Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 4 NOTES

LESSON 1 : 3RD QUARTER REVIEW.

Kolonyal na mentalidad:
- Ang masyadong mataas na pagtingin sa mga banyaga at mababang pagtingin sa sariling
lahi at kultura.

 Ang tawag nila sa mga produktong galing sa ibang bansa ay tinatawag ng “imported”.

 Ang kabaliktaran, tinatawag na “lokal” ang mga produktong Pinoy o ang mga produkto
na hindi galing sa ibang bansa

ANG PAGKAKAKILANLANG PILIPINO:


1) Magalang sa Matanda:

- Kitang-kita ito sa kanilang pananalita sa mga Pilipino.

2) Magiliw sa Bisita:

- Ang pagiging magiliw sa bisita ay pagpapakita ng masayang pagtanggap at pag-aasikaso


sa sinumang dumadalaw sa tahanan.

3) Masayahin:

- Makailang beses nang lumitaw sa mga pandaigdigang “survey” na ang mga Pilipino ang
isa sa mga pinakamasayahing lahi sa buong mundo.

4) May pagpapahalaga sa pamilya:

- Mas mapatutunayan ito kung ikokompara sa pagpapahalaga ng ibang lahi.

Dalawang uri ng Pamilya:


 Nuclear Family: Ito ay isang pamilyang binubuo ng nanay, tatay, at mga anak.

 Extended Family: Ito ay ang uri ng pamilya kung saan sa iisang tahanan o tumpok ng
mga tahanan ay nakatira hindi lamang ang nanay, tatay at mga anak. Narito rin pati ang
lolo, lola, pinsan, tito, tita pamangkin, at iba pa.

5) Pakikipagkapuwa:

- Ito ay tumutukoy sa mabuting pakikitungo sa kapuwa. Sa salitang Ingles, ang tawag sa


kapuwa ay “other”.

Tatlong uri ng mabuting pakikipagkapuwa ng mga Pilipino:

1. Pakikisama:

- Ay maaaring mangahulugang pagpapatuloy ng maayos na pakikitungo sa kapuwa kahit


na hindi gusto ng isang tao ang kapuwa o ang ginagawa nito.

2. Utang na loob:

- Nangangahulugan ito na dahil may mabuting ginawa sa iyo ang iyong kapuwa, may
obligasyon ka rin na gawan siya nang Mabuti o umiwas sa paggawa sa kaniya nang
anumang masama.

3. Hiya:

- Ipinaoalagay na likas na mahiyain ang mga Pilipino, lalo na sa mga taong hindi malapit
sa kaniya.
- Ang taong gumagawa ng isang bagay na nakakahiya ay tinataguriang “walang hiya”.
LESSON 2 : 3RD QUARTER REVIEW

Sagisag:
- Ang sagisag ay tumutukoy sa mga simbolo na bumibgkis sa buong bansa.

ANG PAMBANSANG AWIT:

- Nagsimulang buoin ang musika ng pambansang awit nang makamit ng Pilipinas ang
Kalayaan mula sa Espanya noong 1898. Si Julian Felipe ang naatasan ng unang pangulo
ng bansa na si Emilio Aguinaldo na bumuo ng musika. Una tinawag iton “Marcha
Nacional Filipina”. Una itong pinatugtog noong iwagayway ni Pangukong Aguinaldo
ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Ito ang pormal na pagpapahayag ng Kalayaan
ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.

- Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay na likha ang


kasalukuyang liriko ng pambansang awit na “Lupang Hinirang”. Una ito inawit noong
Marso 26, 1956.

 Ang Tatlong Babae na nag hahabi ang watawat ng Pilipinas sa Hong Kong:

Ang mga babae na naghahabi sa watawat ng


Pilipinas ay sina:

- Marcela Agoncillo
- Delfina Natividad
- Lorenza Agoncillo
LESSON 3 : 3RD QUARTER REVIEW

You might also like