Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

INNOVATIVE COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY

Malitbog, Bongabong, Oriental Mindoro

Module tungkol sa: Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino


Ika-10 Linggo

I. Layunin
Sa araling ito, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyo bilang guro ng
wika. Inaasahang magagamit mo ang mga kabatirang ito upang:
 Mapalawak ang kaalaman hinggil sa kalikasan at istruktura ng wikang Filipino.

II. Itinakdang Panahon: Tatlong (3) Oras

III. Nilalaman: Aralin 10: Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino

Aralin 10: Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino

KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

Bilang panimulang pagkilala sa istraktura ng isang wika, mahalagang maging pamilyar sa taglay nitong
ponolohiya o palatunugan, ang agham ng mga tunog ng isang wika, kasama ang pag-aaral ng histori at mga
teorya ng mga pagbabago ng tunog sa isang partikular na wika o sa dalawa o higit pang magkakaugnay na mga
wika (Webster, 1990). Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang
mga tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa nang higit sa mga kasunod na pahina.

Ayon kay Santiago (2005), may tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ung isarg tao: 1. ang
pinanggagalingan ng enerhivao lakas, . ang artikulador o kumakatal na bagay, at ang 5. resonador o patunugan.

Inilarawan din ni Santiago ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito sa paglikha ng mga tunog.
Hangin ang midyum ng mga alon ng tunog na stya naman nating naririnig sa oras na ito ay bigkasin ng isang
nagsasalita. Pansinin ang kasunod na ilustrasyon.

1.4.2 Ponolohiya

Ang ponema ay tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-aaral
nito ay tinatawag namang ponolohiya.

Bawat wika sa daigdig ay binubuo ng set ng mga tunog na may kanya kaniyang dami o bilang. Nagiging
makabuluhan ang isang partikular na tunog kung nagagawa nitong ibahin ang kahulugan ng isang salita
sakaling ito'y tanggalin o palitan.

Istruktura ng Wikang Filipino | Ms. Kathlene Estrope Retes Page 1 of 4


INNOVATIVE COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Malitbog, Bongabong, Oriental Mindoro

May dalawampu't isang (21) ponema ang wikang Filipino labinganim (16) ang katinig at lima (5) naman
ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, y, w, '/. Ang mga
katinig naman ay ang /i, e, a, 0, u/.

Ang ponemang/ŋ/ ay kumakatawan sa titik na ng. Samantala, ang/'/ naman ay kumakatawan sa impit na
tunog o sa saglit na pagpigil sa hangin. Sa ating wika, makahulugan ang tunog na ito. Pansinin ang mga
kasunod na halimbawa:

/tu:boh/ vs /tu:bo'/
/u:poh/ vs /upo'/
/kitah/ vs /ki:ta'/

Ang mga ponemang patinig ay mailalarawan batay sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang bawat
isa at batay sa posisyon ng dila sa pagbigkas ng bawat isa. Pansinin ang kasunod na tsart.
Harap Sentra Likod
l
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Mailalarawan naman ang mga ponemang katinig batay sa punto ng artikulasyon o ang pinagganapan ng
bawat tunog at sa paraan ng bawat artikulasyon o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng mga ito.
Pansinin ang kasunod na tsart.

Ang mga ponemang patinig at katinig ay tinatawag ding mga ponemang segmental dahil may
katawaning simbolo ang mga ito.

May isa pang kategorya ng mga ponema. ito ay ang mga ponemang suprasegmental. Walang ponemik
na simbolong katawanin ang mga ito. Ito ay ang tono/intonasyon, haba/diin at hinto/antala. Pansinin ang
pagbabago sa kahulugan ng mga sumusunod gamit ang mga ponemang suprasegmental.

Bigkasin ang mga sumusunod nang may magkaibang tono:

a. Dumating na ang Pangulo.


b. Dumating na ang Pangulo?
c. Ako.
d. Ako?

