
"San mo gustong mag college?.." tanong ni
Saimon..
Napakamot sa batok si Zack.
"Baka ho huminto muna ako.." sabi nya.
Kinalas ni Saimon ang pagkakaakbay sa
binata.. Hinarap nya ito sa kanya..
"At baket?.." tanong nya.
Nahihiyang nagbaling ng tingin si Zack..
"K-kulang pa po yung ipon namin ni Inay.."
mahinang sabi nya.
Sukat duon ay natawa ang lalake.
"At para saan naman kasi yung iniipon
mo?.." tanong nya..
"Para po sa pag - cocollege ko.." mahinang
sagot ni Zack..
Ginulo ni Saimon ang buhok ng binata.
"Ako na ang bahala sa pag aaral mo sa
kolehiyo .." sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ni Zack.
"D-di na po.." sabi nya.
Ngumiti lang si Saimon..
"Ano bang kurso ang kukunin mo?.." tanong
ni Saimon..
Nagdaydream si Zack.
"Doktor po.. Alam kong mahal.. Kaya nga po
nagiipon ako eh.." sabi nya.
Bumilib na naman si Saimon..
"Good.. At least alam mo ang gusto mo...
Anyway.. Tulad ng sinabi ko sayo... Ako ang
gagastos sa lahat.. Wag ka ng umangal..
Magtatampo na ako eh.." sabi nya.
Natawa silang pareho..
"MAraming maraming salamat po.." naiiyak
na namang sabi ni Zack.
Di mapigilan ni Saimon ang sarili .. Niyakap
nya ang binata..
"Walang anuman.. Ituring mo na akong
pangalawang ama mo..." sabi nya sa binata.
Napangiti si Saimon..
"Oy anong oras na.. Matulog ka na.." sabi
nya.
Ngumiti ng maluwang si Zack.. Yumuko sya
at nagpasalamat.
Magkaakbay silang pumasok sa loob..
Tarantang tumakbo si Sab pabalik ng
kwarto..
Luhaan..
Di matanggap sa utak ang lahat ng narinig..
Di sya makatulog kaya hinanap nya ang
Kuya Zack nya.
Akala nya nasa kwarto nito..
Pero pagsilip nya ay tanging si Nanay Ditas
ang natutulog duon..
Sinilip nya ang sala.
Wala..
Naalala nya ang paboritong lugar ng Kuya
nya..
Sa Hardin.
Napangiti sya at binagtas ang daan..
Kahit madilim ay di sya natatakot..
Napahagikgik pa sya ng makalapit..
Rinig nya ang boses ng kuya Zack nya.
Nagpasya syang gugulatin nya ito..
Pero nagtaka sya ng makarinig ng isa pang
boses.
Nakilala nya ang boses ng ama..
NAg uusap ito..
Mukhang masinsinan base sa hina at
seryoso ng mga tinig..
Lumapit sya at pasimpleng nagtago sa likod
ng halaman.
.
Dahil sa tahimik ng paligid..
Kahit bulungan ng dalawa ay rinig nya.
Kita nya din ang pag akbay ng kanyang ama
sa binata.
Masaya si Sab dahil sa kabaitan ng ama.
Pero nagulat sya sa tinakbo ng usapan..
Di sya tanga para di mabasa ang mga
nilalaman ng mga salita ng ama..
Di man diretsahan pero para na ring sinabi
nito na dismayado ito dahil babae ang
naging anak..
At yun ay walang iba kundi sya.
Dismayado ang ama sa kanya.. Dahil babae
sya..
Napupunta ang atensyon at pagmamahal
nito sa Kuya Zack nya..
Sa kuya Zack nya na di nya kaano ano..
Ang pagmamahal na dapat tanging
binubuhos ng pinakamamahal na ama ay
napupunta sa di nya kaano ano..
Nagngitngit ang loob ni Sab.
Batid nya ang atraksyong nararamdaman
nya sa kuya nya..
Pero naglaho ito ng marinig ang lahat ng
sinabi ng ama.
Kulang na lang ay sabihin nito na sana ay si
Zack na lang ang naging anak nito at di na
sya.
Muntik ng madapa si Sab sa pag akyat sa
hagdan.
Mariin nyang sinara ang pinto at tinakbo
ang kama..
Dumapa sya..
Duon ibinuhos ang sigaw na kanina nya pa
pinipigil.
Naiiyak sya..
Bumuhos ang masagang luha sa mga mata
ni Sab.
Kaya pala.
Kaya pala kahit anong achievements nya sa
schools.. Balewala.. Dahil ang tiningnan
lamang nito at inaasahan ay ang mga
naaccomplish ng Kuya Zack nya.
Sa pagkakaalala sa naging usapan ng
dalawa..
Lalong nagpuyos ang damdamin ni Sab.
Akala nya dahil sa mabait ang kuya nya.. Di
nito sasamantalahin ang kabaitan din ng
ama nya.
Pero nagulat sya sa naging reaksyon nito..
Oo nga.. Sa una ay tumanggi ito sa alok ng
Daddy nya na pag aralin ito hanggang
College.. Pero papayag din pala ito..
Nagiinarte lang pala..
Hungkag na hungkag ang pakiramdam ni
Sab..
Di pala sya importante sa ama.
Dapat magalit sya dito.
Pero di nya maintindihan ang
nararamdaman..
Siguro dahil sa ama nya ito.
Kay Zack nabunton ang lahat ng sama ng
loob ni Sab.
Nakatulog syang masama ang loob sa
binata..
Nagtatampo sya..
Mali..
Di lang basta tampo..
Kundi Galit..
Galit para kay Zack..

Chapter 14
Maagang nakapaghanda ng mga dadalhin si Zack...
Kanina pa sya nakapagwarm-up..
Nagjogging na sya palibot ng subdivision..
Nagawa na din nya halos ang lahat ng mga
gawaing bahay..
Kakatapos lang maligo ng binata,
kasalukuyan syang nasa kusina..
"Nay gising na po ba si Sab?.." tanong nya..
Kibit balikat lang si Aling Ditas habang nag
luluto ng almusal.
Nagpasya si Zack na puntahan ang dalaga..
Napag usapan na nila na sasama ito upang
makapanuod ng unang laban nila sa labas
ng eskwelahan..
Inakyat ni Zack ang hagdan..
Tinungo nya ang kwarto ni Sab sabay
marahan itong kinatok..
Pero imbes na kwarto ng dalagita ang
magbukas..
Bumukas ang pinto ng kwarto nina Saimon..
Pupungas pungas na lumabas ang lalake..
Ngumiti ito pagkakita sa binata.
"Good Morning iho.." bati ni Saimon.
Nagtataka si Zack.. Alas singko pa lamang..
Masyado pang maaga para sa normal na
paggising ng among lalake.. Pero nagkibit
balikat na lamang sya at nginitian na din ito.
"Magandang umaga ho Tito.. Ginigising ko
lang ho si Sab.. Nangako po ako na isasama
ko sya sa first game eh.." sabi nya..
Lumuwang ang pagkakangiti ni Saimon..
"Oo nga.. First game mo .. Pero di lang si
Sab ang sasama.. Pati ako.." sabi nya.
Nagulat si Zack.
Nakaramdam sya ng konting hiya.
"Naku.. Baka po magkalat lang ako.
Nakakahiya.." sabi nya.
Tatawa tawang inakbayan sya ni Saimon...
"Sus .. Di yan.. Kaw pa.. Anyway, gisingin
mo na ang prinsesa .. Mauuna na akong
mag breakfast.." sabi nya..
Tinapik nya ang balikat ni Zack sabay
naglakad patungong hagdan..
NApangiti na lang si Zack..
Sa likod ng pinto..
Lalong nagpuyos ang damdamin ni Sab..
Rinig nya ang masuyong paguusap ng
dalawa sa labas..
Tama nga ang lahat ng narinig nya kagabi..
Gusto ng ama nya na maging anak ang
kuya Zack nya..
Kung papipiliin siguro ito sa kanilang
dalawa.. Malamang na si Zack ang piliin
nito.. O kung sya man.. Mag iisip muna ito
ng matagal..
Napapitlag si Sab ng makarinig ng
mahihinang katok...
Taranta syang tumakbo at tumalon sa
kama..
Muling nagtalukbong ng kumot..
Nag kunwaring tulog..
"Sab..papasok na ako ha." malambing na
tawag ni Zack..
Pinihit nya ang seradura ... Dahan dahan
itong binuksan..
Una nyang nahagip ang nakatalukbong na
katawan ni Sab..
Napangiti si Zack..
Dahan dahan nyang nilapitan ang kama ng
dalagita..
Niyugyog..
“Sab.. Gising na.. Malalate tayo eh..” sabi ni
Zack..
Umungol lang ang dalagita..
Bumaligtad ito ng higa patalikod kay Zack..
Pinalo naman ng binata ang balakang nito..
Napadilat si Sab..
“Sab.. Gising na..” natatawang gising ng
binata..
Asar na bumalikwas ng bangon ang
dalagita..
Inalis nya ang kamay ng binata na
nakahawak sa bewang nya..
“Ano ba..Pasok ka ng pasok sa kwarto ko..
Kumatok ka ba?..” kunwaring tanong nya..
Nagulat ang binata..
Nahiya..
Agad syang tumayo mula sa pagkakaupo sa
kama ni Sab ..
"S-sorry.. " hinging paumanhin ni Zack..
Inismiran lang sya ng dalagita..
Dire- diretso ito sa banyo..Pabalagbag pang
sinara ang pinto..
Napahiya si Zack..
Dahan dahan syang humakbang palabas ng
kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng
banyo..
Dumungaw ang ulo ni Sab..
Seryoso ang tingin nito sa kanya..
"Clean my room..Prepare my things.." utos
nito..
Napakamot sa ulo si Zack..
"M-mamaya na yan Sab.. Malalate ako .."
sabi nya..
Tumaas ang isang kilay ni Sab..
"Do I have to repeat it again?.." tanong nya..
Napapitlag si Zack..Dahan dahan syang
tumungo..
"S-sige." mahinang sabi nya..
Nagbunyi ang loob ng dalagita.. Muli nyang
binalagbag ang pagsara sa pinto ng banyo..
Tahimik na nagisip si Zack..
Nagtataka sya..
Kahapon lamang ay sweet at malambing
ang dalaga sa kanya..
Pero ngayon..
Kataka taka talaga..
Pinilig nya ang ulo.
Mabilis syang kumilos at niligpit ang kama
ng dalagita..
Eto naman talaga ang trabaho nya nuon pa..
Binuksan ni Zack ang closet..
Isa isang sinulyapan ang mga magagarang
damit ni Sab..
Kahit underwear ng dalagita ay sya ang
kadalasang namimili..
Abala sya sa pamimili ng may tumikhim sa
likod nya..
Paglingon nya ay di nya naiwasan ang
panlalaki ng mga mata ng makita ang itsura
at ayos ng dalagita..
Nakatapis lamang ito ng twalya.. Tumutulo
ang tubig mula buhok.. Patungong mukha..
Patunong leeg.. Hanggang sa
dibdib..Pababa..
Napatingin din si Zack sa mala labanos na
hita ni Sab..
Parang kinakapos sya ng paghinga..
"Nasan na mga susuotin ko?.." basag ni Sab
sa katahimikan..
Nagulat si Zack..
Para syang ginising mula sa isang
magandang panaginip..
NApangiti sya ng kimi..
Hiyang hiya sa sarili..
"A-ah.. Di ko kasi alam kung ano ang trip
mong suotin this day eh.." palusot nya..
Muling umismid si Sab..
Sya na ang namili ng mga gamit..
Napapikit si Zack ng tumabi sa kanya nag
dalagita para humanap ng mga gagamitin.
Langhap na langhap nya pinaghalo halong
amoy ng dalaga..
Sabon, shampoo.. at natural na aroma ng
isang babae..
Muling napalunok si Zack..
Di na bata si Sab para di nya
pagnasaan..Lalake sya..
Pero batid nya ang limitasyon nya.
Dahan dahang tumalikod ang binata at
naglakad palabas ng closet..
Nagtatakang napalingon si Sab..
"Hoy !.. Wag ka munang lalabas !.." sigaw
nya..
Di lumilingon si Zack..
"S-sige.. Dito lang ako sa kama mo.."
nabubulol na sabi nya..
Mabilis na lumabas ng closet si Zack..
Binelatan lang sya ng dalagita..
Inip na si Saimon sa salas..
Kanina pa sya bihis..
"Ditas .. Nasan na ba yung mga bata?.."
tanong nya.
Nagkibit balikat lang ang babae.
"Di ko alam.. Baka nasa taas pa.." sabi
nya..
Mahigit isang oras na kasing nasa itaas ang
dalawa..
Nagtataka na sina Saimon at Ditas.
"Akyatin nga natin.." sabi ni Saimon..
Tumango naman si Ditas.
Magkasama nilang tinahak ang daan
paakyat sa kwarto ni Sab..
Bukas ang kwarto..
Sumilip ang lalake..
Napakunot noo sya ng makita si Zack sa
paanan ni Sab..
"Anong ginagawa mo iho?.." tanong ng
lalake.
NApakamot si Zack sa batok..
"T-tinatapos ko lang pong lagyan ng
manicure si Sab .." sabi nya.
"Eh di ba may laban kayo ngayon alas
syete?.. Late na tayo !.." sabi ni Saimon.
Malungkot na tumango si Zack..
Nilingon nya si Sab na abala sa
pagsusuklay.. Ni hindi man lang
kinakabahan o nag aalala..
Naawa naman si Ditas sa sitwasyon ng
anak.
Batid nyang kanina pa gustong umalis ni
Zack pero mukhang nag tantrums na naman
si Sab.
Napabuntong hininga na lang si Ditas..
Dahan dahan syang umalis dahil ayaw
nyang makita ang kalagayan ng anak..
Nagalit si Saimon kay Sab..
Nilapitan nya ang dalagita..
"Anak naman.. Alam mong ngayon ang first
game ni Zack tapos uutusan mo pang
maglinis ng kuko mo ?.." tanong ng tatay ..
Hinipan ni Sab ang mga daliri sa kamay
sabay ngumiti at nagpacute..
"Ang ganda ng color di ba Dad?.." tanong
nya..
Napabuntong hininga si Saimon.
"Yea yea.. So tara na..Di ka na nahiya dyan
sa Kuya Zack mo.." sabi nya..
Nagsalubong ang mga kilay ni Sab.
"Why should I?.. " taray nya.
Nagtaka naman si Saimon sa inaasal ng
anak.
Pero di nya ito pinansin at tinapik sa balikat
ang binata...
"Sige na iho.. Grab your things at ako na
ang maghahatid sayo.." sabi nya..
Napatingin si Zack kay Sab na
nakasimangot na.
“Okay na yan Sab.. Mamaya ko na lang sya
tatapusin..Promise..” sabi nya.
Pero inirapan lang sya ng dalagita.
Huminga ng malalim si Zack..
Dahan dahan syang tumayo at nagpasintabi
sa mag ama..
Mabilis syang lumabas ng kwarto..
Tinakbo na nya ang hagdan patungong
kwarto nilang mag ina.. Hinablot ang
pinahiram na duffle bag ni Saimon..
Binuksan nya ito para siguruhing nanduon
ang uniporme at sapatos nya na hiniram
nya kay Denzel.
Ayos..
Kumpleto na pala..
Mukhang inayos na ng ina.
Ng maalala ang ina ay takbo agad sya
palabas..
Nakita nya itong nagdidilig ng halaman..
Agad nyang niyakap ang inang si Ditas at
hinalikan sa pisngi.
“Nay .. Alis na po kame..” mabilis nyang
sabi..
Tumango lang si Ditas.
Dahil sa nakatalikod .. Di nakita ni Zack ang
luhang lumalandas mula sa mga mata nito
patungo sa pisngi..
Awang awa sa anak..
Nasalubong ni Zack si Saimon sa bukana ng
hagdan..
“Ready?..” nakangiting tanong ni Saimon sa
binata..
Tumango si Zack..
Magkaakbay silang nagtungo sa garahe..
Sumakay sila ..
Binuhay ni Saimon ang makina .. Pero
nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto
at mabilis na sumakay si Sab.
Nagkatinginan ang dalawang lalake..
Ngumiti si Saimon .. Pati si Zack ay di
maiwasan ang kiligin..
Mapapanuod ni Sab ang unang laban nya.
Bumusina si Saimon..
Agad namang tinakbo ni Ditas ang malaking
gate para buksan ito..
Tumabi sya sa bintana para gawaran ng
masuyong halik sa noo ang anak.
“Galingan mo anak.. Tambakan mo sila.. “
biro nya..
Ngumiti ng maluwang si Zack.. Proud sa
nanay nya..
"Para sa inyo nay.. " sabi nya..
Ngumiti lang si Ditas..
Ayaw nyang tingnan si Sab.
Dahan dahan syang lumayo para makadaan
ang kotse..
Kumaway na lang sya at pinanuod na
mawala ang sasakyan sa paningin bago
tahimik na sinara muli ang gate..
Late si Zack para sa warm up..
Tarantang sinalubong sya ni
Denzel..Nakakunot ang noo ng kaibigan..
"Tangna pre.. San ka galing?.." tanong nya..
Napakamot si Zack sa batok..
"T-tinanghali ng gising pre.. Pasensya na
talaga.." pagdadahilan nya.
Napasimangot lang si Sab sa gilid.
"Anyway.. Pare.. Si Tito Saimon.. Daddy ni
Sab.. Amo ko.." pakilala nya..
Ngumiti lang si Saimon sabay ginulo ang
buhok ng binata.
"Anong amo.. Ito talagang batang to.. Nice
meeting you iho.. Denzel right?.." tanong
nya..
Ngumiti si Denzel..
Lumapit si Coach sa kanila..
Nagkamay si Derek Spolstra at Saimon..
"This way sir.. Dito kayo sa likod ng bench
namin para makapag bigay kayo ng suporta
para kay Zach..Come.." aya nya..
Nakangiting sumunod si Saimon.. Seryosong
nagkatitigan pa sina Sab at Zack..
Nakalayo na sila ng bumulong si Zack..
"Para sayo ang unang shoot ko Sab.."
mahinang sabi nya..
Napahinto si Sab sa paglakad..
Maingay man sa gym ng eskwelahan kung
saan sila dumayo para panuorin ang laban
nina Zack.. Di maikakailang narinig nya ng
buo ang sinabi ni Zack.. Di rin nya
maiwasan ang makaramdam ng kilig..
Nakatalikod ang dalaga..
"Galingan mo.." bulong nya..
Di na ito narinig ni Zack..
Nagpalit na ng jersey si Zack.. Nagtungo
sila sa isang classroom ng kalabang
eskwelahan na magsisilbing gym at locker
nila..
Binigay sa Coach ang susi ng nasabing
room..
Maingay sa labas..
First game kasi at knock out game ang
mangyayari.. Kapag matalo sila.. LAglag na
sila.. Wala na.. Di na sila makakausad pa..
Kaya focused ang buong team.. Seryoso si
Coach Derek..
Pinulong nyang mabuti ang buong team..
"Guys.. Remember.. We are only 9 in this
Team.. Alam ko.. We are outnumbered.. But
don't forget, this is only figures.. Kung
inaakala nyong 9 lang kayong dumayo dito
para makipagsapalaran.. Nagkakamali
kayo.. Nandito ako.. So that makes us 10..
Pero di lang yon.. Nandito din yung friends
ni Zack.. 11 na tayo.. Pero hindi lang ito
ang gusto kong ipaalam sa inyo..Di porke
tayo ang dayo.. Manliliit na tayo.. Oo..
Masasabing homecourt advantage nila ito..
Pero papayag ba kayong magpa-intimidate
na lang basta?.. Para saan ang
pinaghirapan nyo this past few days?..
Sasayangin nyo na lang ba sa iisang laban
lang?.. " bungad ng Coach..
"Hindi !.." sabay sabay na sigaw ng mga
players.
.
NApangiti si Coach Spolstra.
"Isipin na nila ang gusto nilang isipin..
Kapag may mang asar sa inyo.. Hayaan nyo
lang.. Yan ang lamang nila kasi nga nandito
sila sa balwarte nila.. Pero lagi nyong
ifofocus ang utak nyo sa iisang bagay... Ang
manalo.. Mananalo tayo.. Pwede ko bang
marinig ang sigaw ng Team?.." sabi nya.
Napangiti ang lahat ng players..
Nagkatinginan sila..
"Malakas ang Ating TEAM !.." sigaw nina
Zack at Denzel..
“Malakas ang Ating TEAM !..” sagot ng iba
pa..
“Malakas ang Ating TEAM !..” sagot din ni
Coach Spolstra.
Sigawan sila..
“Pero syempre.. Don’t forget to seek for
guideness ..” sabi ng Coach..
Natahimik ang lahat..
Isa isang yumuko para manalangin.
Lahat nakatiim ang bagang..
Lahat nais manalo.. Pero sa malinis na
paraan..
Walang susuko..
Natapos ang taimtim na pagdadasal ng may
kumatok..
Binuksan ito ng Coach..
“Sir.. It’s time..” sabi ng isang Committee.
Napatango si Coach..
Sinulyapan ang mga players.. Di na sya
nagulat ng makita ang nagbabagang mga
mata nito.. Kabaliktaran kanina na nahihiya
at kimi dahil sa dami ng mga manunuod..
Lahat kontra sa kanila..
Napangiti na lang sya at niluwagan ang
bukas ng pinto..
"Go get you first win !.." matigas na bigkas
ng Coach..
Walang sumigaw ng tawagin ang Team nina
Zack..
Inaasahan na nila ang ganitong uri ng
pagtrato..
Nakaka kaba naman talaga.. Pero sabi nga
ng coach.. Focus..
Umupo sila sa bench nila..
Nasa likod nya mismo ang piniling upuan ni
Sab..
Di nya nililingon ang dalagita.
Lumakas ang sigawan ng tawagin ang
makakalabang koponan..
Nanlaki ang mga mata ni Zack.
"Ang lalaki pare.." bulong nya kay Denzel.
Pero wapakels ang kaibigan nya.. Nagtetext
lang ito..
Nagtaka si Zack..
"Sinong katext mo?..Bebot?.." biro nya.
Ngumisi si Denzel..
"Tropa pre.." bulong nya..
Napangiti din si Zack..
Ilang saglit lang may bumatok kay Denzel..
Tawa ng tawa sina Primo sa likod nila..
"Tangna nyo.. Late kayo ah.." reklamo ni
Denzel..
NApangiti lang si Zack..
"Ayos pare... Sure talo kayo nyan.." biro ni
Gustavo..
Kinotongan ni Zack at Denzel ang binata.
"Bakit kayo lang..?..Asan si Vincent?.."
tanong nya..
Kibit balikat ang mag pinsan.
"Ayun sa canteen.. Alam mo na..
Hehe..Chibog.." sabi ni Primo..
Nagtawanan sila.
Mabilis na pinakilala ni Zack sa kay Saimon
at Sab ang mga bagong dating na kaibigan..
Ngumiti lang ang mag ama..
Ilang saglit lang..
Pumito na ang ref..
Tumayo na ang mga players..
Nag apir sina Denzel at magpinsan.. Pati
sya nakipag apir..
Nilingon ni Zack si Sab.. Sabay dahan
dahang hinubad ang T-Shirt na suot nya..
Naiwan ang jersey..
Natulala lang si Sab ng maalala ang
nakasulat sa likod ng binata..
Di nya maiwasan ang kiligin ..
Binaling nya ang tingin..
"Goodluck.." sabi nya..
Ngumiti si Zack..
"Thanks.." bulong ng binata..
Tumakbo na sya para sa jump ball...

Chapter 15
Nakapwesto na ang lahat...
Pero nagulat si Zack...
Di nya kilala ang magiging sentro
nila..Umikot sya para tingnan ang mukha
nito.. Pero nanlaki ang mga mata nya..
"Teka pare.. S-si Rigor yan ah.." sita nya..
Ngumisi si Denzel..
Nag apir sila ni Rigor..
"Late din sya pare.. Di ka kasi nagbibilang ..
Sabi ni Coach 9 tayo.. Eh kanina pa tayo 8
lang eh.. Engot ka kase.. " tatawa tawang
sabi ni Denzel..
Napangiti na lang si Rigor.. Nilapitan nya si
Zack..
Tarantang lumayo ang binata..
Natawa na lang si Rigor..
"Tangnang to.. Makikipagkamay lang eh.."
sabi nya..
Napatingin si Zack kay Denzel..
Napailing ang binata sabay akbay kay
Rigor..
"Tropa na sya pare.. Mabait naman pala
itong kapreng to eh.. Mapapakinabangan
pa.." sabi nya.. Sabay sikmura kay Rigor..
Napangiwi ang binata..
“Tado !.. Bakit ka nanununtok..” sigaw nito..
“Trip ko lang..” landi ni Denzel..
Tinantya ni Zack kung nagsasabi ng totoo
ang kaibigan nya..
“Sus naman to.. Alam na din nila Primo na
nagbati na kami ni Rigor.. Actually.. Nag
iinuman kami kahapon.. Pero di alak.. Juice
lang .. Haha.. “ biro pa ni Denzel.
Napangiti na si Zack..
Inabot nya ang nakalahad na kamay ni
Rigor..
“Sorry sa mga nagawa ko pare..” sabi nito..
Ngumiti lang si Zack.
“Wala yon.. Sige na.. May laban na kame sa
talunan..” sabi na lang nya..
Napangiti din si Rigor.
“Sa wakas .. Magagamit ko na rin ang laki
ko.. Di kasi sila naniniwala na di ako
mananakit eh.. Akala nila porke ganito ang
itsura ko puro away ang alam ko.. “
malungkot na sabi nito..
Pero napatili si Rigor ng makaramdam ng
sakit..
Kinukurot ni Denzel ang utong nya..
Tawa ng tawa ang mga nakakakita sa
kanila..
“Ang drama mo Rigor..Pumwesto ka na
dun.. Tangna ka.. Kapag di mo nakuha ang
bola.. Maglalakad ka pauwi..” banta ni
Denzel..
Nag change ang aura ni Rigor..
Naging pala away na ulit..
Lumapit sya sa gitna..
Nakaramdam ng pagkailang ang katapat na
sentro ni Rigor..
Haggang baba lang nya ang binata..
Ngumisi si Zack..
Kinawayan sya ni Denzel..
Naunawaan nya ang gustong mangyari ng
kaibigan.
Sureball sila sa jump ball.. Kaya kapag
napunta kahit kanino sa kanila ang bola..
Alam na ang gagawin nila..
Pumito ang ref..
Hinanda ng lahat ng sarili..
Hinagis nito ang bola..
Mabilis na tumalon si Rigor..
Pero maaga ang naging pagtalon nya.
Napangisi ang kalabang sentro..
Sya naman ang tyempong tumalon..
Pero nagulat sya ng pagbaba ni Rigor sa
lupa.. Muli itong tumalon ..
Nakuha nito ang bola..
Pumito ang ref..
Nagtawanan ang mga tao..
Asar na dinagukan nina Zack at Denzel ang
kaibigang kapre..
“Baket?..” takang tanong ni Rigor..
“Gago.. Mali na nga ang pagtalon mo..
Ginawa mo pang rebound ang jump ball..
Gago ka ba?..” sigaw ni Denzel..
Pinagsisipa ni Zack ang paa ni Rigor..
Nagtatawanan ang mga tao..
Nawala ang kaba ng crowd dahil sa tangkad
ni Rigor..
"Bobo ampota.. !.." sigaw ni Primo ..
Matangkad lang pala ang binata.. Pero bobo
pagdating sa basketball..
Asar na pumwesto sina Zack at Denzel sa
kabilang court..
Sorry ng sorry si Rigor pero iniirapan lang
nila ito..
"Tse.. !.." landi ni Denzel..
Nag dribble na ang guard ng kabilang
koponan..
Nakatitig si Zack sa bantay nya.. Di nya
inaalis ang mga mata nya sa bawat munting
pagkilos nito..
Biglang tumakbo ang binabantayan ni Zack..
Tarantang hinabol nya ito.. Pero nagulat sya
ng may mabanggang katawan..
Na screen sya..
Nakuha ng binabantayan nya ang bola
sabay talon..
Jump Shot..
Napangiwi si Zack..
Nagdasal na sana sumablay..
Mukhang malakas sya kay Papa J. sa mga
oras na iyon dahil tumalbog lang ang bola
sa ring..
Nanlaki ang mga mata ni Zack ng di pa
halos nakakababa ang bola .. May kamay
ng nakasalo dito.
Nagbunyi ang loob nya..
Sumigaw si Denzel..
Paglingon ni Zack ay malayo na ang
kaibigan.. Nasa kabilang court na...
Mabilis na binato ni Rigor ang bola kay
Zack..
Sinalo ito ng binata.. Nanakit ang kamay
nya sa lakas ng pwersa ng pagbato ni
Rigor.. Pero di nya ito ininda .. Nag dribble
sya.. May humarang na dalawang kalaban..
Nagfake dribble sya sa kaliwa.. Walang
sumunod.. Badtrip..
Muling pinasa ni Zack sa kakampi ang
bola..
Pero nagulat sya ng iba pala ang napasahan
nya..
Kalaban ang nakakuha ng pasa ni Zack..
Nagbalik ang lahat ng tumakbo sa kabilang
court para sa isa pang atake ng kalabang
koponan..
Tulala si Zack..
Nahihiya sa kamaliang nagawa pero nakita
nya si Rigor na mag isang nakapwesto sa
ilalim ng ring..
Takbo si Denzel mula sa kabilang court..
Tumira ang kalaban.. Tinalon ito ni Rigor
pero fake lang pala..
Pasa sa ilalim ng ring.. Sa kalabang sentro
ang bola..
Mabilis itong tumalon para lumay up..
Pero malas..
Malakas talaga ang mga binti ni Rigor..
Parang star player ng volleyball na nag
spike ang binatang kapre..
Talbog sa ring ang bola..
Nakuha ito ng kakampi nina Zack..
Nahagip ng tingin nya si Sab na nakatitig sa
kanya..
Ngumiti ang dalagita.
Parang nawala ang kaba ni Zack..
Mabilis syang tumakbo patungo sa
kinaroroonan ni Denzel..
Binato sa kanya ang bola..
Tumalon ang binata..
May dalawang sumabay.. Pero tulad ng
ginawa ng kalaban..
Fake lang..
NAg bounce pass sya kay Denzel..
Nakapwesto ang kaibigan nya sa ilalim ng
ring..
Akmang mag lalay up ang binata ng may
tumalon mula likod..
Imbes na itira.. Pinatalbog ni Denzel
patalikod ang bola..
Nakuha ito ng isa nilang kakampi na nasa
three points..
Walang sinayang na sandali ang kakampi
nila. Tumira ito..
Nag abang agad ng rebound sina Zack..
Pero di na pala kailangan.. Swak ang bola...
Natahimik ang crowd..
Mabilis na bumaba sina Zack at Denzel ..
Nilapitan nila si Rigor..
Inakbayan ang binata..
Kumalma si Zack..
Muli nyang nilingon si Sab na nakatitig pa
rin sa kanya..
"Sunod na tira sa akin pare..Para kay Sab."
bulong nya kay Rigor at Denzel..
Tumango ang dalawa..
Nilingon na nila ang papalapit na kalaban..
Tinitigan ni Zack ang bantay nya..
Nagulat sya ng magsalita ito.
"Pare.. Syota mo ba yung naka dilaw?..
Yung katabi nung lalaking naka
amerikana?.." tanong nito..
Kinilig si Zack..
Si Sab ang tinutukoy ng bantay nya..
Nais nyang magpanggap.. Pero mas pinili
nyang magsabi ng totoo..
"Di eh.. Baket?.." sabi nya..
Ngumisi ang katapat ni Zack..
"Arbor ha.. Ang ganda eh.. " sabi nito.
Nag init ang mga tenga ni Zack..
"Anong sinasabi mo?.. Ewan ko sayo.." pag
iwas nya.
"Putsa pare.. Pag ako naging syota nyan..
Aanakan ko agad yan.." nakangising sabi
nito.
Napikon si Zack..
Hinawakan nya ang jersey ng kalaban sabay
tinitigan ng masama.
Pumito ang ref..
Agad na lumapit sina Denzel at Rigor sa
kaibigan..
"Pare ano ba yan?.." tanong ni Denzel.
Ngumisi lang ang bantay nya..
"Eto pare eh.. Binabastos si Sab.." gigil na
sabi ni Zack..
Lalong ngumisi ang kalaban nya.
"Ah.. So Sab pala ang name nya.. Cute.. "
sabi nito..
Pati si Denzel nakaramdam ng inis pero
bilang Captain.. Pinili nyang
magpakahinahon..
Kinalma nya ang kaibigan..
"Pare.. Hayaan mo na.. Di mo sya masisisi ,
maganda naman talaga si Sab.. Pero ito na
lang ang isipin mo.. Isa lang sya sa mga
pangit na taga hanga ni Sab.. Walang
magagawa yan kundi magpantasya..Wag
mong ibaba ang sarili mo sa hampaslupang
yan.. " seryosong sabi ni Denzel..
Nagkatitigan sila ng kaibigan..
Padarag nyang binitawan ang katapat..
Natawagan ng Intentional Foul si Zack..
Nabigyan ng isang freethrow ang kalaban..
Bola pa ulit nila..
Nag switch sila ng bantay ni Denzel..
Gumulong muli ang laro..
Tambak na ang kalaban nila..
Dahil sa bilis nina Zack at Denzel.. Idagdag
pa ang lakas ni Rigor sa pagkuha ng
rebound.. Wala ng magawa ang kalaban..
Puro tres na lang ang binibitawan.. Minsan
pumapasok .. Pero mabilis lang din itong
nababawi ni Zack..
Halos 30 points na ang lamang nila..
2 minuto na lang ang natitira sa laban..
Tambak na tambak ang kalaban..
Wala ng nag checheer sa kabilang panig..
Bola nina Zack..
Hawak ni Denzel ang bola ng ipasa nya ito
sa kaibigang si Rigor..
Dahil sa walang gaanong alam pagdating sa
shooting.. Tinira ni Rigor ang bola..
Nagtawanan ang audience dahil parang
binato ng binata ang bola..
Sablay .. Mabilis itong narebound ng
kalaban..
Nagtawanan pati mga kalaban nila..
"Malaki ka lang.. !.." sigaw ng kalabang
sentro..
Napakamot si Rigor sa batok.. Hiyang hiya
sya sa mga kampi pero inakbayan siya nina
Denzel at Zack..
"Sorry mga tol.." nahihiyang pag hingi ni
Rigor ng paumanhin sa mga kakampi.
Napangiti ang buong team..
"Wala yon pre.. Isipin mo na lang na bonus
practice natin ang game na ito.. " biglang
sigaw ni Denzel sabay titig sa mga
kalaban..
Natigil ang tawanan ng kabilang team..
Nanggigil sila..
"Putsa ang yayabang.." sabi ng isa.
Pero tumalikod na sina Zack at Denzel..
Napangiti si Rigor..
Pabading syang lumakad palapit sa mga
kaibigan na lalong ikinainis ng mga
kalaban...
Inbound ng kalaban.. Nakuha ng guard ang
bola..
Dahil sa kawalan ng pag asa.. Mabilis na
nitong tinira ang bola..
Swerte naman na pumasok..
Pero balewala na ito..
Isang minuto na lang ang natitira..
Halos 20 pa ang lamang nina Zack..
Inbound.. Si Rigor ang nasa labas..
Sumipol ang ref para ipasa na ang bola..
Bantay sarado ang mga kampi nya..
Kinabahan si Rigor..
Di nya naisip ang lamang nila..
Basta ang nasa isip lamang nya ay wag
syang pagtawanan..
MAbilis nyang binato ang bola..
Patungo ito kay Zack ..
Tinakbo ng binata ang bola.
Tinaas nya ang kamay at tinalon..
Pero bigo syang maabot ang pasa ni Rigor..
Nagtawanan na naman ang kalabang
crowd..
Nanliit na si Rigor sa hiya...
Pero inakbayan syang muli ni Denzel at
Zack..
Piningot nila sa tenga ang binata..
“Ayos lang pre.. Matututo ka din.. Relax
kase.. PUtsa.. Sino bang may kaya ng 22
rebounds?.. Ako nga 3 lang rebound ko ..
Pota ka.. Abnormal ang talon mo..” pang
uuto ni Denzel..
NApangiti si Rigor..
Mabilis silang pumwestong muli..
“Bwahahaha.. Tangnang kapre to.. Ang sakit
na ng tyan ko sayo !..” sigaw ng nasa likod
ni Sab..
“Ahahahaa.. Sinabi mo pa.. Mataas lang
tumalon pare.. Pero napaka bano .. Wala..
Walang kwenta..” sabi pa ng isang katabi
nito..
Asar na nilingon ni Sab ang nagtatawanan
sa likod nya.
"Hoy !.. Kung wala kayong sasabihing
maganda.. Better shut your mouth !.." sigaw
nya..
Natigil sa pagtawa ang dalawa..
Ngumisi ang isa pa nilang kasama..
"Aba aba.. May fans pala ang kalabang
Team dito.. Alam mo miss ganda.. Wag ka
na makelam.. " sabi ng isa.
Sumagot ang katabi nitong kulot na may
hikaw sa tenga..
"Oo nga pare.. Ang ganda nya.. Anong name
mo miss?.. Hatid ka na namin pauwi.."
nakangising sabi nito.
Narinig ito ni Saimon kaya pagalit nyang
sinaway ang mga binata..
"Guys.. Give respect please.." mahinahon
nyang sabi..
Nagtawanan ang tatlong lalake.
“Ay si Congressman.. Mukhang nahihilig
tayo sa bata ah.. “ pang aasar ni Kulot..
Nagpuyos ang loob ni Saimon..
Pero batid nyang pag pumatol sya sa mga
ito ay sya ang magmumukhang walang
pinagkatandaan..
Imbes na patulan.. Inakbayan nya si Sab..
“Don’t mind them baby..” bulong nya sa
anak..
Napangiti na lang si Sab at nagfocus sa
panunuod sa Kuya Zack nya..
Pero di pa rin tumitigil sa pang aasar ang
mga lalake sa likod nila..
“Naks.. Ang sweet.. Magkano kaya ang
inoffer nya dyan pre?..” tanong ng isa..
Pabulong pero rinig pa rin ng iba..
Sinikap magpigil ni Saimon..
Pero talagang napuno na sya..
Nilingon nya ang tatlong bastos na binata..
Pero nagtaka sya dahil paglingon nya iba na
ang nakapwesto sa likod ng mga ito..
Ngumisi sa kanya ang tatlong binata sa
likod ng mga bastos na binata..
Napangiti na lang sya..
“Uy pare.. Mukhang masaya si
Congressman ah..” patuloy ng isa..
Pero nagulat sya ng maramdaman nyang
basa na ang likod nya..
Tarantang tumayo ang binata at pinagpag
ang likod..
Basa nga ito .
Paglingon nya sa upuan ay may yelo..
Nagtaka sya kung saan galing ang tipak ng
yelo..
Pagtingin nya sa likuran nya at nakita nya
ang tatlong gwapong binata na umiinom ng
soda..
“Pare naman.. Di namin makita eh..” sabi ni
Primo..
Napakunot noo ang kulot na binata..
“Sayo ba galing itong yelo?..” tanong nya..
Pero di sya pinansin ni Primo..
Patuloy itong sumisipsip ng soda..
Asar na muling naupo ang kulot..
Tumawa sya dahil sa kapalpakan ng
malaking binata na kalaban ng school
varsity nila..
Pero nahinto ang pagtawa nya ng muli
syang makaramdam ng malamig na bagay
sa likuran nya.
Taranta na naman syang tumayo..
“Putsa.. Ikaw naglagay ng yelo ano?..”
sigaw nito..
Kunot noong tumayo din si Primo..
Nanliit si Kulot ng malaman nya ang
diperensya ng height nila..
Hanggang baba lamang sya ni Primo..
"Ayan.. Kailangan ko pang tumayo para
makanuod ng tama.." nakatitig ng seryoso si
Primo habang umiinom ng SODA..
Nakaramdam ng gulo ang dalawa pang
kasama ng kulot kaya tumayo din sila para
sana takutin ang matapang na binata..
Pero nanliit sila ng tumayo din sina Gustavo
at Vincent sa tabi ni Primo..
Seryoso na ang mukha ng tatlo..
"Kulang kayong tatlong bubwit sa amin..
Bago matapos ang laro.. Humanap kayo ng
sasama sa inyo.. TApos bumalik kayo dito
..Kahit saan.. Kahit ilan kayo.. Di namin
kayo aatrasan.. " seryosong sabi ni Primo..
Nanliit ang tatlo.. Nagkatinginan sila..
Isa isang umalis sina Kulot.. Pero bago sya
umalis.. Binilinan nya si Primo..
"Sa likod ng building na yon..Ang yayabang
nyo eh dayo lang kayo dito.." sabi nito..
Inirapan lang siya ni Primo..
Muli silang tumili nina Gustavo at Vincent
para bigyang suporta sina Zack at Denzel..
"Go papa Z.. !.." sigaw ni Primo..
Napabungisngis si Sab..
Natawa din si Saimon.. Sinulyapan nya si
Primo at lihim na nagpasalamat sa binata
sa pamamagitan ng tingin..
Ngumisi lang si Primo..
Sa isip sip ni Saimon .. Mababait ang mga
kaibigan ni Zack..
Pero bumulong si Primo sa kanya..
"Sir.. SAgot nyo ho pamasahe namin pauwi
ha.." sabi nito..
Imbes na magalit.. Bumunghalit ng tawa si
Saimon sa banat ng binata..
Back to ballgame..
28 seconds na lang ang nalalabi..
Last posession nina Zack..
Hawak nya ang bola.
Wala ng may ganang magbantay sa kanya..
Nilapitan sya ng ibang players para
makipagkamay..
Gumaganti ng kamay ang binata.
Pero nagulat sya ng may tumapik sa hawak
nyang bola..
Pagtingin nya ay yung bantay nya kanina na
nagkagusto kay Sab..
"Pare.. Anong Pager number ni Sab?.."
tanong nito..
Di na lang ito pinansin ni Zack..
Pero hinabol pa sya nito.
"Pare naman.. Sige na.. Promise kapag
nakaiskor ako sa kanya.. Papasa ko sayo.."
nakangising sabi nito.
Sukat duon ay di na nakapagpigil si Zack..
Bumwelta sya ng lingon sabay sinuntok sa
panga ang binata..
Hilo itong bumagsak sa sahig.
Mabilis na pinalibutan si Zack ng kalabang
team.. Tinulak tulak sya.. Yung iba hinablot
ang uniporme ni Zack..
Tarantang napatakbo si Denzel sa kaibigan..
Pati si Rigor ay sumugod..
NAgkaroon ng komosyon dahil sa pagsuntok
ng binata sa kalabang player..
Mabilis na naharang ni Denzel ang sunod
sunod na tulak para kay Zack..
Pati si Rigor bumalik ang mabangis na anyo
para protektahan ang kaibigan..
Nakatitig lamang si Zack sa sinuntok nya.
Kulang pa ang nagawa nya..
Pakiramdam nya nanunuot pa sa utak nya
ang sinabi nitong pambabastos kay Sab..
Pinilit nyang kumawala sa pagkakayakap ni
Rigor..
Mabilis syang nakalapit sa nakabulagtang
binata .. Malakas nya itong tinadyakan sa
tagiliran..
Napaigik sa sakit ang kalaban ni Zack.
Sumipol ang ref..
Nag flagrant foul si Zack..
Pinatalsik sya sa laro..
Sinamahan ni Coach Spolstra ang binata
patungong room na naka assign para
maging dug-out nila.
Duon nya kinompronta ang binata.
"Damn it Zackarias !..Anong naisip mo at
bigla mong binanatan ang bantay mo?.."
sigaw ni Coach..
Di nakaramdam ng pagsisisi si Zack..
Tahimik lamang syang nakikinig sa sermon
ng Coach..
Mainit pa rin ang kamao nya..
Nais nyang burahin ang mukha ng binata ..
Kung di lamang sya naawat at napalibutan
agad.. Malamang na ganun nga ang nagawa
nya..
Gigil na gigil sya..
Napamura na naman ang Coach..
Inalog na ang binata na tulala at nakangisi
pa..
"Di ako makapaniwala na bayolente ka
palang tao Zackarias.." sigaw nito..
Napatingin si Zack sa Coach..
"Akala ko ang bait mo.. Pero nasa loob pala
ang kulo mo..Punyeta.. Alam mo ba ang
magiging sentensya ng ginawa mo?.. Pwede
kang mapatalsik sa susunod na game.. O
kaya di ka na makalaro sa buong
competition !.." muling sigaw nito..
Nahindik si Zack..
"S-sorry po.." duon nya lang napagtanto ang
nagawa.
Pero talagang di sya nakakaramdam ng pag
sisisi..
Bumuntong hininga ang Coach..
"Labas sa ilong ang pag sosorry mo Zack..
Alam ko na may dahilan ka.. Pero sana
naisip mo ang maaaring mangyari.. Di
lamang ang paglalaro ang nilagay mo sa
alanganin.. Pati ang mga kasama mo sa
Team.. Pwedeng malagay tayo sa watch
list.. Konting foul na gagawin nila ay
magiging masama na ang impresyon ng
iba.. " napapailing ang Coach..
Lalong nahindik si Zack..
Napaupo sya at hinawakan ang ulo..
"Aaminin kong di po ako nagsisisi sa
panununtok sa kalaban ko Coach.. Pero di
ko po gusto na malagay tayo sa alanganin..
Ang buong Team.. Sorry po talaga Coach.."
sabi nya.
Napangiti ng malungkot si Coach..
Tinabihan nya ang binata sa pagkakaupo
nito..
"Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo at
sinapak mo na lang bigla?.. Di ka pa
nakuntento.. Sinipa mo pa.." sabi niya.
Luhaan na si Zack..
Sising sisi sya sa maaaring maging
sitwasyon ng mga kakampi sa Team..
Tinitigan nya ang mabait nyang Coach..
"K-kasi po.. Binastos nya po si Sab.. Kung
ano anong sinabi nyang masama.. Sabi nya
aanakan nya daw si Sab.. Nagalit ako
Coach.. Sorry po talaga.. Sorry po.."
humagulgol na si Zack..
Nakakaunawang hinagod ni Coach Spolstra
ang likod ni Zack..
Napangiti ang dalagita ..
Napasandal sya sa dingding habang hawak
ang puso nyang mabilis na mabilis ang
tibok..
Yun pala ang dahilan kung bakit bigla na
lamang nanuntok ang binata..
Di nya maiwasan ang kiligin..
Kanina, kitang kita nya ng sapakin ni Zack
ang kalapit na player.. Bago iyon ay nakita
nyang nag uusap ang mga ito.. Di nya alam
kung ano ang pinag uusapan nila... Bigla na
lamang bumulagta ang katapat ni Zack..
Gusto nyang lapitan ang binata.. Pero
hinawakan sya ng ama at sinabing kaya na
daw ni Zack ang sarili nya..Baka kung ano
pa daw ang mangyari sa kanya..
Nais nyang yakapin si Zack sa mga oras na
iyon.. Mabuti na lamang ay naprotektahan
sya nina Denzel at Rigor kung hindi ay
malamang na lamog na sa bugbog ang
binata..
Napatalsik sa laro si Zack..
Nagkaroon ng tyansang makaskor ng 5
points ang kalaban..
Pero mahusay itong nadepensahan nina
Denzel at ng buong TEAM.. Kahit wala sina
Zack at ang Coach.. Nanalo sila..
Di mapakali si Sab..
Pasimple syang umalis sa tabi ng ama na
masayang binabati ang mga players.
Sinundan nya ang daan na tinahak nina
Zack at ng Coach..
NAkita nya ang saradong classroom..
Aalis na sana sya ng marinig ang sigaw ni
Coach Spolstra..
Pasimple syang gumapang sa dingding ..
Sinilip ang binata..
Duon nya nakita si Zack na nakaupo at
nakayuko..
Rinig nya ang pag uusap ng dalawa..
Tinatanong ng Coach ang dahilan ni Zack
kung bakit nanapak na lamang ito basta..
Nais nya ding malaman ang dahilan kaya
nakinig sya kahit bilin ng ama na masama
ang nakikinig sa usapan ng iba..
Naghintay sya na sabihin ni Zack ang
dahilan nito..
Di sya nabigo.. Sinabi ng binata ang rason
kung bakit ito bigla na lamang nanuntok..At
di nya maiwasan ang mapangiti..
Sya pala ang naging dahilan ni Zack..
Nais syang protektahan ng binata..
Kinilig ng bongga si Sab..
Mabilis syang umalis sa pinagtataguan at
bumalik sa tabi ng ama..
Nagtaka si Saimon ng biglang sumulpot ang
anak..
"San ka galing iha?.." tanong nya..
Pero kumindat lamang sa kanya si Sab..
Lumapit na ito kina Denzel na
nagpapahinga..
"Congratz guys.." sabi ng dalagita..
Ngumiti ang buong Team..
Lumingon si Denzel sa dating pwesto ng
mga kaibigan..
"Nasan na naman ba yung mga gagong
yon?.." tanong nya sa sarili..
Pinahupa muna ng TEAM ang sitwasyon
bago pasimpleng sumakay muli sa service
nila..
Sumama si Denzel sa kotse nina Saimon ..
"Dito ako.. Aircon.." sabi nya..
Natawa nalang si Saimon at Sab..
Nasa tabi ni Saimon si Denzel habang
magkatabi sina Sab at Zack sa likod..
Nagpupunas ng pawis ang binata.
Imbes na paandarin ang sasakyan.. Binuhay
lamang ni Saimon ang makina..
Tinitigan nya ang binata sa likod ng reaview
mirror..
"Zack iho.. Alam kong may dahilan ka..
Pwede ko bang malaman?.." tanong nya..
Ngumiti ng malungkot si Zack..
Bago pa man sya makapagsalita.. Lumapit
si Sab sa ama at bigla itong binulungan..
Kunot noo si Saimon ..
"Paano mo nalaman yan iha.?.." tanong nya.
Ngumiti ang dalagita..
"Basta na kase.. Im hungry na eh.." ungot
nya..
Nagtawanan sila..
"Eh nakaupo lang tayo ah.. Dapat sila ang
gutom.." sabi ni Saimon..
Napanguso si Sab..
Natatawang pinaandar ni Saimon ang kotse
pero nagulat sya ng may tatlong binatang
humarang sa harap nya..
Nagulat sina Zack at Denzel ng makita ang
itsura ng mga kaibigan..
Mabilis nila itong binaba..
"Oy anong nangyari?..Sinong nakaaway
nyo?.." tanong ni Denzel.
Ngumisi si Primo.. Pinagpag ang maruming
suot..
"Chicken feed.. Anyway.. May utang sa amin
si Sir.." sabi nya..
Kinatok ni Primo ang salamin..
Natawa si Saimon..
"Di tayo kakasya mga iho.." sabi nya..
Napaisip si Primo..
"Zack and Sab.. To the front.." utos nya..
Nahindik si Zack..
Umiling sya dahil alam nyang kanina pa sya
tinatarayan ni Sab.. Amoy pawis pa sya.
Pero nagulat ang binata ng nakangiting
lumipat ng pwesto si Sab..
Tumingin pa ang dalagita sa kanya...
"Oh ano ba?.. Nagugutom na kame pare.."
sabi ni Primo..
Dahan dahang tumabi si Zack kay Sab sa
harapang upuan..
Napapikit sya sa bango ng dalagita at sa
lambot ng katawan nito..
Nag siksikan ang mga kaibigan nya sa
likod..
Nagrereklamo si Denzel.
"Putsa.. Kanina ang luwag.. Ang lamig..
Ngayon di na tayo kaya ng Aircon !.."
reklamo nya..
Pero nagtawanan lang ang mga kaibigan
nya..
Pinaandar na ni Saimon ang kotse..
Imbes na tingnan si Sab.. Binaling ni Zack
ang pangingin sa labas ng bintana habang
nagpupunas ng pawis sa batok..
Pero inagaw ni Sab ang bimpo nya..
Ito na ang nagpatuloy sa pagpupunas ng
pawis sa likod nya..
Napangiti na lang si Saimon sa dalawa.
Nagkakantahan sina Primo at Gustavo na
sinasabayan ni Vincent ng beatbox..
Aliw na aliw si Saimon sa mga sakay nya..
Masaya silang bumyahe pabalik sa
eskwelahan para ipagdiwang ang
pagkapanalo..
Tahimik lang sina Sab at Zack..
Ninanamnam ang simpleng pagtatabi nilang
dalawa...

Chapter 16
Kinabukasan...
Pangalawang laban na nina Zack..
Sa paaralan nila ang venue ng laro..
Kanina pa sya pabalik balik sa locker nila ng
mga team mates..
Kasama ang mga kakampi sa team..
Natatawang sinaway sya ng kaibigang si
Denzel..
"Anu ka ba pare?.. Para kang inahing manok
na di makapangitlog ah.." biro nya..
Natawa si Zack.. Tumabi sa kaibigan..
"Wag mo na nga akong pansinin .." reklamo
nya..
"Pwede ba naman kitang di mapansin .. Eh
kanina ka pa palakad lakad dyan sa harap
ko.." puna ng kaibigan..
Ngumiti na parang nahihiya si Zack..
"W-wala pare." kaila nya..
Pero inakbayan sya ni Denzel..
"Tell me pare.. It's Sab right?.. " sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..Umiling iling
sya..
Lalo lamang natawa si Denzel sa itsura ng
kaibigan..
"Hay nako..Para namang di kaibigan ang
turing mo saken eh.." kunwaring
nagtatampong sabi ni Denzel..
Napakamot si Zack sa batok..
"D-di naman sa ganon pare.." mahinang
sabi nya..
"So ano bang problema mo?.. Panget yang
ganyang malapit ng magsimula yung game
natin tapos parang may iniisip ka pang iba.."
sabi ni Denzel..
Napangiti si Zack..
"Don't worry pare.. Maaasahan mo parin
ako.. I swear.." sabi nya..
Nagtawanan silang dalawa ng pumasok si
Rigor na masama ang hilatsa ng mukha..
Mabilis itong naupo sa tapat ng
magkaibigan..
"Oy pare..Ang aga aga ang panget mo.."
biro ni Denzel..
Natawa sina Rigor at Zack..
"Gago.." sabi na lang ni Rigor..
Bumuntong hininga ang kapre..
Nagkatinginan sina Zack at Denzel..
"Problema pare?.." tanong ni Zack..
Umiling si Rigor..
"Wala pare.." sabi nya..
"Grabe..Parang di naman kaibigan ang
turing mo samin eh.." sabi ni Zack..
Bigla syang binatukan ni Denzel..
"Gaya gaya pota..Kanina lang yan yung
sinabi ko sayo..Di mo man lang
inenglish...." nakasimangot na sabi nya..
Natawa si Zack..
Muling bumuntong hininga si Rigor..
"Pare.. Mamaya kapag naglaro tayo.. Baka
puro hingang malalim ang gawin mo.."
natatawang biro ni Denzel..
Napangiti ng malungkot si Rigor..
Di ito umabot sa kanyang mga mata kaya
napansin ng dalawa na talagang may
problema ang bago nilang kaibigan..
"Tell us pare..Tutal may 20 minutes pa bago
ang start ng game..Sabihin mo na..Kung
talagang tinuturing mo kaming kaibigan.."
sabi ni Zack..
Tumango tango si Denzel..
"Yeah, Zack was right.. If you really think
that we're friends.. Then, you should tell us
whats bothering you..Friends do tell each
others problems.. For us to know it and if
it's possible.. We can make a solution for
it.." sabi nya..
Napasimangot si Rigor..
"Translate..Dugo ilong.." sabi nya..
Nagtawanan sina Zack at Denzel..
"Ichismis mo na.. Yun ang ibig sabihin
nun.." sabi ni Zack.
Napangiti si Rigor.
"Hmm..Tutal, kanina pa ako halos mabaliw
baliw sa bahay..Mas mabuti pa sigurong
sabihin ko na sa inyo..Ganito kasi yun mga
tol.." bungad nya..
Matamang nakinig ang dalawa..
"May kakilala ako..Kababata ko sya.
Kapitbahay..Putsa pare..Ang ganda ng
wangkata.. Dabest talaga..Kaso olats eh.."
sabi ng kapre..
Nagkatinginan sina Zack at Denzel..
Biglang tumayo si Rigor at pinagsisipa ang
locker..
"Hoy gago..Babayaran mo yan.." sabi ni
Denzel..
Natakot naman magbayad si Rigor kaya
tinigil nya na ang pagbunton ng inis sa
kawawang locker..
"Oh anong problema bakit olats?.." tanong
ni Zack..
Muling naupo ang malaking binata..
Buntong hininga ng malalim..
"Dyahe pare..Iba ang gusto nya eh.."
nahihiyang sabi nito..
Nagtinginan na naman sina Zack at
Denzel..Bago bumunghalit ng tawa..
Asar na pinag untog ni Rigor ang mga
kaibigan..
"Kita nyo !.. Sabi na eh..Sabi na eh !..
Pagtatawanan nyo lang ako !.." sigaw nya..
Tumigil sa pagtawa ang dalawa..
"Buti ka nga pare..Maliligawan mo sya kahit
anong oras mo gustuhin..Samantalang
ako..Kapag gumawa ako ng hakbang
patungkol sa nararamdaman ko sa taong
gusto ko..Siguradong magkakagulo..Bantay
salakay ang magiging labas ko..Mahirap
ang sitwasyon ko sayo pare.." malungkot na
sabi ni Zack..
Tinabihan sya ni Rigor sabay inakbayan..
"Parang nahuhulaan ko na yan pare..Balita
ko yung kasama nating mag ama
kahapon..Yung naghatid sa inyo dito mula
sa kalabang school.. Yun yung gusto mo
no?.. Ang ganda non pare ah.." sabi ni
Rigor..
Malungkot na tumango si Zack..
"Sabagay pare..Mahirap nga ang sitwasyon
mo..Kasi konting paramdam mo sa
kanya..Magiging desperado ka..Lahat ng
galaw mo iisipin nila na nananamantala ka
..Baka nga isipin pa non na binibosohan mo
sya habang naliligo sya.." sabi ng kapre..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Tado !.. Hinding hindi ko gagawin yon !..."
sigaw nya..
Natawa si Rigor..
"Biro lang pare..Pero tingnan mo ang
magandang bahagi ng kwento mo..Nakikita
mo sya araw araw..Samantalang
ako..Minsan lang lumabas ng bahay yung
gusto ko..Tapos kada labas nya pa..May
sumusundong de kotse..Olats pare
eh..Bisekleta nga wala ako.." malungkot na
sabi nito..
Nagkatitigan ang dalawang sawimpalad..
Pareho sila halos ng problema ..
Kapwa nila di masabi ang nilalaman ng
kanilang mga puso..
Nagyakap ang dalawang binata..
"Lakasan mo ang loob mo pare..May awa
ang Diyos.." bulong ni Rigor..
Tumango si Zack..
"Ikaw din pare..Tatagan mo ang loob
mo..Malay mo..Sa isang pagsulyap
nya..Malaman nya na may isang Rigor
syang kapitbahay na nag aabang ng
kanyang pag ngiti..Malalaman din nya ang
importansya mo pare..Tiwala lang.." bulong
nya..
Tumango din si Rigor..
Ilang sandali din silang nagyakap ng biglang
may bumatok sa kanila pareho..
Taranta silang naghiwalay..
Nagkahiyaan ang dalawang binata..
"Tangna nyo..Ang lalaswa nyo..Dito pa kayo
nagyakap..Sana naghalikan na din kayo para
kumpleto na ang kahalayan nyong
dalawa..Pwe !.." nandidiring sabi ni Denzel..
Nagtawanan ang dalawa..
Ilang saglit pa ay pumasok na ang iba
nilang members..Kasunod nito si Coach
Splostra na medyo nakasimangot..
"Assemble !.." utos nito..
Mabilis na nagtipon ang lahat..
Isa isang tinitigan ni Spolstra ang lahat ng
kanyang mga players..
"Sinong kulang ?.. " tanong nya..
Nagkatinginan sila..
"Wala na po coach.." si Denzel ang sumagot
bilang Team Captain..
Tumango tango si Spolstra..Nakasimangot
pa rin..
Nagtataka naman ang ibang players ..
"S-sir..Masama gising?.." naglakas loob
magtanong ang isa..
Nagsalubong ang mga kilay ng Coach..
"Paggising ko..May kung anong bagay ang
nasa gilid ng labi ko..Akala ko kung
ano..Natikman ko pa sya.. Putsa.. Tae pala
ng butiki !..Oh sige subukan nyong
tumawa !.. Ngayon mo sa akin sabihin kung
dapat bang ngumiti ako?.." nagtitimpi sa
pagsigaw ang coach..
Nagkatinginan ang mga players...Napaatras
ang naglakas loob na magtanong..Umiling
iling..
Natatakot ang iba na tumawa .. Pero biglang
bumunghalit ng tawa si Denzel..Sinabayan
sya ni Zack at Rigor.
"Ahahaha..Ang sarap ng breakfast nyo
Coach !.." sigaw ni Denzel.
Asar na pinagkukurot ni Spolstra ang mga
tumatawang players nya..Pati yung takot na
tumawa ay bigla na lang din natawa ..
Ilang minuto din ang lumipas bago nawala
ang pagtawa ng mga players..
Nakangiti na si Spolstra..
"Tangna nyo..Kung sa inyo mangyari
yon..Malamang na mag suicide na
kayo..Putsa..Nakatatlong ulit ata ako ng
sepilyo nun ah..Parang nalalasahan ko pa..
Sheeet...Ayaw ko ng isipin.." nandidiring
sabi ng Coach..
Hagikgikan na naman ang mga players..
Napangiti na lang si Spolstra..
"Anyway.. At least nasabi ko na din..Kahit
sa Uncle ko di ko nasabi eh..So..Sino ba sa
inyo ang nakakakilala ng magiging kalaban
natin for this day?.. " tanong nya sa mga
players..
Umiling ang ilan..Kibit balikat si Denzel..
"Lekat na..Wala man lang nag
research?..Sus ang tatamad nyo..Anyway..
Ever heard of the name, Stiker?.." tanong pa
ni Spolstra..
Kibit balikat sina Rigor, Denzel at
Zack..Bago lang sila sa team..Wala silang
alam sa mga sikat na players ng
highschool..
Pero may umepal na matagal na sa school
varsity..
Napalunok pa ito..Pandagdag suspense..Isa
isang tinignan ang mga kakampi..Bago
muling tumingin sa coach..
"S-striker ng National Science High School
Sir?.." tanong nya..
Napangiti si Spolstra..
"Magaling magaling..Dahil dyan, ikaw ang
maglilinis ng locker mamaya.." sabi nya..
Napasimangot ang binatang nagsiwalat ng
sikreto ng "Striker"..
Nagtawanan ang iba nyang kasama..
Nacurios sina Zack..
"Coach..Anong meron dun?..Di ba pang
matatalino yung school na yon?.. " tanong
nya..
Tumango si Spolstra..
"Yeah, and dahil sa wala kang kamuwang
muwang iho..Hayaan mong ikwento ng
mabait mong kakampi ang buong detalye.."
utos nya...
Napatingin ang lahat sa naatasang
magsiwalat ng chismis..
Lumunok muna ng laway ang binatang may
buhok na parang ligaw na damo..Tayo tayo
ito..
Pasuspense na tiningnan ang mga kasama
..Pero binatukan sya ni Denzel..
"Oh sige..Bitinin mo kame.." binantaan nya
ng kamao si boy oasis..
Napakamot ito at nagsimulang magkwento..
"Ang alam ko don...Second place sila last
year.. Scoring machine daw ang tawag sa
kanya nun..Kaya striker dahil whenever he
holds the ball.. He always strikes and throw
it kahit nasaan sya nakapwesto..Ang alam
ko pa..Sya ang highest scorer nuon..I think
that's 37 points.." nananakot na sabi nito..
Tumikhim ang Coach..
"Actually..Nabeat na nya ang sariling record
.. He scored 41 points during their match sa
kalabang school sa first eliminations..That
game was completely a massacre..102- 62
ang score.." napapailing na sabi ni
Spolstra..
Nagkatinginan ang lahat ng players..
Natakot sila..
Kahit si Rigor na mahilig makipag away ay
nakaramdam ng di maipaliwanag na takot..
Maging si Zack ay naintimidate agad..
Pero biglang natawa si Denzel.
"So.. Meaning..May thrill na ang next game
natin... Thanks Coach.. Para akong
nabuhayan ah..Akala ko pare parehas lang
nung dati ang makakalaban natin eh..At
least ngayon may wawasakin tayong school
na may pangalan na in terms of this
competition.." nakangising sabi nya..
Napangisi si Spolstra..Inakbayan ang
binata..
"Yan ang sinasabi ko..Spirit guys !.. Fighting
spirit..Isipin nyo ang lamang natin..Atin ang
crowd..So meaning ..Sila ang dapat
kabahan..Wag tayong matakot.." sabi nya.
Napangisi na din sina Zack at Rigor..
Nagtipon tipon sila..
"Pero syempre..Before anything else.. We
have to ask for guideness .. For safe game
...Wala nawang mapilayan.." sabi ng Coach..
"Sa kanila.." sabay sabay na sabi ng lahat..
Nagtawanan sila ... Si Zack na ang namuno
ng panalangin..
Tarantang hinahatak ni Sabina ang
kaibigang si Princess..Nais nyang mapanuod
ng malapitan ang laro nina Zack..
Oo nga at kahit anong oras na naisin nya ay
mapapaalis nya ang kung sino mang nasa
likod ng bench ng binata..Pero kahit
na..Gusto nyang maagang makapwesto..
Asar na nagrereklamo na sina Princess..
"Aray naman sis..Dahan dahan naman
kasi.." sabi nya..
Pero parang walang narinig si Sab..
Hinawi hawi nya ang mga tao..
Sa wakas narating nila ang gym..Pero
napasimangot ang dalagita ng makita na
may nakaupo ng dalawang lalake sa likod
ng magiging bench ng school team..
Lumapit si Sab.. Hawak ang kamay ng
kaibigan nya..
Binitawan nya ang kamay ni Princess sabay
kinalabit ang binatang nakaupo..
Lumingon ito .. Imbes na
sumimangot..Ngumiti si Princess ng
makilala ang gwapong binata ..
"Primo !.." sigaw nya.
Napangisi din si Primo..Tumayo sya at
inalok ang upuan..Mabilis na umupo si Sab
sa pagitan nila Primo at Gustavo..
"Nasan si Kuya Vincent?.. " tanong nya..
Ngumiti lang si Gustavo..
"Nang chichix.." sabi nito..
Natawa si Primo..
"Loko.. Baka maniwala yan..Bumili syempre
ng drinks...O baka nga nanchix..Kanina pa
yon eh.." sabi nya.
Natawa din si Sab..
Kinalabit sya ni Princess ..
Paglingon ng dalagita ay nakita nyang asar
na nakasimangot ang kaibigan nya..
"Ay sorry sis..Dyan na kayo sa likod
namin.." sabi nya..
Asar na naupo si Princess .. Nakatitig sya
sa gwapong binatang nanlait sa kanya
nuon..
Muli nyang kinalabit si Sab..
"Sis..Kaaway ko yan eh.." reklamo nya..
Natawa ang dalagita..
"Kaaway mo pala eh..Eh di wag mong
pansinin.." sabi nya..
Lalong naasar si Princess..
"Helloooo..Dapat kapag kaaway ko.. Kaaway
mo rin !.. Bad yan eh.." sumbat nya..
Kumunot ang noo ni Sab..
"Dapat ba talaga ganon?.. Sis, nakilala ko
na ang mga kaibigan ni K-kuya Zack..And I
can say na mababait sila... Try to be friends
with them..Ay wait nga.. Kuya Primo.. Kuya
Gus.. This is my friend Princess, guys.. Be
nice to him naman oh.." lambing nya sa
magpinsan..
Nagkatinginan ang dalawa sabay ngisi ..
Inabot ni Gustavo ang kamay nya sa
dalagita.
"Infairness insan..Di naman sya pangit tulad
ng sinabi mo..Actually , maganda sya.."
pang uuto nya..
Napangisi din si Primo..
"Yeah, sorry nga pala .. I was mean to you
last time..Inaway mo kasi friend namin
eh..So okay na tayo ah?.. " sabi ni Primo..
Natulala si Princess sa dalawang gwapong
binatang nakatitig sa kanya..
Nagblush ang dalaga.. Napayuko..
"O-okay.." nauutal na sabi nya..
Biglang may tumabing lalake sa
kanya..Paglingon nya ay isa na namang
gwapong binata ang nasa tabi
nya..Nakangiti ito ng matamis sa kanya..
Bumilis ang tibok ng puso ni Princess..
"Tangna mo pare..Ang tagal mo..Kanina pa
ako nauuhaw.." reklamo ni Gustavo..
"Ulol !..Ano ka may utusan?.. Eh sa mahaba
ang pila eh..Anyway ayos tong nakuha
nyong pwesto ah..Mukhang okay pa ang
panunuod ko kasi may katabi akong bebot.."
pang uuto nya..
Pasimpleng dinikit ang braso sa braso ni
Princess..
Lalong kinabahan ang dalagita..
"Ang bango pare.." biro ni Vincent..
Nagtawanan ang mag pinsan..
"Syempre pare..Ang kinis pa ano?.. " sabi ni
Primo..
Parang makahiyang natiklop ang katabilan
ng bibig ni Princess..
Pinigilan ni Sab ang pagtawa..Medyo
nasasanay na sya sa mga kaibigan ni Zack..
Ng maalala ang binata ay napatingin sya sa
kabilang ibayo ng gym...
Kailangan nya pang tumayo para makita ang
mga makakalaban nina Zack..
Tahimik..
Kataka takang tahimik..
"Balita ko dating second placer daw ang
makakalaban nina Denz at Zack ah.."
bungad ni Primo..
Tumango si Gustavo..Tinapunan ng tingin
ang nag is-strech na matangkad na binata
sa gilid..May suot itong makapal na
salamin..
Napansin ito ni Primo..
"What's the prob insan?.. " tanong nya..
Nag tiim bagang si Gustavo..Nginuso ang
kasalukuyang nakaupong binata..
"Watch out for him mga dude..He's the
known scoring machine of National Science
ek ek.." sabi nya.
Lumingon si Sab...
"San dyan kuya?.. " tanong nya..
"Yung nakasalamin na plantsado ang
buhok..Nakalaban na natin sya right insan?..
" tanong ni Gustavo..
Tumango si Primo..
"Yeah..Pero di naman tayo nag seryoso
non..Di ba nga umayaw ako kasi may lakad
tayo non..Di natin tinapos yung laro.." sabi
nya.
Tumango din si Vincent..
"Yea pare..Pero kami ni Gustavo ang huling
nag shower non..Akala natin malakas na
ang team natin kahit wala tayo..Pero ang di
mo alam..Naka score ng 21 points yan
pare.." banta nya..
Kunot noo si Primo..
"So?.. That's easy.." sabi nya..
"Yea..Madali lang yon..In whole game.. Pero
he scored 21 points in just 30 seconds
pare..He's a beast when in terms of
scoring..Dapat mag ingat sina Denzel..Since
na wala sya nung panahon na nakalaro
natin yang nerd na yan.." sabi ni Vincent..
Kahit di alam ni Sab ang
nangyayari..Nakakaramdam sya ng takot
para sa kuponan ng school..Lalo na para
kay Zack..
Ilang saglit lang..
Pumasok na ang school varsity..
Infairness naman.. Kahit na halatang
kinakabahan maging ang crowd, di nila
nalimutan na i-cheer ang sariling mga
players..
Napansin agad ni Spolstra ang kalabang
coach ng kabila..
Para itong nakaka lalake kung
katingin..Naglapit ang dalawang team para
magkamay..
Binati ni Spolstra ang medyo may edad ng
coach ng kabila..
"Good day Mr.Cho.." bati nya..
Umismid lamang ang matandang coach
sabay ngisi..
"Bad day Mr.Spolstra..Bad day.." sabi nito..
Nagulat ang binatang Coach..
Naginit ang kanyang sistema..
Bago sila naglayo..Tinitigan nya ng masama
ang kalabang coach.. Sabay irap at
pakembot na bumalik ng bench..
Nagkamay din ang mga players..
Hinanap ng mga mata ni Zack at Denzel ang
sinasabing Striker..
"Pare saan ba dyan?.." tanong ni Zack..
Kibit balikat si Denzel.
"Ganito oh.." sabi nya..
Imbes na bumalik sa bench matapos
magkamay..Bumwelta pabalik si Denzel..
Nataranta si Zack at Rigor..Mabilis nilang
nilapitan ang kaibigan..
Tinitigan ni Denzel ang lahat ng players ng
kalabang team..
"Sino si Striker?.. " tanong nya..
Napangisi ang lahat ng players..
Nginuso nila ang tahimik na binatang
umiinom..
Hinatak ni Denzel si Zack..
"Pare..Balita ko malupet ka daw umiskor?.."
maangas na tanong nya.
Ngumiti lamang ang binata..
"Balita mo lang yon.." sabi nya.
Lalong lumawak ang ngisi ni Denzel..
"Well, kung dati, ikaw ang scoring
machine..Di na ngayon..Nandito na si
Zack..Zack pare..Kamayan mo naman yung
tatalunin mo.." sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..Binatukan
nya ang kaibigan..
"Tangna mo pare..Wag mo kong isubo.."
sabi nya..
Natawa si Striker..
"Sus..Marami ng nagsabi sakin nyan eh.."
sabi nya..
Tinitigan ni Denzel ang kaibigan..
"Di mo ba kaya pare?.. " paghamon nya..
Matagal silang nagkatitigan..
Dahan dahang nagbaling ng tingin si Zack..
"Sige..Tinatanggap ko pare.." sabi nya..
Napangisi sina Rigor at Denzel..
Nagsalubong ang kilay ng Striker..
"Don't just bark.. Bite !.." sigaw nito..
Ngumisi na din si Zack..
"Rwarrr !.." pang aasar nya..
Natawa sina Rigor..
Pati ang crowd natawa..
Kakamot kamot na tumayo si Spolstra at
kinalawit ang mga players nyang makukulit..
Muli syang humingi ng paumanhin sa
kalabang coach..
Pero bago pa makarating sa sariling bench..
Pumiglas ang tatlo..
Nagpose sila na parang mga Power Ranger..
"Wala ba kayong mga boses?.. Ayaw nyo
bang ipagluksa ang pagbagsak ng dating
second placer?.. " sigaw ni Denzel.
Matagal bago nakareact ang madla..
Tumayo si Sab..
"Tambakan !.." sigaw nya..
Nagkatinginan sina Primo , Gustavo at
Vincent..
Sabay sabay silang tumayo para ipakita ang
suporta sa mga kaibigan..
Nayanig ang gym sa lakas ng sigawan..
"Woooo !!!!... Wag nyong paiskorin yang
Striker na yan !.." sigaw ng iba..
Naasar ang mga kalabang team..
Napangisi na lang si Spolstra..
Nasabi na ang dapat masabi..
Nabuhayan na ang eskwelahan nila pati ang
mga players nya..
Kailangan na lamang patunayan..
Kinalawit nyang sina Zack at Denzel..
Sinipa nya naman ng mahina si Rigor para
pabalikin sa bench..
Nagsimula na silang magplano..
Ilang saglit lang..Sumipol na ang ref..
Hudyat na para sa nalalapit na laban..
Tumayo si Zack..
Hinubad ang twalyang nakabalot sa
katawan..
Lumitaw ang pangalan sa likod nya..
Pupunta na sana sya sa gitna ng may
marinig syang pagtawag.
"Zabrina !.." sigaw ni Sab..
Napangiti si Zack..
Nilingon nya ang dalagita..
Nagkatitigan silang dalawa..
"Tambakan mo !." mahinang utos ni Sab..
Ngumiti ng matamis si Zack sabay tango ng
marahan..
"Para sayo.." bulong nya..
Nagkangitian silang dalawa..

