Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG TALAMBUHAY NI RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mecado Alonzo Realonda y Quintos Hunyo 19, 1861-Disyembre 30,
1896 ay ang pampito sa labing isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alonzo at
ang asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba,
Laguna. Si Saturnina, Paciano, Narsisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad
ang kanyang mga kapatid.

Ang ina ni Rizal ay siyang kanyang unang guro at nagturo sa kanya ng abakada noong siya
naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Binan, Laguna upang mag-aral sa
pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas. pinayuhan niya ang magulang ni
Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kanyang unang pinasukan
noong ika-dalawa ng Enero 1872. Ayon sa salin ng Noli Me Tangere ni Guzman. Sa kanyang pananatili sa
paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng ng panauhing medalya at notang sobresalliento kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon siya ay kumuha ng Pilosopoya at Panitikan sa Pamantasanng Santo Tomas. Sa
Ateneo. kasabay niyang kinuha ang agham ng pagsasaka. Pagkaraay kinuha niya ang kursong
panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) matapos mabatid na ang kanyang ina ay tinubuan
ng katarata. Noong Mayo 5. 1882, nang dahil sa hindi na siya matanggap ang tagibang at mapansuring
pakikitungo sa mga paring kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya doo'y
pumasok siya sa Unibersidad Central De Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang
karerang medisina, bilang "Sobre Saliente" Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo niya sa
Pilosopiya at titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa na paggamot ng sakit sa mata sa
isang kinikilalang klinika noon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heideriberg. Alemanya, kung saan
natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng medisina, siya ay nag-aral ng wikang
Ingies, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang malalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si
Rizal na nakaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Etalyano, Hapon,
Latin, Portuges, Sankrit, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika ng Pilipinas.

You might also like