Pagsusuring Pampanitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAMANAHONG

PAPEL SA
PANITIKAN
PILIPINO

Ipinisa ni: Ginoong Menil, P. Sarvie


Kurso, Taon at Seksyon: BSHM 4-B
Ipinasa Kay: Ginang Heidilynn Alauig
Lualhati Torres Bautista

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat,


nobelista at aktibista. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong
nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-
pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre


1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at
sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa
Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos
ang kanyang unang taon.
Mga Parangal ni Lualhati Bautista:
Siya ay isa sa mga pinakatanyag na pilipinong nobelista. Bagama’t
kulang sa pormal na pagsasanay, kinikilala siya bilang isang matapang at
makatotohanang mamahayag ng boses ng mga kababaihan.

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa


ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng
pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat
niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong
naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at
pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at
parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng
Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan
sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City
Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para
sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa
Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy
Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best
screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga
gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay
nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang
Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra, unang gantimpala,
1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong
gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang
pantelebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa
Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng
pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa
Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings


(Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong 10
Marso 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang
Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

Natanggap niya ang mga Palanca Awards para sa nobelang


“Gapo”(1980), “Dekada 70”(1983), at “Bata, Bata Paano ka
Ginawa?”(1984). Nagkamit din siya ng Palanca Awards para sa maikling
kwentong “Talong Kwento ng Buhay ni Juan Candelabra” (Unang
karangalang banggit, 1982), at “Buwan, Buwan Hulugan Mo Akong
Sundang” (Ikatlong karangalang banggit, 1983). Nagsulat din siya ng
pelikula, tulad ng “Sakada” (1976), at “Mahawi Man ang Lupa” (1984)
na nominado sa Film Academy. Nilikha rin niya ang pelikulang “Bulaklak
ng City Jail Base” na hango sa kanyang nilimbag na nobela at ang
humakot sa halos lahat ng mga gantimpala ng Star Awards at Metro
Manila Film Festival.

Akda na kanyang Ginawa:


Ang Dekada ’70 (Dekada ’70: Ang Orihinal at Kumpletong
Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1]
Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang
pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970.
Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa
gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga
pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa
pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari
matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa
Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang
walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampolitika. Nawalan
ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng
Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome
ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na
lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-
sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni
Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan
bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada
’70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying
ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan
ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay
sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawan sa bagong
henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at
sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong
salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa
pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
Konklusyon at Pagsusuri sa Dekada ’70:

Maraming aral ang nagbibigay ng nobela sa mga Pilipinong gustong


ipaglaban ang kanilang mga sarili at karapatan. Ang isang mahalagang
aral sa Dekada ’70 ay pagbangon laban sa kahinaan ayt kahirapan. Sa
kabila ng kahirapan at pagiging mahina bunga ng situwasyon, maaring
baghin ng tao ang kaniyang kahihinatnan. Kailangan lamang
maninindigan. Mahalagang magkaroon ng prinsipyo. Ito ang magiging
sandata niya sa pakikipag-laban. At sinasabi rin dito na wag
magpapatalo sa mga nang-aabuso at sa mga nananakit ng damdamin,
dapat maging matiyaga at maging determinado sa ano mang pagsubok
sa buhay.

Ang napulot kong aral ay huwag natin imamaliit at bigay tayo ng


respeto sa kababaihan. Tayong mga makabayan ay tao, kung minamaliit
mo ang kababaihan, mali ang pag-iisipan mo dahil meron silang utak na
may ideya para magpagbago ang ating mundo. Pangalawa dapat
maging mapagtiis tayo hindi katulad kay Gani dahil may magandang
kinabukasan tayo at dapat tayong magsumikap. Pangatlo ay dapat tayo
ay maging katulad kay Jules na nagsasakripisyo ang kanyang buhay para
sa mga ibang mga tao. Meron mga oras na kailangan nating
magsasakripisyo tayo para hindi idamay at sasaktanin ang ating mga
kaibigan taong minamahal natin.

You might also like