Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON

The National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN

PAKSA:

“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”


Panitikan

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
Nasusuri ang katangian at elemento ng kwentong-bayan batay sa
paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura.
F7PB-llld-e-16

Mga tiyak na layunin:


a. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari sa akda(maikling kwento)
b. Napahahalagahan ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang pangkat-
etniko.
c. Nagagamit ang mga salita sa panungusap.

INIHANDA NI
JONALYN C. GARCIA
Gurong Nagsasanay

IPINASA KAY
GNG. LEONES B. SANTUA
Gurong Tagasanay

February 05, 2024


MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
INIHANDA NI JONALYN C. GARCIA
GURONG NAGSASANAY

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting)


Pagganap tungkol sa kanilang sariling lugar

C. Mga Kasanayan sa Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:.


Pagkatuto
Nasusuri ang katangian at elemento ng kwentong-bayan batay sa paksa, mga tauhan,
tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura. F7PB-llld-e-16

D. Mga tiyak na layunin a. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari sa akda(maikling kwento)


b. Napahahalagahan ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang pangkat-etniko.
c. Nagagamit ang mga salita sa panungusap.

II. PAKSA
A. PAKSA:
Panitikan: Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITAN: Powerpoint presentation
D. PAGPAPAHALAGA: Napahahalagahan ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang pangkat-etniko.

IIII. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

PAGBATI
Isang mapagpala at masiglang araw mga munting
magsasaka. Narito si Mang Gaspar upang samahan tayo sa
ating makabuluhang pagtatanim. Kayo ay mga munting
magsasaka niya at ako naman ang kaniyang kanang-kamay
na siyang magsisilbi ninyong taga-gabay upang sa inyong
mga gagawin ay magtagumpay.

PANALANGIN
Subalit bago natin simulan ang ating pagtatanim ay atin
munang hingiin sa ating Ama ang kaniyang basbas at
pagpapala upang sa ating mga gagawin ay maging maganda Video ng Panalangin
at mabunga. Ito ay sa pamamagitana ng isang video.

PAGSASAAYOS NG SILID
Pulutin niyo muna ang mga kalat sa mga silong ng upuan at
pagkatapos ay siguraduhing naka-ayos ang inyong mga
upuan.

Maaari na kayong maupo. Salamat po, Ma’am.

At dahil malawak ang taniman ni Mang Gaspar ay hahatiin


ko kayo sa tatlong grupo sa pamamagitan ng wheel picker.
Ang mga grupo ay tatawaging LIFU-O, NAPAT-A at

PAGE \* MERGEFORMAT 2
SABSAFUNG. Ang grupo na may pinakamaraming
maitatanim na butil ang siyang makakakuha ng meryenda
pagkatapos ng talakayan.

Bago natin simulan ang ating pagtatanim ay mayroon


lamang paalala si Mang Gaspar.

Pakibasa nga kung ano ang nakasulat. Tumahimik, makinig at iwasang makipagdaldalan sa
katabi
Ayusin ang pag-upo at siguraduhing nakahanay ng
tama at maayos ang inyong mga upuan.
Ngumiti at laging igalang ang Guro at mga kamag-
aral.
Itaas ang kanang kamay kapag nais sumagot o kung
may katanungan.
Maging aktibo sa talakayan upang maging lubos ang
inyong pagkatuto.
Kapag sinabi kong “Handa na ba kayo?”, sasabihin niyo
naman ang “Opo, handa na po!”

Klas, handa na ba kayo? Opo, handa na po!


PAGTATALA NG LIBAN
Sekretyarya ng klase, mayroon bang lumiban ngayon? Wala po Ma’am.
Mainam kung ganon sapagkat lahat ay makakasama sa
gawaing pagtatanim.

B. PANLINANG NA GAWAIN

PAGGANYAK
Sa ating pagsisimula ay sundan natin ang unang proseso ng
pagtatanim na PANAGARADU. Atin munang ihanda ang
inyong mga kaisipan kagaya na lamang ng pagbubungkal
ng lupa para ito ay maihandang tamnan. Magkakaroon tayo
ng isang gawain. Panuto: Bawat bilang ay kaakibat nito ang letra ng
alpabeto. Ibigay ang hinihinging salita ng bawat
Pakibasa ang panuto. kahon.

