Professional Documents
Culture Documents
Letters To Women of Malolos (Sanaysay Ni Barredo)
Letters To Women of Malolos (Sanaysay Ni Barredo)
Ayon kay GAT Jose Rizal, “it is the duty of the mothers to teach
their children to prefer death with honor to life with dishonor” na
isa sa mga mahalagang punto na gustong mahikayat ni Rizal
kasama ang mga mensahe na sinulat nya sa mga kababaihan ng
Malolos. Nagsimula ito na maghikayat ang mga kababaihan ng
Malolos na magpatayo ng paaralan para sa hangaring
makapag-aral ng wikang Kastila na sa una, di ito pinahintulutan
ng mga prayle dahil labag sa batas na makapag-aral ng wikang
Kastila ang mga Indiyo. Pero di ito ang nagtigil sa kanila ito na
pinaglaban ang layunin hangga’t nakahanap ng pagkakataon ang
mga kababaihan na nakaabot yun panukala nila sa bagong
gobernador-heneral ng Pilipinas na si Valeriano Weyler na
pinayagan nya ang panukala na ito dahil sa layo rin nya na
mapalawak ang wikang Kastila sa Pilipinas. At ang balita na ito ay
napaabot kay Rizal na nagpahayag siya ng kanyang papuri at
paggalang sa katapangang ipinakita upang mapanukala ang
ninanais nila at naging halimbawa sila sa mga kababaihan ng
Pilipinas. Dahil sa kaganapang nangyari, namulat si Rizal sa
pananaw na ang kababaihang Pilipino ay parte ng pagpapabuti
ng ating bayan lalo ng ating mga nanay dahil sila rin naghuhugis
ng ugali ng ating mga kabataan na makakatulong sa iba’t ibang
tagumpay nila sa marangal na pamaraan di lang sa sarili nila pati
sa bayan natin. Binigyang-diin ni Rizal ang paglaki ng mga anak
ayon sa aral at imahe ng Diyos at pagkakaroon ng iba’t ibang
magagandang pag-uugali ng galing sa kanilang ina. Inilarawan ni
Rizal ang tungkulin at responsibilidad ng mga babae bilang mga
dalaga at mga asawa at ang kontribusyon nito sa pagiging
Pilipino natin at sa lipunan na kinahaharap ngayon. Isinalaysay rin
nito ang mga payo ni Rizal sa mga dalagang kababaihan sa
pagpili na mapapangasawa nila at mga ugali na kailangang
hanapin sa lalaki. At ipinahayag rin nya sa liham ang maling
paglaganap ng mga prayle sa salita ng Diyos na ginagamit nila ito
upang maipakita ang kanilang kapangyarihan at sa layunin nila na
magpayaman.