Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9 2nd Quarter Test and Answer Key
Filipino 9 2nd Quarter Test and Answer Key
Filipino 9 2nd Quarter Test and Answer Key
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV - A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 – 2024
Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________
Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa: ________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Tukuyin at bilugan ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot.
1. 2.
Naghihintay Ako Tutubi
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak
Naghintay ako, oo Ang bulaklak nanginig
Nanabik ako sa ‘yo. Sa paglapit mo.
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
“Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na
lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.
14. Sa iyong palagay, nararapat ba ang ikinilos ng anak tungo sa kanyang ina?
a. Oo, dahil dapat lang na malaman ng ina ang damdamin ng kanyang anak.
b. Hindi, dahil hindi tamang magpakita ng anumang pananakit sa damdamin ng isang ina.
c. Oo, dahil mas mainam ang anak na nagpapakita ng ganoong pagkilos kaysa hindi
nagsasalita.
d. Hindi, dahil walang karapatan ang anak na sumagot sa magulang.
*15. “Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” himutok ng Inang Palaka.
“Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Ang pakiramdam ng nagsasalita sa kabuuan ng
pahayag ay nagpapakita na siya ay __________________.
a. may sama ng loob sa kanyang anak
b. nagaalala sa kanyang anak
c. hangad na maitatama ang kanyang anak
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV - A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 – 2024
d. puno ng pagsubok ngunit umaasang mapagbabago ang anak
18. Bakit ganoon na lamang ang pagkalungkot ng anak na palaka sa pagkawala ng kanyang ina?
a. dahil naaawa siya sa pagkamatay nito
b. dahil hindi na mabubuhay pa ang kanyang ina
c. dahil namatay ang kanyang ina
d. dahil hindi niya napahalagahan ang kanyang ina nang nabubuhay pa ito
19. Ang katangian sa pagsasalita at pagkilos ni anak na palaka na dapat tularan ng isang kabataang tulad mo ay
____?
a. Maglahad ng katuwiran sa lahat ng pagkakataon.
b. Magsisi sa bandang huli.
c. Maawa sa ina.
d. Tanggapin ang pagkakamali at itama ito.
20. Mabisang gamitin ang hayop bilang tauhan sa pabula dahil _______________________.
a. Madikit ang mga tao sa mga hayop.
b. May likas na katangian ito na madaling isalarawan na katulad ng isang tao.
c. Nakatutuwang basahin ang akda kapag hayop ang tauhan.
d. Napagbubuklod nito ang watak-watak na relasyon ng mga tao.
21. Ang tamang ayos ng salita batay sa tindi ng emosyon at damdamin ni anak na palaka ay _____?
a. iyak, hikbi, nguyngoy, hagulgol c. nguyngoy, hagulgol, iyak, hikbi
b. hikbi, nguyngoy, iyak, hagulgol d. hagulgol, iyak, hikbi, nguyngoy
22. Ang tamang antas ng mga sumusunod na salita batay sa tindi ng damdaming ipinapahayag nito? 1. galit
2. poot 3. inis 4. suklam
a. 3, 2, 1, 4 c. 3,1,2,4
b. 3, 1, 4, 2 d. 3,1,4,2
24. Sa bandang huli ng binasang pabula, nalaman ng tauhan ang kahalagahan ng ina kung kaya dapat silang
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV - A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 – 2024
igalang, sundin at mahalin. Ang transpormasyong naganap sa sitwastong ito ay _____?
a. pisikal b. intelektuwal c. emosyonal d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 25 - 28
“Hindi iyan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga kandidatong guwapo’t
magaganda!” narinig kong komento ng aking ama sa isang kandidato habang nanonood ng telebisyon. Sa
katunayan, hindi ko rin gusto ang kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng aking ama. Ang
nakapukaw sa akin ng pansin at agad naman nagpakulo ng aking dugo ay sa mismong komento nito sa
mga kabataan.
“‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong makipagtalo, ngunit dahil sa respeto,
huwag na lamang! Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, pati na rin Blogger. Ito lamang ang iilan sa
mga social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kanila. Adik ako sa internet, pero di
sa paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga
kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon ninyo lamang iyon, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala
sana akong respeto’t di-makapagtimpi ay ganitong-ganito ang aking isasagot. Iba na nga ang mga
kabataan ngayon. Pihikan na sila sa pagpili at proud akong kabilang ako sa henerasyong ito. Marami
akong nila-like sa Facebook at pina-follow sa Twitter. Sa mga nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga
kabataan sa tulong ng social media at internet sites. Isang magandang balita para sa ating bayan.
"Huwag na natin tingnan 'yung nagdaan. Maaring kayo ay nalulugmok, maaring kayo
ay nalulungkot, maaring kayo ay natapakan ng mga iilang indibidwal. Wala na pong
mangyayaring ganyan, wala. Lahat kayo mahalaga, lahat kayo importante sa bagong
administrasyon na ito, mga kasama ko sa paglilingkod sa bayan," wika ni Moreno, Alkalde ng
Lungsod ng Maynila.
32. “Lubos ang ang aking mungkahi, na ang mga kapitan, kasama na ang mga kapulisan ay maging
mapanagutan sa kanilang nasasakupan.” Ano ang inilalahad ng pahayag?
a. opinyon b. naninindigan c. suhestiyon d. paglilinaw
Para sa bilang 33 - 36
Sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di makatulog kahit anong gawin
ko. Inisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit; pinggan at baso, kutsara’t platito, kaldero’t
takure, kahon ng aming damit, boteng makulay at pati ang aming piktyur.
Sa buong maghapon, nagkakargador si Tatay. Kaya ‘pag hapon na, hapung-hapo siya.
Ako, naiwan muna sa harap ng simbahan. Tapos ganun uli kinabukasan.
