Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CHERRY PIE C.

VERANO BSED-FILIPINO 3B

PAGLALAKBAY TUNGO
SA PANGARAP NA TAHANAN

Ang paglalakbay ay hindi lamang maipakikita sa mga kilos o gawi, kagaya ng


pagsakay sa eroplano o mangibang bansa para makipagsapalaran. Isa sa pinakamalayo at
pinakamataas na paglalakbay ang pag-aaral at pagpupursige na makamtan ang
hinahangad na tagumpay anuman ang hamon ng buhay. Ang pagpapanatili ng
magandang relasyon at maayos na pamumuhay ay may mga kaakibat na suliranin at
pagsubok. Hindi kasingperpekto ng bilog ang ating buhay.
Kagaya ng mga alon sa dagat, hindi maganda ang
maging pamumuhay ng mga isda o
anong klase ng mga bagay na
namumuhay sa ilalim nito. Ang alon
ang isa sa mga sangkap na
nagbibigay pag-asa sa kanilang
buhay. Bawat alon ay may ibinibigay
na magandang oportunidad sa
kanila. Ang katumbas ng alon sa
ating mga tao ay ang mga pagsubok.
Ito ang sangkap na nagoapatatag sa ating lahat para mas makamtan ang perpektong
kasiyahan. Halimbawa na rito ay ang pag-aaral ng maraming taon at hindi sa madaliang
paraan. Ang pag-aaral ang may pinakamalaking ambag sa tagumpay na mayroon ang mga
indibidwal sa ating lipunan. Mahirap maging mahirap at manatiling mahirap sa buong
buhay natin. Araw-araw ay binibigyan tayo ng ating Poong Maykapal ng mga oportunidad
para mabago ang ating kapalaran at makuha ang inaasam na maganda at maayos na
tahanan.
Ang tahanan ay hindi lamang nangangahulugan na bahay kung saan tayo
naninirahan. May malalim itong kahulugan na dapat maramdaman ng karamihan.
Maaaring ito ay ang pagmamahal mula sa pamilya, sa mga kaibigan at kumportableng
pamumuhay na may kalayaan, proteksiyon, at kapayapaan. Masarap sa damdamin ang
tahanan kung saan kumpleto at wala ka ng hahanapin pa. Hindi ang malaking suweldo at
malaking bahay ang siyang tanging dapat na hangarin nating lahat. Proteksiyon ng buong
pamilya, pagkabuo ng pagmamahal ng bawat isa at ang pagtingin sa kung anong
maitutulong sa ibang tao. Itong mga bagay ang magkukumpleto sa tahanan na gusto
nating makamit lahat lalong-lalo na ako.

Ang bawat paglalakbay ay nagreresulta sa maganda kapag ginawa rin ito sa


mabuting paraan. Hindi rin maging maganda ang resulta kapag ang mga pamamaraan s
pag-abot ng mga pangarap at magandang tahanan ay sa maling paraan. Nakikita ng ating
Panginoon ang lahat ng ating mga paghihirap at nararamdaman niya kung ano talaga ang
totoong laman ng ating puso't isipan. Kaya't kumapit at umasa lang tayo na darating ang
magandang kinabukasan at makakamtan din natin ang inaasam nating magandang
tahanan.

You might also like