q2 Fili Notes Compilation Min

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

FILIPINO Q1 M7-8 (Q2-1)

“Talumpati”

Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa:


TALUMPATI
▪ araw ng pagtatapos sa mga paaralan at
Kahulugan: isang proseso o paraan ng pamantasan, at
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang ▪ pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o
organisasyon, kumbensiyon
pasalita na tumatalakay sa isang tiyak na paksa
4. Panghikayat
➢ buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na Layunin: hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng
entablado pagbibigay – katwiran at mga patunay.
➢ uri ng sining: Maipapakita ang katatasan at Halimbawa:
▪ sermon sa mga simbahan,
kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat
▪ kampanya ng mga politiko sa panahon ng halalan,
▪ talumpati sa Kongreso,
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Paglalahad
▪ talumpati ng abogado sa paglilitis sa hukuman

a. Biglaang talumpati- ang paksa ay ibinibigay sa oras


5. Pagbibigay – galang
ng pagsasalita; walang paghahandang magaganap sa
Layunin: tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
uri ng talumpating ito
organisasyon / pagtanggap sa isang bagong opisyal na
b. Maluwag na talumpati- may ilang minutong natalaga sa isang tungkulin
paghahanda pagkatapos maibigay ang paksa 6. Papuri
c. Manuskrito- pagtatalumpati kung saan Layunin: magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang
magbabasa ang mananalumpati ng kanyang kopya tao o samahan.
ng talumpati ▪ pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal,
➢ matagal na panahon sa paghahanda ▪ eulogy: pagkilala sa isang taong namatay
d. Isinaulong talumpati- ang manuskrito ng ▪ paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa
mananalumpati ay isinaulo sa pagharap niya sa madla isang tao o samahang nakapag – ambag nang
malaki
➢ isang kahinaan ng ganitong uri ng talumpati
ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskrito
MGA DAPAT ISAALANG – ALANG
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran A. Uri Ng Mga Tagapakinig


Layunin: ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang
paksa, isyu, o pangyayari. • Ang edad o gulang ng mga makikinig
Halimbawa: panayam at pagbibigay ng ulat, SONA Mahalagang malaman ang edad ng nakararami sa mga
➢ Makatutulong din ang paggamit ng mga larawan, tagapakinig upang maiakma ang nilalaman ng paksa at
tsart, dayagram, at iba pa maging ang wikang gagamitin sa edad ng makikinig
2. Panlibang • Ang bilang ng mga makikinig
Layunin: magbigay ng kasiyahan , may mga biro Kung maraming makikinig, maraming paniniwala at
▪ salusalo, saloobin ang dapat na isaalang -alang ng mananalumpati
▪ pagtitipong sosyal,
▪ pulong ng mga samahan • Kasarian
3. Pampasigla Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at
Layunin: magbigay ng inspirasyon kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan.
➢ tiyaking ang nilalaman ay makapupupkaw at • Edukasyon o antas sa lipunan
makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahang
tao umunawa sa paksa ng mga tagapakinig.

1|Page
• Mga saloobin at dati nang alam ng mga tagapakinig D. Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi
Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa,
sikaping gawing kasangkapan ito ng mga bago at
Alcmitse P. Tumangan, Sr. et al.: ang isang talumpati ay
karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o
kailangang magtaglay ng tatlong bahagi:
mawalan ng interes.
1. Introduksiyon (pinakapanimula)
B. Tema O Paksang Tatalakayin
A. ➢ naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng
Casanova at Rubin: dapat makataan na may sapat na talumpati kaya naman dapat angkop ang
kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa pambungad sa katawan ng talumpati.

Hakbang na Maaaring Isagawa sa Pagsulat ng Talumpati Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
a. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig
babasahin b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
- pagbabasa: kumuha ng mahahalagang datos o c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay
kinakailangang impormasyon tungkol sa paksa sa paksa
- interbyu: taong eksperto sa paksang tatalakayin d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
b. Pagbuo ng tesis f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
- pangunahing ideya (magbigay ng Kabatiran) Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng;
- pangunahing argumento o posisyon (manghikayat), • pagpapaliwanag sa ginaganap na okasyon o pagdiriwang,
- pokus ng pagpapahayag ng damdamin (magtaguyod • paglalarawan ng isang tanawin o pangyayaring kaugnay
ng pagkakaisa ng damdamin) sa paksa,
• pagbanggit ng isang salawikaing angkop sa paksa,
c. Pagtukoy sa mga pangunahing punto • pagbanggit o paggamit sa sinabi ng isang tao o awtoridad,
Mahalagang mahimay o matukoy ang • pagtatanong tungkol sa isang isyu,
mahahalagang detalyeng bibigyang – pansin • pagsasalaysay ng isang kuwentong nakatatawa, at
upang maging komprehensibo ang susulatin at marami pang iba.
bibigkasing talumpati.
2. Diskusyon o Katawan (pinakakaluluwa)