Chapter 17
Matamang nagngitian sina Zack at Sab.
Nasa puso ang nag uumapaw na emosyon
na di nila kayang pangalanan..
Ang pag sipol ng referee ang nagpahiwalay
ng titigan nila..
Pulang pula ang mukha ng dalagita..
Ngiting ngiti naman si Zack.
Pakiramdam nya puno puno ng lakas ang
katawan nya..
Isang huling sulyap kay Sab bago sya
pumihit patalikod at nilapitan ang mga
kasaman nya..
“Parang kagagaling mo lang sa
masturbation pare..” biro ni Rigor..
Agad syang tinalon ni Zack para mabatukan.
“Gago.. Syempre inspired pare..” landi ni
Denzel..
Pati sya kinalawit ni Zack..
Nagtawanan silang tatlo..
Muling sumipol ang referee..
Oras na ..
Isa isa na silang pumwesto..
Tahimik na ang buong gym..
Kinakabahan sila para sa school team..Di
nila maiwasan ang magduda kung tatagal
ba talaga sila o kung maaari ba silang
manalo laban sa top 2 ng distrito..
Pumwesto na si Rigor sa gitna..
Kinamayan ang katapat na sentro..
Nabibilib ang binata dahil magsingtangkad
lamang sila ng kalaban..
Sa edad na disi-sais.. Bibihira lang
makakita si Rigor ng kasing height nya..Pero
iba ang kaharap nya..Bukod sa matipuno din
ang pangangatawan nito..
Mas mataas pa ata ito sa kanya ng isa o
dalawang sentimetro..
Pero di sya lumaki na madaling masindak..
Mula ng makilala nya ang kuponan nila
Zack at Denzel..Duon nya napatunayan na
wala sa tangkad ang lakas..
Kungdi sa prinsipyo at tatag ng loob..
Imbes na ma-intimidate si Rigor..
Lalo pa syang nabuhayan..
Sa wakas..
May isa na ring tao na makakatapat nya sa
ilalim ng ring..
Bumwelo ang binata..
Akala ni Zack si Rigor na ang
pinakamatangkad na high school player
ngayon taon..Pero mukhang nagkamali sya..
Halos tenga lang si Rigor ng katapat nitong
sentro..
Pero mas nagulat sya ng makita ang nasa
likod nito..
Tinapik ng isa pang binata ang likod ng
katapat na sentro ni Rigor..
Mukhang hindi ito ang sentro ng kalabang
team..
Sa likod nito ay may mas malaki pang
player..
Nagkatinginan sina Denzel at Zack..
“Putsa..Kuponan ng mga kapre !..” sigaw ni
Denzel..
Nagtawanan ang crowd..
Pero saglit lang..
Parang nirelease lang nila ang tensyon na
nararamdaman..
Na dinagdagan pa ng mga naglalakihang
mga players ng kalabang team..
Napatingin si Coach Spolstra sa kabilang
bench kung saan nakaupo ang kalabang
Coach..Bago sa paningin nya ang mga
nakikitang players..Nuong isang araw ay
bumisita sya sa eskwelahan ng nasabing
team at sinulyapan ang makakalaban
nila..Wala sa pagkikita nilang iyon ang
dalawang naglalakihang players..Naisahan
sya ng matandang Coach..
Nagsimulang makaramdam ng kaba ni
Spolstra..Pero agad nya itong inalis sa
kanyang sistema..Bilang isang Coach,
walang puwang sa kanya ang pagiging
mahina..Sya ang pinagmumulan ng lakas ng
buong team kaya dapat syang maging
matatag..
Sinigawan nya ang buong Team..
“Putsa !.. May libre kayong isang linggong
lunch kapag tinambakan nyo yan !...” sigaw
nya..
Muling nagtawanan ang mga estudyante..
Nagkatinginan ang lahat ng players..
Nagbaga ang mga mata..
Napangiwi si Spolstra at pasimpleng kinapa
ang wallet..
“B-biro lang pala..” bawi nya..
Pero huli na..
Nagfocus na ang lahat ng mga players nya..
Nagtawanan sina Primo sa likod ng Coach.
“Maling galaw yun Coach..Malakas kumain
si Denzel..” biro ni Gustavo..
Lalong nangiwi ang mukha ni Spolstra..
“Idagdag mo pa yung bakulaw na si
Rigor..Nakuw..Butas ang bulsa, wakwak ang
wallet..” landi ni Vincent..
Napangiti si Sab sa biruan ng mga tropa ni
Denzel at Zack..
Parang di man lang ito nakakaramdam ng
kaba..Taliwas sa kanina nya pa
nararamdaman..
Mabilis ang tibok ng puso nya..Kabado sya
sa kahihinatnan ng laro..
Sa nakikita nya..Luging lugi sa height team
nila..
Pinagsalikop nya ang dalawang kamay at
nagsimulang manalangin para sa
ikapapanalo ng team..
Biglang bumingisngis si Primo sa tabi nya..
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at
pinaghiwalay..
Nagtatakang napatingin si Sab sa binata..
Ngumiti si Primo..
“Anong ginagawa mo?..” tanong nya..
“Nagpa-pray ..” maiksing sabi ni Sab..
“For what?..” tanong ni Primo..
“For them to win..” sagot ni Sab..
Umiling si Primo.. Sinulyapan ang mga
kaibigan..
“Don’t..” saway nito..
Nagtaka si Sab..
“Why?.. Atheist ka?..” nakasimangot na sabi
nya..
“Nope..It doesnt mean na di kita pinagdasal,
atheist na agad ako..I believe in God ..but
you have the wrong reason for praying..”
sabi ni Primo..
Napakunot noo si Sab..
“Huh?.. At ano naman daw dapat?.. “ tanong
nya..
Ngumiti lang si Primo..
“Instead of praying for them to win.. Why
don’t pray for their safety?.. Wag mong iasa
ang ganyang kaliit na bagay sa Diyos..Ang
mga ganyang bagay ay dapat ng tao ang
gagawa..You have to pray only for their
health and safety after the game..Wag ng
pagkapanalo..” sabi nya.
Napakurap si Sab sabay tingin sa binata..
Di sya makapaniwalang ito ang
nagsasalita..Parang di bagay..
Natawa bigla si Primo.
“Hoy..Mag jujump ball na..” sabi nito..
Ngumiti si Sab..Mabilis syang nagdasal para
sa kaligtasan ng team.. Ay mali pala.. Sa
lahat ng manlalaro..
Pumwesto muli si Rigor sa gitna para mag
jump ball..
Nagpalit ng pwesto ang center ng kalaban ..
Mas matangkad ng di hamak ..Baba lang si
Rigor ng bagong dating .. Pero sya dapat
magpakita ng pagkailang..
Huminga ng malalim si Zack at hinanda na
ang sarili..
“So, you're Zack right?.. I learned you
scored 24 points sa huling laban nyo
against National High.. What does it feel ?..
“ biglang may nagsalita sa likod nya..
Paglingon ni Zack ay nasa likod nya ang
sinasabing “Striker” ng kalaban..
“Ako nga.. Nice to meet you pare..”
magalang na sabi ni Zack..Inabot nya ang
kanang kamay para makipag hand shake..
Pero tinitigan lang ito ng binata..
“Owen Clyde..But for you.. Call me striker..”
pakilala din nito..
Napangiti na lang si Zack ..Muli na syang
umayos ng pwesto at pinagmasdan ang
mag jujump ball sa gitna..
Pumwesto na ang ref sa gitna..Hawak ang
bola..
Namamangha sya sa tataas ng mga
kabataan ngayon..Dibdib lang sya ng
dalawang players..Napailing na lang ang
kalbong referee sabay ihip sa hawak na
silabato..
Kailangan nyang itaas ang hagis ng bola
dahil baka di na kailanganin pang tumalon
ng dalawa kapag ordinaryong hagis ang
gawin nya..
Sinimulan ng referee na ibato ng mataas
ang bola...
Nagtalunan ang dalawang sentro..
Namangha ang lahat ng malampasan ni
Rigor ang talon ng kalaban..
Natapik nya ang bola patungo kay Denzel..
Mabilis ang naging pagkilos ng binata..
Takbo agad ito sabay hagis sa tumatakbo
nilang gwardya..
Pero mabilis din ang kalaban..
Nakapwesto na agad ang dalawa sa mga ito
para salubungin ang papalapit na gwardya
nina Zack..
Nagdribble patungo sa gilid ang Guard ..
Sumunod ang dalawang kalaban para ipitin
ang nasabing gwardya.. Pero decoy lang
pala sya..
Nagbounce pass ito kahit di
nakatingin..Pabalik kay Zack..Hinintay
naman ng binata ang palapit na bola..Wala
syang bantay..Sisiguraduhin nyang papasok
ang 3 points nya para makalamang agad
sila..
Pero nagulat sya ng may humarang na tao
sa papalapit na bola..
Pagtingin nya ay guard din ng kabila..
Mabilis itong tumakbo patungo sa kabilang
courtside kung saan nagaabang ang
magkapatid na kapre..
Hinagis pataas ang bola..
Tumalon si Rigor para sana maintercept ang
bola pero masyadong mataas ito..
Sakto sa board ang tama..
Nagbounce pabalik sa power forward ng
kalaban ..No sweat.. Dunk !..
Easy two points.
Nagulantang ang buong gym..
Pati sina Denzel ay di naitago ang
pagkagulat sa bilis ng pangyayari..
Di nila akalain na mabibilis ang dalawang
guards ng kalaban.
Inbound ni Zack.. Pasa sa pointguard nila..
Tinawid ng binata ang bola sabay pasa kay
Denzel..
Tumayo si Denzel sa bandang gitna..
Pinagmasdan ang mga kalaban..
Dalawang guards na parang ninja..
Dalawang kapre na nagsisilbing tore sa
baba ng ring.. At ang captain nilang si
Striker na sureshot daw pagdating sa
shooting..
Perfect team ang kalaban nila.
Pero imbes na kabahan..
Nachallenge pa si Denzel..
Kinindatan nya si Zack..Ngumiti ang
kaibigan nya..Pati si Rigor ay napangiti ..
“Don’t back off.. Fight !..” sigaw nya..
Salaksak agad si Denzel papasok..
Hinarang sya ng bantay nya..
Nag double team sa kanya..
Pero bluff lang pala ang ginawa ng binata..
Pinasa nya ito kay Rigor..
Nasalo agad ni Rigor ang bola..Pero
paglingon nya dalawang naglalakihang
players ang nasa harap nya..
Gamit ang matigas na katawan..
Binomba ni Rigor ang bola..
Di nya matulak ang pinagsamang pwersa ng
dalawang matatangkad na players sa harap
nya..
Hawak ni Rigor ang bola..
Nakatayo lang sya..
Nanganganib na maubusan ng oras..
Agad namang kumilos ang Striker ng
kalaban para i-sandwich si Rigor..
Lalong ninerbyos ang binata.
Kailangan nya ng itira ang bola.
Tinaas nya ang kamay..
Para sana itira..
Pero wala talagang puwang para makatira
man lang sya..
Suko na ang loob nya..
Aabutan na sya ng oras..Ng may mahagip
ang kanyang mga mata..
Pagtingin nya sa bandang likod ng
matatangkad na players..May kamay na
kumakampay..
Napangiti si Rigor..
Gamit ang buong lakas.. Tumalon sya..
Tumalon din ang tatlong bantay nya..
Pero fake lang pala..
Binato ni Rigor ang bola kay Zack na libre
sa 3 points..
Di na nag-pacute pa ang binata..
Mabilis nyang tinitigan ang ring sabay shoot
ng bola..
Agad na pumorma ng rebound ang
dalawang malaking players..
Box out agad ng isa si Rigor pero napangisi
ang binata..
Di nya kailangang makipagtalo sa rebound..
Si Zack ang tumira kaya di na sya kailangan
pang makipagbuno ng lakas para lamang
dito..
Imbes na mag abang para sa bola..
Umalis na si Rigor sa ilalim ng ring..
Di na sya lumingon..
Pumito ang referee..
Swak ang bola..
Tama ang hinala ni Rigor..
Naghiyawan ang crowd..
Mabilis na bumaba ang buong team para
salubungin ang pagdating ng mga kalaban..
Tinapik lang nila sa balikat si Zack..
Mamaya na ang celebration..Focus muna.
Napangiti ang Striker ng kalaban..
Tama ang research nila para sa team na
ito..
Tulad nya.. Shooter din ang player na may
nakasulat na Zabrina sa likod..Na di nya
maintindihan..Para sa kanya.. Kakornihan
ang nakatatak sa jersey ng kalaban..
Hawak ang bola..Mabagal nya itong
diniribble patungo sa kabilang court..
Sinulyapan nya ang mga kakamping
players..
Nakapwesto na ang mga ito..
Paglapit nya sa court..Napangiti na lang ang
binata ng agad na lumapit sa kanya si
Zack..
Seryoso ang mukha ni Zack..Ayaw nyang
makalampas ay makaiskor ang bantay
nya..Di na sya kailangan pang sabihan ng
Coach o ng kaibigan si Denzel..
Nakatitig sya sa mukha nito..Seryoso..
Umamba ng crossover ang bantay ni
Zack..Pero alisto sya..
Kaya di na ito tinuloy ng kalaban..
Nakadipa ang binata..
Nag aabang sa gagawin ng kaharap..
Imbes na mainis..Nachallenge pa ang Striker
na kalaban nina Zack..
Di sya kailangang magmadali sa pag
iskor..Mahaba pa ang oras..
Malaki ang lamang nila pagdating sa
statistics..
Tatlo sa kalaban nila ay mataas ang
kartada..Yung Denzel ay ang nagsisilbing
Team Captain..
Mabilis itong kumilos sa kabila ng kalakihan
ng katawan..
Yung sentro naman nila ay Rigor ang
pangalan.. Sa pagkakaalam nya ay di
marunong ng dribbling ang binata..
Kaya laging nasa gitna at di gumagalaw..
Eto namang nasa harap nya ay si Zack
Hidalgo.. Shooting guard na tulad nya..
Napangisi ang Striker..
Mabilis syang kumilos..
Nagcrossover sya ulit patungo sa
kaliwa..Tulad ng inaasahan... Mabilis na
sumunod sa kanya si Zack..
Pero ito ang hinihintay nya..
Na open ang gitna dahil umalis si Zack..
Naglapit ang dalawang matatangkad na
players..
Nahagip ito ng kanyang mga mata kaya
binato nya ang bola pataas..
Nagulat si Zack..
Tinalon nya ang bola pero kulang ang height
nya..
Nakuha ito ng Power Forward ng kalaban..
Akmang titira ito..
Tumalon naman ang kakampi nyang
nagbabantay dito..Pero fake..
Tinuloy nito ang pagtalon..
Para i-jumpshot ang bola..
Libre..
Wala ng sagabal..
Bibitawan nya na ang bola ng bigla syang
magulantang..
Nagtaka sya sa nangyari..
Nawala sa kamay nya ang bola..
Pagtingin nya ay nasa kabila na ang mga
kalaban nya.
Hawak na pala ni Denzel ang bola..
Kasama nitong tumatakbo si Zack.
Isa lang ang bantay..
Si Striker lang..
Mabilis na nakaisip ng diskarte si Denzel..
Tinitigan nya si Zack na kasabay na
tumatakbo...
Naging alerto naman ang striker..
Imbes na salubungin si Denzel.. Si Zack ang
nilapitan nya..
Alam nyang ipapasa ng binata ang bola ..
Ready na sya ..
Pero mali...
Tinuloy ni Denzel ang pag lay up..
Pasok ang bola..
Dagundong na naman sa gym..
Nag apir ang dalawang binata.
Tulala ang striker..Nawala na ang ngiti sa
mata..
Nag time out ang Coach nila..
Nagulat sya dahil masyado itong maaga..
Nagmeeting sila..
Di sya kinakausap ng matandang Coach..
Nagsintir ang loob ng binata..
May nakaready na twalya si Sab sa paglapit
ni Zack..
Napangiti ang binata..
Kinilig pero tinago nya ito sa dalagita..
30 seconds lang ang timeout kaya mabilis
silang nagpahinga.
Pagbalik nila..
Inbound ng kalaban..
Sa halfcourt agad..
Mabilis na nagpasahan ang mga ito..
Napunta ang bola sa center na bantay ni
Rigor..
Alisto ang binata.
Pinasa sa bantay nya ang bola.
Binomba din nito pero matigas ang katawan
ni Rigor kaya di man lang nauusog ang
binata..
Tumalon ang kalaban..
Napangiti ito ng di nakahabol si Rigor..
Pero mali..
Nanlaki ang mga mata nya ng tumalon ng
mataas ang binata..
Humarang ang kanang palad ni Rigor at
hinawakan nito ang bola..
Di nito naitira ang hawak..
Gigil na pinalo ni Rigor ang bola..
Talsik ito patungo sa guard nina Zack..
Di na kailangan ng usap usap..
Mabilis na tumakbo sina Denzel at Zack..
Todo hiyawan na naman sa crowd sa
ginawang pagsupalpal ni Rigor sa mas
mataas na kalaban..
Hawak ni Denzel ang bola..
Naghiwalay sila ng takbo..
Pumwesto si Denzel sa 3 points..
Si Zack din sa kabilang 3 points..
Di alam ng bantay nila ang gagawin..
Tinakbo nito ang pwesto ni Denzel na titira
na sana..
Nag double team ang bantay sa kanya..
Tumira si Denzel ng mabilisan..
“Wala yan !.. “ sigaw ng Striker..
Wala nga..
Pero nagbounce ang bola..Tumama ito sa
gilid ng ring at tumalbo patungo kay Zack..
Nakangisi ang binata na inantay ang
pagdating ng bola..
Paghawak nya..
Huminga sya ng malalim sabay tira..
Muli..
Swak ang bola..
Nagsigawan na naman ang crowd..
Nag - apir sina Denzel at Zack..
Mabilis na lumipas ang first half..
Maingay na ang buong gym..
Di sila makapaniwala sa nakikita nilang
tinatakbo ng laban..
54-47 ang iskor..
Lamang ang eskwelahan nila ng tatlong
puntos..
“Go go go !.. “ sigaw ng karamihan sa
crowd..
Nabubuhayan na ang mga tao..
Nasa bench ang buong team at
kasalukuyang nagpapahinga..
Hingal na ang lahat..
Pero at least lamang pa sila..
Lumapit si Spolstra sa mga binata at
pinulong ito..
“Guys.. So far you have done well..
Natutuwa ako sa pinapakita nyo..Pero sad to
say it’s not enough... “ sabi nya.
Nagtanguan ang lahat..
“Rigor..Good job for getting many
rebounds..Ang ganda ng block na ginawa
mo dun sa center nila..Iho, malaki ang
tsansa nating manalo dahil sayo.. “ puri ni
Spolstra sa binata..
Nanlaki ang butas ng ilong ni Rigor at siniko
si Denzel na hingal kabayo..
“Kita mo pare?.. Si Coach na nagsabi nyan
ah..” pagyayabang nya..
Pero bigla syang napangiwi ng sikmuraan
ng kaibigan..
“Denzel.. Try to outsmart yung bantay mo.. I
trust you iho.. You have to stay strong ... “
bilin nya sa Team Captain..
Tumango lang si Denzel..
Muling nagbuzzer..
Tapos na ang pahinga nila.. Second half
na..
“Guys.. Ingat kayo dun sa striker.. Di pa sya
kumikilos..” paalala ng Coach..
Tango ang sinagot ng lahat..
Pabalik na sila sa court ng tawagin ni
Spolstra si Zack..
“Iho..Come here muna..” tawag nya.
Mabilis na lumapit si Zack.
“Yes sir?.. “ tanong ng binata.
“Ingat ka..Kanina pa masama ang tingin
sayo nung striker..” bilin nya..
Ngumisi lang si Zack..
“May crush saken Coach..” biro nya..
Ngumiti ang Coach..Mabilis na bumalik si
Zack sa mga kasama nya..
Akmang uupo na si Spolstra ng mahagip ng
mata nya ang ginagawa ng kabilang team..
Kita nya na binubulungan ng kalabang
Coach ang Striker na sinasabi nila..
Tatango tango lang ang binata sabay
biglang ngisi..
Tumitig ito kay Zack.
Mabilis na nagtungo ang striker sa court..
Bago umupo ang Coach ng kalaban..
Sumulyap ito kay Spolstra.. Sabay ngisi..
Nakaramdam ng kaba ang batang Coach
para sa mga players nya...

Chapter 18
Bago magsimula ang laban...
May napansing kakaiba si Primo sa dalawang
naglalakihang players ng kabila..
Parang nakita na nya ang mga ito kung
saan..
Di lang sya makatiyak..
Napansin naman agad sya ng pinsang si
Gustavo kaya nagtanong ito sa kanya..
"Insan?..Something wrong?.." bulong nito sa
likod ni Sab..
Tumango si Primo..
Nginuso ang dalawang kapre..
"We met them before.. I knew it.." bulong
nya..
Napatingin na rin si Vincent..
"Yeah, yan ang kanina ko pa gustong
sabihin sayo Prims..Kung di ako
nagkakamali.. Nakaaway na natin yang mga
yan.." sabi nito..
Napahawak si Primo sa baba nya..
Napangiti sya..Parang may bumbilyang
kumislap sa utak nya..
"Yes.. Your right sister.." landi ni Primo
sabay kalabit sa katapat na Coach nina
Denzel at Zack..
Napatingin ang Coach sa binata.
"Oh?.. " tanong nito..
Ngumisi ang tatlong binata..
"There's something wrong here sir..Those
two guys.. Yung dalawang kapre ng mga
kalaban..We know them.." bungad ni Primo..
Napatingin ang Coach sa tinutukoy ng
binata..
"What's wrong with them?.. " tanong nya..
Pero ngumisi lang si Primo..
"Try to contact someone form their school
and ask kung may estudyante silang
kaparehas ng name nila..Try to ask their
heights.." suhestyon ng binata..
Nagtaka ang Coach..
"Why?.. " tanong nya.
.
"Because they are trying to decieve us.."
mariin na sabat ni Gustavo..
Nagpanting ang tenga ng Coach..
Mabilis nyang nilabas ang cellphone para
kontakin ang kaibigang guro sa nasabing
eskwelahan ng mga kalaban.
Tiim bagang sya habang hinihintay ang
pagsagot sa kabilang linya..
Ilang saglit lang naman ang hinintay nya
bago sagutin ng kabila ang tawag nya..
"Uy Derek !.." bati agad ng kababata...
Tulad nya.. PE teacher din ito duon sa
kabilang eskwelahan..
"Pare..Mamaya na kamustahan.. I just want
to ask you something.. And please.. Do me
a favor na rin.." bungad nya..
Nakaramdam ng kakaiba ang kausap ni
Spolstra..
"Sureness pare..Ano yon?.. " tanong nito..
Sinabi lahat lahat ng Coach ang pakay nya..
"Okay pare.. I will do that...Give me 10
minutes.." sagot nito..
"Thanks pare.. Thanks talaga.." pasasalamat
ng Coach..
Bago sila nagpaalam sa isa't isa, binigyan
ng babala ni Spolstra ang kaibigan na
isekreto ang gagawing pag iimbestiga..
Muli nyang tinitigan ang Coach ng kabilang
kuponan..
Sikat ito..
Pero di dahil sa kagalingan sa
pagmamanage ng Team kundi sa pandaraya
..
Para syang tanga ..Nakalimutan nya ang
babala ng Tiyuhin nyang Coach din tungkol
sa makakalaban nilang Team sa araw na
ito..Sabagay, kagabi pa sila huling
nagkausap ng Uncle nya at nawala agad ito
ng paggising nya ay makakain sya ng di
inaasahang almusal..Yun ay walang iba
kundi dumi ng butiki..
Sa pagkakaalala ng naging agahan
nya..Muling nag sintir ang loob ng binatang
Coach..Lalo lang nadagdagan ang ngitngit
nya para sa kalabang Team..
Mabilis na pumwesto sina Zack at
Denzel..Nasa ilalim agad ng ring si Rigor..
Inbound ng kalaban..
Nasa labas ang guard nila at ng sumipol
ang referee, mabilis nitong pinasa ang bola
kay Striker..
Mabagal na tinawid ng binata ang bola.
Ang mga mata ay nakatuon kay Zack..
Batid ni Zack na di sya dapat magpabaya..
Maliit pa ang lamang nila...
Kailangan nilang magfocus hanggang sa
pagtapos ng laro..
"Be ready pare.." sabi ni Denzel sa tabi nya..
Tumango si Zack..
Ang mga mata ay di inaalis sa ginagawang
pag dribble ng Striker..
Tinaas ng kalaban ang kamay nito..
Naging alerto si Zack..
Nagdribble si Striker patungo sa
kaliwa..Cross over patungo sa gilid ng
court..
Mabilis namang nahabol ito ni Zack..
Dinipa nya ang kamay sa pag aakalang
susugod ang bantay nya..
Pero nagtaka sya ng muling naging mabagal
ang pag dribble nito..
"Zack !.. Watch out !.." rinig nyang sigaw ni
Denzel..
Nagtaka naman ang binata.. Nilingon nya
ang mga kakampi at nabigla sya sa nakita..
Nasa iisang panig ang lahat ng kalaban
nila..
"Iscolation" bulong ni Primo..
Napatingin sa kanya si Sab..
"Isolation kuya?.." tanong ng dalagita..
Kinabahan si Primo..
Alam nya ang mga kalibre ni Zack..Magaling
itong kumuha ng puntos pero batid din nya
na mababa ang statistics nito pagdating sa
depensa..Si Denzel ang magaling sa
depensa..
"Kuya .." untag ni Sab..
Napatingin sa kanya ang binata..
"Oh?.. " tanong ni Primo..
"Anong sinasabi mong Isolation?... "
pangungulit ni Sab.
Muling tiningnan ni Primo ang mga
kaibigan..
"Isolation, isang diskarte sa basketball..Kung
saan nagtutungo sa isang panig ang mga
kalaban.. Syempre susunod ang mga bantay
nila..Binibigyang daan nila ang dalawang
manlalaro para mag one on one.. Sa
sitwasyon ito, sina Zack at Owen yon.."
sabat ni Coach Spolstra..
Nanlaki ang mga mata ni Sab..
Kung ganoon hinahamon ni Striker ng One
on One si Zack..Muli nyang pinagsalikop
ang mga kamay..Pinigilan ang sarili na
magdasal para sa ikapapanalo ng mga
kaibigan.. Ang tanging hiling nya ay
matapos ang laban ng di mapapahamak si
Zack..
"Isolation. " bulong ni Zack sa sarili..
Mabilis na naging alerto ang mga senses
nya..Kailangang di makaiskor sa kanya ang
kalaban..
Ibibigay nya ang lahat para dito..
Bumilis ang dribbling ni Striker..Nakatitig
lamang si Zack sa mga mata nito..
Nakadipa ang dalawang kamay ..Inaantay
ang susunod na gagawin..
Sa isang iglap, sumugod si Striker..
Alerto si Zack na umatras para makabwelo
kung sakaling mag jump ito..
Alam nyang pepeke ito kaya di sya
masyadong lumayo..
Tumalon si Striker..
Tama ang hinala ni Zack.. Medyo malapit
sya sa binata kaya alam nyang aabutan nya
ang bola sa ere..
Buong pwersa syang lumundag..
Pero nagulat ang binata ng nag bounce pass
ng malakas si Striker..
May tumatakbong kalaban sa likod
nya..Hinabol ito ng kakampi nilang
gwardya..
Nasalo ng kalaban ang pasa ni Striker..
Pero mabilis din itong nagpasa..
Hinagis nito ng mabilis pataas ang bola..
Tumalon ang isang matangkad na player na
bantay ni Denzel..
Alerto ang kaibigan nya sa pag intercept ng
bola..
Pero tinapik nito ang pasa patungo sa three
points..
Nagulat si Zack..
Pagtingin nya sa bantay nya ay wala na ito..
Malayo na si Striker sa kanya at
kasalukuyan na itong tumitira ng tres..
Di na nagawang makalapit pa ni Zack..
Libreng nakatira si Striker..
Nag abang sa rebound sina Rigor at Denzel..
Pero tulad ng mga naging tira ni Zack,
ringless ang tira ni Owen..
Tameme ang buong gym..
Walang nakahiyaw..
Mabilis lang ang naging mga pangyayari..
Wala pang labing limang segundo ang
lumilipas sa orasan ..
Napayuko na lang ang binata.
Naramdaman nya ang pagtapik nina Denzel
at Rigor sa balikat nya..
Nakangiti ang mga ito na parang sinasabing
ayos lang..
Inbound nina Zack.
Nasa labas sya..
Pinasa nya ang bola sa kakamping
gwardya..
Tinawid naman nito ng mabilis ang bola..
Paglapit ni Zack.. Bantay agad sa kanya si
Striker..
Pinasa ng guard nila kay Denzel ang bola..
Tumakbo si Zack..
Nag cut sya ng linya para lituhin ang
kalaban..
Sumalaksak si Denzel.
Sinubukan nyang mag lay-up..
Pero dalawang naglalakihang tore ang
nakabantay sa gitna..
Umatras ang binata ... Hinanap ng mga
mata nya si Zack..
Pagkakita sa kaibigan ay mabilis nya itong
pinasahan..
Agad namang nasalo ni Zack ang bola..
Pagharap nya ay nanlaki ang mga mata
nya..
3 tao ang nakabantay sa kanya.
Napapalibutan na si Zack ng tatlong
kalaban..
Nataranta ang binata.
Sinusubukan nilang i-steal ang bola kaya
mabilis itong iniiwas ni Zack.
Pero sa kakaiwas nya nasiko nya ang nasa
bandang gilid nya..
Sumipol ang referee..
"Foul !.. White number 14 !.. Offensive !.."
sigaw ng kalbo..
Napa boo ang mga tao.
Ngumisi si Striker..
Muling lumapit sa kanya sina Denzel at
Rigor.
.
"Focus lang pare.." payo ni Denzel.
Napilitang tumango si Zack..
Bola nina Striker..
Hawak ng binata ang bola at papalapit na
naman ito kay Zack..
Nagseryoso na ang binata..
Ayaw nya ng mapahiya..
Sinubukan nyang mag steal..Sinundot nya
ang bola.
Pero mali ang nagawa nya..
Pinatalbog ni Striker ang bola patungo sa
likod nito..
Nag cross over ang binata.
Sabay tira ng jump shot..
Pero mabilis si Denzel..
Agad nitong napalo ang kamay ng striker..
Sumipol ang referee..
Napatingin lahat sila sa bolang nag bounce
sa ring..
"Waaggg !.. " sigaw ni Sab..
Tila nag dilang anghel ang dalagita dahil
sablay ang tira ni Striker..
Pero foul..
"Foul white number 4 !.. " sigaw muli ng
kalbo..
Nakangising hinimas ng Striker ang likod ng
palad nya..
Pumwesto sya sa freethrow para tanggapin
ang dalawang libreng tira.
Matagumpay na binuslo ng binata ang
dalawang freethrow nya..
Dalawa na lamang ang lamang nila..
Sinubukan ni Zack na mag fast break.. Sya
ang kumuha ng inbound at mabilis nya itong
binato sa kakampi..Pero di nakatingin ang
pinasahan nya..
Tumama sa braso nito ang bola dahilan
para ma steal ng kalaban..
Muling tumira si Striker mula sa perimeter..
Swak na naman !.
Tabla na ang iskor..
Biglang nag buzzer ..
Sumipol ang referee..
"Time Out !.." sigaw nito.
Napalingon ang lahat ng sina Zack sa
committee at nakita nila ang Coach nilang
seryosong bumabalik patungo sa upuan
nito..
Lumong lumong bumalik ng bench ang mga
players..
Parang nadoble ang pagod nila mula
kanina..
Nakatayo lamang si Spolstra habang
pinagmamasdan ang mga manlalaro nya..
Partikular kay Zack..
"Zackarias !.." sigaw ng Coach..
Kahit si Sab nagulat sa sigaw ng Coach nina
Zack..Kinakabahan sya para sa binata..
Nagulat si Zack sa pagkakarinig sa sigaw ng
Coach..
Batid nya ang mga nagawa nyang
pagkakamali.. Pero nananalangin sya na
wag naman sana syang pagalitan ng sobra
sa harap ng mga kasama..Partikular sa
harap ni Sab..
Napayuko na lang si Zack .. Wala syang
magagawa kundi tanggapin ang sermon ng
Coach..
"S-sorry Sir.." sabi nya..
Di pa man sya nasesermunan, inunahan nya
na..
"Balita ko may Crush ka daw sa magandang
dilag sa likod mo?.. " biglang banat ni
Spolstra..
Nayanig ang buong pagkatao ni Zack..
Pati si Sab ay natulala..
Bungisngis sina Denzel at Rigor sa
magkabilang gilid nya..
Napatingin sya sa Coach kung seryoso ba
ito sa mga pinagsasabi nito..
Pagtingala nya ay seryosong nakatingin sa
kanya si Spolstra..
Napangiwi si Zack..
"C-coach naman eh.." mahinang angal nya..
"Coach naman eh.." panggagaya ni
Spolstra..
Tawanan na naman ang mga kasamang
players nya..
Pati sina Primo naaaliw sa kakengkoyan ng
Coach nina Denzel..
Tumingin ang lahat ng players kay Sab..
Ramdam ng dalagita ang pamumula ng mga
pisngi nya.
Pinagpapalo nya ang mga katabing sina
Gustavo at Primo na pasimpleng
humahagikgik..
Sinulyapan nya si Zack na nakayuko..
Aminin man nya o hinde sa sarili..Pati sya
nag aabang sa sagot ng binata..
"O ano?.. Tama o mali?.. " pangungulit ni
Spolstra..
"Uyyyyy... !!!.." sabay sabay na pangtutukso
ng mga players sa pangunguna nina Denzel
at Rigor..
Napatingin sa kabilang kuponan si Striker..
Napasimangot sya ng makitang parang
nagkakasayahan pa sa kabila ..
Rinig nya ang malakas na asaran ng mga
ito..
Mukhang tinutukso ng mga kasama nito si
Zack sa babae sa likuran nito..
Napatitig sya sa maamong mukha ng
nasabing babae.
Di nya masisisi si Zack, talagang maganda
ang nasa likod nito..
Pero di sya tulad ng iba na mas inuuna ang
pag-ibig..
Para sa kanya.. Pag aaral at Basketball ang
mahalaga ..
Lalo lang syang nagngitngit sa binata..
"Dudurugin kita Zackarias !.. " bulong nya..
Wala mang personal na galit sa
binata..Sinama nya na ito sa listahan ng
mga nilumpo nyang players..
Muli syang ngumisi at nakinig na sa Coach
nila..
Sa bench nina Zack..Todo asar pa rin sa
kanya ang mga kakampi nya..
"Coach naman.. Para saan ang Time out
nyo?.. " reklamo sya..
Bungisngis na naman ang mga kakamping
players..
"Para tanungin ka.." mabilis na sagot ni
Spolstra..
Lalong lumakas ang kantyawan..
Masakit na ang panga ni Sab sa pagpipigil
na ngumiti..
Nakasimangot lang sya para itago ang kilig
na nararamdaman..
Bago sa kanya ang pakiramdam na ito..
Muli nyang hinampas si Primo sa tabi nya
dahil kanina pa ito walang tigil sa pagtawa
ng palihim..
Nakayuko lang si Zack..
"Oh bakit di mo tingnan si Sab?.. " tukso ni
Denzel..
Nanlaki ang mga mata ni Zack sa sinabi ng
kaibigan..
Kinalawit nya ito ng braso at sinakal..
"Kita mo.. Halatang guilty.. Siguro totoo?..
Ano po Coach?.." dagdag gatong ni Rigor..
Gigil na sinakal din ni Zack si Rigor sa tabi
nya..
Lalo lamang lumakas ang asaran kaya wala
na syang nagawa kundi yumuko na lamang
..
Napangiti ang Coach..
Eto ang gusto nyang mangyari sa mga
players nya..
Ang magrelax para di maramdaman ang
pressure na paparating.
Muling tumunog ang buzzer.
Napa "aawwwww" ang buong team maliban
kay Zack..
Tawanan sila ng sabay sabay..
Isa isang bumalik sina Denzel sa court..
Nagpahuli si Zack.
Binaba nya ang twalya..
Pero nahagip ng mga mata nya si Sab na
nakatitig din sa kanya..
Nagtama ang mga mata nila ng dalagita.
Mabilis na nagiwas si Zack..
Baka mabasa pa ni Sab ang nararamdaman
nya..
Imbes na maglakad..
Tinakbo nya ang malapit na distansya..
Napapangiti na lang si Spolstra sa mga
alaga nya..
Masaya sya sa pagcocoach ng Team na
ito..Pakiramdam nya mga nakababatang
kapatid nya ang mga players..
Kaya apektado sya pati sa love life ng mga
ito..
Biglang nag ring ang phone nya..
Pagtingin nya sa ID ay nabasa nya ang
pangalan ng kaibigan..
Text lang.. Napaismid si Spolstra..
"Kuripot ang unggoy.." pang - aasar nya sa
kaibigan..
Mataman nyang pinasadahan ng tingin ang
text mula sa kaibigan..Napatiim bagang na
lang sya ng makumpirma ang hinala ng
mga kaibigan ni Denzel..
Tinitigan nya ang mga naglalakihang
players..
Bumalik sya sa bench at naupo..
"Tama sir?.. " untag ni Primo.
Tumango si Spolstra..Di nya alam ang
gagawin.. Kapag nagprotesta sya sa
kalagitnaan ng laban..Malamang na
masabihan sila na nagdadahilan lang..
"Di ko alam ang gagawin .. " sabi nya.
Nagisip din si Primo.. Biglang sumabat si
Gustavo..
"Why we dont play their game?.. suggestion
nya..
Kunot noo ang dalawa..
Pero unti uting ngumisi sa isa't isa..
"Beat it.." sabi ni Spolstra..
Nagkatinginan sina Gustavo at
Primo..Kapagkuwa'y kay Vincent na abala
sa kaka Page sa kung sino..
"Hoy babaero.. Gusto mo bang sumali?.. "
sabi ni Gustavo..
Umiling si Vincent..
"Magpapagod lang ako... Tsaka 3 na sila
don.. Kapag pinalitan natin sila..Mawawala
ang isa kina Denzel at Zack .. Alangan si
Rigor palitan natin eh malaki ang ambag
nya.." sagot ng binata..
Napatango si Primo.. Tama ang kaibigan
nya..
"Kami na lang po Coach.." sabi ng binata..
Tumango ang Coach..Tumayo sya at binilin
kay Vincent ang Team..
"Iho kaw muna dito.." sabi nya..
Tumango si Vincent.. Naupo sya sa pwesto
ng Coach habang pumupuslit ang tatlo
pabalik ng locker..
Walong minuto na lang ang natitira sa
second half..
Ramdam na nina Denzel ang pagod ...
Napatingin sya sa score.. Pilit nyang
tinatago ang panlulumo sa nakikita..
Tambak sila ng dose..
At iyon ay kagagawan ng Striker ng
kalaban..
Di pa ito sumasablay sa 3 points..
Kasalukuyan ng 21 points ang nagagawa
nito habang ang pinakamataas nila ay si
Zack na 14 pa lamang..
Ayaw nyang manisi kahit sino sa kanila..
Pare parehas nilang gustong manalo kaya
walang dahilan para may isang magpabaya
sa kanila..
Batid nyang ginagawa ng lahat ang
makakaya nila para pigilan ang mga
kalabang umiskor..
Pero mukhang nakikita nya na ang
kahihinatnan ng laban..
Napatingin sya sa kaibigan si Zack..
Nag aalala sya sa kababata..
Batid nya ang kapasidad nito sa paglalaro..
Di pa sila napupwersa ng ganito sa laban
kaya di sya nagtataka sa nakikita nyang
paghihirap nito sa paghinga..
Mukhang kakailanganin nila ng Time Out..
Pero di nila bola..
Next turn na lang siguro..
Tagaktak na ang pawis ni Zack..
Kanina pa sya hirap na hirap sa paghinga ..
Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang
kapaguran..
Dati rati naman kasi ay di ganito kaliksi ang
nakakabantayan nya..
Ace player ng kalaban ang ginagwardyahan
nya kaya di kataka takang unti unti na ring
nauubos ang lakas nya sa katawan..
Pero di sya dapat sumuko..Nakasalalay sa
kanya ang ikahihinto ng pag produce ng
kalaban sa pag-score..
Kailangang higpitan nya pa ang
pagbabantay kay Striker..
Dobleng effort pa..
Walang susuko..
Hawak ni Striker ang bola..
Muli na naman itong nilapitan si Zack..
Sa nakikita nyang paghingal nito..Mukhang
sa ilang saglit lang ay tutumba na ang
bantay nya..
Napangisi ang binata..
Kahit nasa tres.. Binomba nya ang bantay..
Tama ang hinala nya..Tinatagan ni Zack ang
pagkakatayo sa pwesto nito..
Naka spread ang mga paa nito para di
umatras sa ginagawa nyang pasimpleng
pagtulak..
Ilang bomba pa.. Mabilis syang umikot..
Mabilis syang nagdribble patungo sa kampi
nya..
Nataranta si Zack ng biglang umalis sa
harap nya si Striker..Todo patigas pa naman
sya..
Akala nya pupwersahin sya ng kalaban kaya
pinagtibay nya ang pagkakatayo..
Pero mali ang ginawa nya..Di sya
nakarecover agad dahil sa posisyon nya..
Pinilit nyang habulin si Striker pero may
humarang sa daan nya..
Na screen sya ng kalaban..
Wala ng nagawa ang binata kundi panuoring
tumira si Striker..
Umaasang sasablay ito..
Pero tulad ng kinakatakot nya..
Three points na naman ang nagawa nito ng
walang kahirap hirap..
Kinse na ang lamang sa kanila ng kalaban..
Tumunog ang buzzer..
Napatingin sila sa bench ..Nanduon si
Vincent sa committee..
Kunot noo si Zack..
Anong ginagawa ng kaibigan sa bench
nila?..
Akmang lalapit na sya ng harangin ni
Striker..
Nakangisi ito na tiningnan mula ulo
hanggang paa nya..
Tila nilalait sa pamamagitan ng pagtitig..
"So, ikaw pala ang sinasabi nilang papantay
daw sa pag produce ko ng scores..How
sad.. Halos kalahati na lang kita ah..Tsk
tsk.. " pang aasar nito..
Di na lang pinansin ni Zack ang binata..
Mabagal syang lumapit sa bench..
"Nakakahiya sa bebot mo..Ano na lang
iisipin nya?.. Na isa kang talunan?..
Ahahaha.." sabi nito..
Nagpanting ang mga tenga ni Zack..
Pero pinigil nya ang sarili..
Magmumukha lamang syang tanga kapag
pinatulan nya ang binata..
Iika ika syang lumapit sa bench..Kanina pa
namamanhid ang hita nya sa
katatakbo..Gusto na nyang maupo..
"Nasan si Coach pare?.. " tanong ni Denzel..
Kibit balikat lang ang kaibigan nila..
Walang nakapagsalita sa buong team..
Lahat tinitipon ang lakas para sa mga
huling sandali ng laban..
Di na nakatiis si Sab..
"Kaya mo yan .. Go for it.." bulong nya sa
tenga ni Zack..
Natulala si Zack sa pagdampi ng mga labi
ni Sab sa tenga nya..
Di nya naintindihan ang sinabi nito pero
kataka takang napangiti sya..
Umugong na naman ang kantyawan sa team
nila..
Pero saglit lang dahil nga sa nagiipon sila
ng lakas..
Nanlumo ang lahat ng tumunog ulit ang
buzzer..
Humiling pa si Denzel ng isa pang full time
out..Pumayag naman ang mga ito.
"Wala pa tayong plano ?.. " tanong ng isang
gwardya..
Tulad nila..Humihingal na din ito sa pagod..
Napangiwi na lang si Denzel..
Mabilis na pinagana ang isip..
Sa mga ganitong sitwasyon, sya ang dapat
na magisip..
Pero talagang blanko ang utak nya..
Pagod na din sya pero mas lamang ang
pagod sa isip dahil sa sitwasyon nila..
Sa mga ganitong pagkakataon ay si Primo
ang nag iisip ng solusyon..Pero wala ang
kaibigan nya.. At di tamang lagi na lamang
syang nakaasa dito..Kailangan nyang
matutong tumayo sa mga paa nya..
Hinamig ni Denzel ang sarili at
pinagmasdan ang mga kakamping halos
mawalan na ng pag asa..
"We have to finish this guys... Maraming
nagtaas ang kilay sa atin ng malaman nila
kung sino ang makakalaban natin sa araw
na ito..Di ko sila masisisi dahil kahit ako
aminado na malakas sila..Pero tama bang
mawalan na lamang tayo ng pag asa at
isuko ang laban?.. " tanong ni Denzel..
Napailing ang lahat kabilang na sina Zack at
Rigor..
"Kailangan nating lumaban para sa school,
para sa Team.. Pero di lang yon.." dagdag
nya..
Natahimik ang lahat.
"Kailangan nating lumaban para sa sarili
natin..Kailangan nating patunayan higit
kanino man na kaya natin silang
lampasan..Isipin natin na isa lamang silang
harang na dapat nating daanan..Don't worry
guys.. Kung matatalo man tayo, wag naman
sana, matatalo tayo na lumalaban at di
basta basta sumusuko na lang..Pero
syempre, di yon mangyayari..Walang ibang
mag cecelebrate dito kundi tayo lang..
Naiintindihan nyo ba ako?.. TAYO ANG
MANANALO DITO !.. " sigaw ni Denzel..
Natulala ang buong gym sa lakas ng sigaw
ng binata..
Nanagisi sina Zack..
Inabot nya ang kamay at pinwesto ito sa
gitna..
"Para sa team.. Mananalo tayo !... " sigaw
ni Zack..
"BWAHAHAHAHAHAHAH !.. " sagot ni Rigor..
Nagtawanan ang team..
Isa isa nilang pinagdikit ang mga kamay..
Nagtitigan sa isa't isa..
"We will win !.." sigaw ni Spolstra sa likod..
Napatingin ang lahat..
Nagulat sila ng makita sina Primo at
Gustavo na nakasuot ng parehas nilang
uniform..
Lumapit sa kanila ang mga bagong dating...
"Guys.. I want you to meet Silverio and
Diosdado..Substitute players.. " nakangising
pakilala ni Spolstra..
Nagkatinginan ang lahat..
Nagtataka..
"Why ?.. " tanong ni Denzel..
Ngumisi si Spolstra at nginuso ang mga
kalaban..
"Sila ang dapat kabahan..Mga mandaraya
sila.." tiim bagang na sabi nito..
Nagtatakang lumapit si Zack kay Primo...
"Kelan ka pa naging Silverio?.. " tanong
nya..
Pero nagulat sya ng batukan ng kaibigan..
"Gago.. Ako si Diosdado Pandakan..Putsang
pangalan talaga oh.." angal ng kaibigan..
Natawa si Zack at Gustavo sa tabi..
"Sige tawa.. Tanong mo surname nya.."
pang aasar ni Primo..
Napailing si Gustavo..
"Sige ano??.. " tanong ni Zack..
"Silverio Panot.. BWAHAHAHAHAHAHA.."
tatawa tawang banat ni Primo..Natawa na
din si Gustavo..
Natawa din si Zack ..Pero talagang
nagtataka sya..
"Bakit kayo naka suot ng parehas naming
uniform?.. Ano yan Cheering Squad kayo?.. "
tanong nya..
Natigil sa pagtawa ang magpinsan..Nginuso
ang matandang Coach ng kalaban..
"Mandaraya sila..Peke ang identity nung
dalawang matatangkad na players ng
kabila..Mga outsiders yan..22 age nung isa
tapos yung isa 19..Over age na...Out of
school pa..Double penalty yan.. If ever na
malaman ng committee..Siguradong katakot
takot na parusa ang matatanggap hindi lang
ng Coach kundi ng School..Pero
nakapagtataka kung bakit sila pinayagan ng
committee.." nagtatakang sabi ni Gustavo..
"Pera pera insan..Money Talks di ba?.. "
sabi ni Primo..
Biglang lumapit ang referee..
"Sino yang mga yan Coach Spolstra?.. "
tanong nito..
Ngumisi lang si Spolstra.. Imbes na
sagutin.. Lumapit sya sa committee..
Kita nila kung paano nanlaki ang mga mata
nito at dahan dahang tumango..
Ilang saglit pa.. Nakangising lumapit si
Spolstra sa mga players nya..
Tinapik nya ang dalawang gwardya nyang
laglag na ang dila sa kakahingal..
"You did a very good job boys..Time to get
even.." madiing sabi nya..
Tumango ang dalawang players..
Nakangisi si Denzel na tinapik si Primo..
"Pare mukhang magiging kampi muna tayo..
" natatawang sabi nya..
Tumango si Primo..
"So ikaw na Captain.." dagdag ni Denzel..
Pero tumanggi si Primo..
"Nope.. Mas magaling kang Captain saken
pare..Di mo lang alam yan kasi sanay kang
sumusunod na lang..Now that you
experience to manage you team.. You just
proved to us na you can be a great leader
pare.. So nandito ako hindi para palitan ka
kundi para samahan ka..Lets get it on
brother.." masayang pahayag nya..
Napangiti ang lahat sa isa't isa..
Nagform sila ng bilog..
"Rigor will be the center pa rin.. Zack and I
will be the same .. Point Guard ako habang
shooting guard sya..Then pare.. Kayong
dalawa ni Gustavo ang Forward.." paliwanag
ni Denzel..
Tumango ang lahat..
Muling tumunog ang buzzer.. Taos na ang
extension nila..
Anim na minuto na lang..
Kinse ang lamang..
Tinapik ni Denzel si Zack..
"Pare..Okay ka na?.. " tanong nya..
Tumango si Zack sabay ngisi..
"Get even.. Kill him.." nakangising paalala ni
Denzel..
Ngumisi lalo si Zack ..
Sinulyapan nya si Sab na nakatitig pala sa
kanya..
Di na sya nag iwas ng tingin..
Ilang saglit pa, binalingan nya ang kalabang
si Striker na nakatitig din sa kanya ng
masama..
"I will.." matatag nyang sabi..
Dinuro ni Zack si Owen "Striker" sabay
nilagay nya ang thumb sa leeg.. Pumorpang
ginigilitan ang sarili..
Naghiyawan ang mga tao sa ginawa ng
binata..
Nagkatinginan sina Primo, Gustavo, Rigor at
Denzel sa likod nya..
"Let's Rock !.. " bulong ni Zack...

