Q2 Summative Test EsP 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
R e g io n 02 – Ca g a ya n Va l l e y
Sc h o o l s D iv isio n o f Isa bel a
ANGADANAN WEST DISTRICT
500020 – LOMBOYINTEGRATED SCHOOL
Lomboy, Angadanan, Isabela (3307)

I. MULTIPLE CHOICE. I-shade ang titik ng tamang sagot sa inilaan na Answer Sheet.

1. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkuling kaakibat ng karapatan sa buhay?


a. Iniwasan ni Andrew na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Reyes para sa mga batang biktima ng pang- aabuso.
c. Sumasali si Jayson sa mga isport na mapanganib tulad ng drag racing para sa motorsiklo.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Aling Mameng para sa mga batang kalye.

2. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkuling nasa kahon sa ibaba?


 Supurtahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo

a.Karapatan sa buhay
b.Karapatang magpakasal
c.Karapatang pumunta sa ibang lugar
d.Karapatang maghanapbuhay

3. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy sa pag-aaral upang umangat sa karera at maitaas ang antas ng
pamumuhay?

a.Karapatan sa buhay
b.Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d.Karapatang pumunta sa ibang lugar

4. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa?


a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad

5. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwang ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan
niya sa buhay.
b. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwang igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

6. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng taong gawin o iwasang gawin ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig
sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

7. Ang ____ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa dignidad niya
bilang tao.
a. katwiran b. konsensya c. karapatang pantao d.karunungan

8. Ang lahat ng tao’y isinilang na____ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.


a. Malaya b.may kilos-loob c.konsensya d.may katwiran

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?


a. isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
b. isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal, pagkukusa at pagkamalikhain.
c. isang pagkilos nahindi nababatay sa kaalaman
d. malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan.
10. Siya ang may akda ng Laborem Ezrcens na nangangahulugan na ang paggawa-pangkaisipan man o manwal, anoman ang
kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao ay nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
a. Pope John Paull II c. Pope John XXIII
b. Max Scheler d. St. Augustine

11. Isang organisasyong pinasimulan ni Tony Meloto na naglalayong tumutulong sa pagbibigay ng bahay na matitirhan para sa
mga mahihirap.
a. PAGIBIG Funds c. Gawad Kalinga
b. Housing Foundation Inc. D. Tahanan Para sa Lahat

12. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:


a. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
b. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
c. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
d. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.

13. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:


a. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
b. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
c. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
d. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.

14. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan

15. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?


a. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
b. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
d. Lahat ng nabanggit.

16. Anu-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Kayamanan, Katanyagan, Tsalento
b. Pagkakawang-gawa, Pagkakaisa, Pagmamahal
c. Panahon, Talento, Kayamanan
d. Pagmamahal, malasakit at talento

17. Paano natututunan ang likas na batas moral:


a. binubulong ng anghel c. basta alam mo lang
b. tinuturo ng magulang d. sinisigaw ng konsensya

18. Ang mabuti ay:


a. laging tama c. minsan tama
b. iba-iba sa tao d. pare-pareho sa tao

19. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. ingatan ang interes ng marami
c. itaguyod ang karapatang-pantao
d. pigilan ang masasamang tao

20. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
a. magkaroon ng kaayusan
b. mabilis na makamit ang kaunlaran
c. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
d. mapangalagaan ang karapatan ng tao

21. Ano ang pinakapundamental na batas na hinihinging magulang sang-ayon sa likas na batas moral?
a. batas ng tao c. mahalin ang sarili
b. batas ng Diyos d. Ten Commandments

22. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain
nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.

23. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa maling pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang
pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis upang mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at pagsasabihan sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
24. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar sa binatilyong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyo habang naghihintay siya ng mauupuan.

25. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa
b. mas malalim na pagkakaintindihan
c. karunungan
d. wala sa nabanggit

26. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga ninuno ay
pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo c. Pagkamkam ng Lupa
b. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian

27. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay


a. diskriminasyon c. pang- aabuso
b. stereotyping d. wala sa nabanggit

28. Ano ang obheto ng paggawa?


a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

29. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit

30. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?


a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa

31. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?


a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa
kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang
pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa

32. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.

33. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit

34. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at mayroon kang kayang
gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar upang
matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili
ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.

36. Hindi makakalahok si James sa Brigada Eskwela ng kanilang paaralan dahil kinakailangan niyang alagaan ang kanyang lola
na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas
ng pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta

37. Ang pagiging makatao ay:


a. ang pagsaklolo sa iba c. pagpanig sa tao
b. ang pagiging matulungin sa kapwa d. pagsunod sa utos ng Diyos

38. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:


a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.

39. Piliin sa mga sumusunod ang hindiayon sa likas na batas moral:


a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa.
b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor.
c. Pangungulit sa bata na maligo.
d. Pagpipilit sa mga tao na magsimba

40. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?


a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng mabuti batay sapanahon,
kasaysayan at sitwasyon.

41. Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?


a. Upang hindi ituring na hayop.
b. Upang ingatan at payabungin ang tao.
c. Upang mapakinabangan ang tao.
d. Upang ituring na pinakamataas ang tao.

42. Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba. c. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
b. Huwag manakit at makasakit. d. Gawin ang tama at nararapat.

43. Alin ang hindi halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:


a. Police brutality c. Human Trafficking
b. Land Grabbing d. Gender Equality

44. Ang karapatan ang may kaakibat na____.


a. tungkulin c.dignidad
b.konsensya d.kilos-loob

45. Ang ____ ang magbubukas sa isang malayang pagpili kung ano ang makakabuti sa kanya.
a. karapatan c. dignidad
b.katalinuhan d. katwiran

46. Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao. Ngunit
may mga____ na kinakailangang sundin sa lipunan.
a. batas c. aspeto
b.pagpapahalaga d. wala sa nabanggit

47. Ang tao ay may malalim na____ at pinagmulan.


a. Karapatan c. Dignidad
b. Kahulugan d. Konsensya

48. Ito ay itinaguyod ng ibat ibang indibidwal mula sa ibat ibang panig ng mundo dahil sa mapait na karanasang dulot ng World
War II.
a. Universal Declaration of Human Rights c. Gabriela
b. United Nation General Assembly d. wala sa nabanggit
49. Ang simulain o ugat ng mga karapatang pantao ay masusumpungan o makikita sa ____ na taglay ng bawat tao
a. Dignidad c. Pananagutan
b. Konsensya d. Katwiran

50. Ang pagpapahayag nito ay pagsusumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ng bawat karapatan.
a. Universal Declaration of Human Rights
b Universal Declaration of Human Responsibilities
c. Human Responsibilities Advocates
d. People Welfare Society

51. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao at paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

52. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

53. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito
ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa
sa mga sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso

54. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi
lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong
maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting
barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang
mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay
magtatrabaho rito ng ilang taon.

55. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang
makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang
mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang
pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod
at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

56. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.

57. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit
ng mga banyaga
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa
buong mundo

58. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?


a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
59. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito
ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa
sa mga sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso

60. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?


a. Oo, dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong.
b. Oo, dahil sa pakikibahagi nito ay makamit natin ang layunin na makatulong para sa ikabubuti at ika-uunlad ng
nakararami.
c. Hindi, dahil dahil pagsasayang lang ito ng panahon.
d. Hindi, dahil mas marami pang makabuluhang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Inihanda ni:

SWEETZELL T. TAGUBA
Teacher 1
EsP 9 Subject Teacher

Checked:

ERWIN T. GUILLERMO, EdD


Principal 2

500020 – LOMBOY INTEGRATED SCHOOL


Lomboy, Angadanan, Isabela (3307)
lomboyisrecords@gmail.com/500020@deped.gov.ph
FB Page: Lomboy Integrated School

You might also like