Af-fong: tirahan ng isang pamilyang Igorot


Am-ama: matatandang igorot
Ay-yeng: mga panalangin inawit sa Canao
Fatek: mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo
Intugtukon: tanging lupon ng matatalinong matatanda sa
bayan-bayanan sa nayon na hinihingian ng mga tao ng payo
Tap-pey: uri ng alak
Gangsa; isang uri ng instrumenting karaniwang ginagamit
sa mga idinaraos ng Canao

Napansin niyo ba ang mga salitang inyong binigyang


kahulugan? Ang gawaing ito ay may kinalaman sa ating
pag-aaralan sa araw na ito.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
PAGLALAHAD
Pagkatapos ng isang talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang: a. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari sa
akda(maikling kwento)
b. Napahahalagahan ang kultura at tradisyon ng iba’t
ibang pangkat-etniko.
c. Nagagamit ang mga salita sa panungusap.
Klas, narinig niyo na ba ang alamat na pinamagatang
“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”?
Kung gayon, ay makinig at ako ay narito upang ibahagi sa
inyo ang susunod na hakbang ng pagtatanim, ito ay ang
Panagimula.

PAGTALAKAY
Tapos na kaninang naararo ang lupain kaya dumako na tayo
sa PANAGIMULA na kung saan ay handa na nating
tamnan ang lupain na tulad ng inyong mga kaisipan ay
tatamnan natin ito ng mga kaalaman.

Ngayon naman ay sisimulan na nating magtanim ng mga


kaalaman na siyang ating aalagaan at palalaguin.

Bakit hindi Maganda na maghangad ng labis lalo na sa


kayamanan? Mark: Ma’am masama po kase magdudulot ng hindi
magandang bagay.
Sino sa inyo ang mayroon pang mga ritwal o orasyon na
ginagawa sa kani-kaniyang mga lugar?
(Magtataasan sila ng kamay tapos tatanungin ko sila
isa-isa kung paano iyon ginagawa, kailan, saan at
para saan.)
Nakapaintersante klas. Ngayon naman ay making nang
Mabuti at tayo na ay magsisimulang magtanim ng mga
binhi ng kaalaman.

Klas, pakibasa nga ang nasa powerpoint.


CANAO- ito ay isang ritwal o seremonyang
ginagawa sa isang pagtitipon. Ilan sa mga pangkat-
etnikong gumgawa nito ay mga Kankana-ey,
Kalinga, Igorot at iba pa. isinasagawa ito bilang
selebrasyon sa masagang ani, pasaslamat kay
Kabunian, panggagamot, pagbibinyag, pag-aasawa at
So klas napansin niyo ba na ang Canao ay halos kagaya iba pa.
lang din ng mga nabanggit niyo kanina na isinasagawa sa
inyo. Ginagawa din ito sa isang particular na paraan at
dahilan.

Klas, ngayong alam niyo na ang patungkol sa Canao ay


dumako na tayo sa sating babasahing alamat na
pinamagatang…? Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao

Ano ang mga dapat Gawain kapag nagbabasa? Ma’am making po nang Mabuti.

Ano pa bukod doon? Magtala po ng mga mahahalagang impormasyon.

Tama sapagkat pagkatapos ninyong magbasa ay akin ko


kayong tatanungin ng mga kaugnay na katanungan base sa
alamat kung kayat inyo ngang basahin ang mga katanungan. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ilarawan
ang kaniyang katangian.
2. ano ang dahilan at nagpadaos ng Canao si Lifu-o
PAGE \* MERGEFORMAT 2
at ang kaniyang pamilya?
3. Paano nila pinaghandaan ang nasabing
pagdiriwang?
4. Paano ipinagriwang ng pamilya ni Lif-o ang
Canao?
5. Ano ang nagging gantimpala sa kanila ni Bathala
sa kanilang isinagawang pagdiriwang? Ano ang
kinahinatnan ng gantimpalang iyon?
6. Kung ikaw si Lifu-o o isa sa kanilang mga
kasama, ano ang gagawin mo upang maiwasan ang
nangyari sa gantimpala na kanila sanang natanggap?
7. Anong isang kahulugan ng nabanggit sa akda na
simula sa araw na yaon ay paghihirapan muna ng tao
ang pagkuha ng isang ginto? Nangyayari bai to sa
kasalukuyan?
8. Anong pangunahing aral ang nagging hatid ng
maikling kwento sa iyong nuhay?

