Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
Minuyan National High School
Curvada, Minuyan, Norzagaray, Bulacan

BANGHAY ARALIN
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Petsa: Mayo 29, 2023 Oras: 2:10-3:10 pm Pangkat: 8- Kamagong

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na ang lahat ng mag-aaral ay:
 natutukoy ang mga iba’t-ibang uri ng pambubulas;
 nasusuri ang mga dahilan ng pambubulas at karaniwang sanhi kung bakit nabubulas; at
 mabigyang halaga ang paggalang at pagmamahal sa kapwa.
KRA 3-Objective 7: Planned, managed and implemented developmentally sequenced teaching and
learning process to meet curriculum requirements and varied teaching contexts.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Karahasan sa Paaralan (Pambubulas)
B. Sanggunian: ESP 8 Module 15: Karahasan sa Paaralan
Website: http://google.com.ph
C. Kagamitan: laptop, PowerPoint Presentation, Videos
KRA 3-Objective 9: Selected, developed, organized and used appropriate teaching and learning
resourses, including ICT, to address learning goals.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban at hindi liban sa klase
4. Energizer
B. Balik-Aral
Ano ang sekswalidad ng tao?
KRA 1-Objective 1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Pakingggan ang awiting “High School Life”
Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
 Masaya ka ba sa iyong pag-awit ng bawat linya ng kanta?
 Ano ang iyong damdamin sa iyong yugto ng hayskul?
 Masaya kaba sa iyong mga karanasan o merong mga karanasang nais mo ng
kalimutan? Ipaliwanag.
KRA 2-Objective 6: Used differentiated, developmentally appropriate learning experiences to address
learners gender, needs, strengths, interest and experiences.

2. Pagtatalakay
1. Video Presentation: Panoorin ang segment ng sikat na programang Kamuso Mo
Jesica Soho na may temang “No to Bullying!”.
2. Pagpapaliwanag:
 Pambubulas- ito ay madalas o sinasadyang malisyosong pagtatangka ng
isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang
biktima sa paaralan.
 Mga Uri ng Pambubulas
Uri Kahulugan Halimbawa Larawan
Pasalitang Pagsasalita o  Pangangantyaw
Pambubulas pagsusulat ng  Pangungutya
masasamang  Panunukso
salita laban sa  Panlalait
isang tao.  Pangaasar
 Paninigaw
 Pagmumura
 Pang-iinsulto
 Pagpapahiya sa
harap ng maraming
tao
Sosyal o Ito ay may  Hindi pagtanggap
Relasyonal na layuning sirain sa isang tao
Pambubulas ang reputasyon  Sadyang pagiwan
at ang sa maraming
pakikipagugnay pagkakataon
an sa ibang tao.  Panghihikayat sa
ibang magaaral na
huwag
makipagkaibigan sa
isang particular na
indibidwal o
pangkat
 Pagkakalat ng
tsismis
 Pagpapahiya sa
isang tao sa gitna
ng nakakarami
Pisikal na Ito ay pisikal na  Panununtok
Pambubulas pananakit sa  Paninipa
isang tao o  Pananampal
pangkat at  Biglang pagalis ng
paninira ng upuan habang
kanyang nakatalikod upang
pagaari. matumba ang
nakaupo
 Pagkuha at pagsira
ng gamit
 Pagpapakita ng
hindi magagandang
senyales ng kamay
 Ang Nambubulas
Ayon kay Karen E. Tuninski (2008) ang dahilan ng isang tao ay maaring
maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki ng kanyang magulang.
 Profile ng Nambubulas
1. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang
lahat ng kanyang gusting gawin at hindi napapaalalahanan lalo na sa mga
hindi tamang nagagawa.
2. Hindi nararamdaman sa kanyang pamilya ang pagmamahal.
3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya.
4. Ginagamit ang pananakit bilang pagdedesiplina.
5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na nagdudulot ng pagkakaroon
ng damdamin ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan
sa pananakit sa iba.

 Mga Dahilan bakit binubulas ang isang tao


Dahilan Salitang Halimbawa Larawan
banyaga
Kaibahang Physically  Pagkakaroon ng
Pisikal different kapansanan sa
katawan
 Masyadong mataba o
payat
 Mahina o astigin
 Masyado matangkad
o bansot

Kakaibang Dresses up  Masyadong maikli o


estilo ng differently bulgar manumit (kung
pananamit babae)
 Masyadong mahaba o
ballot ang katawan
(konserbatibo sa
pananamit)

Oryentas Sexual  Mahina kung lalaki


-yong orientation  Astigin kung babae
sekswal

Madaling Short-  Madaling magalit


mapikon tempered

Balisa at di Anxious  Kawalan ng seguridad sa


panatag sa and sarili
sarili insecure

Mababa ang Low self-  Kawalan ng tiwala sa


tingin sa esteem sarili
sarili

Tahimik at Quiet and  Mapag-isa


lumalayo sa withdrawn
nakararami

Wala kang inability to  Mahina


kakayahang defend
ipagtangggol oneself
ang sarili

 Epekto ng pambubulas
1. Posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin, sa
pagtulog (sleep difficulties), mababang tiwala sa sarili, maging maskit ang
ulo at tiyan at pangkalahatang tension at stress.
2. Madalas ay kakaunti ang kaibigan o walang kaibigan.
3. Posibleng epekto rin ay ang posibilidad na sila mismo ay maging marahas,
maaaring sa panahon ng pambubulas o sa hinaharap.
KRA 1-Objective 3: Applied a range of teaching strategies to develop critical thinking as well as your
higher order thinking skills.
KRA 1-Objective 2: Used a range of teaching strategies that enhance learners achievement in literacy
and numeracy skills.
D. Paglalahat
Malayang talakayan. Isa-isahin ang mga sanhi, dahilan at epekto ng pambubulas bilang
karahasan sa paaalan.
KRA 1-Objective 3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking as well
as other higher order thinking skills..
MORAL
“Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay, ngunit ang buhay ay winasak ng
karahasan”
Kawikaan 11:30

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pahayag.
TAMA 1. Ang labis na pagkabalisa, kalungkutan, mababang tiwala sa sarili ay ilan lamang sa
epekto ng pambubulas.
TAMA 2. Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka
ng isang tao o pangkat na saktan katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan.
TAMA 3. Ang paggamit ng pananakit sa anak bilang pagdidisiplina ay isang dahilan upang ang
kanilang anak ay mambulas.
TAMA 4. Mahalagang maunawaan ng lahat ng kabataan na hindi normal na kasama sa paglago
ang pagiging biktima ng pananakit ng kapwa.
MALI 5. Isa sa posibleng epekto sa biktima ng pambubulas ay ang posibilidad na sila mismo ay
maging mabait.
KRA 4-Objective 10: Designed, selected, organized and used diagnostics, formative and summative
assessment strategies consistent with curriculum requirements.

V. TAKDANG ARALIN
1. Gumawa ng isang news letter na may paksang karahasan sa paaralan.
2. Ang newsletter ay dapat naglalaman ng sumusunod:
 Mga kaalamang nais pipamahagi sa kapwa mag-aaral.
 Mga halimbawa ng mga karahasang nagaganap sa paaralan na makakatulong sa kapwa
mag-aaral na mamulat sa masmang dulot nito.
 Mga ideya kung paano maiiwasan ang karahasan sa paaralan.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

JEFFERSON B. TORRES MA. CYNTHIA C. BASA


Teacher 1 Pang-Ulong Guro
Date: Mayo 29, 2023 Date: Mayo 29, 2023

You might also like