C. Hulwaran Sa Pagbuo Ng Talumpati ➢ dito tinatalakay ang mahahalagang punto o


kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig

Malaki ang epekto ng paraan ng pagkabalangkas ng Mga Katangiang Kailangang Taglayin Ng Katawan Ng
nilalaman ng talumpati sa pag–unawa ng mga tagapakinig Talumpati:
➢ gumamit ng paraan o hulwarang akma sa uri o
katangian ng mga makikinig a. Kawastuhan: wasto at maayos ang nilalaman

Tatlong Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati ▪ totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng
Kronolohikal: pagkasunod–sunod ng pangyayari o kailangang detalye
panahon ▪ angkop na wika at may kawastuhang pambalarila
➢ mula sa unang pangyayari, sumunod na mga
b. Kalinawan – Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at
pangyayari, at panghuling pangyayari
pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
➢ mga hakbang na dapat mabatid at sundin ayon sa
nakikinig.
tiyak na pagsunod–sunod ng mga ito
Topikal: nakabatay sa pangunahing paksa Mahalagang tandaan ang mga sumusunod:
➢ mainam kung ang paksa ay kailangang hatiin sa 1. Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang
mga tiyak na paksa mauunawaan ng mga makikinig.
➢ Hal: Kultura – sosyolohiya, antropolohiya, atbp. 2. Umiwas sa madalas na paggamit ng
Problema-Solusyon: nanghihikayat o nagpapakilos mahahabang hugnayang pangungusap
➢ paglalahad ng suliranin 3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at
➢ pagtalakay sa solusyon iwasang magpaligoy – ligoy sa pagpapahayag ng
paksa.
2|Page
4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang
pakikipag –usap sa mga tagapakinig.
5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa
pagpapaliwanag ng paksa.

c. Kaakit – akit –kawili – wili ang paglalahad ng mga


katwiran o paliwanag para sa paksa

▪ Sikaping bumuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa


at gigising sa kaisipan at damdamin ng nakikinig
▪ Sikaping mapaniwala ang mga nakikinig sa mga
katotohanang inilalahad ng talumpati

3. Katapusan o Kongklusyon (pinakakongklusyon)

➢ Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at


argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
➢ maikli ngunit malaman
➢ ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at
katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.

4. Haba ng Talumpati

➢ nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan


para sa pagbigkas o presentasyon nito
➢ Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang
pagtiyak sa nilaang oras.

Pagbigkas ng Talumpati
• Boses
• Tindig o postyur
• Kilos, galaw at kumpas
• Koneksyon sa madla
• Hikayat

3|Page
FILIPINO Q2 M1 (Q2-2)
“Adyenda”
• Nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na
AGENDA O ADYENDA
maging handa sa paksang tatalakayin o pagdedesisyunan
Kahulugan: talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal
• Nagpapanatili ng pokus sa mga paksang tatalakayin sa
na pulong.
pulong
Sudaprasert: nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
isang pulong (Maayos + sistematikong agenda =
Mga Hakbang sa Pagsulat Nito
matagumpay na pulong)
➢ isa sa mga susi ng matagumpay na pulong 1. Magpadala ng memo na nagsasaad na magkakaroon ng
➢ Isa sa tatlong mahahalagang elementong pagpupulong
kailangang upang maging maayos, organisado, at
epektibo ang isang pulong 2. Palagdaan o magpadala ng tugon bilang patunay na ang
mga kalahok sa pagpupulong ay dadalo. Ibigay din sa
Binubuo: bago maganap ang isang pagpupulong gagawa ng adyenda ang mga paksang nais isali sa usapin
Sino ang gagawa ng adyenda?
3. Gumawa ng balangkas ng pagpupulong. Kung sakaling
➢ administrador (nagpatawag ng pulong) may nalalayong paksa sa layunin ng pagpupulong ay
➢ kalihim imungkahi na sa susunod na pulong na ito pag-uusapan

Nilalaman ng Adyenda 4. Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo isa o dalawang
araw bago gaganapin ang pulong

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit Nito

1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng


adyenda.

