Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TAMIS NG PAGPUPUNYAGI

ni: Maria
Merry S. Esguerra, Fermin La Rosa National High School
Unang Puwesto sa Pansangay na Paligsahan
Sa Paglikha ng Kalipunan ng mga Sanaysay

Malalakas na palakpak, nakabibinging sigawan at mga papuring salita na masarap sa tainga. Ito ang
kadalasang nangyayari pagkatapos ng isang palabas na nagsisilbing hudyat ng tagumpay.
Sa ating buhay, ito rin kaya ang sukatan ng tagumpay? Mayroong mga batayan ay kayamanan,
kapangyarihan at kasikatan. Samantalang para sa isang simpleng mamamayan ang tamis ng ngiti, kumpletong
pamilya, malusog na pangangatawan at pagiging kuntento sa buhay na pinili ay isang tagumpay na para sa
kanila.
Ang tunay na tagumpay ay masusukat kung paano natin gustong tumakbo ang istorya ng buhay; buhay
na may layunin, layuning maging masaya, maging totoo at maipakita ang tunay na ikaw.
Hindi sa lakas ng palakpakan na nakatitili sa tainga o sa malalakas na sigawan na nakapagpapalakas ng
dibdib at lalong hindi sa mabulaklak na salita nasusukat ang tunay na tagumpay….. ito ay nasa iyong mga
kamay. Kung paano mo hinulma ang iyong buhay ay hindi mahalaga, ang mahalaga ay masaya ka kung anong
mayroon ka.
Hindi lahat ng mga ninanais natin sa buhay ay makapagtuturo sa ating landas patungo sa tagumpay at sa
karangyaang ating inaasam.
Kung susubukin mong magtanong- tanong, mag-ukol ng oras upang alamin kung ano ba talaga ang
makapagbibigay ng walang kapantay na tagumpay, mayroong mga tao na kahit payak ang buhay ay kakikitaan
mo ng salamin ng tagumpay. Hindi maaalis ang wagas na kasiyahan sa mukha sapagkat kasama ang pamilya.
Mayroon silang sapat na oras para sa mga anak at naibibigay ang lahat nilang pangangailangan.
Tanging ang nakahahawang tawa ng mga bata at nakabibinging kwentuhan ang iyong kailangan. Bakit
mo kailangan ang maraming papuri sa iba? Sapat na ang ligayang abot-langit na nagmumula sa labi ng katabing
pamilya.
Bakit hindi mo gawing simple lamang ang lahat? Ang hangarin mo ay maibigay ang kaligayahan ng
pamilya. Ito ay isang payak na buhay na may pagpapahalaga sa kung anong mayroon ka na maiaalay sa bawat
isa ay maituturing na isang tagumpay na walang kapantay. Ito ay isang tagumpay na maipagmamalaki…hindi
nabibili at hindi makukuha o mananakaw ng iba.
Maging matagumpay! Alamin ang tunay na ikaw at ang higit na mahalagang bagay na makapagdudulot
sa iyo ng kaligayahang walang kupas at ngiting magniningning sa gitna man ng dilim.

1. Alin ang itinuturing na hudyat ng tagumpay pagkatapos ng isang palabas?


a. Nakabibinging sigawan at palakpakan ng mga manonood
b. Di magkamayaw na palakpakan, sigawan at mga papuring salita
c. Malalakas na palakpak, nakabibinging sigawan at mga papuring salita
d. Nakabibinging palakpakan, mga sigawan at mga papuring salita sa madla
2. Batay sa akda, paano masusukat ang tunay na tagumpay?
a.Kung naging totoo sa buhay ng isang tao
b. Kung naging masaya sa buhay ng isang tao
c. Kung naging kuntento sa buhay ang isang tao
d. Kung naging masaya, totoo at kuntento sa buhay ng isang tao.
3. Sa mga huling talata ng akda, ano ang labis na pinahahalagahan ng manunulat?
a. Pagpapahalaga sa ligayang dulot ng pamilya
b. Pagpapahalaga sa pagiging makatotohanan
c. Pagpapahalaga sa pagiging masaya
d. Pagpapahalaga sa tagumpay
4. Ano ang mungkahi ng manunulat upang makamtan ang isang tagumpay na walang kapantay?
a. Mamuhay ng payak kapiling ang pamilya
b. Mamuhay ng naaayon kung ano ang mayroon ka
c. Gawing simple ang lahat at ibigay ang kaligayahan ng pamilya
d. Gawing simple at huwang kalimutan ang sariling pamilya
5. Alin ang lumutang na layunin ng manunulat sa akda?
a. Magpaliwanag
b. Magbigay-aliw
c. Mangaral
d. Magturo

You might also like