Chapter 19
Nagtataka ang lahat kung bakit nagpalit ng
players ang Team nina Zack..
Pero parang di nila ito alintana..
Napatingin si Denzel sa crowd..
Sumimangot ang binata ng mapansin nyang
kokonti na lang ang natitira sa gym.
Halos kalahati ng audience kanina bago
magsimula ang laro ay nawala ng di nila
namamalayan..
Focused sila sa game, yun siguro ang
dahilan..
Pero kahit pa siguro ano ang maging rason
ng mga ito.
Ni hindi man lamang sila sinamahan
hanggang sa mga nalalabing oras ng laro..
Napasimangot lalo ang binata..
Napansin ito ni Primo kaya inakbayan nya
ang kaibigan..
"Pre?.." tanong nya.
Umasim lalo ang mukha ni Denzel.
"Walang kwentang schoolmates pare..Buti
pa sa dati nating school, manalo o matalo..
Tinatapos nila yung game natin..Pero
dito..Mahaba pa ang oras..Nagsi-alisan na
sila..Sila na mismo ang sumentensya sa
team eh.." naiiling na himutok nya..
Naglapitan na rin sina Gustavo at Rigor..
"Ganun talaga pare..Parang gobyerno yan
eh..Hanggat di sila nakikinabang sayo, tae
ka sa paningin nila..Kung di ka pandidirihan,
iiwasan.. Ni hindi ka binibigyan ng
importansya.." sabi ni Rigor..
Napatingin sa kanya ang tatlong
magkakaibigan..
Sumimangot si Rigor..
"Wag nyo nga akong titigan.." reklamo nya..
"Tangnang to..Ikumpara ba naman tayo sa
tae..Siguro ikaw pwede pa, wag kang
mandamay.." tatawa tawang biro ni
Gustavo..
Natawa na din sina Rigor..
"Pero may point ang gunggong na ito..
Parang yung mismong crowd ng school na
to..Kasama mo lang sila sa panalo, pero
ngayong nakakaranas tayo ng
paghihirap..Iilan lang ang nagtiis na
magtagal..Kung tutuusin nga.. Sa iilan na
yan, konti lang dyan ang tutoong
nakikisimpatya.. Karamihan pa dyan wala
lang magawa sa bahay nila kaya
pinanunuod tayo.. Tayo ang nagpapawis
dito.. Tayo ang sisisihin kapag natalo ang
school, pero kapag nanalo.. Ang pupuruhin
nila ang mga sarili nila..Kesyo ikukwento sa
iba nanalo daw ang school nila sa ganito ..
Sa ganyan.. Pero ano bang ambag ng ilan
sa mga yan?.." maasim na pahayag ni
Denzel.
Natahimik ang magkakaibigan..
Kahit si Primo di na nagkumento..
Di sya nababahal sa binunyag ng kaibigan
nya..Kundi sa magiging reakyson ng mga
nakikinig.
Malakas ang pagkakasabi ni Denzel kaya
siguradong narinig iyon sa buong gym..
Tahimik kasi dahil kokonti na lamang ang
nanunuod.
Tumayo si Vincent mula sa bench..
"Tangna nyo !.. Ang dadrama nyo !..
Ilampaso nyo yang mga yan tapos magsiuwi
na tayo.. !.. Kanila na yang pagkapanalo.. At
least alam natin sa sarili natin na may
ginawa tayo.. Di yung nakikisigaw lang sa
isang tabi.. Magaling lang sa larangan ng
pang huhusga, pero kapag hinahanapan mo
na ng ebidensya, PUNYETA !.. Lahat
maamong tupa !. " sigaw nya..
Lalong walang nakapagsalita..
Tumayo rin si Sab mula sa pagkakaupo..
"Go Team !... Fight fight fight !.." pag
checheer nya..
Napangiti si Zack ..
Nag thumbs up sya kay Sab..
Parang namalikmata ang referee..
Kailangan pa syang sitsitan ni Spolstra para
lamang ituloy na ang laro..
Game in on..
Tuloy ang gulong ng laro nina Zack.
Inbound nila..
Hawak ni Primo ang bola..
Kabisado nya ang galaw nina Gustavo at
Denzel pero hindi kay Rigor at Zack..
Pero di ito magiging hadlang sa kanya..
Nagfake si Zack..
Akmang tatakbo sya pakaliwa pero mabilis
syang pumihit pakanan..
Nakabantay sa kanya si Striker..Alisto din
ang binata at di tinatantanan ng paningin si
Zack..
Ng makita nyang tumakbo pakaliwa ang
katapat ay mabilis syang kumilos para
unahan na ito at salubingin..
Pero nagulat sya ng biglang kumilos at
pumihit pakanan si Zack..
Libre ang binata..
Takbo agad sya patungo kay Primo..
Nakita naman agad ni Primo ang ginawang
galaw ni Zack..
Maganda ang pagkakafake nito kay Striker..
Pero nakaharang ang bantay nya..
Di sya makakuha ng clear pass kaya
mabilis syang nag isip ng paraan..
Nakita nya si Rigor.
Nakita din naman sya ng binata..
Pasimple nyang nginuso si Zack ..Tumango
si Rigor..
Isang pihit pakaliwa sabay
pakanan..Nalampasan nito ang bantay
nitong malaki..
Biglang pinasa ni Primo ang bola kay Rigor..
Takbo ang binata patungo sa kabilang panig
ng court..
Sinundan sya ng bantay nya..
Mabilis ang nangyaring pasahan sa pagitan
nila Rigor at Primo..
Binato ni Rigor ang bola pabalik kay Primo .
Nakita ito ng binata..
Hinagilap ng mga mata si Zack..
Ng mapansin, agad syang nag drive
papasok..
Dalawa ang humarang sa kanya..
Pero walang balak na isugal ni Primo ang
pagkakataon ..
Imbes na maglay-up..
Pinasa nya itong muli kay Rigor, alam na ni
Rigor ang gagawin..
Kahit nakatalikod, nagbounce pass sya
patungo sa libreng si Zack sa 3points..
Naipit na si Striker sa mabilis na pasahan
na ginawa ng tatlo..
Wala syang nagawa kundi panuorin ang
paglipad ng bola patungo sa tila gutom na
ring..
Tumalbog ito sa board sabay pasok sa
naghihintay na bibig ng ring..
Nagulat ang lahat..
Pumito ang referee para ipahayag na pasok
ang tira..
"Basket !.. 2 points !.." sigaw ng kalbo.
Napaungol sina Zack..
"Awwww...Ang linaw ng mata nya !.." landi
ni Gustavo.
Hagikgikan sila pabalik sa kabila..
Parang nakakita ng imposible sina Striker at
ang mga kampi nya..
Pagtingin nya sa mga kasamahan, para
itong mga namalikmata at dinaanan ng
maligno sa harapan..
"Hoy mga ungas !.. Anong ginagawa nyo?..
Parang isang tira lang naguluhan na kayo?..
" sigaw nya..
Mabilis namang hinamig ng lahat ang sarili
nila..
Tama ang Team Captain nila..Isang tira
lang yon..
Inbound ng gwardya nina Striker..
Takbo agad sya sa halfcourt dahil baka
maharang pa sya ..Pero nakapagtatakang
walang humarang sa kanya..
Sila ang lamang kaya natural lamang na
maghabol sa punto ang mga kalaban..
Pero pagtingin nya sa mga katunggaling
kuponan..
Di nya maiwasan ang mangilabot..
Nasa harap si Zack nakatayo habang
nakapwesto ang apat na kakampi nito sa
apat na palibot ng ring..
Matamang nakatitig sa kanya ang binata.
Ni hindi nakikitaan ng pangamba sa kabila
ng lamang nila at sa ikli na lamang ng
oras..
Pinaglabanan ni Striker ang takot na
nararamdaman..
Pinilit nyang ngumisi para ipakita sa katapat
na mas magaling sya dito..
"Oh ano na?.. 28 Points na ako.. Tapos 4
minutes na lang ang natitira.. Samantalang
ikaw.. 15 ka pa lang.. Akala ko ba
papantayan mo ako tapos tatalunin mo
kame?.. " pang aasar pa ni Striker..
Imbes na mapikon..Ngumisi si Zack..
"Wala akong sinabing papantayan kita.."
maiksing sabi nya.
Sukat duon tumawa si Owen..
"Ahahaha.. Sabi nya eh.. denial pare?..
Takot kang matalo ?.. Well, ok lang.. At least
nag enjoy ako.. " sabi pa nya..
Pero umiling si Zack..
"Wala akong sinabing papantayan kita..Ang
sabi ko .. Lalampasan kita.." nakangising
sabi nya..
Lalong lumakas ang tawa ni Owen pero
nagulat sya ng may tumapik sa bola na
hawak nya..
Pagtingin nya nasa kabilang court na sina
Gustavo at Primo..
"Insan catch !.." landi ni Gustavo.
Parang naglalakad sa parke si Primo na
sinalo ang bola sabay tinira na parang nag
volleyball..
Sablay ito kaya tumalon si Gustavo at ini-
spike ang bola.
"Ay inggit ako !!!.." tili ni Vincent..
Natawa si Sab sa magpinsan..
Pumasok ang bola sa ginawang pag spike ni
Gustavo.
Tulala ang referee..Di nya alam kung may
mali ba sa ginawa ng dalawang makukulit
na bagong pasok na players..Tumingin sya
sa kapwa nya kalbong referee..Pero maging
ito ay wala ding magawa kundi panuorin
ang pagkukurutan ng dalawang bagong
pasok..
Asar na nagdabog si Owen..
Dinuro nya si Zack..
"Langya !.. Style mo bulok !..Dinadaldal mo
ko tapos nanakawin nyo yung bola?.. HAH !..
Walang kwentang gimik yan !.." sigaw nya..
Pero napangisi lang si Zack sa kanya..
"Sino ba ang unang dumaldal?.. " tanong
nya..
"Sya !.." duro ni Rigor..
Pero napatili sya ng kurutin sa nipples nina
Denzel at Primo..
"Araaaayyyy.." pagdaing nya..
"Ang epal mo eh..Yaan mo silang mag
Heart to Heart talk.." landi ni Primo..
Napasimangot na lang si Rigor hawak ang
masakit nyang nipples..
Tuloy pa rin ang laban..
Dose pa ang lamang..
Hawak na ni Striker ang bola at nakadipang
nagbabantay sa kanya si Zack..
Pasimple nyang sinilip ang mga kakampi..
Napangisi ng lihim dahil may dalawang libre
sa 3 points..
Ayos..
Kahit sumablay ang dalawa, may rebounders
sila sa katauhan ng dalawang kapreng over-
aged..
Mabilis syang nag cross over..
Akmang ipapasa nya ang bola pero nagulat
ng wala na pala syang dinidribble..
Pagtingin nya ay hawak na ito ni Zack..
Ngumisi ang binata sabay takbo ng mabilis
sa kabila..
Inis na hinabol naman sya na Striker..
Di sya aabot kay Zack..
Akmang susuko na ang binata pero nagtaka
sya ng makita nyang tumigil si Zack sa 3
points..
"Come here Pogi.." landi ni Zack..
Nagbungisngisan ang crowd..
Napatingin si Denzel, napaismid ng
makitang napupuno na naman ng tao ang
buong gym..
Tinapik sya ng kaibigan si Primo..
Pagtingin nya ay nakangiti na lang ito na
parang sinasabing hayaan na lang daw nila..
Tumango si Denzel..Tinago ang sama ng
loob sa mga ka eskwela at nagfocus na lang
sa laro..
Hawak ni Zack ang bola habang inaantay
nyang lumapit si Striker..
Nanlaki ang mga mata ni Owen sa
ginagawang paghamon ni Zack..
Sa isip isip ay parang minamaliit sya nito
kaya gugulatin nya ang binata..
Mabilis syang pupunta sa harap nito para
harangin kung anuman ang nais nitong
gawin..
Pero bago nya pa naisagawa ang plano,
dumila si Zack..Sabay tira ito sa 3points..
Swak na naman ito..
Napahalakhak si Sab sa gilid dahilan para
magtinginan ang mga tao sa kanya..
Pero di na nahiya ang dalagita.
"Zack !, Zack, Zack !.." paulit ulit nyang
sigaw..
Tumayo na rin si Vincent..
"Zack !, Zack, Zack !..." pagsabay nya sa
dalagita..
Unti unting tumayo ang mga nanunuod..
Sinasabayan ang pagsigaw ng dalaga sa
pangalan ni Zack..
Napuno ng sigawan ang buong gym sa
pangalan ng binata..
Pero parang wala itong epekto sa kanya..
Tanging iisang boses ang namamayani sa
pandinig nya...
Nakatitig sya sa pinakamagandang mukha
na nasilayan nya sa tanang ng buhay nya.
Nakatitig si Sab sa mukha ni Zack..
Sa kuya nya na lihim nyang hinahangaan at
kinaiinggitan at the same time.
Malakas ang hatak ng atraksyon sa pagitan
nya para sa kuya nya.. Di ito basta
damdaming pang kapatid .. Sa batang edad
nya.. Batid nyang higit pa ang
nararamdaman nya para kay Zack..
Ngumiti ng matamis si Sab..
Pero nagula sya ng magflying kiss sa kanya
ang binata.
Napabaling ang tingin nya tuloy kay Vincent
na kinikilig na parang uod sa tabi nya..
Pinagpapalo nya ito..
"Tigil na kasi kuya !.." saway nya.
.
Pero di maalis ang ngiti sa kanyang mga
labi.
Gigil na gigil na si Striker..
Mabilis nyang inagaw ang bola sa may
hawak nito sabay tira ng tres..
Nakangisi sya at nagtaas ng kamay bilang
palatandaan na papasok ang tira nya..
Pero tila nagyelo ang binata ng tumalbog
lamang ito sa ring at tumama sa board..
"Rebound !.." sigaw ni Zack..
Di na nya kailangan pang ulitin ang
pagsigaw...
Nakapalibot na sa ring ang tatlong binata..
Sina Denzel Primo at Rigor ..
Boxed out na ang dalawang kapre..
Buong lakas na lumundag si Rigor..
Di pa sya nakakababa sa lupa ay naihagis
na nya ang bola patungo sa tumatakbong si
Primo at Zack..
Tarantang napaatras si Striker para harangin
ang dalawa..
Pinasa ni Zack ang bola kay Primo..
Nag dribble ang binata.
Di na malaman ni Owen kung sino ang
iintindihin..
Pinili nya si Primo dahil ito ang may hawak
ng bola..Pero alerto din sya na baka ipasa
nito ang bola kay Zack kay di sya lumalapit
gaano kay Primo..
Tumigil sa pagtakbo ang dalawa..
Walang magawa si Striker kundi panuorin
ang paglalandian nina Zack at Primo sa
harap nya..
Pinasa ni Primo ang bola kay Zack..
"Oh eto pare..Storya mo ito eh..Ikaw na ang
magpasikat.." pagbibigay ni Primo..
Ngumiti si Zack pagkasalo sa bola..
Akmang ititira na nya ito ng may maalala..
Lumapit sa kanya si Striker..
"Oh pare..Pasasalamat ko sa pagdating
nyo..Naging mabuting kaibigan kayo
saken..Ikaw na ang tumira.." sabi ni Zack..
Asar na tumakbo patungo kay Primo si
Striker ..
Pero muli nitong binalik kay Zack ang bola..
"Di pare..Magkakaibigan tayo sa kwentong
ito kaya dapat lang na tulungan ka namin ..
Sige na..Itira mo na at masyado ng
napapagod itong ungas na to.. " duro ni
Primo kay Striker na patungo na naman kay
Zack para agawin ang bola..
Muli itong pinasa ni Zack kay Primo..
Pero ibinalik lang ulit ito ng binata..
Asar na sumuko si Striker at nanatili na
lamang sa gitna..
Natawa sina Zack at Primo sa binata..
"Pare itira mo na..Marami pang
pagkakataon.." sabi ni Zack..
Tumango na si Primo..
Tinira nya ang bola pero nag buzz na..
Napamura sina Spolstra sa kabilang ring..
"Putangna nyooooo !!!.. Sinayang nyo isang
tiraaaa..." sigaw nya..
Hinubad ni Vincent ang sapatos nya para
ibato kay Primo at Zack..
Sumipol ang referee at sinaway ang binata..
"MGA HARROOOTTT !!.. " sigaw ni Spolstra..
Nagturuan na lang sina Zack at Primo
pabalik sa kabilang ring pero ng makalapit
sila sa mga kakampi ay nakatanggap sila ng
tig iisang kotong sa bumbunan na ikinatawa
ng audience..
Tumawag ng time out ang matandang coach
ng kalaban..
Nagdabog si Striker pero wala syang
magawa..
Bago makarating sa bench..Pasimple nyang
binato ng bola si Zack..
Tumama ito sa ulo ng binata..
Nakita ito ni Primo kaya kinwelyuhan nya si
Owen..
"Punyeta ka.. Kanina pa ako init sayo
eh..Kung gusto mo ako na lang pag tripan
mo..Game naman ako eh.." madiing sabi
nya..
Tutulong sana ang dalawang kapre pero
nakangising humarang si Rigor..
"Di pa ako nakakagulpi ng dalawang
overaged na kapre..Ngayon palang ata eh.."
sabi nya habang pinapatunog ang mga
daliri..
Nasindak ang dalawang kapre kaya nag si
atrasan ang mga ito..
Agad namang pumagitna ang mga referee
para awatin sina Primo at Striker..
Umismid lang si Owen sabay ngisi..Alam
nyang di sya maaano hanggat may
nakakakitang officials..
Tumalikod sya at patungo na sana ng bench
nila ng biglang may pumitik sa tenga nya ng
malakas..
Mabilis na lumingon ang binata para tukuyin
kung sino ang may sala..
"What the fuck !.. Who did that?.. " sigaw
nya..
Pero sa likod ay may biglang bumatok sa
kanya..
Mabilis syang lumingon ..
Nakatingin sa malayo sina Primo at
Gustavo..
Pero biglang bumingisngis si Gustavo at
nginuso si Primo..
Natawa na din si Primo at kinalawit ang
leeg ng pinsan nya..
Asar na kinalabit ni Owen ang referee para
isumbong ang mga nangyari..
"Ref !.. He hit me !.. " reklamo nya.
Nag tila savior naman ang kalbong ref..
"Sino umano dito?.." tanong nya..
Pero nalula sya ng palibutan nina Primo ,
Denzel , Gustavo at Rigor..
"Sa mukha ba namin ito ref..Magagawa ba
naming saktan sya ?.. " nag beautiful eyes
pa si Rigor..
"Ang panget mo pare.." saway ni Denzel..
Nagbungisngisan na naman sila..
Pumito ang ref para ituloy na ang tinawag
na time out.
Palingon lingon sa likod si Owen para
tiyakin na wala ng mang aano sa kanya..
Pagpihit nya nawala sya sa balanse at
humandusay sa lupa..
Parang may kung anong maliit na
kuryenteng naramdaman ang katawan
nya..Di nya maintindihan ang nangyari..
Agad naman syang tinulungan ng mga
kakampi nya..
Pabalik na sila ng biglang bumuhos ang
tawanan ng lahat..
Pinagkokotongan nila si Zack na nakangisi
at binibida ang dalawang daliri na ginamit
sa pagpitik ng bayag ni Owen..
Nakatakip ang mukha ni Sab..
Pulang pula sya sa ginawa ni Zack..Kita nya
kung paano umupo si Zack pagdaan ni Owen
sabay ubod ng lakas na pitikin ang
hinaharap nito..
Tawa ng tawa si Vincent..
"Putris ka Zackarias...Akala ko di ka
gaganti..Yun pala nagpapasimple ka
lang..Biruin mong yung birdy nya pa inatake
mo?.. Ahahahaha..Dami kong tawa..Mga
6..Hahaha.." halakhak nya..
Seryoso ang Coach nila Zack..
Pero bigla itong bumunghalit ng tawa at
pinagkukurot ang mga players nya..
"Putris kayo .. Lalo na ikaw Zack..
Ahahahaha...Dami ko din tawa..Mga 7.
Lamang ako isa..Hahahaha.." tawa nya..
Naubos ang time out na sa kakatawa..
Wala na silang pinag usapan..
Sipol na naman ng ref..
Hawak ni Striker ang bola..
Medyo manhid pa rin ang bandang ari nya
..Di nya talaga alam kung anong nangyari..
Sinulyapan ng binata ang oras..
Napamura ng lihim ng makitang dalawang
minuto pa..
4 na lang pala ang lamang nila..
Pinasa nya ang bola sa sentro nila..
Tumakbo sya paikot..
Nakasunod lang sa kanya si Zack..
Hawak ng pinakamatangkad na player ang
bola..
Nasa likod nya si Rigor..
Pilit nyang binobomba ang katawan ng
binata pero talagang matigas ito..
Bigla syang may narinig sa kalagitnaan ng
game.
"Pare pare...Pasa dito.." bulong ng kung
sino..
Napangisi sya..
Pumihit paikot sabay pasa sa
pinanggalingan ng boses..
Pero napanganga na lang sya ng makita si
Denzel na nanlalaki ang butas ng ilong..
"Pare pare, Salamat salamat Dito.. " boses
dwende si Denzel...
Mabilis silang tumakbo pakabila..
Pinasa nila kay Gustavo ang bola..
Nilay up agad naman nito ang bola sabay
pogi sign pagkababa..
Pero walang pumansin sa kanya..
Nasa kabila na ang mga kampi nya...
Nanlulumong bumalik sa kabila si
Gustavo...Aping api..
Dalawa na lang ang lamang..
Nag screen ang bantay ni Primo at
hinarangan si Zack..
Mabilis namang tumakbo si Striker..Pero
muli syang humalik sa lupa ng mag sanga
ang mga paa nya..
Sumipol ang referee dahil nakadapa si Owen
sa lupa..
Inabot ni Zack ang kamay nya pero
tinanggihan ito ni Striker at iinot inot na
tumayo..
Nagtaka sya kung bakit napatid..
Kaninong.
Sinuyod nya ng tinign ang mga kalaban
maliban kay Zack..
"Di ako yon.." biglang putak ni Primo..
Nagtawanan ang lahat..
Sumipol ang referee..
"Foul white number 69 !.. Diosdado !.."
sigaw ng kalbo
Napangiwi si Primo ng marinig ang panget
nyang pangalan..
"Ref..Number 69 na lang pwede?.. "
pagrequest nya..
Pero nagulat sya ng irapan ng referee..
Free throw ni Striker..
Masakit ang gasgas sa tuhod nya..
Inis na inis sya kay Primo pero wala syang
magawa kundi magsintir na lamang..
Di bale..
Kapag naipasok nya ito..
4 na ulit ang lamang nya.
Akmang titira na sya ng biglang kumanta si
Rigor..
"A little bit of Monica in my side..A little of
Erica on my knees..Teka tama ba yung
lyrics?.. " pagkanta nito..
Sumabay sina Denzel..
"One two three four five.. Everybody in the
sun let's come on and ride.. !.. Oh yea !.."
pagkanta nina Gustavo..
Napanganga si Owen..
Nagulat sya ng sipulan ng referee..
"5 seconds !.." sigaw nito..
Nagboo ang mga tao..
Nawala na sa focus si Striker kaya mabilis
nyang tinira ang bola pagkabigay pa lamang
ng referee.
Pero humatsing si Primo sa tabi nya..
Tatawa tawang pinagpapalo ni Zack ang
kaibigan..
Nagharutan sila patungo sa kabila..
Asar na tumayo ang matandang coach..
Sinipa nito ang upuan sabay walk out..
Nagkatinginan na lang ang mga naiwan
nitong players..
Wlang nagawang freethrow si Striker..
2 pa rin ang lamang..
22 seconds na lang ang nalalabing oras..
Hawak ni Zack ang bola.
Pero patuloy na silang nagkalat..
3 sunod sunod na three points ang ginawa
ni Zack dahilan para matambakan ng pito
ang kalaban..
Ang dating 14 points nya nung 1st half ay
naging 28 points tulad ng kay Striker..Pero
batid nyang di pa sya nakakabawi sa
binata..
Sinulyapan ni Striker ang mga kakampi..Tila
ba tanggap na nito ang nakaambang
pagkatalo..
Pero hindi sya..
Kinalma ni Owen ang sarili..
Todo bantay sya..
Sa huling pagkakataon..
Aalisin nya ang kahihiyan na kanina pa nya
nararanasan..
Papanisin nya si Zack..
Hawak ni Zack ang bola..
Iisa lang ang iniisip nila ni Owen..
Sa iisang tira..
Papanisin nya ang binata..
Napatayo si Sab..
Pati sina Vincent at Spolstra ay di maitago
ang antisipasyon sa nalalapit na pagtatapos
ng laban..
Maging ang crowd ay tila nabatu balani na..
Rinig kahit ang pagdribble ni Zack..
Nagsipuntahan na sa gilid sina Primo para
bigyang daan ang gagawin nina Zack..
"Isolation" .. bulong ni Sab..
Nakasalikop ang mga palad..
Rinig ng lahat ang dribble ni Zack.
Walang kumukurap..
Walang nagsasalita..
Nakatitig si Zack sa mga mata ni Owen.
.
Wala syang personal na galit sa binata..
Pero batid nya na kailangan na nyang
tapusin ang laban..
Sa isang iglap..
Mabilis na nagcrossover si Zack pakaliwa..
Napangisi si Striker..
Nabasa nya ang isip ng binata..
Sinalubong nya ito sa kaliwa at hinarap..
Dinipa ang kamay..
Pero walang Zack na sumugod..
Nagdribble si Zack sabay step back..
Ginuhitan ang linya ng tres sabay tingin kay
Owen..
Tinakbo ni Striker ang distansya nila ni
Zack.
.
Tumalon sya ng buong lakas.. Pero huli
na..Naipukol na ni Zack ang bola.
Lahat napatingin sa ere habang lumalapit
ang bola sa ring..
Makapigil hiningang tumalbog ang bola sa
board sabay pasok..
Tulala si Owen.
Parang tumigil ang ikot ng mundo nya..
Ramdam nya na ang kahihiyan na malapit
na nyang marinig...
Pero nagulat sya ng akbayan sya ni Zack..
"Pare..Nice game..Grabe nag enjoy ako.."
humihingal na bati ni Zack..
Napanganga si Owen ng dumugin sya nina
Primo at Gustavo..
Sinikmuraan nila ang Striker bigla..
"Nice game yon ah..Ang lupet nyong
dalawa.." bati ni Primo sabay abot ng
kamay kay Striker..
Napatingin sya sa nakangiting mukha nina
Denzel at Gustavo..
Biglang may yumakap sa kanya sa likod..
"Whew..Kakapagod pota..Damn I can even
feel my heartbeat !.. " pag iingles ni Rigor..
Natawa ang magkakaibigan..
Wala ang mga panlalait na kanina nya pa
inaasahan, bagkus.. Ang nakangiting mukha
nga mga kalaban nya ang tumambad sa
kanya..
Unti unting napangiti si Owen..
"Well, thank you din..Sige..Sagot ko ang
miryenda.. Pero magshoshowe muna
ako..Ang baho ko na eh.." biro nya..
Napatingin sila kay Rigor..
"Oh baket??.. Porke mabaho ako na?.. Di ba
pwedeng tayong lahat?.. " asar na tanong
nya..
Nagtawanan sila at magkakasamang
nagkasiyahan..
Napangiti si Sab sa gilid...Tutop ang bibig
nya..
Naluluha sya sa di maipaliwanag na
emosyon pero napatili ang dalaga ng may
sumundot sa gilid ng balakang nya..
Pagtingin nya ay ang nakangiting mukha ni
Zack ang nabungaran nya..
"Shower lang kame ha?.. " paalam ni Zack..
Ngumiti ng matamis si Sab kahit ramdam
nya ang pamumula ng mukha..
"Sama ko.." ungol ni Vincent..
Nagtawanan na lang sila..
Tumango si Sab..
"Sige..I'll wait for you..Tulad ng ginagawa
mong paghihintay sa akin.." bulong nya..
Nagkangitian silang dalawa hanggang sa
itulak na si Zack ng mga kaibigan nya...

Chapter 20
Nakaupo si Sab sa lilim ng puno kung saan
madalas si Zack na tumatambay...
Hinihintay nya ang binata na lumabas mula
sa locker ng Team..
Napangiti si Sab ng may dalawang kamay
na tumakip sa dalawang mata nya..
Kahit di nya nakikita ay alam na alam nya
kung sino ang gumagawa sa kanya ng
ganito..
"Zack !.." nangingiting sabi nya..
"Di ako to.." maladwendeng biro ni Zack..
Napahagikgik si Sab..
"Hmm..Sino kaya?.. " pagsakay nya..
Napangiti na din si Zack..
"Kuya Rigor?.." bigkas ni Sab..
"Oy di ka pwdeng ganituhin ni Rigor.."
biglang sabi ni Zack..
Inalis nya ang kamay sabay mabilis na
nagtungo sa harapan ng dalaga..
Nakasimangot si Zack na namewang pa..
Bungisngis naman agad si Sab..
"Kita mo to..Tinatawanan pa ako.."
nagtatampong sabi ni Zack..
Lalong natawa ang dalagita sa inaakto ng
binata sa harap nya..
"Biro lang no.. Tapos na kayo?.. Tara na?.. "
aya ni Sab..
Tumango si Zack..
"Tapos na ako.. Si Denz kinakausap pa ni
Coach.. Hintayin ba natin o wag na ?.. "
tanong nya..
Napaisip si Sab..
"San daw ba kayo pupunta?.. " tanong nya..
"Sabi ni Owen manlilibre daw sya eh.." sagot
ng binata ..
Napangiti si Sab..
"Kanina nilalait ka nun .. Tapos ngayon
friend nyo na sya.." puna nya..
Naupo si Zack sabay tumingin sa dalagita..
"Alam mo naman na ayaw kong may
nakakaaway eh.." sabi nya.
Napangiti si Sab, tumango sya..
"Alam ko..Pero nanununtok ka lang.."
bungisngis na sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Ngek..San mo naman nakuha yan?.. "
tanong nya..
"Remember yung first game nyo?.." sabi ng
dalagita..
Muling sumandal si Zack sa bench sabay
tingin sa mga nagdadaang mga estudyante..
Yung iba napapatingin sa kanya at
ngumingiti..
"Ah yun ba..Syempre may dahilan ako.."
mahinang sabi nya..
Lalong napangiti si Sab..
Alam nya ang dahilan ng binata pero di nya
pwedeng sabihin na narinig nya ito..
"Uhm..Ano naman yon?.. " tanong ng
dalagita..
Napangiti si Zack..
"Sikreto.." sabi nya..
"Ay ang daya !.. Sige na !.." pangungulit ng
dalagita..
"Sikreto nga eh..Wag ka na makulit .."
nakangiting sabi ni Zack..
Humalukipkip si Sab sabay simangot..
Saglit silang di nagpansinan..
Ilang sandali lang ay napabuntong hininga si
Zack..
"Hayyy..Andaya mo.." sabi nya..
"Hmmp !.. Ako pa ang madaya ngayon !.. "
taray ni Sab..
"Oo..Wag mo akong gamitan ng ganyang
mukha.." sabi nya..
Napangiti si Sab pero saglit lang..Muli
syang sumimangot..
"Tse.. Pake mo ba?.." taray nya..
"Gusto mo ba talaga malaman?.." mahinang
tanong ni Zack..
"Wag na kung ayaw mo !.." singhal ni Sab..
Muling huminga ng malalim si Zack..
"It's about you.." sabi nya..
Kunwaring nacurious si Sab..
"At bakit ako nadamay?.. " tanong nya..
"Ikaw ang dahilan kaya ko nasuntok yung
mayabang na yon.." matigas na sabi ni
Zack..
Nanatiling nakikinig lang ang dalagita..
"Sabi nya...Ilakad ko daw sya
sayo..Tapos..Iiskoran ka daw nya, tapos
kapag nagsawa na daw sya sayo..I-ipapasa
ka daw nya saken.." mahinga ngunit madiin
na kwento ni Zack.
Kunwaring nagalit si Sab..Ang totoo ay alam
nya na ang buong istorya..Dahil nga yon sa
pakikinig nya nuon..
"Loko yun ah !..Isusumbong ko sya kay
Dad !.." sabi ng dalagita..
"Wag na..Kita mong nasuntok ko na nga
eh.." awat ni Zack..
Ngumiti si Sab..
"Salamat ha.." malambing na sabi nya..
Ngumiti din si Zack..
"Para sayo..Basta ikaw.." ganting lambing
nya..
Kinilig si Sab..
"Salamat sa pagbabantay mo.." bawi nya..
"Kahit buhay ko .. Handa kong ibigay sayo.."
mahinang sabi ni Zack..
Natulala si Sab saglit..Di nya inaasahan ang
pag atake ng sangkaterbang kiliti..
Umiwas sya ng tingin sa binata para itago
ang pamumula ng pisngi..
"B-bakit naman kailangang umabot pa sa
pag aalay mo ng buhay mo?.. Baket ?.."
mahinang tanong nya..
Tumititig si Zack sa nakatalikod na
dalagita..
"Kasi..Mah-" putol nya..
Sa huling sandali .. Humarap si Sab..Nais
nyang titigan ang reaksyon sa mukha ng
binata habang sinasabi nito ang dahilan
nito.
Pero nagulat sya sa lapit ng mukha ng
binata..
Nagtama ang kanilang mga mata..
Napalunok pa sila sa isa't isa..
Bumaba ang tingin ni Sab sa mapupulang
labi ng binata..
"Mah-?. " tanong ng dalagita..
Ngumiti si Zack..Eto na..Matagal nyang nais
na sabihin ang nararamdaman sa dalagita..
Mukhang ngayon na ang tamang oras ..
Huminga sya ng malalim at muling tinitigan
ng matiim ang mga mata ni Sab..
"Sab.." masuyong tawag nya sa pangalan ng
iniirog mula nuon pa..
"Z-zack.." ganting bulong ni Sab..
Unti unti..Naglapit ang kanilang mga
mukha..
"Maha- " bulong ni Zack ng biglang may
narinig syang tumumba...
Agad silang naglayo ni Sab sa isa't isa..
Paglingon nya..Kita nya ang mga kaibigan
na sina Denzel, Primo, Gustavo, Vincent at
Rigor na nasa bandang likod ng bench na
inuupuan nila..
Magkakapatong ang mga ito at tila kanina
pa nakikinig sa pinaguusapan nila..
"Putangna nyo !.. Ang bigat nyo !.." sigaw ni
Rigor..
Tatawa tawang nagsitayuan ang apat na
hari at lumingon sa malayo..Si Rigor ay
hinihilot ang balakang..
"Pare..Kanina pa kayo dyan?.." nakataas
ang kilay na tanong ni Zack..
Napasipol si Vincent..
"Di ah.." sabi nya..
"Napadaan lang ako.." tanggi ni Denzel..
"Nagulat na lang ako nandito na ako eh.. Uy
mga tol nandyan pala kayo?.. " kunwaring
nagulat na sabi ni Primo..
"Wala ako dito..Akala mo lang ako to.. Pero
di ako to.." pag iwas ni Gustavo..
"Ako rin.." panggagaya ni Rigor ..
Napasimangot si Zack at tumayo..
Bigla syang pumatong sa bench sabay
tinalon ang mga kaibgan..
Muli silang napahiga sa damuhan at
natabunan nila si Rigor..
"Waaaaaaa...Mga hayupppp... Mga
sadistaaaaa !!!.." sigaw nya..
Napangiti na lang si Sab at masayang
pinapanuod ang mga kuya nya..
Sa isip isip ay di nya maiwasan ang kiligin
ng sobra..Alam nya ang nais sabihin ni Zack
.. Kahit na di nito naituloy, sigurado sya sa
nais nitong ipahiwatig..
Gusto nya ding sagutin sana ang binata pero
di pa sya sigurado sa nararamdaman..
At isa pa..
Sya ang babae, pwede naman syang
magpakipot eh ..
Nasa gitna sila ng kasiyahan ng makarinig
sila ng tawag..
Paglingon nila ay nakita nila si Owen na
may mga kasamang dalawang lalake at
dalawang babae..
Natatandaan ni Sab na yung dalawang
lalake na kasama ni Owen ay yung
dalawang kasama nito sa basketball
kanina..Pero di nya nakita yung dalawang
babae..Base sa suot na uniporme ng mga
ito, kaeskwela nila ang dalawa..
Lumapit sina Owen kasama ang mga
kaibigan nito..
"Guys, ngapala.. I want you to meet my
team mates..I know na medyo
magkakailangan tayo pero since na ayos na
tayo..Sana pati mga kasama ko ay okay na
din sa inyo.." bungad ni Striker..
Nagkatinginan sina Denzel at Zack..
Napatingin sila kay Primo at ng nakita
nilang tumango ang kaibigan nila ay
masaya sila nakipagkamay sa mga bagong
dating..
"This is Aki and Jomar..Team mates ko.."
pakilala ni Owen..
Napangiti sina Zack sa mga bagong
kakilala..
"Oh, I almost forget.. Their dates..Jonalyn
and Rineza.. Guys meet each other.." muling
sabi ni Owen..
Isa isa silang nakipagkamay..
"So.. Where are we going?.." tanong ni
Primo.
Napaisip si Owen..
"Tulad ng sabi ko..My
treat..Tara...Oopss..Di tayo kasya lahat sa
van.." sabi nya.
Sumingin sina Denzel..
"Sige , I have a car..Pero kulang pa rin
siguro..Sino pa may sasakyang dala?.."
tanong nya..
Nagkibit balikat ang ibang binata..
Ngumiti si Zack..
"Sige pare..Commute na lang kami ni
Rigor.." suhestyon nya..
"Ayaw ko..Dun ako sa kotse..Malamig don
e.." angal ni Rigor..
Napatingin si Sab sa kanya..
"Saan ako?.. " tanong ng dalagita..
"Dyan ka na sumakay kina Pareng
Denzel..Pare paki-ingatan ha?.." bilin nya..
Tumango ang kaibigan nya pero umiling si
Sab..
"Jeep na lang din tayo K-kuya.." tanggi ng
dalagita..
Napangiti na lang si Zack at tumango..
"So pare .. Commute na lang daw kame.."
paalam nya..
"Teka ako na lang sasabay sa inyo..Saan ba
tayo?.." tanong ni Primo..
Sumingit si Owen.
"We own a restaurant..Dun na lang
siguro...Convoy na lang tayo Denzel..Di
naman kayo siguro maliligaw pare?.."
tanong ni Owen kina Zack..
Tumango ang binata..
Nagdesisyon sila na sa restaurant na nila
Owen kumain..
Isa isa silang nag si-alisan..
Lumabas ng campus sina Zack.. Kasama si
Sab at Primo, nag abang sila ng jeep
patungo sa sinabing address ni Owen.
Konti lang ang laman ng jeep na pinara nina
Zack..Nasa bandang gitna sila..Magkatabi
sina Zack at Sab habang katabi ni Zack si
Primo sa bandang kanan nya..
Tahimik lamang sila..
"Pare magbayad ka na .." nakangiting sabi
ni Primo..
Kinapa ni Zack ang bulsa sabay labas ng
pera..
"Bayad manong..Pare yung bayad mo?.."
tanong ni Zack..
Kumapa din si Primo sa bulsa nya pero
umiling ito ilang saglit.
"Wala pala akong barya..Ikaw na mag abono
..Palitan ko mamaya.." nakangiting sabi
nya..
Napatingin si Zack sa mga mata ni Primo..
"Ikaw?.. Magbabayad?.." sumbat nya..
Napangiti ng matamis si Primo..
"Buti alam mong di ako nagbabayad sa jeep
.. Azteg no?.." sabi nya.
Napahagikgik si Sab..
Nakasimangot na nagdagdag ng pera si
Zack para ibayad si Primo..
"Gago ka..Sisingilin kita balang araw.." biro
nya..
Tumango si Primo..
"Mahal kita pare.." ganting biro nya..
Nagtawanan sila ng huminto ang jeep para
sumakay ang dalawang kolehiyala..
Agad na nag ayos sina Zack at Primo
..Nagpacute sila pero napangiwi si Zack ng
makaramdam ng kurot sa braso..
Pagtingin nya nanlilisik ang mga mata ni
Sab..
"B-baket?.." takang tanong nya.
Ngumiti ng matamis si Sab..
"Wala lang..Bakit ka bigla nag-ayos ng
buhok mo?.." bulong ng dalagita..
Nagtaka si Zack..
"Hindi na ba pwedeng mag ayos ng
buhok?.." tanong nya..
Natawa si Primo ng mahina sa tabi ni Zack
pero napangiwi sya ng bigla syang dibdiban
ni Sab..
"Pare..Parang nakikinita ko na..Magiging
macho ka din balang araw .." naiiling na
sabi ni Primo..
Napatingin sa kanya si Zack..
"Anong ibig mong sabihin?.. " tanong nya..
"Magiging machonurin sa asawa..Maniwala
ka sakin.." sabi nya sabay titig kay Sab..
Nagets naman ito ng dalagita at napangiti
sya ng lihim..Ramdam nya ang pamumula
ng pisngi..
Ilang saglit lang ay trapik di kalayuan..
Init na init na sina Sab sa jeep..
"Manong ano po bang problema bakit ayaw
gumalaw?.. " tanong ni Primo..
Napakamot maski ang driver..
"Tiis tiis lang iho..Di ko rin alam eh.." sabi
ng driver..
Sinigawan nito ang katabi nilang jeep..
"Pareng Mart !.." sigaw ng driver ng jeep na
sinasakyan nina Zack..
Nakailang ulit munang sigaw bago narinig
ito ng driver ng katabi nilang jeep..
"Oy Pareng Jasper !.." ganting sigaw nito..
"Lekat ka..Para kang bingi..Maglinis ka nga
ng tenga !.." sigaw ng driver nila..
Tumawa lang ito ..
"Anong problema manong ?.." pagsingit ni
Zack sa usapan ng dalawang driver.
Namamawis na ang leeg ni Sab..
"Ewan ko nga eh.." sabi nito sabay punas ng
pawis gamit ang bimbo sa leeg..
Ilang minuto muna ang lumipas bago muling
gumalaw ang daloy ng trapiko..
"Phew..Akala ko dito na tayo mag
tatanghalian eh.." biro ni Primo..
Napabungisngis ang dalawang babae sa
harapan nila.
Tinitigan ni Primo ang dalawa at
pasimpleng nagpacute..
"Hi.." di na nakatiis na bati ni Primo.
Nagkatinginan ang dalawa ..
Parang nag iisip kung papansinin ba ang
binata..
Sa huli ay ngumiti ang mga ito at gumanti
ng bati..
"Hello.." malambing na sabi ng isa..
"Ako nga pala si Denzel.." biglang pakilala
ni Primo.
Napatingin si Zack..
Akmang tatanungin nya ang kaibigan pero
naramdaman nya ang paghawak nito sa
braso nya..
Napangiti ang dalawang babae sa binata..
"Nice name..Mine is Malyn." sabi ng isang
maiksi ang buhok.
"Ako si Emelyn..Em for short.." nakangiting
nilahad ng dalawa ang mga palad nila..
Inabot ni Primo ang isa at akmang aabutin
din ni Zack ang isa ng bigla na naman
syang kurutin ni Sab.
Nagtatakang napatingin talaga sa kanya ang
binata..
"Baket ba kasi?.. " tanong ni Zack.
Pinandilatan lang sya ng dalagita..
"Paypayan mo ko.." utos nya..
Napangiwi si Zack..
"Wag naman sana ngayon..Nakakahiya oh.."
bulong nya.
Lalong sumimangot si Sab..
"At bakit ka mahihiya sa mga yan?.. Ngayon
nga lang ninyo nakilala eh..At di naman
sayo nagpakilala..Kay kuya Prims.."
nandidilat na bulong ni Sab..
Napakamot na lang si Zack at hinawakan
ang pamaypay ni Sab...Sinimulan nyang
paypayan ang dalaga hanggang sa
makarating sila sa tagpuan..
"Tangna pare ang tagal nyo.." reklamo ni
Rigor habang pinapagpag ang pwet..
"Gago.. Natrapik kame.." maiksing sabi ni
Primo..
"Nasan sila?.." tanong ni Zack..
Nagpauna si Rigor sa pagpasok sa loob..
Sumunod naman sina Zack..
Pasimple nyang nilibot ang mga mata sa
paligid.
"Parang pang mayayaman lang ang
pwedeng pumasok dito pare.." bulong nya
kay Primo..
"Eh bakit tayo nakapasok?.. " banat ni
Rigor..
Konti lang ang tao sa loob at agad nilang
nakita ang mga kaibigan nila..
"Hanep..Namasyal pa ata kayo eh.." pang
aasar ni Denzel.
Dalawang mesa ang inokupa nila..
Tinawag ni Owen ang dalawang waiter..
Hawak ang mga menu na isa isa nitong
inabutan ang mga magkakaibigan..
Magkatabi sina Rigor at Zack.
Nagkandaduling duling sila sa pagbasa ng
menu..
"Pare ano ba yung asparagus?.. " tanong ni
Rigor..
Napalunok si Zack..
"D-di ko alam pre..Basta maghanap ka ng
kilala mo tapos yun ang orderin mo.."
bulong nya..
Inagaw ni Sab ang menu..
"Steak samin dito... Well done..Ano pa
kuya?.." sabi nya.
Nagkatinginan sina Rigor at Zack.
Muli nilang inabot ang menu at tinitigan ang
mga litrato..
"Ano yon pre?.. " tanong ni Rigor.
Tinuro ni Rigor ang isang dish na maganda
ang pagkakaayos..
"Eto na lang pards.." turo ni Rigor sa
waiter..
Nilista naman agad ito ng waiter..
"Sure ka dyan pare?'.. " tanong ni Rigor..
"Wala na akong alam talaga..Ngayon lang
ako nakakain dito... Yung pinakamaganda
na picture na lang tinuro ko.." biro nya..
Nagkatawanan sila..
"Ano sayo?.. " tanong ni Rigor..
"Malay ko pare.. Pero hayaan na natin si
Sab.." sabi ni Zack..
Tumango si Rigor..
Ilang saglit lang ay dumating na ang inorder
nila at nanlaki ang mga mata ni Rigor..
"I-ito na yung inorder ko?.. " tanong ni Rigor
sa waiter..
"Yes Sir.. Thats mashed potato stu.." ..
magalang na sabi ng waiter.
Napatingin si Owen sa kanila...
"Ano pare?..Ayos lang ba kayo dyan?.. "
tanong nito..
Nag thumbs up si Zack..
"Is there anything sir?.. Mam?.. " tanong ng
waiter.
Umiling si Sab..
"Sige na pare..Salamat..Ayaw mo ba?..
marami naman itong dinala mo eh.." pag
aya ni Zack.
Napangiti na lang sina Denzel..
"Uhm.. It's prohibited sir..Thanks anyway.."
sabi nito
Binasa ni Rigor ang nameplate ng waiter..
"Ino?..A-ano ba ito?.. " tanong nya sabay
turo ng mashed potato..
Napangiti ang waiter na si Ino.
"Thats mashed potato sir.." sabi nya..
"Oo nga..Ahhh di bale na nga.." natatawang
sabi nya
Magalang namang nagpaalam na ang waiter
sa kanila ..
Tinitigan ni Rigor ang inorder nya sabay
hinawakan ang kutsara..
Dahan dahan nya itong kinutsara at
tinikman..
Napapikit pa ang binata pero biglang nanlaki
ang mga mata nya..
Nilabas pasok nya pa ang dila nya ..Pilit
nilalasahan ang kinakain.
Napansin ito ni Primo..
"Problema pre?.. " tanong nya..
Umiling ang binata..
"Parang dinurog na patatas na may sabaw
lang eh.." sabi nya..
Natawa si Primo..
"Kaya nga mashed potato engot.." sabi nya..
Sumimangot si Rigor.
"Akala ko kasi masarap..Patatas nga
talaga..Putsa..Ang ganda sa litrato tapos
ganito lang pala ang lasa?..Eh mas masarap
pang magluto ang nanay ko eh.." dire
diretsong sabi nito..
Tarantang tinakpan ni Zack ang bibig ng
kaibigan..
Napatingin sa kanila si Owen..
"Pare ?.." tanong nito..
Umiling sina Zack at Primo..
"No problem amigo.." biro ni Primo..
Ngumiti si Owen at muling pinagpatuloy ang
tanghalian..
Ng hindi na nakatingin sa kanila ang binata
ay magkasunod na dinagukan nila si Rigor..
Umangal ang binata pero inakbayan sya ni
Primo..
"Pare..Wag kang ganyan..Matuto kang
magpahalaga sa bawat grasya na
nakahain.." pangaral nya..
Natahimik si Rigor..
"S-sorry.." sabi nya.
"Isa pa..Mahiya ka naman, nilibre na nga
lang tayo ni Owen tapos lalaitin mo pa yung
mga pagkain nila.." pangaral ni Sab..
Napayuko si Rigor.
"Sorry na nga eh.." kunwaring naiiyak na
sabi nya.
Pero muli lang syang nakatanggap ng
dagok..
Mula ito kay Sab..
"Ang arte mo..Ang laki laki mo tapos
tampuhin ka.." nakasimangot na asar ng
dalaga..
Natawa sina Primo at Zack.
"O loko.." biro ni Zack..
Natawa na lang si Rigor at muling
sumubo..Umiling sya at tinago ang disgusto
sa mukha..
"Naloko ako don ah..Ang ganda sa picture
tapos ito lang pala yon.." natatawang sabi
nya..
Inakbayan sya ni Primo..
"Ganun talaga minsan pare..Kapag tumingin
ka sa panlabas... Natural na madadaya
ka..Kahit sinong sa ganda lamang ng
nakikita ang pinagbabasehan ang
paghuhusga, magkakamali talaga..Dapat
kasi tinanong mo muna kame..Basta ka
nalang nag turo eh.." sabi ni Primo sabay
inalok ang kinakain..
Ngumiti si Rigor..
"Salamat father.." biro nya.
Nagtawanan sila.
Pero nagseryoso si Primo.
"Tulad yan sa mga hunyango..Wag kayong
padadala sa panlabas na
kabaitan..Kadalasan.. Ginagawa lamang yon
ng iba para mapakinabangan nila ang
iba..Matuto kayong magmasid at alamin
kung sino talaga ang mapagkakatiwalaan
nyo..Lalo ka na.." nakatitig si Primo kay
Zack.
Nagtitigan silang dalawa..
"Baket ako?.. " tanong ni Zack.
Nagkibit balikat si Primo sabay tinuloy na
ang kinakain.
"It's for you to find out..Anyway..Masarap
naman ang steak nila...Right
Mrs.Hidalgo?.." biro ni Primo ..
Biglang naubog si Sab..
Bumara ang kinakain nya sa lalamunan..
Tarantang hinagod naman ni Zack ang likod
ng dalagita..
Inabot ni Rigor ang tubig at mabilis na
uminom si Sab..
Pulang pula ang mukha nya ..
Tawa naman ng tawa si Primo ..
Pero bigla din syang napahinto ng bumara
ang kinakain sa lalamunan..
Mabilis ang reaction ni Denzel at Gustavo..
Kinabog nila ang dibdib at likod ni Primo na
naging sanhi para maubo lalo ang binata..
Ilang saglit pa ay nakahinga na ng maluwag
si Primo at pinagkokotongan ang mga
kaibigan.
"Tangna...Bakit kay Sab tubig?.. Sakin
dibdib?.. May pinapanigan kayo?.." asar na
sabi nya.
Nagtawanan lang sila ..
Masayang natapos ang tanghalian..
Ilang oras muna silang nagkwentuhan bago
nagpasyang umuwi ng lahat..
Bago maghiwalay sina Primo at Zack ay
muling tinitigan ni Primo ang kaibigan..
Napatingin din sa kanya si Zack..
"Pare..Tandaan mo ang sinabi ko..Wala sa
tamis ng salita ang tunay na saloobin ng
isang tao..Maraming plastic na sinilang sa
mundo..Tandaan mo yan.." banta nya sabay
sumakay na ng kotse ni Denzel..
Kumaway na lang ang mga kaibigan nya..
Nasa bahay na sila ng masayang ibalita ni
Sab ang nangyari sa laban..
Eksakto namang nakauwi ng maaga si
Saimon..
"Talaga iha?.. Kita mo nga naman
oh..Narinig ko na din yung balita na
malakas daw yung makakalaban nyo
eh..Pero grabe..Tinalo nyo talaga?.. " tanong
ni Saimon kay Zack..
Pangiti ngiti lang ang binata habang
naghuhugas ng plato..
Nasa kusina sila..
Katatapos lang maghapunan.
"Yes Daddy !.. If nakita mo lang si Zack !..
naku.. grabe talaga.. !" tili ni Sab..
Napakamot na lang sa ulo si Zack..
"Di naman .. Ikaw grabe kang makapuri
eh.." sabi nya..
Pero biglang nagtawanan ang mga kasama
nya sa kusina..
Nagtatakang napatingin si Zack..
"Anak .. Puno na ng sabon yung ulo mo.."
sita ni Ditas ..
Nagtawanan muli sila..
"Eh kasi naman..Parang bata..Ako na nga.."
saway ni Sab..
Pinunasan nya ang ulo ng binata.
Nangingiti na lang sina Saimon at Ditas
pero nananatiling tahimik ang nanay ni Sab
na si Bridgette..Nangingiti lang sya..Pero
nananatiling tikom ang bibig nya para
pagmasdan ang anak..
Nangingislap ang mga mata ni Sab habang
nagkukunwento ng mga pangyayari.
"Kung nakita mo lang Dad, Mom, Nanay
Ditas..Nagfake si Zack tapos ginuhitan nya
yung three points ng paa nya..No look !..
SHoooot !!!.." sigaw ni Sab..
Nagtawanan na naman silang lahat.
Ngiting ngiti lang si Saimon sa binata..
Proud sya dito..
Muli na namang nabuhay ang pagnanasa
nyang magkaruon ng anak na lalake..At
mukhang natupad na ito..Kahit na sabihing
di nya tunay na anak si Zack..Itinuturing nya
itong parang kanya..
"Daddy !.." sigaw na tawag ni Sab..
Duon nahinto ang paglalakbay ng
imahinasyon ni Saimon at nakangiting
tinitigan ang anak.
"Yes baby? .. " tanong nya..
Kumandong sa kanya ang bata..
"Sabi ko what if mag out of town tayo this
saturday..Wala naman kaming pasok ni
Zack.." ungot nya.
Tinitigan ni Saimon ang kabiyak..
"Ano Mommy?.. Out of town daw?.." tanong
nya sa asawa..
Napangiti lang si Bridgette.
"Saan naman?.. " tanong nya sa anak..
Napanguso si Sab at nag isip..
"Baguio !.." sigaw nya..
Napanguso din si Bridgette..
"Mommy !.." angal ni Sab..
Natawa ang mag asawa kasama ni Ditas.
"Sige na nga !.. " pagpayag ni Bridgette..
Nagtatalon si Sab sa tuwa at hinalikan ang
pisngi ng ina..
Dinamba nya si Zack at sumampa sa likod
nito..
"Ano ba Sabina?.. " angal ni Zack..
Tatawa tawa lang ang dalagita.
"Baguio daw.." bulong nya sa tenga ni Zack.
Kinilabutan si Zack sa dumaloy na kuryente
sa katawan nya.
"T-teka..Baka may praktis ang team..K-
kayo na lang..T-tsaka walang bantay dito sa
bahay.. " tanggi nya.
Bumaba si Sab at hinawakan ang pisngi ni
Zack..
"Sasama ka.." matigas na sabi ng dalagita.
"Uhmm..".. pakipot ni Zack..
"Zackarias !.." gigil na kinurot ni Sab ang
pisngi ng binata..
Natawa ang mga tao sa kusina maliban kay
Bridgette..
"A-aray !.. Ano ba Sabina.." angal ni Zack..
"Sasama ka.." lambing ni Sab..
"Oo na .. Oo na.." pagpayag ni Zack.
Napangiti si Sab..
Wala sa loob na hinalikan nya sa ilong ang
binata..
Natahimik ang lahat..
Walang nakapagsalita ..
Maski si Sab nagulat sa inasal nya..
Dala ng matinding emosyon kaya nya
nagawa iyon..
Ilang saglit pa ang lumipas bago tumikhim
si Bridgette..
"Lumalalim na ang gabi anak..Pahinga ka
na..Kayo rin Ditas.." sabi nya sabay tayo..
Parang nagkagulatan pa ang lahat ng
magsalita ang babae..
"Y-yeah..Let's go baby..Pahinga ka na din
iho.." sabi ni Saimon.
Magkaakbay na nagtungo sa kwarto ang
mag asawa..
Tila nakahalata si Ditas kaya tumayo na din
sya..
"Oh ako din..Antok na me.." pakwela nya.
Natawa ang dalawa..
Pumasok si Ditas sa kwarto.
Natahimik sina Zack at Sab..
"Uy.." untag ni Zack.
Umangat ang mukha ni Sab..
"Baket?.. " mahinang tanong nya.
"Tulog na daw kayo.." lambing ni Zack..
Tumango si Sab sabay nakayukong lumabas
ng kusina.
Pero pumihit sya at mabilis na hinalikan si
Zack sa labi.
"Goodnight.." mabilis na sabi nya sabay
takbo patungo sa kwarto..
Tulalang napangiti si Zack.
Hinaplos ang mga labi na kanina lang ay
dinampian ng mga labi ni Sab..
Tinitigan nya ang daang tinahak nito..
"Goodnight din mahal ko.." bulong nya...

Chapter 21
Masakit pa ang mga mata ni Sab ng idilat
nya ito sanhi ng naririnig nyang marahang
pagkatok mula sa pinto...
Napatingin ang dalagita sa alarm clock sa
tabi ng mesa..
Alas singko pa lamang..
"Ano ba yaaaannn.." ungol ni Sab.
Di nya maiwasan ang
mapasimangot..Inaantok pa sya.
Alas tres na ata sya nakatulog dahil sa
kakaisip sa isang partikular na tao..
Napangiti si Sab ng maalala ang
pagnanakaw nya ng halik kay Zack..
Pero muli itong nabura ng marinig ang
marahang pagkatok..
Inis na bumangon ang dalagita..
Iinot inot na lumakad patungong pinto at
marahas itong binuksan..
"Baket ba?.. " inis na tanong nya..
Pero napamulagat sya ng makita kung sino
ang dahilan ng pagkatok..
"Good Morning.." baritono ang boses ni
Zack.
Natulala si Sab..
Wala syang maapuhap na salita..
Kagabi lamang ay ang binata ang laman ng
kanyang isip..
Ngayon ay nasa harapan na nya..
Nakangiti si Zack sa harap ng dalagita.
Halatang kagagaling lang nito sa paliligo
dahil mamasa masa pa ang buhok nito..
Amoy din nya ang sabon na ginamit nito..
Napapikit si Sab ng biglang may maalala..
Kagigising lang pala nya..
Ni hindi sya nag abalang mag-ayos man
lang ng buhok..
Baka nga may laway pa sya sa paligid ng
mga labi..
Sa naisip ay tarantang biglang sinara muli
ni Sab ang pinto.
Bumalagbag ito sa mukha ni Zack..
Kung di lang mabilis ang reaction nya ay
malamang na sumalpok ito sa kanyang
mukha..
"Whoa..Baket?.." bulong na pagtawag ng
binata.
Napapikit si Sab sa kabilang pinto..
"S-saglit lang .." sabi nya..
Mabilis syang tumakbo sa banyo para
maghilamos..
Pati pagsesepilyo ay ginawa na din nya..
Record time ang ginawa nya sa bilis ng
pagsesepilyo at paglilinis ng mukha..
Muli syang bumalis sa pinto at huminga ng
malalim..
Sinigurado nya munang presentable ang
ayos nya bago ito muling dahan dahang
binuksan..
Nandun pa rin si Zack at matyagang nag
hihintay..
Napangiti ng kimi si Sab..
"G-good Morning din.." sabi nya.
Lumawak ang ngiti ni Zack.
"Mas maganda ka pa sa morning.." pang
uuto nya.
Kinilig naman si Sab..Muli nyang sinara ang
pinto para itago ang impit na pagtili..
Saglit lang at muli nya itong binuksan..
"Bolero..Aga natin ah.." sabi ng dalagita...
Ngumiti si Zack...Lumabas ang pantay
pantay na ngipin..
Lalong tila naging bato si Sab..
Kailangan nya pang iiwas ang tingin kundi
ay baka di sya makapagpigil..Mahalikan na
naman nya ang binata..
Sa ideyang pumasok sa isip ay muli nyang
naalala ang ginawang kapilyahan kagabi..
Napadako ang kanyang paningin sa mga
labi ni Zack.
Ramdam nya ang pagnanais na muli itong
hagkan..
Tumikhim ang binata..
Napapangiti sya sa nakikita nya sa mga
mukha ni Sab..
Tumingin sa kanya ang dalagita.
Muling naramdaman ni Zack ang pamilyar
na pakiramdam..Mabilis ang tibok ng
kanyang puso at halos di nya na ito
mapigilan..
Nais nyang hagkan si Sabina sa mga oras
na iyon lamang ay natatakot sya na baka
bigla itong magalit sa kanya..
Nagtitigan lamang silang dalawa..Wala
silang masabi sa isa't isa..Kapwa parang
naging tuod na sa pagkakatayo ..
Kung di pa bumukas ang kasunod na pinto
ay di pa sila gagalaw..
Lumabas ang ina ni Sab na nakaroba..
Nagtaka ito ng makita ang dalawa na nasa
pinto at nagtititigan lamang..
"Oh..Anong ginagawa nyo dyan?.. " tanong
ni Bridgette..
Napangiti na parang nahihiya ang dalawa..
"G-ginigising lang po ako ni K-uya Zack,
Mommy.." palusot ni Sab..
Napatango si Zack..
Ngumiti si Bridgette at nilapitan ang
dalawa..
"Kayong dalawa..Wag nyo akong paglaukan
ha..Sige na ..May pasok pa kayo..Mabuti
nga at ginising mo ito iho..Para naman
makatulong sa gawaing bahay..Aba naman
Sabina..Wag kang kain tulog lang .."
pangaral ng ina..
Napanguso si Sabina.
"Mommy !.." nahihiya sya kay Zack..
Pero tutoo naman talaga na kain tulog lang
sya sa bahay..Ni hindi sya humahawak ng
walis tambo para tulungan ang mag-ina na
si Ditas at Zack sa pagmamaintain ng
kaayusan at kalinisan sa bahay..
"Oh baket?.. Sabihin mo nga iho..May mali
ba sa sinabi ko?.." tanong ni Bridgette..
Nanunukso ang mga mata nito na tumingin
at tinapik si Zack sa balikat..
Napakamot si Zack sa batok..
Bagamat nais nyang patotohanan ang ina ni
Sab..Nag aalangan din sya na baka
mapahiya ang dalagita..
Pero sa huli ay naisip ni Zack na kung
mapapahiya man si Sab ay para na din ito
sa kabutihan nya..
Ngumisi si Zack sa dalagita.
"Tama nga po kayo Tita..Kaya ko nga po
sya ginising ng maaga.." biro ni Zack.
Napasimangot si Sab..
Natawa naman si Bridgette at ginulo ang
buhok ni Sabina..
"Kita mo..Ahaha..Dyan na nga muna kayong
dalawa at ipagtitimpla ko lang ng kape ang
Daddy mo.." paalam ng ina..
Hinatid na lamang nila ito ng
tingin...Tinanaw nila hanggang sa mawala
ito sa hagdan..
Biglang napangiwi si Zack ng maramdaman
ang kirot ng kurot ni Sab sa braso nya..
"Anong ibig mong palabasin?.. Na wala
akong silbi dito?.." asar na tanong nya..
Napabungisngis si Zack..Pero napangiwi lalo
sya ng dalawahin ni Sab ang kurot nya..
"N-nagbibiro lang naman ako eh.." palusot
ng binata.
Tinigilan ni Sab ang pagkurot at
sumimangot..
"Sige ikaw na masipag..Ganyan naman kayo
eh.." tampong sabi nya...
Nakanguso si Sab..
Mamula mula ang mga labi nya na inirapan
ang binata..
Napalunok si Zack ng mamasdan ang
kariktan ng bagong gising na Sab..
Lumingon sya sa hagdan..
Walang tao..
Muli syang lumingon sa kwarto ng mag
asawa ..
Mukhang wala namang lalabas..
Huminga sya ng malalim sabay kinalabit
ang dalagita..
Asar na lumingon si Sab..
"Ano ba-" naputol ang sasabihin nya ng
sakupin ni Zack ang makikipot nyang mga
labi..
Nagimbal ang buong pagkatao ni Sab..
Nayanig ang kanyang sistema..
Nawala ang inis na nararamdaman para sa
binata at napalitan ito ng laksa laksang kilig
at kung ano pang pakiramdam na di nya pa
kayang pangalanan..
Ito na ang kagabi nya pa gustong maulit..
Lamang ay nahihiya sya dahil baka sabihin
ng binata na masyado syang garapal...
Di na nagpakipot pa si Sab..
Pinalibot nya ang mga maliliit na braso sa
leeg ng binata at nangunyapit na dito..
Hinatak nya ang batok ni Zack para lalo
pang ipagdiinan ang halik na
pinagsasaluhan nilang dalawa.
Walang kasing ligaya ang nararamdaman
nilang dalawa.
Pakiramdam nila ay nasa alapaap sila at
wala ng nais pang bumalik pa sa lupa..
Huminga si Sab at humabol ng hangin dahil
kinakapos na sya..
Kumalas ng halik si Zack pero napangiti sya
ng muli syang hapitin ni Sab at lamukusin
ng halik..
Parehas nya.. Para ding uhaw na
manlalakbay ang dalagita at nakakita ito ng
tubig na nanggagaling sa bibig nya..
Masuyong hinagod ni Zack ang likod ng
dalagita..
Lumalalim pa ang halik nila ..
Pero kahit anong sarap ng pakiramdam,
kailangan itong matapos..
Hinawakan ni Zack ang pisngi ni Sab at
marahan syang umatras..
Nakapikit pa rin ang dalagita..
Nakaawang ang makikipot at mapupulang
mga labi ...
Humabol pa ito ng halik..
Pero siguro nagtaka ito ng wala ng
maapuhap ang mga labi..
Dahan dahang dumilat si Sab..
Namumungay ang kanyang mga mata..
Napangiti ng masuyo si Zack..Hinaplos ang
makinis na pisngi ng dalagita..
"S-sab.." anas nya..
"Zack.." ungol ni Sab..
Ngumiti silang dalawa sa isa't isa..
"Mah-.." nais ng sabihin ni Zack ang
nararamdaman pero natatakot pa rin sya sa
maaaring maging epekto nito..
Baka mabigla si Sab..
Baka bigla itong lumayo sa kanya..
Kailangan nyang mag ingat..
Muli nyang sisikilin ang damdamin para
pareho nilang katiwasayan..
Bagamat hirap na hirap sya..Kailangan
nyang magtiis dahil bata pa si Sab..
Maaaring parehas nya na matindi din ang
nararamdaman nito pero natatakot syang
hindi pag ibig ang kay Sab..
Maaaring paghanga lamang ito ..
Samantalang sya ay siguradong sigurado na
pag ibig na ang nararamdaman nya para sa
dalagita..
Kailangan nya pang mag hintay..
Kailangan nya munang may patunayan sa
dalagita bago nya lakas loob na isisiwalat
ang nararamdaman..
Ngumiti si Zack..
"Sige na..Maligo ka na para maaga tayong
makapasok.." sabi ng binata..
Tumango ang dalagita..
Nakangiti itong umalis sa pinto...
Hati ang loob na bumaba si Zack para ituloy
ang mga gawaing bahay..
Tulad ng inaasahan..Maagang nakarating sa
eskwela ang dalawa...
Dahil pareho pang walang klase..
Tumambay muna sila sa paboritong spot ni
Zack..
Sa lilim ng isang mayabong na puno..
Magkatabi silang nag kukunwetuhan..
Rinig ang malulutong na tawa ni Sab..
"Langya.. Natawa talaga ako kay Rigor nun
eh.." kwento ni Zack..
"Ahahaha..Kung nagtanong kasi sya..Maski
naman ako konti lang alam ko sa mga
nakalista dun sa menu.. Di tuloy sya nag
enjoy.." natatawang kwento din ni Sab..
Natigil ang kwentuhan nila ng may dumaang
dalawang magagandang babae..Kapwa nila
estudyante..
Natatandaan ito ni Sab..Ito yung mga
candidates para sa Ms. Campus..Tumaas
ang kilay nya ng magbulungan ito sa harap
nila at ituro si Zack..
Di siguro nakatiis ang isa kaya dahan dahan
itong lumapit..
"Ahm.. Excuse me..Zack Hidalgo right?.. "
tanong ng isa..
Ngumiti si Zack..
"Oo.. P-paano nyo nalaman?.." tanong ng
binata..
Napatili ang isa at tinawag ang kasama
nito..
"Shei dali !.. Sabi sayo mabait to
eh..Anyway I'm Janine..But you can call me
Nhynn.." pakilala ng babaeng may
mahabang buhok..
Akmang iaabot na ni Zack ang kamay nya
pero hinarangan ito ni Sab..
"Thank you.. " pagtataray ng dalagita.
Napataas ang kilay ni Nhynn..
"Uhm.. I was talking to Zack.. Would you
mind?.." halatang nagpipigil lamang ito sa
pagtataray..
Inis na humalukipkip si Sab.
"Kamusta ka Nhynn?.." tanong ni Zack..
"Oh I'm Fine ..Really..Hey sis..Dito ka na
kasi.." pagtatawag nito..
Nakangiting lumapit ang kulot na babae ay
pasimpleng inabot ang palad nito kay Zack..
"Sheila..Shei for short.." kiming pakilala nya.
Inabot din ni Zack ang kamay ng babae ..
"Anong section mo?.." tanong ni Nhynn..
Umepal si Sab.
"Baket?.." tanong nya.
Pero di sya pinansin ng dalaga.
"Sabay tayong mag lunch?.. Kung okay lang
sayo..Treat namin..Parang cogratulatory
treat namin kasi tinambakan nyo yung isa
sa pinakamagaling na Team sa District
natin.." sabi ni Shei..
Napatingin ang binata sa dalagitang nasa
tabi nya..
"Ah sorry ah..Kasi may date kami eh..Di
ba?.." tanong ni Sab..Nasa mata ang
pagbabanta na di pwedeng tanggihan ni
Zack.
Kakamot kamot na umiling ang binata..
Sayang ang libreng tanghalian..
"S-sorry..Pero sabay kasi kaming kumakain
eh.." sabi nya sa dalawang dalaga..
Nanghihinayang namang napaungol ang
dalawa..
"Ayy..Sayang..Pero ok lang..May next time
pa naman eh..Kapag wala ka ng kasamang
bata.." pang aasar nito kay Sab..
Nais maghurumentado ng dalagita pero
naawat sya ni Zack.
"Ahaha..Sige..Salamat sa alok..Sa susunod
na lang siguro..Salamat ha.." sabi nya..
Ngumiti ang dalawang dalaga at nagpaalam
na..
Naglakad na ito patungo sa parehong room
para sa klase nila..Patingin tingin kay Zack..
Tumayo si Sab..
"Oy maaga pa.." awat ni Zack..
Pero di sya pinansin ng dalagita..
Tarantang hinabol ito ni Zack..
Napigilan nya sa braso si Sab ..Inis na
humarap sa kanya ang dalagita..
"Baket ba?.." asar na tanong nya.
.
Natatawa si Zack pero tinago nya ito dahil
baka masuntok lang sya ng dalagita.
"Baket ba?.. Eh kanina ang saya ng
kwentuhan natin don tapos lalayasan mo
ko..Eh ang aga pa oh .. Kalahating oras pa
ata bago ang first subject mo.." paliwanag
nya..
Pero umirap si Sab..
"Eh ano?...May fans ka naman eh.." asar na
sabi nya..
Di nya maintindihan ang
nararamdaman..Nais nyang mag wala ..Inis
na inis sya sa dalawang babaeng lumapit sa
binata pero di naman nya alam kung bakit..
"Nagseselos ka ba?.. " biglang tanong ni
Zack..
Nanlaki ang mga mata ng dalagita at
muling bumalik para bayuhin ang dibdib ng
binata.
Tatawa tawang umiwas si Zack..
"Ang kapal ng mukha mo..Bakit ako
magseselos?.. Bakketttt?.. " sigaw nya.
Umaagaw na sila ng pansin ng mga
nagdadaang mga estudyante..
"Ewan ko sayo..Kaya nga tinatanong kita
eh.." natatawang tanong ng binata..
Lalo lang pinagsusuntok ni Sab ang braso ni
Zack.
Nasa kalagitnaan sila ng paghahabulan ng
biglang tumunog ang bell.
"Oh ayan na..Time na .." nanghihinayang na
sabi ni Zack.
Humihingal si Sab sa ngitngit dahil di nya
maabutan ang binata..
Mabilis itong tumakbo..
Lumapit sa kanya si Zack at naglabas ng
panyo..
"Pinawisan yung noo mo..Kaw kasi eh.."
sabi nya..
Dahan dahan nyang dinampian ng panyo
ang noo ng dalagita..
Natameme si Sab..
Pakiramdam nya ay may gumapang na
kuryente sa buong katawan nya sa simpleng
gestures ng binata.
"Ayan..Sige na.." untag ng binata.
Napangiti si Sab.
"Salamat.." sabi nya.
Naglakad palayo si Sab patungo sa kwarto
nya..
Dahil sa hiwalay na building sila..
Malapit na sya sa bukana ng gusali ng may
sumalubong sa kanyang lalake..
Napasimangot sya ..
Isa ito sa mga makukulit na manliligaw
nya..
"Uy .. Nandyan ka lang pala..Sabay na tayo
sa pag akyat.." sabi ng lalake..
Sa malayo ay akmang tatalikod na sana si
Zack pero nahagip ng mga mata nya si Sab
na sinalubong ng binatilyo..
Mabilis pa sa alas kwatro ang reaksyon nya.
Para syang ninja na tinakbo ang distansya
ni Sab.
Nagulat ang dalagita ng may humawak sa
braso nya.
Paglingon nya ay di nya maiwasan ang
mapangiti ng lihim..
"Tara na Sab..Baka malate ka pa.."
seryosong sabi ni Zack..
Nilampasan nila ang kaklase ni Sab at
umakyat ng hagdan..
Tahimik silang sumabay sa agos ng mga
estudyanteng tinatahak din ang daan
patungo sa mga rooms nila..
Hanggang pinto ng kwarto ay hinatid ni Zack
ang dalagita..
"Sige na.." paalam ni Zack.
Pero napahinto sya dahil kakaiba ang ngisi
ni Sab.
Nagtatakang nagtanong sya.
"Oh baket?.. " tanong ng binata.
"Someone's jellyfishy.." nakangiting sabi
nya..
Pero tumalikod si Zack..Inirapan ang
dalagita..
"I don't know what your talking talking.."
english carabao na sagot nya sabay mabilis
na tumakbo pababa ng kwarto..
Late na din sya..
Nagulat ang mga kaklase ni Sab ng biglang
humalakhak ang dalagita sa pinto..
"BWAHAHAHAHAHA !.." sigaw nya..