Gawin ito sa mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa


at tema upang matiyak na maisasagawa nang maayos ang
susunod na pagpupulong, at may kaisahang patutunguhan
ang napag-uusapan sa pulong.

2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at


ang oras kung kailan ito magsisimula at matatapos.

Dapat tiyakin ng tagapagdaloy ng pulong na nakapukos


lamang sa adyenda ang pag-uusapan upang masunod ang
itinakdang oras at hindi abutin ng matagal na nagiging
sanhi ng walang kabuluhang pagpupulong.

3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa


araw ng pagpupulong.
Kahalagahan ng Adyenda Tiyaking malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng
• Nagsasaad ng mahahalagang impormasyon: mga kasapi ang mangyayari sa pulong.
- paksang tatalakayin
4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa
- taong tatalakay
pulong. Dapat maikli lamang ang bahaging ito.
- oras na itinakda
• Nagtatakda ng balangkas ng pulong 5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa
• Nagsisilbing talaan o tseklist listahan ang dapat dumalo sa pulong.

1|Page
FILIPINO Q2 M2 (Q2-3)
“Katitikan ng Pulong”
4. Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa
KATITIKAN NG PULONG
bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang
Kahulugan: opisyal na tala ng isang pulong; nagsisilbing proyektong bahagi ng nagdaang pulong).
paglalagom sa mahahalagang tinalakay Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
▪ summary o pagbubuod ng mahahalagang napag-usapan paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino
▪ pormal, obhetibo, at komprehensibo ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang
▪ prima facie (on first impression) evidence sa mga legal na desisyong nabuo ukol dito.
usapin o sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano 5. Pabalita o patalastas – Hindi ito laging makikita sa
at pagkilos katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
▪ hindi lamang gawain ng kalihim patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
Tatlong Uri o Istilo ng Pagsulat ng Katitikan maaaring ilagay sa bahaging ito.

i. Ulat ng katitikan - ang lahat ng detalyeng napag- 6. Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging
usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang
7. Pagtatapos – Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras
pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
nagwakas ang pulong.
isinagawa.
ii. Salaysay ng Katitikan– Isinasalaysay lamang ang 8. Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan
mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento. isinumite.
iii. Resolusyon ng Katitikan– Nakasaad lamang sa
katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan
ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga ng Pulong
taong tumalakay nito at maging ang mga sumang- - Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng
ayon dito. Kadalasang mababasa ang mga katagang The Everything Practice Interview Book at The Everything
“Napagkasunduan na…” o “Napagtibay na…” Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong
mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at
pagkatapos ng pulong.
1. Heading – Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,
samahan, organisasyon, o kagawaran. Bago ang Pulong

Makikita rin dito ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ➢ Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng
ng pagsisimula ng pulong. katitikan ang iyong gagamitin. (bolpen at papel,
laptop, tablet, computer, o recorder)
2. Mga kalahok o dumalo – Dito nakalagay kung sino ang
➢ Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa
nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang
maayos na kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng
pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga
laptop siguraduhing ito ay may sapat na baterya na
panauhin.
kakailanganin para sa kabuoan ng pulong.
Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay ➢ Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga
nakatala rin dito. ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa,
pulong – Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng makatutulong ito upang mabilis na maitala ang mga
pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa napag-usapan kaugnay ng mga ito.
sa mga ito.

1|Page
Habang Isinasagawa ang Pulong

➢ Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong


Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang
at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. Mula rito madali
Kumuha ng Katitikan
mong matutukoy kung sino ang liban sa pulong at
maging ang panauhin sa araw na iyon.
Dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng
➢ Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-
maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip,
nagsasalita sa oras ng pulong. ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito."
➢ Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
(maging maingat sa pagtatala, tandaan na ang 1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
katitikan ng pulong ay isang opisyal at legal na 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
dokumento ng samahan o organisasyon.
➢ Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa
pulong.
pangalan ng taong nagbanggit nito, gayon din ang
mga sumang-ayon, at ang naging resulta ng botohan. 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang
➢ Itala kung anong oras natapos ang pulong. pulong.

