Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO

Ang PAKIKINIG ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa
pamamagitan ng AUDITORY NERVE mabilis na dinadala sa UTAK (BRAIN) upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig. Ang PAKIKINIG ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa
sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.

May tatlong layunin ang pakikinig.

1.Tayo ay maaliw 2. Upang lumikom ng impormasyon/kaalaman 3. Upang mag-suri

Ang limang hakbang sa proseso ng pakikinig.

1. Pag-tanggap ng mensahe 2. Pag-pokus ng atensyon sa tinanggap na mensahe 3. Pag-papakahulugan

4. Pagalala/Pagtanda 5. Pagtugon

Ang PANG- UNAWA sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa pamamagitanng pagsagot sa mgatanong tungkol dito. Maaari ring
malaman kung naunawaan ang binasa kung kayo ay makabubuo nang mga tanong tungkol sa tekstong binasa. Ito ay sa
pamamagitan ng paggamit ang sumusunod na mga salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.

Sa pagbibigay ng buod ng isang kwento, salaysay o talata mahalagang makabuo muna ng BALANGKAS na maaaring nasa ating
isipan lamang o kaya ay maaari rin naming isulat.

1. Isulat ang pamagat ng kuwento.

2. Hatiin sa bahagi ang teksto batay sa kwento na bibigyang buod.

3. Sa bawat paksa dapat mailalahad ang mga mahahalagang detalye na magbibigay ng mga kaisipang mag-uugnay sa paksa.

PAGBUBUOD isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin.

Ang isinasama lamang sa isang buod ay ang pangunahing tauhan, ang mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito.
Sikaping gamitin ang sariling pangungusap sa paggawa ng buod upang ito ay maging mas payak at agad maunawaan.

ARGUMENTO ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o maselang
isyu.

Ito ay may mga layunin.

1. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga
pangangatwiran.

2. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga
pangangatwiran.

Ang PAGBABALANGKAS ay maayos na pagtatala ng mga pangunahin at pantulong na paksa sa isang akda.

You might also like