Cot 2 DLP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Magsaysay St., Bayambang Pangasinan

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 9
(Classroom Observation 2)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, 75% sa mga mag-aaral ay inaasahang makatamo ng mga sumusunod:

A. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng salita o pangungusap


(F9WG-IIa-b-47) ;
B. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang pahayag (F9PN-IIa-b-45);at
C. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin (F9WG-IIc-48).

II. NILALAMAN

a. Paksang-Aralin: Ponemang Suprasegmental


b. Sanggunian: Batayang Aklat; Pinagyamang Pluma 9, pahina 96-97
c. Kagamitan: Powerpoint presentation, bidyu, tsart, telebisyon

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Balik-Aral

B. Pagganyak

Gamit ang iba`t ibang tinig ng mga sikat na personalidad bibigkasin ng mga piling mag-aaral ang mga
sumusunod na mga pahayag.

Tinig na gagamitin:

 Mike Enriquez  Manny Pacquiao


 President Rodrigo Duterte  Noli De Castro
 Kris Aquino  Dionisia Pacquiao.
 Gas Abelgas

Mga pahayag:

1. Lunes, nang tayo`y nagkakilala (Mike Enriquez)


2. Martes, nang tayo`y muling nagkita (President Duterte)
3. Miyerkules, nagtapat ka ng `yong pag-ibig (Gas Abelgas)
4. Huwebes, ay inibig din kita (Kris Aquino)
5. Biyernes, ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan (Noli De Castro)
6. Sabado, tayo`y biglang nagkatampuhan (Dionisia Pacquiao)
7. at pagsapit ng Linggo giliw ako`y iyong iniwan. (Manny Pacquiao)

C. Pagtalakay

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ponema?


2. Ilahad ang kahulugan ng ponemang suprasegmental?
3. Anu-ano ang tatlong uri nito at ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa.
4. Magbigay ng sariling halimbawa ng bawat uri.

D. Paglalapat/Aplikasyon

Pangkatang Gawain

Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang kinatawan upang isagawa
ang gawaing inihanda ng guro.

Gawain: “KISLAP Workshop”

Panuto: Bawat pangkat ay magkakaroon ng sabayang pagbigkas batay sa sumusunod na pahayag na


maaaring tumutukoy sa diin, antala at tono.

I. Madrasta (1996)

“Alam mo ba kung paano ko sila inalagaan? Alam mo ba kung gaano kalaki ang sinakripisyo ko para
tumayong ina at ama nila? Hindi! Dahil wala ka doon. Wala kang alam sa mga nangyari! Wala kang karapatan
sabihin sa akin kung ano ang hindi at dapat kong gawin. Asawa lang kita.

II. No Other Woman (2011)

“Dahil nga ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher. Maagawan ka, lumaban ka! Kasi tignan
mo naman yan itsura mo ha. Panahon na para i-pack up yang Lucy Torres mo, ilabas mo na diyan si Gretchen
Barretto!“

III. Four Sisters and a Wedding (2013)

“Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko? Eh… sa totoo lang eh ako yung inggit na inggit sa
inyong lahat. Kasi meron kayong mga bagay na sana meron din ako. Sana meron ako nung maternal instincts
mo. I wish I had your charm and innocence. Sana naging adventurous din ako kagaya ni Alex. Sana
nagkaroon din ako ng sense fo humor mo kasi bentang-benta iyon sa akin eh. Bentang-benta din kay mama.
Kaya siguro lahat ng attention niya na sa’yo.“

IV. Kaya Kong Abutin ang Langit (1984)

Ayoko nang tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang
pagkain, ayoko ng putik!
RUBRIKS

Pamantayan Puntos
Kawastuhan ng 10
linyang binitawan
Emosyon at 10
damdamin
Tono 10
Kabuuan 30

E. Paglalahat

1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng paggamit ng tamang diin, tono at antala sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan?

2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tayo gumamit ng tamang diin, tono, at antala sa pagsasalita?
Magdudulot ba ito ng kaguluhan sa ating pamayanan at dahilan ng hindi pagkakaisa ng isang bansa? Bakit?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot batay sa
ipinakitang ANTALA:

1. Aling pahayag ang nagsasabing bayani ng Ilocos si Ginang Gabriela Silang?


A. Ginang/ Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.
B. Ginang Gabriela Silang/ ang babaeng bayani ng Ilocos.
C. Ginang Gabriela/ Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.
D. Ginang Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.

2. Aling pangungusap ang nagsasad na HINDI malaya ang ating bansa?


A. Hindi malaya ang ating bansa.
B. Hindi/ malaya ang ating bansa.
C. Hindi Malaya/ ang ating bansa.
D. Hindi Malaya ang ating/ bansa.

3. Paano ipapahayag ang pangungusap na malaya ang ating bansa?


A. Hindi malaya ang ating bansa.
B. Hindi/ malaya ang ating bansa.
C. Hindi Malaya/ ang ating bansa.
D. Hindi Malaya/ ang ating/ bansa.

4. Aling pahayag ang nagsasaad na ngayon din ay sisimulan ang magandang pagbabago para sa bayan?
A. Ngayon/ nasimulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
B. Ngayon nasimulan/ ang magandang pagbabago para sa bayan.
C. Ngayon na/ simulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
D. Ngayon na simulan ang magandang pagbabago para sa bayan.

5. Aling pahayag ang ipinakilala mo sina Padre Martin at Vince sa iyong tatay?
A. Padre/ Martin Vince ang tatay ko.
B. Padre Martin/ Vince / ang tatay ko.
C. Padre Martin Vince ang tatay ko.
D. Padre Martin Vince/ ang tatay ko.

V. KASUNDUAN:

Piliin ang tamang pariral o salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.

1. Ang bata ay (BUhay na BUHay, buHAY na buHAY) sa pagsasayaw.


2. Nakasulat ang bilang na (PIto, piTO) sa kanyang damit.
3. Ako ay (SAwa, saWA) na sa kanyang pag-uugali.
4. Ligpitin mo ang (KAlat, KaLAT) sa iyong silid.
5. (KAlat, kaLAT) na ang balita tungkol sa ginawa ng nobya mo.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

ETHEL MAE G. TAMAYO EVELYN V. AQUINO


Guro I Dalubguro I

Pinagtibay ni:

VILMA C. COLLADO
Ulongguro VI

Nabatid ni:

OLIVIA P. TERRADO,DA
Punong-Guro IV

You might also like