Pagkatapos ng Pulong 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.

➢ Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay
pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
ang lahat ng mga tinalakay. Kung may hindi malinaw
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
sa iyong mga tala ay maaaring linawin ito sa iba na
dumalo rin sa nasabing pulong. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang
➢ Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o maayos.
organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng
(lingguhan, buwanan, taunan o espesyal na pulong), koponan.
at maging ang layunin nito.
➢ Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos. 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng
pulong
➢ Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang
pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa
katapusan ng katitikan ay huwag kalimutang ilagay
ang “Isinumite ni:”, kasunod ang iyong pangalan.
➢ Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang
ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
Maaaring ipabasa ito sa kasamahan na nakadalo rin sa
nasabing pulong upang kung mayroon ka mang
nakaligtaang puntos o ideyang hindi naisama ay
maaari niya ito makita at ipagbigay alam sa iyo.
➢ Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan
o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

2|Page
FILIPINO Q2 M3 (Q2-4)
“Pagsulat ng Memorandum”
MEMORANDUM
L. English: isang impormal na liham o ulat o isang palibot
– sulat
Webster: isang anyong pasulat na maikling note na sinulat
para ipaalam o ipaalala ang isang bagay;
• isang tala ng pangyayari upang magamit sa
hinaharap,
• impormal na komunikasyon (pang– opisina)
• isang maikling pasulat na pahayag ng
pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksyon
Prof. Ma Rovilla Sudaprasert : kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa
isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos
➢ nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing B. Memorandum para sa Kabatiran – Ito ay isang uri
ng pagsulat na may layuning magbigay ng impormasyon sa
pagpupulong
isang grupo ng tao o sa pangkalahatan.
➢ nagiging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung
ano ang inaasahan mula sa kanila

Maituturing din itong isang sining.


Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
Kadalasan, ito ay maikli lamang na ang pangunahing
layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntunin na dapat isakatuparan, halimbawa ng pagdalo
sa isang pulong, pagsasagawa o pagsunod sa bagong
Sistema ng produksiyon o kompanya. Ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga
polisiya.

Dr. Darwin Bargo: ang mga kilala at malalaking kompanya C. Memorandum para sa Pagtugon – Ito ay isang uri
at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga ng pagsulat na ngagbibigay tugon o pagresponde sa alok ng
colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng: isang partido o panig.
• Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan,
direktiba, o impormasyon
• Pink o Rosas – ginagamit ito para sa request o order na
nanggagaling sa purchasing department
• Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo
na nanggagaling sa marketing at accounting department

Uri ng Memorandum
A. Memorandum para sa Kahilingan – Ito ay isang uri
ng pagsulat na humihingi ng pabor o hiling na gustong
ipaabot sa taong namamahala ng isang bagay. Kapag
sinasabi nating memorandum, ito ay nagbibigay ng
importansiya kagaya ng batas na kailangan ng maigihang
pag – iisip para sa katuparan ng kahilingan.

1|Page
FILIPINO Q2 M3 (Q2-4)
“Pagsulat ng Memorandum”
buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito
Bahagi ng Memorandum
tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. kasama ang araw
Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni at taon upang maiwasan ang pagkalito.
Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).
E. Paksa – Ang bahaging ito ay mahalagang maisulat nang
payak, malinaw, at tuwiran upang agad na maunawaan ang
nais ipabatid nito.
F. Mensahe – Kadalasang maikli lamang ang bahaging ito
ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangang ito
ay nagtataglay ng mga sumusunod:
1. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o
layunin ng memo.
2. Problema – nakasaad dito ang suliraning dapat
pagtuonan ng pansin at hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito.
3. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat
gawin ng kinauukulan
4. Paggalang o Pasasalamat – sa bahaging ito,
wawakasan ang memo sa pamamagitan ng
A. Letterhead – Makikita sa bahaging ito ang logo at
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan G. Lagda – Inilalagay ang bahaging ito sa ibabaw ng
maging ang bilang ng numero ng telepono. pangalan sa bahaging Mula kay.