Chapter 22
Matamang nakikinig ang mga estudyante sa
buong kwarto maliban sa isang binata ...
Nakatunganga lang sya at nakatitig sa
blackboard pero naglalakbay ang kanyang
diwa..
Kinalabit sya ng katabing lalake..
Bahagyang nagulat pa si Zack..
"Ano ka ba Zack?.. Baka mapag initan ka ni
sir.." bulong nito..
Inayos ng binata ang sarili..
Binalik ang atensyon sa guro..
Pero nakapagtatakang di pumapasok sa isip
nya ang mga nilelesson ..
Napapangiti sya ng walang dahilan..
"So this is the main reason why Jose Rizal
chose Simoun to be his character in his
Famous second novel El Filibusterismo..And
this is my question, Why Dr.Jose Rizal did
chose Simoun to be the main character?.."
tanong ng guro ..
Napatingin ang mga kaklase ni Zack sa
kanya..
Patuloy lamang sa pagngiti ang binata
habang nakatingin sa malayo..
"Ahem.." pagtawag pansin ng guro..
Pero tuloy lang sa pag dadayream si Zack..
Sa isip ay nasa isang isla daw
sya..Tumatakbo..
Nasa harap nya ang dalawang babae..
Isa ay bata..
Nakatalikod sa kanya ang dalawa.
Nakatingin sa asul na karagatan..
Tinawag nya sa pangalan ang babae...
Pero di nya narinig ang sariling boses.
Ngunit tila narinig naman nito..
Akmang haharap na ang dalawa ng biglang
dumagundong..
Nakarinig si Zack ng mga tawanan..
Ilang saglit pa ay muling dumagundong..
Duon naputol ang paglalakbay ng diwa ni
Zackarias..
"Zackarias Hidalgo.." banayad ngunit madiin
na pagkakatawag ng guro sa pangalan ni
Zack..
Napangiwi ang binata ng makita ang
nakakunot na noo ng guro.
"S-sir?.." tanong nya.
Bungisngisan ang mga estudyante..
Huminga ng malalim ang guro at ngumiti ng
pilit..
"Answer my question Mr.Hidalgo.." sabi pa
nito.
Lalong tumabingi ang mukha ng binata.
Halatang nagtitimpi lamang ang guro..
Kita naman sa naggagalawang ugat nito sa
panga.
"San ka ba kasi nakarating na ?.. " nakangiti
pang tanong nito..
Pero batid ni Zack na props lamang ang
mga ngiti.. Nasa likod nito ang
nagbabantang galit..
"D-dyan lang sir.." biro pa nya..
Pero di natawa ang guro..
Pinalo nito ang hawak na libro sa arm chair
ni Zack..
"So, you attend my class just to
daydream?.." kunot noo nitong tanong..
Mabilis na umiling si Zack..
"Di po sir..May iniisip lang po.." mahina
nyang sabi..
Pinaikot ng guro ang mga eyeballs nito at
muling bumalik sa harap ng klase..Tinitigan
ang binata..
"Okay..So.. Just answer my question.."
mabining tanong nito..
Kakamot kamot si Zack sa ulo..Hindi nya
alam kung ano ang tanong..
Napapailing na ang guro..
"You can't sit down and daydream again if
you don't give me the answer to my
question.." pagbabanta nito..
Nagsimula ng kabahan ang klase pati na si
Zack..
"I'm sorry sir.." hinging paumanhin nya..
Nagulat ang lahat ng muling ihampas ng
guro ang hawak na makapal na libro ng
Filipino sa mesa..
Tinukod nito ang isang kamay at dinuro si
Zack..
"Kilala kita Zackarias... Your a member of
school varsity right?.. Siguro iniisip mo na
porke varsity ka, you can take the class
easily..Kabisado ko na ang mga tipo
mo..Para kang yung nasa kabilang section
na si Denzel Guzman..Team Captain nyo
yon right?.." tanong nito..
Napalunok si Zack..
Mukhang napaaway pa sa gurong ito ang
kaibigan nya..At mukhang sya ang malas na
pag bubuntunan ng galit nito..
Bago pa makareact si Zack ay nakarinig sila
ng tawanan..
"Yooohooo.. ! Mr. Zackzakan ng
kupad..Where are you.." sigaw ng isang
lalake..
Natawa ng lihim si Zack..
Boses ni Rigor..
Malamang na hinahanap sya..
Ilang saglit lang ay dumungaw ang
dalawang ulo..
Di nga sya nagkamali..
Nasa pinto ng kwarto nila sina Rigor at
Denzel.. Nakangisi sa kanya ang mga
kaibigan..
"Practice time.." pagtawag ni Denzel..
Pero biglang natulala ito ng makita kung
sino ang teacher nila..
Nameywang ang guro ni Zack at tiningnan
ang mga bagong dating.
"Hoy !.. Magsilayas nga kayo dyan kung
ayaw nyong ipaguidance ko kayo !.." sigaw
nito..
Natakot ang mga estudyante..
Nagkatinginan sina Rigor at Denzel..
"P-pero sir..Practice na po namin..May
excuse po kame.." pangangatwiran ni Rigor..
Nahindik ang guro..
Tila sasabog na ang ulo nito at nilapitan
ang dalawa..
Napaatras si Denzel..Nagtago sya sa likod
ng malaking taong si Rigor..
Pero tila nanliit ang binata ng harapin ng
mabagsik na guro..
Nilahad nito ang palad..
"May I see that ?.." mataray na tanong nito..
Nanginginig ang mga kamay na inabot ng
binata ang kapirason papel..
Mabilisan namang binasa ito ng guro.
Maya maya ay tila lalo itong nabwisit..
"Damn !.." bulong nito..
Bumaling ang tingin nito sa dalawa..
Nagkatulakan sina Denzel at Rigor..
Pero inirapan lang sila ng guro at pumasok
muli sa classroom..
Padabog itong naupo at tinitigan si Zack na
nananatiling nakatayo..
Biglang tumaas ang isang kilay ng guro..
"He can go.." sabi nito..
Nakahinga ng maluwag si Zack..
Nag-apir sina Denzel at Rigor..
Pero humirit pa ang teacher..
"If he could answer my question.." pahabol
nito..
Nanlumo si Zack.
May pag asa syang makalabas.. Kung alam
nya ang tanong..
Pero talagang nag lalakbay ang utak nya
kanina..Aminado naman sya sa bagay na
yon..
"S-sir..Can you repeat the question?.. "
magalang nyang tanong..
Tila naman naalibadbaran ang guro..
"Why would I ? .. " pang aasar pa nito..
Napangiwi si Zack.
"For him to answer it.. Gay.." bulong ni
Denzel..
Biglang napatayo ang guro..
"What did you say?.. " tanong nito..
Napatingin sa malayo ang dalawang binata..
Natawa ng lihim ang buong klase..
"S-sir..Pasensya na po talaga..Aminado po
ako na di ko narinig kanina..May iniisip lang
po talaga ako..Sorry po .." paghingi ng
tawad ni Zack..
Napaismid lang ang guro..
Dinampot nito ang libro at pabalagbag na
binuksan sa isang pahina..
Mabagal at malakas nitong binasa ang
tanong habang patingin tingin kay Zack..
"We all knew.. That before Simoun of El
Filibusterismo..It was Crisostomo
Ibarra..The question is..Why Doctor Jose
Rizal changed his main character?.. I mean,
not in the sense of physical body..But what I
want to ask is why he changed it..In the
sense of character itself..You get it?.. You
understand it?.. Or you want me to translate
it to Tagalog?..Anyway.. Anong araw ang
dayoff ng nanay mo?.." nang uuyam pang
tanong nito.
Umalma si Rigor..
Pero inawat sya ni Denzel..
"Pabayaan mo sya.." sabi ng binata..
Kahit na inis.. Pinilit pigilan ni Rigor ang
sarili..Nais nyang ipagtanggol ang kaibigan
sa mapang lait nilang guro..
Wala na syang nagawa kundi panuorin na
lang ang kaibigan nya..
.
Nahindik ang binata sa sinabi ng teacher
nya..
Nagtawanan ang kanyang mga kaklase..
Gusto nyang magalit.. Pero naalala nya ang
kanyang ina..Sinikap nitong itaguyon sya
para makatapos.. Hindi nya kailangang
makipag away..
Kahit na sa mga oras na iyon ay gustong
gusto nyang buntalin ang guro..
Huminga ng malalim si Zack..
Nainsulto sya ng bahagya sa di direktang
panlalait ng guro..
Kalat kasi sa buong unibersidad na paaral
lamang sya..Isang katulong na kundi
maninilbihan ay di makapag aaral..
Tumiim ang bagang nya..Pero di sya
nagpakita ng kahit konting kapikunan..
Bagkos.. Sinimulan nyang mag proseso ng
sagot sa karipasong laman sa ulo nya nag
tataglay ng kamangha manghang abilidad..
Napatingin si Zack sa mga kaibigan..
Nag thumbs si Denzel na parang sinasabi
nito na sisiw lamang sa kanya ang tanong ..
Si Rigor naman ay tumatango tango habang
nakahawak sa baba nito..
Animo'y pinag aaralan din ang tanong..
Huminga ng malalim ang binata..
Lipas na ang galit na dumaan sa sistema
nya..Mabilis nya itong winaksi para di
maapektuhan ang kanyang pagkatao..
Tinitigan nya ang guro..
Tumaas ang isang kilay nito..
"Sir... What am I going to say is only based
on my opinion.." bungad nya..
Tumango ang guro.
"I think the first famous novel of Dr. Rizal is
all about the love and passion, not only the
characters of the story but also Doctor Rizal
itself.. As you can see, almost half of the
story was used to showcase the love of
Crisostomo Ibarra for Maria Clara.. Several
occassions were written about how he
showed his love for her childhood
sweetheart.. His soft and kind heart captured
the pure love of the main female character
of this novel which is Maria.." dugtong nya..
Nakinig ang lahat..
"But that was not the question I know.." sabi
pa ni Zack..
Ngumiti ng plastic ang guro..
"As you can see, the last part of the first
novel ended to a tragedy.. Where soldiers
haunting Cristomo up to the river.. They
thought they killed Ibarra.. But as we all
know, they did'nt .. And it is because of the
help of no other than Elias.. His sidekick.."
dagdag ni Zack..
"Kung pagbabatayan natin ang pagwawakas
ng first novel.. We can all see why Doctor
Rizal changed the character of the main
character. With the help of Elias, Ibarra
escaped.. Then Simoun appeared.. With
vengeance and hatred.." madiing sabi ng
binata..
Walang nagsasalita .. Tanging ang binata
lamang ang nakatayo at nag momonologue..
"So what are you trying to say Mr.
Hidalgo?.. Why Simoun wants revenge ?.."
tanong ng guro..
Ngumiti si Zack..
"Kahit sino kagalang galang na guro ko..
Kahit gaano kabait ang isang tao..Nauubos
din ito..Kung ihahalintulad mo ang kabaitan
ng isang tao sa apoy sa mitsa ng isang
kandila.. Maalab at nakakapaso.. Pero
nauupos.. Umuunti.. Nauubos.. Nawawala..
Kahit anong busilak ng puso ng isang
nilalang, kapag mahal mo sa buhay ang
kanyang nilapastangan sa kanyang
harapan.. Nagbabago ang puti nyang puso..
Nagiging itim.." nakatitig si Zack sa guro..
Napalunok naman ang teacher..
Pati klase ay walang masabi sa binata..
Nuon lamang nila nakita na nagningas ang
mga mata ni Zack..
"Di santo si Simoun tulad ng ibang tao sa
mundo Sir... Kahit na pinapakita nilang
mabait sila, may tinatago din silang
kasamaan sa katawan..At lalabas lamang
ito sa oras na salingin mo o pagsalitaan
ang mga mahal nila sa buhay... Kaya
nagbago si Ibarra.. Lumabas si Simoun.. "
gigil nyang sabi..
Eksaktong tumunog ang bell..
Mabilis na nilikom ni Zack ang mga gamit
nya..
Nilapitan nya ang mga kaibigan na tahimik
syang inakbayan at inakay pababa ng
hagdan..
Dire diretso sila sa locker nila...
Tahimik na nagpalit ng damit at lumang
rubber shoes si Zack..
Nanginginig ang kanyang mga panga..
Ni hindi nya maibuhol ang sintas ng sapatos
sa galit na nararamdaman laban sa guro na
lumait sa kanyang ina..
Maya maya ay naramdaman nya ang
pagdantay ng kamay sa balikat nya..
Paglingon nya ay nakangiti ang kaibigang si
Denzel sa kanya.
"Pare.." pagtawag nito..
Ngumiti ng kimi si Zack..
"Ayos lang pare.." sabi nya..
Tumabi sa kanya ang kaibigan..
Di sila nagsalita ng ilang minuto hanggang
sa nagdatingan na din ang mga kasama
nila..
Nagpapasalamat si Zack sa presensya ni
Denzel at Rigor sa tabi nya.
Hinintay muna nilang maubos ang mga ka
team mates sa locker bago sila naglakad
palabas..
Wala na sanang magbabanggit ng nangyari
ng biglang nagsalita si Rigor..
"Pare.." seryosong tanong nito..
Ngumiti si Zack ..
"Okay lang pre.. Salamat.." inunahan nya na
ang kaibigan..
"Di pare.." pero umiling si Rigor..
Nagtatakang napahinto sa paglalakad si
Zack at Denzel..
"Baket?.. " tanong ni Zack..
Nag alinlangan pa si Rigor kung itutuloy pa
ba nya ang tanong o hindi..
"Sige na pre.. Para matapos na.. Ayos lang
ako.." sabi ni Zack..
Huminga ng malalim si Rigor .. Parang
nahihiya ito sa mga kaibigan.. Pero sa huli,
buo ang dibdib na nagtanong..
"Ano ang spell ng vengeance ?.. " mahinang
tanong nya..
Nagkatinginan sina Denzel at Zack..
"Pare.." tanong ni Denzel..
"Pare.." pagsagot ni Zack..
Nagtanguan sila..
Inakbayan ang isa't isa at iniwanan si
Rigor..
"Bahala ka dyan gago.." sabay nilang sabi..
Dismissal.
Naglalakad si Zack patungo sa classroom ni
Sab..
Nagtataka ang binata dahil dapat ay nasa
bench na ang dalagita.. Kadalasan ay
nauuna itong lumabas sa kanya..
Pagdating nya sa kwarto ay mabilis na
nagtago ang binata..
Mula sa maliit na siwang ng bintana..Kita
nya ang kaganapan sa loob.
Mukhang may klase pa kahit na nagbell na..
Mukhang may recitation na nagaganap..
Di alam ni Sab na nandun na sya..
Sinuyod nya ng tingin ang dalagita..
Wala ito sa dati nitong upuan..
Napunta ito sa bandang harapan..
Kita ni Zack ang pamamawis sa nuod ni
Sab..
Kinakabahan sya..
Para sa dalagita..
"Sana po madali lang ang tanong sa
kanya.." panalangin ni Zack..
Ganun din ang dasal ng dalagita..
Taimtim syang nananalangin na sana ay
madali ang mapuntang tanong sa kanya..
Wala syang kaide ideya sa mangyayaring
recitation sa araw na ito..
Sabagay..
Hindi naman tatawaging "Surprise
Recitation" ito kung alam nila kung kelan..
Pero di nakatulong kay Sab ang joke nya sa
sarili.
Kinagat nya ang kuko..Kumukuha ng lakas
ng loob at talino ..
Nag aalala sya kay Zack..Baka naghihintay
na ito sa tagpuan nila..
Pero sana nga ay maghintay na lamang ito..
Di nya masikmura kung bigla na lamang
itong umakyat sa classroom nya dahil sa
inip at makita ang sitwasyon nya ngayon..
Kulang na lang ay kainin na ni Sab pati
daliri nya sa nerbyos..
Ayaw nyang magmukhang tanga..
Yun ang pinakaayaw nya sa lahat..
Random ang tawag ng pangalan..Kaya sya
nalipat ng pwesto ay dahil ginawa ng
alphabetical order ang seating positions..
Na talaga namang ikinainis nya dahil
napalayo sya sa mga matatalinong kaklase..
Nasa kalagitnaan ng pagsisintir si Sab ng
biglang sumigawa ng guro..
"We've been studying for almost a year now
Princess !.. And still you didnt know whats
the answer.. My god.. Sinasayang mo ang
perang pinapang aral sayo ng mga
magulang mo !.. Sit down !.. You got a 75
for recitation !.." sigaw ng babaeng guro..
Adviser pa naman nila ito kaya masyadong
istrikto sa kanila..
Kailangan daw nila ang nasabing recitation
para sa paparating na exam..
Random names.. Random questions..
Depende pa naman kung saan ka mahina.
Matinding matindi ang pagtawag ni Sab kay
Papa J..
"Papa J.. Sana po 1 + 1 na lang ang
itanong saken .. Promise po.. Di na ako
manunuod ng TV sa gabi..Tutulong na din
po ako sa household chores.. "
pakikipagbargain nya kay Papa J..
Napapitlag pati si Zack ng tawagin ng guro
ang pangalan ng dalagita.
Kahit di nya ugali ay nakagat nya na din ang
kuko sa nerbyos..
Tumayo ang dalagita ..
Lumunok ng laway .. Kahit tuyong tuyo na
ang lalamunan nya..
Tumingin sa kanya ang guro at ngumiti..
"Ms. Sab.. I hope your not like your friend.."
tanong nito..
Ngumiti din ng kimi si Sab..
Sinimulang pag aralan ng guro ang mga
grado ni Sab..
Ng ilang saglit lang ay nagbukas ito ng libro
at naghanap ng maaaring itanong..
Nanlumo si Sab ng makitang Science book
ang binuksan nito..
"Sana English na lang .." nanghihinayang na
sabi nya.
Tumayo ang teacher at lumapit kay Sab..
"So here..Sab... Sabi ng teacher nyo nandito
na daw kayo..Hmm.. Ah ito..So, what are
the functions of the heart and brain.. And
give me their importance.." tanong ng guro..
Nabuhayan si Sab..
Medyo pamilyar sa kanya ang tanong..
Pero sa kasamaang palad ay di nya
maapuhap ang nais sabihin..
Ilang minuto ang lumipas ..
Nais ng maihi ni Zack..
Ayaw nyang mapahiya ang dalagita..
Mukhang sa inaasta nito ay yun nga ang
mangyayari.
"Diyos ko..Masagot po sana nya.."
pagdadasal ng binata..
Mabilis na ang kabog ng dibdib ni Sab..
Nakalimutan nya na ang ibang detalye..
Nasa dulo na ng dila nya ang sasabihin
pero di nya talaga kayang pangalanan..
Napatingin sya sa guro..
Nakataas na ang kilay nito..Tanda na
naiinip na rin..
Ngumiti ng nagpapaunawa si Sab..
Nilibot nya ang tingin at di sinasadyang
napatingin sya sa mga naglalakad na
estudyante sa grounds.. Papauwi na ito..
Hindi ang ideya ng uwian ang nagpangiti sa
kanya kundi ang dalawang magkasintahan
na magkahawak kamay habang naglalakad..
Naalala nya si Zack..
Tumikhim ang guro..
"So what now?.. " inip na tanong nito..
Ngumiti ng maluwang si Sab..
"Sorry for the delay mam.." sabi nya..
Tumango lang ang teacher..
"As for the first question.. Functions of heart
and brain..First is heart, alam po nating
lahat na importante ang dalawang organ sa
ating katawan.. Pero syempre... May kanya
kanya silang trabaho.. Parang sa bahay..
Ang pag supply ng dugo sa bawat system
sa ating katawan ang syang pangunahing
trabaho ng Puso.. Sya ang nag papupmp
paikot ng blood, nutrients at vitamin na
kailangan ng ating katawan.. Kung wala po
ang puso.. Di gagalaw ang dugo.. Di
gagapang ang mga bitamina na kailangan
natin sa ating katawan.. Kaya natural na
mahalaga ang ating Puso.. Ngayon naman
po .. Ang ating utak.. Funny speaking.. Pero
ang utak ay ang utak ng lahat..Sya ang may
pakana kaya gumagana ang ating katawan..
Kapag po gusto nating maglakad.. Ang
mensahe po ay pinapadala natin sa utak at
pinapadala naman ng utak natin patungo sa
ating mga paa.. Kaya po sya gumagalaw....
" nakangiting sagot ni Sab..
Napangiti din ang guro ..
Namangha ang mga estudyante sa
dalagitang antukin..
"Ang bangis.." nababaliw na sabi ni Zack..
Manghang mangha sya sa dalagita..
"Good job Sab.. uhm.. Wag ka sana
magagalit.. Isa pa.. Galing mo kasi sumagot
eh.. Sabi ng iba.. Mas importante daw ang
utak... Sabi naman ng iba.. Ang puso daw..
Sa tingin mo.. Sinong mas tama ?.." tanong
ng guro..
Napasimangot si Sab.. Di naitago ang inis
dahil sa dagdag na pasakit sa utak nya.
Napanguso pa sya..
Sa labas naman ay gigil na si Zack sa itsura
ni Sab.
Cute na cute sya sa itsura ng
dalagita..Nakausli ang mapupula nitong labi
na natural at walang halong lipstick..
Sa mga oras na iyon ay gusto nya ng
halikan ng madiin ang dalagita.
"I think mam gasgas na ang linya ko..Pero
po sa tingin ko ay wala akong pipiliin sa
kanila.. Pareho silang mahalaga.. Katulad
ng mga magulang ko..Kung ang tatay ang
nagsusupply sa amin ng mga kailangan
namin sa buhay.. Ang nanay ko naman po
ang matalinong nagsisinop nito at nagsasabi
kung saan at kailan ito gagastusin.. Now,
sino po ang gustong mawala ang isa sa
mga ito?.. " tanong ni Sab..
Bilib ang guro sa dalagita..
"Thank Sab for her answer.. Satisfy na ako
for today.. Tomorrow naman ulit.. Sa mga di
pa nakakarecite.. You have time to review..
And to those na di nakasagot.. Sige.. Dahil
sa ganda ng sagot ng classmate nyo.. May
chance pa kayo bukas.. Pero hanggang
bukas na lang.. At yung mga nakasagot .. Di
naman nangangahulugan na pwede na
kayong mag easy easy.. Syempre we have
periodical exam to come pa.. So study
harder.. Para sa inyo din naman yan eh..
See yah guys.." paalam ng guro.
Naghiyawan ang mga estudyante..
"Nice Sab !.." sigaw ng isang kaklase ni
Sab..
Ngumiti lang ang dalagita ..
Pinagmasdan ang mga kaklaseng isa isang
naglalabasan ng pulbos at kolorete sa
mukha..
Marami sya non.. Pero di nya maisip na
kailangan nya itong gamitin..
Parang makati sa mukha..
Di lang siguro sya sanay.. Hinintay na
lamang nyang matapos ang mga kaklaseng
babae..
"Sabina.. Ang galing mo.." sabi ng isang
lalake..
Paglingon ni Sab ay napasimangot sya ng
makita ang kinaaasarang manliligaw..
"Salamat.." sabi lang nya..
Pero di pa rin ito umaalis..
"H-hatid kita.." mahinang sabi nito..
Akmang sasagot na si Sab ng biglang may
bumuhat ng bag nya..
Paglingon nya ay di nya maiwasan ang
mapangiti..
"Gagabihin na tayo.." sabi ni Zack..
Di nito nilingon ang binatilyong nag aabang
ng kasagutan ng dalagita.
Di na rin naman kailangan pang sagutin ni
Sab ang manliligaw nya ..
Sapat na ang presensya ni Zack para
umurong ito at umatras..
Na sya namang ginawa ng binatilyong
kaklase ni Sab.. Mabagal itong umatras at
binigyan sila ng daan..
"Bye sis.." paalam ni Sab sa mga kaibigan
babae..
Napasimangot ang iba..
Pero wala syang pake..
Ang mahalaga ay kasama nya ang binata..
Sabay nilang tinahak ang daan pababa ..
Masarap ang pakiramdam ni Zack..
Ganun din si Sab..
Palabas na sila ng gate ng biglang may
tumawag sa binatang mga babae..
Kumaway din si Zack bilang pagiging
maginoo..
Pero nagulat sya ng biglang umangkla ang
braso ni Sab sa braso nya..
Paglingon nya ay nakatingin lang ang
dalagita sa daan..
Di na nagtanong pa si Zack..
Nakangiti na lang syang naglakad din ng
diretso patungo sa sakayan..
Di nya napansin ang ngiting sumilay sa mga
labi ni Sab.
Dumiretso na sila sa abangan ng jeep..
Walang nagsasalita.. Parehong dinadama
ang mga braso ng isa't isa..
Kapwa pinatahimik ng kilig ...
Chapter 23
Kinabukasan...
"Go Zack !.." sigaw ni Sabina..
Napatingin sa kanya ang katabing si
Princess.. Kunot ang noo ng dalagita
habang pinagmamasdan ang
kaibigan..Kanina pa ito di magkamayaw sa
pagcheer sa kuya nito..Ayos lang naman..
Pero may nakapagtataka, bakit di nito
tinatawag na kuya ang binata na tulad ng
ginagawa nito nuon?..
"Sis.." untag nya..
Lumingon sa kanya ang kaibigan .. Ngiting
ngiti ito na halos mapunit na ang pisngi..
"Yes?.." tanong nito..
Umiling lang si Princess..
Kumindat sa kanya si Sab bago muling
binaling ang tingin sa mga naglalaro.
Partikular kay Zack..
Napatingin din sya sa binata..
Ang alam nya talaga ay magkapatid ang
turingan ng dalawa..Yun ang kwento ni
Sab..Pero bakit ganito ang kaibigan nya?..
Di na kailangan pang maging eksperto ni
Princess para matukoy na may kakaibang
nangyayari sa dalawa..
Nais nyang malaman..
Kailangan nyang malaman.. Para sa
pinsan..
Muling tinawag ng dalagita si Sab..
"Sab.." tawag nya.
Lumingon ang dalagita..
"Oh?.. " tanong nito.. Pero pabaling baling
ang mukha nito na tila ba ayaw ng
hiwalayan ng tingin ang binatang naglalaro..
Lalong nainis si Princess.
"Samahan mo naman ako oh..Punta tayo
kay kuya.." ungot nya..
Napatingin ng tuluyan sa kanya si Sab.
"Ayaw ko.." mabilis na sabi nito.
Tumingin muli sa mga naglalaro..
Nanahimik si Princess..Sumandal sya sa
sandalan at nagisip.
Ayaw nyang ipilit sa kaibigan ang gusto
dahil alam nya ang ugali nito..Kung mataray
sya , mas mataray si Sab..
Di nya masisisi kung bakit nagustuhan ito
ng pinsan nya..
Talagang maganda si Sab..
Marami ang nagsasabi nuon.. Maging sya
ay aminado naman.. Mayaman pa ang
pamilya nito..
Di hamak na mas mayaman sa kanila..
"Wooo.. Panis ka kuya Rigor !.. Ahahaha.."
sigaw ni Sab..
Napatingin si Princess sa
kaibigan..Kumikislap ang mga mata nito
habang sinusundan ng tingin si Zack na
tinuturing nitong kuya..
Tumingin din sya sa binata ..Tumatakbo ito
habang kabantayan si Denzel..Tagaktak na
sa pawis ang mga binatang naglalaro..
Tinitigan nya ang binata..
Masasabing gwapo si Zack..
Matangkad, maputi at katamtaman ang
pangangatawan..
Matalino pa ayon sa mga kakilala nyang
graduating..Malamang na maging
valedictorian daw si Zack..
"Three points na naman... !.. Hoy kuya
Denzel.. Wag mo naman sikuhin si Zack !.."
napatayo pa si Sab habang nakikisali sa
ingay ng mga naglalaro..
Nagtatawanan lamang ang mga players
habang napapakamot ng ulo si Sab..
"Langya pare..Tinalo pa si Coach eh.. Lahat
napapansin..Pati pagsiko ko sayo pinuna
pa.." tatawa tawang sabi ni Denzel..
Ngumiti lang si Zack..
Napatingin si Princess lalo sa kaibigan..
Ito ang dahilan kung bakit umalis sa
eskwelahang ito ang pinsan nya..
Nais manligaw ng kuya nya sa kaklase..
Pero wala itong pag asa.. Dahil kay Zack..
Sa pag iisip sa kuya nya ay naalala nya ang
huling pag uusap nila..
Napatingin si Princess sa pinsan nya na
humihithit ng sigarilyo..
Nag aalala sya para sa kalusugan nito kaya
sinaway nya ang binata.
"Kuya .. Bakit ka nag yoyosi?..Sabi mo dati
try mo lang yan.." tanong ng dalagita..
Ngumisi lang ang binata ..
Humithit ito ng malalim sabay buga sa
ere..Pagkatapos ay pinitik ng malayo..
Naupo ito sa upuang bakal sa harap ng
pabilog na mesa ..
Nasa hardin sila ng bahay nina Princess.
Pinasyalan nya ang nakababatang pinsan
para sana humiling ng pabor..
Tumabi sa kanya ang dalagita..
Saglit silang natahimik..
"Anong problema kuya?.." tanong ni
Princess.
Natawa ang pinsan nya.
"Pano mo naman nasabi na may problema
ako?.." tanong nya.
Umismid si Princess..
"Sus..Nagpupunta ka lang dito kapag may
kailangan ka..Ano nga yon?.." tanong nya..
Napangiti ang lalake ..Pasimple itong
napakamot sa batok .. Tila nahiya..
"Kamusta ang pag aaral mo?.." bungad ng
pinsan nya..
Pinaikot ni Princess ang mga mata na tila
bagot na bagot sa usapan..
"Hay nako..Di pa kasi diretsahin.." asar na
sabi nya..
Natawa lang ng mahina ang binata..
"Hahaha..S-si Sab?.." mahinang tanong nya.
Napatitig si Princess sa nakatatandang
pinsan..
"Crush mo si Sab?.." tanong nya..
Napatango ang lalake at tumingin sa
malayo..
"O-oo.." pag amin nito..
Kinilig naman ang dalagita..
"Eeeeeeeyyyy..Sabi na eh.. Grade 6 pa lang
kami .. Alam ko na .. May crush ka talaga
sa kanya..Hmm..Sige anong gusto mong
gawin ko?.." tanong ni PRincess..
Namula ang mga pisngi ng pinsan nya..
Kinilig din ito sa ideya na naisip..
"Sige na .. Tell me .. What can I do?.."
tanong ni Princess..
Tumititig ang binata sa dalagita..
Huminga ng malalim ..
"I-ilakad mo naman ako kay Sab.. " sabi
nito..
Napahawak sa bibig si Princess para itago
ang pagtawa..
Kunwari ay nabigla sya.
Pero sa totoo lang .. Alam nyang ito talaga
ang pakay ng kuya nya..
Kunwaring napaisip ang dalagita..
"Hmm..Anong kapalit?.." tanong nito..
Sumimangot ang lalake..
"Sabi na nga ba at may kapalit na naman
eh..Sige..Kahit ano..Wag lang mahal ah?.."
sabi ng pinsan nya..
Nagkamay pa sila bilang tanda ang
kasunduan..
Ang pagpito ng Coach ng basketball team
ang nagpabalik sa kamalayan ni Princess..
Isa isang nagtipon ang mga players sa
bench.. Tila may pinaguusapan..
Naupo si Sab sa tabi nya..
Pinagpapawisan ang dalagita sa kasisigaw..
"Whew..Grabe..Ang init.." sabi nito..
"Ikaw ba namang magsisigaw eh.." sita ni
Princess..
Ngumiti lang si Sab..
Talagang naninibago si Princess sa
kaibigan..Dati rati , tataasan lang sya ng
kilay nito..Ngayon nakukuha ng ngumiti..
Talagang nakapagtataka..
"Punta tayo kay Kuya .. " muling ungot ni
Princess..
Napatingin sa kanya ang
kaibigan...Sumimangot ito..
"Ayaw ko nga.. Bakit ba ?.." tanong nito..
"Wala lang..Papasama lang ako..Masama
ba?.. " ganting tanong nya..
Napaisip si Sab..
Pero bago pa sya nakasagot ay lumapit na
si Zack sa kanila..
"Tara na?.." aya nito..
Mabilis na tumayo si Sabina..
Inabot nya ang bag sa binata at akmang
aalis ng maalala ang kaibigan..
"Ay..Next time na lang Ces.. " paalam ni
Zack.
Ngumiti ng kimi si Princess at marahang
tumango..
Nakangiting umalis ang dalawa..
Hinatid nya ito ng tanaw hanggang sa
mawala na ito sa kanyang pangingin..
Nagbago na ang ekspresyon ng mukha ni
Princess..
Kung kanina ay medyo nakangiti pa
sya..Ngayon ay lumatay na ang simangot sa
mukha nya..
Hindi na nya alintana kahit na di sya
mabigyan ng regalo ng pinsan nya sakaling
mailakad nya ito kay Sab..
Balewala na sa kanya ang napagkasunduan
nila..Ang mahalaga ay maipaglapit nya ang
pinsan nya at ang kaibigan..
Pero batid nyang imposible..
Bukod sa parang walang interes si Sab sa
kuya nya..May isa pang problema..
At yun ang walang iba kundi ang binatang
tinuturing nitong kuya..
Kataka taka ang pagiging malapit nito sa
isa't isa na parang di na magkapatid ang
turingan..
Kailangan nyang umaksyon..
Dahan dahang tumayo si Princess.
Sininop nya ang mga gamit at naglakad
palabas ng campus..
Saglit syang naghintay ng tricyle..
Pagsakay ay sinabi nya ang isang sikat na
tambayan ng mga estudyante sa lugar nila..
Ilang minuto lang ang lumipas..Nasa harap
na si Princess ng isang bilyaran..
Kabisado nya na ito..
Dire diretso syang pumasok sa
loob..Masikip ang dinaanan nya..
Marami syang nakakasalubong na mga
kapwa estudyante ..Karamihan ay
napapangiti pa sa kanya..
Di na lang nya ito pinapansin..
Dire diretso sya sa dulo kung saan makikita
ang isang kumpol ng mga binata na
halatang di pumasok sa eskwela..
Nahagip agad ng mga mata nya ang
pinsan..
Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang
alak sa harap nito..
Dali dali syang lumapit..
"Kuya.." mahina pero madiing tawag ni
Princess sa pinsan..
Napatingin ito sa kanya..Nagulat pa ito ng
bahagya.
"Oy..Anong ginagawa dito?.." tanong ng
lalake..
"Uwi na tayo.." sabi ng dalagita.
Napaungol ang mga kasama nito..
Kumamot na lang sa batok ang pinsan nya.
"P-pagkatapos.." sabi ng lalake..
Pero nagmatigas si Princess..
"Isusumbong kita Tito.." nanggigil na banta
nya..
Nanlaki ang mga mata ng pinsan
nya..Bakas ang takot sa mukha nitong
nagpaalam sa mga kasama..
"Ang KJ naman nyan.." sabi ng isa.
Pero di ito pinansin ni Princess at mabilis
na lumabas sa masikip na lugar..
Hinintay nyang lumabas at sumunod din ang
pinsan nya..
Ilang saglit lang naman ang pinaghintay
nya..
Di na nagsalita pa ang binata..
Ito na ang pumara ng jeep para makauwi
silang dalawa..
Ilang minuto din silang di nagkibuang
magpinsan hanggang sa makauwi sila sa
isang subdivision..
Naglakad ang dalawa..
Magkatabi ang mga bahay nila..
"Insan..W-wag mo ng banggitin kay Dad
ha.." mahinang ungot ng lalake..
Umismid si Princess.
"Sige.. " sabi nya..
Patalikod na sya ng may maalala..
"Kuya.." pagtawag ni Princess..
Lumingon naman ang binata..Kunot ang
noo..
"Oh?.. " tanong nito..
Tila nag aatubili pa si Princess..
"Si Sab..Parang may boyfriend na eh.." sabi
nya..
Nagsalubong ang kilay ng lalake..
"What?.. Paano?.. Sino?.. Kelan pa?.." sunod
sunod na tanong nito..
Kibit balikat lang ang tugon ni Princess.
Nagtagis ang mga bagang ng lalake na
nilapitan ang pinsang babae..
"Tell me couz.. Sino?.. " tanong nito..
Bumuntong hininga si Princess.
"Si Zack.." sabi nya.
Lalong napakunot ang noo ng pinsan nya..
Marahas itong napamura at hinawakan ang
balikat dalagita..
"We have to do something.." madiing sabi
nito..
Tumango si Princess..
"Yes.. I know.." sagot nya..
Ilang saglit silang nagtitigan.
Maya maya ay ngumiti na parang demonyo
ang dalawa..
"Thank you couz.. " sabi ng lalake..
Tumango si Princess at tumalikod na ..
Nakangising pumasok sa bahay..
Nasa isip ang gagawing hakbang para
ibagsak sina Zack at Sab..

Chapter 24
Araw ng sabado..
Last practice ng kuponan nina Zack..
Kasalukuyan syang nakaupo sa bench.. Tagaktak na ang pawis nya.. Hingal kabayo na
rin sya habang nakatingin sa mga kasamang naglalaro pa rin..
Kanina nya pa hinihintay si Sab..
Nasa room nito ang dalagita at nagrereview para sa nalalapit na exam kasama ang mga
kaklase nito..
"Hi.." bati ng isang boses ..
Agad napalingon si Zack sa pag aakalang si Sab ang tumawag..
Pero nagkamali sya..
Bumungad sa kanya ang isang matangkad na babae na nuon lamang nyang nakita..
Nakangiti ito at labas ang mapuputi at pantay pantay na ngipin..
Napalunok si Zack..
Nakaramdam ng konting kahihiyan dahil tagaktak pa ang pawis nya..Di nya rin alam
kung ano na ang amoy nya..
Kimi syang ngumiti ..
"Yo !.." bati nya..
Ngumiti ng matamis ang babae..
Akala nya napadaan lamang ito.. Pero nagulat sya ng biglang umupo sa tabi nya ang
magandang babae..
Nanliit sa hiya si Zack..
Bilang pag iwas, lumipat sya sa sumunod na upuan at nag iwan ng distansya sa
pagitan nila..
Tumawa ng mahina ang babae..
"Ay..Para naman akong may sakit nyan eh.." nagtatampong sabi nito..
Napangiwi si Zack..
"Di no..Nahihiya lang ako sayo..Pawis na pawis ako sa tapos tatabi ka saken.."
katwiran nya.
Muling natawa ang babae..
"Alam ko..Di naman ako bulag para di makita ang itsura mo.. But still, tumabi pa
rin ako..Pero lumayo ka naman.." sabi nito..
Natawa na din si Zack..
"Haha.." sabi lang nya.
Ilang saglit na katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita ang babae..
"Hi.." sabi nito..
Ngumiti si Zack..
"Hi din.." pacute nya.
Nilahad ng babae ang palad nito..
"By the way I'm Nerica..Nerica Sta. Maria.." pakilala ng babae.
Mabilis na pinunasan ni Zack ang palad nya sabay abot kay Nerica..
Nagkangitian pa sila..
Dama nya ang kalambutan ng palad nito..
Ramdam nyang pinisil pa ng babae ang kamay nya..
"So.. Anong ginagawa mo dito..?.. Ngayon lang kita nakita ha.." bati ni Zack..
Ngumuso ang babae..
"Actually.. Taga kabilang school ako..Nandito lang ako kasi may imemeet sana akong
student din dito..But it seems na wala pa sya.." nakalabing reklamo nito..
Natawa si Zack at tiningnan ang mga kasama na naghaharutan na lamang..
"Your one of them right?.." tanong muli ni Nerica.
Tumango si Zack..
"Yeah..Nagpapahinga lang ako..Final game na namin sa Monday.." sabi nya..
"Magaling ka siguro.." puna ng babae.
Ngumiti si Zack at binalingan ang katabi.
"Di naman..Mas magagaling sila kumpara saken.. But ofcourse.. It takes teamwork
para magtagumpay ang isang team.." paliwanag nya.
Tumingin din ang babae sa mga kasama ni Zack..
Ngumiti ito at muling bumaling sa binata..
"You seem to be friends...Not just team mates..I guess.." nakangiting puna pa
nito..
Tumango lalo si Zack..
"How did you know?.. " pag eenglish nya din..
Nagkibit balikat ang babae..
"I just know it.. The way they play.. Parang di practice.. I mean, I know a little
about basketball..And you said na last practice nyo na ito .. But they seem just
playing.. Not practicing..If you know what I mean.." kumindat pa si Nerica sa
kanya..
Napatingin si Zack sa mga kasama..
"Your right...Magkakaibigan kami sa loob at labas ng team..Yun siguro ang sikreto
kaya kami nakapaglalaro ng mahusay..Kampante kami sa kakayahan ng bawat isa na
bagamat dumarating sa puntong nagkakamali ang bawat miyembro..Wala ni isa man sayo
ang maninisi..Yun siguro ang susi kaya kami nananalo.." wala sa sariling kwento ni
Zack..
Ngumiti ang babae..
"It's because you enjoy the game..Because your with your friends..You see, playing
your favorite game with your favorite people..Ang saya nun right?.." puna pa nito.
Nagkatitigan sila ni Zack .. Maya maya ay ngumiti na sila sa isa't isa..
Biglang sumigaw si Rigor..
Napatingin silang dalawa at di nila naiwasan ang matawa..
Nakasakay sa likod ni Rigor si Denzel habang may humahawak na dalawang tao sa paa
nito..
Hawak ni Rigor ang bola at pilit na shinushoot.. Tawa ng tawa ang mga kaibigan
nya..
Di din maiwasang matawa ni Zack..
Tumingin sa kanya ang babae..
"You seem a good guy..I'm wondering why they want me to destroy you.." bulong
nito..
Napatingin si Zack.
"Come again?.." tanong nya.
Ngumiti lang ang babae..
"Nothing..Di na siguro dadating yung friend ko..Im hungry..How bout you?.." tanong
nito..
Dinama ni Zack ang sarili..
Gutom na din naman sya..Pero batid nya ang kapasidad ng pera nya..Sa tingin pa
naman nya sa babae ay sosyalin ito ..
Pasimpleng kinapa ni Zack ang bag sa tabi nya para silipin ang perang dala..Pero
kinalabit sya ng babae..
"Don't bother to see if you have money..My treat.." nakangiting sabi nito..
Napakamot si Zack sa batok sabay iling..
"Di naman tama yun no.." tanggi ni Zack..
Ngumuso ang babae dahilan para maalala ni Zack si Sab..
"Ganito na lang..Why we pay our own food..Uhm.. Para di ka mahiya.." suhestyon
nito..
Ngumiti si Zack..
"But can we wait for my friend?.." tanong nya..
Tumango ang babae..
Pero tumingin ito sa relos..
"It's getting hotter na kasi..It's past 3 na oh.. Dyan lang naman tayo sa malapit
na fastfood then we can go back again..We can bring her food also.." sabi pa ni
Nerica.
Napaisip si Zack..
"How did you know that she's a girl?.." tanong nya..
Saglit na nabigla ang babae.. Pero ngumiti din ito ng matamis..
"I just know..The way you talk about it..Malakas talaga ang pakiramdam ko.." sabi
nito sabay kindat..
Napangiti na din si Zack..
"Ah ganun ba?.. Sige..Tara para makabalik tayo agad.. Mamaya pa siguro matatapos
yon..Teka lang ha..Paalam lang ako sa mga friends ko.." sabi ni nya..
Tumango si Nerica sabay naglakad palabas ng gym..
Mabilis na kinuha ni Zack ang pera nya sa bag..Dinala na nya lahat at nagiwan na
lang ng pamasahe nila ni Sab pauwi..
Nilapitan nya ang mga kasama..
"Mga panget.." biro ni Zack..
Nahinto ang laro at tumingin sa kanya ang mga kaibigan na pawisan at nagtatawanan..
"Makapanget ka naman wagas..Di ba pwedeng pare na lang?.. " biro ni Rigor..
Natawa sila..
"Siraulo ka..Patingin tingin na lang si Sab mga tol..Babalik din ako.." sabi ni
Zack..
Kunot noong lumapit sa kanya si Denzel..
"Ano na naman yang pinapasok mo?.. " tanong nito..
Ngumiti si Zack sabay kamot sa batok..
"Saglit lang tol..Di ko matanggihan eh.. Ewan ko ba.." nakangiting sabi nya..
Inakbayan sya ni Denzel..
"Pare..Ayaw kong sirain ang pantasya mo pero masama ang kutob ko dyan sa babaeng
yan..Pero kutob lang naman yun eh..Anyway..Sige ingat ka..Dalhin mo na rin gamit mo
kasi wala kang tagabantay dito.." biro ni Denzel sabay suntok sa sikmura nya..
Natatawang umiwas si Zack..
"Salamat pare..Sige..Pero babalik ako..Pakisabi kay Sab ha..Pero wag nyo na lang
sabihing may kasama akong babae..Magagalit yun sigurado eh.." sabi nya..
Tumango si Denzel..
"Sige..Bilisan mo lang...Alam mo naman yung syota mo..Parang tigre..Nananakit kapag
di nakukuha ang gusto eh.." biro nya..
Natawa si Zack at tinapik ang balikat ng kaibigan..
"Sige na pare..Salamat.." paalam nya..
Akmang aakbay din si Rigor pero inunahan nya na ng sikmura ang kaibigan..
Nakangiwing umarte ito na parang nasaktan ng sobra..
"Naglalambing lang eh.." huhikbing sabi nito..
"Ulol mo..Kita mong pawis na pawis ka pa eh..Nevah !.." biro ni Zack sabay mabilis
na nilapitan ang mga gamit...
Patakbo nyang nilapitan si Nerica ..
Tumango naman ang babae at nagpauna na sa paglabas ng gym..
Nakasunod si Zack..
Nasa gitna na sila ng school grounds ng lumiko ito sa parking..
Nagtaka si Zack pero nagulat sya ng binuksan nito ang isang magarang kotse..
"Come in.." nakangiting utos ni Nerica..
Napangiwi si Zack..
"Parang ayaw ko na.." tanggi nya..
Natawa si Nerica at nilapitan ang binata..
Tumingkayad ito bigla dahilan para maglapit ang mga mukha nila..
"You know?.. Your so cute .." biglang bulong nito..
Napalunok si Zack..
Damang dama nya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ..
Napakaganda ni Nerica..Amoy nya ang mabangong samyo ng katawan ng dalaga na di nya
alam kung saan galing... Kung natural ba o pabango lang..
"D-di naman.. " mahinang bulong din ni Zack..
Nagkatitigan sila..
Bumaba ang tingin ni Nerica sa mga labi ni Zack..
Muling lumunok ng laway ang binata..
Di nya naiwasan na basain ng laway ang sariling labi dahil pakiramdam nya bigla
itong nanuyo.
Napangiti si Nerica..
Umangat ang tingin nito sa mga mata nya..
"And innocent .. Now I know why.. I think I have a crush on you.." diretsong bulong
nito..
Lalong naging parang mabilis na dribble ang pagtibok ng puso ni Zack..
Wala syang masagot sa mga direktang papuri ng kaharap..
Lumingon si Nerica sa likod nya..
Ngumiti ang dalaga sabay biglang hinalikan sya sa labi na talagang ikinayanig ng
mundo ni nya..
Mabilis lang naman ang naging paghalik pero sapat na ito para saglit ding matulala
si Zack..
Rinig nya ang pagtawa ni Nerica..
"Oy..Tara na.." sabi nito ..
Napatingin si Zack at nakita nyang pumasok na ang dalaga sa kotse..
Para syang zombie na sinalat ang mga labi..
Binuhay ni Nerica ang makina at bumusina..
Napaigtad si Zack..
"Tara na.." dungaw ni Nerica sa bintana..
Dahan dahang lumapit si Zack sa kotse at mabagal na pumasok sa loob..
Pinaandar na ni Nerica ang sasakyan palabas ng campus.
Tulala si Sab na nakatayo malapit sa gitna ng school grounds..
Papunta na sana sya sa gym para puntahan si Zack ng mapatingin sa parking area...
Nakita nya ang dalawang tao na magkaharap na parang nag uusap..
Di na sana nya papansinin ang mga ito ng lumingon sa kanya ang babae at walang sabi
sabing hinalikan ang kaharap nito..
Napaismid pa sya ..
"Di man lang nahiya.." sabi nya..
Pero nagulat sya ng mamukhaan ang kahalikan nito..
Akala ni Sab kahawig lang ito ng binata..
Kaya naman mabilis syang umikot para makita ang mukha nito..
Natulala na lang siya ng makita si Zack na tinatanggap ang paghalik ng babae..
Nabitawan nya ang mga dalang gamit..
Kita nya ang pagsakay ng binata sa kotse ng babae hanggang sa umalis na ang mga
ito..
Tahimik na bumyahe ang dalawa..
Walang nagsasalita..
Napapatingin na lang si Nerica sa binatang tahimik na nagmamasid sa paligid..
Napapangiti sya sa nakikitang kainosentehan sa mukha nito..
Ilang saglit lang ay nagpasya na syang ihinto ang kotse sa isang sikat na fastfood
resto..
Napatingin si Zack sa katabing babae ng huminto ang kotse..
"Baba ka na... " utos nito..
Tahimik lang na bumaba si Zack at sumunod sa babae sa pagpasok sa loob.
Sa second floor sila dumiretso..
Dulo ang pinili nilang pwesto ..
Kokonti pa lang ang mga customer ng dumating sila..Halos dalawa pa nga lang ang
laman ng second floor..
Tahimik na naupo ang dalawa..
Mabilis namang lumapit ang waiter para tanungin ang order nila..
Tulala pa rin si Zack.
Ipinaubaya na lamang nya sa babae ang pagorder ..
"That would be all..Thank you.." sabi nito..
Pag alis ng waiter ay duon lamang bumalik ang huwisyo ni Zack..
Napangiwi sya sabay pasimpleng kinapa ang bulsa.
"Ahm..M-magkano ba inorder mo?.." nahihiyang tanong nya..
Napatingin sa kanya ang babae ..
Bigla itong tumawa..
Hiyang hiya naman si Zack sa tanong nya kaya umatras sya..
Pero umiling si Nerica at biglang hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa mesa.
"It's okay baby..Ako na muna taya ngayon.. Then treat mo na lang ako the next
time..Okay ba?.." tanong nito..
Wala ng magawa si Zack kundi sumang ayon..
"Nakaorder ka na eh..Di mo man lang ako tinanong.." nagtatampong sabi nya..
Dumukwang ang babae..
Nagulat na naman si Zack ..
"Oy teka.." awat nya..
Pero tumawa lang si Nerica at tinuka sya sa labi..
Aaminin ni Zack na nasasarapan sya .. Pero talagang mali ang ginagawa nila kaya sya
na ang kusang umiwas..
Napangiti na lang si Nerica..
"Mukhang loyal ka sa kanya..Anyway..Kwentuhan mo na lang ako.." sabi nito..
Napatingin sa kanya si Zack..
"Ano naman gusto mong ikwento ko?.." tanong nya.
Nagkibit balikat si Nerica.
"Anything..About you..And your friends..About her.." sabi nito.
Napangiti si Zack..
Excited syang nagkwento hanggang sa dumating na ang order nila..
Tulala lang si Sab..Pakiramdam nya ay tumigil na ang pag ikot ng mundo..
Ilang minuto siguro ang lumipas bago sya makarecover..
Isa isa nyang dinampot ang mga gamit..
Ng biglang pumatak ang isang luha sa mga mata nya.
Akala nya isa lang..
Pero nagulat sya ng may sumunod pang isa..Na sinundan pa ng isa pa.
Tuloy tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ni Zack..
Masakit na masakit ang pakiramdam nya..
Daig pa nito ang paghiwa ng kung anong matalas na bagay sa puso nya..
Walang maaaring mapagkumpara sa nararamdaman nyang hapdi..
Tahimik nyang inimis ang mga nalaglag na gamit..
Naupo sa bench na paboritong tambayan ni Zack..
Ayaw nyang may makakita sa ganitong ayos nya..
Kailangan nya muna ng ilang minuto.. o oras para payapain ang sarili..
Ilang saglit lang ay nagpasya na syang umuwi dahil sa tingin nya ay di na babalik
pa si Zack..
Mabilis na lumipas ang oras at nagulat pa si Zack ng pagtingin nya sa bintana ng
restaurant ay madilim na..
"Naku po.." biglang sambit ni Zack..
Ngumiti ng lihim si Nerica..
"Oh bakit?.." sabi nito..
Natapik ni Zack ang noo nya..
"U-uwi na ako.." sabi ni Zack.
Napangiti na lang si Nerica at tumango..
"Waiter.." tawag nito..
Mabilis namang lumapit ang waiter..
"Yung bill.. And paorder pa ng isa.." sabi nya..
Tumango ang waiter..
Di na mapakali si Zack sa upuan ..
Natatawang sinaway sya ni Nerica..
"Relax.. Ano ka ba?.." saway nito..
Kinalma ni Zack ang sarili..
Pero talagang di sya mapakali..
Ilang saglit pa at dumating na ang waiter dala ang ilang supot ng pagkain..
Naglabas ng pera si Nerica..
Nahihiyang nagbaling ng tingin si Zack ..
"Thank you.. " pasasalamat ni Nerica sa waiter..
"Your change Ma'am.." sabi ng lalake.. Pero tumanggi si Nerica..
"Keep it..Let's go Zack.." aya ng babae.
Nagyuko na lang ng ulo si Zack..
Tinahak nila ang daan pababa ng restaurant ..
Hanggan sa makarating sila sa kotse ng babae ay tahimik lang si Zack..
"It seems na di ka nag enjoy.." nagtatampong puna ni Nerica..
Nag angat ng tingin si Zack at mabilis na umiling..
"Di no.. Pero kasi.." sabi nya..
Tumango lang si Nerica..
"I know..Sorry..Napasarap kasi kwentuhan natin kaya di natin napansin ang
oras..Okay lang naman siguro sya.." sabi nito..
Tumango na lang si Zack..
"Tara hatid na kita.." aya ni Nerica pero umiling ang binata..
"Di na..Mag jeep na lang ako..Malapit lang naman..Anyway salamat ha.." sabi nya..
Ngumiti at tumango si Nerica..
Muli nyang hinalikan ang binata..
Tulala na naman si Zack ..
"Sige..Bye..Nag enjoy ako..Salamat sa time..Sa uulitin.." paalam ni Nerica sabay
pasok sa kotse..
Hinintay muna ni Zack na mawala sa paningin nya ang sinasakyan ng dalaga bago
mabilis na tumawid sa kabilang kalye..
Punuan na ang mga jeep..
Pumara sya ng isa at sumabit na lamang sa likod para lamang makauwi na..
Halos liparin na ni Zack ang daan papasok ng subdivision..
Lumagatok ang gate na bakal sa pagmamadali ni Zack sa pagpasok..
Sa backdoor na sya dumaan..
Diretso sa kwarto nilang mag ina at mabilis na nagpalit ng damit..
Paglabas nya ay nasalubong nya ang ina ..
"Oh..Andyan ka na pala.." sabi nito..
Napakamot si Zack sa batok..
"N-nay..Si Sab?.." tanong nya..
Kunot noo naman si Ditas..
"Nasa taas..Baket?..Akala ko galing kang praktis?.. " tanong nito..
Napangiwi si Zack..
"O-opo.." sabi na lang nya..
"Kumain ka na.. " sabi ni Ditas..
"Busog na ho ako.." sagot ni Zack..
Nagtaka ang ina..
"Busog?.. Eh pamasahe lang ang dala mo?.." takang tanong nito.
Nabigla si Zack..
"S-si Denzel po Nay..Nilibre ako.." sabi nya..
Napatango tango si Aling Ditas at pumasok na sa loob..
"Dyan ka na..Manunuod pa ako eh.." tatawa tawang sabi nito.
Tumawa na din si Zack ng plastic..
Pagpasok ng ina ay mabilis nyang tinakbo ang kwarto ni Sab..
Nasa tapat na sya ng pinto ..
Di alam ang gagawin..
Nagtatahi na sya ng paliwanag sa dalagita.
Kahit na di sanay magsinungaling..
Kailangan nya..
Huminga sya ng malalim .
"Bahala na.." bulong nya..
Akmang kakatok na sya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang
dalagita..
Nagkagulatan pa silang dalawa..
Mabilis na binago ni Sab ang mukha nya..
Kanina pa sya nag mumukmok sa kwarto...
Pakiramdam nya ay naubos na ang luha sa mga mata nya..
Ngayong nasa harap nya ang sanhi ng sakit na nararamdaman..
Ayaw nyang magpakita ng kahit anong emosyon.
"Oh andyan ka na pala..Kuya.." mabagal at walang emosyong bati ni Sab..
Napangiwi si Zack..
"S-sorry.." sabi lang nya..
Akala nya galit ang dalagita dahil sa di nya dito paghintay..
Pero di nya alam na mas malalim pa duon ang dahilan nito..
"Okay lang.. Tumabi ka at kakain ako.." sabi ni Sab.
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Di ka pa kumakain ?.. " tanong nya..
Tumingin si Sab sa mga mata ni Zack..
Seryoso at wala pa ring emosyon..
"Di ba halata?.. Kaya nga kakain di ba?.." sagot nya.
Tinabig ni Sab ang binata at lumabas ng kwarto..
Takang sumunod naman si Zack..
"Pero bakit?.. Sige sabay na tayo.. " sabi nya..
Pero marahas na lumingon sa kanya ang dalagita...
"You don't have to.. Amo ako dito.. Taga silbi ka lang.. " biglang sabi ni Sab..
Nayanig ang buong pagkatao ni Zack sa sinabi ng dalagita.
Maging si Sab ay nabigla sa sinabi nya.
Dala ng emosyon at galit na nararamdam sa kaninang nasaksihan kaya nya nasabi ang
mga salitang yon..
Pakiramdam ni Zack ay gumuho ang mundo.
Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na panliliit sa harap ng dalagita..
Yumuko sya para itago ang pagpatak ng luha sa mata mata nya..
Ilang saglit din silang nakatayo sa bukana ng hagdan.
"S-sige..Pero ipaghahain kita.." sabi ni Zack..
Mabilis syang bumaba..
Tulalang sumunod si Sab sa binata..
Naabutan nyang naghahain nga ito sa kusina..
Pinaghila ni Zack ng upuan si Sab.
"Upo na M-ma'am Sab.." sabi ni Zack..
Tahimik na umupo si Sab..
"K-kung may ipaguutos pa kayo..Nasa hardin lang po ako.." sabi ng binata..
Tumango si Sab..
Nagkatitigan muna sila..
Hanggang sa sumuko ang binata at tahimik na lumabas ng kusina..

Chapter 25
Kahit hindi agad nakatulog kagabi si Zack...
Nagawa pa din nyang gumising ng
umaga..
Pinaglabanan nya ang antok ..
Kailangan nyang gampanan ang mga
trabahong nakaatang sa kanya kaya kahit
na masakit pa ang mga mata, bumangon na
sya at kumuha ng damit..
Maya maya ay dumiretso agad sya sa
banyo..
Ang lamig ng tubig ang nagpagising ng diwa
nyang aandap andap pa..
Paglabas ay naghihintay na ang ina bilang
susunod na maliligo..
"Oh ang aga mo ah.." puna ng ina..
Ngumiti lamang si Zack.
Wala syang ganang makipag usap kahit
kanino maliban kay Sab..
Mabilis syang lumabas ng banyo ..
Nilagay sa basket na para sa mga
maruruming damit ang mga pinagbihisan
nya..
Tahimik syang lumabas ng kwarto at
tinungo ang floor map at basahan..
Ingat na ingat na huwag makagawa ng
ingay, sinimulan ni Zack ang daily chores
nya..
Sa bawat hagod ng basahan at floor
map..Parang naririnig rinig nya pa ang
masasakit na salita mula sa bibig ni Sab..
"Amo ako dito.. Taga silbi ka lang.." buong
buong nakarating sa mga tenga ni Zack ang
sinabi ng dalagita..
Masakit..
Gusto nyang hangaan ang sarili kung paano
nya nagawang itago ang palihim na pag iyak
sa ina..
Nakatalikod lamang sya at tahimik na
humihikbi..
Sinosolo ang sakit na dulot ng dalagita..
Napakasakit ng mga salitang binitiwan ni
Sab para kay Zack..
Dama nya ang sugat na iniwan ng bawat
salita sa kaliit liitang himaymay ng pagkatao
nya..
Di lamang ipinamukha nito kung ano ang
tunay nyang katauhan sa bahay na ito kundi
para pang pagyurak sa pagkatao nya ang
pagkakasabi nito..
Di nya maiwasan ang mapabuntong hininga.
Napailing pa sya sa ideyang pilit na
pumapasok sa isip nya.
"Wag kang masyadong balat sibuyas
Zackarias !.." pang aasar ni Zack sa sarili..
Totoo..
Katotohanan ang naisip nyang iyon.
Ano nga ba naman ang pinagtatampo nya
sa dalagita?.. Totoo naman talaga ang
sinabi nito na ito ang AMO at isa lamang
syang hamak na TAGA SILBI..
Malinaw ..
Walang labis..
Walang kulang..
Buti pa si Sab..
Sya itong mas matanda, parang sya pa ang
nalalabuan sa sitwasyon nila..
Muli syang bumuntong hininga..
Akala nya magkaibigan sila..
Akala nya lalampas pa duon ang kaya
nilang abutin..
Pero binakuran na ng dalagita ang pagitan
nila..
Mataas na bakod na kahit si Rigor ay di
kayang talunin..
Napangiti si Zack ng malungkot sa naiisip ..
Pinapasaya na lamang nya ang sarili
habang naglilinis sa ikalawang palapag ng
bahay..
Napahinto sya ng tumapat sa kwarto ng
dalagita..
Kung dati rati ay kakatok lamang sya ng
dalawang beses sabay dire diretso ng
papasok..
Ngayon ay parang nagkaruon ng kuryente
ang seradura ng pinto..
Ni hindi nya mahawakan ito..
Parang kapag hinipo nya ang pinto ay
mamamatay sya.. O di kaya ay isang bahagi
ng pagkatao nya ang mawawala..
Imbes na pihitin..
Nilampasan na lamang ni Zack ang kwarto
at nagtungo na sa hagdan..
Bawat baitang ay masusi nyang nilinisan at
nilampaso..
Halos magmukha ng salamin ang bawat
bahagi ng hagdan dahil dito naibuhos ni
Zack ang lungkot na nararamdaman..
Ni hindi na nya napansin ang oras..
Napokus na sya sa paglilinis at nahulog na
sa malalim na pagiisip..
Naramdaman na lamang nya ang presensya
ng ina sa likuran..
"Anak..Alas syete na ha.. " untag ni Ditas..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Hala !.. Naku po.." sigaw nya..
Mabilis na kumilos si Zack at niligpit ang
mga ginamit na pang linis ng pigilan ng
ina..
"Sige na..Mag-almusal ka na..Si Sabina ba
ginising mo na?.." tanong ni Ditas..
Akmang sasagot si Zack ng may magsalita
sa itaas na bahagi ng hagdan..
"Di na po kailangan Nanay Ditas.." sabi ng
boses..
Sabay na napalingon ang mag ina..
Nagulat pareho sa ayos ni Sab..
Nakabihis na pamasok ang dalagita..
"Di ba kayo magsasabay?.. Naku ito
talagang si Zack oh.. tingnan mo nga at
bihis na si Sab tapos ikaw gusgusin ka pa.."
sita ng ina sa anak..
Saglit nagkatinginan sina Zack at Sab..
"S-saglit lang .." paalam ni Zack..
Pero nagulat sya ng tumanggi ang dalagita..
"No need.. Sasabay ako kay Dad..Bihis na
din sya.." sabi ni Sab..
Ilang saglit lang ay pababa na din si Saimon
na nakabihis..
"Hay naku..Late na ako sa meeting ko
mamaya.. Traffic na naman sigurado..Di na
ako mag breakfast Ditas..Late na eh.. Sa
office na lang.. Oh bakit di ka pa bihis
Zack?.. " puna ni Saimon..
Napakamot si Zack sa batok nya..
"E-eh.. K-kasi po.." wala syang maisip na
dahilan..
Sumabat si Sab..
"May practice sila first thing in the morning
Daddy.. Kaya excuse sya sa first at second
subject nila..Kahit late na sya pumasok
Dad.." palusot ni Sab sabay tingin kay
Zack... Tinaas nito ang isang kilay na
parang sinasbing sumakay na lamang sya..
Tumingin si Saimon sa binata..
"Is that true iho?.." tanong nito..
Muling napakamot sa batok si Zack sabay
ngiti ng kimi..
Di sya sanay magsinungaling.. Lalo na sa
taong pinagkakautangan nya ng malaki..
Pero kailangan nyang sakyan ang tinahing
kasinungalingan ng dalagita..
Kung di sya sasang ayon sa sinabi nito ay
maaari itong mapahiya o baka mapagalitan
pa ng ama..
Kaya kahit labag sa kalooban..Nilunok ni
Zack ang pride at nagsinungaling sa harap
ng ina at among lalake..
"O-opo .. " mahinang sabi nya..
Saglit natahimik ang mga tao.
Tiningnan ni Saimon ang relo..
"So.. It's just the two of us my baby..Come
.. Traffic na talaga .." nagmamadaling
lumabas si Saimon..
Mabilis namang sumunod si Zack para
ihanda ang kotse..
Nalinis na nya ito nuong isang araw..
Pero napansin nya na medyo marumi na
ang bandang ilalim nito..
Mukhang di naman ito alintana ni Saimon ..
Walang kyeme itong sumakay at hinagis sa
likuran ang atache' case..
"Faster baby.. We have to go .." sabi ni
Saimon sa anak..
Dumaan sa harap ni Zack si Sab.
Di nya mapigilan ang pagpikit ng mga mata
dahil sa mabangong amoy ng dalagita..
Pagdilat nya ay nagtataka sya kung bakit
nakatayo sa gilid nya si Sab...
Parang may hinihintay..
Napatingin sya sa dalagita..
"P-pasok ka na.." sabi ni Zack.
Tiningnan ni Sab ng maarte ang pinto..
"Open it.." utos nya..
Muli.
Naramdaman ni Zack ang kalamigan ng
dalagita..
Di nya alam ang dahilan..
Siguro yung hindi nya pagsundo dito..
Pero parang sobra na..
Napailing na lang sya at winaksi ang unti
unting pagbangon ng hinanakit sa puso nya..
Dahan dahan nyang pinagbuksan ng pinto
ang dalagita sa tabi ng ama nito..
Sumaludo sya sa among lalake at ngumiti
ng peke para itago ang pagluha ng puso
nya..
Bumukas ang bintana sa gawi ni Sab..
"The gate.." mahinang utos nito..
Ni hindi man lang sya tinitingnan..
Tahimik at mabilis na tinakbo ni Zack ang
malaking gate na bakal..
Binuksan ito at pinadaan ang kotse..
Huminto sa tapat nya ang sasakyan.. Binaba
ni Saimon ang bintana sabay abot ng kung
ano sa binata..
"Oh.. Pang gastos mo .." sabi ng lalake..
Inabot ni Zack ang binigay ni Saimon.. Di
nya alam kung ano ito ..
Pasimple nyang binuklat at nanlaki ang mga
mata nya ng makita ang liman daang piso
na nakatupi..
Agad na tinapunan nya ng tingin si Sab..
Nakatingin din ang dalagita sa perang
hawak nya na bigay ng ama nito..
Blangko ang ekspresyon ng mukha..
Di na bago ang pagtanggap ni Zack ng pera
mula kay Saimon pero parang sa mga oras
na ito ay nakakapaso ang naturang salapi..
Gusto nyang ibalik pero alam nyang
magtatanong at magtatalo pa sila ng among
lalake..
Lalabas pang maarte sya kung di nya
tatanggpin ang pera..
Sa huli..
Unti unting tiniklop ni Zack ang pera sa
kamay at yumuko sa among lalake..
"S-salamat po.. " naluluhang sabi nya..
Ginulo lamang ni Saimon ang buhok ng
binata at bumusina na..
Pag-angat ni Zack ng ulo ay nagtama ang
mga mata nila ni Sab..
Di nya mabasa ang sinasabi ng ekpresyon
ng mukha nito..
Pero nagulat sya ng biglang ngumisi ang
dalagita at tumaas ang kilay..
Di na nya nagawang magtanong pa dahil
sumibad na ang kotse palayo..
Wala na syang nagawa kundi tanawin na
lamang nag papalayong sasakyan..
Ramdam sa katawan ang nanunuot na tingin
ng dalagita na parang sinasabing ang kapal
ng mukha nya..
Walang ganang pumasok si Zack at sinara
ang malaking gate..
Tahimik lamang syang pumasok sa loob ng
bahay at dumiretso sa kusina..
Nadaanan nya ang ina na naghahanda ang
agahan nila..
"Oh.. Talaga bang di mo na kailangang
pumasok ngayong una at ikalawan mong
subject?.. " tanong ni Ditas..
Ngumiti lamang si Zack..
Hindi sya umoo pero di rin naman sya
tumanggi..
Naupo lamang sya sa mesa at nilahad ang
perang inabot ni Saimon..
Napangiti na lamang si Ditas..
"Inabutan ka na naman pala .. Ipunin mo ...
" suhestyon nito..
Tumango si Zack..
Nilapag nya ang pera at tinitigan..
"N-nay.. Di po kaya nakakahiya na ?.. "
tanong nya..
Natigilan si Ditas sa pagsasalin ng kape sa
baso at napalingon sa kanya..
"Kung tatanggi ka.. Baka sabihin nila na
nagmamalaki tayo o kaya ang arte mo..Di
mo naman pinilit yan anak, kusa nilang
binibigay yan sayo bilang pang gastos mo
nga daw di ba?.. Kung nahihiya ka..Ipunin
mo.. Di ka naman nagkukulang na iho di
ba?.. Kumpleto na ang mga gamit mo kahit
na mumurahin lamang .. May damit ka pa
naman .. Kailangan mo ba ng perang iyan
anak?.. " tanong ni Ditas sa mahinang
boses..
Tinuloy nito ang pagsalin ng kape sa baso
at tinulak patungo kay Zack..
Nagpasalamat ang binata..
Dahan dahan nyang sinipsip ang mainit na
kape..
Nakahinga sya ng maluwag..
Kahit paano ay gumaan ang mabigat nyang
nadarama sa paghigop ng kape..
Hindi nya alam kung paaano nangyari yon
pero ramdam nyang kaya nya ng ngumiti ng
kimi kahit papaano..
Sinulyapan nya ang ina na naupo sa tabi
nya..
Blangko din ang ekpresyon sa mukha nito..
Parang naaawa sa kanya na hindi..
Tinitigan ni Zack ang mukha ng ina..
Ngumiti ito ng mapansin ang pagtitig nya..
"Oh baket anak?.." tanong ni Ditas..
Ngumiti din si Zack at umiling..
"Mahal na mahal ko po kayo.." sabi nya ng
taos puso..
Naantig ang puso ni Ditas sa sinabi ng
anak..
Napangiti sya ng maluwang ..Di mapiligan
ang pag iipon ng luha sa gilid ng mga
mata...
Inabot nya ang pisngi ng anak at hinimas
ito..Tinitigan ang mga mata , ilong , labi at
muling bumalik sa mga mata..
"Mahal na mahal din kita anak
ko..Napakaswerte kong ina sa pagkakaruon
ng anak na tulad mo.. Maunawain na,
mabait pa.." lambing ni Ditas sa anak..
Ngumiti si Zack..
"Pogi pa.." dugtong ni Ditas..
Nagtawanan sila..
Inurong ni Zack ang pera papunta sa ina..
"Di ko kailangan nyan Nay.." sabi nya..
Tinitigan lamang ni Ditas ang pera..
Umiling sya at muling tinulak ito patungo sa
anak..
"Di sakin binigay yan anak.. Sayo... Kung
wala kang pag gagamitan.. Ipunin mo na
lang tulad ng mga nauna..Ngayon, kung
babawiin nila..Eh di isoli mo.. Kung may
kailangan ka sa eskwela.. May pambili ka
na..Sige na.. Baka magtampo si Saimon
kapag nalaman nyang tinanggihan mo ang
binigay nya.." sita ni Ditas sa anak..
Napatitig si Zack sa pera..
Ramdam nya pa rin ang sakit ng mga titig
ni Sab ng inabot nya ito sa ama nito..
"Nay.. Sa tingin mo po.. Buhay pa kaya si
Itay?.. " biglang banat ni Zack..
Nagulat man si Ditas..
Pilit nya itong tinago ..
Tinitigan nya ang anak ..
Ngumiti ng kimi para itago ang kabang
nararamdaman..
"D-di ko alam anak.. " sabi nya..
Sumimangot si Zack..
"Masama ang ugali siguro ng Tatay ko ..
Iniwan nya tayo sa ganitong sitwasyon.. "
galit na sabi ni nya..
Pero batid ni Zack ang pinagmumulan ng
galit nya..
Inggit .. Pero hindi..
Mas lampas pa duon..
Nahindik si Ditas sa sinabi ng anak..
Kinulong nya ang mukha nito sa dalawang
kamay at pilit na hinuli ang mga mata..
Ramdam nya ang panginginig ng mga
bagang ni Zack tanda na nagpipigil lamang
ito ng galit..
Ngumiti sya ng matamis para ipakita sa
anak na ayos lamang ang lahat..
"Wag mong sabihin yan anak.. Kahit anong
ginawa ng tatay mo.. Nagpapasalamat pa
rin ako sa kanya.. " sabi ni Ditas.
Marahas na napailing si Zack.
"Di nyo kailangang magpasalamat sa kanya
Nay.. Naghihirap tayo dahil sa kanya..
Kailangan pa nating manilbihan sa iba para
lamang lumamon.." mapait na sabi ni Zack..
Lalong sinikap ni Ditas na payapain ang
loob ng anak..
Batid nya ang ragasa ng emosyon sa puso
nito..
Parang unos ang nararamdaman ni Zack sa
mga oras na ito..
Pero hinaplos nyang muli ang pisngi ng
anak at tinitigan ng matiim..
"Nagpapasalamat ako sa kanya.. Dahil kung
di dahil sa kanya.. Wala ka.. Wala akong
lakas.. Wala akong tapang .. Wala akong
takot... Wala akong saya..Wala akong lakas
ng loob para gumising at magpatuloy sa
bawat araw na nagdadaan... Ikaw anak ang
dahilan ng buhay ko.. Sayo ako
dumidipende.. Kapag umiiyak ka.. Doble ang
luha ko.. Kapag nasasaktan ka, parang ako
ang sinasaktan nila..Ikaw ang dahilan ng
luha ko. Ikaw ang dahilan ng tawa ko..
Lahat lahat.. Ikaw ang pinaghuhugutan ko
ng lahat anak.. Kaya wag kang magalit sa
kanya.. Nagpapasalamat ako dahil nabuo
ka.." umagos ang luha sa mga mata ni
Ditas..
Natulala si Zack..
Di nya alintana ang sasabihin ng kung
sinong makakakita sa kanila..
Niyakap nya ang ina sa sobrang
pagmamahal at pag galang na
nararamdaman nya.
"W-wag kang maiingit sa iba anak.. Kung
sila kumakain ng tatlong beses o higit pa sa
isang araw.. Kahit na naranasan nating
malipasan ng gutom sa kalye..
Nagpapasalamat pa rin ako .. Dahil andyan
ka sa tabi ko at palaging nakangiti..
Kung magagara ang damit nila sa bawat
araw na lumilipas.. Mas masaya akong
magsuot ng basahan basta nakangiti ka sa
tabi ko ..
Ni hindi mo ako hinilingan ng laruan o kahit
anong luho ..
Pero sa kabila nito..Sana mapatawad mo
ako anak..
I-ito lamang ang kayang ibigay ni Nanay.. "
basag ang boses ni Ditas..
Nagkandailing iling si Zack..
Pakiramdam nya bumalik sya sa pagkabata..
Lumuhod sya sa sahig at humagulgol sa
kandungan ng ina.
"Di po ako naiingit sa mga materyal na
bagay Inay.. Mas higit pa kayo sa lahat ng
kayamanan sa mundo.." umiiyak na sabi ni
Zack..
Lumuluhang hinagod ni Ditas ang buhok ng
pinakamamahal na anak..
Ilang saglit silang nasa ganuon posisyon ng
makarinig ng paghikbi..
Agad silang nagkalas..
Pagtingin nila ay pumasok sa kusina si
Bridgette na nagpupunas ng sipon at luha ..
"Nakakainis kayong mag ina..Ang aga aga
pinaiiyak nyo ko.." naiiyak na sabi nya..
Nagkatinginan na lamang sila at
nagtawanan..
"Pumasok ka na nga Zack !.. Magbihis ka
Ditas at mamamasyal tayo .. Wag ka ng
tumanggi.. Kainis talaga !.." garalgal na
utos pa ni Bridgette..
Napailing na lamang si Zack at mabilis na
kumilos para humabol sa first subject nya..
Sa school..Kasalukuyang magkatabi sina
Sab at Princess sa tabi ng bintana..
Wala pa ang teacher nila para sa first
subject..
Parang bruhang tumatawa si Princess ng
ikwento ni Sab ang ginawa nya kay Zack
kaninang umaga..
"Talaga sis?.. Akala ko pa naman may gusto
ka na sa kuya mo eh.. " sabi ni Princess..
"Excuse me.. Di ko sya kapatid .. Nagkataon
lang na sabay kaming lumaki at utos ni Dad
na ituring ko daw syang kuya since na mag
isa lang nila akong anak.." sabi ni Sab..
Nagkibit balikat lamang si Princess..
"Ayos lang yan.. Teka.. Ano pa ba ang plano
mo ?.. Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?.."
tanong pa nito..
Umiling si Sab..
Ayaw nyang ikwento sa iba ang nakita nya
kahapon sa parking area..
Kung saan hinalikan si Zack ng kung sinong
babae..
Masakit na masakit ang naramdaman nya..
Nais nya itong ikwento pero nahihiya syang
magtapat ..
At isa pa.. Wala syang mapiling
pagkwentuhan.. Kahit ang kaibigang si
Princess ay ayaw nyang bahagian ng
nararamdaman nya..
Lalo na sa mga magulang nya.. Dahil
siguradong pagagalitan lamang silang
dalawa ni Zack..At talagang kahiya hiya pag
nagkataong malaman nilang may gusto sya
sa binata..
Biglang napahiyaw si Sab sa reyalidad na
naisip nya..
Sa wakas napangalanan na rin nya sa sarili
ang matinding silakbo ng damdamin sa
twing masusulyapan nya si Zack.
Pagibig..
Pagibig pala ang dahilan kung bakit sobra
sobrang hapdi ang lumatay sa pagkatao nya
ng masaksihan ang mga kaganapan
kahapon..
Napatingin sa kanya si Princess..
"Hala.. Ano na nangyari sayo?.. Luka luka
to.." puna nya..
Napasimangot na lang si Sab..
Parang ayaw nyang tanggapin na sya lang
ang umiibig kay Zack..
Kailangan nyang pangalagaan ang
nararamdaman..
Sawa na sya sa paghahanap ng atensyon..
Oras naman para sila ang humabol sa
kanya..
.
"Oy sis..Ano bang plano mo pa?.." tanong ni
Princess.
Napatingin sa kanya si Sab..
"Anong plano?.. " takang tanong nya..
Umikot ang mga mata ni Princess na
parang nayayamot..
"Hellooo.. Masaya ka na don?.. Di mo man
lang pahihirapan?.. Di ba sabi mo galit ka
sa kanya?.. Ayaw mo naman sabihin kung
bakit.." sabi nito..
Tumango si Sab.
"Oo nga .. Galit ako .." sabi nya..
"O .. So okay na sayo yung ginawa mong
pag-isnab at konting pagpahiya sa kanya
kanina?.. Lubus lubusin mo na !.. " pang
eenganyo ni Princess.
Napaisip si Sab..
"K-kailangan pa ba yon? .. " parang
nalilitong tanong nya..
Di nya ata kayang saktan pa ng higit sa
ginawa nya kanina ang binata..
"Oo naman.. Para malaman nya na iba ka
magalit.. Para matakot sya sayo.." dagdag
pa ni Princess..
Napatingin sa labas ng bintana si Sab..
"Ewan ko.. Di ko alam ang gagawin ko.."
sabi nya..
Pero inakbayan sya ni Princess.
"Ako na bahala mag isip.. Basta pumayag
ka lang.. What are friends for di ba?.. "
tanong ng dalagita.
Muling nagkibit balikat si Sab..
"Basta ewan ko.. Bahala ka.. Andyan na si
Ma'am.." sabi nya..
Pumasok na ang teacher nila..
Mabilis na bumalik sa kanya kanyang
pwesto ang mga estudyante..
Naupo si Princess sa bandang likuran at
tinitigan si Sab ..
Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi
nya..
Pero kung titingnan mo sa malayo.
Parang demonyong nakangisi ang dalagita
habang nag iisip ng kung anong kasamaan...

