Balagtasan 10th Diwang Sagisag Kultura NG Filipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

10th Diwang: Sagisag Kultura ng Filipinas

Paksa: Sa minimithing pagpapaunlad ng bansa, ano ang higit na kailangan – Ingles o Wikang
Pambansa

LAKANDIWA:

Paaralang elementarya ako ngayon ay buong galang sa inyo’y bumabati

Paksang kanilang sasabihin ay mahalaga sa aking pakiwari

Dahil ang pagtatalunan ng ating mga mambibigkas ay kung anong wika

Ang mas higit na magpapaunlad sa ating ekonomiya

Wikang pambansa ba o wikang banyaga

Na sa pagkabata’y nasa labi na

Kaya’t itong lakandiwa sa inyo ay nag-aanyaya

Na makinig sa ating dalawang mambabalagtas

WIKANG PAMBANSA:

Magandang araw sa lahat ng mga naririto

Lalo na sa ating lakandiwang gagabay sa ating pagtatalo

Maging sa aking katunggaling sanay handa na sa pagkatalo

Dahil ngayon palang ay ako na ang panalo

Sa paksa na ating pagtatalunan

Ay tunay na isa lang ang kasagutan

Sa pagpapaunlad ng bansa, ano ang higit na kailangan?

Eh ano pa kundi ang wikang ating kinagisnan


WIKANG BANYAGA:

Ang wikang Ingles, ang wikang unibersal

Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan

Para sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan

Upang ang mga bansa ay magkaunawaan

Ang wikang Ingles din ay magagamit sa paghahanap ng trabaho

Kung mahusay ka nito ay tumpak na mataas ang estado mo

Kabilang rito ang translator, call center, guro at inhinyero

Siguradong matatanggap at magkakalaman ang bulsa mo

WIKANG PAMBANSA:

Hindi mo na kailangan na mangibang bayan

Upang pagyabungin ang ating kakayanan

Na paunlarin ang ating inang bayan

Gamit ang ating sariling yaman

Bakit pa kailangan mo ang wikang banyaga?

Kung ang kausap mo ay Pilipino ring kapwa

Ang gamit niyang salita ay sarili nating wika

Madaling unawain, sa isip, salita at gawa

WIKANG BANYAGA:

Ang wikang Ingles, ibang wikang pangdaigdig

Maraming gamit sa pagkatuto’t pag-iisip

Pangunahing ginagamit sa lahat ng pag-aaral

Sa mga asignaturang English, Science at Math


Ang bagong alpabeto, hindi mo ba napapansin

Maski gamit ng computer, internet, Google at iba pa

Ito ay ang lenguwahe ng pagsulong at pag-unlad

Ito rin ay para sa kagalingan nating lahat

WIKANG PAMBANSA:

Ang pagpapaunlad ng ekonomiya ay maraming aspeto

Kailangan lang hanapin at pagyabungin ito

Katulad na lang ng agrikultura at ang kanyang produkto

Kung saan ang mga magsasaka ay handa ng sumuko

Alam naman natin na ang ating mga magsasaka

Karamihan sa kanila ay isang kahig, isang tuka

Pag sila ay kinausap ay iinglesin mo pa?

Hindi ba sa tingin mo ito ay hindi akma?

Ngunit pagkatandaan na sila ay hindi ko minamaliit

Ang kanilang kakayanan ay nais kong makamit

Ang kanilang halaga ay hindi matutumbasan

Ang kanilang sakripisyo para sa sambayanan

WIKANG BANYAGA:

Sa kabila ng mga pagkatuto at pagbabago

Hindi ko malilimutan ang wikang kinagisnan ko

Ngunit para sa pagganap at paglago

Ang wikang unibersal ay dapat pag-aralan mo


WIKANG PAMBANSA:

Nais ko lamang bigyan ng diin

Ang kahalagahan ng Pambansang wika natin

Lubos nating mauunawaan ang bawat isa

Kung sariling wika na ang gamit mula sa umpisa

Kaya sa ikauunlad ng ekonomiya, huwag ka ng tumingin sa malayo

Dahil ang tunay na yaman ay naririto

Tayo ay magkaisa at tayo’y magtulungan

Upang ang bansa ay umahon sa kahirapan

Mahalin natin ang sarili nating wika

Dahil ito ang pagkakakakilanlan ng ating bansa

Kahit saan mang sulok ng mundo ikaw ay magpunta

Dalhin mo ito at ipagmalaki ang ating sariling wika.

LAKANDIWA:

Atin ng natunghayan ang dalawang mambibigkas

Parehas silang may punto at wakas

Kaya sa inyong lahat ako ay lubos na nagpapasalamat

Sana sa aming diskusyon kayo ay namulat

You might also like