B. Para sa/kay/kina – Ang bahaging ito ay naglalaman ng


pangalan ng tao o mga tao, o grupong pinag–uukulan ng
memo.
➢ impormal na memo ang Para kay: Margarita ay
sapat na
➢ pormal na memo, mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag – uukulan nito. Kung ang
tatanggap ay kabilang sa isang departamento,
makatutulong kung ilalagay rin ang pangalan ng
departamento at hindi na kinakailangan ang G.,
Gng., Bb. at iba pa.
C. Mula Kay – Ang bahaging ito naman ay naglalaman ng
pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Sinusunod
ang mga tuntunin sa bahaging Para sa/kay/kina.
➢ impormal ang Mula kay: Marco ay sapat na
➢ pormal - isulat ang buong pangalan ng nagpadala
nito, gayundin ang pangalan ng departamento
kung ang memo ay galing sa ibang seksiyon o
tanggapan. Hindi na kinakailangan ang G., Gng.,
Bb. at iba pa.
D. Petsa – Sa bahaging ito, iwasan ang paggamit ng
numero gaya ng 07/13/18 o 10/31/2020. Sa halip, isulat ang

2|Page
FILIPINO Q2 M5&7
“Lakbay-sanaysay, Pictorial Essay, Replektibong Sanaysay”
3. Maaari ring itala ang pansariling
LAKBAY-SANAYSAY
kasaysayan sa paglalakbay (espiritwalidad,
Tinatawag ding: “travel essay o travelogue”
pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili)
Kahulugan: isang uri ng lathalain na ang pangunahing
➢ Kadalasan ito sa daily journal o diary
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa
➢ upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang
paglalakbay
nakita, narinig, naranasan, at iba pa
➢ Madalas itinatala rin sa dyornal ang mga
Nonon Carandang: tinawag niyang sanay-lakbay
realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng
➢ Binubuo ng tatlong konsepto:
paglalakbay.
o sanaysay, sanay, at lakbay.
➢ Naniniwalang ang pinakaepektibong pormat ng
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at
sulatin upang maitala ang mga naranasan na
heograpiya ng lugar sa malikhaing
paglalakbay.
pamamaraan.
❖ Antonio Pigafetta (Venetian iskolar) tumungo sa
Tanging sa mga larawang di naman nakapagsasalita niya
Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan
iniasa ang pagbabalik–tanaw sa kanyang mga ginawang
➢ nagtala ng mahahalagang datos - halaman,
paglalakbay.
hayop, klima, heograpiya, at kultura ng mga
Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP
sinaunang Pilipino
Writers Workshop noong ika – 10 ng Abril 2014 ay
➢ bilang bahagi ng kanilang ulat sa hari at reyna ng
kanyang winika sa kaniyang mga tagapakinig na sisikapin
Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bansa.
niyang isulat ang mga nangyari at kanyang naranasan sa
kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalahad
gamit ang sanaysay. DAPAT GAWIN SA PAGSULAT
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay – Sanaysay isang turista. Mahalagang malinaw sa isip ng isang
manlalakbay ang kanyang pakay o layunin.
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang aklat na
Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na pangunahing ▪ Turista: maglibang, magliwaliw, at makita ang
dahilan sa pagsulat ng lakbay – sanaysay: magagandang tanawin, mga gusali, at iba’t ibang lugar.
➢ itinerary o talaan ng magagandang lugar na
1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pupuntahan
pagsulat. ▪ Manlalakbay: pangalawa na lamang ang mga bagay na
Hal: paggawa ng travel blog na maituturing ito; sinisikap na maunawaan ang kultura, kasaysayan,
na isang libangan at gayundin naman ay heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang
maaaring pagkakitaan. – araw – araw na pamumuhay ng mga tao.
➢ hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan
2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay ang mga kaisipan o impormasyong itatala
(gabay) para sa mga posibleng manlalakbay. ➢ malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang
Marami ang makikinabang, lalo na sa mga mga bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.
taong nais magkaroon ng paunang kaalaman
sa lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito puntahan. 2. Sumulat sa unang panauhang punto de–bista.
Nilalaman ng sanaysay - mula sa mga nakita, narinig,
Rizal, Noli Me Tangere: kung nais mong higit na makilala naunawaan, at naranasan ng manunulat.
ang katangian at kultura ng bansang iyong pupuntahan, ➢ Kadalasang napakapersonal ng tinig
mahalagang alamin mo muna ang taglay nitong
kasaysayan. Antonio (2013): “ang susi sa mainam na pagsulat nito ay
ang erudisyon”
➢ Erudisyon: ang pagtataglay ng sapat na kaalaman
at pagkatuto sa isang paglalakbay
1|Page
➢ Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa 4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng
sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa mga larawan para sa dokumentasyon habang
proseso ng paglalakbay. naglalakbay.
Mga pangunahing gamit na ng taong susulat:
Mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga • panulat, kuwaderno o dyornal,
bagay–bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang– • kamera
kahulugan ang mga pangyayari.
➢ Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahahalagang
➢ Sikaping maisali ang sarili sa mga gawain bilang
lugar, kalye, restoran, gusali, at iba pa.
bahagi na rin ng imersiyon sa mga pangyayari.
➢ Ang wastong detalyeng may kinalaman sa
➢ Makipamuhay kagaya ng mga taong naninirahan
mahahalagang lugar na nakita, nabisita o napuntahan
sa lugar na iyong pinuntahan, kumain ng mga
ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay.
natatanging pagkain sa lugar, makisalamuha sa
➢ Makatutulong din nang malaki kung makukuhanan ng
mga tao, at higit sa lahat ay maging adbenturero.
litrato o larawan ang mga lugar, tao, o pangyayari.
➢ Subukin ang iba’t ibang karanasan at mga hamon
Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng
tulad ng pag – akyat sa bundok, paglangoy sa
sanaysay.
dagat, surfing, pagpasok sa mga yungib, pagsakay
sa mga kakaibang sasakyan o rides, at pagkain ng
Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga
mga kakaiba o katutubong pagkain sa lugar.
impormasyon para sa mga mambabasa:
o eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan
Sa pamamagitan ng pagsasagawa nito, magiging
o maikling deskripsiyon
makatotohanan at may lalim ang gagawin mong
o maikling kasaysayan
paglalahad ng iyong mga karanasan.
Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay – sanaysay.
upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.
➢ batay sa human interest
Tandaang iba–iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksa
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa
na maaaring itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat
ginawang paglalakbay.
ng lakbay–sanaysay. Maaring ibatay sa kung ano ang
➢ magsisilbing pinakapuso ng sanaysay
dahilan o layunin ng paglalakbay.
➢ dito ibabahagi ang mga gintong aral na nakuha bunga
a) Espiritwal: pagtungo sa Lupang Pangako ng mga
ng epekto ng ginawang paglalakbay
Kristiyano o ang pagpunta sa Mecca ng mga
o paano nabago ang buhay o pananaw ng may – akda,
Muslim.
b) pagtatampok ng magagandang pook, kilalang o paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa
landmark, liwasan, simbahan, at mga gusali at kanyang mga naging karanasan,
establisimiyento. o mga karagdagang kaalamang natuklasan mula sa
c) hayop o halaman, mga kakatwa o kakaibang ginagawang paglalakbay.
bagay, mga pagkain, libangan, kultura at marami
pang iba. 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
d) Maaaring bigyang–pansin mismo ang ➢ sapat na kasanayan sa paggamit ng wika
pakikipagsapalarang mararanasan sa ➢ malinaw, organisado, lohikal, at malaman
paglalakbay. ➢ akmang salita batay sa himig
➢ Maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o
➢ makatutulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman matalinghagang salita
ng lakbay – sanaysay. ➢ Tiyaking makakukuha ng atensiyon
➢ delimitasyon sa pagsulat ng isang akda