Chapter 26
Bisperas ng araw ng laban nina Zack...
Maagang natapos ang klase nya kaya
medyo masaya ang binata..
Mamaya pa ang uwian ni Sab dahil may
exam pa ito..
Samantalang silang mga varsity ay tapos
na..
Kasalukuyan syang nasa room at nagliligpit
ng mga gamit..
"Oy Zackarias Hidalgo !.." sigaw ni Rigor.
Automatikong napangiti si Zack sa
pagkarinig sa pagtawag ng kaibigan..
"Baket Regidor Dimagiba?.." panggagaya
nya...
Napangiwi si Rigor sa pagkarinig ng sariling
pangalan..
Tila naging isang usal pangontra sa
masasamang espiritu ang dating nito sa
mga tenga nya..
Nagtawanan ang mga kaklase ni Zack na
nakarinig..
Kakamot kamot na pumasok si Rigor sa
loob ng silid..
"Pare naman..Konti na nga lang kayong
nakakaalam ng totoo kong pangalan eh..
Wag mo na i-broadcast.. Di ka naman
yayaman dyan eh.." angal nito.
Bungisngis lang si Zack..
"Ginaya lang kita..Himala..Di mo kasama
yung isa?.." tanong nya..
Napangisi si Rigor.
"Si Denzel ba?.. Ayun..Nakakita ng tsiks
pare..Di na pinatakas.." imporma nito..
Kunot noong tinigil ni Zack ang ginagawa ..
"Oh.? .. Sino?.. Saan nyo nakita?.. Taga dito
ba?.." sunod sunod nyang tanong..
Hinawakan ni Rigor ang baba gamit ang
kanang kamay habang ang kaliwa ay
nilahad nya..
Tiningnan lamang ito ni Zack..
"Oh anong ibig sabihin nyan?.." tanong nya..
Napangisi si Rigor..
"Ang lagay eh.. Impormasyon yon.. Dapat
may kapalit.." nakangising sabi nito.
Umakma si Zack na duduraan ang palad ni
Rigor.
Ng makita ang balak ng kaibigan ay mabilis
na binawi nya ang kamay..
"Langyang to..Your so kadiri.." sabi ng
bakulaw..
"Ako pa ang peperahan mo.. Parang ang
yaman ko ah.. " sabi ni Zack..
Inakbayan sya bigla ni Rigor..
"Biro lang pare.. " sabi nya..
Ngumiti si Zack..
"Dali na..Nasan na sila?.." tanong nya..
Inakay naman sya palabas ni Rigor..
Mabilis silang bumaba ng hagdan..
"San ba kasi?.. taga dito ba?.." tanong ni
Zack..
"Wag kang makulit.. Ikaw na nga itong
sinasamahan eh..Tara nandun yung iba.."
sabi ni Rigor..
Nagtaka si Zack..
"Sinong iba?.. " tanong nya..
Patungo sila sa parking area..
Di na kailangan pang sagutin ni Rigor ang
tanong nya dahil agad syang napangiti ng
makita ang ibang mga kaibigan..
"Oh ang babagal nyo.. Mamaya makaalis na
yung mga yon eh.." sabi ni Primo..
Nagtawanan sina Vincent at Gustavo..
"Langya ka insan..Ang hilig mo talagang
manggulo eh.. Anyway..Nasan na nga ba
sila Vince?.." tanong ni Gus..
Napatingin sila kay Vincent..
"Kanina nakita ko sila naglalakad papunta
dun sa park..Kung di nga lang ako
nakasakay sa jeep malamang na sumunod
na ako..Pero mas masaya ang pag ambush
kapag marami tayo.." nakangising sabi nito..
Nagtawanan sila..
"Sige sige.. Tara na..Patunay na nandun
nga sila .. Nandito ang kotse ni Taba eh.."
turo ni Primo sa kotse ni Denzel.
Nagpauna na syang lumakad..
Sunod naman agad ang iba..
Malapit lang ang sinasabing park ni Vincent
sa eskwelahan nina Zack.
Sampung minutong lakad lang ..
Ilang saglit pa ay nasa park na sila ng
huminto si Gustavo.
"Oh bakit insan?.." tanong ni Primo.
Nanlisik ang mga mata ni Gustavo sabay
ngisi na parang tanga.
"I saw them.." sabi nya..
Agad na napatingin ang iba sa direksyon ng
tinitingnan ni Gustavo.
"Lekat na.. Wala naman ah.." reklamo ni
Rigor..
"Ginagamit mo na naman yang matang
manyak mo pare..Alam mong di namin sing
talas yang pang amoy mo..Nasan na ba
kasi?.." angal ni Vincent..
Tinuro ni Gustavo ang isang puno..
Napangisi ang lahat ng makita si Denzel ..
Medyo malayo ito pero kamang manghang
napansin agad ni Gustavo..Idagdag pa ang
maraming tao..
Nagpulong sila para sa gaganaping raid..
Bumuo ng bilog..
"Oh ganito ang dapat mangyari..Daanin
natin sa gulatan para di makatakas ang mga
suspect.." nakangising paliwanag ni Primo..
Nag-alala si Zack..
"Baka magalit si Denz..Hayaan na lang natin
sya.." pag awat nya.
Napagtingin ang lahat sa kanya na parang
isa syang alien..
"Ano ba to?.. Santo?.. Ganito talaga ang
mag kakaibigang tunay pare... " sabi ni
Rigor..
Kunot noo naman si Zack..
"Anong ganito?.. yung guguluhin natin ang
Date nila?.." tanong nya..
Tumango ang lahat..
Napangiwi si Zack.
"Hala.. Ayaw ko.." tanggi nya.
Akmang tatalikod sya pero bigla syang
kinalawit ni Rigor..
"Hep hep.. Wag kang KJ.. Sakay ka na
lang.. Di yan mapipikon.. Si Denzel
pa..Tsaka.. Parang welcome na lang rin yon
sa tsiks nya eh.. " paliwanag ni Primo..
Napanguso si Zack..
"Bahala kayo ha.. Basta di ko ginusto
to..Pinilit nyo lang ako.." sabi nya..
Tumango ang lahat..
Lumapit na sina Zack at Rigor..
"Sige game..." landi ni Zack..
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng
binata..
Masayang masaya si Denzel ..
Pakiramdam nya nakita nya na ang matagal
nyang hinahanap..
Di sya likas na chickboy..Sadyang mahilig
lang din sya sa magagandang babae..
Pero kakaiba ang dating sa kanya nitong ka
Date nya..
Kakakilala nya pa lang sa dalaga sa isang
mamahaling kainan..
Sa unang tingin pa lang nya ay nabighani na
agad sya..
Kasama nya nuon si Rigor at titingin sana
sila ng bagong labas na sapatos pero
nagulat nga sya ng pagdaan nila sa
nasabing kainan ay biglang parang huminto
ang pagtibok ng puso nya.
Nasa harap nya ang sanhi ng pagkakapuyat
nya ng ilang araw..
Nakaupo at nakasandal sa puno ng mangga
..Nakatingin sa kanya..
Nakangiti.
Labas ang magagandang ngipin..
Napabuntong hininga na lang ang binata..
Ayaw nya ng magpaliguy liguy pa..
Kailangan nyang mailabas ang
nararamdaman para sa babaeng
hinahangaan..
Tumalikod sya..
Humarap sa mga taong pabalik balik sa
pampublikong pasyalan kung saan sila
nanduon..
"Haaaaayyyyy..Im so inlove !." bulong ni
Denzel sa sarili.
Di na nya kayang itago pa ang
nararamdaman..
"Uhm.. Annette..." bungad ni Denzel..
"Denzel.." mabilis na sagot ni Annette..
Kinilig ang buong sistema ni Denzel sa mala
anghel na boses ng dalaga..
"Alam ko .. Kakakilala pa lang natin..Pero
sana maniwala ka sa sasabihin ko sayo.."
dagdag nya..
Walang nagsalita..
Tuloy pa rin ang binata sa talumpati nya..
Tinitigan nya ang magandang bughaw na
kalangitan..
Muli..
Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na
saya sa kaibuturan ng kanyang puso...
"Siguro.. Sasabihin mo na babaero
ako..Pero inuunahan na kita..Hindi ako
babaero..Ni hindi pa ako nagkakanobya sa
tanang ng buhay ko.. Naniniwala kasi ako
na dadating ang taon nakatadhana sa akin..
At sana wag mo akong pagtawanan .. Alam
ko na ikaw yon.." madamdamin nyang
salaysay..
Napabungisngis si Annette pero muntik na
syang mapatili ng biglang may tumabi sa
kanyang dalawang binata..
Paglingon nya ay nakangisi ang mga ito at
sinasabing wag syang maingay..
Napalunok ang dalaga..
"Sssshhh.." pag saway ni Primo sa takdang
pagsasalita nito..
Di kilala ni Annette ang mga lalaking katabi
nya..
Napatingin sya sa katabing binata..
Hinawakan nito ang braso ng dalaga at
inakay patayo..
Nagtatakang sumama sya sa mga ito..
Di naman siguro ito gagawa ng kung anong
kasamaan dahil napakaraming tao sa
paligid..
"Sige sagutin mo lang mga sinasabi
nya..Mga kapatid nya kame..Si Denzel
Guzman yan di ba?.." pabulong na utos ni
Primo..
Napahagikgik si Annette..Tumango ng
marahan..Mukhang nakukuha na nya ang
gustong gawin ng mga ito..
Kinakawayan ni Denzel ang mga ibon na
lumilipad ng matiwasay at masigla sa
kalangitan..
Napakasarap ng nagmamahal..
"Annette.." pagtawag nya..
"Oh.." sagot ng dalaga..
Kinilig si Denzel..
"Napakagandang tinig mula sa isang
napakagandang anghel.." pang uuto nya..
"Bolero.." sabi ng dalaga..
Umiling si Denzel kahit nakatalikod..
"Hindi aking irog..Sadyang nagsasabi
lamang ako ng katotohanan.." sagot nya.
Pinipigilan ni Annette ang pagbungisngis ng
lumapit ang dalawa pang binata na may
kasamang bakla..Para itong nanggaling sa
hukay sa itsura nito..
"Anowng gagawin ko mga powgi?.. " tanong
ng bakla..
Napangiwi sina Rigor at Zack..
"A-ah.. Wag ka lang magsalita... Basta tayo
ka lang dyan sa puno.." bulong nila..
"Hmmp.. !.. Kung di lang kayo mga pogi !.. "
sabi pa nito sabay himas ng malapad na
dibdib ni Rigor..
Umalma ang kapre..
"Putangna pare..Ikaw na bahala sa mga
maiiwanan ko kung sakaling mapatay ko na
ito dito pa lang.." gigil nyang bulong..
Natawa si Zack..
"Easy.. Easy boy.." pang aalo nya..
Dahan dahan nilang pinalitan si Annette ng
bakla..
Sinenyasan na wag maingay..
Pigil ang pagtawang lumapit si Primo sa
bading at binulungan..
"Nakikita mo yang nakatalikod na yan?..
Gwapo na yan, mayaman pa.. Magtatapat
yan sayo.. Bahala ka na.." sabi nito sabay
takbo palayo..
Nanlaki ang mga mata ng bading ..
Ilang saglit lang ay nilabas nito ang dila at
parang natatakaman na tiningnan ang
nakatalikod na si Denzel..
"Oh Annette.." pagtawan ni Denzel..
Pero walang sumagot..
Ngumiti si Denzel..
"Mukhang di ka na makapagsalita mahal ko
sa sobrang kilig na nararamdaman mo.. Ako
rin naman.. Pero gusto ko sanang marinig
mula sa mga bibig mo na mahal mo rin
ako..Tama Annette..Mahal kita.. !!" sigaw ni
Denzel..
Napatingin ang lahat ng tao sa kanya..
Pero imbes na mailang.. Tila nagmalaki pa
si Denzel..
Tiningnan nya ang mga napahintong tao at
tinuro ang nasa likod nya..
"Mga kababayan ko !... Hihiramin ko lamang
ang ilang saglit ng inyong oras ... Narito..
Narito sa aking likuran ang taong aking
PINAKAMAMAHAL ! .. " sigaw nya..
Pinagdidiinan pa talaga ang salitang
Pinakamamahal..
Nagulat ang taong bayan sa binunyag ng
gwapong binata..
Sabay sabay silang napatingin sa likod nito
para lamang mamangha..
Ang iba ay di na tinago ang pagtawa..
Di naman alam ng iba kung matatakot sila o
maaawa sa binata ..
Sa isip isip ay para na itong sinaniban ng
masamang espiritu ng tawagin nitong
PINAKAMAMAHAL ang nilalang sa likod
nito..
Napangisi si Denzel sa reaksyon ng madla.
"Nagulat kayo no?.. Akala nyo diwata?..
Huh !.. Sya ang aking pakakasalan balang
araw !.. MAMATAY KAYO SA INGGIT !.. "
sigaw nya..
Nagkatinginan pa ang mga tao bago
sumambulat ng tawa..
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Denzel..
"Whats funny?.. " takang tanong nya..
Lumapit sa kanya ang isang may edad na
manong na nagtitinda ng lobo..
"Iho.. Di ka ba nilalagnat lang?.. Umuwi ka
na kaya .. Baka kung napano ka na eh.."
nag aalalang sabi nito..
Nagtaka si Denzel..
"D-di ho.. Wala ho akong sakit.." tanggi
nya..
Naawa ang matanda..
"Baka kulang ka sa kalinga ng mga
magulang mo iho.. Di pa huli para magbago
sila.. Ikaw na ang lumapit sa mga magulang
mo kung di ka nila naaasikaso.. Mukhang
kulang ka sa atensyon at pagmamahal.."
pangaral pa nito..
Nahindik si Denzel..
Di nya maintindihan ang sinasabi ng
matanda..
"Tatang. Ayos lang po ako.. Ganito lang
siguro ang tingin nyo sa akin.. Akala nyo
nababaliw na ako pero sadyang ganito lang
siguro ang nagagawa ng matinding pag ibig
.. Alam ko pong napagdaanan nyo na din
ito.. " nakangiting paliwanag nya.
Tumango ang matanda..
"Alam ko iho.. Pero di man ako gwapong
tulad mo nuong kabataan ko.. Di naman ako
nababaliw... Ganito na ba ang kabataan
ngayon?.. Iba na ang hilig?.." iiling iling na
sabi nito sabay tinapik sa balikat si Denzel..
Gusto nyang sulyapan ang pinagmamalaki
nitong nilalang sa likuran pero tila ba
babaligtad ang sikmura nya sa oras na
gawin nya iyon..
Kaya imbes na tingnan.. Minabuti ng
matanda na umalis na lang..
"Mahalin nyo ang isa't isa kung ganon.."
sabi pa nito..
Tumango si Denzel..
Muli nyang tiningnan ang mga tao .. Nasa
mukha nito ang inggit..
Tuwa..
at..
at.. Pandidiri..
"T-teka..Bakit ba kasi?.. " tanong nya sa
sarili..
Pero nahinto ang pagtibok ng puso nya ng
may maramdamang paggapang ng isang
kamay sa braso nya..
Saglit na sinulyapan ni Denzel ang kamay
na ito.
Ngingiti na sana sya pero nauwi ito sa
pagtataka..
"A-annette?.. Tila ba naging kamay ng
kargador ang kamay mo?.." tanong nya..
Walang sumagot..
Bigla syang nanigas ng idantay ng nilalang
sa likod nya ang baba nito sa balikat nya..
Gustong kiligin ni Denzel.
Pero nagulat sya ng may sumigaw sa kung
saan..
Paglingon nya, di nya alam kung sisigaw din
ba sya o hindi..
"Annette !.. Anong ginagawa mo dyan?.. "
tanong ni Denzel..
Humahangos na lumapit ang dalaga.
"Di ako may pakana nito !.. Alisin mo
yan !.." reklamo ng dalaga..
Napalunok si Denzel..
"T-teka.. K-kung nandyan ka.. S-sino to?.. "
tanong nya..
Pigil lang ang pagtawa ni Annette..
Nagtatago sila kanina sa likod ng isang
puno habang pinagmamasdan kung paano
ipagsigawan ni Denzel ang nararamdaman
nito sa kanya sa taong akala nito ay sya..
Pero di na sya nakapagpigil ng yakapin na
ng bading ang binata..
Kaya sa ayaw at sa gusto ng mga kaibigan
nito ay nilapitan nya ang binata para itigil
ang nangyayari..
Pero paglapit nya ay muli nyang nais
sumabog sa tawa sa itsura ni Denzel habang
nakatingin sa kanya..
Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat at
pagtataka..
"Hi pogi.." tila nagmula sa impyerno ang
boses na iyon..
Pakiramdam ni Denzel nagtayuan na lahat
ng balahibo nya sa katawan..
Unti unti nyang nilingon ang pinanggalingan
ng boses...
Pero nanlaki ang mga mata nya ng
nakanguso na ito at akmang hahalikan na
sya.
Gamit ang buong pwersa..
Yumuko ang binata at buong lakas na
hinagis ang nilalang sa likod nya..
Gulat na gulat si Denzel sa nagawa..
Napaupo sya at tinitigan ang kung anong
bagay na hinagis nya.. Para lamang
manghilakbot..
"A-aray .. " reklamo ng bakla habang hawak
ang balakang..
Tumayo si Denzel at naghanap ng kung
anong mahabang bagay para ipalo sa pangit
na nilalang ng tatawa tawang awatin sya ni
Annette..
Parang nuon lang nahimasmasan ang
binata..
"N-nasan ako?.." tanong nya..
Di na tinago ni Annette ang
pagtawa..Napaupo sya halos sa lupa..
Patingin tingin si Denzel sa bakla at kay
Annette..
Imbes na magalit..
Napatawa na lang din sya..
"Putsa naman eh.. Trip mo ata ako eh.. "
reklamo nya..
Akmang lalapit ang bakla pero mabilis na
nagtago si Denzel sa likod ni Annette..
"Mapapatay kitaaaaa.. " sigaw nya..
Lalong halos gumulong na si Annette sa
kakatawa..
"Talagang pinagsigawan mo pa na
PINAKAMAMAHAL mo SYA !!!!..
Ahahahahahaha.. Dami ko talagang tawa..
Mga 11.. hahaha.." maluha luhang sabi ni
Annette..
Natawa na lang din si Denzel..
Di nya akalaing pagtitripan sya ng babaing
ito..Ang alam nya ay mga kaibigan lamang
nya ang may kakayahang gumawa nito..
"Grabe ka.. Ang lakas ng trip mo saken.. "
kunwaring nagtatampong sabi nya..
Saglit na huminto sa pagtawa si Annette at
tinuro ang likod ng puno...
"Nandun sila.. Ahahahahaha... " tawa pa rin
ang dalaga..
Agad na nagets ni Denzel ang mga
pangyayari.. Nabiktima sya ng tropa..
Imbes na magalit.. Natawa na lang din sya..
Pero di sya papayag na di makabawi..
Tiningnan nya ang bakla na nakahandusay
sa damuhan..
"Hoy.." sigaw nya..
Tumingin ito at nagbeautiful eyes..
Muling gumapang ang kilabot sa katawa ni
Denzel..
Tinuro nya ang likod ng puno..
"Nandun ang mga gwapo at macho kong
barkada..Dumakma ka ng isa.. Kapag
nakuha mo.. Sayo na..May pera ka pa.. Eto
oh.. Paunang bayad.." nakangising utos ni
Denzel sabay labas ng pera..
Nanlaki ang mga mata ng bakla at halos
maglaway na ito..
"Yung mga gwapong yon?.. Kahit sino?..."
tanong nito..
"Kahit sino..Kahit lahat na sila.. Basta kaya
mong hulihin..Oh wag ka nang lumapit sakin
kasi baka makatakas na sila.." sabi ni
Denzel.
Ngumisi ang bakla..
Inabot nito ang pera at sinilid sa suot na
bra..
Tinipon ang lahat ng lakas at tinakbo ang
nasabing puno..
Sa likod ng puno.
Halos mamatay na sa tawa ang apat limang
binata..
Di na maipinta ang mga mukha nila dahil sa
sobrang tawa na ginagawa..
Ilang saglit pa..
Biglang may tumalon na nilalang.
"Bulagaaaaaa.." sigaw nito..
Bagsak ito sa katawan nina Rigor at
Vincent..
"Putangnaaaaa... Impaktoooo..
Baklaassss... !!!!!.." sigaw ni Primo..
Pero nahawakan nito ang paa nya..
"Nanay kupooooo.." palahaw ni Gustavo..
Pero hawak na din ng bakla ang isang paa
nya..
Si Zack ay di sumigaw.. Pinigilan nya ang
sarili kahit na gulat din sya..
Pasimple syang gumapang palayo.. Pero
dinaganan sya ng paa ng kadiring nilalang..
"Huli.. Ay ang gagwapo nyo talaga.." sabi ng
bakla..
Pumalag ang lima at tumilapon ang bakla..
"Hah !.. Di mo kami kaya.. Langya ka
salot !.." sigaw ni Primo..
Pinagpag ng bakla ang pwetan nito sabay
turo sa limang binata..
"Di pa tayo tapos.. !.." sabi nito..
Pero tumawa lang ang limang binata..
"Sinong tinakot mo?.. Gusto mong upakan
kita?.. " gigil na banta ni Primo..
Pero di natakot ang bading ..
Nginuso nito ang likod ng mga binata..
Sabay sabay pa silang napatingin..
Parang tumigil ang pag ikot ng mundo sa
mga binata ng sa di kalayuan ay may
tumatakbong mga bakla..
Napakarami nito..
Napalunok silang lima at nagkatinginan..
"Mga tol.. " takot na sabi ni Primo..
"Tol.. Uuwi na ko.. " paalam ni Zack..
"B-bukas na lang.. " sabi ni Rigor..
Bumwelo lang sila..
"Sugod mga baklaaaaa....." sigaw ng
naunang bakla .
Napasigaw ang lima..
"Bahala na kayo... !" sigaw ni Zack..
Mabilis na silang pumuga..
Gamit ang buong lakas.. Tumakbo sya ng
tumakbo hanggang sa makauwi..
Hingal na hingal na si Zack pagdating sa
gate ng subdivision..
Nagtatakang napalapit ang guard sa kanya..
"Napano ka Boy?.. " tanong nito..
Ngumiti lang si Zack..
"Marathon kuya..." sabi nya..
Iinot inot syang naglakad pauwi..
Pagbukas nya pa lang ng gate ay
nasalubong nya na ang ina ..
"Oh bakit ngayon ka lang?.. " tanong nito..
Nagtaka si Zack..
"Eh napasama ako kina Denzel, Nay.. may
nililigawan na sya.. " nakangiting sabi nya.
Napangiti din si Ditas..
"Huuusss... Baka kayo .. Baka may
nililigawan ka na din.. " biro nito..
Napakamot si Zack sa batok nya..
"Nanay talaga.. Pag aaral muna.." sabi nya..
Hinaplos ni Ditas ang pisngi ng anak at
kinurot..
"Okay lang naman sakin anak.. Basta pag
aaral pa din ang unahin mo.." sabi nito..
Ngumiti na lang si Zack..
"San po kayo pupunta?.." tanong nya..
"Ay oo nga pala.. Dito ka muna at may
bisita si Sab.. Naubusan na tayo ng
tinapay.. Bibili lang ako dyan sa bakery..
Pumasok ka nga at timplahan mo sila ng
juice.." utos ng ina..Binuksan nito ang
payong na dala at naglakad na palayo..
Napahinto si Zack..
Bumuntong hininga sya at nilock ang
gate..May susi namang sarili ang ina..
Hindi na sya sa main door dumaan kundi sa
kusina..
Mabilis syang nagpalit ng pambahay..
Pagkatapos ay pasimpleng sinilip ang salas
..
Pero walang tao..
Nagtatakang lumabas sya ng kusina para
hanapin ang sinasabi nitong bisita..
Pagtingin nya sa bukana ng hagdan ay
pababa din si Sab..
Nagkatitigan pa sila ng dalagita..
Walang ekspresyon sa mukha nito..
"Oh nandyan ka na pala..Mukhang
napapasarap ang pamamasyal ah.." bungad
ni Sab..
Nahindik si Zack..
Di nya magawang mangatwiran kaya
napayuko na lang sya..
"P-pasensya na.. " bulong nya.
Rinig nya ang yabag ni Sab palapit sa
kanya..
"Anyway.. Make juice for two.. Then bring it
to my room.. " utos nito sabay muling
umakyat..
Tumango si Zack.
Mabilis syang bumalik sa kusina at
nagtimpla ng juice..
Ilang saglit lang ay nasa tapat na sya ng
kwarto ng dalagita..
"Come in.." rinig nyang tawag ni Sab..
"Di ko kayang buksan .. May hawak ako..
Pabukas naman.. " pakiusap nya..
Naghagikgikan sa loob..
"Wag mo kong utusan.. Problema mo yan..."
sabi ni Sab..
Inis na nilapag ni Zack ang tray ng juice at
padarag na binuksan ang kwarto..
Pero nagulat sya sa ayos ng silid ni Sab..
Magulo ito at nakalabas ang mga stuff toys
ng dalagita..
Parang dinaanan ng bagyo ang nasabing
silid..
Napailing na lang si Zack at muling
dinampot ang tray ng juice sabay pasok sa
loob..
Nilapag nya ang tray sa mesa ni Sab sabay
yuko ng ulo at humakbang na palabas..
Pero tinawag pa sya ng dalagita..
"Stay here.. Para di na kami sisigaw kapag
MAG UUTOS .. " diin ni Sab.
Tahimik na tumango si Zack..
Tiim bagang syang pumasok sa loob at
naupo sa tabi ng kama ng dalagita.
Ilang oras na nagkwentuhan ang dalawa..
Pasulyap sulyap lang si Sab sa binatang
nakayuko at nagbabasa ng libro..
Naaawa sya dito pero naiinis din sya..
Tiningnan nya ang juice na hawak..
"Oh.. Ayaw ko na.. " sabi ni Sab..
Pero pinandilatan sya ni Princess..
Napangiwi si Sab..
Napangiti naman si Zack at inabot ang baso
..
"Ay.. Timpla ka na lang ng sarili mo.. "
biglang bawi nya..
Pahiya ang binata..
Tumawa si Princess ng malakas..
"Yan.. Feeling kasi.. " pang aasar nya..
Pero di natawa si Sab..
Nakaramdam sya ng sakit para sa binata..
Tahimik lamang na ngumiti si Zack bago
muling tinuloy ang pagbabasa..
"Ay sis.. Balita ko final match na tomorrow
ng basketball.. Hmm.. " biglang sabi ni
Princess..
Lumapit ito kay Sab at bumulong..
Nanlaki ang mga mata ni Sab.. Umiling sya
..
"Ayaw ko.. Pupunta nga ako para i cheer
sila eh.. " bulong nya..
Pero muling bumulong si Princess..
Napatingin sya sa binata..
"D-di ko ata kayang gawin yon.. "
malungkot na sabi nya.
Pinaikot ni Princess ang mga mata nya..
"Duh !.. Kaya mo yan.. Remember.. Yung
sinabi mong nakita mong kahalikan nya!.. Di
ba ang sobrang nasaktan ka non?.." pag
papaalala nito..
Sa sinabi ng kaibigan ay muling nanariwa sa
puso ni Sab ang nasaksihan..
Tumigas na naman ang puso nya para sa
binata.
Marahas syang napatingin dito at tumango..
"Sige.. Sasabihin ko mamaya.." sabi ni Sab.
Napapalakpak pa si Princess..
"Thats my girl..Di nagpapatalo..Ay uwi na
ako.." sabi nya..
Tumango si Sab..
"Hatid mo nga sya sa gate.." utos nya..
Mabilis na kumilos si Zack at nagpauna na
palabas..
Hinatid nya hanggang gate nila si Princess...
Bago umalis ang dalagita ay ngumisi ito sa
binata..
"Good Luck bukas.." sabi nito.
Ngumiti si Zack..
"Salamat.." sabi nya..
Pero nawala ang ngiti sa mukha ni
Princess..
"Yun ay kung makakalaro ka.." sabi nito
sabay tingala sa taas bago tumalikod at
naglakad palayo..
Nagulat si Zack sa sinabi ng dalagita..
Dahan dahan syang lumingon sa likod at
tiningala ang ikalawang palapag ng bahay..
Kita nya ang galit na tingin ni Sab sa
kanya..
"Yun ay kung makakalaro ka.." parang
naririnig nya pang huling binitawan na salita
ni Princess..
Unti unting gumapang ang takot sa katawan
ni Zack...

Chapter 27
Litong pumasok ng bahay si Zack...
Nasalubong nya pa ang ina na may hawak
na parang maliit na babasahin..
"Oh anak..Mag miryenda ka muna dun sa
kusina.. Ako'y magbabasa basa muna rine
at wala pa naman akong gagawin.."
nakangiting sabi nito..
Ngumiti ng kimi si Zack at pumasok sa
kusina..
Naghalungkat sa ref at nakakita sya ng
cake..
Nag alangan ang binata kung kukunin ang
nasabing pagkain o hindi.
Sa huli nagpasya na lamang syang wag ng
galawin pa ang cake.. Alam nyang ito ang
paborito ni Sab..
Baka hanapin pa ito ng dalagita .. O di kaya
ay magtaka kung bakit may bawas ang
pagkain nito..
Mahirap na..
Naghalungkat na lang si Zack sa mga
kaldero at swerteng may natira pa palang
ulam kaninang tanghali..
Ito na lamang ang kinain nya kasabay ng
kanin..
Nasa kalagitnaan ng pagkain si Zack ng
makarinig ng pagtikhim mula sa likod..
Agad syang napalingon..Saglit nabigla ng
makita si Sab na nakatayo sa likuran nya..
Ngumiti ang binata at inalok ng pagkain ang
dalagita..
"K-kain ka.." kiming alok nya..
Tumango lang si Sab..
Dumiretso ito sa ref at nilabas ang cake..
Napahinga ng maluwag si Zack.
Buti na lang di nya pinakielaman ang
nasabing pagkain kundi baka pag awayan
pa nila ito ng dalagita..
Tahimik na nilapag ni Sab ang cake sa
mesa at naghalungkat ng kung ano sa
lalagyan ng kubyertos ..
"Nanayy.. Nasan po yung knife.. " pagtawag
ni Sab..
Uminom si Zack ng tubig sabay tayo..
"Ako na.." pagkukusa nya..
Kabisado nya kung saan nilalagay ng ina
ang mga matatalim na bagay..
Ng makita ay tinanong nya kung gaano
kalaki ang kakainin nito..
"Ako na maghiwa.. Tama na ba ganito
kalaki?.." tanong ni Zack..
Tumango si Sab..
"Juice gusto mo pa?.." tanong ng binata..
Tumangong muli ang dalagita..
Mabilis na nag prepare ng miryenda si
Zack..
Ng matapos ay binuhat nya ito at nilingon
ang dalagita..
"San mo po gustong kumain?.. Sa garden,
salas o sa room mo po?.." mahinang tanong
nya..
Sumimangot saglit si Sab..
"Sa room.." kiming sabi nya..
Ngumiti si Zack at mabilis na umakyat sa
kwarto ng dalagita..
Mabilis ding sumunod si Sab..
Huminto ang binata sa bukana ng kwarto ng
dalagita.. Nakangiti nyang nginuso ang
doorknob..
"Paki bukas naman.. " sabi ni Zack.
Tahimik na binuksan ni Sab ang pinto..
Nagpauna syang pumasok kasunod ang
binata..
Nilapag naman agad ni Zack ang dala ..
"Kapag may ipaguutos ka pa.. Nasa baba
lang ako.. Sa kusina o kaya sa kwarto.. Mag
rereview lang ako.." pasintabi nya..
Tumango naman si Sab..
Palabas na ang binata ng tawagin sya ng
dalagita..
"Psst.. " tawag ni Sab..
Nakangiting lumingon si Zack..
Nagkatitigan silang dalawa..
Si Sab na ang unang nagbaba ng tingin ..
Ramdam nya ang pamumula ng pisngi..
"B-baket?.." mahinang tanong ni Zack..
Umiling ang dalagita..
"W-wala.. S-sige.. " sabi nya..
Tumango si Zack at nakaramdam ng
kaunting panghihinayang..Akala nya
magbabati na silang dalawa..
Tahimik na lamang nyang sinara ang pinto
ng kwarto at bumaba..
Gabi..
Nag iinat na bumangon si Sab sa kanyang
kama..
Napahaba ang tulog nya..
Matamlay syang nagtungo sa banyo at
nalinis ng katawan..
Paglabas nya ay mabilis syang nagbihis ng
pambahay at bumaba ng hagdan..
Nasa kalagitnaan pa lamang sya ng marinig
ang masayang usapan na batid nyang
nagmumula sa salas..
"O sabi sayo eh, bagay na bagay sayo yang
matitingkad na kulay... Lumalabas ang
pagkamestiso mo.." puri ni Bridgette..
Tahimik na lumapit si Sab at nagtango sa
likod ng malaking vase...
Sinilip nya ang nangyayari sa salas..
Mula sa pinagtataguan.. Nagmatyag si Sab..
"Ayun pa Mommy.. Kay Zack din yan di
ba?.. " turo ni Saimon habang sinusukat sa
sarili ang isang pares ng sapatos..
"Ay oo nga pala.. Buti nasabi mo Daddy, oh
eto iho.. Sayo din ito.. Sukat mo nga dali .. "
excited na alok ni Bridgette..
Natulala si Sab..
Di nya alam kung ano ang tamang emosyon
na maramdam sa nakikita nya..
Akala nya nasa opisina ang mga magulang..
Nuon nya lamang nalaman na namasyal
pala ang mga ito.. At nagshopping pa..
Unti unting gumapang ang inis sa katawan
nya..
Parang di man lang sya naaalala ng mga
ito..
Napabaling ang kanyang tingin kay Zack..
Kita sa mukha nito ang pagkamangha sa
mga bagong kagamitan..
Namimilog ang mga mata nito.. Kahit na
anong pagtanggi ang gawin ng binata..
Parang sa paningin nya ay pakita lamang
nito iyon..Para di masabihan ng makapal
ang mukha.
Pero sa nakikita nya.. Mukhang tuwang tuwa
ito..
Lalong nagsintir ang loob ng dalagita..
Ilang saglit ay naalala ni Sab ang
nagustuhan nyang damit sa mall..
Nabawasan ng konti ang inis nya..
Nuong huling nagshopping sila ng ina ay
naituro nya ang nasabing damit..
Siguro naman ay di nito nakalimutan ang
bilin nya na sa susunod na pagpunta nila sa
mall ay bibilhin nila ito..
Tumikhim sya para iparamdam ang
presensya..
Saglit natigil ang katuwaan sa salas at
napatingin ang lahat sa kanya..
"Oh iha.. Gising ka na pala.. " bati ni
Saimon sa anak..
Ngumiti lamang ng kimi si Sab..
Pasimple syang lumapit at tinapunan ng
tingin ang mga paper bags na nasa lapag..
Excited na sya sa mga laman nito..
Siguro isa sa mga bags na ito ay kanya..
Oh baka nga kalahati..
Natahimik si Zack..
Pasimple syang umatras para bigyan daan
ang prinsesa ng tahanan..
Isa lamang syang alipin na nagaantay na
maambunan ng kaunting grasya mula sa
mababait na amo.
Kipkip ang bagong T-Shirt.. Tumayo si Zack
sa likod ng ina..
Pinagmasdan ang maamong mukha ni Sab
na nakatitig sa mga paper bags na dala ng
mga magulang nito..
"Ditas.. Anong ulam ?.. " tanong ni Saimon..
"Ah Putsero..Paborito ni Bridgette.."
nakangiting kumindat pa si Ditas sa among
babae..
Napangiti din si Bridgette..
"Haaayyyy.. Daddy mukhang mapapalaban
na naman tayo..Wala na naman kwenta diet
ko.." biro nya..
Natawa na lang sina Saimon at Ditas sa
sinabi ng babae..
Tahimik lamang sina Zack at Sab..
"Oh.. I almost forgot..Baby here.." kinalkal ni
Bridgette ang mga pinamili..
Agad naglaway si Sab..
Nakikalkal na din sya sa ina..
Pero napakunot ang noo nya ng makita ang
kulay ng damit ..
"Mom?.. I told you I don't like black
dresses.. Bakit itim ito?.." kunot noong
tanong nya..
Napatapik sa noo si Bridgette..
"Oh shocks.. Oo nga pala.. I forgot baby..
Sorry.. Pwede na siguro yan.." sabi nya..
Lumatay ang inis sa katawan ni Sab..
Napatingin sya sa damit na hawak ni Zack..
Paborito nya ang kulay pula..
At kulay pula ang hawak ni Zack..Parang
nang aasar ang mukha nito kahit hindi
naman..
Imbes na sa ina mapunta ang galit.. Kay
Zack nya ito nais ibato.. Sa di malamang
dahilan.. Naiinis sya sa binata..
Natahimik ang buong paligid..
Napailing na lang si Saimon..
Tumayo sya sa pagkakaupo..
"So,.. Later na yan.. Let's eat na muna.. "
aya nya at nagpauna na sa kusina.
Sumunod naman sina Ditas at Bridgette..
Akmang susunod na din si Zack ng
tumikhim si Sab..
"Masaya ka siguro ?.. Kasi binili ka nila ng
shirt?.." inis nyang tanong ..
Napalingon si Zack at ngumiti ..
"Oo naman.. Nagpapasalamat ako dahil
naiisip nila ako kahit na di naman nila
kailangang gawin yon.. " taos pusong sabi
nya..
Umismid si Sab at nilapitan ang binata..
"Siguro ikaw ang nagsabi na black ang
bilhin ni Mommy?.. " biglang sabi nya..
Di nya maintindihan ang sarili .. Pero
parang nais nyang ipamukha sa binata na
dapat sya ang mas unang priority ng
magulang.. Nakakainis na nakalimutan nito
ang paborito nyang kulay samantalang
naibili naman ng tama ang binata..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
Umiling sya ..
"Hinding hindi ko gagawin yon.. " sabi nya..
Muling umismid si Zack..
"Sus.. Oh .. Saksak mo sa baga mo.. "
tinapon ni Sab ang hawak na damit..
Kinuha ito ni Zack at nagtatakang napatingin
sa dalagita..
"A-anong gagawin ko dito?.." tanong nya..
Lumingon si Sab..
"Ibigay mo sa babae mo.. Di ba may
girlfriend ka ?.. Bigay mo na lang yan sa
kanya.. Bagay yan.." sabi nya sabay
nagsimulang humakbang patungo sa
kusina..
Tulala si Zack..
Pilit inalala kung kelan sya nagkanobya...
Pero kahit anong gawin nya..
Wala talagang pumapasok sa isip nya..
Litong sumunod ang binata sa kusina ..
Mamaya ay lilinawin nya ang sinabi ng
dalagita..
Mukhang ito kasi ang pinaguugatan ng galit
nito sa kanya..
Matagal natapos ang kainan..
May dala din kasing ice cream ang mag
asawa buhat sa pamimili ng mga ito..
Kaya naman nagmistulang salas ang
kusina..
Masayang nagpapalitan ng kwento sina
Ditas at ang mag asawa .. Panaka nakang
sumasali sina Zack at Sab..
Hanggang sa dumako ang usapan sa
nalalapit na laro ng binata..
Ngiting ngiti si Saimon..
"Naks.. Eh di mukhang ikaw ang magiging
MVP kapag nagkataong manalo kayo?..
Balita ko ikaw daw ang isa sa
pinakamaraming nagagawang puntos ha?.."
tanong nya..
Napakamot sa batok si Zack..
"Di ko naman po iniisip yon.. Ang mahalaga
sa akin ay yung manalo ng walang
nasasaktan sa amin o kaya kahit sa mga
kalaban.." kwento nya.
Nagkatinginan ang mga matatanda ..
Napapangiti sila sa natural na kabaitan ni
Zack.
Nakayuko si Sab habang kumukutsara ng ice
cream.. Pasimple nyang tinatapunan ng
tingin si Zack..
Parang namamanegto ang tingin nya sa
maamo nitong mukha..
Banat na ang katawan nito sa trabaho at
kalalaro ng basketball..
Kita naman sa nag gagalawang muscles nito
kapag gumagalaw o may inaabot..
Nasa kalagitnaan sya ng pagmamasid sa
binata ng bigla itong tumingin sa kanya..
"Baket Sab?.." tanong ni Zack..
Napatingin kahit sina Saimon sa dalagita.
Pakiramdam ni Sab umakyat ang lahat ng
dugo sa ulo nya..
Huling huli syang nakatitig sa mukha ng
binata..
"B-baket?.." mahinang tanong nya..
Saglit silang nagkatitigan..
Tila nababatubalani si Zack sa kaakit akit na
mukha ng dalagita kaya sya na mismo ang
nag iwas ng tingin..
Nakakahiya sa mga magulang nito..
Baka kung ano pa ang isipin.
"Good luck sa laro nyo bukas Zackarias.."
nakangiting bilin ni Saimon..
Napalingon si Zack sa among lalake..
"Salamat po.. Sana manalo.. Kung hindi
naman po ay ayos lang.. Nakaabot na din
kami bilang second place.. Di na masama.."
sabi nya..
Umiling si Saimon.. Tumayo sya at inaya si
Zack..
"Mommy sa garden lang kami ni Zack..
Kayo na ang bahala dyan.." sabi nya..
Tumango sina Ditas at Bridgette..
Tahimik lamang si Sab..
Nakaramdam sya ng inggit sa
binata..Parang anak talaga ang turing nito
kay Zack.
Mabilis nyang inubos ang ice cream at
tumayo na din.
Napatingin sa kanya ang dalawang babae..
"Oh anak?.. Finished?.." tanong ng ina ni
Sab..
Tumango ang dalagita..
Uminom sya ng tubig at lumabas ng
kusina..
Lumiko si Sab patungong garden at muling
nagtago sa dati nyang pwesto..
Tahimik syang nakinig sa usapan ng
dalawa..
Sa garden.. Magkatabing nakatayo sina
Zack at Saimon.. Nakatingin sila sa
malawak na kalangitan..
Maganda ang gabi..
Mukhang walang mangyayaring unos..
Kita mo ang nakalatag na mga bituin na
animo mga alitaptap..
"Gagraduate ka na nga pala.." bungad ni
Saimon..
Napangiti si Zack..
"Oo nga po eh.. Utang ko po sa inyo ang
lahat ng ito.. Sana mabigyan ako ng
pagkakataon na maibalik ang mga naitulong
nyo sa amin ni Inay.." taos pusong sabi ni
Zack..
Ngumiti si Saimon at inakbayan ang binata..
"Wala yon.. Sapat ng kabayaran ang
makapagtapos ka at magkaroon ng
magandang buhay.. Wag ka munang
magbibisyo o magnonobya .. Pag- aaral
muna ang atupagin mo... Saka na yan..
Magagawa mo yan kapag nakatapos ka na
at may matatag na hanapbuhay.. Wag kang
magmadali anak..Lahat ng bagay ay
nakatakda.." sabi ni Saimon..
Sa likod ng malaking halaman ay di
maiwasan ni Sabina ang mapaismid..
Ramdam nya ang biglang pagbangon ng inis
ng maalala ang nasaksihang halikan sa
pagitan ni Zack at sa babaeng di nya kilala..
"Sinungaling ka Zack.. May girlfriend ka na..
At malandi pa.. Hmmp.." nagtaray sya sa
halaman..
Sa garden..
Naantig ang puso ni Zack..
Dama nya ang pagmamahal ng isang tunay
na ama mula dito..
Tumingin din sa kanya si Saimon..
"Napakaswerte ni Sabina dahil may ama po
syang tulad ninyo.. " sabi ni Zack..
Nagkibit balikat lang ang lalake at ginulo
ang buhok ng binata..
"Maswerte din naman ako sa batang yon.."
sabi nya..
Tumango si Zack..
"Tama po kayo.. Matalino si Sab.. Kita ko
po dahil ako ang sumusundo sa kanya..
Tulad ko.. Mukhang nasa pag aaral din po
ang focus nya.." sabi nya.
Sa likod ng halaman..
Lalong nakaramdam ng inis si Sab..
"Matalino lang?.. Di ba maganda?.. O kaya
mabango?.. Ay ano ba itong naiisip ko.."
inis na sabi nya...
Pinagpipitas nya ang mga dahon ng
halaman para dito maibunton ang pagsisintir
nya..
Sa garden..
Tumingin si Saimon sa binata..
"Alagaan mo ang anak ko Zackarias.. Yun
ang isa sa kabayarang hihingin ko sayo.. "
seryosong sabi ni Saimon..
Sabay na nagulat sina Sab at Zack sa sinabi
ni Saimon..
"Ipagbilin ba daw ako sa panget na yan?.. "
taray ni Sab mula sa likod ng halaman..
Sa garden..
Tumitig si Zack sa mga mata ng lalake..
Nakaramdam sya ng kaba pero pilit nya
itong winaksi..
"Kung makapagsalita kayo parang may
something.." biro ni Zack..
Ngumiti si Saimon..
"Di natin masasabi ang panahon iho.. Ang
buhay ay isang malaking sugal.. Minsan
panalo.. Minsan talo.. Pero ang pinakaaral
dito ay yung lumaban ka pa rin.. Kahit
matalo ka, masasabi mong lumaban
ka..Hindi ka magsisisi balang araw at
magtatanong.." sabi nya..
Tumango si Zack at tumingin sa kalangitan..
"Pero di po ako kumbinsido sa sinasabi
nyo.. Pasensya na po kayo.. Pero di ko po
sinasang ayunan ang binibilin nyo sa akin.."
sabi nya..
Sa likod ng halaman.
Nakaramdam ng ngitngit si Sab..
"As if naman na magpapaalaga ako
sayo..Tse !, Tsura mo Zack !.. Kala mo kung
sinong pogi.. Tanggihan ba daw ako?..
grrr... " parang batang nais magpapadyak ni
Sab..
Sa garden..
Nagtaka si Saimon..
"Bakit naman?.. " tanong nya..
"Bata pa kayo.. Kayo na muna ang mag
alaga kay Sab.. " matapang na sabi ni
Zack..
Sa likod ng halaman..
Napatango tango si Sab kahit na medyo
inis..
"May point ka dyan Zack..Ito naman kasi si
Daddy... Kung ano ano iniisip eh.." sabi nya
sabay binelatan ang ama..
Sa garden..
Natigil sa pagsasalita si Saimon..
Tinitigan nya ang binata at inarok kung
seryoso ba ito sa sinabi nito..
Ng makitang seryoso nga ay bigla syang
natawa..
"Ikaw talaga.. Walang ibig sabihin yung
habilin ko sayo.. Yan ang napapala mo kasi
lagi kang sumasabay sa panunuod ng mga
teledrama sa TV dun sa dalawa.. "
natatawang sabi nya na ang tinutukoy ay si
Ditas at Bridgette..
Pero di natawa si Zack.
"Wala akong malubhang sakit o kahit anong
nararamdaman.. Naisip ko lang na wala na
akong ibang pwedeng pagbilinan ng nag iisa
kong anak kundi sa taong
mapagkakatiwalaan ko.. Sino pa ba yon
kundi ikaw.." nakangiting sabi ni Saimon..
Tumingala si Zack..
"H-hindi nyo na po kailangang sabihin yan
.." mahinang sabi nya..
Sa likod ng halaman..
Napakunot ang noo ni Sab..
Di nya narinig ang huling sinabi ng binata..
Nais nyang lumapit pa sana pero wala na
syang mapagtataguan pa..
Kaya tiniis na lamang nya ang distansya
nya sa dalawa..
Nananalangin na sana ay lakasan naman ng
mga ito ang paguusap..
Sa garden..
Napatitig naman si Saimon sa binata..
Nakaramdam sya ng kakaiba..
Di nya maiwasan ang mapangiti sa naiisip..
Pero di pa sya sigurado..
Kailangan nyang kumpirmahin ang hinala..
"Uhm.. Ano naman daw ang meaning nun?..
" tanong ni Saimon..
Nagulat si Zack..
"A-ano po yun?.. " tanong nya..
Pinigil ni Saimon ang matawa..
"Yung sinabi mong di ko na kailangan
sabihin pa ang nasabi ko?.. " sabi nya..
Umiling si Zack at tumawa ng peke..
"Ahaha.. Wala po yun.. " sabi nya..
"Ah ganun ba?.. Ano bang tingin mo kay
Sab ?.. " tanong ni Saimon..
Napayuko si Zack.. Kunwaring kinamot nya
ang tuhod.. Pero ang totoo ay tinago nya
lang ang biglaang pagngiti ng maalala ang
mukha ng dalagita..
"Ahm.. A-ano po ba ang gusto nyong
sabihin ?.." mahinang tanong nya..
Ngumiti si Saimon..
"Wala naman.. Di ba sya naglilihim sayo?..
Baka mamaya may nobyo na pala ang anak
ko.. Di mo lang alam.. " panunubok nya..
Sa likod ng halaman.
Napaismid si Sab..
"Oy Dad wala pa akong BF no.. Yung gusto
ko kasi napakakupad..Hanggang halik lang
ang alam.. " sabi ni nya pero bigla din
nyang tinakpan ang bibig..
Sa garden..
Mabilis na napalingon si Zack..
Pilit nyang inalala ang mga nakaraan..
Sigurado syang di nakalusot sa kanya ang
laksa laksang manliligaw ng dalagita..
Alam nyang wala pa itong nobyo..
Maganda si Sab, aminado naman sya..
Mukha pang dalagang dalaga ang itsura nito
dahil na rin siguro sa galing magdala ng
damit..
Kaya naman hindi imposible na ulanin ito ng
mga manliligaw..
Pero ang pagkakaalam nya ang
nagwardyahan nya ang dalagita..
Pero baka hindi..
Sa naisip na maaaring may nobyo na si Sab
ng lihim ay parang mababaliw si Zack.
Di nya naiwasang sabunutan ang sarili
bagay na ikinangiti ni Saimon sa tabi nya..
"Oh ano na iho?.. Baka nalusutan ka na
ha?.. Ano bang silbi ng paglalaro mo ng
basketball kung nag iisang anak ko ay di mo
mabantayan?.." biro nya..
Tahimik na nagsintir si Zack.
Di nya talaga masikmura na may ibang
pagbubuhusan ng espesyal na atensyon si
Sab..
Bukod sa kanya..
Pero sa naisip ay bigla din syang napahiya
sa sarili.
"Asa ka pa Zack.." sabi ni Zack bigla..
Natawa si Saimon..
"Oy ano bang sinasabi mo?.." tanong nya.
Napahiya si Zack..
"W-wala po.. S-siguro naman po ay di
maglilihim si Sab.. Wala naman po akong
nakikitang lumalapit sa kanya bukod nga sa
mga kaklase nya.. " napahawak pa sya sa
baba..
Napailing nalang si Saimon at tumawa ng
mahina..
Naupo sya sa upuan bakal at sumandal
dito..
Tinitigan nya ang binata na parang nalilito..
"Bakit parang problemado ka?.. Di naman
masama kung magkanobyo ang anak
ko..Basta ba uunahin nya lagi ang pag
aaral.. Inspirasyon na din yun eh.. Parang
kami ng Tita Bridgette mo.. Magkababata
din kami .. Bata pa lang kami ng
ipagkasundo ni Mamang .. Di naman ako
nagsisi dahil mabait sya at responsable..
Maluho nga lang kasi lumaki sya na
nakukuha ang gusto.. Mayaman kasi ang
angkan nila mula pa sa Bicol.." kwento ni
Saimon.
Sa likod ng halaman..
Tumango tango si Sab..
"Oo nga Dad.. Kaso yung gusto ko nga,
parang di naman ako gusto..Hmmp.." sa
halaman nya naibuhos ang inis sa binata..
Sa garden..
Natulala si Zack..
Napatingin sya sa among lalake na parang
di makapaniwala..
"A-ayos lang sa inyo na magkanobyo na si
Sab?.. " nananantyang tanong nya..
Marahang tumango si Saimon..
Tinago ni Zack ang pagkainis..
Mabilis syang naupo sa upuang bakal at
tinitigan ang among lalake..
"P-pero bata pa po si Sab, Tito.. Masyado
pa pong maaga para sa mga bagay na
ganya.. Dapat pag aaral na muna ang
inaatupag nya.." katwiran ni Zack..
Sa likod ng halaman..
"Hala.. Affected much.. Eh ang bagal mo
kaseeeee... " nais nyang sumigaw ni Sab..
Sa garden..
Pilit tinatago ni Saimon ang pagngiti..
Seryoso syang nakipagtitigan sa binata..
"Di ko naman sinabi na magnobyo sya.. Ang
akin lang ay kung sakaling gusto nya.. Di
nya kailangang itago pa.. Magsabi lang sya
para naman di yung kung saan saan sila
nagtatago.. Delikado yun kasi baka kung
mapaano pa sila..Payag naman ako eh
basta alam nila ang limistasyon..Hanggang
PBB teens lang sila.." sabi ni Saimon..
Lalong nagsintir si Zack..
Nakagat nya na ang kuko sa pagpipilit na
itago ang inis..
Mabilis nyang pinagana ang isip..
Kailangan nya ng katwiran ..
Natawa na lamang ng mahina si Saimon..
"Anyway, hayaan mo na yun.. Siguro nga
wala pa.. Pero ano ba ang tingin mo sa
anak ko ?.. Yung katangian nya?.. "
panunubok pa nya..
Natahimik si Zack.
Napangiti sya ng lihim..
"M-marami pong magagandang katangian
ang anak nyo.. " wala sa loob na sabi nya.
Sa likod ng halaman..
Biglang natulala si Sab..
Napatitig sya sa mukha ng binata na parang
nangangarap..
Unti unti ng bumibilis ang tibok ng puso
nya.
Wala na ang galit..
Well, parang di naman talaga sya nagalit..
Aminado syang nagseselos lang sya kaya
nya nagagawa ang mga bagay na inutos ni
Princess.
Sa pagtitig sa mukha ng binata ay para
nitong unti unting pinawi ang nararamdaman
nyang selos.
Sa tingin nya ay maganda ang sasabihin
nito patungkol sa kanya.
Kaya kahit na halos mangatog na ang tuhod
nya sa antisipasyon ay pinilit nyang tumayo
ng matatag at nilahad ang tenga para sa
seryosong pakikinig..
Pero bigla syang impit na napatili ng
biglang may gumapang sa binti nya..
"Shocks may ipissssss.. " impit nyang
sigaw..
Nagtatakbo si Sab papasok ng bahay
patungo sa kusina..
Nagtatakang napalingon ang dalawang
babae..
"Napano ka?.. " tanong ni Bridgette..
Sa garden..
Pangiti ngiti si Zack.
"Matalino po si Sab..Mabait, at higit sa lahat
ay maganda.. " wala sa loob na sabi nya.
Tumango si Saimon sa sarili.
"Confirmed.." bulong nya..
Nag daydream na si Zack bigla..
"Maswerte ang lalaking magugustuhan ng
anak nyo.. " mahinang sabi nya..
"At gusto mong ikaw ang lalaking yon.. "
biglang sabi ni Saimon..
"Opo.. " banat ni Zack.
Tumagal ng ilang saglit bago nya narealize
ang nasabi nya..
Tulala syang napatitig kay Saimon na
malawak ang pagngiti.
"J-joke lang po.. " bawi nya..
Pero umiling na si Saimon..
"Tapos na ang usapan iho.. Matulog ka ng
maaga .. May laro ka pang ipapanalo
bukas.." sabi nya sabay tayo..
Tumalikod na sya para di na makaapela pa
si Zack.
Mabilis namang humabol ang binata..
"T-tito joke lang po.. " sabi nya..
Pero tila wala na itong narinig at pumasok
sa kusina..
Eksaktong palabas si Sab..
Nanghinayang ang dalagita dahil mukhang
tapos na ang usapan ng dalawa.
Nasa importanteng parte na sana sya ng
paglalahad ng binata pero nangyari nga ang
di inaasahang pangyayari..
"Oh tapos na kayong mag kwentuhan?.. "
tanong ni Bridgette..
Nakangiting tumango si Saimon at inakay
ang asawa ..
Tinapik nya lang sa balikat si Zack..
Pilit tinatago ang pagtawa..
"T-tito.." pigil ni Zack..
"Ayos lang iho.. Sa susunod na natin yan
pag usapan.. Maniwala ka.. Ayos lang
sakin.. " pigil ni Saimon..
Nilampasan nila ang binata at dumiretso sa
kwarto..
Kumilos naman si Ditas para iligpit ang mga
kinainan..
Pero nagpasya syang bukas na ito
hugasan.. Nilagay nya sa planggana ang
mga baso at kutsara sabay nilagyan ng
tubig at tinakpan..
Nagmamadali syang pumasok sa loob ng
kwarto para hayaan ang dalawa..
Naiwan sina Zack at Sab sa kusina.
Di maintidihan ang nararamdaman..
Walang nais magsalita..
Pero kamangha mangha parang
nakapaguusap na sila..
"Sab.." tawag ni Zack..
"Zack." sagot ng dalagita..
Kinilig si Sab..
"B-baket?.." tanong nya..
Sa isip isip ay magtatapat na siguro ang
binata..
Kalilimutan na nya ang nasaksihan..
Alang alang sa nararamdaman..
"W-wag kang gagalaw.." sabi ni Zack..
Lalong kinilig si Sab..
"Oh my God.. Ikikiss nya akoooo.. " pagtili
nya sa isip..
Kinalma nya ang sarili at tumitig sa binata..
Naghihintay ng gagawin nito..
Pero nanatiling nakatitig si Zack sa kanya..
Sa kanya nga ba?..
Hindi pala..
Sa balikat nya..
"Wag kang gagalaw.." sabi ni Zack..
Nagtaka si Sab..
"Baket ba?.. " tanong nya..
Medyo inis na sya..
Masyadong mabagal si Zack ..
"Halikan mo na kasi ako kung gusto mo .. "
impit nyang sigaw sa isip..
Umangat ang kamay ni Zack..
Bumilis ang tibok ng puso ni Sab..
"Sab.." tawag ni Zack.
"Zack.. " tawag ni Sab.
Nagtitigan sila..
Hinanda ni Sab ang sarili sa
mararamdamang kuryente..
Nais nyang pumikit.
Pero magiging masyado syang obvious kung
gagawin nya yon..
"M-may ipis ka sa buhok mo.. " bulong ni
Zack.
Gulat na napahinto si Sab sa ilusyon nya at
unti unting nilingon ang balikat..
Para lamang matulala.
"T-teka.. Ako na mag-aalis.." sabi ni Zack..
Pero bago nya nahawi ang ipis ay gumalaw
ito at gumapang sa noo ni Sab..
Sukat doon ay nagtitili ang dalagita at
hinampas ang ipis dahilan para tumalsik
ito..
Nagtitili si Sab na tumakbo sa kwarto nya..
Iniwanan ang binatang gulat at bitin..