O klas, maya-maya ay atin iyang sasagutin ung kaya’t


making at magtala.
Dumating ang matatandang iyon sa isang
pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang
kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa
nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung
siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahong
mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-
ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng
mga katutubong nagkakatuwaan pa sa paghabol sa
iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao.

Klas? Ano nga ulit ang Canao? Ma’am isang pagdiriwang po na isinasagawa bilang
pasasalamat kay Kabunian.

Ano pa bukod doon? Isinasagawa din po ito bilang panggagmot, sa kasal


at gayun din kapag hihiling kay Kabunian.

Sino sino naman ang mga nagsasagawa nito? Mga pangkat etniko po katulad ng
Kankanaey,Kalinga at iba pa.

Maari mo bang basahin ang unang talata Stepanie? Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay
Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa
pagtungo ni Lifu-o sa kaingin, ay nakakita siya ng
isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang
masamang pangitain. Bumalik na siya sa kanilang
ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga
intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig
niyang ganapin iyon sa kanilang af-fong. Ang
pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga
labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng
buhay sa pook na iyon ; sa idinaraos na canao
nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan
niyon: pagkakasal kaya pagsilang, pagtatanim, pag-
aari kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya,
paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng isang
katutubi? At dinadaluhan nila ang ganitong canao at
naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa
naaakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na
sumakop sa ato nila.
Ano ang dahilan ni Lifu-o kung bakit nagpasagawa siya ng
Canao sa kanilang tahanan? Ma’am sapagkat nakakita siya ng itim na uwak at ito

PAGE \* MERGEFORMAT 2
daw po ay isang masamang pangitain.
Kung kaya’t..?
Nagpasagawa po siya ng Canao upang humiling ng
paggabay kay Kabunian at ilayo po sila sa masamang
bagay.
Ano sa tingin niyo ang dahilan ng biglaang pagsulpot ng
matanda sa gabi ng Canao. Ma’am nabanggit po kase sa akda na ang Canao ay
dinadaluhan ng mga tao sa particular nalugar at
marahil ay naakit ang matanda sa pagririwang.
Saan ginaganap ang Canao ayon sa akda?
Ma’am sa mga burol, at sa mga bundok ng pook na
iyon.

“Ama,” pumukaw ang tinig si Sabsafung. “Ihahanda


ko na ang mga tap-pey at fayas.” Binabalingan ni
Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya
namamalayan. Sa makulay nitong lufid na
nabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging
canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya
ngayon. Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-
pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang
fatek sa braso, balikat at leeg ng anak ay nagiging
magagandang guhit na hindi makapagkukubli sa
katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na
ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek.
Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang
anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa
kanilang kaingin… at sa pagdaos ng canao. “ihanda
mo na… Tulungan mo ang iyong ina…”
Ilarawan nga ang anak ni Lifu-o na si Sabsafung.
Ma’am naiiba ang ganda.
Kung ihahambing niyo si Sabsafung, sino sa mga kaklase
niyo ang maari niyong itulad sa kanya. (magtatas sila ng kamay at sasagot)

Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga


kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao.
Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na
kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng
mga nagsisihabol, natumba ang lusong kasama ang
matandang kuba. Natanaw ni Lifu-o kung
paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli
itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may nakita
si Lifu-ong na tila kakaiba—pang-akit Wari sa
katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na
ninyo ako…”
Ano ang nangyari sa matanda at ano naman ang napansin ni
Lifu-o? Dahil sa paghuli ng mga tao sa baboy na iaalay ay
natumba ang matanda at habang itinatayo nila ang
matanda ay may napansin na kakaiba ang matanda.

Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-


iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng
— malalakas a nananawagan: iligtas kami sa
anumang panganib… iligtas kami sa mga
kapahamakang darating, kadakilaan… O, Kabunian!
Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping
dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang
Kabunian, ng masagana at mahabang buhay ang mga
nasa ato s ailing ito. Napatay na ng matatanda
ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Mamamasid-masid lamang ang matandang kuba sa
pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang
ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang
ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na
lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa
Sa parting ito, ano ang mabubuo niyong kaisipan? Diba matanda. Nasa dilim na siya.
kani-kanina lamang ay tinanong ko kayo kung mayroon pa
ba kayong isinasagawang mga orasyon o selebrasyon? Ma’am sa tingin ko po ay ang Canao ay parte ng
tradsiyon ng mga Kankanaey at Kalinga patungkol
Tama sapagkat bawat lugar ay may kanya-kanyang mga po sa paghingi ng basbas, pasasalamat at iba pa.
ganitong selebrasyon at orasyon. Sa tingin niyo, buhay pa
kaya ang mga ito? Sa tingin po buhay pa po ang Ilan sapagkat mayroon
pa rin naming pong nagsasagawa subalit
nakakalungkot isipin na ang iba ay unti-unti na ring
Ano kaya sa tingin niyo ang dahilan? nawawala.

Siguro po ay dahil sa makabagong panahon na at


Kung kaya’t nakakalungkot isipin na nawawala na ang mga hindi na rin ito naipapasa sa mga sumusunod na
ganito na sana’y magpapayaman sa ating kultura at henerasyon.
tradisyon bilang mga Pilipino.

Binalikan ni Lif u-o ang matanda. Doon ka, am-


ama. Makiisa ka sa amin.” Babalik din sila
riyo…” “Ibig mo bang ngumata ng tabako
habang naghihintay?” Dumukot si Lifu-o sa
nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng
tabako. “Salamat… Ngunit bumalik ka na roon.”
Itinaboy siya ng matanda. Bumalik na nga
sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa
pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.
“Nasaan si lifu-o?” “Si Lifu-o?” “Lifu-
o…?”
Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas
ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga…
bumalik silang masasaya… at lumalakas ang
awiitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng
koongan. Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng
baboy ay nakaturong palabas…” Tuhugin sa
patpat…suksok sa bubungan… sa malapit sa
pintuan!” “Magbibigay ng magandang
kapalaran ang mga anito sa patnubay ni
Kabunian…!” “Dulatan ng karne ang mga
anito: ilagay sa kiyag… paanyayahan muna ng
panalangin!” “Lifu-o,” bahagyang nagulantang
ang tinawag. “Idudulot na ang tap-pey, Lifuu-o.”
Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang si Napat-a.”
sang matandang kuba ang dumating ng gabing iyon,
papilay pilay itong naglakad patungo sa
nakatumbang lusong at doon naupo ito. Hindi na siya
nilapitan o inusisa ng mga ng mga tao.
Nang gabing iyon nagdadaos ang pamilya ni Lufu-o
ng Cañao
Sapagkat kanina habang patungo si Lufu-o sa
kaingin siya ay nakakita ng isang itim na uwak, para
sa kanila ang makakita noon ay isang masamang
pangitain kung kaya sila ay nagdaos ng Cañao.

Ipinagdiwang ang Cañao, inayayahan ni Lufu-o na


makiisa sa kanila ang matandang kuba ngunit ito ay

PAGE \* MERGEFORMAT 2
tumangi.

Bumalik si Lufu-o sa kanilang bahay upang isagawa


ang ritwal. Pagkatapos noon sila ay lumabas ng
bahay. Kanyang dinulutan ang matandang kuba ng
makakain. Doon nagsalita ang matanda sa sa isang
makapangyarihang tinig. Ang lahat ay natigil. Sinabi
ng matandang kuba na siya ay nasiyahan sa isinaos
nilang Cañao
Kung kaya siya y magbibigay naman ng gantimpala
sa mga ito. Sinabi niya na siya ay takluban ng isang
malaking kawa at huwag gagalawin. Ipagpatuloy nila
ang Cañao. Nagsalita muli ang matandang kuba. Sa
ikatlong araw may tutubong
puno. Binilinan niya ang mga ito na huwag
gagalawin ang puno. Tanging ang mga bunga
Nang matapos ang Canao, ano ang ginawa ni Lifu-o? lamang nito ang maaring pitasin. At kanilang ginawa
ang sinabi ng matanda.

