Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG PANITIKAN

Ang panitikan ay nagsasabi or nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan,


hangarin, at diwa ng mga tao. Ito ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang
may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

PANITIKAN AYON SA MGA EKSPERTO


• Ayon kay Honorio Azarias, ito ay nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay
sa daigdig sa pamumuhay, sa lipunan, at sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang lumikha.

• Ayon kay Maria Ramos, nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinanaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat at binabanggit sa Maganda,
makulay, makahulugan, matalinhaga, at masining na pahayag.

Atienza, Ramos, Zalazar, at Norzal


• Ang tunay na panitikan ay walang kamatayang pagpapahayag ng damdamin ng tao bilang
ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa
kanyang kapaligiran.
• Ayon kay J. Arrogante, ito ay isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang tao ng mga
bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN NG PILIPINAS


1. Bilang Pilipino, dapat na magkaroon ng pagmamalasakit sa katutubong panitikan. Tanda ito
ng pagkamakabayan ng isang tao. Ang mga Pilipino ang dapat tumatangkilik sa panitikan ng
ating bansa.
2. Malalaman mula sa panitikan ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip at ang
mga henyo ng lahing Pilipino. Nahahayag dito ang ating kultura, sining, agham, at
kasaysayan.
3. Malalaman na katulad ng ibang lahi, ang Pilipinas ay mayroon ding dakila at marangal na
tradisyons ginagamit na salalayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasnan.
4. Makikilala ang kagalingan ng ating panitikan at lalong mapahusay at mapayabong ang
kagalingan ng tao.
5. Matanto ang kapintasan at kahinaan ng ating panitikan at makagawa ng paraan para mas
mapabuti ito.

You might also like