Chapter 28
Dilat na dilat ang mga mata ni Zack...
Nakatihaya lang sya at nakatitig sa kisame..
Araw na ng laban nila..
Huling laban para madetermina ang
kampeyon..
Kanina pa gising ang kanyang diwa..
Alam nyang maaga pa.. Pero di nya
masisisi ang sarili dahil talagang
kinakabahan sya..
Di na nakatiis ang binata, maingat syang
bumangon para di magising ang ina..
Sinulyapan nya ito at napuno ng
pagmamahal ang kanyang puso..
Himbing na natutulog ang nanay ni Zack..
Nakatuwaan nya itong pagmasdan kaya
saglit syang tumitig sa nakapikit nitong
mukha..
Maputi din ang nanay nya ayon sa kwento
nito..
Pero dahil na rin siguro sa maagang
napasabak sa hirap ng buhay kaya tila
nasunog ang balat nito..
Naging morena tuloy ang kanyang ina..
Kahit lumaki sya sa hirap.. Di nya
pagsisisihan ang naging buhay nila..
Iginapang sya ng ina at patuloy na
iginagapang para sa pagtatapos..
Malaki ang paghanga nya para dito..
Ito ang kanyang sandigan sa pagharap sa
problema..
Tila nadagdagan ng ilang taon ang edad ng
kanyang ina dahil sa dami ng trabaho nuong
nangungupahan pa sila sa kanyang tyahin..
Malaki ang pasasalamat nya ng makilala
ang among lalake..
Dahil dito kaya di na nila kailangang isipin
pa ang magiging tirahan at pagkain..
Kahit pag aaral nya ay sinagot na din nito..
Talagang nagpapasalamat sya dito at sa
pamilya nito..
Pero higit ang pasasalamat nya sa Diyos na
naging daan para makilala nya ang mga
magulang ni Sab..
Gumalaw ang kaliwang braso ni Ditas para
kamutin ang ilong..
Napangiti si Zack..
Maganda din ang kanyang ina..
Lamang ay di ito nakapag tapos ng
highschool kaya ganito ang naging buhay
nila..
Pero tulad ng nasabi na nya sa sarili..
Hinding hindi siya nagsisisi na itong
babaing ito ang kanyang naging ina..
Bata pa sya nuon ng gawin ang una nyang
pangako..
Ang alagaan ang ina sa abot ng kanyang
makakaya..
Kahit saan sya magpunta ay isasama nya
ito..
Kahit may pamilya na sya..
Ganuon nya kamahal ang ina..
Ilang saglit ding nakatitig si Zack sa ina
bago sya nagpasyang magligpit ng
hinigaan..
Dahan dahan nyang tiniklop ang folding bed
na tulugan sa tabi ng kama ng ina at
masinop itong ginilid sa pwesto nito sa likod
ng pinto..
Ingat din ang pagkilos na humugot sya ng
mga damit at nagtuloy sa banyo para
maligo.
Kalahating oras ang lumipas ng matapos si
Zack sa paliligo.. Sumulyap sya sa relos sa
dingding at natawa..
"Alas tres pa lang pala.." natatawang sabi
nya sa sarili..
Dahil sa kasabikan sa darating na laban ay
di sya gaanong nakatulog.. Kaya eto ang
naging resulta.. Ang aga nyang nagising..
Lumabas sya ng kwarto matapos ayusin ang
mga pinagbihisan..
Diretso sya sa ilalim ng hagdan para
damputin ang mga gamit panlinis..
Mabilis nyang ginampanan ang morning
routines nya..
Nilampaso nya ang hagdan at lahat ng
madaanan..
Matapos maglinis sa loob ng bahay ay
lumabas si Zack para asikasuhin ang mga
kotse ng amo..
Isang Honda CRV at isang lumang
Mercedes..
Sabay na nya itong pinaliguan..
Naghahati na ang liwanag at dilim ng
matapos si Zack.
Pagpasok nya sa loob ay nasalubong nya
ang ina na nagpapainit ng tubig..
"Ang aga mo naman masyado anak.. Ah oo
nga pala.. Ngayon na nga pala yung huling
laban nyo ano ?.. " nakangiting bati nito..
Tumango si Zack at naupo sa harap ng ina..
"Kinakabahan ka ba?." tanong ni Ditas..
Ngumiti si Zack..
"Opo Nay.. Sana po manalo kami.. Para
naman di masayang yung ilang linggo din
naming pinagpaguran.. At saka magandang
pabaon na din po yun.." sabi nya..
Ngumiti din si Ditas..
Eksaktong tumunog ang takure kaya naman
mabilis nya itong inasikaso..
"Oh mag kape ka.. Ay teka di ba pampakaba
yan?.. Baka kabahan ka sa pag shoot.. " biro
niya..
Natawa si Zack..
"Si Nanay talaga.." naiiling na sabi nya..
Pinagtimpla ni Ditas ang anak ng kape..
Matapos iabot ay nagsalang na sya ng
sinaing at muling naupo para pagmasdan
ang anak..
"Nanay naman eh.. Wag nyo po akong
titigan.. " reklamo ni Zack..
Natawa si Ditas ...
Imbes na sundin ang anak ay lalo nya itong
tinitigan..
"Ang laki laki mo na anak ko..Ilang taon pa
at magkakapamilya ka na.." parang
malungkot nitong sabi.
Napangiti si Zack..
"Natural naman Nay.. Ayaw nyo bang
magkaapo?.. " biro nya..
Nagkibit balikat si Ditas..
"Di naman sa ganuon.. Pero syempre di ko
lang mapaniwalaan na parang ang bilis ng
panahon.. Dati ay kalong pa kita sa
kandungan ko at pinaghehele.. Ngayon kita
mo naman.. Balikat mo na lang ako eh.."
biro niya..
Natawa si Zack at muling humigop ng kape..
Namayani sa kanila ang katahimikan..
"H-hindi ka ba nagsisisi na naging mahirap
tayo?.." biglang basag ni Ditas sa
katahimikan..
Napalingon si Zack na nanlalaki ang mga
mata..
"Ano bang sinasabi nyo Nay?.. Wala akong
pinagsisisihan kundi yung pagkain ko ng
maanghang na adobo nyo.." biro nya..
Natawa si Ditas pero di ito umabot sa
kanyang magagandang mga mata..
"Nay naman eh.. Yan napapala nyo kasi
nuod kayo ng nuod ng drama eh.. " angal ni
Zack..
Muling natawa ang nanay nya.
Pero bigla itong sumeryoso.
"Paano kung biglang magpakita ang tatay
mo ?.. " tanong ni Ditas..
Nabigla si Zack...
Batid nyang maaari ngang mangyari ang
bagay na iyon pero pilit nya itong winawaglit
sa kanyang isip..
Masaya na sya..
"Kuntento na ako sa inyo Inay.. Masaya ako
sa maniwala po kayo o hindi.. Hindi ko po
masasabi kung anong magiging reaksyon ko
pero ngayon pa lang parang nagagalit na po
ako... " madiing sabi nya..
Hinaplos ni Ditas ang palad ng anak..
Di sya nakatiis kaya dinampot nya ito at
hinagkan..
"Di ba sabi ko sayo wag kang magagalit sa
kanya?..Ako ang sisihin mo .. Di kasi ako
nakapag aral.." masuyong hiling nya..
Pero nagkandailing lang si Zack..
"Wala po akong pakealam kung Suma Cum
Laude pa po kayo.. Mahal ko po kayo...
Nagagalit ako sa kanya hindi dahil sa
nahihirapan ako kasi mahirap tayo.. Kundi
dahil sa pinabayaan ka nyang maghirap..
Pero tapos na po iyon Inay.. Wag na po
natin syang pag usapan.." tila sya ang
naging matanda sa pangangaral sa ina..
Napangiti si Ditas..
Bagamat nangingilid na ang mga luha sa
gilid ng kanyang mga mata ay pilit nya itong
pinipigilan..
Pasimple syang tumingala para kahit
papaano ay di ito makita ni Zack..
Muling humigop si Zack ng kape .
"Mag aaral kang mabuti anak.. Yan ang
magiging sandata mo sa paglaki mo.. Di mo
mararanasan ang maapi sa aspeto ng
edukasyon dahil alam mo ang bawat bagay..
Yan ang magiging panlaban mo sa
pagharap sa hamon ng buhay.. Saka na ang
PBB Teens na yan.. May oras para dyan..
Samantalang ang pag-aaral ay di mo dapat
sinasayang lalo na't sa sitwasyon mo na
paaral ka lamang.. Sayang kasi ang
pagkakataon kung magbubulakbol ka lang
iho.. Alam kong matalino ka kaya alam kong
alam mo kung ano ang nais kong sabihin at
iparating sa kukote mo.. " litanya ni Ditas.
Napangiti si Zack.. Tumango tango sya sa
ina..
"Marami nga po sa mga kaklase ko ang
nagkaasawa na Inay.. Naalala nyo po ba si
Juanita na anak ni Aling Gorya ?.. Yung
katabi natin dati sa palengke .. Nasalubong
ko po nuong pauwi ako minsan.. Di ko lang
nabati kasi kasama ko si Sabina.. Pero Inay,
may karga po syang bata pwera pa yung
nasa sinapupunan nya.. Sa tingin ko po ay
mag dadalawang buwan na yon.. "
pagtsismis ni Zack..
Nanlaki ang mga mata ni Ditas sa chismax
ng anak..
"Diyos miyo.. Si Juanita na Anak ni
Gorya?.." di makapaniwalang sabi nya..
"Si Nanay paulit ulit. " bulong ni Zack..
Pero nagulat sya ng batukan ng ina..
"Kita mo nga naman ang pangyayari ano..
Dati kung yabangan ako nuon na kesyo ang
anak daw nya ang mag aangat sa kanya sa
kahirapan.. Naku sus.. Buti na lang di ako
gumanti ng yabang.. Buti di kita
pinagmalaki ng ganuon.. Kundi baka naging
ganun ka din.. Hay nako Zackarias.. Wag na
wag mo tutularan ang nangyari duon kay
Juanita kundi naku.. Kukurutin kita sa singit
talaga.. Napakabata mo pa !..
Makapaghihintay yang asa-asawa na yan.."
nagtatalak na si Ditas sa anak..
Napangiwi si Zack..
"Nanay talaga.. Alam ko na po yan..
Kinwento ko lang naman sa inyo... " sabi
nya..
Hinawakan ni Ditas ang pisngi ng anak at
nilapirot..
"Wag na wag kang mag aasawa agad..
Kung kaya mo, ibalik mo muna ang pabor
na binigay ni Saimon sayo.. Matuto kang
lumingon sa pinanggalingan mo anak ng
hindi ka madapa sa pagtahak mo sa daan
patungo sa hinaharap.. Tandaan mo yan.. !..
" mahina pero madiin na bilin ng ina..
Napangisi si Zack.
Naisip nyang biruin ang ina..
"P-pero Nay.. Di po ba ninyo matatanggap
kung sakaling ganun nga ang kahinatnan
ko?.. N-natatakot na po tuloy akong sabihin
sa inyo.. " bulong nya..
Sinamahan pa ng seryoso at tila malungkot
na mukha..
Napahinto ang nanay ni Zack sa pagtatalak
at pinakatitigan na lang sya..
Tila inaarok kung totoo ba o hindi ang
sinabi nya..
"Tumitig ka anak.. " utos ni Ditas..
Pinilit ni Zack na tumitig sa ina ..
"Ulitin mo ulit.." utos pa nya..
Pero bago pa nasabi ni Zack ang sinabi nya
kanina ay nakatikim na sya ng madiin na
kurot sa braso mula sa ina..
"A-aray po Nay.. " natatawang angal ni
Zack..
Gigil na gigil ang nanay nya .. Nanlalaki ang
butas ng ilong nito at pinagsasabunutan pa
sya..
"Joke lang Nay.. Ahahaha.. " pag iwas ni
Zack..
"Alam ko.. Di ka marunong magsinungaling..
Kita ko sa mga mata mo.. " sabi ni Ditas.
Napangiwi si Zack..
"Eh bakit ginigulpi nyo pa din ako?.. "
tanong nya..
"Para alam mo ang mangyayari sayo kung
sakaling ulitin mo pa ulit yan.. Loko ka..
Last mo na yan.. " gigil na banta ni Ditas sa
anak..
Lalong natawa si Zack..
Ilang saglit silang nagkulitan ng huminto si
Ditas para asikasuhin ang sinaing..
Tumingin sya sa relos na nakasabit sa
dingding..
"Maaga pa.. Masyado ka kasing maaga
nagising eh.. " sabi nya..
Nagkibit balikat si Zack..
"Excited po Nay eh.. Sana swertihin kami.."
wika nya..
Muling naupo si Ditas ..
"Enjoy mo lang anak ang paglalaro.. Manalo
man o matalo, ikaw pa rin ang champion sa
buhay ko.. " drama nya..
Napangiwi si Zack..
"Oh subukan mong umepal.. Jojombagin
kita.. " banta ni Ditas..
Lalong napangiwi si Zack..
"Ano ba yan Nay.. Kumukorni na kayo ha.. "
natatawang banat nya..
Muli syang kinurot ng ina..
Nagtawanan sila ng biglang napahinto si
Ditas..
Dali dali syang pumasok sa loob ng kwarto
nila.
Nagtatakang napatingin na lamang si Zack..
Saglit lamang naman nawala si Ditas at
pagbalik nito ay nasa likod nito ang mga
kamay..
"Pikit ka anak.. " sabi nya..
Napangiti si Zack..
"Ano na naman yan Nay ?.. " sabi nya..
Pero ngumuso lang si Ditas..
"Sige na anak.." lambing nya..
Napailing na lang si Zack at sinunod na ang
gusto ng ina..
"Iangat mo kamay mo sa ere.." utos pa ni
Ditas..
Talagang ngiting ngiti na si Zack..
"Oh ayan.. Nanay kapag nilagyan nyo ng
gagamba yan jojombagin ko kayo.. " biro
nya..
Humagikgik lang si Ditas..
Alam nya ang kahinaan ng anak ay
malaking gagamba pero hindi iyon ang nasa
likod nya..
Nilabas nya ang kahon at binuksan ito..
Matapos ay nilabas ang laman nito at sinuot
sa kaliwang kamay ng anak..
"Oh dilat na.." utos ni Ditas..
Tila ayaw ng dumilat ni Zack.. Ramdam nya
ang bagay na nakasuot sa kaliwang pulso
nya ..
Dahan dahan syang dumilat at kinumpirma
ang hinala..
Napatitig sya sa kamay at pagkatapos ay sa
ina..
Masuyong hinaplos ni Ditas ang buhok ng
anak..
"Maligayang kaarawan anak ko.. Alam ko
malayo pa pero excited na akong ibigay
sayo eh.. Baka kasi makita mo ng di
sinasadya .. Di na surpresa yon pag ganon..
" nakangiting bati nya..
Tila naging bato na si Zack sa kinauupuan..
Oo nga at naranasan nya na ang mabigyan
ng ina ng mga regalo.. Pero itong nasa
kamay nya ang pinakamahal sa tingin nya..
Pero di yon ang nagpapatulala sa kanya..
Kundi yung ideya na naalala pa ito ng ina..
Pinilit ni Zack ang magsalita..
Pero bigo syang mahanap ang boses..
Ni pagbulong ay di nya magawa..
Sinubukan nyang gumawa ng kahit anong
tunog na magmumula sa lalamunan nya
pero naging tila ungol na lamang ito..
Lumandas na din ang masaganang luha sa
kanyang mga mata..
Ni hindi nya nga naramdaman ang pagiipon
nito .. Basta na lamang sila bumagsak ng
sabay sabay..
Naninikip ang paghinga ni Zack..
Nakatitig sya sa kumikinang na bato ng
relos na kinabit ng ina..
Hinaplos nya ito.. Nanginginig pa ang
kanyang mga kamay..
"N-nay .. " sa wakas ay may nabuo na din
syang salita..
Napangiti si Ditas sa anak..
Niyakap nya ito at dinala sa dibdib nya..
"Maligaya ako at ikaw ang naging anak ko..
Wag mong isipin ang presyo.. Pinag ipunan
ko yan ng paunti unti.. Di ko na kailangang
sabihin sayo na ingatan mo yan dahil alam
kong iingatan mo talaga yan para sa akin.. "
nakangiting sbi nya..
Tumango si Zack..
Lalong naglaglagan ang mga luha sa
kanyang mga mata ..
Kinuha nya ang kamay ng ina at hinagkan..
Ramdam nya ang kalyo sa mga ito..
Tanda na masipag talaga ang kanyang ina..
"P-pero Nay.. Sana po binili nyo na lang ng
para sa inyo.. O kaya yung di gaanong
mahal.. " naiiyak na sabi ni Zack..
Pero umiling lang si Ditas..
"Matanda na ako anak.. Di ko kailangan
nyan.. Ikaw ang dapat makaranas ng mga
ganyan kung di dahil sa mahirap lamang
ako.. Pag pasensyahan mo na ulit ang
nanay mo.. " hinagkan ni Ditas ang buhok
ng anak..
Tila mainit na kanlungan ang nasumpungan
ni Zack.
Pinalibot nya ang dalawang kamay sa
katawan ng ina at niyakap ito ng mahigpit..
Kahit malamig ang panahon ay di nya
naramdaman dahil sa init ng yakap ng ina..
Pumikit sya at nagpasalamat sa isipan..
"Mahal kita Nay.. Mahal na mahal..
Aalagaan kita hangga't humihinga ako..
Pangako ko po. " bulong ni Zack..
Ngumiti na lamang si Ditas at ginantihan
ang yakap ng anak...

Chapter 29
Ilang saglit din ang mag ina sa ganuong
posisyon ng maghiwalay sila...
Natawa si Ditas at ginulo ang buhok ng
anak..
"Hala at mag almusal ka na nga .. " sabi
nya sabay singhot ..
Napangiti na lang din si Zack at marahang
pinunasan ang mga luha sa kanyang mga
mata..
Pinagsandok sya ng ina at masigla naman
nya itong kinain..
Sa isip na wala talagang hihigit sa ina..
Muling naligo si Zack para sa paghahanda
sa nalalapit na laban..
Final game nila..
Aminado sya sa sarili na kinakabahan pero
kailangan nya itong harapin..
Kipkip ang hiniram na lumang duffle bag ni
Saimon..
Lumabas ng kwarto ang binata at tinungo
ang hardin kung saan nagdidilig ang ina..
"Nay.. Alis na po ako.. " paalam nya..
Pinatay ni Ditas ang gripo at nilapag ang
hose..
Nilingon ang anak at inagaw ang bag..
Kinalkal ito ni Ditas..
Napakunot noo sya at nilingon ang anak..
"Oh nasan yung bimpo mo ?.. Pati twalya
mo wala dito ah.. Pang basketball mo lang
nandito at sapatos mo... Pati yung malamig
na tubig na hinanda ko na nasa ref .. Ay anu
ka ba namang bata ka .. Dito ka nga muna..
" inis na sabi ng nanay nya..
Napangiti na lang si Zack at napakamot sa
batok..
Ilang saglit pa ay lumabas si Ditas pero di
ito nag iisa, kasunod nito ang mag asawa
na ikinagulat nya..
"Oh aalis ka na iho ? .. " tanong ni
Bridgette..
Tumango si Zack..
"Oh anak oh.. Ilagay mo dyan sa bag mo.. "
sabi ni Ditas..
Inabot ng nanay nya ang isang botelya ng
malamig na tubig na nakabalot sa bimpo..
Sinaksak na lang ni Zack sa bag nya..
"Oh ano Zack .. ? Okay ka na ?.. Hatid kita..
Manunuod ako eh.. " nakangising wika ni
Saimon..
Napangiti si Zack..
"Ay andaya.. Manunuod na lang din ako..
Sama ako Daddy.. " .. ungot ni Bridgette..
Napangiwi si Saimon..
"Iiwan mo si Ditas dito mag isa ? .. " tanong
nya..
Nagkatinginan sina Zack at Ditas..
Ngumuso lang si Bridgette..
"What if isama natin sya ?.. Then after the
game mag lunch tayo sa labas.. " suhestyon
nya.
Napangiti si Saimon..
"Bright idea Mommy.. Sige.. Ahm.. Ditas
bihis ka na.. Zack iho hintayin mo na lang
kami ha.. " bilin nya..
Wala ng nagawa si Zack kundi mapatango
na lang..
Ilang saglit lang ay umakyat na ang mag
asawa sa kwarto nila habang naiwan ang
mag ina sa garden..
"Nay bihis na daw po.. " untag ni Zack..
Pero malungkot na ngumiti si Ditas..
"D-dito na lang ako anak.. Walang tao sa
bahay eh.. " pag iwas nya..
Kumunot ang noo ni Zack..
"Di nyo po ba narinig sinabi ni Tita
Bridgette?.. Kasama daw po lahat.. " pag
pipilit nya..
Pero tahimik lang na pinagpatuloy ni Ditas
ang pag didilig ng halaman..
Nagtaka si Zack kaya napaisip sya sa kung
ano ang maaaring maging dahilan ng ina sa
pag iwas sa pagsama lakad nila..
Pero wala syang maisip..
Pero di naman nya nais na maiwan mag isa
ang ina habang sya ay nagpapakasaya sa
piling ng ibang pamilya .. Nangako sya sa
sarili na aalagaan nya ito..
Pinihit ni Zack ang gripo para mamatay ito.
Napalingon lang si Ditas at ngumiti ng
malungkot..
"Anak naman.. Sige na.. Mag enjoy kayo..
Galingan mo ha ?.. " sabi lang nya ..
Akmang lalapitan nya muli ang gripo pero
humarang na si Zack..
"Nay, gusto ko po kayong makasama .. May
problema po ba ?.. " tanong nya..
Umiling si Ditas at hinimas ang pisngi ng
anak.
"Ito naman.. Wala lang ako sa kundisyon na
mamasyal.. Sige na.. " pagtataboy nya ..
Pero ayaw umalis ni Zack..
Napasimangot si Ditas..
"Anak naman eh.. " reklamo nya..
Tinitigan sya sa mga mata ng anak..
"Di po ako aalis kapag di kayo sumama .. "
matatag na sabi ni Zack..
Natawa si Ditas..
"Oh di hindi.. Sino bang mawawalan ?.. "
paghamon nya..
Pero di umalis si Zack.. Bagkos ay naupo ito
sa upuang bakal at inangat ang paa..
Inumpisahang kalasin ang sintas ng
sapatos..
Nanlaki naman ang mga mata ni Ditas..
"Oy oy oy.. Anong ginagawa mo ?.. " tanong
nya.
Pero desidido si Zack na ituloy ang
pagkakalag ng sintas..
Ng matapos ay hinubad nya ang sapatos at
nilapag sa damuhan.. Sinunod ang isa pang
sapatos..
Sinimulan din nyang kalaging ang sintas..
Di pa sya natatapos ay pinigilan na sya ng
ina..
"Oo na, oo na.. Itong batang ito .. Kuuhh..
Napakakulittt.. " gigil na kinurot ni Ditas ang
pisngi ng anak..
Nakangisi naman si Zack na muling sinuot
ang sapatos ..
"Sama ako... Mamaya matulog lang kayo
eh.. " sabi nya..
Natawa na lang si Ditas at pumasok na sa
loob..
Ilang saglit lang ay bumaba si Sab na
nakabihis na pamasok..
Nagtataka sya kung bakit nasa salas ang
ama at ina .. Bihis din ang mga ito..
"Oh anak.. Tapos ka na pala.. Tara na.. "
aya ni Bridgette..
Kumunot ang noo ni Sab..
"Where are you going Mom ?.. " tanong nya..
Ngumiti si Bridgette at inayos ang T-Shirt
ng kabiyak..
"Dad san nga ba tayo pupunta ?.. " tanong
niya..
Ngumiti si Saimon at nilingon ang unica
hija..
"Where going to watch Zack's Final game
anak.. Come... " sabi nya.
Nagulat si Sab..
Ang akala nya ay di importante sa mga
magulang ang nasabing laro ng binata..
Pero sa nakikita nya ay mas excited pa ito
kesa kay Zack mismo..
Muli, nakaramdam na naman sya ng di
maipaliwanag na inggit..
Pero pinilit nya itong balewalain..
"Uhm.. Where's Za- , K-kuya Zack
anyway?.. " tanong nya.. Muntik na syang
madulas sa hindi pagtawag kay Zack ng
kuya..
Bago pa sumagot ang mag asawa ay
nakangiting lumapit na ang mag ina..
Akbay ni Zack ang inang si Ditas..
"Let's go ?.. Everything ready ?.. " tanong ni
Saimon sa mag ina..
Tumango naman si Zack..
"Ay anak.. Tingnan mo nga kung may
naiwan pang nakasaksak sa kusina.. Yung
ref lang iwan mo.. " paalala ni Ditas..
Mabilis namang tumakbo pabalik si Zack sa
kusina..
Ilang saglit lang ay bumalik na ito ..
"Okay na po Nay.. " sabi nya..
"So , tara na at baka ma late pa si Zack sa
game nya.. Good Luck iho.. " sabi ni
Saimon..
Ngumiti si Zack at tumango.. Muli nyang
inakay ang ina palabas ng bahay..
Inalalayan ni Zack ang ina para makaupo sa
van..
Sa gitna nya pinaupo ang ina..
Pero nagulat sya ng tumabi dito si
Bridgette..
"Dito ako.. Tabi kami ni Ditas.. " sabi nito..
Ngumiti ng kimi si Ditas at nginitian ang
anak..
Tahimik na naupo si Sab sa tabi ng ina..
Lumabas si Zack para buksan ang gate..
Pinaandar naman ito ni Saimon palabas ng
gate nila..
Matapos makalabas ng sasakyan ay
sinigurado ni Zack na sarado ang lahat ng
pinto at bintana bago lumabas ng gate at
nilock ito..
Hawak ang susi ay inabot nya ito kay
Saimon pero nagulat sya ng di na
nakapwesto sa driver's seat ang among
lalaki..
"Ikaw na magdrive.. nananakit paa ko eh.. "
nakangiting sabi nito..
Pero batid ni Zack na nagdadahilan lamang
ang among lalake para ibigay sa kanya ang
manubela..
Maging si Sab ay nagulat..
"S-sige po.. " sabi ni Zack..
Dahan dahan syang pumwesto sa likod ng
manubela at sinara ang pinto..
Ilang saglit lang ay nasa kalsada na sila
kasama ang ilang sasakyan...
Saglit lang ang naging byahe nina Zack..
Ipinarada nya sa bakanteng parking space
ang sasakyan at pinatay ang makina..
Sabay sabay silang bumaba..
"So si Sab ay may klase pa right ?.. " tanong
ni Bridgette..
Tumango si Sab..
"What time ba start ng game iho ? .. "
tanong ni Saimon..
"Ang alam ko po ay 8 Am.. Pero syempre
parang call time lang yon para walang ma
late.. 8:30 po yan sigurado.. " sabi ni Zack..
Tumango tango ang mag asawa..
"Saglit na lang pala at magstart na.. Buy
lang kami ng food.. Teka san ba kayo mag
bench para duon kami sa likod nyo ?.. "
tanong ni Saimon..
Nagkibit balikat si Zack..
"Di ko po sigurado Tito.. Pero kung sakaling
sa maling bench kayo mapaupo..
Papakiusapan ko na lang yung nakapwesto
sa likod ng magiging bench namin.. Bale
irereserve ko na lang po kayo.. Ask ko kay
Coach.. " nakangiting sabi nya..
Tumango si Saimon at inakay ang dalawang
babae patungo sa canteen.. Dahil sa ilang
beses na syang nakapunta sa paaralan nila
Zack at Sab ay kabisado na nya ang pasikot
sikot dito..
Naiwan sina Zack at Sab ..
"Uy.. " untag ni Zack sa tahimik na
dalagita..
Napatingin sa kanya si Sab..
"Baket ? . " tanong nito..
"Bakit ang tahimik mo ata ? .. " tanong ni
Zack..
Nag kibit balikat lang si Sab..
Kapwa sila tumahimik..
"H-halika na .. Hatid kita sa room mo .. "
sabi ni Zack..
Walang reaksyon ni Sab..
Sinumulan na nyang maglakad patungo sa
building nila..
"Uy bakit ka ganyan ?.. " pangungulit ni
Zack..
Walang sagot si Sab sa tanong ng binata..
"S-sorry .. " sabi na lang ni Zack..
Sukat duon ay marahas na humarap ang
dalagita..
"Para saan ang sorry mo ? .. " tanong nya..
Natakot si Zack kaya nagyuko na lang sya
ng ulo..
"W-wala.. Mukha ka kasing galit sakin eh.. "
sabi nya..
Napabuntong hininga si Sab ..
Sinisikap nyang mag galit galitan.. Pero di
nya matiis ang binata..
"D-di naman ako sayo galit eh.. " sabi nya..
Dahan dahang nag angat ng tingin si Zack..
Unti unti ding sumilay ang mga ngiti sa labi
nya..
Pero agad itong nawala ng makita ang
lungkot sa mga mata ni Sab..
Nag aalalang nilapitan nya ito..
"B-bakit parang malungkot ka ?.. " tanong
nya..
Nag iwas ng tingin si Sab at nagpatuloy ng
paglalakad.
Pero hinabol sya ng binata at hinarangan
ang daraanan..
"Baket ba kasi ?.. " pangungulit nya..
Sa gulat ni Zack ay biglang hinila ni Sab ang
braso nya at kinagat ng ubod ng lakas..
Napaaray ang binata..
"T-teka Sab.. Masakit .." reklamo ni Zack..
Tila nahimasmasan naman ang dalaga kaya
mabilis nyang binitawan ang braso nito..
"Ay sorry.. Kasi ang kulit mo eh.. "
nakangusong sabi nya..
Napangiwi si Zack ng makita ang bakat ng
ngipin ni Sab..
"Sorry talaga .. Akina nga.. " sabi ng
dalagita sabay labas ng panyo at pinunasan
ang laway nya sa braso ng binata..
Ilang saglit sila sa ganuong posisyon ng
mapansin nila ang mga sarili.
Taranta silang naghiwalay at nagkatitigan..
"Sorry .. " sabi ni Sab..
Tumango si Zack..
"Walang problema .. " nakangiting sabi nya..
Akmang maglalakad na muli si Sab ng
muling humarang si Zack..
"Ayan ka na naman.. " gigil na sabi ng
dalagita..
Pero determinado ang mukha ni Zack..
"Sige na kasi... Bakit ba ?.. " tanong nya..
Bumuntong hininga na lang si Sab..
Nag iwas sya ng tingin..
"Akala ko pa naman kaibigan ang turing mo
saken.. Baka matulungan kita.. Alam ko may
problema ka.. " sabi ni Zack..
Nilingon ng dalagita ang binata.
Nasa mga mata nito ang sinseredad ng mga
sinasabi..
Pero nag aalinlangan sya kung sasabihin
nya ba dito ang mga hinanakit nya..
Kanina ay talagang nagulat sya ng makitang
nakabihis ang mga magulang.. Mas nagulat
sya ng sabihin ng mga ito na sasama ito
para panuorin ang laban ni Zack..
Duon pa lang sa bahay nila ay nais nya ng
umiyak at sumigaw.. Isumbat sa mga
magulang ang hinanakita at sakit na
nararamdaman..
Nais nyang sabihin na..
"Bakit ako ?.. Bakit ni minsan ay di ko kayo
nakasamang dalawa ng sabay kapag may
meetings sa school ?.. Bakit kung kelan pa
walang kwentang event ng kung sinong tao
ay makakapunta kayo ??.. It's unfair !.." nais
nyang isigaw..
Pero batid nyang masasaktan sina Zack at
Nanay Ditas nya..
Pati na ang mga magulang..
Kaya sinarili nya ang sama ng loob..
Pero sa nakikitang determinasyon sa mukha
ng binata sa harap nya ay parang biglang
naipon ang sama ng loob nya..
Nais nyang ipagsigawan sa binata ang
kanyang mga hinanakit pero pinili nyang
tumahimik sa huling sandali..
Nakakahiya..
"S-sa bahay na lang.. " sabi ni Sab..
Nagulat sya ng hawakan ng binata ang mga
kamay nya..
Napatingin si Sab sa paligid..
"O-oy.. B-baka makita tayo nila Mom at
Dad.. " pagtanggi nya..
Pilit nyang binabawi ang mga kamay..
Pero mahigpit itong hinawakan ni Zack..
"Di yan.. nasa canteen sila.. Well, kung ayaw
mong sabihin sa akin ang problema mo
now.. Gusto ko lang sabihin sayo na nandito
lang ako.. Handa kitang damayan.. Kahit
anong hilingin mo ibibigay ko.... Lumigaya
ka lang .. " wala sa loob na sabi ng binata..
Tila nahipnotismo na si Sab sa mga
narinig..
Tulala syang napatitig sa mga kamay nilang
magkahawak..
Hanggang sa unti unting pumorma ang mga
ngiti sa labi nya..
"S-sige.. M-maya na .. Ayaw kong
mamroblema ka during your final game.. "
nakangiting sabi ni Sab..
Ngumiti din si Zack ..
"K-kamay ko . " bulong ni Sab..
Taranta silang nagbitaw ng mga kamay..
Natawa silang pareho..
"Pasok na ko.. " paalam ni Sab..
Tumango si Zack..
"Sige.. " sabi nya..
Nagkatitigan sila ng may narinig silang
sasakyan..
Pagtingin nila ay nakita nila ang isang
school bus at isang kotse na pumapasok ng
campus..
Napatiim bagang si Zack..
"Eto na pala sila.. " bulong nya sa sarili..
Nagulat sya ng hawakan ni Sab ang kamay
nya..
"Relax.. " sabi ng dalagita..
Ngumiti si Zack..
Hinatid nya ng tingin ang bus at kotse..
Hinintay na bumaba ang mga makakalaban
nya..
Ilang saglit nga pagtapos makapark sa
parking area nila ay nagsibabaan na ang
nagtatangkarang players mula sa bus..
Nakaramdam ng konting intimidasyon si
Zack ng mapansin na wala ni halos maliit
sa team ng mga ito..
"Wow.. Ang tataas.. M-mukhang magagaling
.. " parang nawawalan na sya ng
kumpyansa..
Pero kinurot ni Sab ang braso nya..
"Ano ka ba .. Wag mo na kasi look.. Tara
na hatid mo ko sa room.. " pamimilit ni
Sab..
Ngumiti si Zack..
Akmang aakyat na sila ng bumaba ang
sakay ng kotse..
Nagulat silang dalawa ng may tumakbong
dalagita mula sa gym patungo sa binatang
kabababa lang ng sasakyan..
Sinalubong nito ang nasabing player at
hinalikan sa pisngi..
"Brix.. " matigas na bulong ni Zack.
Sa gulat nya ay tumingin sa gawi nila si Brix
at ngumisi..
Tinuro nito ang dalawa sabay nag thumbs
down..
Umalma si Zack pero pinigilan sya ng
dalagita..
"Ano ka ba.. Hayaan mo na .. Dyan pala sya
nag transfer.. Tara na .. " sabi na lang ni
Sab..
Tumango si Zack pero bago sya tumalikod
ay nag titigan pa sila ng binata...
Hinawakan ng dalagita ang pisngi ng binata
at pilit na pinalilingon sa kanya..
Nagtitigan sila at nagulat si Zack ng
dampian ng halik ni Sab ang kanyang mga
labi..
Tulala ang binata..
Namumula ang mga pisngi na tumalikod si
Sab at nagsimulang umakyat sa hagdan..
Akmang tatalikod na din si Zack pero mas
nagulat sya sa isa pang sakay ng kotse..
"Nerica.. " muling bulong nya sa sarili.
Tiim bagang syang tumalikod at sinundan
ang dalagita.
Unti unti ng gumagapang ang galit at takot
sa dibdib nya...
Chapter 30
Hinatid ni Zack si Sab sa classroom nito...
Tahimik ang binata ..
Maraming tanong sa isip nya.
Bakit kasama ni Nerica sina Brix at
Princess ?.
Kaninang pagkakita nya sa binata ay nagulat
talaga sya..
Di nya akalain na sa eskwelahang iyon
lumipat si Brix.
Pero tulad ng naunang katanungan sa
kanyang isipan..
Ano ang koneksyon nito at ni Nerica.. ?
Nasa tapat na ng pinto ng classroom sina
Sab ng di sya nakatiis..
"Oh ikaw naman ang tahimik ngayon.. "
puna nya..
Nagulat si Zack..
"H-ha ?." tanong nya.
Pinaikot ni Sab ang eyeballs nya ..
"Grabe naman.. Hulaan ko.. Si Brix right ?..
" tanong nya..
Napatango na lang si Zack..
"Wag mo ng kasi isipin yon.. Basta ang
gawin nyo.. Manalo kayo sa malinis na
paraan.. " bilin ni Sab.
Napangiti ang binata..
"Sige.. Para sayo.. Look mo naman jersey
ko.. " pagyayabang nya sabay bukas ng
bag..
Tumambad kay Sab ang kulay asul at puti
na basketball shirt..
Nilabas ito ng binata at binigay sa dalagita..
Nagulat si Sab..
Akala nya ay kay Zack ang nasabing damit
pero namangha sya ng bulatlatin nito sa
harap nya..
"Z-zack.. " di makapaniwalang sabi niya..
Ngumiti si Zack at inabot sa dalagita ang
damit..
"Alam ko medyo mumurahin yan.. Pero
gusto kong malaman mo na galing sa sarili
kong pera ang pinangpatahi ko nyan.. Para
sayo." sabi nya sabay abot sa jersey shirt
na maliit..
Nahihiyang tinanggap naman ito ni Sab at
pasimpleng nilapit sa katawan..
"S-sakto ba?.. " tanong ni Zack..
Ngumiti si Sab at tumango..
"Kakagulat ka naman .. S-salamat.. " sabi
nya..
Nagkatitigan silang dalawa..
"B-basahin mo yung nakasulat..Yung
pangalan sa likod.. " nahihiyang utos ni
Zack..
Ngumiti ang dalagita ng mahinhin at dahan
dahang binaliktad ang gamit..
Muli..
Di nya maintindihan ang nararamdaman sa
simpleng bagay sa mga kamay nya..
"Zabrina Forever.. " basa ni Sab..
Kahit anong pigil ang gawin nya..
Talagang ayaw maalis ng ngiti sa kanyang
mga labi..
Unti unti itong lumalaki habang pinipigilan
nya ng pinipigilan..
Kaya sa huli..
Imbes na itago, pinakita nya ito sa binata..
"Ang ganda.. Salamat.. " taos pusong sabi
ni Sab..
Ngumiti lamang ang binata..
"Iingatan ko to.. Pangako.." dagdag nya..
Lalong lumawak ang ngiti ni Zack..
Nagkatitigan silang muli ng biglang tumunog
ang bell..
"So paano.. Lalaro na kame.. " paalam ni
Zack..
Tumango ang dalagita..
"Galingan nyo nina Kuya Rigor at Denzel..
Alam kong kaya nyo yang sina Brix.." sabi
nya..
Tumango din si Zack..
Tumalikod na sya sa dalagita at
nagsimulang humakbang pababa ng hagdan
ng tawagin syang muli nito..
"Zackarias !. " tawag ni Sab..
Lumingon ang binata..
"Galingan mo.. " sabi lang ng dalagita..
Ngumiti si Zack at nag thumbs up..
"Zackarias.. ! " muling pagtawag ni Sab..
Muli na namang lumingon si Zack at
napakamot sa batok..
"Wag kang magpapatalo.. Dapat lampas ng
30 points ang score mo.. " bilin nito..
"Sige.. Susubukan ko.. " sabi ni Zack..
Pero ngumuso si Sab..
"Wag mong subukan.. Gawin mo."
pangungulit nya..
Natawa si Zack..
"Ayaw kong maliitin ang mga kalaban.. "
pagpapakumbaba nya..
Pero napanguso lang lalo si Sab..
"Sige na , sige na.. 30 points pataas.. Para
sayo.. " mahinang pagpayag nya..
Kinilig si Sab..
Kumaway na si Zack at tumalikod.
Lumingon lingon sa paligid ang dalagita..
"Zackarias !.. " pagtawag nya ulit..
Napangiti na lang si Zack at lumingon.. Pero
nagulat sya ng dumapo ang malambot at
maliit na labi ni Sab sa mga labi nya..
Napapikit sya sa bango ng hininga nito..
Nakahawak si Sab sa mga balikat ni Zack..
Nasa pinakapunong hagdan sya habang mas
mababa ng dalawang baitang ang binata..
Sakto ang height nila..
Magkatapat ang mga ulo.
Sakto din ang mga labing magkalapat..
Madiin na halik lang..
Ni hindi sila nagaksayang galawin ang mga
labi..
Magkadikit lamang ito ng mariin..
Halos 5 segundo lang naman ang tinagal ng
halik ng si Sab na ang kumalas...Namumula
ang kanyang mga pisngi na tinitigan ang
binata.
"Pampaswerte .. " landi ni Sab sabay kindat
at dila..
Nagmamadali na syang pumasok sa
classroom nya dahil nahihiya sya sa sariling
kapilyahan..
Tila nakalutang ang mga paa ni Zack.
Pababa sya ng hagdan na parang walang
tinatapakan..
Napakasarap ng kanyang feeling dahil sa
halik na ginawad ni Sab..
"Oh I love you Sabina.." sabi nya.
Malakas ang loob nya dahil nasa grounds
sya at alam nyang walang nakaririnig..
"Who's Sabina ?.. " boses ng babae..
Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng
boses at nagulat sya sa tumambad sa
kanyang paningin..
"Nerica.. " wala sa loob na bulalas ni Zack..
Ngumiti ang babae at dahan dahang lumapit
sa kanya..
"Long time no see Zack.. Kamusta ka na?.. "
nakangiting sabi nito.
Ngumiti ng kimi si Zack at nagkibit balikat..
"Tulad pa rin ng dati.. Ikaw ?.. " balik
tanong nya..
Naglungkut lungkutan ang babae...
Ngumuso pa ito..
"Eto.. Same old me.. Well, answer my
question.. Who's Sabina ? " nakangusong
sabi nito.
Pinagmasdan ni Zack ang kausap..
Maganda si Nerica..
Pero nakagpagtatakang di malakas ang
pagkabog ng dibdib nya ..
Di tulad ni Sab.
"Ah.. K-kaibigan ko lang.. Ang totoo, anak
sya ng amo ko.. Bale amo ko din sya. "
nakayukong pag amin nya..
Kumunot ang noo ni Nerica..
"But I heard you said you love her.. You
mean your inlove with your boss'
daughter ?.. Baka mapatalsik ka naman
nyan sa work mo if ever na malaman ng
parents nya yan.. " sabi nito..
Napatingin si Zack sa babae..
Aminado syang tama ito..Matagal na nyang
naisip ang ganuong pangyayari pero anong
magagawa nya?..
Mahal nya si Sab..
Yun ang katotohanan..
"Alam ko.. Pero wala naman akong
ginagawang masama.. Kami.. Wala kaming
masamang ginagawa.. " parang imbes na sa
babae ay mas sinasabi nya ito sa sarili..
Bumuntong hininga si Zack..
"Zack !.. Nandyan ka lang pala.. Letsugas
ka !... " pagtawag ni Rigor..
Napatingin sila pareho ni Nerica sa binatang
papalapit..
Nagtataka si Zack kung bakit di pa
nakabihis si Rigor.
"Bakit di ka pa bihis?.. Malapit ng magstart
ha?.. " tanong ni Zack..
Sumimangot si Rigor pero nawala ang
simangot nito ng masulyapan si Nerica.
"Nak ng tatay mo ka Zackarias..
Nambababae ka lang pala dito..Hindi ka pa
nandamay.. Anyways.. I'm Rigs, Hi.. "
swabeng pakilala ni Rigor.
Muntik ng mabilaukan si Zack..
"Putsa.. Kelan ka pa naging Rigs?.. " biglang
sabat ng boses sa likod ni Rigor..
"Oh come on man !.. " reklamo ng kapre..
Natawa si Zack..
"Hayup kang bakulaw ka.. Pumoporma ka
pa ha.. Hoy Zackarias.. Ano pang ginagawa
mo dito ?.. Magbihis na kayo hoy !.. " sita ni
Denzel.
Maging ito ay biglang naging swabe ng
makita si Nerica..
"Hi miss beautiful.. May I know your
name ?.. " baritong pagpapakilala ni Denzel..
Napangiti si Nerica at inabot ang kamay..
"Haha.. Thanks.. I'm Nerica Sta. Maria.. "
pakilala nya..
Pero nagulat sya ng ibang kamay ang
sumalo sa kamay nya..
"I'm Primo Di Caprio.. Oh shet may bagyo
ba sa langit ?.. " tanong ni Primo..
Nagtaka si Nerica..
"B-baket ?.. " tanong nya..
"Kase, dito nag evacuate ang isang anghel
nila.. " swabeng sabi nito sabay titig sa mga
mata ni Nerica..
Natahimik ang lahat..
"Boom !.. Hanep ka insan.. Kadiri ka !.. "
sigaw ni Gustavo sa likod..
Nagpapalakpak si Vincent sa tabi ni
Gustavo.
Nagtawanan ang lahat ..
"Aga nyo ah.. Manunuod kayo ?.. " tanong ni
Zack..
"Ay hinde.. Napadaan lang kami.. Gumising
kami ng maaga tapos nagpunta kami dito sa
school nyo para dumaan lang at
makipagbeso.. Hiyang hiya naman kami
sayo no !.. " landi ni Vincent..
Natulala si Zack pero napabunghalit din sya
ng tawa..
Imbes na mailang si Nerica , natawa na din
sya..
Isa isa nyang pinagmasdan ang mga
naggagwapuhan binata sa paligid nya..
Hanggang sa dumako ito kay Zack..
Tila ba nahihipnotismo sya sa malutong
nitong pagtawa..
Tumabi sa kanya si Primo..
"May crush ka kay Zack ?.. " tanong nito..
Ngumiti si Nerica..
"Yap.. Actually mukhang di na lang sya..
Lahat na kayo.." biro nito..
Napangiwi si Primo..
"Kahit kay Rigor ?.. " biro nya..
Natawa si Nerica..
"Grabe ka naman.. Di naman sya panget..
Akward lang talaga yung height at built ng
katawan nya kasi ang laki nya.. " paliwanag
nya..
Ngumiti si Primo ..
"Yeah I know, biro lang.. Kahit ganyan yan si
Rigor ay mabait yan na kaibigan.. Ang totoo
nyan ay kailan lang namin sila nakilala ni
Zack..Kami talagang apat ang
magkakababata plus na pinsan ko pa si
Gustavo.. Wala akong masabi sa mga yan
kundi paghanga sa pagkatao nila.." sabi
nya..
Napatingin sa kanya si Nerica.
"So you mean kakikilala mo pa lang kay
Zack at Rigor?.. How come na naging
bestfriends na ata kayo like nung tatlo ?.. "
tanong nya..
Nagkibit balikat lang si Primo..
"I know magiging katawa tawa ang
paliwanag ko pero sa maniwala ka o sa
maniwala ka.. Wala sa tagal ng panahon
ang pagkakaibigan.. Nasa sinseredad yan..
Yung alam nyo na walang gamitan na
magaganap.. Pareho man kayo ng gusto o
hinde.. Ang mahalaga ay hawak nyo ang
pinakaimportanteng sangkap ng
pagkakaibigan... " paliwanag nya..
Ngumiti si Nerica.
"Ano naman daw ang pinakaimportanteng
sangkap ng pagkakaibigan ?.. " tanong nya..
"Respeto sa isa't isa.. " walang kagatol
gatol na sagot ni Primo sabay sulyap sa
mga kaibigan na masayang nagbibiruan..
Sinulyapan din ni Nerica ang masayang
barkada sa harap nya..
"Hmmm... Sa nakikita ko malawak ang pag
iisip mo.. Matalino ka.. Malayo ang
mararating mo basta gamitin mo lang sa
tama yang katalinuhan mo." puri ni Nerica..
Natawa si Primo at nagkibit balikat..
"Wag kang plastic.. " biglang banat nya..
Nabigla si Nerica..
"Wow.. Pinuri na nga plastic pa.."
nakasimangot na sabi nya.
Natawa muli si Primo..
"Kakakilala mo pa lang sakin.. di mo kilala
ang ugali ko.. Ako ang Hari ng Spades.. "
pakilala nya..
Nagtaka si Nerica..
"Spades?.. King ?.. Childish ha.. " pang
aasar nya..
Nagkibit balikat lang si Primo..
"Childish talaga.. Pero its working ..
Nagagamit namin ang pagiging childish
namin para alagaan ang kredibilidad ng
bawat isa.." kibit balikat na bawi nya..
Natigilan si Nerica..
"Sabagay.. Pero di mo naman ako
kailangang tawaging plastic no.. " inirapan
nya ang binata..
Natawa si Primo..
"Well... Nasabi ko na .. Yun naman talaga
ang nasa isip ko.. Kesa ilihim ko pa sayo..
Sinabi ko na lang.. " natatawang paliwanag
nya..
Natawa na din si Nerica..
"Prangka ka pala.. Telling truth is good but
not all the times.. I know you know that kasi
nga matalino ka.. Tulad ng pagiging
prangka mong tao.. Di sa lahat ng oras
effective yan.. Kasi makakatagpo ka ng
taong pikon sa buhay mo.. Mapapaaway ka
lang .. Sige ka... " pananakot nito..
Ngumiti lang si Primo at nagkibit balikat..
"I don't care.. I'm will not change for
someone kung yun lang din ang rason..
Kesa sa sarili ko pa ako maging
sinungaling.. Mas mabuting sabihin ko na
ang nilalaman ng isip ko .. As long as na
alam kong safe sya.. Yung kahit na
masaktan ang kausap ko.. Basta may sense
ang sinabi ko sa kanya.. Go pa rin ako.. Di
ako mangingiming maging prangka sa harap
nya.. Kasi kaibigan ako..Totoong kaibigan
ako.. Ngayon, kung mapipikon sila sakin.. Di
ko na sila sisisihin.. Sadyang sa pang
malalalawak na pag iisip lamang ang ugali
ko.. Kung sakaling mali ang sinabi ko sa
kanila.. Bakit sila mapipikon o magagalit
sakin?.. Ngayon kung tama naman.. Dapat
imbes na maghinanakit.. Humanap sila ng
paraan para itama ang mga pangit na
paniniwala ng mga tao sa kanila.. Ganun
kasimple.. Wag kang kakahol kung di totoo..
Kung totoo naman at sinabi ito sa mukha
mo.. Magpasalamat ka .. At least may isang
tao na sasampal sayo pero magbibigay ng
isa pang pagkakataon para baguhin ang
nasabi na nya.. Ganun lang yon.. " litanya
nya..
Natulala si Nerica..
Napayuko sya at napaisip..
Tama ang lahat ng sinabi ng binata..
"So.. King of Spades..Thank you .. You
enlighten me .." taos pusong sabi nya..
Ngumiti lang si Primo...
"Matalino ka Nerica.. Alam ko .. Kaya
sinasabi ko.. Di mo matatanggap ang
paliwanag ko kung sarado ang isip mo..
Pwedeng mali ako.. Pero still, inabsorb mo..
Ganun lang yun kasimple.. Sabi ng Nanay
ko.. Madaling magpanggap na matalino sa
harap ng taong bobo.. Lahat ng sasabihin
mo tama sa pandinig nya.. Pero mas pipiliin
ko ng magpanggap na bobo .. May chance
akong magmasid.. Kesa isang bobo na
nagpapanggap na henyo.. Lahat ng mata
nakatutok sa kanya.. Ganun din yon
kasimple.. Wag kang magsasalita ng
marami na as if alam mo ang lahat.. Di
masama ang maging mangmang hangga't
determinado kang matuto..Bago ka
magpakabayani sa harap ng isang tao..
Tingnan mo muna kung tama ang
pinaglalaban mo.. " tila na baliw na sya.
Kinumpas ni Nerica ang kamay sa harap ng
binata..
"Helloooo.. Sino ka ba ?.. Si Primo ka pa
ba ?.. Hala.. Nasapian ka na ata.. " biro
nya..
Para namang galing sa isang sumpa ang
binata .. Bigla syang natawa..
"Ay ano ba yon.. Sorry.. " natatawang sabi
nya..
Nagtawanan na lang silang dalawa..
Ilang saglit pa ay huminto si Primo at
tinitigan ang babae..
"Kahit saang lugar sa mundo ay may
makikita kang ganyan na higit pa sa
pamilya .. Anyways.. Yung tanong ko
kanina.. May crush ka kay Zack ?. Sorry
pero mukhang mabibigo ka .. He's inlove
with some one.. " pagbasag ni Primo..
Tumango si Nerica..
Alam na nya ang background ni Sab dahil
naibigay na iyon sa kanya ng magpinsang
sina Brix at Princess..
Di nya lang talaga malaman ang dahilan ng
mga ito..
"Tell me, is Zack a good friend ?.. " tanong
ni Nerica..
Hinakawan ni Primo ang baba .. Isa sa mga
mannerisms nya kapag napapasabak sa
malalim na pag iisip..
Tulad ng pinsang si Gustavo..
Sinulyapan nya si Nerica..
"You have no crush on Zack right ?.. Your
just fascinated..." paghuhusga nya..
Nagulat ang babae..
"Whoaa.. How dare you to interfere with my
feelings ? .. " pagtatago nya ..
Pero matigas si Primo ..
"Si Zack.. Hmmm.. Mabuti ba syang
kaibigan ?.. Well, eto na lang ang
pagbasehan mo. Handa akong sumugal
kahit buhay ko maipagtanggol ko lang si
Zack.. Dyan ka bumase.. Kahit sino sa mga
yan ang tanungin mo.. Sa tingin ko ay
pareho kami ng isasagot.. " nakangiting sabi
nya..
Nagulat si Nerica sa pahayag ng binata..
Muli nyang sinulyapan si Zack na nasa likod
ni Rigor at sinasakal ang kapre..
"So he's mabait pala.. Sabi kasi ng Mommy
ko.. Kapag mabuti ka daw na kaibigan..
Mabuti ka ding kasama sa buhay. Boyfriend
or Girlfriends should start on friendship..
Yun ang sabi nya.. Pero kung mabait si
Zack.. Bakit nila sya gustong saktan ?..
Anong dahilan ng magpisan ?.. " tanong nya
sa sarili.
Napatingin si Primo sa babae..
"Come again ?.." tanong nya dahil di nya
narinig ang sinabi nito..
Tila naman nahimasmasan si Nerica..
"Oh sorry.. Daydreaming.. ANg popogi nyo
kasi.. So sige.. Wait ko na lang kayo sa
gym.. Goodluck guys.. Nice meeting you.."
paalam nya.
Hinatid na lamang ni Primo ng tanaw si
Nerica ..
Naramdaman nya ang presensya ni Gustavo
sa tabi nya..
"Insan.. " sabi ni Gustavo..
"Yeah I know insan.. Mukhang tama yung
sinabi mo sakin tungkol sa motive nya.. Or
should I say motive ng nag utos sa kanya? ..
" tatango tangong pagsang ayon ni Primo..
"But I can see na mabait sya.. Di ko lang
makita kung bakit hinahayaan nyang gamitin
sya ng iba .." tanong ni Gustavo.
"I am sure na may kapalit yun.. Ganun ang
nature ng tao.. Ganid talaga . Kahit ako
aminado na di ako gagawa ng isang bagay
as long as na alam kong wala akong
mapapala.. " pangaral ni Primo..
Tumango lang ang pinsan nya..
Sinulyapan ni Primo sina Denzel at Zack na
nagtatawanan..
"Maybe she's just thrilled.. Maganda si
Nerica , we saw that all.. Gwapo si Zack...
Pero may Sabina na sya.. Mukhang alam ko
na ang ginamit nilang reasoning kaya
napapayag nila si Nerica.. " hawak ni Primo
ang babae..
Hawak ni Gustavo ang ilong nya ..
Sabay silang nag isip ..
Nasa kasagsagan sila ng paghaharutan ng
may sumipol sa di kalayuan..
Paglingon nila ay nakita nila si Coach
Spolstra na nakasimangot ..
"Punyemas kayong mga bata kayo.. Kung
saan saan na ako naghahanap sa inyo ha..
Mafoforfeit na tayo mga abnormal kayo !... "
labas litid na sigaw nya..
Napangiwi sina Zack, Denzel at Rigor..
Natawa na lang sina Primo.
"Oh loko.. Anlalandi nyo ha.. Pagkukurutin
nyo sa singit Coach !" sigaw nya..
Muling sumipol ang Coach..
Tarantang nagsitakbuhan sina Zack sa
locker para magpalit ng damit..
Naiwan sina Primo..
"Tara na.. Dun tayo sa likod ng bench nila..
" suhestyon ni Vincent.
Sumang ayon ang lahat..
Excited na pare pareho sa nalalapit na
laban..

