Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 1

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng tiyak na Gawain, 75% ng mag-aaral ay inaasahang:


a. Matukoy ang tamang pag-gamit ng maliit at malaking letra.
b. Mabigyang halaga ang tamang pag-gamit ng maliit at malaking letra.
c. Mapakita ang pagiging matulungin sa isat-isa sa paggawa at sagot ng mga
aktibidad.

II. PAKSA NG PAGKATUTO

Paksa: Natutukoy ang gamit ng maliit at malaking letra.

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO

A. Mga sanggunian
https://youtu.be/kXeTpiV5DSQ?si=2LpZfXt-wEEuj8Q2 ,
https://youtu.be/96EsztDc5ME?si=vgvxAe5w063mrosT

B. Iba pang kagamitan


Visual aid, Laptop, TV, at Printed Pictures

IV. PROSESO NG PAGTUTURO (7 E’s)

A. Panimulang Gawain (6mins)

1. Pagbati
2. Panalagin
3. Pagsasaayos ng silid aralan
4. Pagtatala ng batang lumiban sa klase
5. Pagbabalik-aral
 Ano ang paksa na ating pinag-aralan nung nakaraan?
 Magbigay ng halimbawa nito?
B. Paglalahad ng Aralin

1. Paglahok (Elicit – 1mins)


Ang mga mag-aaral ay kakanta ng kanta na pinamagatang “Abakada
Song”, iton ay kanilang kakatahin ng may sigla.

2. Pagpukaw ng Interes (Engage – 5mins)

 Ang guro ay magpapakita ng mga halimbawa ng maliit at


malaking letra.
 Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng guro ng placard na may
nakasulat na maliit na letra at malaki na letra.
 Ang placard ay kanila lamang itataas kapag ang letra na
ipinakita ng guro ay maliit o malaking letra.

3. Paggalugad (Explore – 3mins)

 Ang guro ay magpapakita ng mga halimbawa ng pangalan ng tao


at lugar.
 Ang mga mag-aaral ay tutukuyin kung tama ba ang pag-gamit o
pagkakasulat ng mga letra sa mga ngalan na iyon.
 Kapag tama ang pag-gamit o pagkakasulat ng mga ngalan na ito
isasagot lang nila ang horey at kapag naman mali ay hep-hep ang
kanilang isasagot.
 Ang mag-aaral na gusto sumagot ay maaaring mataas ng kamay.

Mga Halimbawa na Pangalan ng Tao at Lugar


1. Pilipinas
2. Merry
3. batangas
4. Korea
5. anna

4. Pagpapaliwanag (Explain – 5mins)

 Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo.


 Ang guro ay magbibigay ng talaan ng trabaho(worksheet) sa
dalawang grupo.
 Ang talaan ng trabaho o worksheet ay mayd dalawang hanay,
hanay A at hanay B.
 Sa hanay A bibigyan nila ng tiyak na panglan ang mga
sumusunod na salita sa hanay B doon nila isasagot ang mga tiyak
na pangalan na hinihingi sa hanay A.
 Kailangan ang bawat grupo ay magtulungan upang matapos ang
talaan ng trabaho sa mabilis na oras dahil meron lamang silang 5
minuto para ito ay gawin.
 Dahil ang grupo na unang makakatapos makapagsagot ay siyang
mananalo at makakatanggap ng premyo sa guro.

Talaan ng Trabaho (Worksheet)


Hanay A Hanay B
Nanay
Lugar
Ate
Guro
Bansa
Halimbawa ng Kanilang gagawin:

Talaan ng Trabaho (Worksheet)


Hanay A Hanay B
Nanay Aurea Tique
Lugar Batangas
Ate Gen Tique
Guro Ma,am Jerrianne Tique
Bansa Pilipinas

5. Pagpapalawak (Elaborate – 5mins)

 Ano napansin niyo sa talaan ng trabaho na inyong


sinagutan?
 Kailangan ba na dapat ay tama ang pag-gamit natin ng
maliit at malaki na letra sa mga pangalan ng tao, lugar at
tbp?
 Bakit mahalag na alam at natutukoy natin ang tamang
pag-gamit at maliit at malaki na letra?
 Ang inyong bang natutunan ngayun araw ay maapply niyo
kapag kayo ay magsusulat ng pangalan ng tao, lugar at sa
paggawa ng isang pangungusap?

6. Pagtataya (Evaluate – 5mins)

Panuto: Iguhit ang malungkot na mukha kung tama ang pag-gamit ng


maliit at malaki na letra at malungkot na mukha kung hindi tama ang
gamit ng maliit at malaki na letra.

1. pilipnas
2. jose
3. America
4. Japan
5. marites
7. Pagpapalawig (Extend/Enrichment)

Takdang-aralin

Panuto: Isulat ang pangalan ng limang bansa o lugar na pangarap niyo


mapuntahan. Isulat din ang pangalan ng taong gusto niyong makasama sa
lugar o bansa na pangarap niyong mapuntahan. Ito ay gawin sa inyong
Filipino na notebook. Ipapasa sa muling pagkikita.

Inihanda ni: Nabatid ni:


JERRIANNE AUBREY S. TIQUE MARC ARVI V. QUIROZ
BEED 2B EED 7 Instructor

You might also like