“Huwag kang lalayo, pag-uwi ko, masarap na tuknenenng ang pasalubong ko sa ‘yo,” ang
bilin lagi sa akin ni Tatay. Pero iniisip ko pa rin ang aming may gulong na bahay. Mababawi pa
kaya namin ni Tatay ang aming may gulong na bahay?
At isang hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay ang aming may gulong na bahay.
Nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa kong tiningnan ang aming mga gamit.
At habang nakahiga at natatanaw ang malawak na langit, sinabi ni Tatay, ‘’Ngayon aking
Bunso, hinding–hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating mabango at
may gulong na bahay.”
Hango sa May Gulong ang Bahay ni G.R. Gojo Cruz
33. Batay sa binasa, ano ang kasukdulan ng kuwento?
a. Nang matulog ang mag-ama sa gilid ng isang tindahang sarado.
b. Nang magkargador ang ama upang makaipon ng pambawi ng kanilang bahay.
c. Nang mawala ang bahay na kariton ng mag-ama.
d. Nang iparada na ng ama ang kanilang may gulong na bahay sa harapan ng bata.
34. Paano mo wawakasan ang kuwentong binasa?
a. Walang mababago sa kanilang buhay.
b. Magkakaroon ng katulong na kargador ang ama.
c. Patuloy na magpupunyagi ang ama.
d. Pangangakuan ng ama ang anak ng marangyang bahay.
35. Ang kaisipan ang mabubuo kaugnay ng pangyayari sa kanilang buhay ay ____?
a. Ang kaligayahan ay mailap at hindi natatamo ng madalian.
b. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sa buhay.
c. Lahat ng problema ay may kaakibat na solusyon.
d. Tanggapin ng may dangal at ligaya ang kalagayan sa buhay.
36. Paano sinimulan ang binasang kuwento?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV - A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 – 2024
a. Isinalaysay ang tagpuan at suliraning kahaharapin.
b. Inilahad ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang sangkot sa suliranin.
c. Binanggit ang madulang tagpo ng mga pangyayari.
d. Ipinakita ang maigting na pangyayari ng madulang bahagi.
Para sa bilang 37 -38
Alas kuwatro treynta ng umaga ay nagigising na ang mag-asawang Lena at Teodoro.
Humihikab pa si Lena bago tumungo sa kusina at sumunod naman si Teodoro para magtimpla ng
kape. Ipinagtimpla rin niya ang pinakamamahal niyang asawa. Si Lena naman ay nagsisimula ng
magsaing. Kinuha niya ang kaldero at nilagyan ng tubig para pakuluin sa nagliliyab na apoy.
Pagkatapos, iniabot ng kanyang asawa ang isang tasa ng kape. Masaya silang nagkukwentuhan at
binabalikan ang kanilang buhay noong sila pa ay magkasintahan. Sa edad na kwarenta, kinikilig
pa rin si Lena ng naaalala niya noong panahon na niligawan siya ni Teodoro. Lagi siya nitong
binibisita sa kanilang kubo na may dalang mga prutas at gulay.
Hango sa Pag-aararo sa Bukid
37. Mahihinuhang ang kultura ng mga tauhan kaugnay sa pagganap ng kanilang hanapbuhay ang ____?
a. Obligasyon ng asawang babae na ipagtimpla ng kape ang asawang lalaki.
b. Magaan ang pagtanggap sa uri ng pamumuhay na meron sila.
c. Maagang gumigising para sa mga gampanin ng buong araw.
d. Pagbibigay oras para sa minamahal.
38. Batay sa binasa, ang kaugalian sa panliligaw ang kanilang nakasanayan ay ____?
a. Pagtitimpla ng kape ng babae para sa lalaki.
b. Pagbisita ng lalaki sa tahanan ng babae.
c. Paglilingkod ng lalaki sa pamilya ng babae.
d. Pagharana sa bahay ng babae.
Para sa bilang 39 - 40
Nang mawala na sa paningin ang kanilang haligi ng tahanan, pumasok ulit sila sa loob ng
bahay. Nagbihis si Lena ng bistida na lagpas sa kanyang tuhod at itinali ang buhok kaya
maaliwalas ang kanyang mukha. Habang sina Teona at Leo ay nag-aagawan pa sa isang walis
kaya’t inawat ito ng kanilang ina. Sinabihan nito si Leo na maghugas na lang ng pinagkainan at
ang kanyang nakatatandang kapatid na lang ang magwawalis ng bakuran. Si Lena naman ay
pinapakain ang alaga na dalawang baka, tatlong kambing, dalawang aso, at mga manok.
39. Ang pag-uugali ng mga bata na huwaran bilang bahagi ng isang pamilya ay ____?
a. Masayahin, kasama ang mga kapatid. c. Nag-aagawan sa responsibilidad.
b. Matulungin sa gawaing bahay. d. Maalagain sa mga hayop.
43. Batay sa simbolismo ng saranggola na isinasaad ng akda, ano ang katangian nito na maaring tularan?
a. Huwag susuko at abutin ang mga pangarap na ninanais. .
b. Maging matatag sa lahat ng pagkakataon.
c. Palagiang humingi ng tulong at gabay sa magulang.
d. Huwag magdadalawang isip na sumubok muli.
44. Ang asawa at bunso niyang anak ay magkasama sa pagpapalipad ng saranggola. Ano ang ipinahihiiwatig
ng pahayag?
a. Ang bunso ay nakapagpalipad na ng saranggola.
b. Nakaalalay ang ama sa kanyang anak.
c. Ang pagpapalipad ng saranggola ay ginagawa ng mag-ama.
d. Umaasa ang anak sa tulong ng kanyang ama.
Para sa bilang 45 - 46