Chapter 31
Nagsitakbuhan sina Zack patunong locker room...
Pabalagbag na binuksan ni Rigor ang pinto.
Nagulat ang mga kapwa nila varsity..
"Hoy anong meron ?.. " tanong ng isa..
Hinihingal na lumapit si Denzel.
"Pare.. Isara mo pinto dali !.. May
HALIMAW !.. " banta nya..
Nagtawanan ang lahat maliban kina Rigor at
Zack.
"We?.. Di nga?.. Seryoso ?.. " parang
nananantyang tanong ng isa..
Bumaling sila kay Rigor..
"How bakulaw.. Anong meron ?.. " tanong
nito..
Pero nanatiling seryoso si Rigor.. Nasa
mukha nito ang takot..
"P-pare.. Seryoso ba talaga ?.. " tanong ng
isang players..
Dahan dahang tumango ang tatlo..
Napatingin silang lahat sa pinto..
"S-sinong magsasara.. ?.. " tanong pa ng
isa..
Nagkatulakan na ang lahat..
"I-ikaw na pre.. " tinulak ng isa ang isa pa
nilang kasama..
Taranta nitong sinara at nilock ang pinto..
Mabilis na nagbihis sina Zack, Denzel at
Rigor..
Nagtago sila sa likod matapos nilang
makapagsuot ng jerseys..
Ilang saglit lang silang naghintay ng bigla
silang mapaigtad sa lakas ng pagkalabog ng
pinto..
"Ayan na !!.. " tili ni Rigor..
Nagkagulo sa loob ng locker room..
Sigawan ang mga barakong players sa
pangunguna nina Zack..
Malalakas na pagbayo ang dumagundong
mula sa saradong pinto..
Hanggang sa ilang saglit lang ay huminto
ito..
Natahimik ang lahat..
"W-wala na ata .. " takot na sabi ng isa.
Pero lahat sila nasigaw ng makarinig ng
kaluskos..
Tumakbo sa isang sulok si Denzel..
Sinundan sya nina Rigor at Zack..
Pati iba nilang kasama ay napasunod na rin
sa kanila..
Group hug sila sa sulok habang hinihintay
ang katapusan..
"B-baka kainin tayo ng halimaw.. " naiiyak
ng sabi ng isa..
Pinigilan nina Denzel ang matawa..
Napalunok si Zack..
"Lakasan mo ang iyong loob kaibigan..
Malalampasan din natin ito..." bulong nya..
Tumango ang lahat..
Ilang saglit lang..
Nakarinig sila ng pag click..
"N-nabuksan.. " bulong ni Denzel..
Natatawa si Zack kaya di sya
makapagsalita..
"Simulan natin ang manalangin mga
kasama.. Para sa ating kaligtasan.. "
suhestyon ni Rigor..
Nagkatinginan ang lahat..
Hanggang sa isa ang mamuno para simulan
ang pagdarasal..
"Ama.. Iligtas mo po kami sa halimaw..
Nawa'y makapaglaro po kami sa finals.. "
taos pusong pagdadasal ng isa..
Gumaya naman ang isa maliban sa tatlo.
Halos mapatid na ang litid nina Zack sa
kapipigil na matawa..
Inabot ni Rigor ang switch ng ilaw para
patayin ito..
Lalong nagkagulo..
"Manalig kayo mga kasama.. Di NYA tayo
pababayaan.. Lakasan nyo ang panalangin
nyo.. Tawagin natin ang AMA!.. Magsi awit
tayo ng PAPURI.. " sigaw ni Rigor..
Naghawak hawak sila ng kamay kahit na
halos magkakadikit na sila..
"PAPURI kay PAPA J.. PAPURI kay PAPA J..
" pagkanta ni Rigor..
Sinabayan sya nina Zack ..
"Putris.. Ansakit na ng tyan ko.. " pagpipigil
ni Denzel..
Napapitik si Zack sa daliri nya..
"Guys.. Magpatay patayan tayo.. Kunwari
mga patay na tayo.. Dali para di tayo kainin
... ! " suhestyon ni Zack..
Napatingin sa kanya ang lahat..
Tila tinatanya kung seryoso ang binata sa
sinabi nito..
Pero di nagbago ang ekspresyon ng mukha
ni Zack.. Nanatili itong seryoso.. Walang
bakas na nagbibiro lamang ito..
Tumango ang isa at sinulang ilatag ang
sariling jersey.. Nahiga ito at pumikit..
Ginaya naman ng iba ang ginawa nung
nauna maliban kina Zack, Denzel at Primo..
Nagkatinginan ang tatlo at pasimpleng
tinungo ang pinto..
Dahil sa kadiliman.. Di sila halata..
Dahan dahan nilang binuksan ang pinto at
sabay sabay na lumabas..
Tatawa tawang nagtakbuhan patungo sa
gym..
"Lekat na.. Bakit kaya sarado itong pinto ?..
Nasan na ba yung mga ungas na yun ?.. "
asar na sabi ni Coach Spolstra..
Kinalabog nya ang pinto..
Pero sa gulat nya ay nakarinig sya ng
sigawan mula sa mga players nya..
"D-Diyos ko.. Anong nangyayari sa loob ?.. "
kinakabahang tanong nya..
Dali dali nyang kinapa ang wallet para
hanapin ang susi.. Pero napamura din sya
ng di ito makapa.. Naalala nya na naiwan
nya pala ito sa faculty nila..
"S-saglit lang mga bata.." bulong nya..
Parang si "The Flash" na tinakbo ni Spolstra
ang faculty..Hinalughog ang bag para
hanapin ang wallet.. Ng makita ito ay dali
dali nyang sinara ang bag sabay takbo muli
palabas ..
Mabilis nyang narating ang nasabing
locker..
Nanginginig ang kanyang mga kamay sa
pagsuksok sa susi..
"Damn.. Pumasok ka !.. " bulong nya..
Hanggang sa wakas ay maisuksok nya ang
susi..
Pero nagulat nya dahil pagpihit nya sa susi
ay bukas na ito..
Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni
Spolstra..
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto..
Nanayo ang balahibo nya ng mapansin ang
mga kalat sa loob..
Madilim ang paligid..
Lalo syang kinabahan..
"Oh my God.." kinakabahang tanong nya..
Kinapa nya ang gilid para hanapin ang flash
light na nakatago sa isang locker..
Ng makita ito ay mabilis nyang sinuyod ang
paligid..Hanggang sa malaglag ang panga
nya ng makita ang mga players nya na
nakahandusay na tila wala ng buhay..
Dala ng matinding takot..
Lumabas si Spolstra at muling tumakbo
patungo sa principal's office..
Nakasalubong nya sa hallway ang principal..
"Oh Coach.. Anong nangyari sayo ?.. Di ba
simula na ng game ?.. Eto nga't manunuod
din ako.. " nakangiting sabi nito..
Pero nagtaka ito ng makita ang takot sa
mukha ng batang Coach..
"S-sir.. May nangyaring aksidente..
Samahan nyo po ako.. " sabi nya..
Napakunot ang noo ng principal..
"Huh ?.. Come on.. Mamaya na ang joke
time.. Sige na .. Sabay na tayo sa Gym.. "
sabi nya..
Pero sumigaw si Spolstra..
"I'm not Joking sir !.. Please believe me !..
Yung mga bata.. Nakahandusay sa locker ..
P-parang wala ng buhay.. " malakas na sabi
nya..
Nanlaki ang mga mata ng Principal..
"Oh my God.. Come on.. Call the other
Teachers.. Oh my God.. " takot na sabi nito..
Mabilis na nalikom ang ibang teachers..
Tinakbo nila ang locker..
Dahan dahang binuksan ni Spolstra ang
pinto at kinapa ang ilaw..
Napasigaw sila ng makita ang mga
kabataang nakahiga sa sahig...
"Oh no.. !.. Call the Medics !.. " sigaw ng
isang babaeng teacher..
Pero nagulat sila at napasigaw ng dumilat
ang isa..
"H-hala.. Anong nangyayari.. " tanong ng
isang player..
Nakatulog na din pala ang iba sa tagal ng
paghihintay nila kaya di sila gumagalaw..
Mabilis nyang ginising ang mga kasama..
"Oy mga pre.. Gising.. Yari tayo !.. "
tarantang paggising nya sa iba pa..
"N-nabuhay sila ?.. " takot na tanong ng
Principal..
"It's a miracle.. " pasasalamat ng isang
teacher..
Nilapitan ni Spolstra ang mga players nya
para icheck..
"Ayos lang ba kayo ?.. " tanong nya..
Parang namaligno ang mga ito..
"S-sir.. W-wala na ba yung halimaw ?.. "
tanong ng isa..
Nagtaka ang Coach..
"Halimaw ?.. Walang halimaw.. Sino bang
may sabi sa inyo na may halimaw ?.. "
tanong nya..
Nagkatinginan ang lahat at napasimangot..
"Sina Zack.." asar na sabi ng isa..
Napangiwi ang Coach.
"Nagpauto na naman kayo ?.. " tanong
nya...
Nahihiyang tumango ang lahat..
"S-sabi nya kasi sir.. Hinahabol daw sila ng
halimaw.. " pag amin ng isa.
Nanlaki ang mga mata ng Coach..Batid
nyang sya ang humahabol sa tatlo kanina.
"Siraulo talaga !!!!.. Magsitayo nga kayo !!!"
sigaw nya..
Kasama ang iba pang players.. Asar na
tinakbo ng Coach ang mga siraulong players
nya..
Tawa ng tawa sina Zack pagdating sa bench
nila..
Naghiyawan ang mga tao ng pumasok ang
tatlo.
"Wooooo !!!!!.. Galingan nyo guyss... " sigaw
sa isang panig.
Nalula sina Rigor sa dami ng nanunuod..
"Hanep.. Artista na ko.. Nanay !!!.. Sikat na
koooooo.. " sigaw ni Zack..
Nagtawanan ang mga tao pati na sina Ditas
sa isang tabi..
Kumakaway sila sa fans..
"Oh autgraph ?. Sige lang.. Hi pretty.. "
feeling pogi si Rigor..
Pati si Denzel ay nasa isang panig ..
Pero napangiwi sya ng may bumatok sa
kanya..
Nilingon nya ito at nagulat sya ng makita si
Annette na nakasimangot kasama nina
Primo..
"Oh loko.. Mambababae ka pa ha.. " tatawa
tawang sabi ni Gustavo..
Lalong nag ingay ng pumasok sina Coach at
ang iba pang players..
Pero nagulat sila ng sakalin ng iba ang
tatlo..
Imbes na magalit.. Natatawa na lang sina
Spolstra dahil sa ginawa ng tatlo sa kanila..
Pinagkukurot nila sina Denzel, Zack at Rigor
sa singit at kung saan saan..
"Tangna nyo.. Muntik nyo na kaming
mapaniwala dun ha.. " sabi ng isa..
"Sino kayang unang humiga ?.. " biro ng isa
pa..
Lalo silang nagtawanan..
Lumapit sa kanila ang isang ref..
"Sir.. Simula na natin ang game.. Late na po
kayo ng 15 minutes.. " sabi nito..
Nagpasensya si Spolstra.
"Pasensya na po.. Nagkaroon lang ng di
inaasahang kalokohan sa pagitan ng mga
players ko.. Walang problema.. " sabi nya..
Nagtawanan muli sina Zack..
Sumipol na ang ref para tawagin naman ang
mga kalaban..
Nahinto sa pagtawa si Zack ng makita nya
na isang tumayo si Brix..
Sa gulat nya.. Lumapit ito sa kanya .
"Long time no see.. Zack.. " nakangiting bati
nito..
Tumango lang si Zack..
"Sayo din.. Dyan ka na pala nag transfer.. "
sabi lang nya..
Ngumisi si Brix..
"Kasi.. Kung nandyan pa rin ako.. Di ako
mabibigyan ng chance na ilampaso ka.. "
sabi nya..
Nahindik si Zack..
"Ikaw ang bahala.. Di naman ako
nakikipagkumpetensya sayo.. Ang mahalaga
lang sa akin ay makapaglaro ng patas at
mag enjoy.. " paliwanag nya..
Pero natawa si Brix..
"Anyway. Kamusta na kayo ni Nerica ?.. "
biglang tanong nya..
Napakunot noo si Zack..
"Okay lang naman.." sagot nya..
Hinakawan ni Brix ang baba..
Mula sa likod nya ay naglabas sya ng isang
envelop..
Binigay nya ito kay Zack..
Nagtatakang kinuha naman ito ng binata..
"A-ano naman to ?.. " tanong nya..
Nagkibit balikat si Brix..
"Uhm well.. See for yourself.. Enjoy !.. "
pang aasar nya..
Lumayo na si Brix para bumalik sa mga
kasama..
Nagtatakang binuksan ni Zack ang envelope
pero halos mabitawan nya ito ng makita ang
litrato nila ni Nerica..
Isa dito ay yung mismong paghahalikan nila
ng babae sa carpark ng eskwelahan..
Nahindik si Zack..
Napatingin sya kay Brix na nakatingin din
pala sa kanya..
"Enjoy.. " paglilipsing ni Brix..
Tumiim ang mga bagang ni Zack..
Gigil na nilamukos nya ang mga nasabing
litrato..
Akmang lalapitan nya si Brix pero sumipol
na ang ref..
"Game na !.. " sigaw ni Rigor..
"Rwarrr !.. " pagsakay ng iba pa..
Nagtawanan sila maliban kay Zack..
Hawak nya ang nasbing envelop..
Di nya alam kung anong gagawin nya sa
mga ito..
Ilang saglit pa ay naramdaman nya ang
patapik ni Primo sa balikat nya..
"Simula na pre.." sabi nito..
Nasa likod pala nya si Primo .. Katabi ito ng
kanyang ina..
Nasa gilid din sina Saimon at ang asawa
nitong si Bridgette..
"Galingan mo iho.. " pag cheer ng among
lalaki..
Napangiti ng kimi si Zack..
Nagtaka naman si Primo..
"Pards.. Simula na hoy.. Bitawan mo na
yang envelope mo at pumunta ka na dun..
Mag jump ball na hoy.. " untag nya kay
Zack.
Nagulat naman ang binata..
"S-sorry. " sabi nya sabay tayo..
Pero muli syang tinawag ni Primo..
"Langyang to... Maglalaro ka na hawak yang
envelope na yan ?.. sigaw nito..
Nagtawanan ang audience na nakarinig ...
Nahihiyang bumalik si Zack at atubiling
iniwanan ang envelope sa upuan nya ..
Hanggang sa agawin ito ni Primo..
Napahiyaw si Zack at sinikap na bawiin ang
envelope pero ngumiti si Primo at inupuuan..
"Di ko bubuksan.. Sige na.. Laro ka na boy..
" sabi nya..
Atubiling napatingin si Zack sa envelope ..
"Sige na hoy !.. Paimportante pota.. " sigaw
na ni Primo..
Ngumiti ng kimi si Zack at lumapit sa
kaibigan..
"P-pare.. Kahit anong mangyari.. Wag mo
yang ipapakita kay Sab.. " bulong nya..
Nagtataka man.. Tumango si Primo at
nagthumbs up..
"Sige.. " sabi nito..
Nagkatitigan sila..
Hanggang sa lumapit na si Rigor at Denzel
at kalawitin nila si Zack sa braso.
"Game na !.. " sigaw ni Spolstra..
Naghiyawan ang mga tao..
Sumipol ang ref..
Pumwesto ang mga manlalaro sa gitna para
mag jump ball..
Si Rigor para sa team nila habang mas
matangkad ng konti kay Rigor ang kalaban
nya..
Malaki ang pangangatawan nito at kalbo pa.
Isa isang tiningnan ni Denzel ang mga
kalaban..
Maging sya ay nagulat ng makita si Brix sa
kabila.. Pero wala syang pakealam sa
binata..
Ang focus nya ay ang kaibigang si Zack..
Tila tulala ang kaibigan nya..
Nakatingin din dito si Brix..
Nakangisi..
Tila may masamang niluluto laban sa
kaibigan nya..
Nakita din nya ang inabot nitong envelope..
Kahit di nya alam ang laman nito...
Masasabi nyang may kinalaman ito kung
bakit natahimik si Zack..
Nagsisimula na syang kabahan para sa
kaibigan..
Muling sumipol ang ref..
Nakapwesto na si Zack sa likod ni Rigor..
Malapit sya sa point guard nila..
Pilit nyang iniiwasan ng tingin si Brix..
"Jump Ball.. " sigaw ng babaeng ref..
Sumipol ito..
Pumwesto na si Rigor para tumalon..
Natahimik na rin ang crowd..
Hanggang sa ihagis ng ref ang bola.
Buong pwersang tumalon si Rigor..
Hawak nya ang bola..
Pero nagulat sya dahil nahawakan din ito ng
kalaban..
Nagkatitigan pa sila sa ere hanggang sa
pareho silang muling bumagsak sa lupa ..
Hawak nila ang iisang bola ..
Sumipol ang ref..
"Illegal jump for red number 09.. " sigaw ng
ref na ang tinutukoy ay ang kalaban ni Rigor
sa jump ball..
Naghiyawan ang crowd..
Bola nina Zack..
Inbound nila ..
Pinasa ng pointguard nila kay Denzel ang
bola..
Nagdribble ito patungo sa kabilang ring..
Hanggang sa mapansin nya si Rigor na
tahimik lang..
"Pards bakit ?.. " bulong ni Denzel..
Napatingin si Rigor..
"Nakita ko.. Di man lang sya bumwelo sa
pagtalon.. Pero halos lampasan na nya yung
pinakamataas kong talon.. " mahinang sabi
nito..
Nagulat din si Denzel.
Napatingin sila sa mga kalaban..
Nakangisi si Brix..
"Mapapalaban kayo samen guys.. I mean..
Ex- Team mates.. " nakangising sabi nya..
Di sya pinansin ni Denzel..
Nagdribble sya at pumasok sa loob ..
Sumalaksak ang binata..
Pero wa epek dahil hinarang sya ng
dalawang naglalakihang kalaban..
Mabilis na pinagana ni Denzel ang isip nya..
Binalik nya sa labas ang bola..
Pinasa nya ito sa kakampi nya at mabilis
naman din nitong pinasa kay Zack..
Nasalo ni Zack ang bola..
Pumorma syang titira pero nagulat sya ng
dalawa ang nagbantay sa kanya..
Pinilit ni Zack na magdribble.. Pero muntik
ng masundot ng isa ang bola kaya binalik
nya ito kay Rigor..
Nagpump si Rigor..
Sinubukan nya kung matigas ang katawan
ng bantay..
Gumamit sya ng pwersa..
Pero ni hindi nya matulak ang bantay nya..
Sumuko si Rigor at binalik kay Denzel ang
bola..
Napansin na ni Denzel ang oras kaya
mabilis syang nagdribble pero sinalubong
sya ng dalawa na namang bantay..
Hanggang sa maubusan na sila ng oras..
Tumunog ang buzzer at sumipol ang ref..
Napa "awww.." ang crowd..
Di makapaniwala sina Denzel, Rigor at Zack
sa nangyayari..
Kahit si Spolstra ay nagulat sa galing ng
mga kalaban nila..
Napatingin sya sa kalabang coach..Ni hindi
ito ngumingiti..
Eto ang Champion last year.. Ngayon alam
na nya kung bakit..
Pero di sila dapat mawalan ng kumpyansa..
Bola nina Brix..
Sya ang naglabas at pinasa nya ito sa
kakampi.
Mabilis nilang binaba ang bola..
Tulad ng lumang depensa..
Nasa gilid ni Rigor sina Zack at Denzel..
Nasa ilalim sya ng basket..
Lumapit sa kanya ang katapat na player..
Sinikap nyang harangan ang bola na
makuha nito..
Pinasa ng may hawak ng bola kay Brix..
Nag fake ang binata ..
Tumalon ang bantay nyang point guard..
Mabilis nya itong pinasa sa kakamping
bantay ni Zack..
Ng makuha nito ang bola ay nag dribble ito
at nag step back..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
Nasa three points ang kalaban nya..
Tumalon ito at tumira.. Buong pwersa ni
Zack nag inabot ang bola pero bigo sya.
"Rebound !.. " sigaw ni Zack..
Pero ngumisi ang bantay nya at bumaba
na..
"Asa ka pang sasablay yan.. " pagyayabang
nito..
Box out agad si Rigor..
Pero wala syang kalaban sa rebound..
Kaya pala..
Sureball ang tumira..
Ringless.
Tulad ni Zack ang kalibre..
Pasok ang bola..
Sumipol ang ref..
"Three points.. " sigaw nito..
Napanganga ang lahat ..
Pumalakpak si Denzel para tawagin ang
pansin ng mga kakampi..
"Tres lang yan guys.. Sige lang.. Bawi tayo..
" sabi nya..
Inbound nila.
Nakatalikod ang isa nilang kakampi para
kunin ang inbound ..
Bumaba na ang iba..
Sumigaw si Rigor..
"Likod !.. " sigaw nya sa kakampi..
Napatingin ito..
Pero huli na ang lahat..
Nakuha na ni Brix ang bola at nilay-up
agad..
Easy two points ..
Nanlulumong napatingin na lang ang mga
audience..
Napalapit si Denzel at Zack sa dalawang
kakampi nila para sabihan ito na ayos lang..
Pero lumapit din si Brix..
"Kamusta ?.. Ano na nangyari ?.. Haha..
Pahirapan nyo naman sana kami ha. " pag
aangas nito..
Umalma si Denzel pero pinigilan sya ni
Zack.
"Ayos lang yan pare.. Ganyan talaga.. Lalo
lang tayong di makakaiskor kapag pinatulan
mo yan.. " bulong nya..
Tumango si Denzel.. Kinalma nya ang
sarili..
"Sige pare.. " sabi nya..
Muli nilang binaba ang bola.
Hawak ni Denzel ang bola..
Sinulyapan nya si Zack..
Mahigpit itong binabantayan ng bantay nito
kaya malabong makaiskor pa ang kaibigan
sa mga oras na ito..
Nakita nya si Rigor na pasimpleng
kumakaway..
Napangiti sya..
Tulad ng practice nila..
Nagdribble sya sa kabila ..
Patungo kay Zack..
Nagcut si Zack sa loob..
Nahawi ang mga bantay ..
Sinundan nila si Denzel at dinouble team..
Pero tumalon ang binata at hinagis sa ere
ang bola..
Nagaabang si Rigor para sa alley oop..
Pero nagulat sya ng may kumalawit ng bola
sa ere..
Natulala na lang binata sa taas ng talon ng
kaharap..
"I can't believe this.. " bulong ni Spolstra..
Malakas nitong pinasa ang bola pababa sa
tumatakbong si Brix..
Di na nag isip pa sina Zack at Denzel..
Hinabol nila ang binata..
Pero ng malapit na sila ay huminto ito at
pinasa ang bola sa isa pang kakampi mula
sa likod..
Yung player na bantay ni Zack ..
"Three pointer yan !.. " sigaw nya..
Ngumisi ang may hawak ng bola..
Nilapitan sya ng mga kakampi ni Zack at
binantayan .. Pero bago pa ito makalapit ay
naipasa na nya ang hawak patungo sa isa
pang kakampi nya..
Tumira ito agad mula three points..
"Oh shet.. " bulong ni Rigor..
Pasok ang bola..
Ringless din tulad ng nauna..
"D-dalawa ang 3-pointer nila.. May isang
mas mataas tumalon kay Rigor at mas
bumilis pa si Brix kaysa sa dati.. Oh men.. "
nanghihinang bulong ni Spolstra..
Kailangan nyang gisingin ang mga player
pero duda sya na magagawa nya yon dahil
maging sya ay nakakaramdam na rin ng
panghihina kahit kasisimula pa lang ng
laban..
Labag man sa kalooban..
Lumapit sya sa committee para tumawag ng
time out..
Napatingin ang lahat sa bench nila ng
marinig nila ang buzzer..
"Time out !.. Home Team !.. " sigaw ng ref..
Nagtaka si Denzel ng makita si Rigor..
"Pare.. " tawag nya ..
Tumingin ang binata..
"Oh.. " tanong nya..
Pero umiling si Denzel..
"Wala.. POgi mo.. " biro nya..
Natawa si Rigor pero di ito umabot sa mga
mata nya..
Bumalik na sya sa bench..
Lumapit si Zack sa kaibigang si Denzel..
"Baket ?.. " tanong nya..
Nginuso nya si RIgor..
"Si Rigs.. " pagturo ni Denzel sa kaibigan..
Nagtaka si Zack..
"Baket ?.. Anong problema ng kapre ?.. "
tanong nya..
Napatingin si Denzel kay Zack..
"Hinihingal na sya.. " tila maging ito ay di
makapaniwala..
Natulala si Zack at nilingon ang kaibigan na
nakaupo sa bench at umiinom..
Tama si Denzel..
Tagaktak na ang pawis ni Rigor..
"T-teka.. Kakasimula pa lang ha.. Wala
pang tatlong minuto oh.. " puna din nya..
Napatango si Denzel at nilingon ang mga
kalaban..
"Ang lakas nila.. " wala sa loob na usal
nya..
Lumakad na sya patungo sa bench at
tinabihan si Rigor..
Sumunod si Zack pero dinaanan sya ni Brix..
"Masaya ba ?.. " nakangising tanong nito..
"Ayoko ng away Brix.." pag iwas ni Zack..
Natawa si Brix..
"Duwag ka pa rin pala Zack hanggang
ngayon..Takot ka sa mga hamon.." pang
aasar nya..
Pero nilampasan lang sya ni Zack..
"Di ako takot Brix.. Ayaw ko lang ng gulo.. "
sabi nya..
Pero muling tumawa si Brix..
"Di lang yun ang tinutukoy ko Zack.. ALam
ko ang feelings mo kay Sabina..At alam ko
din na di mo kayang sabihin yan sa kanya..
Nakakaawa ka.. Amo sya at katulong ka
lang..Yun siguro ang dahilan mo.. " pang
aasar nito..
Napahinto si Zack..Yumuko sya para itago
ang galit..
Pero napaisip din sya..
Ano ba ang kinakainis nya eh tama naman
ang sinabi ng binata..
Natatakot syang aminin kay Sab ang
nararamdaman..
Takot syang harapin ang magiging resulta
nito..
Kaya imbes na galit para kay Brix.. Galit
para sa sarili nya ang nag sisimulang
umusbong sa pagkatao nya..
Lumakad na sya patungo sa bench ..
"At sa tingin ko.. Lalong lalabo ang tyansa
na maamin mo yan sa oras na makita ni
Sab ang litrato na binigay ko sayo.. Marami
ako nyan .. Ahaha.. Good Luck ..Tulad ng
sabi mo.. ENJOY !.. " tatawa tawang sabi
nito habang naglalakad pabalik sa bench
nila..
Unti unting gumapang ang takot sa katawan
ni Zack.
Tulala syang naupo sa tabi ni Denzel..
Di na pumapasok sa utak nya ang sinasabi
ng coach..
Parang sa mga oras na iyon ay gusto na
nyang umuwi at magkulong sa kwarto..
Hintayin na lang ang oras na huminto na
ang pagtibok ng puso nya..

Chapter 32
Aligaga na si Sab ...
Kanina nya pa kinakagat ang kuko ng
hinlalaki ng kanang kamay nya..
Napapansin na sya ng katabi na si Heidi..
"Hoy Sab... Ano bang nangyayari sayo ?.. "
untag nito..
Napakislot si Sab..
Tumingin sya sa katabi nya na naging
kaibigan na din nya..
"W-wala.. " sabi lang nya..
Pasimple nyang nilingon ang bintana..
Nakapagtataka..
Kanina ay narinig nya ang malakas na
sigawan na nanggagaling sa gym..
Pero sa di nya malamang kadahilanan..
Bigla na lang tumahimik ang paligid..
At ang mas nakapagtataka pa nito ay kanina
pa mabilis at malakas ang tibok ng puso
nya..
Talagang di nya maintindihan..
Gustong gusto na nyang magpunta sa gym
para manuod ng laban.. Pero dahil sa may
isa pa silang pagsusulit para sa unang
subject, di sya makapunta..
Kailangan nya munang tapusin ang exam
nya bago sya makalabas..
Kanina pa sya tapos..
Hinihintay na lamang nya ang ilang kaklase
na sumasagot pa rin..
Naghahalo na ang inis at kaba sa kalooban
nya..
Sa inis ni Sab ay pinagpapadyak nya ang
paa ng mahina..
Natawa ang katabing si Heidi..
"Di ka rin makulit eh no ?.. Ano ba kasing
problema mo ?.. Di ako makaconcentrate
dito eh.. " sabi nito..
Inirapan lang sya ng dalagita..
Natawa si Heidi..
Batid nya ang dahilan kung bakit tila di
mapakali ang kaklase..
"Gusto mo ng lumabas no ?.. Gusto mo ng
mapanuod yung nangyayaring game sa
gym.. Balita ko finals na .. " sabi nito..
Napalingon si Sab..
Nagliwanag ang mga mata nya..
May kaklase pala syang updated din sa
nangyayaring event..
"Oo nga eh.. Ano na kaya nangyayari dun ?..
" tanong nya sa sarili..
Nagkibit balikat si Heidi at ngumiti..
"Haaayyyy.. Salamat at nakatapos din.. "
sabi nya..
Ngumiti si Sab..
"Labas na tayo.. " pag aaya nya..
Lumingon ang katabi nya sa kanya..
"Eh di pa sila tapos.. Alam mo namang
kailangan sabay sabay tayong magpasa ng
papers eh.. " sabi nito.
Napakagat labi si Sab..
Alam nya ang drill ng guro kapag nag
eexam..
Kailangang sabay sabay silang magpapasa.
Pero talagang di na sya makapaghintay..
Nilibot nya ang paningin sa paligid..
Sa nakikita nyang mga mukha ng mga
kaklaseng di pa tapos..
Mukhang nahihirapan ang mga ito..
Kahit sya aminadong nahirapan sa nasabing
pagsusulit..
Ang lamang lang nya ay madalas syang
mag review..
Sinasabayan nya ang pag rereview ni Zack
minsan.. Natuturuan din sya nito kadalasan
ng mga advance lessons kaya naman
medyo advance na din ang nalalaman nya..
Napabuntong hininga si Sab..
Muli nyang nilingon ang buong klase..
Gusto na nyang manlumo..
Marami rami pa ang nag tatake ng exam..
Nagsisimula na syang mag tap sa desk
nya..
Pero pinigilan sya ng katabi na si Heidi..
"Stop... Baka lalo ka lang di makalabas.. "
saway nito..
Napasimangot si Sab..
"I want to watch the game na eh.. " atungal
nya..
Ngumiti si Heidi.
"I know.. Ako rin naman eh.. " lumabas ang
kagandahan ni Heidi ng ngumiti ito..
Napatingin si Sab sa kaklase..
"Hulaan ko kung sino i-cheecheer mo .. "
panunukso nya..
Nawala ang ngiti ni Heidi..
Unti unting namula ang mga pisngi nito..
"S-sino naman daw ?.. " mahinang tanong
nito..
Napangiti si Sab..
Pero nakaramdam sya ng ngitngit..
"Syempre si Kuya Zack.. " sabi nya..
Nag iwas ng tingin si Heidi..
"I-ikaw talaga.. Tutulungan na nga kitang
makalabas eh.. Nanunukso ka pa.. " sabi
nito..
Nagliwanag ang mga mata ni Sab..
Hinawakan nya ang kamay ng kaklas..
"Talaga ?.. Thanks much.. Tara na .. " pag
aaya nya..
Natawa si Heidi sa pagmamadali ng
kaklase..
"Teka teka.. Ligpitin mo muna kaya yung
mga gamit mo.. " natatawang bulong nito..
Napangiti si Sab at dali daling nagligpit ng
gamit..
Malakas sa teacher nila ang kaklaseng si
Heidi dahil pamangkin ito ng Principal..
Magkahawak kamay silang lumapit sa
gurong abala sa pagbabasa ng libro..
"S-sir.. May we go out na po ?.. " kiming
paalan ni Heidi..
Kumunot ang noo ng guro..
"Tapos na ba kayo ? .. " tanong nito..
Tumango ang dalawa..
"Are going too Sabina ?.. " tanong pa ng
guro..
Tumango tango si Sab..
Humigpit ang hawak sa kamay ng kaklase..
"Saan kayo pupunta ?.. " tanong pa nito..
Nagkatinginan sina Sab at Heidi..
"Sa gym po to cheer the team.. " sabay pa
nilang sagot..
Nawala ang focus ng mga estudyante ng
marinig ang pakay ng dalawa..
"Hala gusto din naming mag cheer.." parinig
ng isa nyang kaklase..
Nagingay na ang buong silid..
"Quiet !.. Are you done with your exam ?. "
sigaw ng guro.
Natameme ang karamihan..
Pero lakas loob na nagsalita ang mga tapos
na..
"Yes sir.. " sabi ng ilan..
Napaisip ang guro..
"Sir.. This is the least we can do to help the
team.. To cheer them.. Wala naman silang
sinabing icheer natin sila pero syempre.. Di
na naman nila kailangang humingi ng
suporta.. " lakas loob na sabi ni Heidi..
Napangiti si Sab..
"Thanks " bulong nya..
Ngumiti din si Heidi..
"No prob.. " ganting bulong nito..
Muling napaisip ang guro..
"Hintayin nyo na munang matapos ang iba..
Let me think about it first.. " sabi nito sabay
hawak sa baba..
Nagkatinginan sina Sab at Heidi..
Parehong napasimangot..
Hingal na hingal na si Zack..
Tinapik sya ng kaibigang si Denzel..
"Ano pare ?.. Kaya pa ?.. " humihingal
nitong tanong..
Tumango ng marahan si Zack..
Hangga't maaari ay ayaw nyang magsalita
dahil mas lalong nababasawan ang lakas
nya..
Nahihiya syang lumingon sa kinauupuan ng
ina at ng mag asawang sina Saimon at
Bridgette..
Wala syang magawa..
O mas tamang sabihing wala silang
magawa.
Masyadong malalakas ang kalaban..
"Pre ayan na.. " sigaw ni Rigor..
Umayos ng depensa sina Zack at Denzel..
Dumipa si Zack at sinalubong ang bantay
nya..
Mahigpit nya itong binantayan..
Hawak ni Brix ang bola..
Maging ito ay pawisan na din pero halatang
dahil lamang sa katatakbo at init ng klima..
Samantalang sila ay dahil sa pagod at
pressure..
Home court nila..
Nakakahiya kung matatalo sila..
Kahit pa sabihing dating champion ang
school na kaharap nila ngayon.. Di ito rason
para magpatalo na lamang sila basta basta..
Kailangan nilang mag tulungan..
Pero paano..
Wala na silang magawa pang ibang taktika..
Halos lahat ng oras ng first half ay naubos
nila kakadepensa at paghabol lamang sa
lamang ng kalaban..
Pasimpleng nilingon ni Zack ang scores..
Napangiwi sya ng lihim..
47 - 24
Tambak sila ng 23 puntos..
Tatlong minuto na lamang ang nalalabi bago
matapos ang first half..
"Zack !.. " sigaw ni Denzel..
Napapitlag si Zack...
Paglingon nya ay nakatalon na ang bantay
nya ..
"Rebound !.. " sigaw ni Spolstra..
Buong lakas na hinawi ni Rigor ang
dalawang malalaking katapat nya..
Kailangan nila nag rebound na ito..
Pero huli na..
Pasok ang tira..
Sumipol ang ref..
.
"Counted !.. 3 points !.. " sabi nito sabay
turo sa player na nakaiskor..
Tinaas ni Brix ang mga kamay ..
Sabay tinuro ang team nina Denzel..
Napatingin sa kanya ang lahat.
Umalma sina Denzel pero sumipol muli ang
ref..
"Time out !.. Home team !.." sigaw nito..
Hingal na nagkatitigan na lamang ang mga
manlalaro..
"Come here na kids.. " sigaw ni Spolstra..
Tahimik silang bumalik sa bench..
Lumong lumo sina Zack..
Di pa tapos ang first half pero wala na
silang magawa..
Binuhos ni Rigor ang isang plastic bottle ng
tubig sa mukha..
"Gising Rigor !.. " pinagsasabunutan nito
ang sarili..
Hinihingal na lumapit ang isa nilang team
mates at dinuro si Zack..
"Tulala ka kasi.." sigaw nito..
Nagulat ang lahat..
Tumayo ang iba pa at sumang ayon sa
nanduro kay Zack..
Pati iba nilang audience sumabay na din..
Tumayo si Rigor at tinulak ang kakampi..
"Tangna ka.. Lahat tayo nahihirapan dito
naninisi ka pa ?.. Bakit ikaw may ambag
ka ?.. " sigaw nya..
Nagkampi kampi na sila sa bench..
Tumayo si Denzel at pumagitna..
Hinihingal sya ..
Pero di sya nagsalita at tinitigan na lamang
ang mga kakampi..
Nahiya naman si Rigor..
Naupo sya sa tabi ng nakayukong si Zack at
inakbayan ito..
"Don't mindness them bro.. They are just
inggit on you.. " english carabao na payo
nito..
Napangiti ng malungkot si Zack..
"Kasalanan ko naman talaga.. Natutulala
kasi ako.. " sabi nya..
Pasimple syang lumingon sa bench nina
Brix at nagngitngit sya ng makitang
nakangisi ito..
Napayuko na lamang ang binata..
Napahilamos si Spolstra sa mukha nya..
Kitang kita nya sa mga players nya na hirap
na hirap na ang mga ito..
Katunayan ang tagaktak ng pawis ng mga
manlalaro sa harap nya..
Kailangan nyang mag desisyon..
Labag man sa kalooban..
Kailangan nyang alisin si Zack..
"Zack iho.. " mahinang pagtawag ni
Spolstra..
Hingal na tumayo si Zack at lumapit sa
Coach..
"Pahinga ka muna.. Si Manuel muna ang
palit sayo.. " sabi nito..
Nanlumo si Zack..
Pero wala naman syang magawa dahil utos
ito ng Coach..
Ngumiti na lamang sya ng kimi at marahang
tumango..
"S-sige po.. " sabi nya.
Tinapik sya sa balikat ni Spolstra..
"Magpahinga ka.. Kailangan kita sa second
half.." sabi nya..
Tumango si Zack at nagbalik sa dating
upuan nya..
Nag isip ng taktika si Spolstra..
Tumingin sya sa mga kalaban...
Pero mabilis din nyang binawi ang tingin
dahil nag cecelebrate na ang mga ito..
Tinago nya ang galit..
Nag focus sya at tinitigan ang mga players
nya isa isa.
Napunta ang atensyon nya kay Rigor..
Hingal na hingal na ito..
"Rigor halika.. " tawag nya..
Nanghihinang lumapit si Rigor sa batang
Coach..
"Yo !.." biro nito..
Tinitigan ni Spolstra ang mataas na binata..
"Tell me.. May hika ka no ? .. " biglang
bulong ni Spolstra..
Nanlaki ang mga mata ni Rigor at
napayuko..
"O-opo.. " pag amin nito..
Tumango tango si Spolstra..
"That explains your deep breathing ..
Masyado kasing mainit ngayon..Take a rest
muna like Zack.. " sabi nya..
Umalma si Rigor..
"Pero Coach.. Kung pagpapahingahin nyo
ako .. Sino pang mukhang artista sa
court ?.. Eh ako ang pinakapogi dyan eh.. "
reklamo nya..
Naramdam nya ang pagtapik sa balikat
nya..
Paglingon nya..
Si Denzel pala..
"Coach is right pare.. Take a rest .. Mag
rarally tayo mamaya.. " bulong nito..
Napangiwi si Rigor..
"Ngayon mo pa naisipang mag rally ?.. Ano
bang pinaglalaban mo ?.. " tanong nya..
Pero binatukan sya ng coach niya..
"Boboness.. Ang ibig sabihin nya ay
mamaya kayo naman ang pupuntos..
Magpahinga muna kayo ni Zack dahil
kailangan ko kayong dalawa sa naiisip kong
ideya.. Denzel iho.. Tiis lang muna ..
Hangga't kaya mo pa.." utos ng Coach..
Tumango si Denzel..
Malakas pa sya..
Kaya pa ng katawan nya ang mga
nalalabing minuto ng first half..
Muling sumipol ang ref..
Nagbalikan na ang mga players pero biglang
may bumusina sa labas ng gym..
Maya maya ay pumasok ang mga dagsang
mga nakapulang estudyante..
"Woooo !.. Go guys !.. " sigawan ng mga
ito..
Napakaraming supporters mula sa
eskwelahan nina Brix ang dumating ..
Lalong nagdiwang ang mga ito ng makita
ang tambak na iskor..
"Woo.. Panis naman pala yang mga yan..
Homecourt pa daw.. Ibaon na yan !.. " sigaw
ng isa..
Nagtawanan ang mga nakapula..
Gigil ang mga kaeskwela nina Zack.
Nais nilang lumaban ng cheerings pero wala
silang makitang pag asa mula sa team..
Kaya imbes na magbigay ng suporta ..
Nanahimik na lamang sila..
Nagkaroon ng saglit na break dahil inayos
ang mga dumating na fans ng kalabang
eskwelahan..
Hinati ang gym..
Kalahati pula..
Kalahati puti..
Pero mas lamang ang pula..
Nakakahiyang home court pa nila..
Lalong nawalan ng pag asa ang mga
kakampi ni Denzel.
Pinagpapalo nya ito sa pwet ..
"Oh ano na ?.. Gising gising.. Di pa tapos
ang laban mga unggoy.. " sabi nya..
Napangiti lang ang mga ito ..
Pero kahit sila di na umaasang mananalo..
Muling sumipol ..
Pumasok na ang mga players..
"Go guys .. !.. " sigaw ni Zack..
Tumayo si Rigor ..
"Give me a D !.. Go Denzelicous !.. " landi
nya..
Nagtawanan ang mga ka eskwela nina
Zack..
Huminga ng malalim si Rigor..
"Sinong gustong makarinig ng golden voice
ko ?.. " sigaw nya..
Marami ang sumigaw bilang pag protesta..
Napangisi si Rigor..
"May mga boses pala kayo.. Libre ang cheer
guys !.. " sigaw din nya..
Pero biglang nawalan ng boses ang
karamihan..
Takot na mapahiya sa kalabang fans..
Nagngitngit sina Zack..
Last minute na lang..
Nadagdagan ng 6 na puntos ang lamang
nina Brix..
59 - 30 ang skor ..
Bola pa nina Brix..
Dahil sa ganitong scenario..
Lalong dumodoble ang pagod na
nararamdaman ng mga kakampi ni Denzel..
Pero sya ay nanatiling matatag..
Kailangan nyang magfocus at wag sumuko..
Bilang team captain.. Yun ang tungkulin
nya..
"Guys guys.. Depensa.. Depensahan nyo ang
bola as if na ikakamatay nyo kapag
nakaiskor sila.. " sigaw nya..
Pero wala na atang nakikinig sa kanya..
Iniwasan ni Denzel ang manlumo..
Nakangiti pa rin sya..
Focused..
Dali daling pumasok sina Sab..
Napalingon sa kanya ang mga magulang..
"Anak dito !.. " sigaw ni Saimon..
Ngumiti si Sab..
Sumiksik sya sa mga tao hanggang sa
makarating sa kinauupuan nina Ditas at ng
iba pa..
Nasa likod ni Zack sina Primo, Gustavo at
Vincent..
Tahimik ang tatlo..
Habang nasa tabi ni Primo si Ditas..
Walang maupuan si Sab..
"San ako ?.. " tanong nya..
Pero walang nagbibigay ng upuan..
Sa inis nya ay piningot nya ang tenga ni
Primo..
Napangiwi ang binata sa gulat..
"Anak ng pating.. Ano ba yon ?.. " asar na
sabi nya..
Tinaas lang ni Sab ang kilay at ngumuso..
Napangiwi si Primo..
Tumayo sya..
"Oh.. " asar na binigay nya ang upuan sa
dalagita..
Pero may tinawag pa si Sab..
Lumapit ang isa pang dalagita..
"Wag mong sabihing mag kakandong
kayo ?.. " tanong ni Primo..
Ngumisi lang si Sab..
Napailing na lang si Primo at nilapitan ang
mga nasa likod ni Ditas na estudyante..
"Mga iho.. Mangyari lamang na lumayas
kayo dyan.. " tinakot ni Primo ang mga
estudyanteng naka upo sa likod ni Ditas..
Aangal sana ang mga ito pero nilakihan sila
ng butas ng ilong ni Vincent at Gustavo..
Labag man sa loob..
Tumayo na lamang sa likuran ang tatlong
kawawang nilalang.
Di mapakali si Sab..
Na harap nya ang binata ..
Sa nakikita nya .. Mukhang pagod na pagod
ito.
Pero di pa rin tumitigil sa pag cheer sa mga
kakampi kasama ni Rigor..
Hinaplos ang puso nya sa pagmamalaki sa
binata..
"Ang bait ni Zack no ?.. " tanong ni Heidi..
Ngumiti si Sab kahit na nagseselos sya..
"Naman.. " sabi lang nya sabay titig sa
binata na sumisigaw...
Tumayo si Primo pagkatingin sa orasan..
Pinagmasdan nya ang tahimik na crowd ng
eskwelahan kontra sa masayang aura ng
kalabang fans..
Nagtagis ang mga bagang ng binata.
Di sya mapakali na wala syang maitutulong
sa mga kaibigan na naghihirap sa court..
Kailangan nyang gumawa ng kahit anong
makakatulong sa mga ito..
Malapit ng matapos ang first half..
Nagtaka si Gustavo at Vincent..
"San ka pupunta ?.. " tanong ni Gustavo..
"Mag- iwan kayo ng titingin sa upuan natin..
Tapos sundan nyo ko sa labas ng gym.. "
utos nya..
Nagkatinginan ang dalawa..
Napangiti sa isa't isa..
Mukhang may niluluto na naman ang
kaibigan nila..
Imbes na magtanong pa..
Sinunod na lamang nila ang bilin ni Primo..
Kinalabit ni Gustavo ang tatlong binatang
pinalayas nila..
Naglabas ng pera si Vincent..
"Oh eto pera.. Bantayan nyo lang itong
pwesto namin hanggang sa makabalik
kami.. Kapag di namin kayo nadatnan dito
pagbalik namin.. Magtago na kayo.. " banta
nya..
Takot na tumango ang tatlo at tinanggap
ang pera na inaalok ng binata..
Sumunod ang dalawa kay Primo..
Natapos ang first half..
Napanatili ni Denzel sa 29 na puntos ang
lamang sa kabila ng pagod..
Halos manlupaypay na sya pagkaupo sa
bench..
Mabilis naman syang nilapitan nina Rigor at
Zack..
"Pare.. Masahe ?.. " tanong ni Rigor..
Natawa si Denzel..
"Dito ako sa paa pre. Dyan ka sa braso.. "
suhestyon ni Zack..
Tumango si RIgor..
"Tubig dito sa boss.. " biro nya..
Napangiti si Spolstra sa mga players nya..
Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ay
nakukuha pa ng mga ito na magbiruan..
Sa pamumuno ng kengkoy na si Rigor..
Pero syempre..
Di pa tapos ang problema nila..
Nasa kalahati pa lamang sila ng kalbaryo..
Sana umubra ang balak nya..
Ang susi ay ang dalawang ito..
Sina Zack at Rigor..
Sana sapat na ang pahinga ng dalawa..
Para mabaligtad ang laban..
Sa labas ng gym..
Nagpulong ang tatlo..
"Kailangan nating tulungan yung mga
gunggong na yon.. " sabi ni Primo..
Tumango ang dalawa..
"Sige.. Paano.. " tanong ni Gustavo.
Nagisip si Primo..
"Hakot tayo ng crowd.." sabi nya..
Nagkangitian ang tatlo..
Sanay na sila sa mala sindikatong challenge
mula kay Primo..
"Sige.. Dun ako sa left wing.. " sabi ni
Vincent..
"Sa middle ako.. " si Primo..
"So sa kanan na ako.. Kitakits na lang.. "
paalam ni Gustavo..
Nag kamay ang tatlong binata sabay mabilis
na nagsitakbo patungo sa kanya kanyang
destinasyon.
Si Primo ang pinakamalapit kaya sya ang
unang nakarating sa middle section ng
eskwelahan..
Kasalukuyang nag kaklase ang mga 4th
year student ng makarinig sila ng ingay
mula sa labas..
Asar na lumabas ang baklang guro pero
napatili sya ng makita ang isang binatang
tumatakbo hawak ang isang kahoy..
Hinahampas ni Primo ang bawat pinto at
binata ng mga klaseng dinadaan nya..
Galit na lumabas ang mga estudyante at
kinorner ang binata..
"Siraulo ka ba ?.. " tanong ng isang
estudyanteng malaki ang katawan..
Pero ni hindi natinag si Primo..
"Mga putangna nyo.. Nandito kayo
nagkaklase habang lumalaban ang School
Basketball Team nyo..Nilalampaso na kayo
pagdating sa cheerings mga ungas !.. Tapos
kapag natalo sisisihin nyo ang Team.. Pero
kapag nanalo makikihati kayo sa tagumpay..
Matuto kayong sumuporta !.. " sigaw nya..
Galit na hinawi ni Primo ang mga
estudyante at umakyat sa third flood para
gawin muli ang nasimulan..\
Tulalang napatingin lang sa kanya ang mga
estudyante at mga guro ..
Bahala na kung sakaling mapatawag ng
guidance.. Ang importante nasabi nya sa
sarili na may ginawa sya ..
Ang natitira na lamang na pag asa ay
nakasalalay na sa mga kaibigan nya..
Pero di sya nangangamba na matatalo ang
team nina Denzel..
Malaki ang tiwala nya sa mga kaibigan..
Kaya sa abot ng makakaya nya..
Gagawa sya ng paraan..
Para sa kaibigan..
Para sa pamilya...

Chapter 33
Halos di naramdaman nina Zack ang oras...
Nagkagulatan pa sila ng tumunog ang
buzzer tanda na tapos na ang break nila..
"Nak ng patis.. Ni hindi nag init ang pwet ko
ah.. " reklamo ni Denzel..
Tahimik na napatingin si Zack sa kaibigan..
Naaawa sya dito dahil sinisolo nito ang
bigat ng sitwasyon nila..
Nais nyang tumulong pero wala syang
magawa...
"Kaya mo pa yan tol.. Tiis lang.. "
pagbibigay suporta nya sa kaibigan.
Ngumiti si Denzel at tumango..
"Ano pa nga ba?.. Ganito talaga.. "
nakangiting sabi nya.
Lumapit si Rigor sa coach..
"Sir.. Baka pwede ng pumasok ?.. " tanong
nya..
Napatingin si Zack at Denzel kay Spolstra..
Tahimik itong nakaupo at nag iisip..
"Sir ako rin po.." sabi ni Zack.
Tumingin ang coach sa dalawa..
Nagkibit balikat ito at umiling..
Nagulat sina Rigor at Zack..
Akmang mag rereklamo sila ng hawakan ni
Denzel ang magkabila nilang balikat.
"Trust our Coach guys.. Sya ang
nakakaalam.. " malumanay nyang sabi..
Nagkatinginan sina Rigor at Zack..
"P-pero.. Alam naming pagod ka pa .." sita
nila..
Nag stretch si Denzel ng braso nya at
pinalabas ang muscle..
"Yakang yaka pa.. " biro nya..
Atubiling tumango sina Zack at Rigor..
Sumipol ang ref..
Tinapik ni Denzel ang mga kaibigan at
nakangiting pumasok muli sa court para
ituloy ang laban..
"Wooooo !!.. " sigaw ng mga nakapulang
fans..
Halos mapuno ng sigawan at cheerings para
sa mga kalaban nina Denzel..
May mangilan ngilan din namang nag
checheer para sa kanila.. Pero di na ito
naririnig dahil natatabunan ng makapal na
bilang ng kalabang cheerings..
Alumpihit na nakaupo si Sab..
Nais nyang may gawin pero di nya alam
kung ano..
"Ano ka ba Sabina.. " saway ng ina..
Napakagat labi si Sab..
Sinulyapan nya si Zack nag sumisigaw para
i-cheer ang mga kakampi..
Ilang saglit lang ay nagulat sya ng tumili
ang katabi nyang si Heidi..
"Go guys !!!.. Kaya nyo yan !!!.." sigaw nito..
Tumingin si Sab sa kaibigan..
"Sis.." bulong nya..
Nahihiyang ngumiti si Heidi sa kanya..
"This is all I can do for them.. Cheer.."
kiming sabi nito..
Ngumiti si Sab at biglang hinalikan sa pisngi
ang katabi..
"Yes sis.. But your not alone.. Tara... Duon
tayo sa tapat ng bench nila.. I'm sure okay
lang yan.. " aya ni Sab..
Nanlaki ang mga mata ni Heidi..
"You mean lalapit tayo ?.. Shucks Sab
nakakahiya.. Pagtitinginan nila tayo.. "
tarantang sabi nito..
Umingos si Sab.
"To hell I care.." nakasimangot nyang sabi..
Tumingin si Saimon sa anak.
"Oh saan ka naman daw pupunta ?.. "
tanong nito..
Ngumiti si Sab..
"I'm helping them Dad.. Wait lang.."
nakangiting paalam nya..
Napatango na lang si Saimon sa anak..
"Take care.." tanging nasambit ni Saimon..
Tila bumagal ang pag ikot ng orasan para
kina Denzel..
Ramdam nya na ang paggapang ng pawis
sa katawan..
Pagod at Pressure ang naghahalo sa utak
nya..
Pero di nya ito dapat pansinin..
Kailangan nyang maging matatag bilang
Team Captain..
Ayaw nyang kakitaan sya ng konting
kahinaan ng mga kasama..
Bola nina Brix..
Hawak ng binata ang bola..
Kampante nitong tinawid ang half court at
nag dribble..
Tinitigan ang bantay nya..
Sinlaki lamang nya ito..
Kakilala nya ito at dating kaschoolmate..
"Traydor ka Brix.. " maasim na sabi ng
bantay ni Brix..
Ngumisi ang binata at nag kibit balikat..
"Mahihina kayo dyan.. Wala akong pag
asang makaranas ng championship kung
dyan ako maglalaro.." pang aasar nya..
Kita sa mukha ng bantay ni Brix ang pag
kaasar sa kanya..
Pero wala syang pakialam..Ang mahalaga
sa kanya ang ang manalo at maipamukha
sa dating kuponan na mali ang ginawa
nitong pag tanggal sa kanya sa team..
Mabilis na nag dribble ang binata...
Nagcross over sya patungong kaliwa..
Sumunod naman ang bantay nya..
Eto ang hinihintay nya..
Sumugod si Brix dala ang bola patungo kay
Denzel..
Tumalon sya para sa layup..
Alerto si Denzel..
Mabilis syang pumihit sa binabantayan para
salubungin ang binata..
Alam nyang sasagasa ito dahil wala na si
Rigor..
Kaya sya ang nag lakas loob na makipag
banggaan sa kalaban..
Pero nagulat si Denzel ng ibaba ni Brix ang
bola at ibigay sa sentro nila..
Wala ng nagawa si Denzel kundi panuorin
ang pagtalon ng sentro ng kalaban para
idakdak ang bola..
Muling naghiyawan ang fans nina Brix..
Hingal na hingal na si Denzel..
Kulang na lang bantayan nya ang lahat..
Batid nyang pagod na rin ang mga kasama
nya..
Tumingin sya sa orasan.
11 minuto pa..
31 ang lamang nina Brix..
Unti unti ng nawawala ang pag asa nya ..
Hinilamos ni Rigor ang mga palad nya sa
mukha..
Di nya kayang makitang madurog ang
buong team ng hindi sya tumutulong..
Lumapit sya sa Coach...
Tumingin si Zack sa kaibigang si Rigor..
Seryoso ang mukha nito na lumakad palapit
kay Spolstra..
Tinigitan ni Rigor ang batang Coach..
Seryosong tumitig si Spolstra sa matangkad
na binata..
"Coach." bungad ni Rigor..
Tahimik na tumingin si Spolstra..
"Alam ko na alam nyo ang ginagawa
nyo..Pero nagmamakaawa ako..Hindi ko
kayang panuorin sila na nadudurog.." tiim
bagang na sabi ni Rigor..
Nag dekwartro si Spolstra..
"Anong gustong mong gawin ko ?.. " tanong
nya..
Nagtagis ang mga bagang ni Rigor..
"Ipasok nyo na po ako.. " utos nya..
Tumitig si Spolstra sa binata..Maya maya ay
natawa ito ng plastik..
"At sa tingin mo kapag pumasok ka,
babaliktad ang game ?.. " pang aasar nya..
Kinuyom ni Rigor ang kamao nya..
"Di po.. Pero di ko kayang maupo na
lamang dito habang naghihirap sila..Gusto
kong may gawin .. Coach.. Parang awa nyo
na po.. " nagulat ang lahat ng lumuhod ang
kapre..
Pati si Zack at nanlaki ang mga mata..
Napatayo sya..
"Di makakatulong ang pagluhod mo
Regidor.. Maupo ka don at manuod.. "
seryosong utos ni Spolstra sa binata.
Pero nagmatigas si Rigor..
"Papasok ako Coach.. Ayaw ko pong matalo
ng di lumalaban.. " madiing sabi nya..
Tumayo ang Coach..
Natakot si Zack kaya nilapitan nya ang
kaibigan at hinawakan sa balikat..
"P-pare.. Dito na lang muna tayo.. Sundin
natin si Coach.. " pero maging sya ay gusto
na ding maglaro..
At least kapag natalo sila..ALam nyang
sama sama silang matatalo..
Lumalaban..
Pero di natinag si Spolstra..
"I know what your thinking guys.. Pero gusto
kong ipaunawa sa inyo na ako ang Coach
dito..So wala kayong magagawa kundi
sumunod lang .." matigas na sabi nya.
Nakaramdam ng di maipaliwanag na galit
sina Zack at Rigor para sa Coach..
Tahimik silang naupo at pinanuod ang mga
kaibigan nilang unti unti nyang nilalampaso..
Inbound nina Denzel..
Nasa labas ang gwardya nila at pinasa sa
kanya ang bola pagpito ng ref..
Mabilis nya itong tinawid sa kabila..
Sinalubong sya ng kalabang player..
No choice si Denzel kundi ipasa ang bola sa
kakampi..
Pagpasa nya ay umikot sya sa ilalim ng ring
para pahabulin ang bantay..
Tama ang hinala nya na hahabulin sya nito.
Nagkatinginan sya ng isa nyang kakampi ..
Mukhang nagets nito ang nais nyang
mangyari..
Muling bumalik si Denzel sa ilalim ng ring ..
Nakasunod ang bantay nya pero nagulat ito
ng harangan ng isa pang kampi ni Denzel..
Libre ang binata kaya tinaas nya ang kamay
para tawagin ang pansin ng kakamping may
hawak ng bola..
Mukhang nakita naman sya nito dahil
pasimple itong tumingin sa kanya..
Nag fake ito at mabilis na hinagis kay
Denzel ang bola..
Nag fake din si Denzel..Tumalon si Brix para
supalpalin sana ang tira ng binata .. Pero
mabilis na nagdribble si Denzel at sinugod
ang basket..
Tinipon nya ang lakas para tumalon ng
mataas at ilay-up ang bola..
Pero sa di nya malamang dahilan..Di nya
naabot ang ring..
Bumagsak sya sa sahig ..
"Foul !.. Red number 22 !, Intentional ! "
sigaw ng ref..
Napatayo sina Zack at ang iba pang
teammates nya ng makita kung sino ang
bumagsak ..
"Denzel !.. " sigaw nila..
Walang pakealam si Zack sa mga ref..
Walang lingon lingon nyang tinakbo ang
kinabagsakan ng kaibigan..
Kita nya ang pagbagsak ng kaibigan pero
nagtataka sya kung bakit tila nahihirapan
itong tumayo..
"Pare.. Bawal dyan !.. " sigaw ng isang team
mate ni Zack..
Pero wala syang pakialam..
Hinawi nya ang mga players at niluhod ang
kaibigan..
Nakangiwi si Denzel..Hawak nito ang
balakang..
"Ano pare ?.. " kinakabahang tanong nya..
Ngumiti si Denzel.
"Ayos pa tol.. Medyo masakit lang .. Pero
makakatayo pa ko.. " sabi nya sabay
sinubukang tumayo..
Pero muli ding umupo si Denzel..
"Ouch.. Damn !.. " bulong nya..
Ramdam nya ang pagbagsak nya..
Sinulyapan nya ang kalabang tumapik sa
kamay nya at bumunggo sa katawan nya..
Nakatitig ito sa kanya at nakangisi..
"Hanep.. Mukhang ang saya mo pa pare
ah.. " asar na tanong ni Denzel..
Lumingon din si Zack..
"Bakit tol ?.. Ano bang nangyari ?.. " tanong
nya..
Umiling na lang si Denzel..
Lumapit sa kanila ang ref ..
"Kaya mo pa ba number 4?.. " tanong nito.
Napaisip si Denzel..Pinakiramdam ang sarili
sabay tango..
"Oho.. " sabi nya..
Dahan dahang tumayo si Denzel para ipakita
sa iba na ayos lang sya..Masakit ang
parteng balakang nya pero di pa panahon
para magpahinga..
Nilingon nya si Spolstra..
Nakatingin din sa kanya ang batang Coach..
Tumaas ang kilay nito..
Tumango si Denzel..
Tumango din si Spolstra at lumapit sa
committee..
Ilang saglit pa ay tumunog ang buzzer..
"Time Out !.. Home Team.. ! " sigaw ng isa
sa mga committee.
Tumakbo si Rigor para salubingin sina Zack
at Denzel..
"Kaya pa pare ? .. " tanong ng kapre..
Tumango si Denzel..
Tinago nya ang pagngiwi dahil sa
kirot..AYaw nyang mag alala ang mga
kaibigan..
Inupo nila si Denzel sa bench..
"Kaya mo pa Denzel ?.." tanong ni Spolstra..
Tumango si Denzel ng mabilis at ngumiti..
"Kaya pa Coach.. Oras na po.. " sabi nya..
Ngumiti si Spolstra..
"Sino sa kanila ang threat ? .. " tanong nya..
Napaisip si Denzel at tiningnan ang mga
kalabang players.
"Number 09.. Mataas at malakas tumalon..
Number 22 at number 21 , Parehas three
pointer.. Si Brix . Mabilis tumakbo at
magaling magpasa..Tapos yung isa. Number
08, masipag dumipensa.. Perfect Team sila
Coach.. Mahilig sila mang harass..
Nakikipag pisikalan sila sa bawat player
natin.." pag aanalyze nya..
Tumango si Spolstra..
"Pero ?.. " tanong nya pa..
Ngumiti si Denzel.
"May kahinaan sila.. " sabi nya..
Ngumisi ang Coach..
Nacurious sina Zack at ang iba pa..
"Yang lakas nilang yan may weakness pa ?..
" tanong ni Zack..
Tumango si Denzel..
"Yeah.. Yang lakas nila ang kahinaan nila.. "
sabi nya..
"Ano ?.. " tanong ni Zack..
"Teamwork.. Dating gawi pare.. "
nakangiting sabi ni Denzel..
Tumango si Spolstra..
Inakbayan nya sina Zack at Rigor..
"Gigil kayo di ba?.. Lumayas na kayo dito at
pumasok sa loob.. Time to get rough.. Kung
kelangan makipagsuntukan kayo sa court ..
Gawin nyo..Kung ano ang ginagawa nila sa
inyo kanina.. Doblehin nyo.. Kaya ko
pinagpahinga sina Zack at Rigor dahil sila
ang hahabol sa skor..Pero syempre.. Di nila
kaya yan kung di kayo
magtutulungan..Salamat sayo Denzel.. "
pasasalamat ni Spolstra sa binata..
Nag thumbs up si Denzel..
Napangiwi sina Zack at Rigor..
"Ikaw kasi pare.. Tiwala lang dapat kay
Coach.. " sabi ni Rigor..
Siniko sya ni Zack..
"Gagong to.. Sino kaya ang walang
tiwala ?.. May paluhod luhod pa daw..
Kahiya ka pre.. " pang aasar nya..
Nagkatawanan sila..
Napangiti si Spolstra..
Unti unti ng bumabalik ang team nya..
Pero kulang pa..
"Zack iho.. " pagtawag ni Spolstra..
Lumapit si Zack..
"Po ?.. " tanong nya..
Tinuro ni Spolstra ang ring..
"Kapag lumampas sa 50 points ang score
mo.. May regalo ako sayo.. " nakangiting
bulong ni Spolstra sabay kindat..
Nanlaki ang mga mata ni Zack..
"Di ko kaya yon Coach.. 4 Points pa lang
ata skor ko.. " nakangiwing sabi nya..
Pero umiling ang Coach..
"Alam ko na kaya mo..Di ba guys ?.. Kaya
ni Zack na umiskor ng lambas pa sa 50
points ?.. " sigaw nya..
Napatingin ang lahat pati ang kabilang
team..
Nag tawanan ang mga tao.
"Kaya yan.. Sa panaginip.. " pang aasar ng
isa sa mga fans nina Brix...
Natawa din ang mga kalaban nina Zack.
Naasar sina Rigor pero pinili nilang
tumahimik na lang..
"Kaya mo yan iho.. Mag tulungan kayo..
Tandaan mo ang premyo.. One of a kind
yon.. " pang aakit nya..
Nag kibit balikat si Zack..
"Wala hong mawawala sakin.. "sabi nya..
Ngumiti ang Coach at sinitsitan si Denzel..
"Sabihin mo nga na Time out pa.. " sabi
nya..
Kinalabit nya si Rigor..
"Bakulaw.. " pang aasar nya..
Napakamot si Rigor sa batok nya sabay
ngumiti ng nahihiya..
"S-sorry po Coach kung nawalan ako ng
tiwala sa inyo.. " pag hingi nya ng
paumanhin..
Pero nagulat sya ng sikmuraan ng Coach..
"Ayos lang yon.. Mabait kang kaibigan
Rigor.. Pero may hamon ako sayo.. " bulong
nya..
Nacurious si Rigor..
"Ano po yon ?.. " tanong nya..
Nilingon ni Spolstra ang paligid..
"Nawala sila eh.. Kanina nakita ko
yon..Nakita mo ba yung babaeng kasama
nung bebot ni Zack?.. Si Sabina ?..
Classmate nya ba yun ?.. " tanong nya..
Napangisi si Rigor...
Siniko nya ng mahina ang Coach..
"Oyy.. Kadiri kayo Coach.. Bata pa nun ha..
" biro nya..
Pero kinotongan lang sya ng Coach ..
"Sira ulo.. May napansin lang kasi ako..
Mukhang may gusto sayo eh.. " pang
chismis nya..
Nanlaki ang butas ng ilong ni Rigor at
ngumiti na parang baliw..
"Grabe Coach ah.. Tsismis yan.. Sa tingin
nyo naman maniniwala ako.. .. Pero sa
tingin nyo talaga Coach meron ?.. " tanong
nya..
Natawa si Spolstra at inakbayan ang binata..
"Basta ako bahala.. Pero di yun yung hamon
ko sayo.. Nakita mo ba yung number 09 ng
kalaban ?.. Anong masasabi mo ?." tanong
nya..
Tiningnan ni Rigor ang tinutukoy ni
Spolstra..Tumiim ang bagang nya..
"Malakas sya Coach.." mahinang pag amin
nya..
"Eh bakit parang may pahabol pa yang
sinasabi mo ?.. " panunubok ni Spolstra..
Ngumisi si Rigor at kinabog ang dibdib..
"Mas malakas ako sa kanya.. Rwarrr !.. "
umatungal sya na parang leon..
"Angas nito.. Pero sa tingin ko naman talaga
mas malakas sya.. " biglang banat nito..
Nagtampo si Rigor at niyakap ang sarili..
"I thought you have trust in me.. But it
seems that you have'nt.. Why Coach ?..
Why.?.. " tila sinaniban na si Rigor ng
masamang espiritu...
Namangha si Spolstra pero pinilig nya ang
ulo..
"Bakit ?.. May patunay ka ba na mas
malakas ka ?.. " tanong nya..
Ngumiti si Rigor ..
"Wala pa Coach.. Ngayon pa lang.. "
matapang nyang sabi..
Ngumiti din si Spolstra..
"Yun ang hamon ko.. Gusto kong di na sya
makaiskor.. Ay mali.. Lahat ng papasok sa
shaded area.. Kita mo yan ?.. Kapag
lumampas sila ng freethrow.. Dapat di na
sila makakaiskor..Gusto kong pagharian mo
ang ilalim ng basket.. Lahat ng rebound
kainin mo..Sayo ang zone na yan at walang
makakaagaw kahit sampung number 09 pa
ang sumugod.. Do you understand me ? .. "
paghamon nya..
Nanlisik ang mga mata ni Rigor..
"I understanding you Coach.. I can also
management.. " bumalik na si Rigor sa sarili
nya..
Tila nais masuka ni Spolstra sa binigkas ng
binata pero pinilit nya na lang ang sarili na
sakyan ito..
"Sige na.. Kwento mo sa pagong.. "
tumalikod na si Spolstra..
Ninalahad ni Denzel ang palad nya..
"Time to get nasty guys.. Gusto nila ng
pisikal.. Pipisikalin natin sila.. Pero sa
depensa yon.. Ibahin natin ang opensa..
Tulad pa rin tayo ng dati.. Tulungan.. " sabi
nya..
Ngumiti ang lahat..
"An eye for an eye.. " sabi ng isa..
"Tooth for a tooth.. " sabi ni Zack..
Nacurious si Rigor..
"Alam ko yan ah... Gums to gums.. " may
masabi lang..
Nais nilang itakwil ang binata sa sinabi nito
pero pinili nilang wag na lang itong
pansinin..
"Sige na sige na.. Nandyan na yan eh..
Tanggapin natin kung ano sya.. Anyway..
Let's Rock !.. " sigaw ni Denzel..
"Rock !!!.. " pagsigaw din ng lahat..
Nagulat ang lahat ng marinig ang malakas
na sigaw mula sa kuponan nina Zack..
Naghiyawan ang mga kalabang fans..
"Oh ayan na.. Handa na silang matalo.. "
pang aasar ng iba..
"I doubt.. Go Teaaammmmm !!!!!.. " boses
ng isang babae..
Napalingon sina Zack sa pinanggalingan
nito..
Tila nabatubalani sya ng makita si Sabina
na suot ang binigay nyang jersey..
"Fight ! Fight ! Fight !.. " sigaw ni Heidi..
May hawak silang pompoms na kinuha nila
mula sa stock room..
Napangisi si Rigor at tinakbo si Spolstra..
"Coach coach.. " excited na sabi nya..
"Oo na.. Oo na..Mamaya na kita papakilala..
" nakangiwing sabi ng Coach..
Ngumisi na lang si Rigor at pinagmasdan
ang magandang dalagita..
Napangiti sina Saimon, Bridgette at Ditas..
"Anak mo talaga.. " naiiling na sabi ni
Bridgette..
"Hayaan mo na .. This is the least that she
can do for her Kuya Zack.. " nakangiting
paliwanag ni Saimon..
Napangiti si Ditas..
"Kaya mo yan Anak !.. " di na nya napigilan
ang mapasigaw..
Tumingin si Zack sa ina..
"Nay !.. Mananalo po kami ! " proud na
pagtawag nya..
Natouch si Ditas.. Di nya akalain na di
mangingimi si Zack na tawagin syang Inay
sa harap ng maraming tao..Kanina pa sya
tahimik dahil akala nya ayaw ng binatang
ipaalam sa karamihan na sya ang ina nito..
Masakit. Pero nauunawaan nya ang anak..
Pero sa narinig ay lalo nya itong minahal..
Handa si Zack na ipaalam at ipagmalaki sa
buong mundo na sya ang Nanay nito..
Dahil dito..
Tinipon ni Ditas ang lakas ng loob at muling
sinigaw ang pangalan ng anak..
"Zack !.. Laban !.. " sigaw nya.
.
Napangiti ang mag asawa at gumaya na
rin..
Malakas ang sigawan ng sumipol ang ref
para ilahad ang pagpapatuloy ng laro..
Pumasok sina Zack sa court at hinanda ang
sarili..
Halos mapatid na ang litid nina Sab sa
kakasigaw pero mukhang imposible talagang
matalo nila ang madaming cheerings ng
kalaban..
Pero napahinto ang lahat ng umugong ang
labas ng gym..
Ilang saglit pa ay pumasok ang laksa
laksang tao..
Pinaghalong estudyante at teachers..
Nasa harap nito ang tatlong unggoy na sina
Primo, Gustavo at Vincent..
"Sinong mananalo ?.. " pasigaw na tanong
ni Primo..
Di na nya kailangang ulitin ang tanong..
Dumagundong ang malakas na sigawan..
"Tayoo !!!!!!!!.. " sabay sabay na sigaw ng
mga estudyante..
Napangiti si Denzel at nag thumbs up sa
mga kaibigan..
Tumango sina Primo..
"This is the least that we can do pare.. All
the remaining percent of winning is up to
you guys.. " sabi nya ...
Ngumiti lang sina Denzel..
Lumapit si Rigor sa gitna at dinuro ang mga
kalabang players..
"Mararanasan nyo ang pakiramdam ng
matoasted.. Oh yes.... Gigilingin namin
kayo..." sigaw nya..
Naghiyawan ang mga fans ng buong school
..
Sa kabila ng sigawan ..
May dalawang nilalang na di naghihiwalay
ang tingin..
"Kaya mo yan.. " bulong ni Sab..
Tila naunawaan ito ni Zack..
Tumango sya.
Tinuro nya ang sarili..
Napakunot ang noo ni Sab..
Maya maya tinuro ni Zack ang puso nya..
Muling kumunot ang noo ni Sab.
Di nya ma gets ang nais sabihin ng binata..
Ilang saglit pa ay tinuro ni Zack ang
dalagita sabay tumalikod na..
Kunot noong inulit ulit ni Sab ang ginawa ng
binata hanggang sa matigilan sya..
Tulala si Sab ng magets ang sinabi ng
binata..
Nais nyang magsisigaw..
Pero pinili nyang manahimik at namnamin
ang nais sabihin ng binata..
"I heart you too.. Or should I say, I love you
more.. " bulong nya...