Bigkasin ang mga sumusunod. Lagyan ng diin ang nakasulat sa malaking titik:

a. TUbo vs tuBO

Istruktura ng Wikang Filipino | Ms. Kathlene Estrope Retes Page 2 of 4


INNOVATIVE COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Malitbog, Bongabong, Oriental Mindoro

b. PIto vs piTO
c. SAya vs saYA
d. MagsaSAka vs magsasaKA

Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman kapag nakita ang #:

a. Hindi puti #
b. Hindi # puti #
c. Si Mark Anthony # at ako #
d. Si Mark # Anthony # at ako #
e. Hindi # ako ang may kasalanan *
f. Hindi ako # ang may kasalanan #
g. Doc # Jun Roman #ang aking pangalan #
h. Doc Jun # Roman # ang aking pangalan #
i. Doc Jun Roman # ang aking pangalan #

1.4.3 Morpolohiya

Tumutukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng m makabuluhang yunit ng isang salita o.


morpema.

Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang/o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring
mangahulugan ng kasarian. Pansinin ang mga kasunod na halimbawa:

maestro vs maestra
abugado vs abugada
Paula vs Paulo
tindero vs tindera
Angelito vs Angelita

Ang ikalawang uri ng morpema ay ang mga salitangugat. Mga payak itong salita dahil walang panlapi.
Mga halimbawa:
mata payong ligaya
pagod saya tuwa
kain bato taas

Ang huling uri nito ay ang mga panlapi na maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. May mga salitang
gumagamit ng kumbinasyon ng Iba't ibang paraan ng paglalapi. Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginamit sa
mga sumusunod na halimbawa:

minata matahin mapangnmata


nagpayong nagpayungan pinayungan
pagurin Ikinapagod napagod
taasan tumaas nakipagpataasan
binato batuhin nagbatuhan

Ang morpema ay maaari ring 1) may kahulugang lekstkal o 2) pangkayarian. Leksikal ang kahulugan ng
isang morpema kung ang salita ay pangnilalaman. Kabilang dito ang mga salitang panawag sa mga kongkreto at
abstraktong bagay o pangngalan, salitang panghalili sa mga pangngalan, panghalip. salitang-kilus o pandiwa,
salitang panlarawan o pang-uri, at mga pang-abay na nagsasabi ng panahon, paraan ng pagsasagawa ng kilos, o
nagtuturo ng lugar at iba pa.
Halimbawa:

Pangngalan - asa, tan, sabon, paaralan, kompyuter, disket, telebisyon,


vugi (itlog ng Lsda, ltbanag); masjid {mosque, lausug)

Panghalip: - ako, ikaw, Siya, kayo, tayo, kami, sila

Istruktura ng Wikang Filipino | Ms. Kathlene Estrope Retes Page 3 of 4


INNOVATIVE COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY
Malitbog, Bongabong, Oriental Mindoro

Pandiwa: - mag-aral, kutmakanta, naglinis, umawit, inisin, aakyatin, nagsisipag-alisan

Pang-uri: - banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, maram-rami

Pangabay: - kahapon, kanina, totoong maganda, doon, diyan, patalikod, pasigaw

Ang mga morpemang pangkayarian ay walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang
kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Kabilang dito ang sumusunod:

Pang-angkop: na, ng, g


Pangatnig: at, o, saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa
Pananda: ang, ng, sa, si/ sina, ni/nina, kay/ kina, ay

V. Katanungan
*Ano ang Ponema?
*Ano ang Morpema?
*Paano nagkakaiba-iba ang kahulugan ng bawat salitang binibigkas? Patunayan.

VI. Gawain
*I-record ang sarili habang binibigkas ang mga salitang may parehong baybay ngunit magkaiba ang kahulugan
(nasa ibaba) at pagkatapos ay ipaliwanag kung ano ang tinutukoy ng bawat salita. (hal. tu:boh- pipe, tu:bo’-
kinita o profit). I-send sa aking fb account Kathlene Retes.

u:poh vs upo’
ki:tah vs ki:ta’
sa:yah vs sayah
tu:boh vs tu:bo’
pi:toh vs pitoh

Checked by:

Mrs. Rosalia F. Soriano


Head/OIC

Istruktura ng Wikang Filipino | Ms. Kathlene Estrope Retes Page 4 of 4

You might also like