2|Page
KARAGDAGANG KAALAMAN SA PAGSULAT REPLEKTIBONG SANAYSAY
1. Maging obhetibo sa paglalatag ng mga Kahulugan ayon sa mga Manunulat at Dalubhasa
impormasyon. Michael Stratford (isang guro at manunulat)
2. Sikaping mailahad ang katotohanan sa ➢ tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
pamamagitan ng mga positibo at negatibong introspeksiyon na pagsasanay
karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na ➢ Kinapapalooban ng pagbabahagi ng mga bagay na
pinuntahan. naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin
hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha
3. Nakatutulong sa mga makababasa nito.
ng epekto sa taong sumusulat nito.
4. Maaaring maipakita sa tulong ng photo essay.
5. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan
Kori Morgan (West Virginia U at University of Akron)
sa photo essay kundi ang mahahalagang larawan
➢ nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao
na kailangan para mapagtibay ang sanaysay. mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
➢ Ibinabahagi sa mga mambabasa ang kalakasan at
PICTORIAL ESSAY kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang
natutuhan o nakuha.
Kahulugan: isang sulating higit na nakararami ang
larawan kaysa sa salita o panulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
➢ May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay
- isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang
– sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay –
nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat
sanaysay ay may kasamang larawan bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng
manunulat para sa mambabasa.
DAPAT TANDAAN SA PICTORIAL ESSAY
➢ nagsisilbing midyum ng manunulat upang masuri ang
1. Isinasaayos ang mga larawan.
sariling karanasan, kaisipan, damdamin, at pananaw
➢ ito ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o
tungkol sa napiling paksa at maibahagi ang mga aral
kaisipang nais ipahayag.
na natutuhan rito sa kanyang mga mambabasa
2. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat
➢ isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong
larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu
➢ hindi ito napakahaba o napakaikli
o paksa sa pagitan.
➢ makatutulong sa pag – unawa at makapukaw sa
DAHILAN: inaasahan na ang mambabasa ay
interes ng magbabasa o titingin
nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at
3. Isa lamang ang paksa.
katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa
➢ hindi maglagay ng mga larawang may ibang
piyesa (Garcia, 2017).
kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang – dii
➢ kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa
➢ maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o
nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng
paggawa
sumulat. (malayang makapipili ng paksa o
4. Angkop sa edad ng tagatingin.
pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang
➢ ibatay sa kanilang kaisipan at interes (bata,
manunulat)
kabataan, propesyonal, o masa) ang mga larawang
ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa
Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan
pagsulat ng mga caption.
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o
pangyayari.

Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic portfolio


kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-
akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa
o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
3|Page
HALIMBAWANG PAKSA ➢ Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa
paksa?
Halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng ➢ Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
replektibong sanaysay: ➢ Bakit ito makaaapekto sa aking pagkatao?
• librong katatapos lamang basahin
• katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang
• pagsali sa isang pansibikong gawain iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang
• praktikum tungkol sa isang kurso iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na
• paglalakbay sa isang tiyak na lugar siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat ng iyong
• isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamut replektibong sanaysay.
• isyu tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS Sa pagsulat ng simula, tandaang ito ay dapat na
• paglutas sa isang mabigat na suliranin makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa. Maaaring
• isang natatanging karanasan bilang mag-aaral at marami gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng mahusay
pang iba napanimula. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula
sa isang tao o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at
DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
REPLEKTIBONG SANAYSAY layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng preview ng kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob lamang
nilalaman ng sanaysay. ng isang talata.

2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. B. Katawan: dito inilalahad ang mga pantulong o
Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na
akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na inilalahad sa panimula.
karanasan. ➢ obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o
naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na iyong ipinaliliwanag
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o ➢ Gumamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian
patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa
nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at ➢ mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan
epektibo ang pagkakasulat nito. ➢ kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. karanasan o mga gintong aral na napulot at mga
Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin. patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang
ito sa iyo
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
C. Wakas o Kongklusyon: muling banggitin ang
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid
tesis o pangunahing paksa ng sanaysay.
ang mensahe sa mga babasa.
➢ Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa
ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon. buhay sa hinaharap.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga ➢ Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng
talata. hamon sa mga mambabasa na sila man ay
magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong
natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
na maaari nilang pagisipan.

dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o TANDAAN: ang replektibong sanaysay ay isang personal
kongklusyon. na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaaring
makapagdulot ng epekto sa iyong buhay o sa mga taong
A. Simula: maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa makababasa nito.
sumusunod na mga tanong:

4|Page
FILIPINO Q2 M6
“Posisyong Papel”
POSISYONG PAPEL 2. Counterargument
- isang argumento na sumasalungat sa iyong tesis o bahagi
Kahulugan: Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na ng iyong tesis
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang Oldham: ito ang nagbabahagi sa pananaw ng isang tao na
makabuluhan at napapanahong isyu hindi sumasang-ayon sa iyong posisyon
➢ Naglalaman ng mga katuwiran o ebidensiya para
suportahan ang paninindigan
3. Mga katunayan o Facts
➢ Mahalagang bahagi nito ang posisyon at mga Constantino at Zafra (1997)
katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig
➢ Ang katunayan ay isa sa 2 uri ng ebidensyang
➢ 1 to 2 pahina lamang upang mas madaling mabasa magagamit sa pangangatwiran
at maintindihan at mahikayat pumanig sa
➢ mga ideyang tinatanggap na totoo (nakabatay sa
paninindigang naayon sa papel
nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama)
➢ Hindi kailangang ang mananaliksik o manunulat ang
CONSTANTINO AT ZAFRA (2016)
mismong nakaranas ng pangyayari, maaaring ibang
- Mas maganda gamitin ang katuwiran kaysa argumento,
tao.
paninindigan kaysa posisyon.
➢ Ang kanyang pahayag ay magagamit bilang
testimonya o patotoo, tiyakin lamang na reliable o
❖ Katuwiran – galing sa salitang tuwid, nagpapahiwatig
mapagkakatiwalaan ang testimonyang gagamitin
ng pagiging tama, maayos, may direksyon, o layon.
Hindi lahat ng itinuturing na katotohanan ay unibersal at
❖ Paninindigan – galing sa “tindig”, nagpapahiwatag ng
panghabambuhay. Maaari itong mabago dahil sa mga
pagtayo, pagtatanggol, paglaban, pagiging tama.
bagong tuklas na datos

KABULUHAN NG PAGSULAT 4. Mga opinion


A. Sa may-akda ➢ Ikalawang uri ng ebidensyang magagamit sa
➢ Pagpapalalim ng pagkaunawa sa tiyak na isyu pangangatwiran
➢ Pagkakataon na magtipon ng datos, organisahin ang ➢ Tumutukoy sa pananaw ng mga tao na ipinapalagay
mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan na totoo
tungkol sa isang paksa o usapin ➢ Hindi ito katunayan kundi pagsususi o judgment ng
➢ Pagpapakilala ng sariling kredibilidad sa komunidad katunayan
ng mga may kinalaman sa nasabing usapin ➢ Kung gagamiting ebidensya ang opinyon sa iyong
B. Sa lipunan sulating papel, kailangang manggaling ito sa taong
➢ Tumutulong para maging malay ang mga tao sa may awtoridad na magsalita hinggil sa isyu o paksa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping
panlipunan dahil madalas itong ibahagi sa publiko MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT
tulad ng paglathala sa pahayagan
1. Pagpili ng paksa batay sa interes
➢ Nagagamit itong batayan ng mga tao sa kanilang ➢ upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong
sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin sapagkat
paninindigan o posisyon.
madalas itong nagtatapos sa isang panawagan ng
➢ upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat at
pagkilos
hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob.
➢ Nakakapag-ambag ito sa paglutas ng mga suliranin ng Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga
lipunan kapag nahikayat ang lipunan sa akmang
datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga
pagkilos na ninanais mula sa kanila
katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil
nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya.
MAHAHALAGANG SALITA KAUGNAY
2. Magsagawa ng paunang pananaliksik
1. Pahayag ng tesis o Thesis Statement - kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
- ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o Gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking
sentrong ideya ng posisyong papel. Isa itong matibay na magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang website,
pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon tungkol • educational site (.edu) ng mga institusyong
sa paksa na handang patunayan sa pamamagitan ng akademiko at pampananaliksik
pangangalap ng mga datos o ebidensya. • mga site ng gobyerno (.gov),
1|Page
TANDAAN: Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag
- Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng ang iyong opinyon nang may paninidigan at kasinupan sa
mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong impormasyon.
paksa.
Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang
3. Hamunin ang iyong sariling paksa pagiging magalang. Iparating ang iyong mga punto at
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya
tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong
kaalaman at paninindigan.
• Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari
mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw.
• Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel
ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga
kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at
iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.
• Dapat maisa-isa ang mga argumento para sa mga
kasalungat na posisyon, ilahad sa isang obhetibong
paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga
ito.
• Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna
ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na
sang-yon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga
kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi.
• Pagkatapos ay tayahin kung anong posisyon ba talaga
ang mas mahusay.

4. Magpatuloy upang mangolekta ng


sumusuportang katibayan
- Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming
mapagkukunan ng datos.
- Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o
eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o
propesor).
- Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang
kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng
ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin
ng mambabasa.

5. Lumikha ng Balangkas (outline)


Narito ang isang halimbawa kung paaano babalangkasin
ang isang posisyong papel:
a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling
paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information). Gumawa ng pahayag
ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw
ng iyong posisyon.
c. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga
kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakatatayo
pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad
na mga kontra-argumento (sa b at c).
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang
iyong posisyon.

2|Page

You might also like