Ano ang sinabi ng matanda sa kanila? Binalikan ni Lifu-o ang matanda at nagbilin ang
matanda sa kanila.

Nagbilin ang matanda na takluban siya ng kawan at


huwag bubuksan.

Sinabi rin ng matanda na dininig na ng mga anito


ang kanilang mga hiling.

Nang sumapit nga ang itinakdang araw sila ay


nagtipon-tipon kung saan nila tinakluban ang
matandang kuba. Nagbigay hudyat si Lufu-o sa
kanyang mga kasama na itaas ang kawa. Ngunit ang
kawa ay unti-unting nagkalamat. Lumaki ng lumaki
ang lamat hanggang sa nabasag ang kawa. Duon
lumitaw ang isang gintong puno. Nagulantang ang
mga tao. Nang mahimasmasan ang mga tao ay
nagkagulo. Dinumog nila ang puno pinagtataga,
tinapyas, binali-bali at pinagtutuklap nila ang puno.
Sila ay nag-agawan, nagtulakan, nagsakitan,
nagsipaan at nagkabalian ng buto.
Ang puno ay nagpatuloy sa pagtaas hanggang sa ang
puno ay nabuwal. Sa huli narinig ni Lufu-o ang tinig
Ano ang gantimpala na iginawad sa mga tao roon? na dala ng hangin. “Huhukayin niyo mula ngayon
ang ginto”.
Ano naman ang nangyari sa gintong puno na iyon?
Isang gintong puno ng pino po.
Sila ay humiling at ito ay iginawad sa kanila subalit dahil sa
kasakiman nila ito din ay binawi agad ni Kabunian. Ano Pinagbali-bali po ng mga tao roon, pinagkukuha nag
ang mapupulot na aral dito? bunga at ito ay nabuwal sa lupa.

May bumulong kay Lifu-o, ano ang sinabi sa kanya? Huwag pong maging sakim sapagkat wala po itong
mabuting maidudulot.
Sa ngayon ba, nangyayari iyan? Paaano ba nakukuha ang
ginto? Mula ngayon, huhukayin niyo na ang ginto.

Mahirap ba o Madali? Ma’am hinuhukay po sa pamamagitan ng


pagmimina.
Tama, dahil sa kasakiman ng tao ay nagging mahirap na
ang pagkuha ng ginto. At ito ang lamat kung bakit

PAGE \* MERGEFORMAT 2
hinuhukay na ang ginto. Ma’am mahirap po.
PAGLALAHAT
Sino sino nga ulit ang mga tauhan?

Saan ginanap ang kwento?


Si Lifu-o, Napat-A, Sabsafung, Matandang kuba at
Anong tradisyon at kaugalian ang naitampom sa akda? mga katutubo.

anon nga ulit ang Canao? Para saan ito at sino sino ang Sa mapuno at mabundok po na lugar.
gumagawa?
Canao po.

Bakit nagpasagawa si Lifu-o ng Canao? Ang Canao po ay isang ritwal na isinasagawa ng


mga Igorot upang magpasalamat kay Kabunian,
pangagamot, pagdiriwang sa masagang ani at iba pa.
Sino ang sumulpot sa Canao at ano ang naging papel niya
sa akda? Upang kontrahin ang masamang dulot ng pagkakita
niya sa itim na uwak.

Ano ulit ang nayari sa gantimpala? Ang matandang kuba po na mahiwaga o misteryoso
na nagbilin sa kanila ng gagawin upang makamit ang
Ano ang dahilan? gantimpala.

Binawi po kaagad.
Tama. Batid kong nauunawaan niyo nan ga ang akda.
Dahil po sa hindi nila pagsunod sa bilin at pagiging
C. PANGWAKAS NA GAWAIN sakim po nila.

At dahil hindi natin ito matapos ang mga gawain ngayon ay


ipagpapatuloy natin ito bukas. Kung wala kayong
katanugan ay iayos na ang upuan at linisin ang kalat.

Paalam, Klas!

PAGE \* MERGEFORMAT 2

You might also like