KRP2 Mam-Celiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KRP2 at PAG-UULAT - Indibidwal

Sa kaniyang akda tinukoy ni Gonzales na mahalaga ang assessment para sa programa

o proyektong kailangan ng mga dayuhang mag-aral sa FEU na kumukuha ng Filipino upang

malaman kung ano ang kahingian ng mga mag-aaral lalo pa at nag-aaral sila sa isang

dayuhang paaralan. Maraming estratehiya ang ginamit ni Gozales upang matukoy ang

kahinaan at kalakasan ng programa at gayundin ang pangangailangan ng mga dayuhang mag-

aaral – gumamit din siya ng konsepto ni Cohen (1994) isang konsepto na naaayon sa uri ng

pagtatasang ginamit niya sa kaniyang riserts. Ang ganitong riserts ay maganda para sa mga

dayuhan dahil bukod sa kapaligirang kanilang ginagalawan ay kinakailangan din nilang

makisabay sa mga pagbabago sa loob ng paaralan na maganda dahil siya naming tinugunan

ng riserts ni Gonzales.

Pagdating naman sa estratehiya ay gaya ng ginawa sa pag-aaral ni Pacol (2023) na “E-

BAKADA: Interaktibong Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino bilang Ikalawang Wika ng mga

Banyagang Estudyante” ay maganda lalo pa at napapanahong kailangan talagang gumamit ng

teknolohiya at magkaroon ng integrasyon nito sa pagtuturo.

Sa papel naman ni Luquin (2016) tinukoy ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga

mag-aaral na Pranses sa National Institute of Oriental Languages and Cultures (INALCO). Sa

kaniyang papel ay makikita ang mga bahagi tulad ng kung sino ang magtuturo ng Wikang

Filipino sa mga mag-aaral na Pranses, maging ang mga problemang kinakaharap sa pagtuturo

nito at ang mga posibleng solusyon na maaaring gawin upang matugunan ang suliranin sa

pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay hindi masyadong nabanggit

ang kongkretong plano para sa mga suliranin sa pag-aaral ng mga mag-aaral na Pranses kaya
naman maganda na ito ay pag-ibayuhin pa para sa ikabubuti ng pagtuturo ng wikang Filipino

sa mga Pranses.

Pagdating naman sa Special Filipino Curriculum (SFC) ni Tangonan (2016) ay

nilalayon ng papel na ito sa pagbuo ng kursong Special Class sa Filipino (SFC) na kung saan

nakatuon ito sa pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral ng Filipino gayundin ang mga

kasanayang gagawin sa kurikulum at magpataupad ng mga mungkahing estratehiya, teknik at

ebalwasyon sa bawat aralin ng kurso. Batay sa resulta ng pag-aaral na ito ay nalaman na

pinahahalagahan ng mga dayuhang mag-aaral ang paggamit ng Filipino sa pagbabahagi ng

mga ideya at pag-unawa sa kanilang kapwa. Sa aking palagay ay mabuti ang layunin ng

kursong ito para sa mga dayuhang mag-aaral na nag-aaral ng Filipino sa pangkalahatan. Dahil

para sa akin ay nagkakaroon kumbaga ng eksklusibong pagtutok sa kapakanang pang-

akademiko ang mga dayuhang mag-aaral.

Sa kaniyang pananaliksik na, “Pagtuturo ng Filipino sa mga Banyaga Tungo sa

Pagpapahalagang Pangkultura” binigyang diin ni Taylan (2017) na ang mga banyagang mag-

aaral ay malayang makapag-aral sa Pilipinas kung kanilang nanaisin subalit kakailanganin

talaga muna nilang dumaan sa legal na proseso. Gayundin ang pagpapakuha ng asignaturang

Filipino kahit pa sa mababang antas ng paaralan. Isa rin sa mga dapat isaalang-alang ng mga

banyagang mag-aaral bukod sa pag-aaral ng wikang Filipino ay ang kulturang Filipino. Dito

kinakailangan din nilang mapag-aralan nang husto hindi lamang ang wika kung hind imaging

ang kultura ng mga Pilipino sa kabuuan. Nang sa gayoon ay magkaroon sila ng tinatawag na

holistic na pagkatuto dito sa ating bansa. Isang bagay na para sa akin ay kapuri-puri sapagkat

sa pag-aaral ng pangalawang wika ay kinakailangan mo talagang ilagay ang iyong sarili sa

kultura ng isang lipunan pa at ang wika ay bahagi lamang ng kultura.