Chapter 34
Good Things Comes For Those Who Waits...
Naglakad si Zack palapit sa kaibigan nyang
si Primo..
"Pare.. Maraming salamat " taos pusong
pasasalamat nya..
Ngumiti si Primo..
"No Problemo Amigo.. Nagdala lang ako ng
cheering squad, di nangangahulugan na
panalo na kayo.. Nasa inyo pa rin ang
ikapapanalo ng Team.. Kaya good luck..
Dito lang kami sa gilid to cheer you guys.. "
nakangiting sabi ng nya..
Tumango si Zack..
Nagtapikan sila sa balikat ni Primo..
"Regroup !.. " tawag ni Denzel..
Isa isang lumapit ang mga team mates
nya..
Seryosong nilibot ni Denzel ang paningin sa
mga kasama..
"Guys, I know na masyadong malaki ang
lamang nila.. Pero tulad ng sinabi sa atin ni
Coach.. Hangga't may natitira pang segundo
sa orasan.. May pagasa pa.. Naniniwala ako
na makakaya natin.. If ever na matalo tayo..
Matatalo tayo na lumalaban.. " madiing
bigkas ni Denzel.
Tumango ang mga kasama nya..
"We know for a fact na malalakas sila..
Lahat tayo hirap.. De kalibre ang bawat
players nila.. Pero isa lang ang masasabi
ko.. Di tayo aabot dito ng kung di tayo worth
it..Pwede kong sabihin na malakas sila..
Pero di ko pa pwedeng sabihin na mas
malakas sila... Dahil ngayon pa lang mag
sisimula ang totoong laro.. Bigyan natin sila
ng pabaon pabalik sa school nila.. " gigil
nyang wika..
Nagkatinginan ang lahat..
"Are we clear ?.." tanong ni Denzel..
Ngumisi sina Zack at Rigor..
"Let's give them what they want.. " sagot ni
Zack..
"Gums to gums mga pare.." sagot ni Rigor..
Tumango si Denzel..
"They want war.. We give them war.."
aniya..
"Fight !.. " sabay sabay na bigkas nila..
Napalingon si Brix kina Zack..
Pasimple nyang nilapitan ang binata at
nakangising tinapik.
"Hanep ang fighting spirit.. As if naman
mahahabol nyo pa kami.. If ever.. Sigurado
ako na wala kang maitutulong kase nga
kung sakaling gumawa ka ng moves to
score.. Tsk tsk.. Bye bye Sabina.. " bulong
nito..
Tiim bagang na tumuwid ng tayo si Zack..
Hanggang tenga nya lang si Brix..
Nakaramdam ng intimidasyon si Brix pero
pinili nyang ngumiti dahil batid nya sa sarili
na may hawak syang alas laban sa binata..
Nilagay nya ang dalawang braso sa batok at
tinitigan si Zack.
"Remember the envelope.." parinig nya.
Nanigas si Zack sa pagkakaalala ng
envelope na inabot ni Brix kanina..
Nilingon nya si Sab na walang humpay na
tinatawag ang pangalan nya..
Unti unti na namang umahon ang kaba..
Napangisi si Brix..
Sapat na ang ginawa nya para walang
gawin si Zack.
Kahit papaano..Kabisado nya ang karakas
ng mga uri nito..Mabait ang binata. At alam
nya ang totoong relasyon nito at ni Sab.. Sa
tulong na din ng pinsang si Princess.. Hindi
totoong magkapatid ang dalawa..
Nagpapanggap lamang ang mga ito para
pangalagaan ang isa't isa.. At kung tama
ang hinala nya.. Malaki ang gusto ni Zack
sa amo nitong si Sabina..
At yun ang sasamantalahin nya..
Kampante nyang iniwan si Zack na tulala pa
rin at muling nagbalik sa mga kasamahan..
Napansin ni Primo ang pasimpleng paglapit
ni Brix sa kaibigang si Zack..
Parang nahuhulaan nya na ang ginagawa
nito..
Kung tama ang hinala nya.. May kinalaman
ang envelope na inabot ni Zack kanina sa
kanya, kung bakit tila wala sa sarili ang
kaibigan..
"Hmm.. Fishy.. " narinig nyang bigkas ni
Gustavo.
Nagkatinginan ang magpinsan..
Ngumisi sa isa't isa..
Sumipol na ang ref..
"Back to ball game pare.. " sabi ni Denzel
sabay akbay kay Zack..
Pansin nya na parang natitigilan na naman
ito..
"Problema ?.. " tanong nya..
Umiling si Zack.
Tumahimik na lamang sya..
Bola nina Zack..
Nilabas nya ang bola at pinasa kay Denzel..
"Alright team.. We do it on our way.. Tulad
ng dati.. Enjoy the game... Titigan nyo na
ang mga bantay nyo at pag isipan kung
paano nyo sila kakainin ng buhay sa court..
" mayabang nyang sigaw..
Nagboo ang crowd mula sa fans nina Brix
pero nagulat ang mga ito ng matabunan ng
hiyawan mula sa fans nina Zack.
"Eat them raw !.. " sigaw ni Sab..
Lalong naghiyawan ang fans..
Tinawid ni Denzel ang bola sa kabilang
court..
Hinagilap ng mga mata ang kaibigang si
Zack..
Pero nagulat sya ng makitang para pa rin
itong tulala.
Imbes na magalit.. Inunawa na lang nya ang
kaibigan..Baka may problema..
Nag dribble muna sya paikot at ng makita si
Rigor ay pinasa nya dito ang bola..
Nasalo ni Rigor ang pasa ni Denzel..
Nais nyang ipasa ito kay Zack pero sa
nakikita nyang reaksyon ng kaibigan ay
mukang may iniisip itong malalim..
Kaya binomba nya ang bantay nya hanggang
sa mailapit ito sa ring..
"Ah tigas talaga.. " sa isip isip ni Rigor..
Konting urong lang ang nagawa nya..
Pero hindi sya dapat mawalan ng pag asa..
Buong pwersa nyang binomba ang bantay
nya hanggang sa maurong ito..
Tinaas ni Rigor ang bola para tumira..
Tumalon ang bantay nya..
Napangisi si Rigor sabay muling binaba ang
bola at bumwelo ng malakas..
Tumalon sya sa pinakamataas nyang talon
at gigil na dinakdak ang bola..
Sinubukan pang makarecover ng bantay ni
Rigor at muling tumalon ng isa pang ulit ..
Pero dahil sa nakikita nya, mukhang di sya
aabot sa bola kaya hinakawan nya ang
braso ng binata..
Hawak ni Rigor ang bola..
Idadakdak nya sana ito ng may humawak sa
braso nya..
Di sya aabot dahil nahahatak sya pababa..
Pero imbes na sumuko.. Pinilit ni Rigor na
iaangat ang brasong hawak ng kalaban
hanggang sa maabot ang ring..
Pasok ang tira nya ..
Nakasabit sya sa ring habang kitang kita na
nakahawak sa braso nya ang kalaban..
Sumipol ang ref..
"Foul !, red number 09 !.. Basket count,1
throw.. " sigaw nito.
Bumitaw sa ring si Rigor habang nakatitig
sa bantay nya.
"Kahit maglambitin ka pare sa bewang ko..
Panis ka.." maangas nyang bigkas sabay
lakad patungo sa free throw..
Nagitla ang bantay ni Rigor sa sinabi ng
binata.
Naghiyawan ang crowd sa ginawa ni Rigor..
"Woooo.. Bakulaw !.. " sigaw ng iba.
"1 throw.." inabot ng ref ang bola sa binata..
Bago ng free throw.. Kumaway muna si
Rigor sa fans..
Muling naghiyawan ang crowd..
Pumorma sya na parang propesyonal at
tinira ang bola..
Pero sumabog sa tawa ang crowd ng hindi
man lang sumayad sa ring ang tira nya..
Gigil na binatukan ni Denzel ang kaibigan..
"Tadong to.. Ang yabang yabang tapos
kapos ?.. Gunggong.. ! " gigil na sabi nya.
Napangiwi si Rigor..
"Sorry naman.. " tanging nasambit ng
binata.
Bola nina Brix..
Napailing sya sa nangyari sa sentro nila..
"Oh anong nangyari sayo?.. Kala ko ba di
makakaiskor yon ?.. " pang aasar nya..
Gigil nitong nilampasan ang binata..
Napaismid si Brix at tinawid ang bola.
Nakapwesto si Rigor sa ilalim ng basket.
Nasa harap nya ang bantay nya at nagulat
sya ng itaas nito ang kamay para hingiin
ang bola..
Ngumisi si Brix..
Lantaran nya itong pinasa sa sentro nila
para bawian si Rigor.
Nakaramdam ng tensyon ang gym ..
Pinanuod nila ang dalawang sentrong
nagtatagisan ng lakas sa ilalim ng basket..
Nang makuha ng number 09 ang bola..
Buong lakas din nitong binomba si Rigor..
Sinalo ni Rigor ang pwersa ng kalaban..
Nakayanan nya..
Ngumisi sya at tumawa ng malandi..
Nainis ang bantay ni Rigor..
Nag ipon ulit sya ng pwersa para bombahin
ang kalaban..
Pero nagulat sya ng wala ng tao sa likod
nya..
Kaya ang resulta ay dumiretso sya sa sahig
at bumagsak.
Nagtawanan ang crowd..
Niyuko ni Rigor ang kalaban at inagaw ang
bola..
"Sa susunod kasi.. Titingin ka kung may tao
sa likod mo.. Kainis ka.. Mamaya ka na
matulog no.. Peram muna ng bola.." agaw
nya..
Parang kidlat na tumakbo si Denzel pababa
ng ring at sinigawan ang kapre..
"Dito !.. " sigaw nya..
Mabilis na binato ni Rigor sa tumatakbong
si Denzel ang bola na naagaw nya..
Hindi naka react sina Brix..
Nasalo ito ng binata at walang kahirap hirap
na nag lay up..
Pagbalik ni Denzel at nag apir sila ni Rigor..
"Ayos pare..Ulitin mo ulit para mapilayan na
yang bantay mo.. " biro ni Denzel sa
kaibigan..
Gigil na si Brix..
Nilapitan nya ang sentro nila na nakaupo at
nakayuko..
"Oh ano ?.. Hanggang kelan ka uupo
dyan ?.. Langya.. Para kang bata na
inagawan ng lolipop.." galit na sabi nya..
Nagdilim ang mukha ng sentro nina Brix..
Pero wala syang magawa dahil sya naman
talaga ang mali..
Tahimik syang tumayo at nag abang ng
pagkakataon para mabawian si Rigor..
Inbound ulit nina Brix..
Hindi pwedeng makabalik pa sina Denzel sa
laro..
May butas pa sa team..
Si Zack..
Tahimik ito pero batid nyang malalim ang
iniisip nito.
At yun ang gagamitin nya..
Hawak ang bola.
Nagdribble sya palapit kay Zack..
Tumalon sya at nag jump shot..
Tulad ng inaasahan .. Walang reaksyon ang
binata..
Napangisi sya..
Sure points..
Binitawan nya ang bola sa ere sa harap
mismo ng tulalang si Zack..
Pero may kamay na lumitaw sa likod ng
binata..
"R-rigor.. " tanging nasambit nya..
Gumawa pa ng tunog ang ginawang
pagsupalpal ni Rigor kay Brix..
Tumilapon ang bola sa kabila ng court..
Simbilis ulit ng kidlat..
Tumakbo ang gwardya nina Denzel na
malapit sa pinagtalsikan ng bola..
Hinabol sya ng kalaban pero huli na ang
lahat..
Nakapag lay up na ito ng walang kahirap
hirap..
Dumagundong na naman ang court gawa ni
Rigor..
"Oh ha!.. Dati akong taga volleyball team..
Tawag don Spike.. Oh ha !.. Oh ha !.. "
sumayaw si Rigor na parang Elvis Presley..
Nagtawanan ang crowd..
"Ulol !.. Di ka sumali sa volleyball..Ang
sabihin mo namboboso ka don.. " pang
aasar ni Denzel..
Napangiwi si Rigor..
"Ssshh.. Nandyan yung Coach ng volleyball
team oh..Mamaya nyan maniwala sayo.. "
bulong nya sa kaibigan..
Nagtawanan na lang sina Rigor at Denzel..
Napangiti si Spolstra sa ginagawa ng team..
Tumingin sya sa orasan.. 1 minuto lang ang
nabawas at nakagawa na sila ng anim na
puntos agad..Bumaba na sa 25 ang lamang
ng kalaban..May 10 minuto pa.. Kung
magpapatuloy ang laro.. Malamang
makalapit na talaga sila.. Pero hindi lang
ang pagpantay sa score ang pakay nila..
Nagpapakita na ng talento si Rigor..
Pero tulad ng sinabi nya..
Hindi lang ang binata ang kailangan nila
para manalo..
Utak , Pader at Kanyon ang kailangan..
Si Denzel ang Utak..
Si Rigor ang Pader.. At ang Kanyon ay
nananatiling nakayuko na tila tulala at nag
iisip ng kung ano..
Kailangang magising na rin ng scoring
machine nila..
Pero di nya kailangang sabihin ito ng
lantaran sa binata.. Nais nyang malaman
nito na kailangan na ito ng team..
"Gising Zack.. Kailangan ka nila.. " bulong ni
Spolstra sa hangin..
Nakangising lumapit kay Brix ang sentro
nila.
"Butata !.. " pang aasar nya..
Tiningala ni Brix ang sentro nila.
"Ang yabang mo ha !.. " tinulak nya ang
dibdib nito..
"Oh baket ?. " tinulak din nito si Brix..
Nag karoon ng komosyon sa pagitan ng
team ng kalaban nina Zack..
Naglapitan ang mga teammates nila para
awatin ang dalawang nag iiringan..
Pasimpleng lumapit si Rigor at Denzel..
"Ano daw Pareng Rigor?.. Anong sabi nyang
number 09 ?.. " tanong ni Denzel.
"Langnya pare.. Sabi nya bansot daw si
Brix ?.. Gosh.. I can't believing it.. Oh nose..
" english carabao na pang aasar ni Rigor..
Nanggigil lalo si Brix at pumalag sa mga
nakahawak sa kanya para itulak ulit ang
sentro nila..
Pero muli silang naawat..
"Pero eto ang malupit tol.. Sabi ni Brix.. Di
daw naliligo yang bantay mo.. Yang number
09 nga.. At take note.. Wala daw yang
syota.. Kahit isa.. Oh hell, Di ko akalaing
may isang taong kayang mabuhay ng
ganun.. Walang nagkakagusto sayo ?..
Anong gusto nyang sabihin ?.. Napakapangit
nyan ?.. Hala.. Alis na tayo pare.. Baka
dumanak ang dugo.. Eeewwwnessss..."
bulong ni Denzel kay Rigor pero abot naman
sa pandinig ng nag aaway...
Umalma ang sentro..
Pero di na sya nakapalag dahil marami ang
may hawak sa kanya..
Parang mga demonyong lumapit si Denzel
at Rigor sa teammates nila..
"Eto kutsilyo. Magsaksakan na kayo !.. "
sigaw ni Rigor..
Nagtawanan ang crowd..
Gigil na tumayo ang Coach nina Brix at
tumawag ng Time Out..
Nag bubungisngisan sina Rigor at Denzel
pagkaupo..
Pati si Spolstra di maiwasang mapailing ..
"Mga loko talaga kayo.. Anyway... Good job
Rigor at Denzel.. " sabi nya..
Iniiwasan nyang banggitin ang pangalan ni
Zack dahil gusto nyang malaman nito na
wala itong silbi sa team..Gusto nyang
maunawaan mismo ng binata ang
pagkukulang nito..
Tulala pa rin si Zack..
Inakbayan sya ng kaibigan si Denzel..
"Pare.." bulong nya.
Napalingon si Zack..
"Oh?.. " tanong nya..
Nginuso nito si Sab na nakatitig sa binata.
"Wala pa naman yang boyfriend right ?..
Hmm.. Pwede na kay Rigor yan.. " bulong
nya.
Nanlaki ang mga mata ni Zack at tinitigan si
Rigor na inosenteng umiinom ng tubig..
"Bakit may gusto ba sya kay Sab?.. " tanong
ni Zack.
Nagkibit balikat si Denzel..
"Eh ano naman ?.. Binata si Rigor.. Dalaga
na rin naman si Sab.. Mabait naman si
Rigor eh.. Alam mong tapat syang kaibigan..
" sabi nya..
Nag kandailing si Zack.
"Di pwede !.. " sabi nya..
"Baket ?.. " painosente ni Denzel.
"Ako ang magiging boyfriend ni Sab !.." diin
nya..
"Okay.. Eh paano si Rigor.. ?.. " tanong pa ni
Denzel..
Walang sabi sabing pinitik ni Zack ang
tenga ni Rigor..
"Oy para san yon ?.. " tanong ng binata.
"Di pwede !.. Naiintindihan mo ba ?.. Di
pwede !.. " sigaw ni Zack..
Tulala si Rigor.
"Huwwaaat ?.. What are you talking man ?..
Are you baliw ?.. " tanong nya..
Pero umirap lang si Zack ..
Sakto naman na tumunog na ang buzzer
tanda na tapos na ang time out..
Muling nag hiyawan ang crowd..
Nagtatalo ang mga fans sa pagcheer sa kani
kanilang team..
Pumasok na sila sa court para ipagpatuloy
ang laro..
Bola ulit nina Brix..
Gigil sya dahil napagsalitaan sila ng
masakit ng Coach..
Wala syang pakealam... Di sila matatalo
kung ganyan lang ang pinapakita ng
kalaban..
Masyadong mabagal ang pag usad ng skor
ng mga ito..
Naiintindihan nyang mahihirapan na silang
makaiskor sa ilalim ng basket..
Kaya naman balak nyang paiskorin ang
dalawang three pointers nila..
Hawak ang bola..
Nag fake crossover si Brix para makalapit sa
isa nyang kampi ..
Screen ang binigay ng sentro nila at malaya
syang nakapasok sa loob..
Humanda si Rigor para supalpalin ang tira
ng binata..
Pero pinasa nito patalikod ang bola.
Nakuha ng number 22 ang pasa ni Brix at
mabilis nitong tinira ang bola..
Napangisi si Brix..
"Sablay yan !.. " sigaw ng number 22..
Nagulat man..
Mabilis nag react ang sentro nila..
Pero wala na syang magawa dahil buong
gilas na tumalon si Rigor..
"Rwarrr !.. Akin ang ilalim ng basket mga
unggoy !.." sigaw nya..
Hawak ni Rigor ang bola .. Tinaas nya ito
tanda ng tagumpay..
Hiyawan ang crowd..
"Sino kaya ang unggoy dito ?.. Hiyang hiya
naman daw kami sayo .. " sabi ng isang
kampi nina Denzel..
Nanlulumong bumalik sila sa kabilang court
para dumipensa..
Hawak ni Denzel ang bola at walang
pagmamadaling tinawid ito sa kabilang
court..
"Okay.. Time to rock !.. " sigaw nya..
Sinuyod nya ng tingin ang mga kakampi
nya..
Hanggang sa madako ang mga mata sa
kaibigan si Zack na tahimik ..
"Gising kaibigan.." bulong ni Denzel sa
sarili..
Mabilis syang nag dribble palapit kay Zack.
"Zack !.." tawag ni Denzel..
Nagulat si Zack..
Kita nyang palapit ang kaibigan..
Nataranta sya ..
Di alam ang gagawin..
Sinalubong si Denzel ng bantay ni Zack..
Nakorner ang binata..
No choice sya kundi ipasa na kay Zack..
Tumalon si Denzel at hinagis kay Zack ang
bola. Nasalo naman ito ng binata..
Lumipat sa kanya ang mga bantay ni
Denzel..
Tinaas ni Zack ang mga kamay nya para
sana itira pero nakorner na sya ng dalawa..
Hanggang sa walang magawa si Zack kundi
yakapin na lamang ang bola..
Sinubukang agawin ng mga kalaban kay
Zack ang hawak nya pero hindi ito binitawan
ng binata..
Hanggang sa sumipol ang ref..
"Jumpball.." desisyon nito..
Napaungol ang crowd..
Hiyang hiya si Zack sa pagkakalat nya..
Nilingon nya ang ina...
Nakangiti pa rin ito tanda na nananatiling
sumusuporta sa kanya..
Lalong nakaramdam ng kahihiyan si Zack..
Nilibot nya ng tingin ang buong gym..
Halos three fourths nito ay mga kaeskwela
nya..
Napatingin sya sa mga kaibigan na sina
Primo..Nakangiti din ito ..
Sa mga kampi nyang sina Denzel at ang iba
pa..
Wala sa mga mata nito ang paninisi..
Dumako ang paningin nya kay Sab..
"Go Zack !.. " sigaw ng dalagita...
Pumailanlang ang boses nito sa buong
gym..
Nagtagis ang mga bagang ni Zack..
Tama na ang pag mumukmok..
Kailangan nyang bumawi sa mga kasama at
kaibigan..
"Sorry guys.. " sabi nya sabay sampal sa
sarili..
Tumango si Denzel..
"Walang problema...Nandito lang kami
pare.. Kung may problema ka.. Malulutas
natin yan.. Sama sama tayo.." nakangiting
sabi nya..
Lalong tinablan ng hiya si Zack..
"Salamat.. Tara na.." seryosong sabi nya..
Ngumisi si Denzel at Rigor..
"Yeah baby !.. " sigaw ng dalawa..
Jump ball..
Si Zack at number 22 ang tatalon..
Nakaabang ang lahat..
Hinagis ng ref ang bola at maliksing
tumalon si Zack..
Tinapik nya ang bola sa isa nilang kasama..
Nakuha naman nito at binalik kay Denzel..
"Okay.. Mag iiba na ang laro natin..Lahat ng
bola kay Zack !.." sigaw nito..
Tumango ang lahat..
Sinalubong si Denzel ng bantay nya pero
mabilis nya itong pinasa kay Zack..
Hawak ang bola..
Tinantya ni Zack ang distansya nya mula sa
ring..
Hanggang sa dumako ang mga mata nya sa
bantay nya.
Tinitigan nya ang mga mata nito..
Palaban din..
Pero kailangan nyang mag focus..
Huminga sya ng malalim at nagdribble..
Umakma sya mag cocross-over..
Sumunod naman ang bantay nya ...
Pero di ang pagsalaksak ang pakay nya..
Muling nagdribble si Zack at nag step back
ng isang hakbang ...
Nanlaki ang mga mata ng bantay ni Zack ng
makita ang pwesto ng binata.
Nasa labas na ito ng tres..
Tinipon ni Zack ang lakas nya at
pinagapang mula tuhod patungo sa mga
braso..
Hanggang sa gumapang ito papunta sa mga
palad nyang nag sisimula ng uminit..
Di na sya nag intay na makalapit ang
bantay..
Tumalon sya at tumira ng three points..
Napangiti sina Denzel at Rigor..
Nag box out agad ang sentro nina Brix pero
useless na din..
Di na nya kailangan pang makipag agawan
sa rebound dahil umalis na sina Rigor at
lumipat sa kabilang court..
Kaya naman pala..
3 points !..
Tumalikod si Zack at sinundan ang mga
kasama sa kabilang court..
Sinalubong sya ng apir ng dalawa.
"Welcome back Zack !.. " bati nina Rigor at
Denzel..
"S-salamat sa paghihintay.. " taos pusong
pasasalamat ni Zack sa mga kaibigan..
Nagthumbs up lang sina Denzel at Rigor..
Batid nilang nagbalik na nga talaga ang
kaibigan...

Chapter 35
Napangiti ang dalawa...
"Coach !.. " sigaw ni Denzel.
Lumingon ang Coach..
"Oh baket ?.. " takang tanong nya..
"Ihanda nyo na po ang victory party namin..
Mananalo na kami.. ! " maangas na
pahayag ni Denzel..
Naghiyawan ang crowd..
9 na minuto..
64 - 42 pabor kina Brix..
Pero batid nilang dito pa lang bumabangon
ang Home Team..
Napangiti si Spolstra..
"Oh sige.. ! tatawag na ako ng Catering !.."
pagganti nya..
Lalong nagtawanan sa gym..
Asar na ang mga kalabang fans..
Nais nilang mag cheer para mabuhayan ang
team nila pero sa tuwing gagawin nila yon..
Natatabunan sila ng Fans ng Home Team..
Inis na si Brix..
Maging sya ay kanina pa nanggigigil..
Bagama't malaki pa ang lamang nila.. Sa
nakikita nyang galaw ng mga kakampi.. Di
na talaga imposible na mahabol sila at baka
nga matalo pa..
"Shet bahala na.." sabi ni Brix sa sarili..
Kinuha nya ang bola at walang sabi sabing
tinawid sa kabila..
Sinalaksak nya ang depensa..
Sinalubong sya ni Denzel..
Pero nag cross over ang binata..
Nag fade away jump shot sya..
Pero may kamay na humarang sa vision
nya..
"Tangna mo Rigor !.. " sigaw nya at pilit
tinira ang bola..
Nakalusot ang bola..
Pero nahagip ito ng kamay ni Rigor kaya
sigurado sya na sablay ang tira..
"Wala yan boy !.." pang aasar ni Rigor..
Box out sina Denzel at Zack..
Sablay nga ang bola..
Tumalon ang dalawa para sa rebound pero
nagulat sila ng may kumalawit na kamay..
"And Now .. The end is near.. And so they
Face.. Their final curtain.. Wahoho.. " pang
aasar ni Rigor..
Nagkatinginan sina Zack at Denzel..
"Kita mo?.. Anlayo nya di ba?.. " bulong ni
Zack..
Niyakap ni Denzel ang sarili..
"Sabi na nga ba.. Di yan tao pare.. T-tara..
Wag na natin awayin si Rigor at baka
tawagin nya yung mga kamag anak nyang
engkanto.." takot na sabi ni Denzel..
Napailing din si Zack at nilayuan na nila si
Rigor na kumakanta na wala sa tono..
Balik opensa..
Mabilis na nilabas ng gwardya nina Zack
ang bola at hinagis ito kay Denzel..
Di na kailangan pa ng maraming salita..
Hinanap ng mga mata nya ang pwesto ni
Zack at ng makita..
Mabilis nya itong pinasa..
Maging si Zack ay di na rin nagpatumpik
tumpik pa..
Matapos kunin ang sukat at distansya..
Tinira nya ang bola kahit may bantay..
Napangiwi ang bantay ni Zack..
Di sya agad nakareact ..
"Sablay yan !.. " sigaw nya..
Pero di nya pa nakukumpleto ang mga
sasabihin nya ay ringless na ang tira ni
Zack..
Three Points na naman !..
Nanlulumong nilabas ng kampi ni Brix ang
bola at ipapasa sana sa binata..
Pero may kamay na sumundot dito..
"Good job Manuelito.. " nakangising sabi ni
Rigor..
Dinive ng gwardya nina Zack ang bola at
mabilis na tinapik patungo sa kanya..
Alertong tinakbo ni Zack ang bola sabay
dampot ..
Pero dalawa nag bantay nya..
"Oh kapre !.." sigaw ni Zack..
Hinagis nya ang bola..
Walang nagawa ang mga bantay ni Zack
kundi panuorin ang tira nya..
Pero di pala tira ang ginawa ng binata kundi
pasa ..
Galing sa three points..
Tinakbo ni Rigor ang distansya at tumalon
ng buong gilas..
"Boom !.. " sigaw ng crowd at sinabayan
ang pagdakdak ni Rigor sa ring..
Halos magwala na ang crowd..
Depensa at Opensa..
Kinakain na sila nina Denzel..
8 Minuto pa ang nalalabi sa laro..
17 na lang ang lamang..
"Full Court guys !.. " utos ni Denzel.
Mabilis na sumunod ang lahat..
"Walang magpapahinga kahit sandali !.."
dagdag nya..
"Sige !.. " sigaw ng lahat..
Nangilabot si Brix sa itsura nina Zack..
Tila bagong tao na ang mga kalaban nila..
Tagaktak ang pawis ng lahat pero kataka
takang tila di nauubusan ng pwersa ang
mga kalaban nila..
Nilingon nya ang mga kakampi..
Sila itong kokonti ang pawis..
Pero bakit sila ang hinihingal?..
Galit ang nararamdaman nya.. Partikular
kay Zack..
Sa di nya maipaliwanag na dahilan..Gigil
sya sa binata..
Nais nyang durugin ang maamo nitong
mukha..
"Zackarias !.. Go Zack !.. " sigaw ni Sab..
Kanina pa sya sigaw ng sigaw pero
nakapagtatakang tahimik ang kaibigan nya..
"Sis ?.. " tanong ni Sab..
Tila nagulat pa ito..
"Ay sis.. " gulat na tanong ni Heidi..
Nagtaka si Sab..
"W-wala.. Sige cheer pa tayo sa kanila..
Zaaaacccckkkk... Deeennnnnzeeeeellllll...
Riiggooorrr !.." wala ng pakealam si Sab
kahit mawalan na sya ng poise..
Napapangiti na lang sina Saimon at
Bridgette sa anak nila..
Kinalabit nila ang kasamang si Ditas ..
"Kita mo yang alaga mo.. Todo suporta sa
anak mo.. " nakangiting sabi nya..
Ngumiti lang din si Ditas at nagfocus sa
panunuod..
Tila nasa alapaap si Zack kapag naririnig
ang malamyos na tinig ni Sab..
Pero focus muna..
Tinitigan nya si Brix na may dala ng bola..
Galit na ang nasa mukha nito..
Sinalubong nila ang opensa nina Brix ..
Kailangan nilang mag sikap na ibaba ang
lamang bago bumaba din ang oras sa
limang minuto..
Pinasa ni Brix ang bola..
Pero nagkamali sya ng pinasahan..
Yung three pointer nilang may numerong 22
ay tila wala na sa huwisyo..
Nakanganga na ito at hinihingal..
Tumagos sa mga kamay nito ang malakas
na pasa nya at tumalsik sa labas..
Pumito ang ref..
"Home ball.." sigaw nito..
Nagtagis ang mga bagang ni Brix..
Nilapitan nya ang kakampi at hinawakan sa
jersey..
"Matulog ka na lang !.." gigil na sabi nya.
Pero talagang wala na ata itong lakas..
Inis na sinalya nya ang binata at hinarap si
Zack..
Sya na ang nagbantay dito..
Hawak ni Zack ang bola..
Nakatitig sya kay Rigor at sa iba pang
kakampi ng tawagin ni Brix ang pansin nya.
"Zack.. Mukhang nag eenjoy ka ha.. Baka
nakakalimutan mo ?.. " nakangising tanong
nya..
Pero walang emosyon na lumitaw sa mukha
ni Zack..
"Di ko nakakalimutan ang ginawa ko Brix..
At nagsisisi ako.. Tama ka..Gusto ko si
Sab.. Mahal na mahal ko sya.. Pero dahil sa
ginawa ko.. Mukhang lalo lang syang lalayo
sa akin.. Pero anong magagawa ko?..Kesa
madagdagan ang galit sa akin ni Sab kapag
natalo ang Team.. Di lang din sya ang
magagalit sa akin, maraming taong umaasa
sa pagkapanalo namin.. Ngayon..Kung
malalaman ni Sab ang nangyari..
Tatanggapin ko ang desisyon nya.. Hihingi
ako ng tawad.." walang emosyong sabi nya..
Natulala si Brix..
Ilang saglit syang walang masabi..Di nya
akalaing lalaban si Zack sa pamblablackmail
nya..
"Ows ?.. Baka naman sinasabi mo lang
yan ?.. Kapag nilapitan ko kaya si Sab
ngayon?.. " panunubok nya..
Pero umiling si Zack.
"Wala na akong pakealam.. Karapatan nya
ding malaman yan.. Gusto ko na ring
sabihin yan sa kanya.. Pero mukhang
tutulungan mo pa ako.. Sige .. Go na ..
Sabihin mo.. Gawin mo ang gusto mo..
Basta mananalo kami ngayon.. " madiing
wika nya sabay cross over papasok..
Naiwan si Brix..
Pinasa ni Zack ang bola kay Denzel at nag
jump shot ang binata..
Pasok !..
15 na lang ang lamang sa loob ng 7
minuto..
Muling nagsigawan ang crowd...
Sumipol ang ref..
"Time out !.. Away Team !.." sigaw nya..
Nanlumo ang fans..
Lulugo lugong lumapit ang mga players sa
galit na Coach nila..
Nakangiti si Spolstra na sinalubong ang mga
players nya..
Isa isa nya itong binigyan ng high five..
"Oh yes.. Sa wakas mag kaka girlfriend na
ko !.. " wala sa sariling bigkas ni Rigor..
Napatingin sa kanya sina Zack at Denzel.
Napaismid si Zack..
Sinipa nya ang tuhod ni Rigor dahil akala
nya si Sab ang sinasabi nito..
"Asa ka pa .. ! Lokong to .. Kinalaban pa
ko !.. " gigil na sabi nya sa binata..
Napangiwi si Rigor..
Nilapitan nya din si Zack...
"Ano bang problema mo ?.. Kanina ka pa
ha ?.. " galit na wika nya..
"Oh baket ?.. Pake mo ?.. " tanong ni Zack..
Nagsilapitan ang mga kakampi nila at
inawat ang dalawa..
Nagulat sina Sab sa nakikita nila..
Pati si Heidi ay nanlaki ang mga mata ng
biglang magsigawan sina Zack at Rigor..
"Hala.. What happened ?.. Sis.. " kabadong
tanong ni Heidi..
Umiling si Sab..
"I don't know either.. Tara lapit tayo konti.. "
suhestyon nya..
Kinalawit ni Spolstra ang dalawa at nilayo
sa karamihan..
"Ano bang problema nyo ?.. " galit na
tanong nya..
Napayuko sina Zack.
"Eto kasi Coach.. Basta na lang
nanunuhod !.." reklamo ni Rigor..
"Zack iho.. Bakit ka ba kasi nanunuhod ?.. "
tanong ni Spolstra..
Umismid si Zack..
"Ewan ko sayo Rigor.. Simula pa lang alam
mo na may gusto na ako kay Sab.. Tapos
aagawin mo pa !.. " bulong nya..
Nagulat si Rigor..
"Who telling you that truth ?.. " pa-english
na sabi nya..
Napangiwi si Denzel.
Lumapit sya sa mga kasama..
"Ahm.. Magbati na kaya kayo.. Pangit ang
nag aaway sa magkakaibigan.. Sige na..
Kiss na.. " sabi nya..
Tiningnan ng dalawa si Denzel..
"Sabi mo pare may gusto si Rigor kay
Sab ?.. " tanong ni Zack..
"Huh?.. You are the one who's telling him
that truth ?.. " tanong ni Rigor..
Pero binatukan sya ni Spolstra..
"Nangingilo ako sa english mo.. Ano ba yan
Denzel?.. " tanong nya..
Nahihiyang napakamot ng batok si Denzel..
"Joke lang yon.. " nakangiwing sabi nya..
Pero sinakal sya ng dalawang kaibigan..
"Ikaw pala eh.. Wala akong gusto kay Sab !..
Dun sa kasama nya.. " sabi ni Rigor..
Pero natigilan ang pag aaway nila ng awatin
sila ni Spolstra..
"Hala kayo.. " pananakot ng Coach..
Nagtaka ang tatlo..
"Baket sir ?.. " tanong nila ng sabay..
Nginuso ni Spolstra ang likod nila..
Dahan dahang lumingon ang tatlo at halos
mawalan sila ng malay tao..
Nasa likod nila ang dalawang dalagita..
Namumula ang mga pisngi ng mga ito..
"A-ah, E-eh, I-ih, O-oh.. Oh no.. " bulong ni
Zack..
Naninigas na tumalikod si Rigor at pumasok
ng court..
"Hoy di pa nag bubuzzer.. !.." sigaw ni
Spolstra..
"O-okay lang Coach..M-mag shoo-shooting
muna ako dito.. Pang warm-up.. "
nahihiyang sabi nya..
Sumunod si Zack..
"S-sama ako pare.." pahabol ng binata..
Pinigilan nina Spolstra at Denzela ang
matawa..
Muling tumunog ang buzzer..
Pumasok na ang mga players pero kataka
takang wala si Brix..
Pagkatingin ni Zack at nasa bench ang
binata at tila galit na galit..
"Ay wawa.. " pang aasar ni Rigor..
Natawa si Denzel at Zack..
Lalo lang nabwisit si Brix kaya imbes na
manuod ay tumayo sya at sinuyod ng tingin
ang buong gym..Ilang saglit lang ay nahagip
ng mga mata nya ang pakay...
Ngumisi ang binata at
nagpasimple..Lumapit sya kay Sab..
Sinitsitan ni Brix si Zack..
"Psst.. Enjoy !.." sabi nya..
Lumingon si Zack sa binata at di nya
maiwasan ang di kabahan ng makitang
lumalapit ito kay Sab..
Pero pinili nyang walang gawin at hintayin
ang reaksyon ng dalagita..
"Bahala na.. " bulong nya sa sarili.
Hinayaan na lang nya na si Sab ang
humusga sa ginawa nyang pagkakamali..
Di nawalan ng pag asa si Brix ng makitang
walang ginawa si Zack..
"Hah !..Bahala ka.. Good Luck.. " bulong nya
sa sarili..
Pasimple syang lumapit sa dalawang
dalagita na nag cheecheer..
"Uhm Sabina.. " pagtawag ni Brix..
Natigil sa pag cheer ang dalagita..
Nakangiti syang lumingon pero nawala ang
ngiti nya ng makilala si Brix..
"Yes ?.. " mataray nyang tanong..
Ngumiti ng matamis si Brix..
"I just want to say hi.." bungad nya..
Tumango si Sabina at muling tumalikod..
"At gusto ko lang sabihin sayo na may alam
akong lihim ni Zack.. " biglang banat nya..
Natigilan si Sab..
Dahan dahan nyang nilingon si
Brix..Napahawak sa braso nya sa Heidi..
"Sis.. " kinakabahan si Heidi na lumingon sa
kaibigan..
Ngumiti ng matamis si Sab..
"It's okay sis.. Saglit lang ako.. " sabi nya..
"Sama ako.. " ungot ni Heidi..
"You can't come.. It's just for Sab.. " pag
awat ni Brix..
Inirapan lang sya ni Heidi..
Ngumiti si Sab at inalis ang hawak ng
kaibigan nya..
"Okay lang ako.. Saglit lang.. 5 minutes
kapag di ako nakabalik.. Tawagin mo sila
Daddy.. " banta nya kay Brix.
Tumango si Heidi at tiningnan ng masama
si Brix..
Nakangising naglakad palabas ng gym si
Brix kasunod si Sabina..
Nagtungo sila sa parking area.
Lumapit si Brix sa kotse nya at pumasok sa
loob..
Ilang saglit lang ay may hawak na itong
isang envelope..
Inabot nito ang hawak kay Sab at ngumisi..
"Open it.. And be amaze.." sabi ng binata..
Parang ahas na takot matuklaw.. Dahan
dahang binuksan ni Sab ang folder.
Hinugot nya ang mga laman sa loob..
Maya maya ay isa isang nagbagsak sa
paanan ni Sab ang mga litrato..
"S-si Zack.. " bulong nya..
Nasa pictures ang binata na may
kahalikan..Ito mismo ang nakita nya nuon..
Masakit pa rin sa twing maiisip nya ang
pangyayaring ito..
"See?... Niloloko ka ng iyong "Kuya Zack " "
gagad ni Brix..
Tulalang napatingin si Sab sa binata..
Masakit talaga ang nasaksihan nyang iyon..
"S-sino ito ?.. " tanong nya..
"Si Nerica Sta. Maria..Part time Model.. at
Girlfriend ni Zack.." pag bibigay
impormasyon nya..
Tila nanikip ang paghinga ni Sab ng marinig
ang sinabi ng binata..
Unti unting naiipon ang luha sa kanyang
mga mata..
Napapikit sya..
Sa isip ay naglalaro ang dalawang nilalang
na naghahalikan..
Pero kataka takang di nya makita ang
mukha ni Zack..
Ilang saglit lang at ang luha ay huminto..
Dahan dahang pinahid ni Sab ang naipong
luha sa gilid ng mga mata at ngumiti sa
binata sa harap nya..
Nawala ang ngisi sa mukha ni Brix ng
makita ang pagbabago sa ekspresyon ng
mukha ni Sab..
"Why are you smiling ?.. " tanong nya..
Ngumiti na ng tuluyan si Sab..
"Nothing.. I just now realize that I love Zack
so much.. Kahit anong mangyari.. Mahal ko
pa rin sya.. " sabi nya sa binata..
Kumunot ang noo ni Brix..
"Are you nuts ?.. Niloloko ka na nga mahal
mo pa rin ?.. " asar na tanong nya..
Nagkibit balikat si Sab..
"I don't have to explain my feelings to you..
But just so you know.. I don't care..And for
your information.. Nakita ko na yan..
Nandyan ako mismo sa pinangyarihan.. Sa
tingin ko di girlfriend ni Zack yan kasi
parang kakakilala lang nila.. Di ko sure pero
I know..Basta mahirap mag explain.. Dyan
ka na nga at baka di ko pa mapanuod kung
paano durugin nila Zack ang Team nyo ..
Tse !.. Bansot ka pa rin !.." singhal nya
sabay talikod...
Nanggigil si Brix at akmang hahablutin nya
ang braso ng dalagita ng may kumalawit na
braso sa kanya..
Paglingon nya ay napapalibutan sya ng
tatlong binata..
Seryoso ang mga mukha nito at halatang
kanina pa nakikinig sa kanila..
"S-sino ba kayo ?.. " tanong ni Brix..
Ngumisi si Primo.
"Ako si B1.." biro nya..
"Ako si B2.." biro din ni Gustavo..
"Wag nyong sabihin na B3 ako ?.."
nakangiwing tanong ni Vincent..
"Wag ka na choosy.. " biro ni Primo..
Pumalag si Brix.
"Di ako nakikipaglokohan sa inyo..Tumabi
kayo dyan at maglalaro na ako !.." sigaw
nya..
Pero nanatiling nakangisi ang tatlo sa
dadaanan nya..
"Tatawag ako ng security !.." banta nya..
Nagkibit balikat ang tatlo..
"Eh di sumigaw ka..Pero bago yun dumating
wala ng paglalagyan ang pasa sa mukha mo
sa gagawin namin.. " banta ni Primo..
"Tama insan.. Tutal outsiders tayo dito.. Di
nila tayo kilala.. " pagsakay ni Gustavo..
"Game nga mga tol.. Kahit wag na lang
natin sirain yung mukha para di halata..
Upakan na natin yan.. " gigil na sabi ni
Vincent..
Lumingon si Sab..Nanlaki ang mga mata
nya ng makitang pinapalibutan nina Primo
ang kawawang si Brix.
"Mga kuya !.. " sigaw nya sabay takbo
pabalik..
Pumagitna sya sa mga binata..
"Stop it na .. " saway ni Sab..
Nagkatinginan ang tatlo at napakamot na
lang sa batok..
Inakbayan ni Primo si Sab at inakay pabalik
sa gym..
"Stop na daw mga utol.. Yaan nyo na yan..
Malamang na tabla na yung game.. Tara
na.. " aya ni Primo..
Tinitigan ni Gustavo si Brix..
"Tse !.. " irap nya ..
Akala ni Brix ligtas na sya..
Napaluhod na lang sya ng may dumapong
kamao sa sikmura nya..
Namimilit sa sakit syang bumagsak sa
lupa..
Nagmamadaling lumapit si Vincent at
nagpauna na sa pagpasok sa gym..
Paglingon nina Primo ay natawa na lang sya
ng makita si Vincent na nakaluhod hawak
ang sikmura..
Pagpasok nina Sab sa gym ay nakasimangot
sya..
Mabilis na lumapit si Heidi sa kaibigan..
Nalulula sya sa naggagwapuhang binata na
kasama nitong pumasok..
"S-sis.. Anong ginawa nila sayo.." tanong ni
Heidi..
Umiling si Sab .. Pero nakasimangot pa rin
sya..
"Oh bakit ka nakasimangot ?.. " takang
tanong ng kaibigan..
Bumulong si Sab..
"Nawiwiwi ako.. Ayaw ko namang mamiss
ang panalo nila.. Ilang minutes na lang
ba ?.. Ilan na yung lamang ?.." tanong niya..
Natawa si Heidi at tinuro ang score board..
Nanlaki ang mga mata ni Sab.
"Wow !.. Lamang na sila ng 10 points ?..
Grabe ang galing nila.. " namamanghang
sabi nya..
"Ang galing nila Kuya Zack at Kuya Denzel..
Lalo na si Rigs.. " kumikislap ang mga mata
ni Heidi.
Nilingon ni Sab ang kaibigan at tinitigan..
"Sinong magaling ?.. " panghuhuli nya..
"Sila Kuya Zack, Kuya Denzel at syempre si
Rigs.. " tila wala na sa sarili si Heidi..
Napangisi si Sab..
"I thought you like Zack ?.. " tanong nya..
"Sayo na sya.. " wala sa sariling bigkas ni
Heidi.
"Sayo naman si Regidor.. " singit ni Primo..
"Pwede... " mabilis na sagot ni Heidi..
Pero nanlaki ang mga mata nya ng
mapagtanto ang sinasabi nya..
"Oh my God !.. " napayuko ang dalagita at
pulang pula ang mukha..
"Huli ka !.." biro ni Sab..
"Kainis ka Sabina !.." asar na pinagkukurot
ni Heidi ang kaibigan..
Tawa ng tawa si Sab at pinilit umiwas pero
lalo lang syang naiihi..
"Tama na sis.. Lalo lang akong nawiwiwi..
Don't worry di ko sasabihin.." sabi ni Sab..
Napangiti na lang si Heidi at nag cheer ng
mahina ..
"Go Rigs !.." bulong nya..
Wala ng sumisigaw sa kabilang team..
Nag time out ang kalabang team..
Pagod na pagod na ang mga kalaban nila
Zack.
Kasalukuyang nagpupunas ng pawis Zack ng
matigilan sya ..
"P-pare.. Sa tingin mo pogi ba ako?.. "
mahinang tanong ni Rigor..
Nagulat si Zack.
"Mabait ka pare.." banat nya..
Sumimangot si Rigor..
"Pareng Denzel.. Sa tingin mo Pogi ako ?.. "
isa pang try nya..
Nasamid si Denzel sa pag-inom..
"M-matangkad ka pare at magaling kang
mag basketball... Talent yon.. " pag iwas
nya..
Nagtatampong lumapit si Rigor sa Coach
nila..
"Coach.." untag nya..
Pero mabilis na nakareact ang batang
Coach..
"Iho.. Lahat tayo may kanya kanyang
katangian.. At ikaw ay isa sa mga
pinagpala.. " banat nya..
Nabuhayan ng loob si Rigor..
"Talaga po?.. So pogi din pala ako ?.. "
tanong nya..
Iniba ni Spolstra ang topic..
"Anyway boys.. Durugin nyo na sila..
Tapusin nyo na ang paghihirap nila.." pag
iwas nya..
Nagsitayuan na ang lahat..
"What the hell.. Basta sabi ni Inay pogi ako..
Tapos !.. " maangas nyang sigaw..
Last minute..
Wala na si Brix..
Di alam ni Zack kung saan na nagpunta ang
binata..
Hawak ang bola..
Determinado na syang tapusin ang
paghihirap ng mga kalaban..
Isa isa ng nag aalisan ang mga nakapulang
cheering squads..
"Sorry guys.. But this is our home !.." sabi
nya at tumira..
Walang mintis si Zack..
Ang huling three points nya ang nag pako sa
mga kalaban sa saradong trenta puntos na
pagkabaon..
72 - 102 ang score.
Si Rigor ay nagtala ng 26 Rebounds at 8
Blocks na ikinamangha maging ni Spolstra..
Si Denzel at tumabo ng 12 Steals at 22
Assists..
Habang si Zack ay ayaw pa paawat..
"Pare.. Mahiya ka naman.. " pagsaway ni
Denzel..
Pero determinado si Zack..
Palingon lingon sya sa orasan..
13 seconds pa..
Kailangan nyang pumuntos..
"Di nyo ko naiintindihan pare..Kailangan ko
ang score na to.." sabi nya..
Kahit 2 points lang..
Maging si Spolstra ay naalala ang pangako
nya..
Sinigawan nya ang mga players..
"Rigor !.. Denzel.. Pigilan nyo si Zack !.. "
sigaw nya..
Pero di ata sya narinig ng mga players nya
dahil tinuloy nito ang laro.
Pinasa ng kalaban ang bola sa kakampi
nito..
Pero dinagdagan lang ni Denzel ang steals
nya..
Naagaw nya ang bola..
Mabilis nya itong pinasa kay Rigor..
Nasalo ng binata ang bola ..
"Rigor !.. " sigaw ni Zack..
Nagulat si Rigor sa itsura ni Zack..
"Katakot much.. " sabi ni Rigor sa sarili..
Umaandar ang oras..
47 points pa lang ang nagagawa nya..
Naalala nya ang pangako na pabuya ng
Coach..
Kaya sa inis nya sa kaibigan ay inagaw nya
ang bola dito at walang sabi sabing tinira.
Tumunog ang buzzer tanda na tapos na ang
laro..
Pasok ang tira ni Zack..
Napatalon ang binata sa tuwa..
"Wooo !.. " sigaw nya..
50 points sarado ang nagawa nya..
Maging si Spolstra ay nanlumo ng pumasok
ang huling tira ni Zack..
Lumapit ang ref sa binata..
Umiling ito..
"2 points iho.. " hatol ng ref sabay nguso sa
tinatapakan ni Zack..
Napangiwi ang binata..
"Hindeeee !!!!.." sigaw nya..
Habang ang Coach ay napasayaw bigla..
Hindi sa pagkapanalo ng team kundi sa
nalusutang pangako..
"Ahihi.. " malanding tawa ni Spolstra..
Natapos ang laro..
Awarding na at naging MVP si Denzel..
"Akala ko pa naman ako .. " nagtatampong
sabi ni Rigor..
"Kapalmuks pota.. " bulong ni Zack..
Nakangising lumapit si Denzel sa mga
kaibigan nya at hinawakan ang medalya..
"ANg sikip ng medal ng MVP noh ?.."
talagang inemphasize nya ang salitang
MVP..
Napangiwi si Rigor..
Sya lang ang walang award..
Nakuha ni Zack ang Best Deffensive Player.
Lumapit sya sa committee..
"Sir.. " tawag ni Rigor..
"Yes iho ?.. " nakangiting sagot nito..
"Wala ho bang Best Jumping ?. O kaya Best
Blocking ?.. Kahit Mister Pogi Award di ba
kayo magbibigay?.. " nagtatampong tanong
nya..
Natulala ang Committee sa tanong ng
binata..
"W-walang ganon iho.. Pero magaling ka.. "
puri nito..
Lulugo lugong lumayo si Rigor...
Hanggang sa may mabangga syang
katawan..
"Ay sorry.. " sabi nya..
Pero parehas silang natigilan ng mapagsino
ang isa't isa..
"H-hi.. " bati ni Heidi..
Tameme si Rigor..
"A-ako si Heidi.." pakilala ng dalagita..
Pero no comment ang kapre..
"A-ang galing mo.. " puri nito.
Still, No comment si Rigor...
"S-salamat.. " nahihiyang sabi nya..
Nagkatitigan sila ng nakangiti.
"Oh picture na.." sigaw ni Spolstra..
Nagpalakpakan ang lahat ...
Marami sa crowd ang naiyak sa nakamit na
tagumpay ng team..
"Nay !.. " ni Zack..
Napangiti si Ditas pero nagulat sya ng
hatakin sya ng anak at isama sa picture..
"Dito kayo.. Smile tayo Nay.. " sabi ni Zack..
Nahihiyang ngumiti si Ditas..
Sa gilid ay masayang pumapalakpak si Sab..
Hanggang sa may tumikhim sa tabi nya..
Paglingon nya ay si Zack na pala .
"Congrats.." bati ng dalagita.
"Salamat.. " bulong ni Zack.
Hinubad ni Zack ang medalya at dahan
dahang sinuot sa dalagita..
"P-para sa iyo.. " bulong ng binata..
Kinilig si Sab..
Pero naiihi na naman sya..
"S-salamat... " bulong din ng dalagita..
Hawak ni Zack ang mga kamay ni Sab..
Nakangiti silang nakatitig sa isa't isa..
Walang nag iiwas ng tingin.
Hanggang sa isang click ang pumailanlang..
Agad na napalingon ang dalawa at nakita
nila si Primo na may hawak na camera..
"Pare.. Remembrance.. " nakangiting inabot
ng binata ang picture sa dalawa..
Pagkaabot sa litrato ay umalis na din si
Primo at kinuhanan naman sina Rigor at
Heidi na magkatabing nagkukwentuhan.
"Mukhang magkakalove life na ang friend
ko.. " nakangiting sabi ni Sab..
Napakunot noo si Zack..
"Baket?.. " tanong nya..
Nginuso nya sina Rigor at Heidi na sabay
na lumalabas ng gym..
Natawa si Zack bigla.
Akmang kakamot sya sa batok ng maalala
na magkahawak pala sila ng kamay ni Sab..
Maging si Sab ay napansin ang mga kamay
nilang magkahugpong.
Pasimple silang nagtitigan at ngumiti..
Walang gustong kumalas..
Napakasarap ng nararamdaman nila..
Kilig at saya.
Nais nilang ipahayag ang damdamin nila sa
isa't isa pero pinili na lamang nilang
manahimik ..
"Action speaks louder than words.. " pareho
nilang iniisip...

Chapter 36
"Congratulations guys.. " pagbati ni Spolstra
sa mga players nya...
Lalong lumawak ang ngiti nina Zack..
"Well, you deserve it naman.. So paano..
Kitakits tayo tonight ha ?.. Dun tayo sa
bahay ko.. We must celebrate it.. "
nakangiting pag anyaya pa ng Coach.
Lahat naghiyawan sa suhestyon ni Spolstra..
Lumapit ang mag asawa kina Zack at Sab.
"Congratz iho.. Sabi na mananalo kayo eh ..
" nakangiting bati ni Saimon..
Napangiti din si Sabina.
"Ako talaga nagpanalo Daddy.. Ang galing
kong mag cheer eh.. " pagyayabang nya..
Natawa ang mag asawa..
"Anong magaling don?.. Eh wala ngang ka
effort effort yung pag sigaw mo.. " pang
aasar ng ama.
Napanguso si Sab..
"KJ mo talaga Dad.. Anyway.. Celebrate din
natin yung pagkapanalo ng Team.."
suhestyon naman ni Bridgette..
Tumango si Saimon..
"Yeah.. So what you want to do ?.. Lunch ?..
" tanong nya ..
Napaisip ang mag ina..
Niyakap ni Ditas ang anak mula sa likod..
"Ang galing mo anak.. " bati nya.
Ngumiti si Zack..
"Ayos lang po ba kayo ?.. " tanong nya.
Tumango si Ditas..
"Ayos lang.. Medyo kinabahan lang ako
nung lamang pa sila.. Pero alam ko naman
na kaya nyo yun eh.. Magaling ata ang anak
ko.. " puri pa..
Napangiti na lang si Zack at inakbayan ang
ina..
"So tara.. Lunch na lang tayo..Isasama ba
natin ang whole team ?.. " tanong ni
Saimon..
Napailing si Sab..
"Wag na muna Dad.. Since na may sarili
naman silang party tonight.. Dapat tayo na
lang.." aniya.
Sinulyapan ni Saimon ang binata..
"Ayos lang po..Kahit nga po wag na eh."
sabi pa ni Zack..
Pero umiling si Saimon..
"Nope.. Dapat may reward ang pagkapanalo
nyo.. Grabe napahanga mo talaga ako sa
scoring mo Zack.. Nuong kapanahunan ko..
Kaya ko din yan.. " pagyayabang nya..
Napangiti si Bridgette at ikinawit ang braso
sa braso ng kabiyak..
"Kwento mo sa pagong Daddy.. Tara na at
nagugutom na ko.. Masyadong nakakatense
ang game nina Zack..Nagrereklamo na ang
mga alaga ko.. " biro nya sabay hatak sa
asawa..
Nagtawanan na lang sila sa sinabi ng
babae..
Pasunod na sana sina Zack ng makarinig ng
tawag mula sa likuran..
"Hey Zack.." boses babae..
Paglingon ng binata ay nakita nya si Nerica
na nakangiti di kalayuan..
Nakaramdam ng kaba ang binata..
Pero di naman nya kayang balewalain ang
dalaga dahil kabastusan yon..
Kaya pasimple syang nagpaalam sa Ina at
kay Sab..
"T-teka lang po Nay.. Najijingle ako.."
pagdadahilan nya..
Napangiti na lang si Ditas..
"Oh sya sya.. Sabihin ko na lang na hintayin
ka muna namin.. Sa kotse na lang anak.."
pagpayag nya..
"Samahan na kita Kuya Zack.. " ani Sab..
Napangiwi si Zack sabay iling..
"A-ah.. A-ako na lang .. Pakisamahan mo
na lang si Inay .. Kasi medyo di nya
kabisado itong school di ba?.. " nag isip sya
ng maidadahilan..
Tila nakasense ng kakaiba si Sab.. Tinitigan
nya ang binata ..
Parang tumatagos ang tingin ni Sab kaya
yumuko si Zack at kunwari ay ihing ihi na..
"S-sige na nga.. " pagpayag ni Sab..
Ikinawit ni Sab ang braso nya sa braso ni
Aling Ditas at naglakad palabas ng gym..
Palingon lingon pa sya sa binata..
Nakahinga ng maluwag si Zack..
Hinatid nya pa ng tingin ang dalawa bago
muling tiningnan si Nerica..
Tinanguan nya ito at naglakad sa isang
sulok ng gym..
Tila naunawaan ng babae ang nais nyang
iparating kaya sumunod din ito sa kanya..
Pagdating sa sulok ay nakangiting lumapit
si Nerica at akmang hahalik sa binata..
Pero mabilis na umiwas si Zack kaya sa
pisngi nya tumama ang halik ng dalaga..
"N-nerica.. " pag iwas ni Zack..
Ngumiti si Nerica at tumango..
"Sorry.. Carried away lang.. Anyway,
Congratulations sayo..Ang galing mo !.."
pagbati nya..
Tumango si Zack.
"Salamat.. Pero di lang naman ako ang
nagpanalo.. Lahat kami ay nagtulungan para
sa ikakapanalo ng Team.. " nakangiting sabi
nya..
Napangiti din si Nerica ..
"Dyan ako bilib sayo Zack.. Humble ka..
Well, yun lang naman ang gusto kong
sabihin sayo.. " sabi nya..
Inabot ni Nerica ang palad nya para
makipagkamay kay Zack.
"Nice meeting you Zack.. Sana magkita pa
tayo someday.. To chat.. Or pwede ding
maging lovers.. " biro pa ni Nerica..
Natawa si Zack... Inabot din nya ang kamay
nya sa dalaga..
"Salamat Nerica.. Maganda ka... I'm sure na
maraming magkakandarapa sayo.." payo ni
Zack..
Napanguso si Nerica..
"Kung may ma-meet ako na meron kahit
kalahati ng katangian mo Zack.. Ako na
mismo ang manliligaw sa kanya.. " biro ng
dalaga.
Natawa lalo si Zack..
Sa huling pagkakataon ay hinalikan ng
dalaga ang pisngi ng binata..
"So bye bye na muna.. If there's anything
you need... Page me na lang.. Lista mo
pager number ko... " sinimulang isaulo ni
Nerica ang pager number nya.
Napangiwi si Zack..
"W-wala akong pager eh.. Basta alam ko
magkikita pa tayo.. Mag ingat ka at wag ka
na magpadalos dalos sa mga hakbang mo..
" payo ng binata.
Sumimangot si Nerica pero ngumiti din..
"Sige na nga.. Bye bye.. " paalam ng
dalaga..
Tumango si Zack..Nakangiti nyang hinatid
ng tanaw ang dalaga.. Para syang
nabunutan ng tinik sa nangyari..
Nagpasalamat sya at ganito ang
kinahinatnan ng sitwasyon..
Saglit na nilibot ni Zack ng tingin ang buong
gym..
Nagkalat ang plastic cups at balot ng kung
anu-anong pagkain sa kung saan..
Napailing na lang ang binata sabay talikod
at lumabas ng gym..
Nagulat si Nerica ng masalubong nya ang
galit na mukha ni Brix at Princess..
"What the hell just happened there?.. Sablay
na nga ang plano pero parang ang saya mo
pa rin ?.. " tanong ng binata..
Mabilis na nakabawi si Nerica sabay ngiti
ng matamis sa mag pinsan..
"Well, I just realized something.. Masyadong
mabait si Zack para gawan natin ng
masama.. So , I quit... Tapos na ang usapan
natin.. Kalimutan na lang natin ang isa't
isa.. " naalala ni Nerica ang sinabi ni
Primo..
Napapangiti pa rin sya kapag naaalala ang
lalim ng pinag usapan nila ng binatang
kaibigan ni Zack..Di nya maiwasang
makaramdam ng inggit.. Sa tanang ng
buhay nya.. Laging kaakibat ng
pagkakaibigan ang gamitan..
Akala nya nuon kapag nakikipagkaibigan sa
kanya ang isang tao.. Lagi itong may pakay
o pabor na nakahandang hilingin.. Pero
mula ng makilala nya si Zack at ang mga
barkada nito.. Nuon nya napagtanto na mali
pala ang paniniwala nya..
Well, di pa huli para magbago..
"Whaat ??.. You quit ?.. Eh paano yung
pinag usapan natin ?.. Yung bayad namin
sayo ?. " reklamo ni Princess..
Napangisi si Nerica..
"Don't worry.. I don't need your money
naman talaga.. Eto oh.. Intact yan.. Yan
mismo yung perang binayad nyo sakin
month ago.. Walang bawas.. " sabi ng
dalaga sabay labas ng pera mula sa bag..
Natulala ang mag pinsan..
Kinuha ni Nerica ang palad ni Princess
sabay abot ng pera..
Tumalikod na sya para tunguhin ang gate ng
campus.. Pero napalingon sya sa dalawa ng
magsalita si Brix..
"So your backing out ?.. " tanong ng binata..
Humarap muli si Nerica at tumango..
Ngumisi si Brix na parang nang iinsulto..
"I thought noone resists your charms ?.. But
it looks like you failed at Zack.. " natawa ng
sarkastiko ang binata..
Natawa din si Princess..
Napahinto si Nerica..Napaisip sya..
Tama ang sinabi ni Brix.. Yun ang
paniniwala nya nuong una.. Gamit ang
ganda at talino.. Madali nyang mapapaikot
ang kahit na sinong lalaki sa mga palad
nya..Pero iba si Zack at ang mga barkada
nito..Sing taas ng tore ang prinsipyo ng mga
ito lalo na kung masasangkot ang
pagkakaibigan at pagibig..
Imbes na mainsulto.. Tila proud pang tinaas
ni Nerica ang ulo at ngumiti sa dalawa..
"Yeah I know.. And I was such a bitch.. I
admit it also... But I changed.. Thanks to
Zack and friends.. " nakangiting sabi nya..
Napahinto sa pagtawa ang dalawa..
"What you mean ?.. " tanong ni Princess..
"You can't harm a good guy with a good
friends.. Uhm.. I think they're not just
friends.. They are family.. " dahil kina Zack..
Nagbago ang paniniwala ni Nerica..
Nakangiti syang tumalikod..
"I pity you.. You don't know what I mean..
So chow !.. " landi nya at naglakad ng seksi
palabas ng gate..
Tulalang naiwan sina Princess at
Brix..Talunan at walang magawa..
"Grabe busog much !.." hawak ni Sab ang
tyan nya ..
Kinalabit sya ng ina.. Pinandilatan at
palihim na nginuso si Zack..
"Why Mom ?.. " tanong ng dalagita..
"Ano ka ba ?.. Where's your manner ?..
Nakatingin sayo si Zack oh.. Nakakahiya ka
.. " gigil nitong bulong..
Mabilis na nag ayos si Sab .. Pero
napatingin sya sa ina at kumunot ang noo..
"E-eh ano naman po Mom ?.. " utal nyang
tanong..
Ngumiti lang si Bridgette at kumindat sa
anak..
Napanganga na lang si Sab sa ina..
"So.. Anong plano after this?.. " tanong ni
Saimon..
Nagkibit balikat ang asawa nya..
"San mo gustong pumunta Zack?.. Ikaw
anak ?.. " tanong pa ng ama..
Nagkatinginan ang dalawa..
"Uwi na lang tayo Dad.. Mag peprepare pa
ko.. Mom punta tayo ng salon ha ?.. " ungot
ng dalagita..
Napakunot ang noo nina Zack at Saimon..
Maging si Bridgette ay nagtaka..
"Why all of a sudden anak?. Di ba
kakaparlor mo lang the other day?.. " tanong
ni Bridgette..
Napanguso si Sab..
"Basta.. " reklamo nya..
Natawa na lang ang ina..
"Saan ka naman daw pupunta anak ?.. "
tanong ni Saimon..
"Victory party ng Team di ba?. Hello Daddy
.. Para kang nasa ibang planet.. " pang
aasar ni Sab..
Pero natawa sina Saimon at Ditas.. Maging
si Bridgette at napangiti ng lihim..
Napanganga si Zack..
"Don't tell me sasama ka sa Kuya Zack
mo ?.. " tanong ni Saimon..
Tumango si Sab sabay pinunasan ang labi
gamit ang tissue..
Tinitigan nya ang mga nakapaligid sa
kanya.. Parang natatawa ang mga ito..
"Why ?.. Masama ba sumama ?.. "
nakangusong tanong ni Sab..
"Pero ikaw na rin ang nagsabi anak.. Victory
Party ng Team.. So it's for the players lang..
Player ka ?.. " pang aasar ni Saimon..
Pasimpleng kinurot ni Bridgette ang
kabiyak..
"Hayaan mo na.. Basta uuwi sila ng
maaga.. Wag na magpapagabi.. Or better na
sunduin mo na lang sila after the party
Daddy.. " nakangiting kinindatan ng ina ang
anak.
Napangiti din si Sab..
Si Zack naman ay napakamot sa batok..
"Pero for the boys ata yon Sab.. Baka
mailang ka.. " sabi ni Zack.
Tiningnan ng masama ng dalagita ang
binata.
"Baket ?.. Don't tell me na ayaw mo ko
isama ?.. Siguro manchichix kayo don ?.. "
wala sa loob na tanong nya..
Huli na para mapag-isipan ni Sab ang sinabi
nya..
Ramdam nya ang pamumula ng pisngi dahil
napansin nya ang pagtingin ng tatlong
matatanda sa kanya..Kaya pasimple syang
napayuko..
"Ngek.. Ito talaga oh.. " naiiling na sabi ni
Zack..
Natawa si Saimon..
"Wala ka talaga pag asa mag ka girlfriend
Zackarias.. May bodyguard ka eh.. "
natatawang sabi nya..
Nagtawanan na lang ang lahat..
Tulad ng inaasahan..
"Iuwi mo ang anak ko ng buo iho.. "
pabirong sabi ni Saimon.. Pero nakalakip
duon ang seryosong utos ng isang ama..
Nakakaunawang tumango ang binata..
"Makakaasa po kayo Tito.. " seryosong
sagot ni Zack..
Di maiwasang kiligin ni Sab.. Pakiramdam
nya ay mag de-date sila ng binata at
pinagpapaalam sya ng pormal sa kanyang
mga magulang..
Tulad ng napag-usapan..
Kasama si Sab ng magpunta si Zack sa
victory party nila sa bahay ni Coach
Spolstra..
Nagcommute lang sila..
Patingin tingin sa kanya si Zack..Tahimik
lamang ito..
Kanina pa di makatiis si Sab kaya bago sila
pumasok ng gate ay hinarap nya ang binata
sa kanya.
"Bakit ka ba kasi tingin ng tingin ?.. May
dumi ba sa face ko ?.. Panget ba get-up
ko?.. Sana kanina mo pa sinabi yan.. Kainis
ka naman eh.. !" asar na tanong nya..
Lumamlam ang mga mata ni Zack at
sinuyod ng tingin ang dalagita..
"You look like a fallen angel Sab.. Angel,
kasi you have an angelic face.. Fallen, kasi
ang sungit mo.. " pabulong na sabi ng
binata..
Natigil sa pagsisintimyento si Sab..
Ramdam nya ang pag gapang ng kilig sa
katawan pero pinagtakpan nya na lang ito
ng pag tataray..
"Sus.. Nambola pa daw.. Baka nahihiya ka
lang na sitahin yung get-up ko.. Kainis.. Uwi
na nga ako.. Siguro manchichix talaga kayo
dyan kaya ito ang way mo para mapauwi
ako ng maaga eh.. " tuloy tuloy na reklamo
nya..
Pero napahinto si Sab ng hawakan ni Zack
ang mga kamay nya at titigan sa mga
mata..
Tila nababatubalaning inangat nya ang isang
kamay ay hinaplos ang pisngi ng dalagita..
"You have an angelic face.. Nasabi ko na
yan... Soft voice... Like an angel talaga..
Pero lagi kang nakaangil sa akin.. Di ko
alam kung bakit pero lalo lang pinapatindi
nuon ang nararamdam ko sayo.. Kahit na
magalit ka sa akin lagi.. You still have
pretty face.. " wala na sa sarili si Zack..
Natulala na lang din si Sab..
Gumapang ang mga dalari ng binata sa
mukha ng dalagita.
"Your eyes.. Lagi silang naniningkit.. Pero
still .. Your beautiful.." dagdag pa nya..
Tahimik na lang si Sab na nakikinig ..
"Your nose.. Maliit pero matangos.. " puri ni
Zack..
Natawa ng mahina ang dalagita..
"Wag kang mag uto.. Pango ako..Mas
matangos ilong mo.. " sabi ni Sab..
"Nope.. Mas matangos ang ilong mo.. Maliit
lang kasi sya kaya di mo napapansin.. And
this.. The sweetest thing I've ever tasted.. "
mahinang sabi ni Zack..
Nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Sab sa
braso sa ginagawang pagsamba ni Zack sa
mukha nya..
Maging sya ay tila natulala na din at wala
ng magawa kundi tumingin sa gwapong
mukha ng binata..
Unti unting lumamlam ang mga mata nilang
dalawa..
"Such sweet lips.. " bulong ni Zack..
Lalong namanhid ang pakiramdam ni Sab sa
ginagawa ng binata..
Dahan dahan nyang binuka ang mga labi
dahil pakiramdam nya ay nauuhaw sya..
Nasa labi ng binata ang kasagutan sa
kanyang pagkauhaw..
Kaya wala sa loob na inangat nya ang mga
braso para isabit sa leeg ni Zack..
Napangiti ang binata .
Ramdam nya ang paggapang ng apoy sa
kanyang sistema..
Sa batang edad.. Ramdam na nya ang
pangaingailangan ng katawan na tanging si
Sab lamang ang makakatugon..
Kita nya ang simpleng pagbuka ng
makikipot nitong mga labi..
Mamula mula at walang halong kolorete..
Napalunok si Zack..
Maging sya ay nakaramdam ng di
maipaliwanag na pagkauhaw..
Nasa mga labing iyon ang tubig na
makakatighaw sa kakulangan nya..
Kailangan nyang maramdaman ang pagdikit
ng mga labi nila dahil kung hindi..
Mababaliw sya..
Pumikit si Sab.. Tanda ng pagpapaubaya sa
binata..
Ayaw nyang magpakaipokrita ..
Ito din ang matagal na nyang inaasam..
Pasimple nyang hinapit ang leeg ng binata..
Tumingala si Sab..
Tagumpay ang ginawa nya dahil dahan
dahang naglapit ang mga mukha nila..
Di maipaliwanag ang antisipasyon..
Hanggang sa unti unting manliit ang
distansya ng mga labi nila..
Parehong nakapikit sina Sab at Zack..
Handa na ang parehong katawan na
tanggaping ang katotohanang kailangan nila
ang halik na iyon..
Hanggang sa wakas ay magtagpo ang
dalawa..
Nandilat si Sab ng maramdaman nya ang
pagdampi ng malambot na labi ng binata sa
labi nya..
Dahil sa ginawa ni Zack ay ramdam nya ang
kaninang pag hinto ng pagdaloy ng dugo
nya.. Pero ng magdampi ang mga labi nila
ay bigla namang parang bumilis ang
pagtibok ng puso nya dahilan para mag
pump ito ng extra..
Ramdam nila ang parehong tibok ng puso..
Mabilis ang mga ito na tila nag sasayaw sa
parehong ritmo na sila lamang ang
nakaririnig.
Tinagilid ni Zack ang ulo nya..
Dahil sa ginawa nyang ito ay lalong nagsara
ang mga labi nila para bigyan daan ang
isang makapigil hiningang halik..
Wala ng pakialam ang dalawa..
Tanging isa't isa ang mahalaga..
Halos tumagal ng isang minuto ang
pagsasalo ng dalawa sa matamis na halik
ng mangapos ang hininga ni Sab..
Pasimple syang kumalas sa binata..
Namumula ang kanyang mga pisngi..
Nahihiya sya sa inakto kaya dahan dahan
syang yumuko pero pinigilan ito ni Zack..
Inangat nya ang mukha ng dalagita at
nginitian..
"Napakaganda mo Sabina.. Maraming
salamat at dumating ka sa buhay ko.. " taos
pusong sabi ni Zack..
Napangiti si Sab..
Di nakatiis si Zack kaya muli nyang
dinampian ng masuyong halik ang mga labi
ng dalagita sabay niyakap ng mahigpit..
"S-salamat.. " naluluhang bulong nya..
THE END

______________________________________
Private Softcopy of :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

You might also like