Sa pag-aaral naman ni Pambid (2017) sinabi niya ang kasalukuyang lagay ng

pagtuturo ng wikang Filipino at pagkalinang nito sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng

California sa Los Angeles sa panimulang antas pagdating sa katatasan sa wikang Filipino na

nagsimula talaga sa wala (0) hanggang sa may kaunting debelopment. Iminungkahi rin niya

ang mga element sa wikang Filipino na nangangailangan talaga ng kaukulang pansin gaya ng

morpolohiya, sintaksis, pokus at aspekto ng pandiwa at iba pa. Pangunahing dahilan ayon sa

kaniya marahil ay dahil Ingles ang kanilang unang wika kaya nahihirapan sila pagdating sa

wikang Filipino. Para sa akin ang bagay na ito ay normal lamang dahil nga kung para sa atin

mahirap pag-aalan ang ibang mga banyagang wika dahil ito ay pangalawa na nating wika ay

gayundin ang sa kanila. Kaalinsabay ng pagtuturo ng wikang Filipino ay kinakailangan din

dapat nilang pag-aralan ang kulturang Filipino alinsunod sa pag-aaral ni Taylan (2017) na

“Pagtuturo ng Filipino sa mga Banyaga Tungo sa Pagpapahalagang Pangkultura,” dahil

magkakaroon ng pagsasanib ng wikang Filipino bilang kanilang wikang pinag-aaralan at

kulturang Filipino na saklaw ang wika.

Ibinahagi ni Parba (2021) sa kaniyang pag-aaral na, “Teaching critical vocabulary to

Filipino heritage language learners” ang mga balakid sa pagtatamo ng pagkatuto ng mga

bata sa wikang Filipino. Dito tinalakay niya ang kahirapan sa pagdudugtong ng kaalaman ng

mga bata mula sa kanilang unang wika tungo sa ikalawang wika. Nariyan din ang iilang salik

na humahadlang tulad ng diskriminasyon sa ating wika – lahi sa kabuuan. Binigyang diin

niya ang paggamit ng kritikal na bokabularyo pagdating sa pagpapahayag ng kanilang

saloobin. Sa papel na ito nakitaan ko ang malalim na pagpapahalaga sa ating wika na ituro sa

ibang lahi upang kanilang matutuhan at mapahalagahan din gaya ng kanilang unang wika.

Ang mga pag-aaral na ito ay mayroong pagkakatulad at pagkakaiba. Marami silang

pagkakatulad pagdating sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga dayuhan o banyagang mag-

aaral. Binibigyang pansin sa mga pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkatuto ng mga
banyagang mag-aaral sa wikang Filipino bilang kanilang ikalawang wika. Sa pagkakaiba

naman ay iba-iba ng konteksto ang kanilang tinutukoy at gayundin ang mungkahi o

suhestiyon na kanilang inilatag para sa ikabubuti ng pagtuturo ng wikang Filipino sa mga

banyaga. Sa konteksto ay may mga pag-aaral na dito sa mga paaralan sa Pilipinas ang saklaw

at ang iba naman ay nasa ibang bansa.


SANGGUNIAN

Gonzales, Emmanuel. (n.d.) “Assessment ng Programa sa Pagtuturo ng Filipino para sa mga


Dayuhang Mag-aaral ng FEU: Isang Basehan sa Paggawa ng Limang Taong Plano.”
1-23. Mimeographed.

Luquin, Elisabeth. (2016). “Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Prances – Panayam.”


Daluyan. 224-232. Mimeographed.

Tangonan, Rosalie, etal. (2016) “Special Filipino Curriculum: Isang Mungkahing kurikulum
sa Filipino para sa Dayuhang Mag-aaral.” The Normal Lights. 182- 206.
Mimeographed.

Taylan, Dolores. (2017) “Pagtuturo ng Filipino sa mga Banyaga Tungo sa Pagpapahalagang


Pangkultura.” DLSU Kawing. 85-93. Mimeographed.

Pambid-Domingo, Nenita. (2017) “Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino sa UCLA:


Kasalukuyang Lagay at Direksiyon.” UST Hasaan Jornal. 45-67. Mimeographed.

Quiore, Lilibeth at Rowell Madula. (2019) “Tayo na sa Wika’Skwela: Papel ng Sining sa


Pagkatuto ng Wikang Filipino ng mga Bata at Kabataang Pilipino sa Venezia, Italya.”
Padayon SIning: A Celebration of Enduring Value of the Humanities. Mimeographed.

Parba, Jayson. (2021) “Teaching Critical Vocabulary to Filipino Language Learners.”


EducSci. 1-16. Mimeographed.

Pacol, J. (2023). E-BAKADA: Interaktibong Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino bilang


Ikalawang Wika ng mga Banyagang Estudyante. The Normal Lights, 17(2).

You might also like